The Bestman's Girlfriend

By xianrandal

5.1M 54.1K 1.7K

What if.... Somebody will be claiming in front of your family that she is your girlfriend? You never met her... More

The Bestman's Girlfriend (Book 1 & 2)
Explanation
1 The Dare
2 Sign-up
3 Job Interview
4 First Day
5 Games
6 Yemma Dominez
7 Ruel
8 Tita Lourdes
9 Ruel's Charm
10 Girls
11 Irog & Boyfriend
12 Ruel and Candice
13 Mga Hirit
14 Pasabay
15 Bistado
16 The Dance
17 Ligaw
18 Ligaw Pa Rin
19 Compostela Valley
20 Dyanne
21 Wrong Timing
22 Ruel's Plan
23 Outing
24 Official
25
26 Spongebob
27 Conference
28 Hotel
29 Lock the Room
30 Thalia
31 Second or Third Chance
32 Dinner
33 Tom
34 The Decision
BOOK 1 - End
BOOK II-1
Book II-2 The Meeting
Book II-3
Book II-4
Book II - 5
BOOK II-7
Book II-8
Book II-9
Book II-10
Book II-11
BOOK II-12
Book II - END
When A Beki Falls In-Love
RUEL'S CHARM
MarXie
Facebook Accounts

Book II-6

75.5K 1K 90
By xianrandal

6

Bukas pa sana ito kaso until now may nagdedemand ng update kaya sige na nga, post na...salamat talaga sa nagbabasa ng story na to

*******************

Everbody na part ng wedding entourage nito,  sabi ni Loise ay sasama sa outing nila sa Samal Island, bakit dun pa? May mga memories siya, pagkatapos part pa ng entourage si Aron Miguel. Ayaw niya sanang pumunta kaso mapilit si Elvin.

Pinagbigyan niya ito, kasi naman, uuwi na ito sa Canada. Matagal rin silang hindi magkakasama.

 Marami ng tao nung dumating silang dalawa. Nandun na sina Kathryn at ang bagong kasal. Ang saya ng paligid,tila nag-aanyaya talaga ang karagatan na maligo sila. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapag beach. At ngayon, parang trip niyang magpa tan. Kaya agad na nagpalit siya ng kanyang two piece sexy swimsuit.

“Wow Babe! Ang sexy mo naman, naiinggit ako!” Humahangang sabi ni Elvin pagkakita sa kanya. Iisang cottage lang kasi ang kinuha nilang dalawa. Siyempre, alam naman ng lahat na magnobyo sila, wala ng nagtanong.

“Mag pa tan tayo Babe.” Yaya niya.

“babe, nagpapaputi nga ako, tapos magpapa tan pa ang gusto mo? Ikaw na lang, maputi ka naman eh.” Hawak nito ang kanyang sunblock lotion. Ang arte talaga nitong baklang to. Hindi lang halata.

“So mauuna na ako Babe ha.” Paalam niya sa binata. Walang pakialam na rumampa. So what, ang dami namang nakabikini sa beach na yun. Humanap siya ng lugar para pumuwesto. Mamaya na siya maliligo. Pagkatapos maiayos ang towel na dala ay agad siyang dumapa. Di naman talaga siya sa initan, type niya lang talagang sunugin ng konting-konti lang ang balat.

Malapit na siyang makatulog ng biglang may nagtakip ng nakahantad niyang likod. What the F!

There in front of her was Aron Miguel, galit ang itsura nito. Aba, ano bang problema ng lalaking ito.

“What the hell is you’re problem. Aren’t you aware that I don’t want to be disturb by someone. At ano itong itinapon mo sa likod ko?” Bumangon na siya. Walang pakialamkahit nan aka two piece lamang na nakaharap sa ex. Eh sanay naman siyang ganito ang suot pag nagswiswimming.

Kanina pa nakita ni Aron Miguel si Candice, nakita niya ring iniwan ito ng nobyo niya at sumama sa kaibigan ng dalaga. Sinundan niya ito, siguro hindi lang aware ang dalaga sa mga taong nakatingin sa kanya. Masyado itong sexy sa suot na two piece swimsuit. Nung nakita niya nga ito kanina ay gusto na niyang balutin ang katawan ng dalaga. Pero hindi na talaga niya kinayang kontrolin ang sarili nung makita niya itong nakadapa. Nakakapang-init ng….ulo!

“Tignan mo nga yang itsura mo!”

“Anong problema sa itsura ko? Pinapakiaalaman ko ba ang itsura mo ha?” Galit siya, bakit ba nang eepal ang taong ito ngayon? Feeling sila? Okay lang siya?

“di ka ba nahihiyang ibilad yang katawan mo? Kitang –kita ko yang tattoo mo. At may bago ka pang tattoo sa likod. Sira ba ang ulo mo at nagpadagdag ka pa ng sticker sa katawan?”

“Sticker? Oi, Aron Miguel, art yan. Palibhasa wala kang alam sa tattoo art! At ano bang pakialam mo ha, maraming bang tao dito sa lugar ko? Kita mo oh, ako lang! So anong problema mo?” Kahit siguro mahaba ang pasensiya niya ay mauubos kung ito ang kaharap mo! Nakapamaywang pa siya! Aba, high blood na siya no. Idagdag pa na naaalala niya ang THE PAST nila.

Naningkit na ang mga singkit na nitong mga mata. Lumapit sa kanya. Napaatras siya,paano ba naman, ang lapit-lapit kaya! Few inches away! Shocks!

“Bakit ka iniwan ng nobyo mo na mag-isa? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Ayun, nakikipaglampungan sa kaibigan mo, samantalang hinayaan niya ang girlfriend niya na ibilad ang katawan rito.”

Aba’t may sira na yata to ah!

“Wag mo nga kaming pakialaman ha!”Itinulak niya ito dahil lumapit pa sa kanya. Napalunok tuloy siya ng laway nung makita ang kanyang oh so yummy body! Ang mga muscles teh!

Pero yun yata ang pagkakamali niya dahil nung lumapat ang mga kamay niya sa dibdib nito ay biglang dumaloy ang ilang volts din yata ng koryente.

“Let’s talk Candice, please.” Biglang nagbago ang tono nito. “Nakikiusap ako sayo, kailangan nating mag-usap. Kahit ngayon lang, pakinggan mo ako.”

Nagsusumamo ang mga mata nito. “Please.”

Putek naman! Bakit ganito ang hitsura at ang tono ng pananalita nito. Ang lakas at ang bilis tuloy ng tibok ng puso niya.

“si-sige.” Bakit ba ang hirap nitong tanggihan. Hindi ba sinabi na niya sa sarili niya na hinding-hindi na niya ito kakausapin ulit?

“Thanks, but, can you wear clothes please, kahit man lang ito.” He gave his t-shirt. Tumanggi si Candice, alangan naman isusuot niya ang t-shirt nito?

“I’ll just go to the cottage and change.”

“No, please, baka pag umalis ka, magbago na naman ang isip mo at hindi mo ako kausapin. Don’t worry,hindi ko pa nagagamit ang t-shirt na  yan. Pasensiya na, nadidistract ako sa ayos mo.”

Namula siya sa sinabi nito. Oo nga, alangan namang mag-uusap sila ng ganoon ang ayos niya. “Where are we going to talk?”

Ang weird, mag-uusap na lang nga sila sa ganitong pagkakataon pa? Siguro talagang ganun, kapag ready ka na, wala kang pipiliing lugar,o suot. Mararamdaman mo na lamang na handa ka na.

Sasagot  na sana ito nung dumating si Elvin.

“Anything wrong Babe?” He said in his deap masculine voice. Aba! Astigin ang dating ah, pero alam niyang sumimple ng tingin sa abs ni Aron Miguel. Natawa ang isip niya dun! ANg ganda naman ng timing.

“Nothing Babe, mag-uusap lang sana kami.” Agad siyang kumapit sa braso ng “nobyo”.

“hihiramin ko na muna sana si Candice.” Kahit paano naman ay kailangan niyang magrespeto sa kaharap. Nagsukatan sila ng tingin. Bigla natense si Candice, over naman tong acting ng Babe niya.

Sa huli, himala ng mga himala, sumuko si Aron Miguel. Aba! Winner si Elvin! Wagi ang bruha. Akalain mong mananalo ito?

“I guess, I still have some other time. Mauna na ako.” Biglang paalam ni Aron Miguel. Biglang talikod at biglang hakbang papalayo. Mehgayd!

Nung makalayo si Aron Miguel ay di alam ni Candice kung maiinis o matutuwa sa nangyari. Matutuwa dahil for the first time, nakita niya kung paano sumuko ang ex-boyfriend, at kay Elvin pa, of all people.

Naiinis dahil di sila nakapag-usap dahil sa biglang alis nito. Ni hindi nga nito tinanong ulit ang opinion niya.

“hala Babe, di ko naman sinabing bawal kayong mag-usap ah. Para nakipagtitigan lang nga ako, pinipigilan ko nga ang kumindat kanina at haplusin ang kanyang dibdib! Malapit ng tumulo ang laway ko Babe!”

“Gaga! Nakakainis siya! Naduwag man lang, sayo pa.”

“Teka Babe, kanino yang t-shirt na suot mo? Don’t tell me na kay Papa Aron yan?” Dun lang niya napansin na suot na nga pala niya ang damit nito. “Babe, akin na lang yan ha, huwag mo ng ibalik pa. Remembrance ko, baka may natira pang amoy ng delicious mong ex.”

“Gagah ka talaga! Ibabalik ko ito ano.”

***************************

Nagpaalam si Elvin na sasamahan raw muna nito si Kathryn na pumunta sa isnag souvenir shop. Nawalan kasi siya ng ganang mamasyal sa resort. Ayaw naman niyang istorbohin ang bagong kasal, at hindi naman kasi siya close sa iba nitong relatives kaya nakuntento na siyang tumambay sa may hammock sa labas cottage. Nakapikit siya kaya hindi niya namalayan na nasa harap na nito si Aron Miguel. Napangiti ang binata ng makitang suot ni Candice ang t-shirt niya.

Damn! She looked hot! 

“Candice?”

“Ay kalabaw!” Nagulat ito kaya muntik ng mahulog sa duyan. Mabuti na lang at naalalayan ni Aron Miguel. “Bakit ka ba nanggugulat?”

“Sorry. I just wanted to talk to you.” He really grabbed the opportunity when he saw Elvin ang Kathryn together a while ago.

Naka t-shirt na ito. Tuloy nahiya siya ng marealize na hindi pa pala siya nakapagpalit. “I’ll just return this to you, sorry, di pa ako nakapagpalit.”

“It’s ok. Can we talk?” Ulit nito.

“We are talking.”

“I mean, can we do it somewhere, like sa cottage mo, or sa akin, or dito, kung gusto mo.”

“Sige,dito na lang.” Inayos niya lang ang upo niya. “What do you want to talk about?” Kinakabahan siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

“About what had happen two years ago before you left  me.” Seryosong sabi nito.

She didn’t react, ayaw niyang maalala ang nagyari bago siya umalis, babalik kasi ulit ang sakit. Di ba nga, sabi niya, sabi lang ha, nakapag moved on na siya.

“I didn’t marry Thalia.” Umpisa nito.

Ha? Ano raw? Ulit? Nabingi ba siya?

“Una, wala akong balak pakasalan siya, at kahit anong mangyari ay hindi ko siya pakakasalan.”

“Pero? Paano?” Di alam ni Candice ang itatanong. She was shocked of the news!

“She was the one manipulating Tom to convince me to marry her. Mama had overheard them when she visited them at the hospital.”

“Pero di ba ikakasal na kayo kinabukasan nung paalis na ako?”

“Di mo kasi ako pinakinggan, ang hirap sayo, bigla ka na lang lumipad papuntang Canada.”

“Si Tom?”

Napayuko si Aron Miguel. “He died. I was so devastated nung umalis ka, mas lalo nung namatay siya. Sinisi ko yung sarili ko, di ko man lang napahaba ang buhay niya. Hindi ko alam kung magagalit ako kay Thalia nun, kung bakit huli na nung ipakilala niya si Tom sa akin. Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang sarili ko na wala man lang akong nagawa.”

Naawa si Candice. She can feel that Aron Miguel had suffered that time.

“I was lost that time Candice, nawala yung anak ko, nawala ka pa. Galit ako sa sarili ko.”

“Aron Miguel.”

“After six months, I went to your  father and asked permission to visit you sa Canada, I asked for your address. Alam mo, ang saya ko nun, sabi ko, makikita na kita sa wakas.”  He sighed when he remembered that scene.

Sumunod siya? Bakit di niya alam? Bakit walang sinasabi ang Papa niya?

“Tapos nakita kitang bumaba ng kotse, kasama ni Elvin. Ang saya-saya mo nun, ang tagal kong di nakita yung mga ngiti mo. Pero nung makita kong kasama mo siya, parang sinaksak ako. Ganun kabilis mo akong nakalimutan?” May pait sa boses nito.

“Aron Miguel, nagka…

“I called Carlos, and he confirmed to me that you and Elvin were already together. Ang sakit Candice! Sabi niya, kung talagang mahal kita, hahayaan ko na maging masaya ka.”

“pero, bakit di kita nakita?”

“Kapag mahal mo pala ang isang tao, matututunan mong magparaya, kahit masakit, basta makita mo lang siyang masaya. Nakikita kitang masaya, hahayaan ko bang tanggalin ang sayang yun?”

“Pero.” Nalilito si Candice. Tanga ba tong Aron Miguel na to, pinuntahan siya sa Canada tapos hindi nagpakita, pagkatapos sasabihin na masaya siya na nakikita siyang masaya?

“I just wanted to explain everything to you Candice. I just wanted you to know that I love you and I still love you and I will always love you.” He sincerely said.

“Teka, teka, teka! You mean, you really went there to see me?”

“yes.”

“But you never dared to talk to me?”

“yes.”

“Tanga ka pala eh! Hinayaan mo akong mag suffer ng two years dahil sa kaka assume mo!”

“What do you mean?” Now Aron Miguel is confused also.

“Ewan ko sayo!” Tinignan ni Candice si Aron Miguel. Ang sarap halikan ng lalaking ito! Nakakagigil ang pagka…ewan!

Siya namang dating ni Elvin. Ang timing lang ni Elvin! “Babe?” Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa.

“halika na nga!” Iniwan niya si Aron Miguel na nalilito. Hinila si Elvin papasok sa cottage nila. Di niya ito nilingon. Di tinigan, ang sarap lunurin sa dagat! Bwisit!

**************************************

 LEave a comment if you like it...wag naman puro update please na comment...peace!

Continue Reading

You'll Also Like

590K 1.1K 3
"Oras na malaman ko kung sino ang kabit ng asawa ko. Matitikman nito ang kahihiyang kailanman ay hindi pa nito nalalasap. Ibabaon ko siya ng buhay sa...
1.5M 27.4K 65
Posible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah...
188K 3.8K 80
Dahil sa bwisit at pagkahaba habang traffic sa EDSA ay napilitan akong kumbinsihin si papa na hanapan ako ng bahay na malapit sa School. Less Hassle...
22.6K 899 43
Embrace Me: Book 2 I have been living with lies whole my fucking life.