Mystic Club: The Paranormal D...

Por Illinoisdewriter

648K 33.4K 7.2K

When everyone thought that they figured out all the puzzling mysteries that surround them and that everything... Más

Mystic Club
Prologue
Chapter 1: Vengeful Cadaver
Chapter 2: Vengeful Cadaver (Part 2)
Chapter 3: Chasing Wren
Chapter 4: Faith Healer or Killer?
Chapter 5: Faith Healer or Killer? (Part 2)
Chapter 6: Girls' Exchange Blows
Chapter 7: The Poltergeist Is Back With Vengeance
Chapter 8: The Poltergeist Is Back With Vengeance (Part 2)
Chapter 9: Misadventures of Coco in California
Chapter 10: Misadventures of Coco in California (Part 2)
Chapter 11: Misadventures of Coco in California (Part 3)
Chapter 12: His Mysterious Pursuit of Bethany
Chapter 13: His Mysterious Pursuit of Bethany (Part 2)
Chapter 14: Knowing What You Got
Chapter 15: Tinks Gone Wild
Chapter 16: Tinks Gone Wild (Part 2)
Chapter 17: Smell of Death
Chapter 18: Graveyard: Story Of A Murderer
Chapter 19: Graveyard: Story Of A Murderer (Part 2)
Chapter 20: Graveyard: Story Of A Murderer (Part 3)
Chapter 21: How Is It Like?
Chapter 22: The Proposal of the Past
Chapter 23: The Witch, The Psychic and The Halfway Truth
Chapter 24: Mannequins For Pleasure
Chapter 25: Mannequins For Pleasure (Part 2)
Chapter 26: Mannequins For Pleasure (Part 3)
Chapter 27: Mannequins For Pleasure (Part 4)
Chapter 28: Lies, Prayers and Regrets
Chapter 29: Making Difference
Chapter 30: Baby Don't Cry
Chapter 31: Baby Don't Cry (Part 2)
Chapter 32: Baby Don't Cry (Part 3)
Chapter 33: Baby Don't Cry (Part 4)
Chapter 34: His Story
Chapter 35: Fairest Of Them All
Chapter 36: Fairest Of Them All (Part 2)
Chapter 37: Fairest Of Them All (Part 3)
Chapter 38: Fairest Of Them All (Part 4)
Chapter 39: She's A Witch
Mystic Club: The Paranormal Detectives (Volume 2)
Chapter 40: Way To Move On
Chapter 41: Whole Day Mishaps
Chapter 42: Add-ons, Changes And Imperfect Timing
Chapter 43: Land Of Eyes And Teeth
Chapter 45: Land Of Eyes And Teeth (Part 3)
Chapter 46: Land Of Eyes And Teeth (Part 4)
Chapter 47: Simplicity And Complications
Chapter 48: Gone With My Everything
Chapter 49: Lonesome Difficulties
Chapter 50: Not The Happiest
Chapter 51: Welcome To Neverland
Chapter 52: Welcome To Neverland (Part 2)
Chapter 53: Welcome To Neverland (Part 3)
Chapter 54: The Other Side
Chapter 55: Troubles Fetching The Newbie
Chapter 56: Sinister Nun
Chapter 57: Sinister Nun (Part 2)
Chapter 58: Sinister Nun (Part 3)
Chapter 59: Sinister Nun (Part 4)
Chapter 60: Exorcism of Annie Perez
Chapter 61: Journey in Abseiles
Chapter 62: Nearing End
Chapter 63: The End
Mystic Club: The Paranormal Detectives (Volume 3)
Undisclosed Entries
The Clairvoyant
The Telepath
Undisclosed Entries 2.0
The Clairscent
The Primordial Being
Last and New Entries
Epilogue
A Symbolic Look on MCTPD
Other Stories & their Blurbs
The Guardian Angel

Chapter 44: Land Of Eyes And Teeth (Part 2)

6.9K 361 106
Por Illinoisdewriter

Land Of Eyes And Teeth (Part 2)

"Hi Mr. Mayor." Maligayang bati ni Eve sa mayor ng Poblacion Očiazuby na kaagad na napatayo sa gulat at takot nang makita siya.

Naging alerto rin ang bodyguard na kasama niya sa maaaring banta ng babae sa buhay ng pulitiko.

"E... Eve. Anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ng mayor sa babaeng may pulang buhok.

"Aren't you going to greet me first? How rude of you but I'll go straight to the point. I want to see your prisoner."

"A... nong pinagsasasabi mo? Alam mo ba kung ganoon kadelikado ang lalaking yon? Hindi pwede. Hindi kita hahayaan!" Nagtatapang-tapang na sigaw ng mayor dahil ayaw niyang makita ni Eve ang kanilang preso.

Tinignan niya sa gilid ng kanyang mga mata ang kanyang bodyguard at palihim itong tinanguan na gawin na ang planong pagbaril kay Eve. Hahablutin na sana ng bodyguard ang baril sa kanyang likuran subalit nanlaki sa gulat ang kanyang mga mata at maging ang kay mayor dahil bigla na lamang siyang umangat sa lupa at lumutang sa ere dahilan para mabitawan niya ang hawak na baril.

Mula sa madilim na sulok ay lumitaw si Cross na nakabalot ng kanyang itim na cloak at may nakasabit na kwintas na may malalaking itim na beads sa kanyang leeg. Nakaangat ang kanang palad niya na siyang kumokontrol sa paglutang ng lalaki.

"Mr. Mayor." Panunuya ni Eve sa pulitiko.

"Hindi pwede! Hindi! Hindi!" Pagmamatigas ng mayor sa kabila ng takot na kanyang nararamdaman.

Ginalaw ni Cross palahad ang kanyang palad dahilan para dumapo ang mga kamay ng bodyguard sa leeg nito na animo'y sinusubukang pigilan ang di makitang pagkakasakal sa kanya. Nangatog ang mga binti ni mayor sa nakita pero hindi siya nagpatinag. Hindi niya hahayaang masira ang pinaghirapan niya para sa kanyang lugar.

"Hindi parin kita hahayaan! Hinding-hindi! Matapos lahat ng ginawa ko para sa lugar ko! Hindi!" Sigaw niya kay Eve na nakangiti lang habang nakahilig ang ulo para asarin siya lalo.

Kinuyom naman ni Cross sa pagkakataong iyon ang kanyang nakaangat na palad para pilipitin ang internal organs ng bodyguard ng pulitiko. Ang mga mata nito'y tumirik kasabay ng kanyang pangingisay. Pinawisan ng malamig si mayor sa sumunod pang nasaksihan niya.

When Cross freed his palm from being balled, the internal organs of the man exploded inside his body, blood splatter on the clean white walls and some on mayor's terrified face, leaving him more in the state of shock and terror.

Dinilaan ni Eve ang maliit na bakas ng dugong tumalsik sa gilid ng labi niya. Binaba ni Cross ang palad niya at natulalang napaupo si mayor sa sahig nanginginig sa takot dahil sa nasaksihan.

"Cross, son, we're not here to fight so just relax. Where is he Mr. Mayor?" Katanungan ni Eve sa wala parin sa sariling si mayor.

☠️☠️☠️

Eve was greeted by darkness when she opened the huge metallic door and on the center of the said tenebrific room, a man on sloven clothes with medium length deranged hair settled. His both feet were chained and his wrists were tied on the arms of a metallic chair completely obviating him from moving. Illuminated by the hanging bulb on top of him, his sullied face accentuated when he lifted his head to see her.

"Dean. Dean. Dean." Nakangiting tawag ni Eve sa kanya na mula sa hamba ng pintuan ay biglang nasa harapan na niya.

He smiled teasingly showing a part of his yellowish teeth.

"Kailan ka pa nakawala sa impyerno?" Tanong nito.

"Matagal narin naman but I'm still on rest. You know ayokong masyadong ma-stress."

"Alam kong pinaplano mo."

"So anong meron sa future?" Eve put her hands on her lap to leveled her eyes on him.

"Hindi ka magtatagumpay." Tugon ng lalaki kasabay ng isang nang-aasar na ngiti.

"Oh really? Now, I'm hurt." She placed her hand on her chest acting like she's really hurt.

"Anong kailangan mo?" Ngayo'y seryosong tanong ng lalaki. Ang totoo'y kakarampot lamang ng impormasyon ang alam niya at hindi ang kabuuan tungkol sa hinaharap pero hindi niya iyon sasabihin sa babae.

"Sabina, your wife right? She's very obedient to your commands and your twins? They're very good witches too. Hindi ko tuloy sila mahanap. Pero yong panganay mong si Meredith ay kasalukuyang nagkakaroon ng trauma dahil sa nangyari rito. Ano ba kasing naisip mo at sinama mo sila sa lugar na to?" Panunuyang tanong ni Eve na ikinatungo naman ni Dean. He's feeling guilty because of his family's condition but he knows that they're safe right now.

"Ano bang gusto mo?" He asked.

"I still want the gift." Pagtutukoy ni Eve sa natatanging kakayahang meron si Dean.

"Bakit natatakot ka ba?" Nakangising tanong ni Dean na ikinaseryoso naman ni Eve.

"I am not but I won't get it now because I don't want to look like an opportunist on your poor state. I want a good fight Dean and that will surely happen very soon."

And with that, Eve vanished in front of him and Dean just found her on the threshold closing the metallic door leaving him alone again inside the caliginous  chamber.

💀💀💀

"Tobbias Gilby Araneta. Cause of death: Starvation." Natutulalang usal ni Tobbie habang nakatingin sa kawalan. Napairap na naman ako sa huling pagkakataon dahil sa kadramahan niya. Parang almusal lang napalampas niya e!

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Taki sa tabi ko habang pinagmamasdan ang miserableng kaibigan namin na nasa harapan ko naman. Nakaupo kasi kami sa magkaharapang upuan ng van. Napabuntong-hininga si Tobbie at tinalikuran ako para harapin si Proverbs na nasa front seat. Bahagya ko siyang sinilip at naabutang tinititigan niya ng masama ang aso.

"Bakit ang sama mong makatingin dyan? Minamaliit mo ko? Sinasabi ko sayo talagang kayang-kaya kitang gawing barbecue ngayon." Nasapo ko na lamang ang noo ko sa kalokohan niya.

Our van were almost running for six hours now yet we have never seen of any portals. I tried to use the GPS to find our location but it's not moving. It's like where stuck somewhere on the spot where the red dot stopped. Konti na lang maloloka na ako. Sinulyapan ko si Winona sa harapan at nagbabasa parin siya sa may kalumaan na niyang libro samantalang tulog parin si Radicus sa likuran.

"Itigil mo yang mga tingin mo na yan. Binabalaan kita. Hawak kong pamilya mo." Muling natawa si Taki sa sinabi ni Tobbie sa aso na sumagot naman ng tahol.

"Tobbie! Nababaliw ka na ba talaga?!" Sigaw ko sa inis sa kanya. Kanina pa siya!

Maging si Professor Cameron na nagmamaneho ay natawa narin. Isa pa to e. Masyadong pa-chics. Kanina pa panay ang sabi niyang malapit na kami pero kanina pa kami takbo ng takbo! Napatingin ako kay Winona nang maramdaman kong naaaliw narin siya sa nangyayari. She bit her lower lip without removing her eyes from the book like as if she's preventing some smile to escape.

"Professor, gutom narin ako saka alas-diyez na ng umaga baka naman pwede muna tayong huminto at kumain sandali ng agahan." Suhestiyon ni Taki. Mabuti sana kung may makita man lang kaming bahay dito. Kasi kung hindi mga kahoy ay puro palayan ang nakikita ko sa labas.

"Okay, we'll stop if we spotted a restaurant or some carinderias just to have something to eat." Tugon naman ni Professor na sinang-ayunan ang ideya ni Taki.

☠️☠️☠️

After all the trees and the rice fields na nadaanan namin ay nakakita narin kami ng bahay or should I say karinderya sa wakas. How lucky of us?

Naramdaman ko namang natuwa kami lahat nang pinark na ni Professor ang van sa gilid saka niya pinatay ang makina. We began unbuckling our seatbelts.

"Kakain muna tayo at magpakabusog narin kayo at baka matagalan pa ang biyahe natin." Paalala sa amin Professor.

Nauna ng bumaba si Tobbie na mukhang excited ng kumain. Sumunod naman sa pagbaba si Wren sa kanya mula sa front seat. Bumaba narin si Professor para umiko sa gawi namin.

"Paano si Radicus?" Turo ko sa miyembro naming feeling sleeping beauty.

"Try mo kayang ikiss para gumising." Sinamaan ko ng tingin si Winona na bumaba na.

"Girls, ako ng gigising sa kanya. Sige na. Pumasok na kayo sa loob." Ani Professor na tinanguan naman namin ni Taki bago kami bumaba at tinungo ang loob ng karinderya. Iniwan na lang namin yong mga gamit namin sa loob ng van dahil ila-locked naman daw iyon ni Professor.

Pagpasok namin sa loob ay pumipila na para pumili ng pagkain sina Wren, Winona at Tobbie sa counter. I even spotted seven people already eating inside the carinderia. Yong una ay sa tingin ko'y mag-asawa dahil napansin ko ang identical rings na nasa parehong daliri nila samantalang grupo naman ng mga kabataan ang naroroon sa kabilang mesa. May dalawang babae at tatlong lalaking bumubuo sa grupo nila. May ilan pa sa kanilang nakatingin at nakangiti sa amin.

Naglakad na lamang ako sa counter at kumuha ng tray para makapili na ng makakain. Professor will take care of our expenses because he has the budget. I choose a beef steak and rice with coke and water. Yon lang ang laman ng tray ko samantalang punong-puno na ang kay Tobbie. Nauna pa nga kaming apat na maupo sa kanya sa isang malaking round table.

Kumunot ang noo ko nang sininghot-singhot ni Taki ang pansit na inorder niya at ganoon din sa mga pagkain namin. Maging si Winona ay nagulat din.

"Taki! Ang bastos mo!" Wika ni Tobbie saka inilapag ang dalang tray sa tabi ni Taki at naupo narin. Napaayos naman ng upo ang katabi niya.

"Ang pagkain nilalagay sa bibig at hindi sinisinghot-singhot. Grasya yan Taki grasya kaya magpasalamat ka." Pangaral ng butihing si Tobbie sa kanya dahilan para mapasimangot siya.

"Sinisiguro ko lang naman na walang lason to. Palibhasa kasi kami lang yong maaapektuhan kung meron nga ito." Paliwanag naman ni Taki.

"May iba namang paraan para malaman kung may lason nga yan." Sabi kong umagaw naman sa atensyon nila.

"Paano?" Interesadong tanong ni Taki samantalang tumaas naman ang isang kilay ni Tobbie.

"Manang." Tawag ko sa matandang serbidora ng karinderya. May hawak pa siyang tray pero lumapit siya sa akin at nginitian ako.

"Ano yon ma'am?"

"May lason po ba tong mga pagkain niyo?"

Napawi ang matamis niyang ngiti sa tanong ko at nawalan din ng kulay ang mukha niya. I sensed that she's shocked with my sudden inquiry.

"Wa... wala po." Nauutal niyang tugon hindi parin makapaniwala sa tanong ko. Tumango naman ako at nginitian siya.

"Salamat po."

Kahit na nararamdaman kong naguguluhan parin siya ay mas pinili niyang talikuran na kami at tunguhin ang counter. Hinarap ko naman ang mga kasama kong pawang nalaglag ang mga panga.

"She's telling the truth. Walang lason to so let's eat." Nakangiti kong wika sa kanila.

"You guys are unbelievable." Pailing-iling na sambit ni Winona bago kumain.

Pumasok narin si Professor sa karinderya at nakasunod naman sa kanya si Radicus na gulong-gulo parin ang buhok at inaayos ang kanyang salamin. Halatang kagigising lang. Pero bakit nga ba ang antukin ng isang to? Actually, may hula na ako but I still need confirmation. Pumila na sila sa counter upang pumili ng makakain nila. The eyes of the female employees near them sparkled with delight and admiration and I feel it. Sinuyod ko naman ng tingin ang lalagyan nila ng mga desserts.

Nang maupo na sina Professor sa lamesa namin para daluhan kami ay tumayo ako para orderin ang hinahanap ko.

"Isang fruit salad please." Nakangiti kong wika sa babaeng empleyadong naroroon na hindi naman nalalayo sa edad ko. Kinuha niya ang isang cup ng fruit salad at ibinigay iyon sa akin.

"Thanks." I said and walked my way to Radicus. Namataan ko pa ang pagkunot ng noo ni Professor na nasa tabi niya ng ilapag ko iyon sa kabilang gilid niya.

"Rad, para sayo." Sabi kong tinanguan lamang niya ng hindi man lang ako binabalingan. I can feel that all eyes were on me except for Tobbie who's now busy with his food. They're wondering why I am suddenly acting sweet towards Radicus by offering him a cup of fruit salad. Maglalakad na sana ako pabalik sa pwesto ko nang biglang magsalita si Professor.

"Where's mine?" Tanong niyang ikinagulat ko naman. Si Wren naman nagpipigil ng tawa sa di ko malamang dahilan. Is he asking me to get him a fruit salad too?

"Ha?" Nakakunot noong tanong ko pabalik sa kanya. Tuluyan ng humalakhak ng marahan si Wren kaya naman naguguluhan siyang binalingan ni Winona.

"I want fruit salad too." Ani Professor saka ibinagsak ang kanyang mga mata sa kanyang pinggan. Wren chuckled heartily. Tumango-tango naman ako nang makuha ang gusto niyang sabihin.

"Coco, why so dense? You're a clairempath." Nangingiting nagpailing-iling si Wren na para bang aliw na aliw siyang inuutusan ako ni Professor na kumuha ng fruit salad. Pero bakit feel kong tinutukso niya ako?

Kahit na naguguluhan parin ay sinunod ko na lang ang utos ni Professor. Inutusan pa ako ni Tobbie na dagdagan ang fruit salad at leche flan niyang kinuha kanina. Pagbalik ko ay nagpatuloy na ako sa pagkain kasama nila.

"Professor, ano ng gagawin natin ngayon? Mukhang mahihirapan tayong hanapin iyong Poblacion Očiazuby." Biglaang tanong ni Taki na sinang-ayunan naman ng lahat maliban siyempre kay Tobbie na mukhang nakakita na ng kakampi sa pagiging walang pake kay Radicus.

"I guess it would be better if we'll ask one of the employees here." Suhestiyon ko.

"Seriously? Tayo nga nahihirapan at walang kaalam-alam dyan sila pa kaya." Pabalang na sagot ni Winona sa akin.

"We wouldn't lose anything if we'll ask them." Seryoso kong sabi habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya. I guess she really needs to make a lot of efforts to last in this club.

Napairap naman siya bigla habang nakatitig sa akin. Marahil ay naririnig na naman niya ang iniisip ko. I should better keep it always on guard whenever she's around.

"Girls, are you going to fight over this on our table?" Tanong sa amin ni Professor kaya pareho kaming napabitiw sa tinginan namin.

Napabuntong-hininga ako at tinawag ulit ang serbidora kanina. Nagdadalawang-isip pa siya kung lalapit ba siya sa akin o hindi but she chose to follow her duty which is to attend to their customers.

"May kailangan po kayo ma'am?"

"Alam niyo po ba kung nasaan ang Poblacion Očiazuby?" Magalang kong tanong sa kanya. Tumango naman siya saka tinuro ang labasan.

"Nandyan lang po ang Poblacion Očiabuzy." Aniyang nakangiti kaya napalingon na ako sa labasan kung saan ang itinuturo niya. Maging ang mga kasama ko ay ganoon din ang ginawa.

We were all flabbergasted as we stared at the gateway just beside the place where we are in. Poblacion Očiazuby was engraved on its both sides. Ang mas nakakagulat pa ay hindi namin iyon napansin kanina! What the bloody hell is happening?

☠️☠️☠️

Ramdam ko ang magkahalong pagkamangha, excitement at kaba sa mga kasama ko kaya dali-dali naming tinapos ang pagkain namin. Nauna na sina Wren, Winona at Taki sa loob ng van. Tapos narin naman ako pero inaantay ko pa si Radicus na kainin ang fruit salad na ibinigay ko sa kanya. I need to observe him. Nagtataka rin ako kung bakit hindi pa umaalis si Professor kahit tapos narin naman siyang kumain. Nanatili lang siya sa pwesto niya at pinanood kami. Mukhang inaantay niya kami para sabay-sabay na kaming pumasok sa van. Tobbie's still eating. Sa dami ba naman ng inorder niya ay tignan natin kung hindi pa siya mabusog.

Nang kinakain na ni Radicus ang fruit salad ay hindi ko inalis ang tingin sa ginagawa niya. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng pagtayo ni Professor mula sa upuan niya.

"Let's go Coco. It's rude to watch someone eat."

Kunot ang noo kong sinundan ng tingin ang likuran ni Professor hanggang sa lumabas na siya ng karinderya. Tumayo ako at sumunod na sa kanya dahil tapos narin naman sina Tobbie at Radicus.

☠☠️☠️

"May hotel po ba kaming pwedeng matuluyan dito?" Magalang na tanong ni Professor sa lalaking nakaball cap habang nakadungaw mula sa nakababang bintana ng van sa banda niya.

Habang nasa biyahe kami papasok ng Poblacion Očiazuby ay pinaliwanag ni Winona at ni Professor na marahil ay kanina pa kami nakapasok sa portal nang di namin namamalayan. Dagdag pa ni Wren na kayang-kayang dayain ng ibang dimensyon ang mga mata namin that's why we really need to be very vigilant.

Humarap ang lalaking balot ng kanyang jacket kay Professor. Hindi ko rin makita ng malinaw iyong mga mata niya dahil sa brim ng cap nitong nakaharang.

"Walang hotel dito pero merong apartment sa may unang kanto na pwedeng tuluyan ng mga dayo." Tugon nito gamit ang malamig na boses na ikinatindig naman ng balahibo ko.

"Salamat po." Tumango ang lalaki kaya nagpaalam na si Professor na tutulak sa apartment na sinasabi niya.

"Weird." Komento ni Tobbie nang maisara na ni Professor ang bintana ng van saka ito pinatakbo.

Inihinto na ni Professor ang sasakyan sa harapan ng apartment na sinasabi nung lalaki.

Kinuha na namin ang mga gamit namin sa likuran. I took my polaroid out of my backpack bago ko isinabit ang straps niyon sa magkabilang balikat ko. Unang lumabas sina Professor at Wren mula sa front seat na sinundan naman namin.

"Si Radicus iiwanan ba natin dito?" Pagtutukoy ko sa miyembro naming natutulog parin sa backseat.

"Ang sabi niya kanina iwanan na lang daw si Proverbs dito sa van para may kasama siya." Ani Wren kaya tumango na lang ako at lumabas ng van.

I ran my gaze through the whole place. There's something eerie and bizarre about it that I couldn't explain. Yong ilang mga tao pa na napapadaan ay napapatingin sa gawi namin. Yong mga tingin pa nila ay hindi yong tipong nagtataka na makita kami kundi yong para bang sinusuri kami. I lifted my polaroid and took a picture of them. Itinigil ko lamang iyon nang maramdaman kong may nagagalit na sa kanila o maaari rin namang sila lahat na ang nagagalit.

"Nasunog na lahat ng naniniwala sa Kanya."

Dumapo ang atensyon namin sa gusgusing matandang lalaking may mahabang puting balbas na hawak-hawak ang karatulang nagsasaad na 'Wala na ang lahat ng mga naniniwala'.

"Kayo? Naniniwala ba kayo sa kanya?! Naniniwala ba kayo sa Diyos?!" Sigaw niyang nagpatindig ng aking mga balahibo. Gusto kong sumagot ng oo pero may pumipigil sa aking gawin iyon na animo'y sa isang bigkas ko lang ng maling salita para sa kanila ay may di magandang mangyayari.

Taki stepped her right foot forward with courage to stand on her faith. I immediately blocked her with my left arm and shook my head as I mouthed 'don't ' at her. Ngumisi ang matandang lalaki nang muli namin siyang harapin.

"Mga Kristiyano." Usal niyang puno ng pait at galit.

"Girls, halina kayo. Wag niyo na siyang pansinin." Tumango kami sa sinabi ni Wren kaya sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng apartment kung saan sinalubong kami ng weirdong landlady. Ngiting-ngiti siya sa di ko malamang dahilan pero kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya.

☠️☠️☠️

May dalawang kwarto ang napili namin para tuluyan. Of course, the girls and boys were in separate rooms. Pagkatapos naming kumain kanina ay tinipon kami ni Professor sa sala para mag-usap ng mga gagawin namin bukas.

"Anu-ano ang mga napansin niyo kanina?" Paninimula ni Professor sa usapan. Nagtaas naman ng kamay si Taki kaya napabaling ang atensyon namin sa kanya.

"Yes Taki." Binaba ni Taki ang kamay niya at tumikhim muna bago nagsalita.

"Amoy sunog po ang paligid."

"As far as I know, ibigsabihin nun ay maraming kaluluwa ang nasa paligid. Is it possible that the people we've seen awhile ago are ghosts and that this is a ghost town?" Pagsasaboses ni Wren ng mga nasa isipan niya. Sinamaan ko naman ng tingin si Tobbie na biglang napakapit sa braso ko.

"Buko, okay lang sana kung ghosts e pero ang sabi ni Wren ghost town daw. Takot na si ako." Aniyang parang bata at napakapit pa lalo sa braso ko. Nangingiti na lamang akong napailing sa bespren ko at itinuon ang atensyon sa mga kasama namin.

"Posible lalo na't simula nong pumasok tayo rito ay iyon na ang naaamoy ko maging dito nga sa loob ay ganoon din." Pagsang-ayon ni Taki.

"Hoy! Walang ganyanan!" Bulalas ni Tobbie sabay usog pa sa tabi ko kaya natawa na ako. Ganoon din si Taki. #FeelingScared.

"We still need to know everything. Kaya kikilos na tayo bukas. Tobbie, you come with me tomorrow, we'll make a way to talk to the mayor of this place and we'll try to find Dean Fulgar's exact location. Wren and Winona, I will assigned you to observe the people in here and Radicus, you join Coco and Taki to get any information about this place." Tumango naman kaming lahat sa plano ni Professor.

"Any other observations?" Dagdag pa ni Professor.

"I can't hear their thoughts and seems like their minds are emptied." Tugon ni Winona. They're still contemplating the info given by Winona kaya nagsalita na ako sa naramdaman at napansin ko kanina.

"At galit sila sa mga Kristiyano." Yes, lahat sila.

☠️☠️☠️

"Coco, naayos ko na yong higaan mo." Nakangiting sabi sa akin ng nakahiga ng si Taki.

Tulog na si Winona sa kabilang side marahil ay napagod sa biyahe namin. Nahuli ako sa paghiga dahil ako ang huling naghalf bath at nagpalit ng sleepshirt. Sumampa ako sa gitna nilang dalawa at nagkumot na.

"Goodnight Taki." I mumbled before I turned my back on her. Mas nakakatulog kasi ako kapag naka-tagilid ng higa.

"Goodnight." She replied.

Pero maya-maya pa ay napalingon akong muli sa gawi niya nang marinig kong tumayo siya. Kumunot naman ang noo ko dahil panay ang pabalik-balik ng lakad niya habang nakabalot ng tinatawag na malong ng mga taga-Mindanao. Para siyang hindi mapakali at nararamdaman kong hindi siya komportable.

"Ayos ka lang?" I asked at naupo sa higaan ko.

"Hindi ako makatulog. Namamahay ata ako e."

"Talaga? E bakit noong unang araw natin sa cabin hindi ka naman ganyan?"

"Nauna ka na kasing natulog kaya si Winona lang yong nakapansin sa akin then she made a hot chocolate for me."

"Really?" Tanong ko at bahagyang nilingon si Winona na nakatagilid ng higa habang nakatalikod sa amin.

Napabaling ulit ako kay Taki nang maupo siya sa tabi ko.

"She's nice, Coco. She might not show it but I know that she cares for us because she considers us as her friends. Just give her a chance to prove herself."

Noong mga panahong nasa panganib si Wren ay pareho kaming nag-aalala sa kalagayan nito and I felt that she's hurting for me dahil alam niyang masasaktan at masasaktan ako kapag nalaman ko ang totoo tungkol sa kanila ni Wren.

"Hindi mo ba naisip that maybe you're meant for someone else to be with? Kahit gaano mo pa kamahal si Wren, mawawalan ng katumbas lahat ng iyon kapag nakita mo na talaga iyong para sayo. He might not be your first love but he'll probably the true one that will lasts." She's right and I'm not on a hurry for love kaya mag-aantay ako.

"Saan mo naman natutunan yan?" Panunukso ko kay Taki na tinawanan naman ako.

"Basta."

"Maiba ko lang, alam mo ba noon kinakantahan ako ni nanay sa tuwing hindi ako makatulog."

"Kakantahan mo ko?"

"Dapat sabay tayo para pareho tayong makakatulog. Ayokong maiwang gising mag-isa ha no." Natatawa kong tugon which is true. Baka may sumulpot na lang na multo sa harapan ko.

"Sige na nga. Ano bang kakantahin natin?" She asked and a silly idea popped in my mind.

"I have a pen. I have an apple." Natatawa kong panimula na sinabayan naman niya.

"Mmm apple pen..."

We continued singing and laughing until both of our eyelids felt heavy demanding us to fell for a slumber.

Seguir leyendo

También te gustarán

131K 4.1K 31
After the SL's fourth generation succeed the war the next Legendary is now going to face the hardest problem. The war betwen the Angels.
163K 9.2K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.