Blind Love

By heartlessnostalgia

12M 359K 150K

Sandejas Siblings Second Installment: (2023 Edition) D A S H "Because it's not about the eyes that can see, i... More

Sandejas Siblings #2: Blind Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
BL Special Chapter
Rumor: Uto-uto si Dash-beybe
Blind Love Selfpub Reprint

Kabanata 27

382K 10K 2.6K
By heartlessnostalgia

Kabanata 27

"SORRY talaga, Trev," mahinang sabi ko habang katabi ko si Trevor.

"I told you, I'm not mad." Ulit niya sa akin bago maliit na ngumiti. Pagkatapos ng klase namin ay napagdesisyonan naming mag-usap dalawa sa gym ng university.

"I already know that when we're still in Sta. Monica," aniya sa akin kaya nilingon ko siya.

"Paano mo nalaman?" I asked him. I decided to talk to him dahil sa simula noong pasukan ng huling sem namin ay hindi na siya masyadong kumikibo sa akin.

Yes, we were talking pero nakakapanibago lang dahil sa hindi ako sanay na gano'n siya. He used to be jolly and cheerful tapos biglang tahimik na lang siya.

"Remember that night at the party?" tanong niya habang nakatingin sa langit. It's already six in the evening at medyo makulimlim na ang langit.

"Oo," I answered. "What about that?"

"I was, well, supposedly I came back to you when you told me to leave you alone but then, I saw you..." nilingon niya ako at napabuntonghininga siya.

"I saw you with Dash. I saw the two of you crying and hugging each other. I heard everything, Reah," maliit niyang sabi.

I sighed, naramdaman ko ang hapdi sa puso ko at napatitig sa kanya.

"I'm really sorry, Trevor," sagot ko, feeling a bit guilty, pakiramdam ko kasi ay nasaktan ko siya kahit naman na noon pa'y nilinaw ko na ang kung anong meron sa amin.

"If...If only I could unlove Dash, matagal ko nang ginawa. If only I can forget him, matagal ko nang sinimulan but my heart just can't do that. I did everything I can just to forget him wala pa ring nangyari." Paliwanag ko sa kanya. "Sorry, Trevor, kung nasaktan kita, kung napaasa kit—"

"No, you didn't. Hindi mo ako pinaasa," mahinang sabi niya. "Simula pa lang naman, you clearly told me that friendship's the only label you can give me. Wala kang kasalanan, hindi mo ako pinaasa dahil ako lang naman ang umasa." Napabuntonghininga siya. "And just like you, I really did everything to unlove you pero hindi ko talaga magawa..." he shook his head.

"Yes, I was hurt but that's just one of the consequences when you're in love, right? Nasasaktan ka kasi nagmahal ka."

Nakagat ko ang labi at tumango sa sinabi niya. He's right. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

"I am still sorry, Trevor," sinserong sabi ko. "You're a good friend, really, and I love you for that." Napangiti siya sa sinabi ko.

"At least I heard you saying you love me, right?" Natawa ako nang mahina sa sinabi niya.

"Sorry, Trevor," sinsero at taos sa puso kong sabi. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan. Malungkot siyang napangiti sa ginawa ko at hinawakan pabalik ang kamay ko.

"I really love you, Fleureah," sabi nito habang hawak ang kamay ko. "But I guess we're really not meant for each other?"

"I guess so?" I smiled. "You're a great person, Trev, and you can find someone better than me. The one who deserves you more. I'm so sure you will find her if not you still haven't yet."

"Sana," he chuckled at hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko. "Sana kapag may nahanap ako, 'di katulad na mabait kagaya mo."

"Hindi naman ako mabait," ngisi ko, gumagaan na ang loob sa usapan.

"Kapag talaga nakahanap ako, who you ka sa akin, Reah!" he exclaimed. I grinned and squeezed his palm.

"If you find someone worthy, I will be the first one to cheer for you."

"Uh...should I be happy?" he asked playfully. Natawa ako at pinalo siya. "But you know what, I am still thankful to you. You taught me how to love if what I felt was really love or dahil crush lang kita kasi ang ganda mo?"

I laughed. He grinned.

"You taught me lessons on how I could love better the next time I'd fall again. I will keep that forever."

"Trevor, the woman you'll love will be really lucky."

"She is," yabang niya sabay tawa. "Kidding but I want to be a better man if ever it would come a time I'll find someone. I hope you'll be happy with Dash." He stared at me. "That bastard sure knows how to capture your heart. Please be happy, Reah, for me. Para mapanatag naman akong sa tamang tao ka napunta."

Tumango ako nang paulit-ulit at nang bitawan niya ako ay mabilis akong yumakap sa kanya.

"Trev, sorry talaga. Sorry at salamat sa lahat-lahat ng tulong mo, I may not love you as a man but I really do love you as a friend. Sana...sana mahanap mo na kaagad siya."

"Sana." He chuckled and hugged me back. "But why are you telling me that? Parang 'di na tayo magkikita, huh?" Natawa na rin ako at humiwalay sa kanya.

"Nadala lang,"

"We still have three months before graduation,"

"Oo nga, may thesis pa pala. Ka-stress!" Sabi ko. Natawa naman siya nang malakas sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.

"Oo nga, tapos s'yempre, pwede pa kitang ligawan at nakawin kay Sandejas..." biro niya.

"Trevor!" I hissed. Tumawa naman siya at umiling.

"Kidding! Ito naman! Pero anyway, since this is the last time we'll talk about our feelings..." May kinuha siya kung saan at nang makita iyon ay napangiti ako.

"Will you finally accept this flower?" Tukoy niya sa pulang rosas sa kamay niya na madalas kong tinatanggihan.

Something warm touched my heart as I was looking at Trevor. He really is a good man and I know he deserves someone better than me. Someone who can love him back with all her heart.

"Finally, tinanggap mo na rin!" tawa niya at ginulo ang buhok ko.

"Of course." I smiled and accepted the flowers.

I saw his gentle smile before pulling me for a hug again.

"Salamat, Reah. I hope the best for you."

Nagpaalam na si Trevor pagkababa namin at sumama ako sa mga ka-thesis mate ko para ayusin ang pinagawa naming mga files.

"Uy, flowers!" Mariel smiled at sumulyap sa hawak kong isang pirasong bulaklak.

"Uh, galing kay Trevor," ngiti ko naman.

"Wait, sinagot mo na si Trevor? Hala, kayo na?" Allyza added. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na napailing.

"No!" I shook my head. "We're just friends."

"Friends lang kayo?" Mariel asked me at tumango lang naman ako. "E, sino 'yong boyfriend mo? 'Yong sumusundo sa 'yo? 'Yong fafa na naka-uniform na pang-piloto?" Natigilan ako sa sinabi niya. Halos magliwanag ang mata niya sa sinabi niya at paniguradong nag-iimagine na 'yan.

Pero si Dash? Boyfriend ko ba 'yon? Sabi niya nanliligaw raw siya sa akin, which I doubt kasi kung makaasta parang jowa ko na! Wagas makahalik! Hindi ko pa naman sinasagot ang lokong 'yon, so friends?

Friends with benefits? Napangisi naman ako sa naisip.

"Uy, ngumingiti! Boyfriend mo si Captain, 'no?" Allyza teased me.

"Hindi, a!" I exclaimed at mukhang nagulat sila sa sigaw ko kaya tumikhim ako. "Uh, ano, friends lang kami."

"Friends kayo?" tanong niya. "Parang 'di naman!" Napangisi na lang ako sa sinabi niya at hindi na kumibo.

Naglakad kami para lumabas ng university para i-check ang final draft namin sa thesis na pinagawan namin ng hardcopy. Next week ay defense na rin namin kaya magiging busy kami at kailangan na naming maiayos para mapag-aralan ang mga ito.

Tumigil muna kami saglit dahil may mga dumaraang mga sasakyan sa kalsada. Tatawid pa kasi kami para makapunta sa computer shop sa kabila. Nag-vibrate ang phone ko kaya mabilis kong kinapa ito sa bulsa ko at nakitang may message. I smiled when I saw Dash's name on my phone. Si Zeijan ang may pakana ng pangalan na 'to.

From: Dash-beybe

Hi, babe! Where are you? I'll fetch you. I love you.

Napangiti ako at mabilis na tumipa sa phone ko.

To: Dash-beybe

School. Punta lang ako comp shop.

I sent it at nag-vibrate kaagad ang phone ko kaya sumulyap ako roon.

From: Dash-beybe

Walang I love you too? :(

Napatawa ako roon at akmang magrereply nang makarinig ako ng sigaw kaya nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga kaibigan ko na nakatawid na sa kabilang kalsada at kumakaway sa akin.

"'Di n'yo ako inantay!" I shouted.

"Tawid ka na! 'Di ka namin napansin!" They shouted back. Naitabi ko naman ang phone ko at nakagat ang labi habang tumitingin sa mga sasakyan doon.

Diyos ko, kailan ba ako matututong tumawid nang mag-isa?

"Tawid ka!" Mariel shouted pero umiling ako at nakagat ang labi ko.

"Ayoko! Kunin n'yo ko rito!" I shouted back.

Hanggang ngayon ay takot pa rin akong tumawid mag-isa. Weird as it seems but I am always paranoid. Feeling ko kasi masasagasaan ako tapos magkaka-amnesia. Gano'n. Paano kapag nakalimutan ko sila Nanay tapos sila Dash?

Pero sabi nga ni Krista, sa pocketbooks lang nangyayari 'yon pero malay ko ba?

"'Di ka naman masasagasaan! Reah, bilis na!" Mariel waved her hand. Napabuntonghininga naman ako at sinubukang umabante pero napaatras kaagad nang may dumaang motor sa harapan ko.

"Sige na! Una na kayo! Antayin ko na lang kayo dito!" I screamed.

"Sunduin ka na lang namin!" Allyza shouted at napangiti ako at kaagad na tumango. I looked at them habang nag-aantay ng oras para makatawid pabalik sa akin kaya napatalon ako sa gulat nang may umihip sa tainga ko.

"Ay kamote!" I exclaimed at mabilis na lumingon at nanlaki ang mata ko nang makita ang nakatayong si Dash sa likod ko.

"Dash!" nanlaki ang mata ko.

I saw his lip twitch and wiggled his brows.

"Hi, babe..." he smiled at me at nagulat ako nang bigla siyang lumapit at umakbay sa akin. My heart leaped at nanuyo ang lalamunan ko. Mula sa pwesto ko ay amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya na nakadungaw lang sa akin habang akbay-akbay ako. He looked so handsome standing right beside me.

Naka-navy blue na uniform pa siya na bahagyang nakabukas pa ang dalawang butones ng kulay puti niyang dress shirt sa loob. He wasn't wearing any necktie at kinakagat pa nito ang pang-ibabang labi.

"What are you doing here?" balik na tanong niya sa akin at mas umakbay kaya mas nadikit ako sa katawan niya. "Your friends are there, bakit nandito ka pa?" Napamura ako sa nararamdamang pagsisikip ng tiyan.

Damn, Dash Rakiel!

"Uh, hindi ako makatawid," I confessed.

Nakita kong napanguso si Dash sa sinabi ko at mabilis na nagbaba ng tingin sa akin.

"Hmm?" he hummed, nang-aasar. Nanlaki ang mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin at humalik sa tungki ng ilong ko.

"Dash!" I hissed.

Tumawa siya at mula sa balikat ko ay bumaba ang hawak niya sa baywang ko.

"Come on, tawid na tayo." He smiled at me at inakay ako patawid sa mga kaibigan kong malaki ang ngisi sa akin. Pagkarating doon ay inulan kaagad kami ng tukso ng dalawa at kung ako'y hiyang-hiya na sa lakas ng boses ng dalawang kaibigan ko ay proud na proud naman itong isang 'to na wagas makalingkis sa katawan ko.

Matapos naming ayusin ang mga files namin ay kaagad kaming pumunta kung saan nag-park si Dash para makakain at makauwi na sa mansyon.

"Get in, mahal kong prinsesa," loko ni Dash nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Salamat, mahal na prinsipe," I teased back before bowing and get in. Narinig ko pa ang tawa niya bago isara ang pinto at pinagmasdan ko siyang tumakbo papuntang kabilang side ng sasakyan para pumasok.

His scent filled the car when he entered. He immediately removed his navy blue suit at itinapon sa likod ng sasakyan, leaving him with his white dress shirt.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Ito, tapon lang nang tapon," sabi ko at inabot ang suit niya sa backseat para tupiin ng maayos.

"Sorry, babe," he chuckled at sumandal sa manibela niya habang nakatitig sa akin. He have this smug look on his face at ang daliri pa niya'y nasa mga labi niya at nilalaro niya ito.

Sumulyap ako habang tinutupi ang suit niya at nang mahuli ako ay kumindat siya kaya napatikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"I wonder why you're always that innocent," he told me. Nilapag ko naman ang suit niya pabalik sa backseat bago siya nilingon.

"Ano naman ngayon?" tanong ko. Napanguso siya at nilahad ang kamay niya sa akin na kaagad ko namang tinanggap.

"Nothing, ang cute kasi," he smiled at dinala ang kamay ko sa labi niya. Kumabog ang dibdib ko sa ginawa niya at habang nakahalik pa siya sa kamay ko ay nakatitig siya ng diretso sa mata ko.

"Love you, Dash," I murmured, that made him smile before nodding. Humalik siya ulit sa kamay ko bago nagsalita.

"Love you more, Kaia," he grinned bago humalik pa ng isa sa kamay ko at umayos ng tayo. Nang bitiwan niya ang kamay ko ay kaagad kong inayos ang gamit ko sa dashboard niya at inayos ang palda ko.

"Seatbelt," ani Dash kaya nilingon ko siya pero bago pa man ako makagalaw ay kaagad namang lumapit siya sa akin at siya na ang umabot ng seatbelt ko.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na nararamdaman ko na ang hininga niya sa may pisngi ko. My heart was thumping hard which wasn't shocking whenever I'm with him.

Nagkatapat ang mukha naming dalawa ng maabot niya ang seatbelt ko. Napakurap ako at napatitig sa kanya at siya nama'y natigilan habang nakatingin sa akin. I heard the racing against my ribcage again. Nagkakagulo na naman ang mga suking insekto sa sikmura ko at nanunuyo ang lalamunan ko.

Halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa akin at sa isang maling galaw lang ay magkakadikit ang mga labi namin.

I saw him take a glance on my lips before swallowing. Wala sa sariling binasa ko ang labi ko at nakita ko ang pag-awang ng labi niya.

He leaned a bit at napasandal ang ulo ko sa upuan.

Nanatiling nakatitig lang siya sa labi ko at naramdaman ko ang pagtukod niya ng kamay sa may tabi ko para umabante sa akin.

Umabante pa siyang palapit sa akin at nang halos isang usog na lang at magdidikit na ang labi namin ay bigla akong nag-panic at natulak siya.

"Shit!" he cursed when he fell. Napatakip naman ako sa bibig ko at nanlaki ang mata ko.

"Dash! Hala! Sorry!" I exclaimed. Tumama kasi siya sa dashboard at bahagyang nahulog ang katawan niya sa may lapag. Mabilis ko siyang tinulungan at napangiwi siya nang makabalik sa upuan niya.

"Why did you push me?" tanong niya habang hawak-hawak ang may bandang baywang niya.

"E, ano, nag-panic lang!" I explained. He groaned, pouting.

"Pa-kiss lang naman!" inarte niya.

"E! H'wag na! Uwi na tayo!" sabat ko pero umangal siya at mabilis na lumapit at dumukwang sa akin kaya kaagad kong tinakpan ang bibig ko kaya sa likod ng palad ko tumama ang labi niya.

"Babe!" Umiling ako at tumakip pa sa bibig ko.

"Uwi na tayo!" sabi ko.

"Kasi naman, isa lang! Pa-kiss!" pinilit niyang tanggalin ang kamay ko sa bibig ko pero tinakpan ko lang ito.

"Dash!" palag ko.

"Bakit ba ayaw mo? Isa lang, e!" pagtatantrums niya sa may tabi ko.

"Friends nga lang tayo!" sabi ko. Nakita kong napangiwi siya at nanliit ang mata niya.

"Ano ngayon?" aniya.

"Friends don't kiss, Dash!" hirit ko pa. Napatawa siya sa sinabi ko at akala ko'y mananahimik na siya pero pilit niya pa ring tinanggal ang kamay ko.

"E 'di sagutin mo na ako, para 'di na tayo friends!" sabi niya.

"Dash naman! Kamay mo!" pinalo ko ang kamay niya pero hindi siya papatalo.

"Sige na! Kaia! Isa lang!" he exclaimed.

"E, friends nga lang tayo! 'Di pa kita sinasagot!"

"E di, i-advance natin! Ki-niss naman kita kanina, huh? Ngayon din!"

"Dash!" napatili ako nang nahuli na niya ang kamay ko at naabot ang labi ko.

He immediately kissed my lips and sucked my lower lip. Napaungol naman ako sa ginawa niya pero tumawa siya nang mahina at mas hinawakan pa ang kamay ko para 'di makawala.

"Dash—hmm!" He licked my lip and gave me one more kiss before pulling away with a triumphant smile on his face.

"Gotcha!" he chuckled at binitawan ang kamay ko.

"Kainis 'to!" sinipa ko siya pero nakaiwas siya. Nag-iinit ang pisngi ko sa pinanggagawa niya!

"Sus, kunwari pa 'tong Kaia ko, gusto rin! Namumula ka, o!" he teased. Sumimangot naman ako.

"Feeling mo!" sita ko. Tawa naman siya nang tawa sa tabi ko at napanguso lang ako sa kalokohan niya.

"Oo na, nagustuhan ko na!" Mas napatawa siya sa sinabi ko.

"I knew it!" he cheered. Mabilis ko namang tinanggal ang seatbelt ko at umabante sa kanya kaya napatigil siya sa kakatawa at nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Kaia?" tanong niya. Napatingin naman ako sa labi niyang namumula-mula at napatikhim ako bago seryosong tumingin sa mata niya.

"Pa-kiss pa ng isa," I told him.

Nanlaki naman ang mata niya pero napatawa at hinawakan ang batok ko para maabot ko ang labi niya.

SA condo niya kami dumiretso pagkatapos at kaagad kaming sinalubong ni Skye pagkapasok. Magkahawak-kamay kaming pumasok doon at napangiti ako nang hagkan niya ang noo ko.

"Skye!" I cheered nang masalubong kaagad namin ito pagkapasok. Napangiti ako nang tumahol ito at tumakbo sa akin kaya dumukwang ako para haplusin ang ulo nito.

"Kaia, I'll just put this in the kitchen."

"How are you, Skye? Anong ginawa mo rito?" He barked at umakyat sa may bandang hita ko kaya tumawa ako at kinarga siya.

"Bigat mo!" ngiti ko habang tumatahol na naman ito sa akin. Pumasok kaming dalawa sa kusina at naabutan ko si Dash na nag-aayos ng mga ingredients para sa pagkain namin. Ibinaba ko naman si Skye at mabilis itong tumakbo kay Dash at tumahol.

"Yes, boy?" Dash asked him. He barked again kaya dumukwang si Dash dito.

"I'll cook for our food first, go to your Mom." Tumahol si Skye at tumakbo sa akin kaya ngumiti ako.

I waited and watched Dash preparing for our dinner, talking about anything. Life, anything.

"Dito ka na matulog, hmm?" sabi ni Dash habang sinusubuan ako ng pagkain.

"Huh? Bakit naman?" tanong ko pa at tinanggap ang ibinibigay niya. Kumuha rin ako ng pagkain sa kutsara ko at isinubo ko rin sa kanya.

"Wala lang. I just missed you," he told me. "Remember that night when you told me the story of your favorite myth? Dito 'yon, 'di ba?"

"Hmm," I nodded. "Si Orpheus at Eurydice."

"At least 'di tayo kagaya sa kanila," he told me at iniangat ang kamay para punasan ang gilid ng labi ko. "I may not see you that time, but I know my heart will recognize you."

"Thank you for your trust, Dash. Thank you because you trusted your heart kaya nakilala mo ako," sabi ko. He nodded at hinaplos niya ang pisngi ko.

"But I am more thankful to you," aniya at hinawi ang buhok ko papuntang likod ng tainga ko. "Because you took care of me when I was still fragile and lost. Thank you because you never get tired of me."

"Thank you rin, Dash, because you loved me kahit hindi mo ako nakikita noon," sabi ko at matamis siyang ngumiti sa akin at tumango. His eyes twinkled at tumayo siya at may mainit na humaplos sa puso ko nang tumayo siya at hinagkan ang noo ko.

Tulog na si Skye sa higaan nito pagkaakyat namin ng kwarto ni Dash. Noong umuwi kasi kami ng Maynila ay napagdesisyonan naming isama si Skye kaya narito ito ngayon.

"Babe, wear this," inabot sa akin ni Dash ang isang shirt at pajama kaya inabot ko iyon.

"Kanino 'to?" I asked him.

"The shirt's mine tapos kay Zidney 'yong pajama. Dito kasi sila nina Thallia natulog no'ng nakaraan."

"Sige, salamat." I smiled at kinuha iyon mula sa kanya.

"Clean yourself, sa guestroom na lang ako mag-shower," aniya bago hagkan ang pisngi ko at lumabas ng kwarto.

I cleaned myself and fixed the bed. Lumapit muna ako kay Skye habang inaantay si Dash at humaplos sa ulo nito bago ako lumabas ng veranda para magpahangin.

The cold wind touched my skin when I went outside. Humawak ako sa may railings doon at tumingin sa baba kung saan kita ko ang nagliliwanag na mga buildings at mga bahay.

Who would have thought I'll be back here with the man I love? No one. Ni hindi ko maiisip na possibleng mangyari iyon dahil sa takbo ng mga pangyayari.

I cried in joy and pain because of him but it was all worth it. Tanggap kami ng pamilya niya, tanggap siya ng pamilya ko at wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam na 'to.

I almost jumped in shock when I felt a pair of arms embracing me from behind.

"Ang lalim ng iniisip mo, hmm?" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Dash.

"Wala naman, may mga naalala lang ako."

"What do you remember?" tanong nito at mas yumakap sa baywang ko.

"I remembered the first time I went here with you."

"Uh-huh..." he nodded at ipinatong niya ang baba sa balikat ko. Napaayos naman ko ng tayo at ginalaw ang balikat ko.

"May kiliti ako sabi r'yan!" I hissed. Tumawa naman siya at lumayo sa balikat ko pero mahigpit pa rin ang yakap sa likod ko.

"Dapat doon pa lang alam ko na." He suddenly said.

"Anong dapat alam mo na?" I asked him.

"The moment you told me na may kiliti ka sa balikat noong nalaglag ka sa stool sa mansyon," aniya.

I smiled a little.

"Bakit hindi mo naman nalaman?" tanong ko. He sighed at marahang hinawakan ang balikat ko para mapaharap ako sa kanya.

"I won't know it right away. You know, unang kita ko pa lang sa 'yo pagkabalik ng paningin ko parang pakiramdam ko may something," aniya habang nakatingin sa akin.

"Paanong something?" tanong ko naman sa kanya. Napaisip naman siya pero napanguso at ipinatong ang kamay sa magkabilang railing sa tabi ko kaya magkatapat na magkatapat ang mukha namin.

"Hmm, I can't explain it in words but that familiar feeling? Parang gano'n. When our eyes met, I really know it was you pero no'ng pumasok si Rheallyn na naiiyak at nag-aalala I got confused."

"Dash, I have something to ask."

"What is it?" aniya at iniangat ko ang kamay ko at bahagyang inabot ang buhok niya para haplusin.

"Kahit kailan ba nagustuhan mo si Rheallyn?" tanong ko. Kahit anong isagot niya ay ihahanda ko ang sarili ko. Gusto ko lang namang malaman.

"No," sagot niya nang walang pagdadalawang-isip.

"Talaga? Paano mo naman nasabi?" tanong ko muli na nanliliit ang mata. "Baka sinasabi mo lang 'yan kasi nandito ako."

"Of course not!" umayos siya ng tayo at hinagip ang kamay ko. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako sa may upuan doon sa may gilid bago siya naupo at hinila ako paupo sa hita niya.

"Dash!" gulat kong sabi at akmang tatayo pero niyakap niya ang baywang ko kaya bumalik ako ng upo sa hita niya.

"Sige na..."

"Kailangan ba kapag nag-uusap nakaupo ako sa hita mo?" tanong ko. He chuckled and kissed my cheek.

"Kapag tayong dalawa s'yempre kailangan meron," tawa niya at napangiti na langako sa kanya.

"As I was saying," aniya. "I never felt giddy and excited whenever I'm with her. Kapag magkasama kaming dalawa pakiramdam ko kailangan ko siyang pakisamahan kasi siya ang nag-alaga sa akin. Kasi siya 'yong minahal ko. What's weird is my feelings for her were merely was a responsibility. 'Yon lang ang naramdaman ko no'ng magkasama kami. Most of the times, I felt awkward with her kaya madalas kong sinasabing may flight ako at hindi ako umuuwi sa mansyon," pagkukuwento niya.

"Akala ko nga noon, nagtataksil ako sa Rhea na nag-alaga sa akin dati kasi mas gusto kitang kasama at nakikita palagi," sabi niya kaya mas nilingon ko siya at hinanap ang mata niya.

"Talaga?" tumalon ang puso ko ng ngumiti siya at tumango.

"Alam mo ba 'yong pakiramdam ko no'ng sinabi ni Aling Wanda 'yong pangalan mo no'ng dinner pagkauwi ko?"

"Ano?"

"I was shocked, doon pa lang naguguluhan na ako. Honestly when I saw you in the hospital, pagkakita ko pa lang sa 'yo may iba na akong naramdaman. Maybe it sounds cheesy and corny but I felt my heart skipped a beat."

Medyo humarap ako sa kanya at nang masalubong ko ang mata niya ay ngumiti ako at napapikit siya nang patakan ko ng halik ang talukap ng mata niya.

"E, bakit mo ako hinabol no'ng pagkatapos ng dinner?" tanong ko.

"To confirm," aniya. "Kung nag-iilusyon lang akong magkaboses kayo, magkapangalan kayo at kung talagang kilala ka nito." Tinuro niya ang dibdib niya.

"I wasn't wrong, this heart knows you pero hindi ko pinansin kasi naisip ko parang impossible. Kasi bakit naman mag-iiba? It's just impossible so I didn't think about it further."

The guilt nagged me again. I closed my eyes and sighed.

"Sorry, Dash. Kung nalito ka, kung niloko kita." I apologized again.

"Kaia," I put my finger on his lips to stop him.

"I only did that kasi kailangan ko, para kay Nanay tapos sa akin. I am sorry kung selfish ako at hindi ko man lang naisip ang pakiramdam mo." Nakita ko ang lambot sa mata niya habang nakatitig sa akin kaya napapikit ako at pinatong ang noo ko sa kanya.

"I may be pretending to be someone I am not but I promise you, everything that I showed you, lahat totoo. Hindi ko man totoong pangalan ang gamit ko pero 'yong pag-aalaga ko, 'yong concern ko at pagmamahal ko lahat 'yon totoo."

Tumango siya sa sinabi ko at nang magmulat ako ay nakita ko ang ngiti niya habang nakapikit. Niyakap ko ang braso ko sa may leeg niya at mas humilig sa kanya.

"I believe you, Kaia," he murmured. "Don't be sorry kasi alam kong may dahilan kaya mo iyon ginawa and I am not mad, how can I get mad at my Kaia?"

How pure that heart was. I don't even know if I deserved it.

"Salamat, Dash. Babe," bulong ko.

"Thank you very much too, Kaia," aniya sa akin at bahagyang humiwalay. Nakita kong inabot niya ang may leeg ko at inilabas niya doon ang kwintas na ibinigay niya sa akin.

"I am glad you took this," he smiled at me habang hinahaplos ang bato ng kwintas.

"Ang sabi mo kasi, para sa akin 'to kaya tinago ko. This was supposed to be Rheallyn's not mine. Ang selfish ko lang kasi tinago ko kahit 'di naman para sa akin." Ngumuso ako, biglang nahiya sa desisyon na ginawa.

I felt like a thief.

"Don't be. This is yours," aniya at hinaplos pa ang bato. Ang isang braso niya ay nasa baywang ko habang ang isa'y hawak ang kwintas ko.

"This necklace is for the woman I love, the woman who took care of me. My very own Fleureah Kaia..." sabi niya. "So, this is yours. Iba kasi ang gamit mong pangalan."

Tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Humalik ako sa buhok niya at sumandig sa sandalan ng bench habang inaayos niya ang pagkakakandong sa akin.

"Alam mo ba kung sino ang nagturo sa akin ng kwintas na 'to noong party?" tanong niya pagkaraan, tinutukoy ang kwintas ko.

"Who?" I asked him.

"Skye..." Mabilis ko siyang nilingon nang sabihin niya iyon.

"Really?" gulat kong sabi.

"Kinakausap ko siya no'ng gabing 'yon then out of the sudden, bigla na lang siyang tumakbo so I followed him, tapos sa may likod ng pool niya ako dinala," he started. "I was shocked seeing that necklace, kasi ang sabi sa akin ni Rheallyn naiwala niya."

"Then I heard voices, that's when I decided to hide tapos narinig ko si Krista na tinatawag kang Kaia then I saw you searching for the necklace then..." he smirked. "Well, I already had doubts and I know it was possible it was you who took care of me but I just didn't have a proof yet but who knows my proof would come to me instead?

"So, we should thank Krista, Skye and this necklace, then?" ngiti ko at mabilis siyang lumapit sa mukha ko at humalik sa panga ko.

"We should..." he chuckled. "But you know what? I am happy because it's you I first saw when I got my sight back."

"I am happy too," bulong ko.

Nanatili kaming tahimik pagkatapos ng usapang iyon. Nasa terrace pa rin kami at nakaupo ako sa hita.

Nakasandal ang noo niya sa balikat ko at yakap-yakap niya ang baywang ko.

His breath was calm at nakapirmi lang siya at hindi nagsasalita. Panaka-naka rin niyang hinahalikan ang balikat at ang pisngi ko at pagkatapos ay yayakap na namang muli.

The sound of the cold wind and our calm breathing is all I could hear. The pace of my heart is calm and comfortable like it knows who I am with.

"Kaia ko?" he whispered all of a sudden.

"Hmm?" I hummed and touched his hair.

"Can you tell me a story? Your favorite myth, perhaps?" aniya.

"Orpheus and Eurydice's?" tanong ko pero umiling siya at mas niyakap pa ako.

"I want new one, ayoko na ng tragic..." sabi niya sa akin kaya natawa ako at tumango.

"Sige, what do you want?" tanong ko sa kanya at pumihit paharap at nang magsalubong ang mata namin ay nakita ko ang kislap doon, kasabay ang pinakamatamis at sinsero niyang ngiti.

"A happy ending," he whispered.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 80.3K 32
Brooklyn Love Affairs (Collaboration Series) A Royal Visit In Brooklyn (Lost Island Series Spin Off) Royal, beautiful, regal, and the next in line fo...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
63.2K 4.4K 34
Hey Wattpadders, panahon na naman para sa pinakamasayang party rito sa Wattpad! Maki-celebrate sa buong buwan ng Hulyo at ihanda ang sarili upang bal...
11.1M 207K 65
Hot Bachelors Series #4: Allison Clarisse Madlang-awa's happy and uncomplicated life changes when she meets Dr. Greg Louis Salcedo-the man she has be...