A Twisted Fate [ COMPLETED ]

By Author_S

2.9K 143 80

Ang Love kasi may recipe yan! Love, Trust, Faith, Respect, Effort, and Communication. Isa lang ang mawala diy... More

PROLOUGE
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata

Ikatlong Kabanata

689 14 8
By Author_S

“Hoy, Mars! Nakatulala ka na naman diyan!”  Sigaw ni Ella habang tinatapik ang braso ni Camille. Hindi pa rin maaalis sa isipan ni Camille ang narinig niya mula kay Angelo. Ni kahit isang pitik ng batang tinulungan niya dati ay hindi mababakas sa mukha ni Angelo kaya’t ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat.

“Bakit bigla kang tumakbo kagabi?” Napalingon si Camille at Ella sa taong nagsalita. Hindi pa man niya tinitigan ang pinanggalingan ng boses ay alam niyang si Angelo iyon. Nakasandal ito sa pinto at may mga susing pinaiikot sa kanyang daliri.

“OMG?! Mars?! SI ANGELO FONTIVERA!!!” Halos takpan ni Camille ang kanyang tainga sa lakas ng tili ni Ella.

“Oh. Kilala mo pala siya?” Kalmado ang boses ni Camille na kunwa’y walang pakiaalam at tinuloy na lamang ang paggayat ng mga sangkap para sa ihahanda nilang pananghalian.

“Oo naman, Mars! Sino bang hindi makakakilala sa gwapo at sikat na model na ito?!”

“See?! I told you before, isa akong mahalagang tao.” Sabad naman ni Angelo.

“Ah, ganoon ba? Well, I freaking don’t care.” Sagot naman ni Camille kaya’t bigla siyang pinalo ni Ella sa braso niya, “Aray! Ano ba?!”

“Baliw ka ba, Mars?!”

“Hindi, itanong mo diyan sa iniidolo mo ‘yang tinatanong mo sa akin, baka sakaling sumang-ayon.” Sarkastikong sagot ni Camille.

Bigla namang tumawa si Angelo, “Sino kaya ‘yung baliw na nakita ko sa tulay at nagtangkang magpakamatay?”

“Sir?! Ano pong nagpakamatay?” Tanong ni Ella kay Angelo ngunit bago pa man ito makasagot, hinila na siya ni Camille palabas ng kusina.

“Hindi mo naman ako kinakaladkad sa lagay na iyan, Ms. Camille?” Bigkas ni Angelo sapagkat halos tumakbo na sila ni Camille mula sa kusina palabas sa site.

“Ang daldal mo kasing mokong ka!!!” Sagot ni Camille kahit medyo hinihingal na siya.

Nakarating ang dalawa sa isang park, hindi kalayuan sa photo shoot site. Medyo tahimik ang lugar kaya’t naisip ni Camille na ayos ang lugar na iyon para makausap niya ang binata ng sarilihan.

  “May balak kang masama sa maganda kong katawan, Miss Camille?!” Nakangiting sabi ni Angelo.

“Ano?! Ambisyoso ka rin talaga eh ‘no?” Sagot ni Camille habang pinapagpag ang kanyang damit.

“Ok. Get to the point, why you brought me in here?”

“May gusto akong malaman. Yung totoo, ok?!”

“Ok, if that’s what you wish. After I answer yours, kailangan mo rin tanggapin ang susunod kong sasabihin, whether you like it or not.” Napakunot naman ng noo si Camille sa sinabi ng binata.

“May pagka-sadista ka rin ‘no? Kaya hindi ako naniniwala sa pinagsasabi mo kagabi eh.”

“E ‘di sige. Babalik na ako sa site. Baka hinahanap na ako nila doon.” Akmang aalis na ang binata ng bigla naman siyang pigilan ni Camille.

“Teka lang! Sige na. Pumapayag na ako.”

“Good. Let me answer your questions.”

“Una, ikaw nga ba talaga ang Angelo na kaibigan ko way back 2003, sampung taon na ang nakakaraan?” Tanong ni Camille. Umupo naman si Angelo sa bench. Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid ng dalawa.

“Ako nga.” Matipid na sagot ni Angelo.

“Paanong nangyaring…”

“Mukhang mahaba-habang kwentuhan ito ha, sabihin na lang siguro nating may himalang bumagsak sa akin at inulanan ako ng grasya.” Sagot ni Angelo.

“Pwede bang umayos ka muna?”

Ikinuwento ni Angelo ang lahat-lahat ng nangyari sa buhay niya magmula noong nakawala siya sa bisig ng kanyang tiyuhin. Ipinagtapat niya ang lahat ng bagay na kanyang tinahak bago pa man marating ang lugar kung nasaan siya ngayon.

“Pero may isang pangako akong dapat tuparin sa sarili ko…” Ang mga huling salitang binitawan ni Angelo.

“At ano naman iyon?” Pagtatakang tanong ni Camille.

“Sa part na ‘yun, wala ka ng pakialam.Na-i-kwento ko na ang lahat. Wala ka na bang ibang tanong? I am excited for the thing that I would ask you to do.”

“Hindi pa.”

“Ano pa?!”

“Kung adopted ka lang, sino si Shirley? ‘Yung babaeng tumulong sa akin.”

“Well, kapatid ko siya sa papel pero hindi sa dugo. Itinuring niya na rin akong parang isang tunay na kapatid.” Sagot naman ni Angelo.

“’Yung tungkol doon sa nangyari sa tulay, the time when you saw me committing suicide and entered the scene, is it a coincidence o ginusto mo lang talaga akong sagipin?”

“Ano sa tingin mo? Kung ano ang nandyan sa utak mo ngayon, ‘yun ang sagot ko.”

“Matino ka rin talagang kausap, ano? Kaya hindi ako naniniwalang ikaw ‘yung Angelo ten years ago na nakilala ko eh.” Sarkastikong sabi ni Camille.

“Oo nga eh. Actually, nagulat nga ako noong nakita kitang magpapakamatay, I truly doubt kung ikaw ‘yung Camille na matagal ko ng hinahanap.” Sabi ni Angelo habang nilalaro ang duyan sa tabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?” Pagtataka ni Camille.

“’Yun kasing kilala kong Camille, matapang at hindi umuurong sa laban. ‘Yung tipong hindi magpapakamatay ng dahil sa isang lalaki. Wala ka ng ibang tanong?” Bigkas ng lalaki na biglang nagpatahimik kay Camille. Pumasok mabuti sa dalaga ang tinuran ni Angelo sa kanya.

“Well…” Napalunok na lang si Camille, “Uhm. Wala na.”

Medyo kinakabahan din kasi siya sa maaaring hilingin sa kanya ni Angelo. Iniisip niya kasing ibang tao na ang nasa harapan niya ngayon. Unti-unting lumapit sa kanya si Angelo hanggang halos magkadikit na ang dibdib nilang dalawa.

“So, it’s my turn.” Hinawakan ni Angelo ang kamay ng dalaga na lubhang ikinagulat ni Camille.

“May isang bagay lang naman akong ipapakiusap sa iyo, Camille.”

“Ano ‘yun?”

“Pakituruan mo ulit ang puso mong magmahal…”

Napako ang tingin ng dalawa sa isa’t isa. Iniwas naman kaagad ni Camille ang tingin habang si Angelo naman, binitawan ang mga kamay ng dalaga. Hindi alam ni Camille kung tama ba ang mga narinig niya dahil tila milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya at halos hindi na siya makagalaw sa pagkakatayo. Nakatingin na lamang siya kay Angelo na biglang tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo.

“Babalik na ako sa site, sumunod ka na rin, marami ka pang gagawin sa kusina.” At tuluyan ng nilisan ni Angelo ang parke at iniwan si Camille na nag-iisa doon.

PARANG nabunutan ng tinik ang dibdib ni Angelo noong nasabi niya ang mga katagang iyon kay Camille. Tila nakahinga siya ng maluwag mula sa matagal na pagkakahimlay.

“Oh, Angelo. Ikaw na ang sunod. After the casual wear, we’ll try the summer attires for the next round.”

“Ok, Direk Mandy. Salamat nga po pala kasi pumayag kayong kunin ang restaurant na sinabi ko para maging food supplier natin.” Turan ng binata sa direktor ng fashion show.

“Wala ‘yon, Hijo. Isa pa, hindi naman ako nagsisisi dahil sadyang magagaling ang mga crews nila at magagaling magluto, lalo na ‘yung Camille.”

Lihim na napangiti si Angelo ng narinig ang pangalan ng dalaga, “So, there’s a chance for their contract to be extended, Direk?”

“Actually, wala na.” Bigla namang napawi ang ngiti sa mga labi ni Angelo, “…because I already decided to set their restaurant as our permanent food supplier for our three-month show here in Laguna.”

Halos mapatigil si Angelo sa paghinga, “Seriously?!”

“Oo, Angelo.” Bigla na lamang niyakap ni Angelo ang Direktor.

“Ibig sabihin…” Namilog naman ang mga mata ni Angelo, “nandito sila for the whole 3 months?!!!”

Tumango lamang ang direktor at ngumiti sa kanya.

“Maraming salamat, Direk!” Sabay yakap sa direktor.

“Mukhang malakas ang tama mo sa chef leader na ‘yun ha?”

“Hindi lang malakas, matindi pa. Gagawin ko ang lahat para maiparamdam ko sa kanyang mahal ko siya.”

“Bahala ka pero tandaan,” Sabi ng Direktor habang dinuduro si Angelo, “Huwag kang masyadong papaapekto at ayaw na ayaw kong makaapekto ito sa career mo. Lalo na dito sa site,  maliwanag ba?!”

“Opo.” Nakangiting sagot ng binata, “Maliwanag pa sa sikat ng araw, Direk.”

“Next!!!” Sigaw naman noong photographer.

“Nandyan na.” Sagot naman ng Direktor at binaling muli ang tingin kay Angelo, “Oh siya, ikaw na ang susunod na sasalang. Lumakad ka na.”

“Sige po.” Hinawakan ni Angelo ang kamay ng Direktor at muling nagpasalamat. Matapos noon ay sumalang na siya para sa kanyang photo shoot.

“NAKAKAINIS talaga, Mars!!!” Pag-a-alboroto ni Camille kay Ella habang naglalakad papunta sa serving area para dalhan ng pagkain ang mga nasa photo-shoot site.

“Sigurado ka bang sinabi niya ‘yun? Baka mamaya infatuations mo lang yan tapos nahaluan pa ng imaginations mo?” Sabi naman ni Ella.

“Alam mo ba ‘yang sinasabi mo ha?!” Bago pa man makahirit muli si Ella ay lumipad na ang kamay ni Camille sa kanya at binatukan siya.

“Aray ha?! Eh kasi naman, Mars, hindi mo ako masisisi kung hindi kaagad ako maniniwala diyan sa kinukwento mo. Biruin mo, ang isang Angelo Fontivera, take note, Angelo Fontivera, ay bigla na lang magre-request sa’yo na muling turuan ang puso mong magmahal? Andami kayang babaeng humahabol-habol diyan.”

“Bakit? Porket ba sinabi niya sa akin ‘yun ay may gusto na siya sa akin?” Dagliang sagot ni Camille habang kumukuha ng serving tray at inilalagay ang ilang mga pagkain roon.

“Natural mente, Mars. Tanga na lang ang hindi makakahalata sa ibig niyang sabihin.”

Napabuntong hininga na lamang si Camille at laking gulat niya ng biglang may lalaking humarang sa kanilang dalawa ni Ella.

“Oh my gosh.” Halos malalag ang panga ni Ella sa nakita. Tumambad sa harapan nila ang naka-topless na Angelo Fontivera. Nakasuot lamang ito ng swimming trunks at kitang-kita ang maganda nitong katawan.

“Hey.” Bati nito at ngumiti kay Camille, “Para sa loob ba ito?” Hindi kaagad magawang magsalita ni Camille kaya’t tumungo na lamang ito, “May I have a drink?”

“Oh… sure, Sir.” Sagot naman ni Ella at inalok ang inumin na nasa tray na hawak niya ngunit sa halip na doon kumuha si Angelo, pinili niyang doon kumuha sa tray na hawak ni Camille.

“Thanks.” Matapos kumuha ng inumin ay umalis na kaagad ang binata at tumuloy na sa kanilang photoshoot area.

“Kita mo na, Mars! Sinabi ko na sa’yo!!! Masama ang tama sa’yo nang Angelo na ‘yan!” Giit ni Ella.

“Ewan nga, Ella.” Kahit medyo namumula siya ay binilisan niya ang lakad at inunahan na ang kanyang kaibigan. Pagkalapag niya ng mga pagkain, napansin niya ang direktor na sumensenyas sa kanila kaya’t nilapitan niya ito.

“I really like the kind of service that your restaurant has kaya I decided na kayo na rin ang kukunin namin for our upcoming show next month.”

“T-talaga po?!”

“Oo. Kaya lalo niyo pang pagbutihin ha? Go back to work.” Abot-tainga ang ngiti ni Camille ng lumabas sa photoshoot area at kaagad niyang ibinalita ang magandang mensaheng sinabi ng direktor sa kanya.

A/N: Bakit ka nga ba nasasaktan pa rin ngayon? Simple lang, ayaw mo kasing bitawan ang nakaraan mo.

Continue Reading

You'll Also Like

51.9K 832 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
997K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...