A Twisted Fate [ COMPLETED ]

By Author_S

2.9K 143 80

Ang Love kasi may recipe yan! Love, Trust, Faith, Respect, Effort, and Communication. Isa lang ang mawala diy... More

PROLOUGE
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata

Ikawalong Kabanata

116 8 3
By Author_S

Bakit ka bumalik?” Tanong ni Camille sa mahinahong tono ngunit hindi niya magawang titigan ang dating kasintahan.

“Bumalik ako para sa’yo.” Matipid na sagot ni Mike.

“Gago ka rin eh ‘no?” Biglang sabi ni Camille, “Bumalik ka para sa akin? Para ano? Guluhin ako? Saktan at iwanan ako? Hindi mo ba alam na okay na ako sa buhay ko ngayon?”

“Camille, hindi ko naman talaga intensyon na iwanan ka. May mga bagay lang talaga na mahirap i-explain.” Sagot naman ni Mike.

“Mahirap i-explain?! Mike, nagmamahalan tayo noon! Alam mo namang maiintindihan ko lahat ng bagay eh. Matatag na ‘yun relasyon natin sa buong tatlong taon na magkasama tayo. Anong naging dahilan mo at mas pinili mo akong iwanan?” Pigil na pigil ni Camille ang kanyang luha sa pagbagsak, “Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin ang pagkawala mo?”

“Camille, I am so sorry.” Turan ng binata.

“Sorry? Sorry? Wala na. Nagawa mo na, Mike. Nakalimot na ako pero ang hindi ko alam, bakit noong nakita kita, bigla na lang umusbong muli ang galit ko sa’yo? Sana hindi ka na lang nagpakita muli.” Bigkas ni Camille.

“I have a cancer.” Biglang napatahimik si Camille at napatingin kay Mike, “I was diagnosed for having a colon cancer.”

“Ano?! Bakit hindi mo sa akin sinabi?” Gulat na tanong ni Camille kay Mike.

“The doctor told me to medicate as early as possible habang hindi pa lumalala. Natakot ako. Naisip kong napakabata ko pa para mag-suffer sa bagay na ‘yun. Naisip ko ring may taong naghihintay at umaasa sa akin. Naisip kita. Ayaw kong mawala ako sa tabi mo ng panghabambuhay. So, I decided to leave.” Biglang tumayo mula sa kama si Mike, “Gusto kong gumaling. ‘yun ang naisip kong gawin para mapahaba ang panahon na makakasama kita.”

“Pero bakit hindi mo nga sa akin sinabi kaagad?! Alam mo naman na masasaktan ako ‘di ba?!!” Hindi namalayan ni Camille na unti-unti ng tumataas ang kanyang boses.

“I have to take the risk, Camille. I have to!” Sagot naman ng binata, “Hindi ko gustong mag-alala ka sa akin dahil hindi ko rin naman sigurado kung makakauwi ako ng buhay at magaling dito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging outcome ng operasyon kaya hindi ko sinabi sa’yo. It’s for your sake, Camille. Sana maintindihan mo.” Pagpapatuloy nito.

“Hindi totoo ang sinasabi mo, Mike.” Pagtanggi ni Camille, “Hindi ako maniniwala sa’yo. Tigilan na natin ang  paglalaro, Mike. Please, lubayan mo na ako.

“Alam kong hindi ka maniniwala.” May kinuha si Mike mula sa kanyang dala-dalang bag at iniabot ito kay Camille, “Kaya dinala ko ito para malaman mong hindi ako nagsisinungaling.”

“Para saan ang camera na ito?” Pagtatakang tanong ni Camille.

“Turn it on and try to watch the clips.” Sabi ni Mike habang umuupo sa kama, sa direksyong nakalikod kay Camille.

Kahit nag-aalangan, p-ni-lay pa rin ni Camille ang video.

“Ayan, naka-on na.” Sabi ni Mike habang kinukuhanan ng video ang sarili, “Hi, Camille. Mahal na mahal kita. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa’yo huh?! Ayokong masaktan kita eh. Gagawa ako ng compilation ng video para kung sakaling hindi maging successful ang operation ko sa America, malalaman mo pa ring ikaw lang iniisip ko hanggang sa huling oras ko sa mundo. Pero syempre, hindi mangyayari ‘yun, gusto kong makasama ka hanggang sa pinakamatagal na panahon na pwede kong ilagi sa mundo. Natatakot nga ako eh. I really prayed for my health kasi marami pa akong pangarap para sa ating dalawa. Ikakasal pa tayo, mag-kakaanak, bubuo pa tayo ng isang basketball team ‘di ba?”

Halos mabiyak ang puso ni Camille sa unang bahagi ng video na napanuod niya, hindi niya mapigilan ang sariling patuloy na panuorin ang mga susunod.

“Ang lungkot dito. Sana andito ka sa tabi ko ngayon. Ilang oras na lang, sasabak na ako sa operation. Nakakatakot, nakakaba. Pero pag nakikita at naiimagine kita habang nakangiti, para bang mas naeencourage akong gumaling. Malapit na, Camille. Sana mahintay mo ako. Alam kong magagalit ka sa akin sa ginawa kong ito pero sana, ‘wag mong kalimutang mahal kita.”

Parang natutunaw ang nararamdaman ni Camille. Hindi niya akalaing darating ang sitwasyon na ganito sa buhay niya. Akala niya dati masaya na siya, akala niya wala ng pipigil pa sa sayang nararamdaman niya.

“Camille! Alam mo ba? Successful ang operation! Tatlong araw na ang nakakaraan simula nung huli kong record. Medyo nanghihina kasi ako at saka bawal pa akong mapagod kaya minabuti nilang ilayo ito sa akin. Sabi nung doctor, 1 month rest daw. Medyo nakakalungkot pero asahan mo, pagbalik ko dyan, ikaw kaagad ang pupuntahan ko. Ayoko ng kausap ang camera na ito. Nakakasawa rin pala.” Lalo itong ikinabagabag ng puso ni Camille. May nararamdaman siyang kaba, takot, inis, at lungkot. Hindi niya pa alam kung itutuloy niya pa ba ang panunuod o hindi na.

“Camille! Halos dalawang buwan na akong wala sa tabi mo. Alam kong malaki na ang tampo mo sa akin. Sana’y maintindihan mo. Kahit kanino, hindi ko ipinaalam ang dahilan kung bakit ako umalis ng bansa. Hindi kita iniwan. ‘Wag mo sanang isiping ipinagpalit na kita kung kanino dahil wala ng hihigit pa sa’yo. Mahal na mahal pa rin kita, Camille. At kahit baliktarin man ang mundo, walang makapagbabago ng nararamdaman ko para sa’yo.” Humagulgol na si Camille. Tila may dumudukot sa puso niya unti-unti.

“Camille, ito na. Pauwi na ako. Noong papunta ako dito, natatakot at kinakabahan ko dahil baka hindi maging successful ang operation ko, pero ngayong pauwi na ako? Natatakot at kinakabahan pa rin ako. Baka kasi hindi maging successful ang pagbalik ko sa buhay mo. Sana’y nahintay mo ako. Sana’y nandyan ka pa rin para maging kabiyak ko. Sana’y mahal mo pa ako. Hindi mo pa rin sana ako nakakalimutan. I felt bad for hiding these things to you. Hindi mo pa sana ako ipinagpapalit sa ibang...”

Hindi na itinuloy ni Camille ang panunuod. Hindi niya na makayanan ang bigat ng nararamdaman niya. Itinapon niya sa kama ang camera at humagulgol ng iyak, “Bakit ba, Mike?! Ano bang naging kasalanan ko sa’yo at pinahihirapan mo ako ng ganito? Bakit?!”

Unti-unting lumapit si Mike kay Camille upang pakalmahin ito, “Camille, lahat ng bagay na sinabi ko ay totoo. Sorry, Camille. Hindi ko naisip na maaaring ganito ang magyayari. Hindi ko rin alam na masasaktan ka ng sobra. Hindi ko rin alam na magiging ganito kagulo. Lubos akong nagtiwala na kaya mo akong hintayin...”

“Ano? So, ako pa ang may kasalanan kasi hindi kita hinintay?! Alam mo ba kung gaano kasakit na bigla mo na lamang malalaman na iniwan ka ng pinakamamahal mo? Tapos ni ha, ni ho, wala kang sinabi?” Napaupo na lang sa kama si Camille.

“Sinubukan ko kaso hindi ko kayang makita kang nag-aalala.”

“Ayos lang naman sa akin kung sinabi mo ang totoo noon. Hindi naman mawawala ‘yung pag-aalala. Ano mo ba ako noong mga panahon na iyon?!” Balik na tanong ni Camille.

“Pero malaki ang takot ko kung mamamatay ako, hindi ko kaya kayang makita kang masaktan...”

“Nagbibiro ka ba? Para ka na ring namatay noong naglaho kang parang bula para sa akin.”

Napabuntong hininga na lamang si Mike sapagkat napagtanto nito na wala nang patutunguhan ang usapan nila. Tumahimik ang dalawa. Hinintay ni Mike na kumalma ang pakiramdam ni Camille bago siya muling nagsalita.

Tumayo si Mike at kumuha ng isang bason tubig. Inalok niya ang dalaga at saka umupo sa tabi nito.

“Mapapatawad mo ba ako sa ginawa ko, Camille?” Ang sunod na tanong ni Mike kay Camille. Hindi umimik ang dalaga kaya’t ginalang ito ni Mike. Unti-unting dumapo ang palad ni Mike sa mukha ng dalaga at pinunasan ang kanyang luha. Hinawi nito ang buhok ng dalaga.

“Camille, nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganito. Hindi ko kayang maatim na nagkakaganyan ka ng dahil sa akin. Magpapakalayo-layo na ako, at hindi na kita muling guguluhin pa.” Anito.

 “Mabuti pa siguro kung aalis na ako, Mike.” Paalam ni Camille at hinawi ang kamay ng binata.

“Sagutin mo sana ang tanong ko bago ka umalis, Camille. Mapapatawad mo ba ako?” Sabi ni Mike.

Napaisip si Camille. Muli siyang huminga ng malalim. Tinanong niya ang sarili ng makailang ulit kung mapapatawad niya ang dating kasintahan. Ngayong nalaman na niya ang lahat, pinakiramdaman niya ang sarili. Tinignan niya mabuti si Mike. Bigla niyang na-realize na kaya na niyang titigan ang lalaki. Wala na ang galit na nararamdaman niya.

Biglang tumigil si Camille sa pag-aayos. Mahinahon itong umayos ng upo. “Akala ko dati, Mike, noong panahong iniwan mo ako at ramdam ko ang sakit, noong mga panahong binalak kong magpakamatay, hindi kita mapapatawad but something urged me now to forgive you.” Bigkas ng dalaga.

“Ibig sabihin ba nito, pinapatawad mo na ako?”

“Siguro. Siguro hinahanap ko lang talaga ‘yung dahilan kung bakit bigla kang nawala.” 

Tumahimik ang dalawa at napaismid naman si Mike. Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ng isagot ni Camille. Hindi siya makapaniwalang nakinig na ang dalaga sa kanyang paliwanag.

“‘Yung sakit noon, siguro nawala, pero ‘yung alaala, hindi ko siguro malilimutan.” Dugtong ni Camille at saka ngumiti.

“May problema nga lang ako, Camille.” Napukaw naman ang atensyon ni Camille.

“Ano ‘yun?”

“Mahal pa kasi kita.” Diretsong sagot ni Mike.

That was an awkward moment. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Iniisip mabuti ni Camille kung paano lalabas sa usapang iyon. Bigla na lamang siyang tumayo at saka muling nag-ayos.

“May pagkakataon pa ba ako, Camille?” Pagpapatuloy ng binata.

“Joke ba ‘yan, Mike? Kasasabi ko lang sa’yo ‘di ba?” Sagot naman ni Camille na tila hindi na kumportable sa nagiging usapan nila, “Kailangan ko ng umalis, Mike.”

“Wait. Ihahatid na kita.” Alok ni Mike.

“Diyan lang naman ako sa site eh. Sige na. ‘Wag na.”

“Pumayag ka na. Wala ka rin namang magagawa eh. Kahit tumanggi ka susunod pa rin ako.” Bigla namang ngumiting si Mike sa dalaga at nauna pang lumabas mula sa pinto.

“Teka, nasaan pala si Ella? Lumabas lang siya ‘di ba?” Iniisip ni Camille na tawagan ang matalik niyang kaibigan para siya na lang ang makasabay nitong umuwi. Napatawad niya na si Mike pero hindi pa rin maalis sa kanya ‘yung awkward feeling between them.

“Malamang, umalis na ‘yun.” Sabi naman ni Mike, “’Wag kang mag-alala, wala naman akong gagawing masama sa’yo eh. Ihahatid lang kita.”

“O sige na nga.” Napilitan ang dalaga kaya’t pinayagan niya nang ihatid siya ni Mike.

Aligaga na si Angelo ng mga panahon na iyon. Ilang oras na kasing wala si Camille mula noong sinabi niyang makikipag-usap siya kay Mike. Hindi niya kasi alam kung anong nangyayari sa kanya. Simula pa lang noong nalaman niyang bumalik na si Mike, hindi niya na maalis sa isipang magselos o kaya nama’y isiping baka agawin nito ang kasintahan. ‘Di hamak na mas matagal silang nagsama kontra sa kanila.

“Aray naman.” Inda nito nang diinan ni Kris ang yelo sa mukha niya.

“’Yan kasi ang napapala mo sa pinaggagawa mo sa buhay mo!” Sagot naman ni Kris. “Show na natin bukas tapos nakipagsuntukan ka naman. ‘Di mo man lang inisip ‘yung event bukas.”

“Hindi ko kasi napigilan ‘yung sarili ko.” Maang ni Angelo kaya naman lalong idiniin ni Kris ang yelo sa pasa nito, “Pucha naman. Masakit, dre.”

“Eh bakit kasi nakipag-gulpihan ka? Sana kasi pinabayaan mo na lang.” Sermon nito.

“Something urged me to do that thing.” Seryoso ang tono ni Angelo noong mga panahon na iyon.

“Nagseselos ka lang.” Pang-aasar naman ni Kris.

“Ako? Nagseselos? Hindi.” Agarang sagot ni Angelo.

“Nagdedeny ka pa eh. Natatakot ka sigurong baka agawin sa’yo ni Mike si Camille, ano?” Nakangiti si Kris ng sabihin ang bagay na iyon ngunit halos hindi nakahinga si Angelo sa tinuran ng kaibigan.

That’s it. He said calmly to his self. ‘Yun nga ang totoong nararamdaman ko. Ayokong sa isang iglap, bigla na lamang akong iwanan ni Camille. Hindi ko yata kaya ‘yun. Pero malaki pa rin ang tiwala ko kay Camille. Alam kong mahal niya ako at alam niyang mahal ko siya.

“Oh? Ano? Totoo, p’re ‘di ba?” Muling tanong ni Kris, “Natulala ka bigla d’yan?”

“Ewan ko, p’re.” Kinuha ni Angelo ang isang band aid malapit sa kanya at inilagay sa sugat niya sa kanang braso.

“Alam mo, Angelo, ayos lang ‘yan. Mahal mo kasi ‘yung tao kaya ka nagseselos pero iwasan mong maging paranoid. Hindi maganda sa relasyon ‘yan.” Payo ni Kris habang inaayos ang bimpong may yelo.

“Tama siya.” Nagulat ang dalawang binata ng biglang pumasok sa kwarto si Ella dala-dala ang ilang inumin, “If you get paranoid, you’ll lose your trust to her and eventually, you’ll lose her.”

“Teka, Ella.” Pigil ni Angelo, “Nasaan si Camille?”

“Oo nga, hindi ba’t kayo ang magkasama dapat?” Dagdag ni Kris.

“Nagpaiwan siya sa kwarto ni Mike. I left them for privacy.” Sabi ni Ella habang binubuksan ang isang bote ng lemonade na hawak niya.

“What?!” Napakunot ng noo si Angelo habang sumi-sink in sa utak niya ang narinig mula kay Ella. Si Camille kasama si Mike sa iisang kwarto. That explains everything. Damn.

“Chill.” Sabi ni Kris at iniabot ang isang baso ng lemonade mula kay Ella, “Here. Drink.”

“Don’t worry, Sir Angelo. Mag-uusap lang po sila tungkol sa mga bagay na hindi nila naintindihan noon.” Pangangatwiran ni Ella.

Napangiti si Angelo, pero ang ngiting iyon ay hindi ngiti ng isang taong masaya. May naramdaman siyang kakaiba sa dibdib niya. Hindi niya alam kung kaba, lungkot, o anong kirot ang biglang dumapo sa puso niya. Bigla na lamang siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.

“Saan ka pupunta, Angelo?” Tanong ni Kris.

“Sa labas, hahanapin si Camille.” Sagot naman nito habang isinusuot ang jacket nito at sumbrero upang hindi makilala at makita ang mga pasa sa kanyang katawan at sugat sa mukha.

“Darating na rin po ‘yun, Sir.” Pigil ni Ella.

“No, maybe I should be up for her.” Sagot naman ng binata at saka lumabas ng pintuan ng kwarto.

Balak sanang sundan ni Ella si Angelo ngunit naramdaman niyang may biglang humila sa siko niya.

“Nothing will happen, trust me.” Bulong sa kanya ni Kris, “Hayaan na lang muna natin sila.”

Bigla namang kumalma si Ella, “Opo, Sir.”

“Hindi na dapat tayong manghimasok sa kung anong gulong meron sila ngayon. Let’s just stay supportive for them.” Dagdag ng binata.

Napakamot naman ng ulo si Ella at unti-unting kumawala sa pagkakahawak ni Kris, “Sir? ‘Yung kamay niyo po?” Puna niya.

“Ay, sorry.” Atubiling tinanggal ni Kris ang kamay niya sa dalaga.

“Babalik na po ako sa kusina, Sir.”

“Sige.” Nang palabas na si Ella,  “’Wag mo na akong i-po at opo, okay?”

Tumango naman ang dalaga.

A/N: Kapag mas marami na ang bad memories kaysa sa good memories. Its time for you to walk away. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
124K 6K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞