Blind Love

By heartlessnostalgia

12M 359K 150K

Sandejas Siblings Second Installment: (2023 Edition) D A S H "Because it's not about the eyes that can see, i... More

Sandejas Siblings #2: Blind Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
BL Special Chapter
Rumor: Uto-uto si Dash-beybe
Blind Love Selfpub Reprint

Kabanata 21

355K 11.5K 12.6K
By heartlessnostalgia

Kabanata 21

"HI, Reah!" I stopped writing.

"Oh?" nilingon ko si Trevor sa tabi ko.

"Wala naman ang tahimik mo," aniya at pinagmasdan ako.

"Pagod lang kasi ako," sagot ko naman sa kanya at tipid na ngumiti. He nodded at nagulat ako nang kunin niya ang notebook ko roon sa lamesa ko.

"You're really good at this," turo niya sa sinulat ko. Nilingon ko naman siya at umiling na lang.

Wala kaming professor ngayon but he left us a task to do. We should elaborate our favorite myth at pagkatapos ay ibabase namin sa real life situations.

Well, ano pa bang paborito ko? Of course, it was Eurydice and Orpheus' story. I don't know but out of those myths who have better endings, ito pa rin ang gusto ko. I don't actually know why but this story now has more greater value than others for me.

Ani nga nila, may kurot sa puso. That's why I think I am drown to this story. Isa pa, nakakarelate ako atsaka may naaalala akong tao kapag ito ang topic.

"Paborito ko kasi 'to."

"Why this? I mean, it's tragic, mostly, girls do love love stories with happy endings, right?" I nodded.

"Well, that's true. Pero siguro depende lang sa tao 'yan, I love happy endings too but tragic is not that bad..." I shrugged.

"You know, Reah, you're really different." Nilingon ko kaagad siya.

"Bakit naman?"

"Well, you're way too different from other girls I know," he answered. "That's why I really like you." Natawa naman ako at napailing sa kanya.

This man, really...

"Whatever, Trevor." I shook my head. "Sabi ko naman sa 'yo, we can be friends but more than that? I can't assure you." I saw him pout. Natawa ako.

"Reah, I have a question..." he asked.

"What is it?"

"Hmm, last sem," he started. "May nabalitaan ako, is it true that you already have a boyfriend?"

Natigil ako sa sinabi niya.

"Saan mo naman nakuha 'yan?" Tanong ko pa at tumikhim.

"I just heard it, atsaka sabi ng mga kaibigan mo. Is it true?" He asked me again.

I remembered that. This is when Dash went to our university and my friends saw him.

"Wala 'yon," sabat ko.

"Sa pagkakatanda ko, his surname sounds like, Sam or San–" I cut him off.

"Hindi 'yon totoo," agap ko.

Akmang magsasalita na siya ay dumating ang kumukuha ng mga ginawa namin kaya kaagad kong kinuha ang bag ko at nagpasa.

Nang maipasa ko ang pinapagawa sa amin ay kaagad akong lumabas habang nakasunod na naman sa akin si Trevor.

"Uuwi ka na kaagad?" Habol sa akin Trevor na inayos pa ang bag niya. Nagulat ako ng akbayan niya ako kaya tumigil ako at sinamaan siya ng tingin.

"May kikitain lang ako," I told him. "Atsaka h'wag mo ako akbayan..." Reklamo ko.

"Bakit ayaw mo? You said na wala kang boyfriend and ako lang sa pagkakaalam ko ang nanliligaw sa 'yo so, why is it?"

"Oh, nanliligaw ka pala?" Nangunot ang noo ko. Sumimangot naman siya at lumapit sa akin.

"Hindi mo ba ramdam? I am giving you flowers everyday, Fleureah..." ungot niya.

"Which I don't take," sabi ko. "Sinabi ko naman na sa 'yo na tumigil ka na lang. You know, Trev, marami pa r'yan. I doubt na mahihirapan ka. Sa gwapo mong 'yan?"

His lip twitched.

"I know. Marami pa pero ikaw ang gusto ko,"

"The only label I can offer you is friendship, Trevor," mahinang sabi ko sa kanya. That made him stop.

Bumuntonghininga siya't nailing.

"'Yon lang ba talaga?"

"Yes, hindi ako handa sa mga ganyang bagay sa ngayon. Sorry."

"I understand," he sighed. Inakbayan niya akong ulit kaya hinayaan ko na lang siya. "But I won't stop."

"Trevor!" tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Ngumisi siya at kumindat. "You think I followed you here in Manila for nothing? I will get your attention, Reah."

Hindi ko na siya pinansin at inirapan lang. Sumunod naman siya sa akin at inagaw ang librong hawak ko.

"Bawal." Napangiwi siya sa sinabi ko pero ginulo niya ang buhok ko.

"Hahatid na lang kita."

Gusto ko sanang tumanggi pero nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan sa parking lot ay sumama na lang ako sa kanya.

Anong ginagawa ng lalaking 'to rito?

Last night was not really a good day for me. Kagabi ay napagdesisyonan ko nang umuwi sa probinsya para sa sembreak namin. Tatapusin lang namin ang thesis at ilang requirements ay tapos na ang sem na ito kaya uuwi ako. Hindi pa lang ako sigurado kung sa probinsya ko ipagpapatuloy ang pangalawang semester ko o dito sa Maynila.

I should think first and consult Tito Ejercito and Tita Lena. Hindi ko naman pera ang pinang-aaral sa akin kaya importante ang desisyon nila. Kapag pumayag sila ay sa probinsya na lang ako. Doon mas tahimik ang buhay. Walang gulo, walang sakit, walang Rheallyn at lalong walang Dash.

Para na nga akong tanga kung umiwas kaninang umaga sa mansyon. Hindi na ako nag-agahan kanina dahil nasa kusina siya at kumakain. I am doing my best to avoid him, malapit na rin naman at uuwi na ako.

I am positive he saw me entering the kitchen at bago pa man siya makagawa ng kung ano ay tumalikod na ako at pumasok na lang ng maaga.

Kanina ay magang-maga ang mata ko. Absent nga ako sa first subject ko at natulog lang ako sa library dahil wala akong tulog kagabi. Sa pangalawa at last lang ako pumasok at dahil walang prof at half day lang ang kapatid ko ay napagdesisyunan naming magkita.

--

SA isang fast food chain lang kami nagkita at nang makaalis si Trevor matapos niya akong ihatid ay kaagad akong pumasok.

Hindi rin ako nahirapang mahanap ang kapatid ko dahil kita ko kaagad siya. I know his face well and he looks more handsome now.

Mana kay Tatay. Hawig na hawig talaga si Johann at ang Tatay ko. My Dad was a Half-Filipino and Half-Spanish kaya nakuha namin marahil sa kanya ang itsura namin.

"Ate!" Tumayo si Johann pagkakita sa 'kin. Napangiti ako at lumapit sa kanya.

"Hello..." I smiled. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng kapatid ko.

"A-Ate..." aniya.

Mahigpit ang yakap niya sa akin at mabilis ko siyang niyakap pabalik, pinipigilan ang luhang papaamba na naman nang marinig ang pagkabasag ng boses niya.

"Johann, kumusta ka?" Tanong ko nang humiwalay sa kanya.

"Ayos lang kami. Kayo, kumusta na? Ang ganda mo na lalo..." Natawa ako sa sinabi niya at may uminit na humaplos sa puso ko habang nakatingin sa kapatid ko.

He looks more mature now. Parang dati totoy pa 'to! Natawa ako sa naisip.

Naupo kami at napansin kong nakauniform pa siya, 'yong uniform sa airlines.

"Ayos lang naman kami." I smiled. "Ikaw, kumusta na? Ang gwapo-gwapo mo na lalo!"

Nakita ko ang pagpula ng pisngi ng kapatid ko.

"Ate Reah naman!" He said shyly. Sinuklay niya ng bahagya ang buhok niya na ngayon ay malinis ang gupit.

"Oo nga, ang gwapo at mas tumangkad ka! Flight attendant ka, 'di ba?" Tanong ko.

"Opo, Ate. Ikaw, Ate, nag-aaral ka ulit?"

Napatingin ako sa uniform ko at tumango.

"Education pa rin?" Tumango ako sa kanya.

"Last sem na ako next sem kaya ga-graduate na rin ako." Nakita ko ang pagngiti niya sa sinabi ko. Nagulat pa ako nang may kunin siya sa tabi niya at namilog ang mata nang makitang may dala siyang pumpon ng pulang rosas.

"Ate..." inabot niya sa akin. Gulat man ay tinanggap ko iyon.

"Salamat, Johann. Nag-abala ka pa." I told him. Dinala ko sa lap ko at inamoy ang bulaklak.

"Nako, Ate. Wala pa 'yan sa lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko," sabi niya. "Pinauna mo ako mag-aral tapos nagawa ko pang mag-asawa kaagad. Sorry, Ate," sinsero at malungkot niyang sabi at kaagad akong ngumiti at masuyong tumango.

"Matagal nang tapos 'yon. Atsaka, matatapos na rin naman ako. Masaya ako at may maayos kang trabaho at may pamilya ka."

"Salamat," He smiled softly. Saglit siyang umalis para bumili ng makakain namin at habang naglalakad siya ay nakatingin lang ako sa kanya.

He grew up so fast. Kahit siguro tignan lang kami ay pansin na pansin na magkamukha kami. Kaming dalawa ay may malaking pagkakahawig kay Tatay at si bunso ang hawig kay Nanay.

It took us a couple of hours. Kumain kami at nag-kmustahan. He apologized for not contacting us for a long time, he was ashamed and guilty pero ayos na iyon sa amin. I asked him to contact Nanay sa probinsya at he obliged.

"Ingat, Ate Reah..." Ngumiti ako sa sinabi ng kapatid.

"Ikaw din, uwi ka sa atin, huh? Miss ka na namin. Atsaka ipakilala mo naman ang asawa at anak mo."

Nahihiyang nagkamot siya ng batok at tumango sa akin. "Sige. Nga pala, kilala mo si Dash Sandejas?" Natigil ako pagbanggit niya sa pangalang iyon.

"B-bakit? What about him?"

"Wala naman, he's our president, he went to our department kanina tapos nagtanong kung kailan ako makikipagkita sa 'yo," aniya.

"Sinabi mo?" Umiling naman siya kaya napahinga ako ng maluwang. "Bakit, kilala mo? He seems concern..."

I shook my head.

"H-hindi, hindi ko kilala." I smiled awkwardly.

Nagpaalam naman na siya at siya pa ang nagpasakay at nagbayad ng taxi ko pauwi.

Saglit kong nakalimutan ang mga bagay na nagpasama ng loob ko noong nakaraang gabi sa saglit na pagkikita namin but now that I am seeing this mansion again, ayaw na naman pumirmi ng puso ko.

Bitbit ang rosas na bigay ng kapatid ko ay pumasok ako ng gate. I saw Zidney watering the plants at nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin at kumaway.

"Hi, Ate Kaia!" she exclaimed. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na iniikot ang tingin ko. Nang makitang walang tao ay dagling lumapit ako sa kanya.

"W-what did you call me?" mahinang tanong ko.

"Ate Kaia?" patanong niyang sagot.

"H-hindi, it's not my name." Umiling ako. I saw her crease her forehead. Her soft black eyes was full of curiosity.

"Talaga? Then why did Kuya Zeijan said your name is Fleureah Kaia?" she asked. Napapikit naman ako at napabuntonghininga.

Zeijan can't really shut his mouth! Busalan ko kaya nang manahimik?

"Yes, that's my name but can you call me Fleureah or Reah instead?" Napanguso siya sa sinabi ko. "H-hindi ko kasi gusto 'yong Kaia, e." I told her.

"Why? It's pretty naman," she mumbled and smiled adorably, placing strands of her hair behind her ear.

"Uh, wala lang..." sabi ko. I saw her smile and nodded.

"Noted, Ate Reah!" she stopped at mukhang napaisip. "But on the other hand, I'll call you Ate Fleureah na lang."

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi, I can think of Rheallyn the bitchy when I am hearing that name..."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tumawa siya at umiling.

"Sshh lang, Ate. Baka marinig ni Kuya Dash," aniya at ngumiti sa akin.

"Sige," I told her, nagpipigil ng ngiti.

"Ang ganda naman ng flowers mo, Ate! Kanino galing?" tanong niya at sinilip ang mga rosas ko.

"From my brother," tumango naman siya at napabilog ang bibig niya. "Gusto mo?" Nakita ko ang pagliwanag ng mata niya at ang pagtango, napansin kong may kakaiba roon pero 'di ko na masyadong pinansin. Ngumiti ako at kumuha ng tatlong tangkay ng rosas at ibinigay sa kanya.

I saw her eyes shifted in a sudden emotion na kaagad ding nawala. She smiled and thank me, nakita kong mahigpit ang hawak niya sa bulaklak. Sa muling pagsulyap ko ay nakita ko ang blankong mga mata niya pero hindi na ako nagkomento roon.

I am always seeing her blank eyes and I always wonder why she's faking her smile sometimes.

"Yes, I'll just take my remaining units next sem," ani ng bisita nila roon nang pumasok ako. I saw Dash there with his fiancée, Tita Lena and Tito Ejercito was there too, as well as Zeijan and...

My feet froze when I saw the person talking.

"Fleureah!" Nanlaki ang mata ko nang makita si Trevor na mabilis na tumayo nang makita ako.

"What—?" Mabilis siyang naglakad at napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin.

"What are you doing here?" gulat kong sabi sa kanya nang humiwalay siya sa akin.

"You know each other?" Tita Lena asked. I was about to speak when Trevor started talking.

"She's what I am talking about, Tita!" Trevor exclaimed. Nagulat ako nang bigla niya ako akbayan at iharap sa mga gulat na taong nasa lamesa. "Siya 'yong nililigawan ko!"

My jaw dropped. Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumagsak na kung ano kaya napalingon ako at nakita si Dash na nakatitig kay Trevor.

"Magkakilala kayo?" biglang sabat ni Zeijan.

I saw him take a glance at Dash who's been eyeing Trevor at napangisi siya. My forehead creased.

"What a small world!" Zeijan exclaimed happily. "Who would have thought na magkikita kayo rito? Trev, sinagot ka na ba?"

Natulala lang ako nang bigla akong hapitin palapit ni Trevor sa kanya at mas inakbayan ako.

"Not yet..." I saw him smile. "Pero malapit na raw..."

"Wow! I never expected you two know each other!" Tita Lena smiled happily. "Fleureah lives here, hijo..."

Mula sa pagkakaakbay sa akin ay nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko at hinila ako palapit sa lamesa.

"W-what are you doing?" pinigil ko si Trevor sa paghila sa akin.

"Kakain tayo," he smiled at me.

"B-but..."

"Uy, Reah! May flowers ka pa pala! Galing kay Trevor?" Nagulat ako nang tumayo si Zeijan at kunin sa braso ko ang bouquet na hawak ko para itabi.

Mabilis akong umiling at magsasalita pa sana ako nang sumabat na naman ang hunghang na si Zeijan para putulin ako.

"Ay, hindi? Sa isang manliligaw mo pa?" tumawa pa ito sa harapan ko.

Nakita ko ang pagnguso ni Trevor dahil marahil alam niyang galing ito sa kapatid ko pero hindi siya nagsalita.

"H-hin—"

"Kumain na kayo..." ngisi ni Zeij at inilahad ang kamay niya at tinuro ang lamesa. Tatanggi sana ako pero nahila na ako ni Trevor at halos matulala pa ako at nanigas ang paa ko nang makita ang seryosong mga mata ni Dash habang nakatingin sa akin.

I saw how his jaw clenching, walang emosyon ang mga mata niya at napansin ko ang mahigpit niyang pagkahawak sa kutsara na tila nagpipigil doon.

"Let's eat!" Nabaling ang pansin ko kay Rheallyn nang bigla itong magsalita sa kabila ng katahimikan. Nakapirmi ang mga labi niya at matiim ang tingin sa akin.

She glared when she caught my eye.

"Here," ipinag-angat ako ng upuan ni Trevor at nang makitang makakatabi ko si Dash ay umiling ako kay Trev.

"Dito na lang ako uupo," I pointed the other seat.

"Huh? Sige," akmang lalapit ako roon sa kabilang upuan nang may magsalita.

"Why don't you sit beside me, Fleureah?" matigas at malamig na boses ni Dash ang nagpatigil sa akin. Nilingon ko siya at sinalubong ang mata niya.

"I'm comfortable sitting there inst—"

"Are you uncomfortable with me?" he cut me off. I was about to say something again when Tita Lena spoke.

"Sit beside Dash, hija." Napatingin ako sa kanya.

She smiled at me gently and I don't know, knowingly? Kaya sa huli ay wala na akong ibang choice kung hindi ang tumabi roon.

Halos hindi ako makahinga pakaupo sa tabi ni Dash. I can feel the tension beside me. Ni hindi ako lumingon sa kanya pero ramdam na ramdam ko ang nakakapasong tingin niya sa tabi ko.

I did my best to make my heart tough. Hindi ko nga lang mapigilan ang bilis ng tibok nito.

Dumating ang mga pagkain at dumating din si Zeijan galing sa labas at dala na niya si Zidney pagkapasok. Pagkapasok ay nasalubong ko kaagad ang mata ni Zidney at ngumiti siya sa akin.

"Hi, Ate Kaia!" Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo.

"I—"

"Hello!" Natigil ako nang may magsalita. Lumingon ako at nagulat ako ng makitang kumaway si Rheallyn kay Zidney na sumimangot at bumaling na lang sa Zeijan niya.

Something inside me stirred.

So she's claiming she's Kaia now, huh?

Hinanda ang pagkain sa harapan namin. Nagpasalamat ako kay Aling Wanda nang maglagay siya ng pagkain sa may bandang harap ko at tumango siya at ngumiti.

"Walang anuman, hija. Napakabait mo talaga," she smiled.

"Opo naman, kaya love ko 'tong si Reah e!" ani Trevor. Nakarinig kami ng kalansing ng kung ano.

Lumingon ako at nakita kong natumba ang baso ni Dash.

"What's that, Dash?" Tito asked him.

"Nasagi ko, sorry..." Dash apologized but I couldn't sense the remorse.

Kumuha na sila ng pagkain sa hapag at nanatili muna akong tahimik doon. Nang makakuha na sina Tito at ang iba ay bahagya akong tumayo para kumuha.

"Do you like veggies, Rea—"

"Gusto mo ng gulay, Reah?" Natigil ako nang may sabay na magsalita. Napalingon ako kay Dash na nagsalita pabalik kay Trevor na akmang tatayo para sa ulam ko.

"Uh, ano..." nakagat ko ang labi ko at umiling. "Ako na lang kukuha."

"But—"

"Siya na nga kukuha, 'di ba?" Dash cut Trevor off.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Trevor sa sinabing iyon ni Dash at mukhang papatol pa ay inilingan ko agad siya at ngumiti ako.

"Ako na, Trev, salamat," I said. Bumuntonghininga siya pero ngumiti rin ito sa akin at ngumiti.

"Okay, then," he said.

"Dash, babe, I want veggies..." rinig kong sabi ni Rheallyn sa may tabi ni Dash. Hindi naman ako lumingon at sumandok na lang mula sa pinggan ko.

"You get it, malapit lang naman sa 'yo," Dash's cold voice was what I've heard.

"But I can't—" maarteng sabi nito.

"I won't tolerate your whims now, Rhea..." mariing sabi ng katabi ko at bumaling na lang ako kay Trevor para magtanong at hindi sila mapakinggan.

"How come you're here?" tanong ko kay Trevor.

"I told you, destiny tayo," bulong niya pabalik.

"Baliw ka talaga, 'no?" my forehead creased.

"Oo, baliw sa 'yo," sinipa ko ang paa niya sa ilalim kaya napangiwi siya pero tumawa rin. I chuckled and shook my head.

"You two seem very close, hija," biglang sabi ni Tita Lena na may ngiti at naaaliw na tingin.

"Uh, ano... medyo po," I mumbled then smiled at her.

"Medyo ka d'yan, don't believe her, Tita. Patay na patay sakin 'to e, feeling ko nga minsan siya na gusto manligaw sa akin," humagalpak si Trevor.

"Hindi, a!" kumunot ang noo ko.

"Trevor is a family friend, Fleureah. Pangalawang anak ng kaibigan namin ni Jer na nasa Sta. Monica. Si Cecille and Floyd, that two. Nakausap mo na ba sila ulit, Hon?" ani Tita Lena at bumaling kay Tito Jer.

"Not yet, nasa ibang bansa ata ang dalawa." Tito smiled and chuckled.

"Opo, Tito," Trevor answered. "Nag-enjoy masyado pero uuwi naman 'yon siguro next month."

"They better be," Tita Lena smiled beautifully. "Ilang buwan ko na rin kasing 'di mahagilap ang mga 'yon at puro text lang but wow! Who would have thought na magkakilala pa kayo?"

"I met her last sem, Tita, no'ng pumasok siya sa university. Classmate kami sa ibang subject," ani Trevor.

"Oh, you mean, magkakilala na kayo sa Sta. Monica pa lang?" ani Tita Lena.

I saw through my peripheral vision how Dash stopped from eating.

"S-she's from Sta. Monica?" Dash blurted out na ikinatahimik ni Tita Lena.

I saw her froze at nagbaba siya ng tingin at mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang inabot niya ang juice niya para sumimsim, akala mo'y walang sinabi.

Tumaas ang kilay ni Tito Jer at may ibinulong sa kanya. She made a face and said something only the two of them could hear.

"Oo, galing kami do'n. Gusto ko na siya do'n pa lang," ani Trevor. Halos mapa-face palm ako.

"Bakit may problema ba, babe?" ani Rheallyn.

Nakita ko ang pagpatong niya ng kamay sa kamay ni Dash. Hindi naman ito sumagot pero nakita ko ang tingin nito sa akin kaya dagli akong nag-iwas ng tingin.

"So, nililigawan mo simula pa no'n si Reah-to—" Pinanlakihan ko ng mata si Zeijan kaya natahimik siya. "I mean si Reah?"

"Hmm, kinda..." Trevor answered. "But I followed her here in Manila no'ng nalaman kong umalis s'ya, then, luckily naging magkaklase kami," Trevor glanced at me and smiled.

"Anong course mo, hijo?" Tito Ejercito asked him.

"Uhm, Education po, Major in English. Just like Reah," ani Trevor. "This girl has a thing in literature. She loves myths, actually..." Mariing napapikit ako sa sinabi niya at malakas na naman ang kabog ng dibdib ko.

Damn you, Trev!

Halos sumabog na ang puso ko sa bilis dahil sa kaba.

"Right, Fleureah?" ani Trevor kaya napatingin ako sa kanya at alanganing ngumiti.

Humanda talaga sa akin 'to!

"Fleureah's a good girl, Trev. Treat her well," ani Tita Lena na may ngiti.

"I will, Tita," Trevor smiled. "Who would dare hurt a girl like her? I mean, she's wonderful and only those who's not in their right mind will hurt her," he said, looking at me and I smiled at that, not wanting to look at Dash who was obviously piercing me with his deep stares.

The whole dinner was quiet. I mean for my side. Sila Tita lang ang nag-uusap at saka sila Trevor. Hindi naman na ako kumikibo. Dash was quiet, kinakausap siya ni Rhea pero wala rin itong kibo.

"Kapag uwi nga namin sa probinsya, kakausapin ko na si Tita," ani niya sa Nanay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Para saan, hijo?" Tita Lena asked. Sumulyap naman ako kay Trevor at sumandok ng salad bago kumain.

"Papaalam ako para sagutin na ako ni Reah!" Nabulunan ako at napaubo. Nabitiwan ko hawak kong kutsara.

"Reah, are you oka—"

"Here," mabilis kong tinanggap ang juice na inabot ni Dash at ininom. Nang mawala na ang nakabara sa lalamunan ko ay binaba ko ang baso at nilingon siya.

I met his black eyes again. He was staring at me intently, like I did something wrong, a recognition. I don't know...

"T-thanks..." sabi ko.

"Seryoso na talaga 'to, Reah!" ani ni Zeijan sa akin. "Sagutin mo na!"

Napatingin kaming lahat kay Dash nang malakas siyang tumikhim.

"Ayos ka lang, babe?" ani Rheallyn dito. Sumulyap muna sa akin si Dash bago bumaling at tipid na tumango rito.

"I am looking forward for her yes," Trevor said, smiling.

"Asa!" Gulat akong napatingin kay Dash na mariing binulong iyon at nang mahuli akong nakatingin sa kanya ay kinagat niya lang ang labi at nag-iwas ng tingin, iritado.

Ano na namang problema nito?

Hinatid namin sa labas ni Zeij si Trevor pagkatapos. Kumaway siya at isinara ng guard ang gate pagkalabas nito at sabay kaming pumasok ni Zeijan sa loob.

"Akalain mo 'yon, magkakilala pala kayo ni Trevor, Reah-tot!" tuwang-tuwang sabi ni Zeijan at ginulo ang buhok ko. Umangil ako at tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.

"Alam mo, pabibo ka..." sikmat ko. Humagalpak naman siya ng tawa sa akin at inakbayan ako.

"Why, Reah-tot? Selos nga 'yong gagong kapatid ko, e!" tuwang-tuwa pa niyang sabi.

Kung 'di ko lang alam na ganito talaga ang ugali niya sa normal na araw ay iisipin kong palagi siyang naka-energy drink sa dami ng energy sa katawan.

Hyper.

"So?" Nilingon ko siya at pinanliitan ng mata. "I don't care if he'll get jealous or what..."

"Weh?" he gave me a taunting face. Nasa punto na akong lamutakin ang mukha niya para manahik.

"Ikaw nagpapahamak sa akin kanina, e," reklamo ko.

"What? Hala, si Trev nga!" Sumimangot ako at siniko siya.

"E bakit mo sinabi kay Zid na— " We stopped when we saw Dash standing on the doorway. Matiim itong nakatingin sa aming dalawa ni Zeijan.

Dagli akong nag-iwas ng tingin nang makita si Rheallyn sa tabi nito at lumingon kay Zeijan.

"Bitiwan mo 'ko," bulong ko.

"Ayoko..." he grinned. Diretsong naglakad kaming dalawa kahit pilit kong tinatanggal ang akbay niya sa akin at nagulat na lang ako nang tumigil kami bigla sa paglalakad.

I saw Dash standing in front of us. My heart leaped.

"Tabi..." he said coldly, eyeing his brother intently, almost clenching his jaw.

"Huh? Daan ka na lang sa gilid, maraming daan o..." ani Zeijan.

"I want here. Now, move," mariing sabi nito. Pinilit ko namang makaalis kay Zeijan at nang mahiwalay nang kaunti ay dumaan si Dash sa gitna namin.

My forehead creased when I saw him bump his shoulder as he was passing by. Zeijan cursed and I saw a glimpse of a successful smile on his face when he passed through us.

Inayos ko ang bulaklak na bigay ni Johann pagkapasok ko ng kwarto. I put it in a vase at nilagay sa may dresser.

Nag-shower ako at nagpalit ng damit bago humilata sa kama. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa lahat ng nangyari ngayong araw.

Just a few more days, Reah, aalis ka na r'yan...

Hindi ako makatulog kinagabihan. Nanatili akong tulala roon sa kisame, I started counting sheeps, imagining stars and all but still, I couldn't sleep.

I groaned out of frustration. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at umiling bago nagdesisyong lumabas ng kwarto.

I was fixing my hair in a bun as I walked outside. Hanggang sa ngayon, hindi ko alam ang gagawin. Maybe I'll go to the garden?

I stopped when I saw a familiar figure walking towards my direction. Kaagad kong naibaba ang kamay ko nang masalubong si Dash doon na mukhang nagulat nang makita ako.

I saw his tired eyes, nakita ko ang pagkabahala roon na halos nagsusumamo na rin habang nakatingin sa akin. Hindi ako nagbitiw ng tingin, malamig at blankong tingin din ang ipinukol ko sa kanya bago tumikhim at nagdesisyong dumiretso ng lakad.

I passed through him, nakita ko ang pag-awang ng labi niya at hindi na ako nagulat nang tawagin niya ako pagkalagpas ko.

"R-Reah..."

Narinig ko siya pero hindi ako lumingon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"R-Reah..." tawag niya ulit. Hindi ko muli siyang pinansin at nagtuloy lang paalis sa hallway na iyon pero napasinghap ako nang mamatay ang ilaw sa buong bahay.

Darkness filled the hallway. I panicked. Napigil ko ang hininga ko at in-adjust ang tingin ko sa paligid at pilit na humagilap ng liwanag.

"Shit!" Napaayos ako ng tayo nang marinig ang boses ni Dash. "F-fuck..."

Lumingon ako sa likod pero pulos kadiliman lang ang nakikita ko. Nakarinig ako ng pagbagsak kaya nangunot ang noo ko.

"R-Reah..." Dash's faint voice was what I've heard. "P-please, R-Reah..." his voice was shaking.

He's afraid of darkness! Nakagat ko ang labi sa naalala.

"W-where are you?" tanong ko nang matantong wala nang kwenta ang pag-iwas ko ngayong dumilim.

"I...I don't know. I-I'm here," huminga siya nang malalim.

Naglakad ako at kumapa sa dilim para hanapin siya.

"R-Reah, don't leave me," mahinang sabi nito, halos magmakaawa.

My throat tightened, remembering how afraid he was everytime it's dark when in his room before.

"Wait, I'll come to you," sagot ko naman. Nahawakan ko ang pader kaya kumapa ako roon.

"Nasaan ka?"

"I-I don't know..." he answered faintly. I walked again at nang may masanggi ang paa ko ay umayos ako.

"Dash?" Mabilis akong naupo at naramdaman kong nakaupo siya sa lapag.

"R-Reah?" he whispered.

"Oo, ako 'to," my breath hitched when he suddenly pulled me for a hug. Napaluhod ako at sumubsob siya sa balikat ko habang nakaupo roon na tila nawawalang bata.

"I-I'm scared, ayoko sa dilim..." nanghihina niyang sabi.

I closed my eyes tightly.

His trauma.

"Sshh," I calmed him. Umayos ako ng upo pero nanatili lang siyang nakayakap sa akin.

"H-h'wag mo ko iwan," his voice broke, his body trembling. "I'm scared, Reah, please." Napabuntonghininga ako at hinaplos ang likod niya.

"Liliwanag din 'yan." I assured. "Maybe they're checking the generator now."

Hindi naman siya umimik pero nanginginig siya. Nanatili siyang nakayakap sa akin. Halos limang minuto kaming walang imik at sinamahan ko lang siya roon sa lapag.

Bakit ba nawalan ng ilaw? And probably, even Tito and Tita is panicking!

His breathing's labored, naramdaman ko ang pagtama ng hangin mula sa kanyang paghinga sa tainga ko at mas humigpit ang yakap sa akin. Nang gumalaw ako saglit ay tila takot na mas binalot niya ako sa kanyang braso at mahinang bumulong.

"S-sorry..." bulong niya. "Please, don't leave..."

Dama ko ang takot sa kanya and I won't be shocked he's traumatized by it. He was jailed in darkness for months!

Suddenly, the lights came back, kaagad kong naipikit ang mata sa pag-atake ng liwanag sa mata ko. I closed my eyes and slightly pushed him away from me to get a personal space.

Nakita ko ang pagkabigo sa mata niya sa ginawa ko pero hindi siya nagsabi ng kung ano.

"S-salamat..." mahinang sabi niya at binitawan ako. He sat on the floor like a lost boy. Nakatungo siya at nakatulala sa lapag.

Nahabag ako at nanakit ang puso.

"I-I'll take you to your room," mahinang sabi ko sa kanya at nag-angat siya ng tingin. I was stunned to see drops of tears on his face.

"S-sorry..." mahinang sabi niya at pinunasan ang luha niya.

Tumayo siya at nanatiling nakatungo. He was just standing there kaya inabot ko ang kamay niya at marahang hinila siya papuntang kwarto niya. He stayed still pero naramdaman ko ang paghawak niya nang mahigpit sa kamay ko.

I walked him to his room at kaagad kong binuksan ang ilaw nang makapasok kami.

"S-salamat," he whispered. I nodded, avoiding eye contact.

"Sige, labas na ako," tumalikod ako para umalis nang pigilan niya ang kamay ko.

"R-Reah..."

Napalingon ako sa kanya na nakatayo na at hawak ang palapulsuhan ako. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at may kung anong kumurot sa puso ko ng makita ang relo na binigay ko na suot niya.

Gusto kong matawa at maiyak. Naninigas ang katawan ko at nanuyo ang lalamunan ko.

All the words last night came back in an instant. Pakiramdam ko ay nadudurog na naman ang puso ko.

Para saan, Dash? Bakit sinuot mo? Anong gusto mong iparating?

"A-are you and Trevor dating?" mahinang sabi niya.

Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang mga mata niya. His eyes were sad and gloomy as if they were begging. I stared back to his eyes coldly. Ni nawala ang pagbilis ng puso ko at napuno ng sakit.

"My personal life is none of your business, Mr. Sandejas." I answered him formally.

His mouth parted, I saw a glint of sadness in his eyes as he was staring at me.

"R-Reah, about—" nag-aalangan niyang sabi na kaagad kong pinutol.

"I have to go." Tinanggal ko ang kamay niya at tumalikod.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 115K 37
Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you." Leona Harriet Abelló and Ejercito...
8.5M 279K 37
Watty's 2018: The Contemporaries Winner! Sandejas Siblings Fourth Installment: Z I D N E Y "Those who won't dare to touch the thorns should never...
5.9K 1.5K 55
COMPLETED Erin Cloris Romero, a simple girl with a simple dream-to be halcyon singer, to have her own band. Rustin Hernan Rigor, a humorous guy who l...