A Twisted Fate [ COMPLETED ]

Author_S द्वारा

2.9K 143 80

Ang Love kasi may recipe yan! Love, Trust, Faith, Respect, Effort, and Communication. Isa lang ang mawala diy... अधिक

PROLOUGE
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata

Ikaanim na Kabanata

152 10 4
Author_S द्वारा

            MULA noong pumayag si Camille na ligawan ni Angelo, hindi na tumigil ang binata sa pagsuyo sa dalaga. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, hindi tumigil si Angelo ng pangangamusta. Ipinararamdam niya kay Camille ang taos puso niyang pagmamahal.

            “Kris!” Sigaw ni Angelo na tila humahangos sa kaibigan.

            “Ano ‘yun, bro?” Sagot naman ni Kris habang papalapit sa kanya.

            “Bro, kailangan ko kasi ng tulong mo eh.”

            “Kasi ganito ‘yun, Bro. Gusto ko kasing ilabas si Camille mamaya kaso may rehearsal. Baka pwedeng…”

            “Oo na. Oo na. Alam ko na kung ano ang gagawin…” Pagputol naman ni Kris sa sasabihin ni Kris, “Ako ng bahala kay Direk.”

            “Salamat, Bro!” Hindi pa man sinasabi ni Angelo ang gusto niyang mangyari, sa titig pa lamang ng binata, kaagad nitong nakuha ang nais nitong iparating kaya naman kaagad pumunta si Angelo sa lugar kung saan nandun si Camille. 

“Guess who?!” Bulong ng binata kay Camille habang tinatakpan ang mga mata nito.

            “At talagang tinatanong mo pa ako eh no? Ikaw lang gumagawa sa akin nito. Tanggalin mo na nga, Angelo.” Sabi ni Camille sabay harap sa binata, “Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang rehearsal ngayon?”

            “Meron.” Sagot ni Angelo habang nakangiti.

            “Eh bakit nandito ka? Bumalik ka na roon at baka malintikan ka pa kay Direk!” Ang tinuran ni Camille ngunit nanatiling nakatayo ang binata sa kanyang likuran. “Lakad na doon. Dali.”

            “Ayaw.” Pagtanggi ni Angelo.

            “Bakit? May problema ba?”

            “Wala naman, sabi ko kasi kay Direk, magpapahinga muna ako sa araw na ito kaya hindi muna ako aattend ng rehearsal. Alam ko na rin naman ‘yun. At saka sabi ko sa kanya, makikipagkita muna ako sa prinsesa ko.” Sabi ni Angelo habang nginingitian si Camille.

            “Alam mo, Angelo Fontivera, sa lahat ng nanligaw sa akin, ikaw ang pinaka-corny!” Sabi naman ng dalaga.

            “Ayos lang, at least, ako lang ang nanindigan sa mga pinagsasasabi ko!”

            “Ewan ko sa’yo, Angelo.” Sabi ni Camille habang nagkikimkim ng ngiti.

            “Tara?” Yakad ni Angelo at biglang hinawakan ang kamay ni Camille, “Samahan mo muna akong magliwaliw?”

            “Marami pa akong trabaho dito, Angelo.”

            “Don’t worry, ipinagpaalam na rin kita kay Direk. Okay lang daw!” Sabi naman ni Angelo at hinila ang dalaga ngunit pumiglas ito.

            “Hindi pwede oh? ‘Di nila kaya ito ng sila-sila lang.”

Laking gulat ni Camille ng biglang lumabas si Ella mula sa isang silid, “Ayos lang ‘yan, Mars. Kami na bahala dito. Enjoy your day!” At bigla namang itinulak ni Ella ang kanyang kaibigan papalapit kay Angelo.

“Humanda ka sa akin pag-uwi ko, Mars.” Bulong ng dalaga.

“Have fun!!!!!” Sagot ni Ella at tumawa ng malakas.

“Saan ba tayo pupunta, Angelo?” Tanong ng dalaga.

“Basta, sumakay ka na lang sa kotse ko.” Bigkas ni Angelo. Marahan namang sumakay ang dalaga sa sasakyan ng binata at nakiramdam kung saang lupalop silang tutungo. Halos isang oras na silang bumabyahe kaya nagtaka ang dalaga.

“Hoy, saan ba talaga tayo pupunta ha?” Pangungulit ni Camille.

“Gusto mo talaga malaman?”

“Malamang!” Bigla namang ipinreno ni Angelo ang sasakyan.

“Pupunta tayo sa isang lugar na hinding hindi mo malilimutan.” Ang sabi ng binata habang inilalapit ang mukha sa dalaga, “Sa isang lugar na tayo lang, walang makakakita, at walang pipigil! Doon sa kung saan kita masosolo…” Halos mapapikit si Camille sa sinasabi ni Angelo, “Tignan mo ‘yang mukha mo oh? Pulang-pula!!!” Ang biglang bigkas ng binata at saka humagalpak ng tawa.

“Ewan ko sa’yo, Angelo!” Sigaw ni Camille, “Ibaba mo na nga ako! Uuwi na ako!”

“Huwag naman ganoon, andito na tayo eh.” Sabi ng binata at tumitig sa right side ng kotse. Bumungad kay Camille ang isang malaking building. 

“Huh? Sa resto na ‘yan? Anong gagawin natin dyan? Hindi pa naman kita sinasagot ha? At saka, teka, wala pa akong balak!” Sabi ni Camille.

“Pwede ba? Itigil mo muna ‘yang pag-iisip mo ng masama. I owned that resto.” Sabi ni Angelo.

“Walang biro? Sobrang laki na pala talaga ng naipundar mo since then?”

“Oo, pero may kulang eh.”

“Ano pa ang kulang? Dapat nga maging masaya ka sa mga nagging achievements mo eh. May hinahanap ka pa bang iba bukod sa success mo?” Wika ni Camille.

“Oo, meron. Ikaw.” Nagkatitigan ang dalawa sa huling bagsak ng salita ni Angelo ngunit imbis na pawiin ang ambiance na nagawa niya, “Mas masaya ako kung kasama kitang nagmamanage ng mga bagay na naipundar ko. Lahat ng ito, dahil sa’yo.”

Napalunok na lamang si Camille, “Alam mo, napakacorny mo talaga, bumaba na kaya tayo?”

“I love you, Camille.” Sabi ni Angelo.

“Bumaba na tayo…” Sagot ni Camille habang nakangiti.

Bumaba si Angelo at binuksan ang kanang pintuan ng kotse. Inalalayan niya si Camille sa hanggang sa pagpasok sa loob ng resto.

“Bakit parang walang tao, Angelo? Nalulugi na ba itong resto niyo?” Sabi ni Camille habang iginagala ang paningin sa loob ng silid.

“Kailan umuso sa akin ang salitang lugi, Camille? Umupo ka muna sa dito table natin. May pupuntahan lang ako.” Paalam ng binata.

“Iiwanan mo ako dito mag-isa?” Pag-a-alangan ni Camille.

“No, don’t worry. Saglit lang talaga ako. Umorder ka na.” Bigla namang sumenyas si Angelo sa waiter, binulungan, at umalis na.

Ilang minuto nawala si Angelo kaya naman hindi maalis ang kaba sa puso ni Camille. Tila gusto ng mga paa niya na umalis na lamang at umuwi kaso hindi niya magawa. Ilang sandali pa ang lumipas, laking gulat niya ng biglang may tumugtog na musika.

“Camille.” Isang boses ang bigla tumawag sa atensyon ni Camille, sa kanyang paglingon, naroon si Angelo, hawak-hawak ang isang bouquet ng bulaklak. “Pasensya na kung pinaghintay kita, ito, para sa’yo.”

“A-ayos lang. Salamat.” Ang nasabi ng dalaga.

“Can I have a dance with you, Camille? Maganda ang music na nagpe-play, so, shall we?”

“Dance?!” Sabi naman ni Camille na lalong kinabahan, “S-sure.”

Habang sila’y nagsasayaw, “Camille…”

“Oh?”

“Alam mo, kahit anong mangyari, ipaglalaban kong mahal kita.” Halos hindi makapagsalita si Camille sa sinabi ng binata. “Mahal na mahal kasi kita eh. Sobrang lakas ng tama ko sa’yo.”

“May gusto akong malaman, Angelo.”

“Ano ‘yun?”

“Bakit ako ang pinili mo? Bakit ako ang minahal mo?” Ang naitanong ni Camille.

“Hindi ko rin alam, Camille. May mga bagay na hindi kailangan ng paliwanag o kahit na anong dahilan. May mga bagay na dumarating na lang bigla na parang isang magnanakaw at marerealize mo lang kapag naramdaman mo na. Minsan, may mga pagkakataong mas kailangang iparamdam kaysa sabihin ng verbal.” Sambit ni Angelo.

“Hindi naman ako ‘yung tipong bagay sa isang Angelo Fontivera.” Bulong ng dalaga.

“Wala namang makakapagsabi kung bagay ang dalawang tao eh. Opinion lang naman nila ang mga bagay na ganoon eh. Basta alam ko sa sarili kong bata pa lang ako, ikinulong ko na ang sarili ko sa’yo. Siguro naglalaro si kupido nung mga panahong magkasama tayo way back 2003 tapos bigla akong tinamaan ng arrow niya. Sa kasamaang palad, ako lang.” At bigla namang napangiti ang binata.

“Pero, paano kung masaktan kita?” Sabi ni Camille.

“Basta ang lagi mo lang tatandaan, mahal na mahal kita, Camille.” Inilapat ni Angelo ang kanyang ulo sa balikat ni Camille, “Kung mawawala ka pa, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Siguro papakalayo-layo na lang muna ako.”

“Angelo…”

“Bakit?”

“Mahal rin kita.” Bulong ni Camille kay Angelo. Biglang napatigil ang dalawa sa pagsasayaw.

“Tama ba ang narinig ko, Camille? Sinabi mo bang…”

“Oo, mahal rin kita, Angelo, pero natatakot akong masaktan muli. Natatakot akong maiwang mag-isa ulit.” Sagot ni Camille.

“Hinding-hindi kita sasaktan, Camille. Matagal ko ng pinaghandaan ang pagkakataong ito kaya ipinapangako ko sa’yo, hinding-hindi ko hahayaang masaktan ka.” Ang pangako ni Angelo sa dalaga. Unti-unti niyang hinagkan ang labi ni Camille at bago pa man niya ito tuluyang bitawan, “So, ibig sabihin ba nito, tayo na?”

Sa halip na sumagot ang babae, hinawakan nito ang ulo ng lalaki at hinagkang muli ang labi nito. “Sa tingin mo, ano ang sagot ko, Angelo Fontivera?”

Hindi mapawi ang ngiti ng dalawa hanggang sa sila’y umuwi. Tila nawalan sila ng mga iniisip na problema. “Para ka kamong oatmeal ngayon, Camille.” Banat ni Angelo.

“Bumabanat ka ha. Bakit?”

“Kasi you’re good for my heart!” Sagot ni Angelo at saka humagalpak ng tawa.

“Sarap mo rin ikulong eh ‘no?” Sagot naman ni Camille habang kinikimkim ang kilig na nadarama.

“Pinapangiti lang kita para maganda ang gabi mo eh, bakit mo naman ako ipapakulong?”

“Ninakaw mo puso ko eh.” Lalong nagtawanan ang dalawa sa loob ng kotse hanggang sa makarating sa site.

“Napa-wow mo ako dun ha. Bumabanat ka rin eh noh? Para ka kasing kotse, in love kasi ako sa’yo.”

“Anong koneksyon ‘non?” Tanong ni Camille habang nakakunot ang noo.

“Walang koneksyon ‘no? Sana tayo meron.” Biglang hagalpak ng tawa si Angelo.

“Ewan ko sa’yo, Angelo. Itigil na natin ito, tara na at pumasok na tayo sa loob.” Sabi naman ni Camille.

“Pst!” Tawag ni Angelo.

“Oh? Bakit?”

“I love you…” Senyas ng binata.

“I love you, too.” Sagot naman ni Camille.

“Hatid kita sa kwarto mo?”

“Huwag na, okay lang ako. Good night na!”

“Walang good night kiss?”

“Good night punch? Gusto mo?” Banta naman ni Camille.

“Sige na nga po. Good night!”

Hindi maipinta ang saya sa mukha ng dalawa. Tila nakahanap na sila ng panibagong sandalan sa piling ng bawat isa. Papasok na sana si Camille ng bigla siyang may narinig na kwentuhan sa loob ng kwarto niya. Unti-unti niyang binuksan ang pinto at laking gulat niya ng makita ang kanyang matalik na kaibigang si Ella kausap ang lalaking kinamuhian niya ng sobra, si Mike. 

“Bakit nandito ang lalaking ‘yan?” Matigas na tanong ni Camille at sinulyapan si Mike.

“May sasabihin daw siya sa’yo, Mars.” Sagot naman ni Ella.

“Alam mo naman siguro kung gaano ko kinamumuhian ang lalaking ‘yan ‘di ba?” Pasigaw na salita ni Camille. Halos hindi niya matitigan si Mike.

“Alam mo, it’s better for you to talk, Cam…”

“NO!” Halos hindi makontrol ni Camille ang galit na nararamdaman niya, “Paalisin mo siya dito sa kwarto, Ella.”

“Mars, siguro dapat pakinggan mo muna…”

“Palalabasin mo siya o pareho kayong lalabas sa kwarto na ito?!” Pagbabanta ni Camille, “Kung ayaw mong makalimutan kong kaibigan kita, palabasin mo ang lalaking ‘yan sa kwartong ito!”

Walang nagawa si Ella kundi palabasin ang binata sa kwarto ni Camille ngunit bago pa man ito lumabas, “Camille, maaari bang pakinggan mo muna ako?”

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan at tinignan mabuti ni Camille ang binata sa kanyang mga mata, “Alam mo ba kung anong sinasabi mo, Mike? Pakinggan? Ngayong ayos na ang lahat, you will just came back, at sasabihing pakinggan kita? Anong kasinungalingan ang sasabihin mo, Mike?” Hindi mapigilan ni Camille na maluha sa muli nilang pagkikita ng kanyang ex-boyfriend. Akala niya dati, kaya na niya, pero kakaiba ang naramdaman ni Camille ng muli silang nagkita. Napabuntong-hininga na lamang siya habang nanatiling tahimik sina Ella at Mike, “Pwede ba? Umalis ka na? Parang awa mo na, Mike. Umalis ka na.”

“Sige, Camille. Aalis ako pero hindi ko maipapangakong ito ang huli nating pagkikita. Patutunayan ko sa’yong hindi ako umalis para sa wala. Ipapakita ko sa’yong hindi kita iniwan.” Ang huling sambit ni Mike bago pa man siya umalis ng kwarto.

Nang tuluyan ng makaalis ang binata, “Camille!” Kaagad tumakbo papalapit sa kaibigan si Ella ng makita itong biglang nanlambot, “Okay ka lang ba?”

“Bakit siya bumalik, Mars? Bakit? Ano pa bang gusto niya? Makita akong masaktan ulit? Masaya na ako ngayon eh. Nakalimutan ko na siya pero bakit ganito? Bumalik lahat ng sakit noong muli ko siyang nakita. Bakit?” Halos humagulgol ng iyak ang dalaga habang kayakap ang kanyang matalik na kaibigan.

“Pasensya na, Mars. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Mabuti pa’y magpahinga ka na muna. Bukas na natin ito pag-usapan.” Matapos hintayin ni Ella makatulog ang kanyang kaibigan, pinili nitong bumalik na sa kanyang kwarto at magpahinga na rin.

            Kinaumagahan, hinanap kaagad ni Camille ang matalik na kaibigan upang tanungin kung anong naging dahilan ng pagpunta ni Mike. Buong gabi niya ‘yung pinag-i-isipan hanggang sa kanyang paggising. Nang makita niya si Ella, kaagad niya itong hinila papunta sa isang tagong lugar sa site.

            “Ella, sagutin mo nga ako, ano ang ipinunta ni Mike dito kagabi?” Ang tanong ni Camille.

            “Huh? Teka lang, Mars. Masusunog ‘yung niluluto ko.” Pagdadahilan ni Ella at akma sanang aalis ng pigilan siya ni Camille.

            “Mahirap ba ‘yung tanong ko, Mars? Sabihin mo sa akin kung ano ang sinabi sa’yo ni Mike?” Pakiusap ni Camille.

            “Mars, maganda kung sa kanya manggagaling ang lahat, ayokong magsalita, okay? Please.” Sagot naman ni Ella.

            “Ella, parang awa mo naman oh? Sabihin mo sa akin kaysa mamatay ako kakaisip.” Pagmamakaawa naman ni Camille.

            “Mars, alam mo, kausapin mo na lang ‘yung tao. Intindihin mo rin ako. Mas gusto kong malaman mo sa kanya mismo, ayokong makasira. Alam ko kasing iba na ang mahal mo ngayon.”

            “Anong ibig mong sabihin?”

            “Basta Mars, ang masasabi ko lang, kung ano ‘yung mga inisip mo against him bago mo makilala si Angelo, all of those are somewhat, not true.” Pasubali ni Ella na natigilan sa mga sinambit ng kaibigan, “Aalis na ako, Mars. May ginagawa pa kasi ako. Pasensya ka na.”

            Naiwan si Camille na nakatulala sa lugar na iyon at walang nagawa kundi hintaying bumalik si Mike para malaman niya ang tunay na dahilan.

a/n: “Limitado lang sa mundo ang mga taong faithful at stick to one sa relationship, kaya dapat ‘di sila sinasayang. No, hindi dapat KAMI sinasayang.” 

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Chasing Hell (PUBLISHED) KIB द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
South Boys #6: Bad Lover Jamille Fumah द्वारा

किशोर उपन्यास

42.3K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...