The Bestman's Girlfriend

By xianrandal

5.1M 54.1K 1.7K

What if.... Somebody will be claiming in front of your family that she is your girlfriend? You never met her... More

The Bestman's Girlfriend (Book 1 & 2)
Explanation
1 The Dare
2 Sign-up
3 Job Interview
4 First Day
5 Games
6 Yemma Dominez
7 Ruel
8 Tita Lourdes
9 Ruel's Charm
10 Girls
11 Irog & Boyfriend
12 Ruel and Candice
13 Mga Hirit
14 Pasabay
15 Bistado
16 The Dance
17 Ligaw
18 Ligaw Pa Rin
19 Compostela Valley
20 Dyanne
21 Wrong Timing
22 Ruel's Plan
23 Outing
24 Official
25
26 Spongebob
27 Conference
28 Hotel
29 Lock the Room
30 Thalia
31 Second or Third Chance
32 Dinner
33 Tom
34 The Decision
BOOK 1 - End
BOOK II-1
Book II-2 The Meeting
Book II-3
Book II-4
Book II - 5
Book II-6
Book II-8
Book II-9
Book II-10
Book II-11
BOOK II-12
Book II - END
When A Beki Falls In-Love
RUEL'S CHARM
MarXie
Facebook Accounts

BOOK II-7

74.4K 958 54
By xianrandal

7

*******

Dahil sa ilang messages sa inbox, mga isa…wahahaha, mag uupdate na ako, sobbbbbbrrrraaaang busy talaga! Hangang end ng March ito, then wagas ang power blackout sa amin! As in every hour, rotational kaya di rin stable ang koryente…kaya ganun..yun lang, so di ba, mabait naman kayo? Leave a comment and click the vote button, para sa magandang tulad ko….

**********************************

Nagtataka man ay sumunod si Elvin. Pagdating sa cottage ay biglang umiyak si Candice. Nataranta naman si Elvin, inaway ba ito ni Aron Miguel? Wala naman siyang nakikitang problema nung dumating siya kanina, o baka naman nahuli siya ng dating?

“Anong nangyari? May ginawa ba siyang masama sayo ha, Babe?” Nag-aalalang tanong niya.

“Wala. Pasensiya ka na Elvin ha. Ang tanga-tanga naman kasi niya, imagine, for two years para akong engot na iniyakan siya, buong akala ko ikinasal na siya sa ibang babae, pagkatapos hindi pala?” Naghalo na yata ang luga niya at sipon sa sama ng loob.

“Talaga! You mean, he’s still single and available and still waiting for you?  Friend, that’s a good news!” nagpapalakpak si Elvin sa tabi niya, samantalang siya umiiyak.

“Sinayang niya yung dalawang taon, Elvin!” Kinuwento niya rito ang mga sinabi ni Aron Miguel sa kanya.

“Ay! Nakakadismaya naman yang Papa Aron Miguel mo Candice, sobra naman siya, imagine, ako, ka live-in mo sa Canada? I don’t like him na. Aagawin ko pa naman sana siya sayo.”

“sira!” Parang tanga pa in siyang umiiyak. Umiiyak siya dahil sa mga nasayang na panahon na sana ay masaya sila. Minsan talaga, hindi nag-iisip ang tao. Nawawala ang common sense. At si Kuya Carlos niya, mananagot ito sa kanya, imagine, ito pa ang nagconfirm na sila na talaga ni Elvin! Sabagay, siya rin naman ang may kasalanan. Kundi ba naman sinabi rin niya na nobobyo niya ito.

“Alam mo, dapat sa Aron Miguel na yan, pinapahirapan muna. Wag ka munang makipagbalikan Babe, magpakipot ka muna, tutal naman sa makalawa, uuwi na ako, sulitin na natin! Nag lilive-in pala ha.” Evil plan Elvin!

“At anong binabalak mo?” Sabay punas sa natitira niyang mga luha.

“Simple! Patayin sa selos si Aron Miguel. Acting na kung acting Babe!”

******

Nagkasiyahan sila nung gumabi, they gathered around, put a bonfire. Ang sarap sa pakiramdam ang ganito na relax at walang iisiping trabaho, sa tabi ng dagat. Siyempre, katabi niya si Elvin na sisimulan raw ang kanyang operation, patayin sa selos si Aron Miguel.   Talaga namang pag gumana ang creative mind ni Elvin.

Katabi ni Aron Miguel si OWa na asawa ni Loise, walang partner nung dumating ng Samal ha. Nasa harap nila ito nakapwesto kaya nung umupo sila, narinig niyang sabi ni Elvin, “perfect”. Dahil malamig pa rin kahit may bonfire na ay share sila ng jacket ni Elvin. Matangkad ito, di nga lang kasing tangkad at kasing tangkad ni Aron Miguel. Niyakap siya ni Elvin, ang pa sweet lang ang loko.

Kahit ayaw ni Aron Miguel ay talagang makikita at makikita sila nito dahil nasa harap nga ang puwesto nila. Ang lokong Elvin, pinaglalaruan pa ang buhok niya, mukha itong naglalambing sa girlfriend. “Babe, malapit ng umusok sa selos ang ex mo.” Bulong nito sa kanya. “Ang sarap lang pagselosin Babe.”

“Babe, panindigan mo yang ginagawa mo. Mamaya niyan sasabihin mo na naman sa akin na nandidiri ka na.” Sabay kurot sa pisngi nito.

“Para sa walang common sense mo na ex, kahit nasusuka na ako Babe, gora lang!”

“hey! Tama ng lambingan, mas sobra pa kayo sa amin, kami kaya ang bagong kasal rito.” Saway ni Loise sa kanilang dalawa. Isang matamis na mga ngiti ang isinukli nilang dalawa.

“Actually, nagpapasalamat talaga kaming mag-asawa sa inyo, despite of your busy schedule, you still managed to be here. Sa aking mga bestfriends, kina Kath at Candice. Gurl, thank you sa pag-uwi sa Pinas just to attend my wedding.”

“As I promised Gurl.”

“Kailangan Candice ikaw na ang susunod na ikakasal.” Tukso ni Loise.

“Depende naman yan sa Babe ko, siya lang naman ang hinihintay ko eh.” Sagot ni Elvin sabay kurot sa tagiliran niya. A signal na nasusuka raw siya.

“Oo nga Candice, kailan mo ba balak magpakasal, kayo ni Kathryn, di na tayo bumabata girls.”

“Ang kasal, di pinipilit yan, baka hindi pa siya ready, or may hinihintay siya o hinahanap.” Nagsalita si Aron Miguel! Mabuhay!

“May pinaghuhugutan ka yata Pare.” Tukso ni Owa. Alam naman nito ang tungkol sa kanila ni Candice.

“Second chance lang naman minsan ang hinihingi ng isang tao, Pare.” Sabay tingin kina Candice at Elvin na noon ay nagkukunwaring walang naririnig, paano si Elvin, tinext si Candice na malapit na raw ma heart attact si Aron Miguel. Natawa tuloy siya.

“Ok! Inuman na lang tayo! Sagot ko.” Biglang sabi ni Loise, natetense na kasi siya.

“Game!” Sabi ni Elvin.

Napatingin si Candice sa kanya. Hindi kaya umiinom ang kaibigan. Mas malakas pa nga ang alcohol intake niya kesa rito.

“Yun naman pala eh! Simulan na natin.” Kinikilig na sabi ni Kathryn.

May konting laro kasi sila, kasiyahan lang kung baga. Truth or dare. Dinarasal niya na hindi siya maituro ng bote. Sa malas naman ay napunta ito kay Aron Miguel. Truth ang pinili nito.

“Kung meron ka mang pinagsisihan na isang bagay sa buhay mo, ano yun?” Tanong ng isa sa mga bisita. Pang Mr. Pogi lang oh!

“Kung may pinagsisihan man ako sa ngayon, yun ay ang hayaan ang babaeng mahal ko na magmahal ng iba.” Seryoso itong nakatingin sa kanya. Siyete namang sagot yun.

“Ay ganun, e di bawiin mo siya sa taong minamahal niya ngayon.” Inosenteng comment pa ng isang bisita.

Ngiti lang ang isinagot ni Aron Miguel. Nang sumunod na ikot ay kay Elvin napunta. Si Kathryn ang nagtanong.

“Ano ang kaya mong gawin para sa babaeng mahal mo?”

“Babaeng mahal ko raw Babe, sasabunutan ko yang friend mo.” Bulong ni Elvin kay Candice. Natatawa siya pero pinipigilan ni Candice, mahirap ng mahalata. Sayang ang nasimulang acting.

“Sagutin mo Babe.” Ganti naman ni Candice, mukha silang nagbubulungang magsiyota.

Ngumiti muna ng pagkatamis-tamis si Elvin, sabay yakap kay Candice with matching halik pa sa buhok nito. Ang galing lang umarte ano?

“Kaya kong gawin ang lahat para sa babaeng mahal ko. Lahat, kahit pa dumating sa point na magkita pa sila ng ex niya. Malaki naman kasi ang tiwala ko sa Babe ko, alam kong mahal na mahal niya ako.”

Tinukso sila, except Aron Miguel. Poker face lang.

Isa pang ikot. Kay Kathryn. Alam niyang walang tanong na innatrasan ang babeng ito. Ang sumunod ay sa mag-asawa at sa isa pang bisita. Nakahinga siya ng maluwag na hindi na napupunta sa kanila ang bote. Isa pa uling ikot at kay Aron Miguel na naman ito nakaturo.

“Ay, ako ang magtatanong!” Excited na sigaw ni Loise.

“Kung halimbawang bumalik ang babaeng mahal na mahal mo at masaya na siya ngayon, gagawa ka pa ba ng paraan para maging kayo ulit?”

Ano ba! Mga kaibigan niya ba talaga ang mga ito? Aware naman sila sa naging past nila ni Aron Miguel ah! Pero bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya?

“Oo.” Sagot nito. Ni hindi pinag-isipan, ni hindi yata kumurap. Simpleng Oo, sabay tingin sa kanya. At take note, he was seriously serious when he said that. Ano ba! Tapos naghintay yata ng paliwanag o karugtong pa ang lahat, pati na siya, pero simpleng OO lang ang sagot. Dalawang titik pero ang lakas ng dating sa kanya.

Elvin! Make a move! At tila nasense naman ng katabi ang gusto niyang mangyari kaya niyakap siya nito. “Malamig na Babe, human blanket na lang ha.” Super lambing nito na nagpasimangot kay Aron Miguel. Halata sa mukha nito. Umiwas ng tingin sa kanila.

Pinipigilan na talaga niya ang pumalakpak sa acting ni Elvin. Parang totoo ah! Lalaking-lalake lang ang dating. Hindi mo talaga mahahalata.

Ilang shots pa ang nangyari at ilang truth questions pa ang dumaan, mabuti na nga lang at hindi sa kanila napupunta. Hindi rink ay Aron Miguel dahil natetense ang lahat ng senses niya sa mga sagot nito.

Maya-maya pa ay hilo na si Elvin. Sabi naman kasi, madali itong tablan ng alak. “Ihahatid ko muna ang Babe ko ha.” Paalam niya sa lahat. Gusto na rin naman kasi niyang tumakas. Hindi na siya magiging at ease kapag nawala na si Elvin.

“Sus! Gusto mo lang yatang masolo si Babe mo.” Tukso ni Owa.

“Sort of!”

“marami pa naman kayong time na dalawa. Hindi ba pupuwedeng pagkahatid mo sa Babe mo ay bumalik ka ulit? Sige na girl.” Lambing ni Loise.

“Payagan mo na siya, Elvin.” Si Kathryn. Talaga namang ang dalawang ito.

“Sure! Walang problema sa akin. Basta ba uuwi siya sa cottage naming mamaya.” Kahit hilo na ay nagawa pang magbiro at sumagot ni Elvin.

Nakahinga si Candice ng maluwag nung nakarating sila ng cottage. Ayaw kaya niyang magbuhat ng lasing. “Pasensiya na Babe, kasi naman, ang lakas nung inumin ni Loise.”

“ok lang yun. Hala, magpahinga ka na Babe.”

“babe, mukhang di successful ang ating operation.” Hilo na talaga siya.

“Ok lang Babe, babalik na muna ako ha, nakakahiya kasi sa mag-asawa.”

Nagkakasiyahan pa rin sila nung bumalik siya. Kaso, wala ng space except sa tabi ni Aron Miguel. Napilitan tuloy siya na tumabi rito. Naconscious siya nung magdikit ang mga braso nila.

“Mas maganda yata na partner partner tayo, since wala si Elvin, kayo na lang ni Aron Miguel ang magpartner Candice.” Suggested by Loise. Langya tong kaibigan niya, alam naman na may past sila tapos ipagkakapareha pa?

“Ay, nice ang suggestion mo Loise!” Isa pa tong Kathryn na to. “ I mean, nice na magpartner na lang, kasi enough na yung truth, dare na tayo!”

May plano ba itong dalawa niyang kaibigan? Kasi naman Elvin! Bakit ang dali mong malasing. Unang ikot, kinakabahan siya……

***************

Salamat sa lahat ng sumusuporta sa story na to! Madali lang naman itong mag end…mga 200 chapters na lang! Wahahahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
467K 8.8K 46
Formerly known as "I'm His Temporary Girlfriend" Copyright © Tearscream All Rights Reserved 2013
2.7M 20.6K 57
A handsome and most sought bachelor, Ivo, turned away from love and become cynical against it. To drive away his swarming fans, he thought of a plot...