Big Boys Don't Cry (published...

By aLexisse_rOse

2.7M 51.4K 4.4K

Isang babae lang ang bukod tanging nakapagpaiyak kay Vince. But it was a long time ago. And he promised himse... More

Big Boys Don't Cry
Prologue:
Chapter One: It's Her!
Chapter Two: Fell For You
Chapter Three: The Lucky One
Chapter Four: Deceived
Chapter Five: Replaced
Chapter Six: She's Back
Chapter Seven: Reminds Me Of Her
Chapter Eight: First Love
Chapter Nine: The Past (Part One)
Chapter Ten: The Past (Part Two)
Chapter Eleven: The Past (Part Three)
Chapter Twelve: Innocent Curiousity
Chapter Fourteen: Sleepyheads
Chapter Fifteen: Throw Back
Chapter Sixteen: Let Her Go
Chapter Seventeen: First Move
Chapter Eighteen: Last Day
Chapter Nineteen: She Cares
Chapter Twenty: Wake Up Call
Chapter Twenty One: First Date
Chapter Twenty Two: Unusual Date
Chapter Twenty Three: Consequence
Chapter Twenty Four: Beats For Her
Chapter Twenty Five: Maling Akala
Chapter Twenty Six: Wonderful Night
Chapter Twenty Seven: The Decision
Chapter Twenty Eight: Strange Feeling
Chapter Twenty Nine: Then and Now
Chapter Thirty: Impulsive Decision
Chapter Thirty One: Unsure Of Himself
Chapter Thirty Two: The Finale
EPILOGUE

Chapter Thirteen: Bad Temper

71.5K 1.4K 289
By aLexisse_rOse

Chapter Thirteen: Bad Temper


Vince's POV

Nagsalubong ang mga kilay ko nang pumasok si Mama na mayroong bitbit na mga bulaklak.

"Galing kay Papa?" Tanong ko. Hindi na ako magtataka dahil kahit out of the country si Papa ay hindi ito nakakalimot maglambing sa kanya.

Nangingiti na umiling si Mama. "This is not for me, son."

"Para kay Cyrhel? Sino naman sira-ulo ang magtatangkang manligaw sa pasaway ninyong anak."

"Si Mark!" Bigla na lang sumulpot ang kapatid mula sa likuran ko.

"At bakit ka naman padadalhan ni Mark ng mga bulaklak?"

"Dahil may gusto siya sa akin!" Sagot nito at kinuha na lang basta kay Mama ang mga bulaklak.

"Dahan-dahan ka naman, bunso. Hindi naman para sa iyo ang mga iyan."

Ang lakas ng tawa ko sa sinabi ni Mama. Pero kung hindi para kay Cyrhel ang mga bulaklak, para kanino ang mga iyon?

"Pinapatawag n'yo raw ako, Mrs. Buenavista?"

Halos mabali ang leeg ko sa paglingon nang marinig ang tinig ni Valjean. Agad na kumunot ang noo ko sa nakitang pagbabago sa kanya. Siguro ay dahil hindi niya suot ang kanyang puting uniporme.

"Valjean, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Tita Mary na lang ang itawag mo sa akin. Tutal hindi ka na rin naman iba sa amin. You are also part this family."

"Dahil malapit na rin kitang maging ate," sabat ni Cyrhel. "Iyon ay kung mapapasagot ka ni Kuya." Biglang napakislot ang kapatid nang kurutin siya ni Mama sa tagiliran.

"I-I mean... Para na kasi kitang ate." Biglang bawi ng kapatid at nakakaloko na ngumisi sa akin pagkatapos. Mukhang may binabalak na naman siyang kalokohan.

"Iha, may nagpa-deliver nga pala sayo ng mga bulaklak."

"Para sa akin?" Bulaslas ni Valjean nang inaabot sa kanya ni Mama ang isang malaking bouquet.

"Anong nakakagulat doon?" Natatawa na tanong ni Mama. "Sa ganda mong iyan, hindi nakakapagtaka na maraming magkainteres na lalaki sayo. Right, Vince?"

Hindi ko nagawang sumagot. Okupado ang isip ko dahil posible na ang mestisong hilaw na tinutukoy ni Cyrhel ang nagpadala ng mga bulaklak kay Valjean.

"Miss Valjean, basahin mo na ang card para malaman natin kung kanino nanggaling," excited na sabi ni Cyrhel. Ngunit hindi rin ito nakatiis at inaagaw nito sa dalaga maliit na card. "MM? Sinong MM?"

Nagkibit-balikat lamang si Valjean. Marahil ay wala siyang ideya kung sino ang MM na iyon.

Pati si Mama ay nakiusyoso na rin. "Hmm... Secret admirer?"

"Hindi kaya yung kapitbahay natin sa may tapat?" Si Cyrhel ulit. "Noong isang araw kasi ay nagtatanong siya sa akin tungkol kay Miss Valjean."

"Iyong binatang abogado?" Namimilog ang mga mata na tanong ni Mama.

Mabilis na tumango si Cyrhel at binalingan si Valjean.

"Ang guwapo niya, promise! Gusto mo ireto kita sa kanya?"

"Ano ang ikinaguwapo nun? Mukha kaya siyang mongoloid!" Hindi nakatiis na sabat ko. Kilala ko ang lalaking tinutukoy ni Cyrhel. Sa tagal nang pagiging magkapit-bahay namin ng abogado na iyon ay hindi ko ito naging kaibigan. Mayabang kasi at feeling guwapo. Muntikan na nga itong makaaway ni Tyron noon nang minsang ibalandra nito sa kalsada ang bagung-bago nitong sports car.

"Kung siya mukhang mongoloid, ikaw naman mukhang autistic!" Banat ni Cyrhel.

Sa isang iglap ay lumipad sa ere ang nahagip na unan at sapul siya sa mukha.

"Hello everyone!"

Magkakasabay kaming lumingon sa bagong dating. Si Tyron!

Nag-isang linya ang mga kilay ko sa nakitang kakaiba sa kanya.

"Anong meron? Ba't nakaporma ka ng gayan? Aakyat ka ba ng ligaw? Sinong malas na babae ang target mo ngayon?" Magkakasunod kong tanong na hindi naman alintana ni Tyron. Dahil nakatuon ang kanyang atensyon kay Valjean. At doon ko lamang din napansin ang bugkos ng mga bulaklak sa kanyang kaliwang kamay.

"What are you doing here?" Agad na hinarang ni Cyrhel ang katawan sa daraanan ng binata. "Bawal dito ang panget kaya tsupi!"

"Kung bawal ang panget, bakit nandito ka?"

"Hindi ako pa-" Hindi na naituloy ni Cyrhel ang sasabihin nang sagasaan na lang itong bigla ni Tyron. Bumalandra ang kapatid sa pinto.

"Vinci boy!" Mabilis na humakbang sa kinroroonan ko ang kaibigan at walang babala na niyakap ako ng mahigpit na halos ikapugto ng hininga ko. Agad din naman niya akong pinakawalan pagkatapos. "Kamusta na ang baby damulag?"

"Para kanino ang mga iyan?" Ganting tanong ko at ininguso ang bitbit nitong bulalak.

"Oo nga pala." Mabilis itong pumihit paharap kay Cyrhel. "Para sa'yo." Sabay abot dito ng mga bulaklak.

"P-Para sa a-akin?" Totoong nagulat ang kapatid. "Close ba tayo?"

Ngumisi si Tyron. "Asa ka pa! Para kay Valjean ang mga ito." Humakbang ang binata at nilagpasan si Cyrhel. Nasa likuran kasi nito si Valjean.

"May araw ka rin sa akin! Bakulaw!" Nagmamadaling namartsa palabas ng kuwarto si Cyrhel at hindi mapinta ang mukha.

Hindi naman malaman ni Mama kung mananatili o susundan ang kanyang bunso. Pinili niya ang huli.

"A-are you sure?" May pag-aalinlangan na tinanggap ni Valjean ang bulaklak. Nagdududa marahil sa intensyon ni Tyron. Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang binata at may kung anong ibinulong. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"Ano na naman ba ang tumakbo sa isipan ng lalaking iyon?"

"Ewan ko. Napag-utusan lang naman ako," nakangising sagot ni Tyron.

Nakamasid lang ako sa kanila. Nagtataka sa nakikita. Kailan pa sila naging malapit sa isat-isa?

"Pero kung pipilitin mo ako baka sabihin ko sa'yo," malanding sabi ni Tyron. Mabilis na umigkas ang paa ko at sinipa ang kaibigan sa binti. "Bakit ka ba naninipa?" Angil nito habang namimilipit sa sakit.

"Huwag mong idamay si Valjean sa mga kalokohan mo!"

"Pare, I'm serious. Mahal ko na siya-"

Agad na nakaiwas si Tyron nang muling umigkas ang paa ko. Nakakaloko naman na tumawa ito.

"Masyadong kang obvious, Vinci boy! Gusto ko na tuloy maniwala sa sinabi sa akin ni Mark."

"Anong sinabi niya?" Mapanganib kong tanong. May pakiramdam ako na pinagkakaisahan nila akong lahat.

"Secret," he said playfully.

Lalo lang tuloy nag-init ang ulo. Aminado naman ako na isa akong dakilang pikon. Magaling lang akong mang-asar at mang-inis.

"Valjean, paalisin mo na ang lalaking iyan bago ko makalimutan na kaibigan ko siya!"

"Oo na at aalis na ako. Pero bago iyon, pa-kiss muna, Vinci boy."

"Sapak gusto mo?" Iniamba ko sa kanya ang kamao.

"Sungit! Kung ayaw mo kay Valjean na lang." Paglingon ni Tyron sa dalaga ay sapul ito sa mukha ng mga bulaklak.

Buti nga sa kanya!

"Vince, kumain ka na."

Ngunit tila wala akong narinig na tinitigan lang ang pagkain na nilipag ni Valjean sa harapan ko.

"Kumain ka na para makainom ka ng gamot mo."

"Ayokong kumain." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.

Nagsalubong ang kilay ng dalaga. "Ayaw mo ba ng pagkain? Magpapaluto ako ng bago kay Manang."

Hindi ako kumibo.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Muli niyang tanong at umangat ang kamay niya para sana hipuan ako sa noo ngunit mabilis akong umiwas. Bagaman nagulat at hindi pa rin siya sumuko.

"Vince, hindi ka pwedeng hindi kumain. Iinom ka pa ng gamot mo," aniya na kinuha ang kutsara at tangka na susubuan ako.

"Ayoko ngang kumain! Mahirap bang intindihin iyon?"

Nagulat si Valjean sa naging outburst ko. "Hindi mo kailangang sumigaw." Agad siyang tumayo at tahimik na lumabas.

Damn it! Wala sa loob na nasabunot ko ang buhok. Hindi ko naman sinasadya na sigawan siya. At kahit ako ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ako tinotopak.

Agad na sinundan ko si Valjean. Sakay ng wheelchair ay nagmamadali akong nagtungo sa kuwarto niya ngunit wala siya roon. Nagbakasakali rin ako sa aking silid hanggang madaanan ko si Mama sa living room na abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa flower vase. Iyon ang mga bulaklak na natanggap ni Valjean kanina.

"Vince, may hinahanap ka ba?" Tanong ni Mama nang makita ako.

"Nakita n'yo po ba si Valjean?"

"Tignan mo sa garden. Doon ko siya nakita kanina."

Nang lumabas ako ng bahay ay nakita ko nga siya na nakaupong mag-isa sa wooden bench. Noong una ay nag-aalangan akong lapitan siya. Hindi ko kasi alam kung paano hihingi sa kanya ng sorry. Baka pagsungitan niya lang ulit ako.

"Tapos na akong kumain, " Sabi ko nang tuluyang makalapit sa kanya. "Puwede na akong uminom ng gamot."

Hindi kumibo ang dalaga. Nakayuko lang ito habang patuloy na kinukuskos ang mga mata. Bigla akong naalarma. Hala! Umiiyak siya.

"Valjean, sorry na. Hindi ko naman sinasadya."

Bagaman tahimik ay panay pa rin ang pagkuskos niya sa mga mata. Ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. Yumuko ako para silipin ang kanyang mukha.

"Sorry na. Patawarin mo na ako. Hindi na ulit kita sisigawan. Promise."

"Vince..."

"Yes..."

Nag-angat ng mukha si Valjean. "Ang hapdi ng mata ko." Panay pa rin ang kuskos niya sa kaliwang mata.

Akala ko pa naman ay umiiyak siya!

"Huwag mong kuskusin. Baka lalo lang ma-irritate," sabi ko at pinigilan ang kamay niya. "Suot mo pa ang contacts mo?"

Umiling siya. "Hinubad ko na," aniya na hindi maidilat ang kaliwang mata at pinakita sa akin ang contact lens na nasa kanyang palad.

"Halika nga dito." Hinila ko siya palapit sa akin. Inilapit ko ang mukha upang hinipan ang kanyang mata. Ngunit mukhang hindi rin nakatulong ang ginawa ko. "Isa pa!" Sabi ko at muling hihipan ang mata niya nang mapatitig ako sa nakaawang niyang mga labi.

"Vince?"

Sa gulat ko ay nabugahan ko tuloy siya ng hangin sa mukha.

"Ano ba ang ginagawa mo?" Bahagya niya akong tinulak. Pero muli ko rin siyang kinabig palapit sa akin.

"Sorry. Hihipan ko na lang ulit."

"Vince, iyong contacts ko!" Nawala sa palad niya ang mga iyon.

"S-sorry." Hindi ko malaman kung paano hahanapin ang contacts niya. Malamang ay nahulog ang mga iyon sa damuhan. "Mahihirapan na tayong makita iyon. Bibilhan na lang kita ng bago."

Hindi siya kumibo habang patuloy na nangangapa ang mga kamay niya sa kinauupuan. Lalo lang tuloy akong na-guilty.

"May spare ka naman dyan, di ba? Iyon muna ang gamitin mo."

Ngunit tila wala siyang narinig habang patuloy pa rin naghahanap.

"Halika na sa loob. Doon mo na rin linisin ang mata mo ng tubig. Kapag hindi pa rin nawala ang hapdi magpatingin ka na sa doktor."

"H-hindi ako aalis dito nang wala ang mga contacts ko."

"Valjean naman! Siguradong hindi na natin mahahanap ang mga iyon."

"P-pero..."

"Forget it! Sinabi ko naman sayo na ibibili na lang kita ng bago. Bukas na bukas din ay aalis tayo." Nagpatiuna na ako dahil sa inis. Kung ipipilit pa rin niya ang gusto niya, bahala na siya.

"Hindi iyon ang inaalala ko. Malabo na ang mga mata ko at hindi ko magagawang makapaglakad ng maayos na wala ang mga iyon."

Damn! Gusto kong batukan ulit ang sarili. Bakit ba pagdating sa babaing ito ay hindi ko ma-control ang sariling temper?

"Vince, huwag mo naman akong iwan dito," aniya na parang maiiyak.

Sa isang iglap ay nasa tabi na ulit ako ni Valjean. "Just hold my hand and I'll guide you." Subalit hindi man lang kumilos ang dalaga at saka ko lang na-realized ang katangahan ko. "Ang ibig kong sabihin ay hawakan mo na lang itong handle ng wheelchair ko at ako na lang ang magga-guide sa'yo."

"How is you eye?" Tanong ko nang muling pumasok ng kuwarto si Valjean.

"Okay na." Matipid niyang tugon at dumiretso sa lagayan ng mga gamot ko.

"Nagsuot ka ulit ng contact lens? Hindi ba may eyeglasses ka naman. Bakit hindi muna iyon ang isinuot mo? Baka lalo lang ma-irritate ang mata mo."

"Thank you sa concern." Ang lapad ng ngiti ni Valjean nang humarap sa akin at dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang salubungin ang kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin.

"N-natural lang na maging concern ako sayo dahil nurse kita."

"Pero salamat pa rin. Hindi ka na galit sa akin?"

"Hindi ako galit sa'yo."

"Vince..."

"Hmmm..." Hindi ko magawang mag-angat ng mukha. Hindi dahil ayoko siyang tignan. Pakiramdam ko kasi ay may kakaiba sa klase ng kanyang pagtingin. Para niya akong inaakit.

"Vince..." Muli niyang tawag sa malamyos na tinig. Gabundok ang pagpipigil ko na tumingin sa kanya.

I don't wanna look into your eyes 'cause I know what happens next. We'll be making love and then I fall all over again...

Tila umaayon naman ang kanta na nanggagaling mula sa ipod ko. I stiffed nang maramdaman ko si Valjean na umupo sa tabi ko. This is not good!

"Vince..."

Unwillingly I closed my eyes. I couldn't take it anymore!

Nang bigla na lang akong makaramdam ng pagtusok sa kaliwang balikat ko. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Valjean habang nasa kamay niya ang ginamit na injection.

"We're done! Hindi naman masakit di ba?"

Hindi ako makapagsalita sa kabiglaan. Wala akong kamalay-malay na tinurukan niya ako ng injection. Naisahan na naman niya ako!

Continue Reading

You'll Also Like

34.7K 1.1K 18
"We've been having trouble lately with villains entering our school grounds and school events. Let's say that one of these days after your hired they...
2.7M 228K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
38.2K 447 17
It's rare if u see smut. There's no brady hepner one shots on here I'm not very comfortable making them for the actor, sorry!! also in nsfw chapters...
2.8M 62.1K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...