A Twisted Fate [ COMPLETED ]

By Author_S

2.9K 143 80

Ang Love kasi may recipe yan! Love, Trust, Faith, Respect, Effort, and Communication. Isa lang ang mawala diy... More

PROLOUGE
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata

Ikalimang Kabanata

131 14 10
By Author_S

            Hindi malaman ni Camille kung ano ang tamang gawin. Pagsapit nila sa Condo, wala ang kapatid ni Angelo. Marahil ay nasa trabaho ang kanyang kapatid, ang sabi ni Camille sa kanyang sarili. “Sa kabilang kwarto…” Bulong ni Angelo na inaalalayan na lamang ni Camille upang makalakad.

            “Hibang ka na ba? Hindi diyan ang unit ng ate mo, dito.” Bago pa man siya magpatuloy sa pagsasalita, isang susi ang iniabot ng binata kay Camille.

            “That’s my unit.” Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Camille. Kaagad niyang binuksan ang pinto ng kwarto at pumasok habang inaalalayan ang binata. Hindi mapag-a-akalang kwarto iyon ng isang lalaki sapagkat napakalinis nito.

            “Dito ka muna sa kama, kukuha lang ako ng maligamgam na tubig.” Ika ni Camille pero laking gulat niya ng biglang pumulupot sa kanyang katawan ang isang braso ni Angelo.

“’Wag mo akong iwanan, please?” Bulong nito sa dalaga.

Dali-dali namang pumiglas si Camille. “Pasalamat ka may sakit ka.” Banta nito pero nang makita niya ang binata sa kalagayan nito, bigla na lamang lumambot ang puso nito. Umalis ang dalaga at sinubukang sumilip sa labas upang wariin kung naroon na ang kapatid ni Angelo, ngunit wala pa rin ito. Kaya naman napilitan siyang asikasuhin ang binata at bantayan ito habang hindi pa lubusang bumababa ang kanyang lagnat. Ilang oras din ang ginugol niya sa pagpapahid ng maligamgam na tubig sa katawan ng binata. Bagama’t naiilang siya, unti-unti niyang tinanggal ang suot na pang-itaas ng binata upang maalwanan ito.

            “Marahil ay over-fatigue ito. Huwag mo kasi masyadong pilitin at abusuhin ang katawan mo. Kailangan mo rin matulog at magpahinga minsan.” Sabi ni Camille kahit alam niyang hangin lang ang kinakausap niya, “Sa susunod mag-iingat ka. Ingatan mo ang kalusugan mo lalo’t matagal na panahon mo itong pinaghirapan.” Patuloy na banggit niya.

            “Ma-mahal na m-mahal kita… F-Camille.” Napatigil si Camille sa kanyang ginagawa. Sa pagkakataong iyon, tila binuhusan siya muli ng isang timba ng yelo. Kahit na itinatanggi ng isipan niya, pinipilit siya ng puso niya na tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng tinuturan sa kanya ng binata ay pawang totoo.

            “I-Ipagluluto na lamang kita ng lugaw.” Umiwas si Camille sa kakaibang pakiramdam sa kwarto noong panahong iyon. Ganoon na lamang ang buntong-hininga ni Camille nang makalabas sa silid. Dumiretso agad siya sa kusina at inihanda ang mga sangkap na gagamitin niya para sa lugaw na ihahain niya.

            “Bakit ba kasi wala pa ang kapatid ng mokong na ito? Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko? Kapag tumagal pa ito… Ay naku naman!” Halos mabaliw na si Camille sa kakaisip niya, hindi sa kalagayan ni Angelo, kundi sa kakaibang bagay na nararamdaman niya para sa binata. “Asan na ba kasi ‘yung asin?!” Sa kaiisip niya ng kaiisip, bigla na lamang siyang nawalan ng balanse habang inaabot ang lagayan ng asin. Laking gulat niya ng may mga bisig na sumalo sa kanya. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at nabigla nang makita si Angelo.

            “Sa susunod, mag-iingat ka.” Sabi ni Angelo alinsabay ng dagliang pagtayo ni Camille mula sa kanyang mga bisig.

            “Bakit ka biglang tumayo? Hindi ka pa masyadong maayos ha?!” Sabi naman ni Camille at hinipo ang noo ng binata, “Dapat magpahinga ka na lang muna sa kwarto mo.”

            “May pag-asa ba akong mahalin mo?” Diretsong tanong ni Angelo sa dalaga.

            “A-Angelo…”

            “Sagutin mo naman ako please? May pag-asa ba ako?”

            “Ah… eh… ano eh… magluluto pa ako ng lugaw, bumalik ka na lang sa kwarto mo.”

            “Please…”

            “Alam mo, bumalik ka na lamang sa kwarto mo at baka nahihibang ka lang. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi mo. Lakad na, ako ng bahala muna rito.” Gaya ng kanyang sabi, bumalik na nga sa kwarto ang binata, ngunit kahit anong tanggi niya sa sarili, alam niyang unti-unti ng nahuhulog ang kanyang loob kay Angelo. Sa muling pagpasok niya sa silid ng binata dala-dala ang lugaw na kanyang niluto, naabutan niyang mahimbing nang natutulog ito kaya nama’y minabuti niya ng umuwi.

            “Bumaba na naman ang lagnat mo. Kainin mo na lamang ang lugaw doon paggising mo bukas. Initin mo muna ha.” Ang bulong ni Camille sa natutulog na binata. Bago pa man siya tuluyang lumabas ng kwarto, minasdan niya mabuti si Angelo, “Hindi ko alam kung kaya ko ng magmahal ulit, Angelo. Pasensya ka na…” Ang huling wika ng dalaga.

            Kinaumagahan, “HOY! Camille Dela Cruz!!! Anong oras ka na umuwi kagabi, ha?” Ang salubong na tanong ni Ella sa kanyang kaibigan, “Saang lupalop ka nagpunta?! Kaninong bahay ka nakitulog? Hindi mo ba alam na delikado ‘yan lalo’t babae ka? Bakit hindi ka man lang nagtext?!” Halos hindi makapagsalita si Camille sa sunod-sunod na tanong ni Ella.

            “Pwede ba, Ella? Hayaan mo muna akong magkape saglit?” Sabi ni Camille.

            “Magkape, magkape? Saan ka nga galing kagabi, ha?!”

            “Ok, fine! Sa condo unit ni Angelo.”

            “Ano?!!” Kagaya pa rin ng dati, halos mabingi si Camille sa sigaw ng kanyang kaibigan, “Anong ginawa mo sa condo unit niya? Kayo na ba? Magpapakasal na kayo? Akala ko ba ayaw mo sa kanya? May nangyari na ba? Pinagsamantalahan ka ba niya? O baka naman, pinagsamantalahan mo siya?!!!”

            “Shut your mouth! Baka may makarinig sa’yo!” Pigil ni Camille kay Ella habang tinatakpan ang bibig nito, “Hindi mo ba alam na malaking gulo kapag nalaman nilang may babaeng nanggaling sa condo unit ni Angelo?”

            “Pasensya naman,” Sabi ni Ella at unti-unting inalis ang kamay ni Camille na nasa kanyang bibig, “Pero ano ba talagang ginawa mo sa kanila?”

            “Sa show kahapon, the reason why he came late is that he’s sick.”

            “What?!”

            “Nakita ko siyang nanghihina so I helped him, hindi ko naman inakalang inaapoy na siya ng lagnat ng mga oras na iyon. Wala na akong nagawa kundi ang alagaan siya. Pasado alas-dose na nung humupa ‘yung lagnat niya,” Paliwanag ni Camille.

            “Ibig sabihin… walang nangyari sa inyo?”

            “Ano namang dapat mangyari sa amin?”

            “’Yung alam mo na…” Sabi naman ni Ella habang may isinesenyas sa kamay, “Aray!!!” Napasigaw na lang siya ng bigla siyang binatukan ni Camille.

            “’Yang isip mo, napakadumi!”

            “Makabatok ka naman, Mars! Pero, ikaw ha? I can feel this na gusto mo na rin siya?”

            “The hell you’re saying, Ella?”

            “Asus, kunwari ka pa, Mars. Look, why do you even care about him?”

            “Kasi… old friend ko siya.” Pagdadahilan naman ni Camille.

            “Eh bakit pinili mong hintaying humupa ang lagnat niya kahit madaling araw na?”

            “Eh kasi walang mag-aalaga sa kanya, wala pa nga ‘yung ate niya!”

            “Eh pwede mo naman siyang ikuha ng private doctor? O kaya tawagan si Direk.”

            “Eh kasi nag-aalala ako sa kanya at sa pinundar niyang career. Lalo kapag may nakaalam na may babae sa condo niya.”

            “Eh bakit ka nag-aalala sa kanya?”

            “Eh bakit ang dami mong tanong, Ella?!!” Sa tono ni Camille, halatang naiinis na siya, ngunit tuloy pa rin si Ella sa pagtatanong.

            “Bakit nagagalit ka? Kasi gusto mo na siya ‘di ba?! Ayaw mo pa kasing aminin na tuluyan mo ng nakalimutan si Mike ng dahil sa isang lalaking unti-unting nagbibigay ulit ng liwanag sa puso mo.” Hirit ni Ella.

            “Alam mo, Ella? Mamaya, paliliparin na kita palabas ng kwarto.”

            “Bakit kasi hindi mo pa aminin sa kanya, Camille? Wala namang mawawala. Isa pa, mahal ka niya, at kitang-kita ko kung gaano ka kahalaga sa kanya, if I know, baka siya pa ang dahilan ng contract extension natin dito sa site.”

            “Seriously, I am scared.” Naging seryoso ang tono ni Camille, “I am scared na baka bukas makalawa, iwanan niya ako.”

            “Camille, mas matakot ka kung bukas makalawa, wala ng Angelo ang hihingi ng palad mo para mahalin siya. And another thing, ramdam ko na hindi ka niya lolokohin, unless, ikaw, ang makagawa ng move na sadyang makasasakit sa kanya.”

            “Ella… ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Hindi ko na kasi alam, pati ‘yung nararamdaman ko para sa kanya, parang… hindi na normal.”

            “Allow him.” Diretsong sagot ni Ella.

            “Anong ibig mong sabihin?”

            “Ang slow mo, Mars. Give him a space sa puso mo. Allow him to court you. Hayaan mo siyang patunayang mahal ka niya talaga. With that move, mapapatunayan mo rin kung talaga bang mahal mo na siya o hindi.”

            Pinag-isipan mabuti ni Camille ang lahat ng kanyang maaaring gawin habang isa-isang inilalagay ang mga pinggan sa lagayan nito pero paulit-ulit sa utak niya ang sinabi ni Ella, “Panahon na nga kaya para tanggapin ko ang alok ni Angelo?” Ngunit sa bawat pag-sang-ayon niya sa suhestyon ng kaibigan, mukha ni Mike ang lumalarawan sa kanyang isipan. Hindi niya pa rin nalilimutan ang pambabasura sa kanya ng binata. Hanggang ngayon ay wala siyang ibang balita sa dating kasintahan.

            “Sorry.” Narinig niya ang boses ni Angelo na nanggagaling sa pinto.

            “Ikaw pala.” Tipid na sagot ni Camille upang itago ang kanyang pagkagulat sa pagdating ng binata, “Sorry? Saan?”

            “Kagabi… sa pag-aalaga sa akin. Pasensya na kung naabala kita. Hindi ko rin kasi alam na...”

            “Ayos lang ‘yun, Angelo. Ganyan din naman ang ginawa mo nung nakita mo ako sa tulay,” Bago pa man maipagpatuloy ni Camille ang kanyang sasabihin, hindi niya namalayang madulas mula sa kanyang kamay ang isang pinggan at nabasag. Isang piraso ng bubog ang sumugat sa kanyang kamay. Bigla namang lumapit si Angelo sa dalaga at kaagad hinagkan ang kanyang palad.

            “Hindi ka kasi nag-iingat.” Kinuha ni Angelo ang kanyang panyo at unti-unti itong ipinulupot sa sugat ni Camille. Hindi naman naiwasan ng dalaga ang pagmasdan ang isang anghel sa kanyang harapan. Pilit binabagtas ng kanyang isipan ang mga naging pagbabago sa pisikal na anyo ng binata magmula noong siya’y isang gusgusing batang puno ng mga pasa.

            “Angelo…?” Tawag ni Camille.

            “Bakit?” Sagot naman ng binata habang inaayos pa rin ang sugat ng dalaga.

            “Hindi ba sabi mo sa akin… mahal mo ako?” Biglang napatigil si Angelo sa kanyang ginagawa, “Kung bibigyan ba kita ng pagkakataon, pahahalagahan mo ba?”

            Marahang tumingin si Angelo sa dalaga, “Honestly… pinagsisisihan kong sinabi kong mahal kita. All these days na nakalipas, naisip kong dapat hindi ko na sinabi ang mga bagay na ‘yun.” Halos mapanganga si Camille sa sinabi ni Angelo. Tila gusto ng pumatak ng mga luha niya at napansin niya ang kakaibang sakit mula sa mga salitang iyon. Para siyang hinugutan ng isang patalim na nakasaksak sa kanya mula noong iniwan siya ni Mike at muling ibinaon sa kanyang dibdib dahil sa mga sinabi ni Angelo.

            “Ah. Ganun ba? Mabuti naman…” Ito na lamang ang nasabi ni Camille kay Angelo at tumalikod upang itago ang mga luha niyang malapit ng bumagsak ngunit biglang nagpatuloy si Angelo sa kanyang pagsasalita.

            “Dahil ngayon… mas gusto kong iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal kaysa manggaling lamang sa aking bibig. Patutunayan ko sa’yong mahal na mahal kita. Ipapakita ko sa’yo kung paano ko malalagpasan ang lahat para sa’yo lamang. Ipararamdam ko sa iyo na ikaw lang ang itinatangi ng puso ko, Camille.” Mula sa pagkakatayo ng binata, niyakap nito si Camille sa likod, at ibinulong sa kaniya, “Kahit anong mangyari, ikaw at ikaw lang, ang nakakuha ng pag-ibig ko.”

            Hindi maipinta ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Camille. Nang naramdaman niyang bumitaw na ang binata sa pagkakayakap sa kanya at naglalakad na palabas ng kusina, “Angelo!” Tawag niya. Lumingon naman ang binata, “Pumapayag na ako! Huwag mo sanang sayangin ang pagkakataong ibinibigay ko sa’yo!” Bigkas ni Camille ng nakangiti.

            “Totoo ba ang sinabi mo?” Naramdaman ni Camille na nagulat si Angelo sa sinabi niya.

            “Oo, totoo, kaya umayos ka!” Sagot ni Camille.

            “Ibig sabihin ba nito… pinapayagan mo na akong ligawan ka?! At sinasabi mo ring… may pag-asa ako sa’yo?!”

            “Oo nga!!!” Nakangiting sagot ni Camille.

            “Really?!”

            “Ayaw mo?!”

            Instead of answering Camille’s question, bigla na lamang tumakbo si Angelo palapit kay Camille at akma itong yayakapin, “Oops. First rule, no sudden touch, ok?!”

            “Rules?” Pagtataka ni Angelo.

            “Oo, mamaya, abusuhin mo ako eh.”

            “Grabe naman.”

            “Ayaw mo?!”

            “Oo na.”

            “Parang napipilitan yata ‘yung sagot mo?”

            “Hindi. Ayan nga oh, nakangiti pa ako.” Sabi ni Angelo at nagpakita ng isang fake smile.

“Sige na, baka ma-late ka sa photo-shoot.” Sabi ni Camille.

            “Bakit? Worried ka?” Tukso naman ni Angelo. Bigla namang namula si Camille sa tinuran ng binata.

            “Isumbong kaya kita kay Direk?”

            “Ok lang, andyan ka naman eh. Simula ngayon, ikaw na ang magdidirek ng buhay ko.” Lumabas si Angelo na pinipigilan ang tawa.

            “Baliw.” Bulong ni Camille sa sarili. Ngumiti siyang tila kinikimkim ang kilig na nararamdaman na parang nabunutan ng tinik sa dibdib at masayang ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa nang biglang may sumisitsit sa kanya mula sa pintuan.

            Si Angelo ulit, ngunit bago niya ito tanungin kung ano ang kanyang kailangan pa, bigla naman itong sumigaw, “MAHAL KITA, CAMILLE!” At saka humarurot ng takbo.

A/N: Yung may taong kikiligin maski sa napakasimpleng bagay sabay sabi sayong, "mahal kasi kita, kaya kahit anong bagay na mula sa'yo, naappreciate ko." 

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
31.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞