Angel in Disguise

By alyloony

41.5M 828K 152K

Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything tur... More

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)
Chapter 1 *First meeting*
Chapter 2 *Kiss*
Chapter 3 *Suspicion*
Chapter 4 *Voice of an angel*
Chapter 5 *Mr. Spy*
Chapter 6 *blackmailing snatcher*
Chapter 7 *Her smile*
Chapter 8 *tears*
Chapter 9 *Painful past*
Chapter 10 *I miss you*
Chapter 11 *Mr. Seduction*
Chapter 12 *The Manager*
Chapter 14 *Mr. Stalker*
Chapter 15 *Blessing *
Chapter 16 *Mommy and Daddy*
Chapter 17 *Stolen*
Chapter 18 *unexpected news*
Chapter 19 *The Wake*
Chapter 20 *let go*
Chapter 21 *Best friend*
Chapter 22 *Subic*
Chapter 23 *unrecognized feelings*
Chapter 24 *first move*
Chapter 25 *second*
Chapter 26 *The Goddess' Pain*
Chapter 27 *One sided*
Chapter 28 Mind vs. heart
Chapter 29 *comfort*
Chapter 30 *Request*
Chapter 31 *trapped*
Chapter 32 *hug*
Chapter 33 *burst of emotions*
Chapter 34 *I love you*
Chapter 35 *another revelation*
Chapter 36 * Tight Hug*
Chapter 37 *sandalan*
Chapter 38 *Enchanted*
Chapter 39 *Sayonara*
Chapter 40 *questions*
Chapter 41 *beach disaster*
Chapter 42 *Venus' Plan*
Chapter 43 *Dionne's Choice*
Chapter 44 *Flight for freedom*
Chapter 45
Chapter 46 *One and only*
Chapter 47
Chapter 48 (06/09/14)
Chapter 49 (08-15-14)
Chapter 50 (08/29/14)
Chapter 51 (09/10/14)
Chapter 52 (09/11/14)
Chapter 53 (09/25/14)
Chapter 54 (10/06/14)
Chapter 55 (10/12/14)
Chapter 56 (10/19/14)
Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 58 (10/21/14)
Chapter 59 (10/24/14)
Epilogue (10/24/14)

Chapter 13 *flashback*

846K 14K 1.8K
By alyloony

A/N


Hello dears! Pasensya na po kayo kung medyo natagalan ang pag uupdate ko. MEdyo naging busy po lately.. anyways ngayon pa lang po ay sinasabi ko na na baka maging busy na ko mga bandang end ng april or first week ng May.. baka po kasi mag start na ako mag trabaho nun... nag  offer po kasi ang tita ko saakin ng work sa restaurant niya and baka kunin ko na kesa naman hamak na tambay ako sa bahay at walang trabaho... pag dumating po ang time na yun, please do bear with me.

Ayun, enjoy reading po!

- Majinbu :3



***




Chapter 13

*flashback*

[Jake’s POV]

“oh Jake bakit ba kanina pa nakabusangot ang mukha mo diyan ha? mamaya mahipan ka ng hangin eh maging permanent na ganyan na mukha mo. Sige ka, hindi ka na bibigyan ng mga projects! Hahahaha” sabi ni Manager Rhian sabay tawa ng pagkalakas lakas.

I just glared at her at hindi na nagsalita. Mas mabuti ng manahimik na lang kesa sagutin ko pa ang isang to! Mala tigre to kung magalit eh! Nakakatakot! Mamaya pingutin na naman ako ng isang to! Ang sakit pa naman mamingot nito =__=

 

“Jake ni-chan wag ka na kasi sumimangot diyan! Nag enjoy ka naman sa meet and greet di ba?” sabi ni Rui saakin

“mabait naman yung fan mo” dagdag pa ni Dionne

“HEH! Manihimik nga kayo!!!!! Mukha ba kong nag enjoy ha?! eh kung makayakap saakin yun tila sawa eh! isa siyang makating sawa!!! Isa pa kulang na lang eh hilahin ako nun sa isang liblib na lugar at pagsamantalahan ang pagkalalaki ko!!”

 

Tinapik ako ni Manager Rhian sa braso “ikaw naman oh! Mahal na mahal ka lang nung fan mo. Ano pangalan nun? France? Binigay ko nga number mo sa kanya eh”

Bigla akong napalingon sa kanya “ANO?!”

“hahahahahaha joke lang! di mabiro ang isang to! O siya order lang kayo ng order diyan ah?” sabi niya sabay tawag doon sa server

Dinala kami ni Manager Rhian sa isang restaurant after ng meet and greet and treat daw niya saamin. Syempre pumayag na ko at nakaladkad pa namin itong si chimay at si Rui. Si Manager Rhian kasi, bukod sa pagiging manager ko ay isa rin siyang sikat na international model. Oo aminado ako, maganda siya at bihira lang ang mga taong sinasabihan ko ng maganda. Pero kahit maganda yan eh pag nagalit siya, akala mo eh bigla na lang nag ttransform na isang tigre kaya naman ang laki ng takot ko diyan. =___=

Pero dahil wala akong nagawa kanina kundi sundin siya, oorder ako ng madami ngayon! Mamulubi sana siya! tutal kanina naman inilagay ko at stake ang pagkalalaki ko. =__=

Maya-maya lang din, dumating na yung mga inorder namin. Kumain lang kami habang patuloy naman ng pag kukwento si Manager Rhian sa experience niya sa California ng bigla namang mapunta ang usapan kay Dionne.

“oo nga pala Dionne, gaano na kayo katagal ni Jake? Bagay na bagay kayo ha! itong batang to may ka live in partner na pala hindi manlang nagsasabi saakin!”

Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa sinabi ni Manager Rhian saakin.

“anong ka live-in partner--?!?!”

 

“hindi siya ka live in partner ni Jake nii-chan!!” pag putol ni Rui sa sinasabi ko “personal assistant lang siya nito and alam ko grabe siyang pahirapan ni Jake nii-chan! Kaya naman Dionne” humarap si Rui kay Dionne at hinawakan niya ang kamay nito “onting tiis na lang at iaalis na kita sa puder niya. Magiging masaya ka sa piling ko promise!”

“h-ha? hehehe”

 

“ohh I see akala ko kasi si Jake at si Dionne eh! kayo pala ni Rui?”

 

“ah n-naku po hindi po” pagkakaila naman ni Dionne

 

“hindi pa Ms. Rhian pero malapit na! bridesmaid ka sa kasal namin ha?” sabi naman ni Rui.

Tsk! Hindi sila bagay ni Dionne! Mas bagay sila ng kapatid ko! =___=

“Ikaw naman Jake bakit wala ka pang girlfriend ha? tignan mo naunahan ka na ni Rui!”

“tsk! Di ako interesado!” =__=

 

“eh? d-diba kayo ni Venus?” sabi ni Dionne kaya naman bigla akong napatingin sa kanya ng masama.

Tokwa naman oh! Nakalimutan ko, pagkakaalam pala ni Dionne eh kami ni Venus! =___=

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Manager Rhian “Si Venus Fair? Kayo pala?”

opo sila! Doon pa nga nakatira saamin si Ma’am Venus!” masiglang sabi ni Dionne at mukhang hindi niya na gets ang sinabi ko.

Tinignan ako ni Manager Rhian at nginitian ako “ikaw Jake ha! Kayo na pala ni Venus! Hindi ka manlang nagsasabi saakin!” ^___^

Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko habang nakatingin saakin si Manager Rhian. Alam niyo yung feeling na kahit naka ngiti siya eh ramdam na ramdam niyo ang masamang aura na lumalabas sa katawan niya at feeling mo eh any moment ay mapupugutan ka na ng ulo? Ganyang ganyan ang nararamdaman ko. >___<

 

“ah M-m-m-manager a-ano kasi eh—“

 

“wag ka ng mag paliwanag at kumain ka na lang!” sigaw niya kaya naman natahimik ako.

Tokwa, nakakatakot O____O

Tss ang daldal naman kasi ng chimay na to eh!! Hindi kasi magkasundo si Manager Rhian at si Venus sa hindi ko malamang dahilan. Malamang siguro eh ayaw ni manager na yung babaeng yun ang gawin kong shota! Hindi ko namang pwedeng sabihin na pag papanggap lang ang lahat!

Tinignan ko si Dionne na enjoy na enjoy sa kinakain niya. Kasalanan niya lahat ng to eh! sa kadaldalan niya, pakiramdam ko nabawasan ng isang taon ang buhay ko! T___T

Patay to sakin! >___<

After namin kumain, nauna ng nagpaalam si Rui dahil biglang tumawag yung manager niya at kailangan daw siyang i-meet. After mabayaran yung bill, napagdesisyunan narin naming umalis agad dahil pagod si Manager Rhian sa flight niya. Pag kadating na pagkadating pala niya eh dumiretso agad siya sa hotel para pingutin este i-check kung ok ako kaya hindi pa siya nakakapag pahinga.

“ah wait CR lang ako saglit” sabi ni Dionne

“bilisan mo! aalis na eh!”

Nginitian lang ako ni Dionne atsaka siya pumunta doon sa C.R. Bigla naman akong hinampas ni Manager Rhian.

“ikaw talaga Jake, lahat na lang ng P.A mo eh inaaway mo! Mamaya hindi makatagal sayo si Dionne. Mukha pa naman siyang masipag at mabait.”

 

“naku manager hindi mo alam ang sinasabi mo! saaming dalawa, ako pa ang mas hindi makakatagal diyan no!”

 

“huh? Bakit naman? Eh ang bait bait kaya ng batang yun! At uy, ang ganda niya ah! Di siya bagay maging P.A! gusto ba niya maging artista? Teka, gaano na ba siya katagal na P.A mo?”

 

“tss hindi siya bagay na artista! Bagay siyang chimay ko! tsaka one month na siya nagtatrabaho saakin”

Bigla naman napahampas si Manager Rhian saakin “One month?! Seryoso one month?! Weh?! Di nga?! Seryoso yan?!” sabi niya habang pinanlalakihan pa ako ng mata.

“oo nga! Tss ano ba nakakagulat doon?!”

 

“eh kasi ang pinaka matagal mong nagiging P.A ay 1 week. Biruin mo yun! Umabot si Dionne ng one month! Magaling nga talaga ang batang yan!”

 

“eh paanong hindi eh kung umasta siya kala mo siya ang amo sa aaming dalawa! Nakakaasar! Pag sinisigawan ko o pinapagalitan ko tinatawanan ako! Minsan nga pinicturan niya mukha ko habang pinapagalitan ko siya eh! gawain ba yun ng chimay ha?! tapos may time pa na nagpabili ako ng yosi ang binili niya stick-o! nakakabaliw siya!!” paghihimutok ko kay Manager Rhian. Tinignan ko siya at nakita ko namang titig na titig siya saakin. . . .

. . . .then she burst in laughter.

 

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA. I like her! I really really like her! bagay na bagay siyang maging P.A mo! as in! nakahanap ka ng katapat mo! wahahahahahhaha!”


 

“heh manahimik ka! Hindi siya nakakatuwa!”

 

“ows? Eh bakit hindi mo siya magawang palayasin aber?”

 

“e-eh k-kasi ano k-kasi..”

“baka naman gusto mo siya? sus! wag ka na dun sa malditang Venus na yun! Plastic yun eh! kay Dionne ka na lang! uyy crush mo si Dionne eh! uyyy!”

“h-hindi no! hindi!!!” tumayo ako “nasan na ba yung chimay na yun!!! Napakatagal!!! Tsss!! Puntahan ko na nga!!” naglakad ako papunta sa may restroom habang rinig ko naman ang mga tawa ni Manager Rhian.

Tss, ako? May gusto kay Dionne? Hindi no! May taste ako! At ang gwapong tulad ko ay hindi bagay kay Dionne! She’s so plain! Kaya lang naman hindi ko siya mapalayas kasi ano eh.. kasi ano.. kasi.. kasi… n-naawa ako sa kanya! Tama! Naaawa lang ako sa kanya kaya ganun!!

Nasan na ba yang napaka kupad na chimay na yan?!”

Pagkadating ko sa labas ng restroom, nakita kong nakatayo doon si Dionne. Lalapitan ko sana kaya lang napansin kong may kausap siya sa phone.

 

“tamang tama day-off ko bukas kaya yes, pupunta ako. Right, so kita na lang? it’s a date! Ok bye bye”

 

 A date?! O________O

Ay tokwa tong chimay na to! Mamanang manang eh nakikipag date din pala?! Kanino naman to lumalandi?! Kay Rui?! Imposible naman! Bat ba ang daming lalaki sa buhay nito?!

“Oh Japoy nandiyan ka pala. Tara na!”

 

“w-wait aalis ka bukas?” tanong ko sa kanya

huh? Ah oo. Day-off ko naman di ba?”

Nilapitan ko si Dionne at nginitian “uhmm pwede ka bang wag muna mag day-off? Kailangan kasi i-general cleaning ang unit ko. Kahit next week dalawang beses ka mag off!”

“huh? Eh kasi may importante akong lakad bukas eh”

 

“anong mas importante? Yun o ako?!”

 

“yun” mabilis niyang sagot

“anak ng--!!! Hindi! Hindi ka aalis bukas! Mag i-stay ka sa unit ko at lilinisin mo to sa ayaw mo at sa gusto mo!”

 

“p-pero Japoy—!!”

“wala na tayo paguusapan!!” tinalikuran ko siya then I grinned!

Hah! Kala niya ah! hindi ko siya hahayaan makipag date!!

“Hindi!!”

Natigilan ako sa paglalakad ng marinig kong sumigaw si Dionne. Napalingon ako sa kanya at nagulat ako ng makita ko ang galit na expression niya. Lumapit saakin si Dionne.

 

“hindi! Hindi! Hindi!! Nangako ka na every Sunday ay day-off ko! may mahalaga akong pupuntahan bukas kaya hindi kita susundin! Nangako ka tuparin mo yun!!” pagkatapos niyang sabihin yun ay nag walk out na siya at malamang eh nag punta na sa loob ng kotse.

Halos mapahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa takot. Tokwa, nakakatakot pala magalit ang isang yun? O______O

“whoa!” narinig kong sabi ni Manager Rhian “hindi lang pala ako ang makakapag patiklop sayo Jake! Sabi na eh! kaya gusto ko ang girl nay an! she’s amazing!”

After that, she left me standing there with my mouth hanging open.

 

[Maisie’s POV]

 

“ma’am kakain na po ng lunch. Pinapatawag na po nila kayo sa baba”

“sige po yaya mamaya na lang ako kakain. Busog pa po kasi ako eh.”

 

“sige po” lumabas na siya sa kwarto ko

Hay. Nakakailang buntong hininga na ko ngayong araw na to. Sa totoo lang, wala akong ganang kumain at wala ako sa mood makipag usap sa kahit na sino kaya naman umabsent ako sa trabaho.

 


Isa pang dahilan ay ayokong makita si Rui.

 

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi doon sa concert. Naiinis ako sa sarili ko para ipakita sa kanya ulit ang emosyon ko. Nakakayamot dahil nai-bring up ko na naman sa kanya ang nararamdaman ko. It’s as if I got rejected for a second time. Sabi ko sa sarili ko na never ko ng babanggitin pa kay Rui ang nararamdaman ko. Ayoko na ulit maranasan ang mga nangyari four years ago…

… kung saan unang beses akong nag tapat sa kanya.

--(Flash back: 4 years ago)—

February nun at fourth year high school kami ni Rui. Kasalukuyang inaabangan ng mga junior at senior students ang Prom night. Lahat ng mga juniors ay excited dahil ito ang kanilang first ever prom samantalang inaabangan naman ito ng mga Seniors dahil ito na ang last nila.

Pero meron pang isang inaabangan ang mga juniors at seniors, at ayun ay yung sinasabi nilang “magic” na nadadala ng Prom na ito. Meron kasing sabi-sabi na pag naging last dance mo ang taong mahal mo sa prom at nagtapat ka sa kanya, magiging kayo at magiging masaya ang relasyon niyo. Madaming naniniwala sa sabi-sabi na yan. Madaming nag handa ng mga sasabihin nila at ng plano kung paano nila magiging last dance ang mga taong lihim nilang minamahal. Madaming nag ipon ng lakas ng loob para makapag tapat sa taong nagugustuhan nila sa prom.


Isa ako sa mga taong yun.

 



Nung araw ng prom, ang escort ko nun ay ang aking pinaka matalik na kaibigan, si Rui. Talagang pinaghandaan ko ang gabi na yun. Hindi naman nabigo ang pag aayos ko dahil na puri niya ako.

“ang ganda talaga ng best friend ko! mamaya niyan mainlove ako sayo eh!” pabirong sabi saakin ni Rui.

Sa totoo lang, kinilig ako sa mga sinabi niya. Mula preschool ay kasabay ko ng lumaki si Rui. Sobrang lapit namin sa isa’t isa na halos lahat eh nag eexpect na magkakatuluyan kami sa huli. Inaamin ko, simula ng mag 2nd year kami at nagkaroon nun ng ka-fling si Rui, naramdaman kong nagkakagusto na ako sa kanya hanggang sa lumalim ng lumalim to the point na hindi na isang best friend ang turing ko sa kanya. Iniisip ko noon na mali ito at dapat ko ng itigil. Pero na-realize ko, wala naman masama kung mamahalin ko si Rui di ba? Malaki rin naman ang posibilidad na may nararamdaman din siya para saakin, tutal sobrang lapit namin sa isa’t isa. Isa pa, maraming may gusto na magkatuluyan kami kaya naman nag assume ako nun na may gusto din saakin si Rui.

Nung mismong araw ng prom na yun, masayang masaya ako dahil ilang beses akong pinuri ni Rui. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig nun. Mas nagkalakas tuloy ako ng loob na umamin sa kanya. Lalo na nung mismong last dance, siya pa mismo ang nagyayang mag sayaw kami.

“grabe best friend, hindi ka nakakasawang tignan” sabi niya saakin habang ako naman ay halos matunaw sa mga tingin niya “anata wa hountoni kirei desu”

 

“huh? Anong ibig sabihin nun?”

 

“it means you are really beautiful”

 

Hinampas ko siya ng mahina sa braso “napaka bolero mo no!”

 

“sus! bolero na ba ang taong nagsasabi ng totoo?”

Bigla akong namula sa sinabi ni Rui. Hindi ako halos makapag concentrate nun dahil sa nag uumapaw na kilig na nararamdaman ko kaya naman huminga ako ng malalim then I tried to clear my mind.

It’s now or never. Sabi ko sa sarili ko. Wala ng atrasan to. Kailangan ko na magtapat kay Rui.

 

“ano Rui.. m-may sasabihin ako sayo”

Tinignan niya ako sa mata at nginitian niya ako “ano yun?”

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinignan ko din siya “hindi ko alam kung paano nangyari to eh. Basta alam ko na lang, nagising ako isang araw na may taokt sa puso ko na baka mawala ka sakin..”

“huh? Ano ba sinasabi mo Maisie-chan! Bakit naman ako mawawala sayo?”

 

“hindi mo naintindihan Rui. What I mean is, natakot ako nab aka magka roon ka ng girlfriend, baka may iba ng umagaw ng attention mo at baka iwan mo na ko..”

Rui tapped my head “ikaw talaga kung anu-ano iniisip mo! bat naman mangyayari yun? Kahit pa magkaroon ako ng girlfriend, ikaw parin ang nagiisa kong bestfriend at hinding hindi yun magbabago”

“a-akala ko dati ganun ang ikinakatakot ko. Akala ko takot lang ako na mawalan ng best friend. But as time goes by, narealize ko na takot ako na magmahal ka ng iba” tinitigan ko si Rui sa mga mata niya at binitiwan ko ang mga salita na hindi ko alam na pagsisisihan ko pala kung bakit ko pa sinabi ito “..dahil mahal kita. Hindi bilang isang best friend ko kapatid Rui.”

Nakita kong nawala ang mga ngiti sa labi ni Rui ng panahon na yun. Bigla kaming napahinto sa pagsasayaw at napabitiw naman siya sa pagkakahawak sa bewang ko.

 

“M-maisie I-I’m sorry p-pero mahal kita bilang isang kapatid lang…”

Ng sabihin niya ang mga katagang yun, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ako makapag salita noon sa harap niya. Pakiramdam ko mukha akong tanga dahil sa mga sinabi ko. Nag assume ako na mahal niya rin ako kaya hindi ko expected na ganyan ang magiging sagot niya saakin. Pakiramdam ko parang gusto ng lumabas ng mga luha ko nung mga panahon na yun kaya napatakbo na lang ako palabas ng venue nung prom namin at dali-dali akong sumakay sa kotse namin at nagpahatid pauwi.

Wala akong ibang ginawa nung gabing yun kundi ang umiyak. Gusto kong magalit kay Rui at sisihin siya sa mga bagay nay un pero alam ko na ako naman talaga ang mali. Tanga tanga ko kasi eh, sukat na nag assume ako? Ayan tuloy nasaktan ako.

Tama nga ang sinabi nila “expecting doesn’t hurt so much, assuming does”

After ng araw na yun, hindi ko na ulit kinausap si Rui at tuluyan ko ng sinira ang pagkakaibigan namin dahil sa isang dahilan; ayoko na ulit mag assume at mas lalong ayoko na ulit masaktan at mareject.

--(end of flashback)—

Apat na taon na ang pangyayaring yun. Hanggang college iisa ang iskwelahan namin ni Rui. Naging maliit ang mundo para saaming dalawa kaya naman nahirapan akong iwasan siya.

Yun nga lang, kahit anong iwas ang gawin ko sa kanya, hindi parin nakatakas ang puso ko. Dahil sa loob ng apat na taon, siya parin ang tinitibok nito.

Napataklob ako ng kumot habang ramdam ko ang mga na bumabagsak sa mata ko. Hay badtrip naman yung Hapon na yun eh! Maganda naman ako at madaming nanliligaw saakin pero bakit siya parin ang gusto ko? Hanggang kelan ba ako ganito?

Sa totoo lang, gusto ko ng maka move on..

“ma’am!!! Ma’am!!”

Bigla akong napabangon sa kama ko ng may biglang nagbukas ng pinto sa kwarto ko.

 

“yaya ano ba! Kumatok ka muna!”

 

“eh kasi ma’am nagkakagulo sa baba! May mga press na nagpunta dito at gusto kang makausap!”

 

“huh? Bakit daw?”

 

“eh kasi po.. naku bumaba na lang kayo!”

Huh? Anong meron?

Dali dali naman ako nagpalit ng damit at bumaba ng madatnan ko ang sangkatutak na reporter sa may gate ng bahay namin.

“ayan na siya! ayan na siya!”

 

“bakit po kayo nandito?” tanong ko sa kanila

“ikaw po si Maisie di ba? anong relasyon niyo ng sikat na model at aktor na si Rui Ashiya?”

 

“huh?!”

 

“gaano na kayo  katagal?”

“bakit nilihim niyo sa media ang relasyon niyo?”

 

“totoo bang may LQ kayo kagabi?”

 

Sabay sabay nilang mga tanong na ibinato saakin

“t-teka! Ano sinasabi niyo? Wala akong idea sa sinasabi niyo!”

 

“di ba ikaw tong nasa litrato kasama niya? May mga naka kita sa inyo na magkasama sa concert kagabi at ang sweet sweet niyo daw. Meron ding nakakita na nag aaway kayo sa kalsada. Ano po ba ang totoong pangyayari?!”

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang mukha ko sa isang showbiz newspaper.  Sa litrato, nakayakap saakin si Rui habang parehong basang basa kami sa ulan. Malamang kuha to kagabi kung saan nagaaway kaming dalawa.

Oh no. totoo ba to? Nai-issue ako ngayon sa lalaking yan? Pinilit kong protektahan ang sarili ko sa mga media pero ano to? Nagkalat na ngayon ang pagmumukha ko sa mga dyaryo, nadikit pa ang pangalan ko sa isang sikat na artista.

“yaya… tubig..” pagkatapos kong sabihin yun ay nagdilim na lang ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng mala

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 1.6K 39
[UNEDITED] She's Elsa Vovough. She isn't your usual naive nerd girl who is afraid to move around in a crowded environment while clutching her books a...
3.8M 63.9K 56
There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's possible that even in the afterlife, it m...
37.4M 1M 70
Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand...
96.3K 3.4K 13
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #1