Obsession #2: The Mafia Lord'...

By AG_Potter

392K 7.9K 465

Genre: Action/Adult-Fiction "Escaping eh?" Napatalon sa gulat si Melarie nang bigla na lan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4: Lies...
Chapter 5: Escape...
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11-A
Chapter 11-B
Chapter 12: The Bipolar King
Chapter 13: The Masquerade Ball
Chapter 14: Almost
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 24

4K 88 5
By AG_Potter

"I've been loving you for so long."

Napatanga ako sa huling text na ibinigay sa akin ni a.k.a. Oscuro. Unbelievable! Impossible!

Dalawang buwan na akong binubugabog ng text at tawag nitong si a.k.a. Oscuro. But until now, hindi ko pa rin matukoy kung sino siya. I've managed to change my Sim last month pero eto't nakuha niya na naman. He even threatened to hurt my bestfriends kung magpapalit pa daw ako, at dahil sa takot ko, hinayaan ko na lang siya. Nag rereply din ako minsan sa kanya lalo na pag sinasabi niyang sakanya daw ako. Ngek ngek niya! Di ko nga siya kilala!

I replied back

To: +639482821***:

Sino ka ba ha? Tsaka kung makapag sabi ka niyan... Parang kilalang- kilala mo na ako.

Makaraan ng ilang segundo, nag reply agad siya.

+639482821***:

😏

Nanggigigil kong initsa ang aking CP sa ibabaw ng aking kama! Ang hudyo! Emoji pa ang ni send sa akin.

Biglang tumunog ang Cellphone ko.

Tumatawag siya.

Dahan dahan kong pinindot ang answer button ng de-keypad kong nokia phone at inilagay sa kanan kong tenga ang cp ko.

"I'm sorry..." sabi niya sa napakalalim na boses na parang hinugot pa sa banga.

"I didn't mean to offend you and give you doubts." pagpapatuloy niya. I remained silent dahil na i-entertain ako sa malagom niyang boses.

"I...really love you. The first time i saw you crying... I fell inlove " sabi niya na nakapag pakunot sa noo ko.

Kailan niya ako nakitang umiyak?
"You were too young that time... Rie... The time when you saw your parents...DIE." nabitawan ko ang CP ko.

I... I was beyond shock.

Kung ganun... Was he there when it happened?

Hindi ko napigilang mapaluha... Is he one of the killers?

Pero impossible...

Kinuha jong muli ang cp ko at itinapat ito sa tenga ko.

"I... I was in the neighbourhood." he defended.

"I was moved by your cries. I wanted to comfort you that time but its the most reckless move...if ever. You don't even know me." tila may pait sa bawat salitang binibitawan niya.

"I am demon... I admit. But this Demon will change... Just love me back." nagitla ako nang biglang may kung anong putok akong nadinig sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan. Nadinig ko siyang nagmura ng sunod sunod.

"Okay ka lang." bigla kong naitanong.

"Yes..." mahina niyang sagot.

"I---better find some place safe. End the call now." he said.

Napatingin lang ako sa screen ng phone ko.

"Please ..." he begged.

Kaagad ko naman ginawa.

Napasapo ako sa dibdib ko.

What am i doing? Ba't ko siya hinahayaang kausapin ako ng ganun?

---

Hah!"

"I see... Nagising ka na pala. I needed to cut your reunion with your memories for some matters." napayuko ako at tiningnan ng maigi ang mga tauhan niyang inaalis ang tali sa aking paa.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. I really am...that person. It isn't a dream.

Bigla akong napaiyak nang maalala ko si Gemma. My dear sister...

Naaalala na kita. Kahit sandali lang ang ginawang pag papaalala sa akin ni Treven, still, I'm very thankful.

Automatic na nagsulputan ang iba ko pang ala ala. The missing pieces of my life suddenly came back... Rushing like the infinite flow of water. The accident, me...losing my memory for the first time...me forgetting my status with Trevore.

I remembered the scene...where my parents was killed.

Trevore's lies. Trevore's Dad.

My sister being taken away... And it was Trevore's doing just to put a fucking ring on my finger. I remembered...everything.

"Trevore..." yes... He is Oscuro. The mystererious texter of mine. The one whom i accidentally fall in love with. Ang asawa ko.

Second year highschool kami nang maging kami. He really did change.

And Treven...

Napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon.

His face was in full rage.

Bakit?

"You dared call his name infront of me..." he said. His voice radiates danger.

"Treven...Treven salama---"

"I don't fucking need your thanks! I want you to loathe my brother! And love me instead!"

Bigla niya akong dinaluhong at hinawakan sa leeg.

"What's with him na wala sa akin?! What's with him na kahit napaka demonyo... Minamahal mo pa rin?! He even ruined your life!"

"I---i don't know! M-mahal ko lang talaga s-siya!" and that's true. Even after his lies. Even after his devious demeanors. I still love him and I don't know why!

Ngayon ko lang napagtanto. Mahal ko talaga si Trevore. Nakalimutan lang ng isip ko.

Siya ang nagpadukot sa kapatid ko noon. The time when he got mad because i didn't do something to distance myself from his twin. Napilitan akong magpakasal sa kanya para mapalaya ang kapatid ko, but, hindi ko pinagsisihan ang kinahinatnan ko noon. He became a lovable husband. He never hurt my sister.

Pero nasira yun, nang pumagitna ang Papa niya. Ang papa niya na kinamumuhian ako. Ang papa niya na wala nang ibang ginawa kundi sirain kaming dalawa.

Emmanuel Salvatore. The devil behind the Tragedy in my life.

Ang dahilan nang pagkawala ng memorya ko noon.

He is the one who erased my memory. Not Trevore.

But still, it pains me... Nung sumang ayon siya sa gusto ng papa niya. Hindi ko alam ang rason kung bakit. He totally erased everything.

Tsaka babalik siya at aakuin na magiging future wife niya ako.
Na isang kasinungalingan lamang pagka't alam niyang... Hindi pa kami hiwalay.

"Stop loving him! Stop your fucking feelings for him!"

Pilit akong sinasakal sa leeg ni Treven. Mawawalan na ako ng hininga at pakiramdam ko namumutla na ako.

"I---i can't breat---h."

My eyes widened when he blow air to my mouth. Nakanganga ako ng oras na yon. After that, hinalikan niya ako ng sobrang diin na halos mayupi na ang ilong ko. Hindi ako makaiwas dahil hawak niya ako sa leeg.

All i could do is cry in so much disgust...and pain.

Ang dati kong bestfriend...

What happened to you?

Tumigil lang siya nang maubusan siya ng hangin. Ako?

Hinang hina. Di ko na rin magawang imulat ang aking mata. Naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa akin ni Treven then after that...

Kinain na ako ng kadiliman.

---

"Mom?" i called. Nadinig ko kasi ang pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Inayos ko ang pagkakahiga ni Gemma sa aking lap. Nakatulugan pala namin ang paghintay sa magulang namin.

"Mom? Dad?" pangalawang tawag ko nang mapansin kong wala namang nagbukas ng gate. Napagdesisyunan kong tumayo. Inayos ko si Gemma sa sofa bed at iniwan.

Sumilip ako sa bintana namin.

Nakita ko ang itim na kotse ni Papa na nakaparada sa harap. Ngunit sa unahan at likuran nila ay may kotse din.

Nasa labas si Papa at may kausap na tao. Hindi ko maaninag ang mukha ng tao kasi madilim.

Lalabas na sana ako para punatahan sila nang bigla akong makarinig ng putok ng baril. Agad akong sumilip muli sa bintana at nakita si papa na nakaupo sa semento habang sapo sapo ang kanan niyang binti.

"P-papa?!" sigaw ko kasabay ng isa pang putok. Nakita kong lumabas si Mommy sa kotse at lumuhod sa harap ng nakasumbrerong lalaki.

Iniharang niya ang kanyang katawan kay papa.

"--ease, don't kil---" ang tangi kong nadinig.

Yumuko ang lalaki at tinulungang tumayo si Mama. Akala ko kubg ano ang gagawin ng lalaki.

Bigla na lang nitong kiniss si mommy sa lips!

Nanlaki ang mata ko.

Nagpupumiglas si Mommy sa hawak ng manyak pero malakas ata eto.

Itinulak nito si mommy sa harap ng kotse ni Papa at sinapak ng paulit ukit. Gustong gusto ko nang lumabas at tulubgan si Mommy. Pero nakita ko si Papa. Tumingin siya sa akin at sunod sunod na umiling. Alam ko kung ano ang gusto niya. Kahit masakit sa dibdib, lumayo ako sa bintana at kinarga ang natutulog kong kapatid.

Umakyat kami sa taas ng bahay namin at pumasok sa silid naming magkapatid. Ibinaba ko muna ang kapatid ko sa kama at pinuntahan ang maliit na secret room sa ilalim ng kama naming magkapatid na ginawa pa ni Papa.

Kumuha ako ng unan at blanket atsaka ko inihiga si Gemma. Nilagyan ko rin ng pantakip sa mata at tenga ang kapatid ko para di muna siya magising.

Nagkasya kami sa maliit na taguang iyon. Isinarado ko ang pinto at tahimik na umiyak.

"Mommy...Papa..." bulong ko habang humihikbi.

Napatigil ako nang marinig ko ang mga yabag na papa akyat dito sa amin. Niyakap ko ang kapatid ko at pumikit.

"Walang ititira." dinig kong utos ng isang nakakatakot na boses.

Lumuluha akong pinakinggan ang lahat ng ginagawang ingay ng mga masasamang tao.

Sinira nila ang lahat ng gamit na nasa kwarto namin. Binasag din ang salamin.

"Sa ibaba ng kama. Tingnan niyo."

Bigla akong nanginig sa takot pagkarinig sa utos ng kanilang boss.

Napatingin ako sa kapatid ko at hinalikan ko siya sa noo.

'I love you Baby Sis...'

"Boss! Si Valoso! Tumatakas!"

"Punyeta!"

Biglang nagsitakbuhan ang mga lalaki palabas. Napahinga ako ng maluwag.

"Ate... Ba't ka iyak?" napayuko ako kay Gemma at hinalikan ulit siya sa noo. "Shhh, may tao baby. Super bad. Quiet ka lang ah?"

Tumango lang siya at pumikit.

"Dito ka lang."

Lumabas ako ng aming taguan at gumapang papaalis sa ilalim ng kama.

Tinakbo ko pababa ang hagdan at dali daling tumago sa kurtina.

Tumingin ako sa labas. Wala na ang mga kotse.

Pumunta ako sa kusina at lumabas ng back door.

Dumaan ako sa gilid ng bahay namin para makapunta sa gate.

Tumingin ako sa labas ng kalsada.

Sa isang kanto.

May isang kotseng sinusunog ng mga naka itim na lalaki.

I saw my Mom and Dad... Being burned.

Napaiyak ako nang sobra dahil sa nakita.

"Mommy!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na iyon. Panaginip na alam kong totoo. Totoong totoo.

Napaiyak ako habang inaalala ang bawat detalye niyon.

The horrid fact that i want to forget... Pero naaalala ko na...

"Why are you crying?"

Napatingin ako kay Treven na kakapasok pa lang ng kwarto.

Napatingin ako sa paligid at napansin kong...parang nasa isa kaming Cabin? Maliit lang kasi ang espasyo kung i c-compare sa mga kwartong pambahay.

"We're in the middle of the sea." blankong pag imporma sa akin ni Treven. "Again... Why are you crying?"

Napakagat ako ng labi at tumingin sa labas ng bintana. Nagbabadya na namang mahulog ang aking mga luha. "Wala." sagot ko.

Nagbuntong hininga siya at umupo sa harap ko. "Tell me." hinawakan niya ang buhok ko ngunit kaagad akong lumayo.

"Don't touch me please."

He sighed then stood firmly. "Kumain ka na." tanging sabi niya. Ngayon ko lang napansin ang tray na may mga pagkain sa mini table na katabi ng kamang kinahihigaan ko.

Biglang kumalam ang tyan ko pagkakita sa pagkain.

Kinuha niya ito at inilapag sa ibabaw ng kama at hinintay akong galawin ito.

"Okay." he said in defeat. "Lalabas muna ako." at lumabas nga siya.

Inubos ko ang lahat ng pagkaing dinala ni Treven sa akin. Dahil na rin siguro sa gutom at pagod.

Pagkatapos ay nahiga akong muli at nag isip isip.

Maraming taon na pala.

Maraming taon ko nang nakalimutan ang tungkol sa amin ni Trevore.

Pagkatapos maalis ang aking memorya, nagsimula ako sa pangangapa sa mga bagay na hindi ko na matandaan. Naniwala ako sa kasinungalingan.

Nabuhay akong muli sa paniniwalang naaksidente ako kaya wala akong matandaan.

Kasama ang kapatid ko, natuto kaming tumingin na lamang sa hinaharap. At tinanggap ko na ring hindi ko na maaalala pa ang aking nakaraan.

Tanging maliliit na detalye lamang ang alam ko tungkol sa mga magulang namin, at ito'y kwento pa ng aking kapatid.

Ngunit ngayon...

Hindi ko napigilang hindi umiyak muli pagka alala ko sa aking mga magulang. Dapat di na lang nila binalik ang memorya ko. Mas masakit ngayon dahil lahat ng nangyaring trahedya sa buhay ko ay naaalala ko. Napakalinaw.

Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi at tumayo.

Lumapit ako sa nakabukas na bintana ng Cabin.

Ang asul na karagatan at makulim lim na kalangitan ang bumungad sa akin.

Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto sa pag aakalang nasa malapit lamang si Trevore. Paniguradong hindi niya ako papayagang lumabas sa kwartong kinasasadlakan ko.

Isang hagdan lamang ang nakita ko paglabas ko.

Kung ganoon? Ay nasa isang yate lamang kami?

Pumanhik ako sa hagdan at habang papaakyat ako, nararamdaman ko na rin ang malamig na simoy ng hangin. Ang pamilyar na amoy ng tubig dagat.

Otomatikong napatingin ako sa taong biglang humawak sa aking braso. "Treven!" galit ang unang rumihistro sa mukha ni Treven.

"Why did you come up?" may diing tanong niya.

"Y-you can't expect me to remain locked up inside that room."

"Go. inside. Now."

"No." madiin kong protesta.

"Don't make me...drag you back to that fucking room!"

Napapikit ako dahil sa pagsigaw niya direkta sa mukha ko.

"N-no---ahhh!"

Napapilipit ako sa sakit nang bigla niya akong sabunutan.

Napaiyak ako habang nakahawak sa kamay niyang nakasabunot sa buhok ko.

Ang sakit sa anit.

Gamit ang kaliwa niyang kamay, mariin niyang kinulong ang aking baba habang pinipisil ito ng mariin.

"B-bitawan mo ako!"

"I told you to go back inside but you still insisted to stay. Ayaw mong makinig sa utos kaya masasaktan ka talaga!"

Mas diniinan niya pagkasabunot sa akin kaya mas pumalahaw ako ng iyak.

"Masakit! Please. Bitawan mo na ako."

"No! Not until you learn your fucking lesson!"

Itinulak niya ako nang sobrang lakas at nakatama ako sa railings ng yate. Halos mahilo hilo akong tumayo sabay sapo sa nakatama kong ulo.

"You're worse!"

He snickered then gave me a dangerous look. "No baby... I'm the worst. Now come here, let me give you a doze of your own medicine." parang baliw na sabi niya. Unti unti siyang lumapit sa akin kaya umtras ako hanggang sa tumama ang bewang ko sa railings.

Napatingin ako sa karagatan.

Kung tatalon ako? Makaka survive kaya ako? Mukhang napakalalim masyado ng dagat na ito...

Napatingin ako sa hindi kalayuan. May munting isla akong nababanaag. There's a tiny hope na makakapunta ako dun.

Pero kahit mamatay man ako... Mas gugustuhin ko pang malunod na lang kesa manatili sa hawak ng isang demonyo!

Sana lang, mahanap nina Ron ang bangkay ko. Sana...

"Don't ever try to jump." banta ni Treven. Napatingin ako sa kanya at napangiti ng sarkastiko. Halata sa boses at mukha niya ang pangamba. Now i remember, he is not a swimmer. Adbentahe ko siguro kung mabuhay man ako sa karagatang ito.

"Fuck you." madiin kong sabi sakanya bago nagpatihulog sa asul na karagatan.

"No!" huling salitang nadinig kong sigaw niya bago ako bumagsak sa mala yelong lamig ng tubig dagat.

Parang nawala lahat ng senses ko sa aking katawan dahil sa lakas ng impact ng aking pagkakahulog. Kahit nakakapanghina, pinilit ko pa rin i-kumpas ang aking paa't kamay papunta sa isang direksyon.

Mahirap ngunit mas gugustuhin ko pa ang ganitong hirap kesa ang makasama at maghirap sa kamay ng dati kong matalik na kaibigan.

Mas pipiliin ko pang mamatay kesa mapunta kay Treven.

Pinangapusan ako ng hininga kaya inahon ko ang aking ulo.

Napatingin ako sa Yate ni Treven. Malayo layo rin pala ang nagawa kong paglangoy papalayo sa Yate niya.

Nagsimula na akong maglangoy na parang experto. Nakakamanhid, sobrang ginaw, at nakakapagod. Pero lahat ito ay titiisin ko, makapunta lamang ako sa maliit na isla na iyon.

Muli akong tumingin kay Treven na nag pupuyos sa galit. Kasalungat kasi ng direksyong tinatahak ko ang direksyon ng takbo ng kanyang Yate. Hindi niya rin ito mapapa atras. Kailangan niya itong iikot.

Ilang metro na rin siguro na abot ko pero di ko pa rin naaabot ang Islang nabanaag ko kanina. Nanghihina na ang puso ko. Gusto ko nang magpahinga. Hindi ako katulad ni Beowulf na nakayanang languyin ang karagatan.

Hindi ko namalayan na marami na pala akong nainom. Unti unti ay lumubog ako sa tubig. Pilit ko mang i ahon ang aking katawan, mas mabigat parin ang pwersa ng karagatan. Unti unti na ring dumidilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong kainin nito...

***

Nakakadinig ako ng mga ugong. Parang boses...

May nag uusap na dalawang tao.

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at ang munting tanglaw ng ilaw ng lampara ang bumungad sa aking kamalayan.

Napatingin ako sa aking gilid at duon ay nakita ko ang tatlong taong animo'y nasa isang conference room.

Napatingin ako sa batang katabi nila. Nakatingin ito sa akin habang nanlalaki ang cute na mga mata.

"L-lola."

Kinalabit niya amg babaeng matanda kaya napatingin ito sakanya.

"Bakit iho?"

Itinuro ako ng batang lalaki kaya mapatingin na rin sa akin ang matandang babae.

"Gising na siya Carlos." pati ang matandang lalaki ay napatingin na rin sa akin. Lumapit silang dalawa at tinulungan akong umupp ng maayos.

"Kamusta iha?"

Maayos na po.

Walang lumabas na salita sa akin bibig. Namamalat rin ang aking lalamunan.

"Wag ka munang masyadong magsalita iha. Maraming tubig dagat ang iyong nainom. Nagugutom ka ba?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at biglang tumango.

"Sige, ipaghahain muna kita, maiwan ko muna dito ang apo ko ah? Lika na Carlos." at lumabas na ang mag asawa sa kwartong aking kinaroroonan.

Umupo sa gilid ng katre ang batang apo ng mag asawa.

"Ate... Ako po si Carlito..." pagpapakilala ng bata.

Ngumiti ako at inilahad ang aking kamay.

Tinanggap niya ito at hindi na naghintay pa sa aking sagot. Alam naman na siguro niya ang kondisyon ko.

"Ang ganda mo po ate." muli aking ngumiti ng malapad habang nakatingin sa kanyang namumulang mukha.

"Para ka pong dyosa." pagpapatuloy niya. Hinawakan ko ang ulo niya at hinaplos.

Kulit. Gwapo ka rin.

Sabi ko kahit walang boses. Mouth-reader siguro siya kaya agad niyang na-gets ang sinabi ko.

Maya maya'y dumating na ang mag asawa.

Nakakahiya, pinatuloy na nga ako nila at pinagsisilbihan, di ko man lang matanong ang kanilang pangalan.

"Ah, iha, ako nga pala si Celya, at ito si Carlos asawa ko." siguri ay nabasa niya ang aking nais ipabatid sa pamamagitan ng aking titig. "At itong apo namin ay si Carlito. Ang mama niya ay nasa Manila't nagt-trabaho..."

Napakunot ang noo ko dahil hindi niya sinabi kubg may papa si Carlito. Pero hinayaan ko na lang. Baka kasi may issue ang Papa ni Carlito. Ayaw ko namang manghimasok.

Nagsimula na akong kumain muli, nagutom na naman ako.

Pagkatapos kong kumain ay sinubukan ko nang tumayo, at laking pasalamat ko't nagawa ko naman.

Dalawang araw na akong nananatili kina Nanay Celya at Tatay Carlos, at laking pasasalamat ko at napakabait nila sa akin at itinuring nila akong kapamilya.

Nagawa ko na ring magsalita ng maayos at naibalik ko na rin ang aking nawalang lakas.

"Ate." napatingin ako kay Carlito na nakasandal sa hamba ng pinto. Niyakag niya ako papunta sa labas. Dalwang araw na akong nandito pero di ko pa rin nakikita ang buong lugar.

Lumabas kami ng kwarto at ipinakita ni Nanay Celya ang kanilang buong kabahayan at bakuran.

Simple lang ang straktura ng kanilang bahay. Dalawang palapag na konkreto. Malawak din ang kanilang bakuran. Mga ilang lakad pa siguro bago mararating ang kabilang bakod. Ang kanilang kapit bahay.

Sa kanilang harapan ay naroon ang dagat.

Alas singko pa lang ng umaga kaya hindi pa gaano kasikatan ng araw.

Ang sabi rin sa akin ni Nanay Celya, isang araw daw akong tulog. Si Tatay Carlos nga ang nakakuha sa akin habang namamangke daw ito. Nakita daw akong nakalutang sa dagat malapit sa Isla De Vera---ang islang kinaroroonan ko ngayon. Private property daw ito at tanging ang mga dating naninirahan lang dito ang mga nakatira. May karatig isla din pala itong Isla De Vera, mas malaki at halos kasing unlad na rin Maynila.

Hindi lang masyadong tanyag ang Islang ito dahil nga pribado.

"Ahm... May transportasyon din po ba papuntang Maynila?" bigla kong tanong. Wala akong balak na manatili dito. Maraming bagay ang dapat kong ayusin na naiwan ko sa Maynila. At isa pa, masyado ko nang inabala ang pamilya ni Tatay Carlos. Laking pasalamat ko na nga lang at sobrang bait nila.

"Hmm, oo iha. Sa kabilang isla, may barko silang umiikot sa Pulo ng Isla."

Umiikot? Baka matagal ang daong?

"Ilang semana po ba bago dumaong ang barko sa Maynila?"

"Ang alam ko, mga isang araw lang naman. Malapit lang naman kasi ang maynila."

Napatango tango ako.

"May balak ka bang bumalik sa Maynila Iha?" tanong ni Tatay Carlos.

Nahihiya naman akong tumango.
"Kung ganun, hintayin mo na lang ang anak namin. Uuwi siya bukas, sabay na lang kayong dalawa na lumabas ng Maynila."

"Sige po."

Napatingin ako kay Carlito na kalong ni Tatay Carlos.

Biglang kumunot ang aking noo nang ngumiti ito sa akin ng ubod ng lapad. Parang may namumukhaan ako sa kanya eh.

Parang maliit na bersyon ni Dionysus.

***

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa sala ng bahay nina Nanay Celya.

Napatingin ako sa nakabukas na bintana ng kwartong kinaroroonan ko.

Madilim pa ang paligid pero ba't parang may party sa baba?

Rinig na rinig ko ang tawa ng isang babae. Parang pamilyar sa akin ang boses niya.

Dala ng kuryusidad. Lumabas ako ng kwarto at bumaba.

Nakatagpuan ko pa si Tatay Carlos na may dalang Juice habang nakangiti.

"Tay,"

"Oh, iha, halika sa Sala. Dumating ang anak kong si Gilliana"

Sumabay na ako kay Tatay Carlos habang nakayuko.

Nakakahiya, feeling close naman ako masyado nito.

Nadatnan namin ang isang magandang babaeng naka upo sa mahabang sofa habang kalong si Carlito. Si Nanay Celya naman ay abala sa pagtipa sa tablet.

"Oh ito na ang Juice." masayang imporma ni Tatay.

Napatingin sa amin ang tatlo. Lumapit sa akin si Carlito at hinatak ako paupo sa katabi ng kanyang mama.

Hindi pa rin ako nakatingin sa Mama ni Carlos. Nahihiya ako.

Suot ko kasi ang isa sa kanyang damit.

"Bruha?"

Agad akong napataas ng tingin dahil sa pagtawag niya.

Automatic na namilog ang mata ko nang makilala ko ang Mama ni Carlos.

"Gigi?!" gulat kong tanong.

Sunod sunod siyang tumango. "Hayp! Bruha ka?! Ba't ngayon ka lang nagpakita?!"

Bigla niya akong kinurot at niyakap.

Napayakap na rin ako sakanya ng mahigpit. Si Gigi na bestfriend ko simula pa noong Elementary hanggang Highscool. Ang baliw kong bestfriend.

"Sorry, andami kasing nangyari. As in napakarami." sabi ko na lang. Di ko mapigilang hindi umiyak habang yakap pa rin si Gigi.

Di ko inaaasahan na magkikita kami dito, pero pasalamat na rin ako't nagkita kaming muli.

Nakita kong kinuha ni Nanay Celya si Carlito at sabay silang tatlo na pumunta muna sa kusina.

"Bitch ka! Kinalimutan mo na ako." may halong hinanakit na pahayag ni Gigi.

"I'm sorry Gi, madami kasing nangyari sa akin noong huling taon na natin sa Highschool. Pagkatapos nun, lumipat na kami ng tirahan ng kapatid ko."

"Hmp! At di mo man lang ako inabisuhan?"

"Sorry na... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang nangyari sa akin, pero... Hindi ko talaga sinasadya. Miss na miss kita Baliw."

Ngumiti siya ng malapad at muli akong niyakap.

"Btw, sino ang ama ni Carlito? Ikaw ha... Tsaka... Asan na sina Mommy at Daddy mo? T-totoo bang... Mama at Papa mo si Nanay Celya at Tatay Carlos?."

Tumango siya nang marahan. "Oo, sila ang tunay kong mga magulang. Sina Mommy... Ampon lang nila ako. Nung ipinagkasundo nila akong ipakasal kay Fabio---anak ng kasosyo nila sa negosyo---doon ko na nalaman ang lahat. Actually, di naman talaga nila ako ampon, ninakaw nila ako kina Mama at Papa. Kaya ito, hinanap ko sila, at sa tulong ng isang kaibigan, nahanap ko sila. Dalawang taon na akong nakapiling nina Papa."

"Eh...si Carlito? Si Fabio ba Paa niya?"

Mabilis na umiling iling si Gigi. "Hindi. Hinding hindi ako magkakagusto sa Maniac na yun. Di ako magpapa anak dun kahit ubod man siya ng yaman."

"Eh sino?"

Napabuntong hininga siya at mabilis na nagpahid ng luha.

"He's a jerk... Manloloko. Gaano man siya ka-gwapo. Manloloko pa rin siya. His name is Dionysus. P-pero... Patay na siya. Siguro karma niya yun. Manloloko siya eh. Timer!" halata sa boses at mukha ni Gigi ang labis na sakit. Ewan ko kung dahil sa panloloko ng lalaki or dahil sa patay na ito.

"I love Dionysus..so much." pag amin niya atsaka umiyak nang tahimik.

Bigla kong naalala si Dionysus na kaibigan ni Trevore.

Pero impossible namang iisang Dionysus ang iniisip ko at sa lalaking nangloko kay Gigi.

"Yaan mo na Gi, makaka move-on ka rin." pag aalo ko sakanya.

"Yeah... Sana." bigla kaming natahimik pagkatapos niyon. Pero siya rin naman ang unang bumasag.

"K-kamusta kayo ni Trevore? May anak na ba kayo?"

Tila pinangapusan ako ng hininga dahil sa tanong niya. "W-wala." matipid kong sagot.

"Tss. Naunahan ko pa kayo. Si Gemma? Kamusta yung batang yun? Sure ako ang ganda na nun."

Napangiti ako pagkarinig sa pangalan ng kapatid ko pero kaagad ding nalungkot nang maalala ko ang mga nangyari. Sana inaalagaan siya ni Juno ng maayos.

"B-balak ko na ngang umuwi para makita ko na ulit siya." sabi ko.

Napatango tango siya. Kumuha siya ng Juice at agad na lumagok hanggang sa mangalahati na ito. "Btw, bakit ka pala nandito? Nakapagtataka grabe."

Napayuko ako at nag isip na maaaring rason.

"Nasa misyon ako. Tapos... Nagkaship-wreck."

"Ba't wala akong nabalitaan na may shipwreck?"

"Kasi... Confidential. Operational kasi ginawa namin." you're the lamest lier...Rie. Sita ko sa sarili ko. I can't help but to weave a lie. Hindi ako maaaring mag open up kay Gigi. Masyadong magulo ang mga nangyari sa akin para idamay ko ang kanyang pag iisip.

I have to find a specific motivation. Yung mag p-push sa akin na umamin sakanya.

"Btw." napatingin ako kay Gigi na biglang pinagsalop ang aking mga kamay.

Kita sa mukha niya ang matinding awa at pagkagulo.

"Di kayo magkikita ni Trevore noong nakaraang mga araw?"

Tumango tango ako.

"K-kung ganun..." bigla siyang nanlumo at tila pilit na tinatago ang lungkot at awa. Ngunit halatang halata naman.

"A-ano?" bigla akong kinabahan sa di ko alam na dahilan.

"Di mo pa alam ang nangyari sa asawa mo?"

Asawa...

"S-si Trevore?... A-anong nangyari sakanya?"

"Umire sa T.V. at Radio ang...ang balitang... Patay na siya. Alam ko kasi... Kaibigan siya ng Dionysus na ama...ni Carlito Gian."

🚧🚧🚧

A/N: Malapit ko nang matapos. Don't worry po, bibigyan ko ng Special chapters, POVs nina Trevore and Treven sa past nila.

-Moon

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
276K 4.6K 30
Violet sandoval is a poor girl who provide she and her mother's daily life expenses , work her ass off in a small cofffee shop , and one day caught t...
131K 2.3K 54
My breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Paran...