MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FIN...

By sassyabhie05

1.2M 13.1K 2.3K

Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when s... More

Chapter ONE
Chapter TWO
chapter 3 ...
chapter 4...
chapter 5...
chapter 6...
chapter 7...
chapter 8 ...
chapter 9...
chapter 10...
chapter 11...
chapter 12...[happy motmot marry(mwihtm)]
chapter 13...
chapter 14...
chapter 15...
chapter 16...
chapter 17...
chapter 18 [HAPPY 2nd MOTMOT MARRY (MWIHTM)]
chapter 19...
chapter 20...
chapter 21...
chapter 22...
chapter 23 [PART 1] ....
chapter 23[PART 2]...
chapter 24...
[PART2] chapter 25...
chapter 26...
chapter 27...
chapter 28...
chapter 29 [part 1]
chapter 29[part 2]
chapter 30 [part 1]...
chapter 30[part 2]...
chapter 31...
chapter 32...
Chapter 33...
chapter 34...
Chapter 35...
chapter 36 [PART 1] ...
chapter 36 [PART 2] ...
chapter 37...
chapter 38...
chapter 39...
chapter 40...
chapter 41...
chapter 42...
chapter 43...
chapter 44...
EPILOGUE...

chapter 45... [LAST CHAPTER BUT NOT YET THE ENDING]

25.2K 304 69
By sassyabhie05

dahil alam kong magiging busy ako ngayong araw (dahil 12:20 am na), ayan, pinost ko na po ang last chapter ^O^

ayiiie... pinilit ko siyang matapos para ang poproblemahin ko na lang na tapusin ay ang EPILOGUE... nyahahahaha

pero, guys, please do still VOTE.LIKE.POST COMMENTS on CHAPTER 44 hah ^____________^ nyahahaha, para naman sulit ang maagang pagpost ng LAST CHAPTER nitong MWIHTM...

ayiie.. salamat...

dedicated sa kanya dahil isa avid reader din sya ng MWIHTM XDD ahehehe, thanks sa support :*

basa-basa din ^O^

-sassyabhie05

*********************************************************************************************************

LAST CHAPTER ^O^

 

JULY 17, 2012

 

MANIEGO MANSION...

 

HAPPY 18TH BIRTHDAY EUNICE PENELOPHY MANIEGO !!

 

EUPHY’S POV...

 

“HAPPY BIRTHDAY EUPHY!!!”  sabay-sabay na bati sakin nina Marcos, Jenina, Faye, Allen, Karina, Miko, Sharmie and Ryu... lumapit sila sa akin para mag-group hug...

Napapangiti na lang ako... ewan ko ba, Masaya naman ako, oo, pero bakit ganito... hindi padin buo ang kaligayahan ko... MAY KULANG PADIN... may hinahanap-hanap padin ako...

 

“maraming maraming salamat sa inyo, pero mas maganda sana kung pinapahinga niyo ako... ano ba, ang higpit niyong mangyakap, hindi na ako makahinga...” reklamo ko sa kanila, nihug kasi nila akong lahat, para akong palamang pintpit >.<

Pero OK lang, nagpapatawa lang naman ako ee, ayoko kasi ngayon ng masyadong madrama, kahit hindi naman talaga kadramahan tong ginagawa namin, alam niyo naman ako, may pagkaiyakin, ayokong umiyak ngayong araw... utang na loob naman, last birthday ko halos matuyot ang buong katawan ko kakaiyak =_______=

Humiwalay na sila ng pagkakayakap sa akin...

“ang arte nitong si Bhestie *pout*” – Faye

“ganyan nga yang si Euphemia... tsk, tsk, bawal na tayong yumakap dyan si Andrei lang kasi--- djabsdjhsgdchjsdgfchdgchdsgcgdfhgd” saad ni Karina, biglang tinakpan ni Faye at Jenina yung bibig niya...

“wag mo na lang intindihin itong si Karina, bhestie... loka-loka lang to, alam mo naman, masyadong nahihibang kay Miko...” *fake laughs* sabi naman ni bhestie habang tinatakpan padin ang bibig ni Karina, mayamaya pinandilatan niya ng mata si Karina ng nagrereklamo na to sa nakatakip na bibig niya...

Napapailing na lang ako, malakas na talaga ang tama sa utak nitong mga kaibigan ko.. pero... naaappreciate ko din yung ginagawa nila, ayaw lang naman nila akong malungkot... haaaaaay... ilang buwan pa lang naman akong naghihintay, kaya ko pa naman, yung iba nga ilang taon ang tiniis sa paghihintay makasama lang ang mahal nila... ako din syempre, kaya ko yun no ^O^

“para sayo Eunice...” napatingin ako kay Ryu... iniaabot niya sa akin yung isang maliit na box, kunot noo ko namang tinanggap yung regalo niya... “buksan mo na kung nahihiwagaan ka na talaga...” nakangiting pagpapatuloy niya...

Tumingin naman ako kay Sharmie, tumango siya sa akin, tapos nginitian naman ako, yung iba ko pang kaibigan, nakamasid lang sa akin, at tahimik na nakikiramdam...

Unti-unti kong binuksan yung maliit na box... ewan ko pero, nahihinuha kong... singsing ang laman nito, box pa lang ee... halata na...

“I knew it...” bulalas ko ng mabuksan ang maliit na kahon, yeah~ it’s a ring... actually, it’s an... “engagement ring ba ito?” kunot noong tanong ko sa kanya...

Ngumiti siya sa akin, tapos umakbay kay Sharmie, “yeah! Nagulat nga ako na nasa akin padin yan, actually, binili ko yan bago mangyari ang lahat ng nangyari dati... iyan bali ang ibibigay ko sayo kapag ieengage na tayo, kaya nga lang, may nangyaring hindi natin inaasahan, kaya ayan... ngayon lang iyan nabigay sayo... naisip ko lang na ibigay, atleast, may remembrance tayo... it’s not the pain that i want you to remember, it’s actually symbolizes our relationship... what we had before, and what we have right now... it doesn’t mean anything, just a pure friendship... may consent yan ng butihin kong nobya...” natatawa pang dagdag niya...

*rolled eyes* “what a term, ‘BUTIHING NOBYA’, ganun ba talaga kapag inlababo masyado?? Nagiging makata?? Hahahahahaha...” I joked... but no one laughed... yeah, yeah, yeah.. thanks for the moral support FRIENDS (>_______<)!!

“makapagsalita naman tong si Euphemia, kala mo hindi pa naiinlove sa talambuhay niya...” pang-aasar na naman sa akin ni Karina...

“bakit ang KJ niyo??” sabi ko tapos nag-walk out na.. kainis... mga pampam mga yun >.<

“HOY! EUPHY JOKE LANG!!” hiyaw nila.. si Marcos naman, hinawakan ako sa braso tapos hinatak papunta sa kanila >.< barumbadong bata to... nagddrama na ako ee.. tsk

“ibibigay pa namin mga regalo namin sayo...” sabi naman ni Allen...

“may nalalaman ka pa kasing walk out Euphy, hindi naman yan uubra sa amin...” si Miko namang ngiting ngiti ang nagsalita, nung sinamaan ko tingin ko sa kanya, bigla siyang nag-peace sign >_________<

“ang aatat hah?? Bawal buksan mamaya sa harap ng mga bisita?? Hoy! Hoy! Hoy!! Baka undies yang mga regalo niyo hah, uupakan ko kayo, marami pa akong supply sa bahay >3<” nakapamaywang na sabi ko sa kanila...

“ay! Bakit nahulaan mo agad?? Anubeeey? Wala ng thrill to.. tsk.tsk...” naiiling na sabat ni Allen... maka-anubeey naman si Allen, parang bading.. hahaha, nahahawa na ata to sa mga kaibigan naming baliw.. lalo na sa jowa niyang bakla (si bhestie) XDDD

I glared at them, “It’s the thought that counts naman db Euphy??” natatawang singit ni Sharmz...

“thought that counts, thought that counts pa kayong nalalaman, sige nga, spell niyo >.<”

 

“ang mahalaga naman db ee yung presensya naming lahat...” singit ni Ryu...

Nagtawanan na ang mga kaibigan kong baliw... =_______= adeek na talaga sila, kailangan ng iparehab, masyado ng malala...

“aa, Ms. Euphy, excuse me po... may naghahanap po sa inyo sa labas...” nabaling ang attention naming lahat kay Secretary Jung, yung sekretarya ni Papa...

“sino daw?” kunot noong tanong ko sa kanya...

“bakit ayaw mo na lang papuntahin dito Secretary Jung?? VIP ba yan?? Tss...” ungot ni Karina...

“si Ms.Gomez po Miss... ayaw niya pong pumunta dito ee, saglit lang din naman daw po siya...”

 

“a-ah... si....sige, susunod na lang ako...” sabi ko na lang tapos pinauna ko na si Secretary Jung, nakita kong nakatingin sa akin si Ryu, Sharmie, Marcos,Jenina, Miko at Allen, concern sila, yeah, kilala kasi nila si Ms.Gomez, none other than, SABINA LUCILLE GOMEZ, yung iba naman, they look confused.

“I’ll open your gifts later guys, I’ll be back...” ngumiti ako para iparating sa kanila na ok lang ako...

“samahan na kita??” sabay-sabay na sabi nina Marcos, Miko, Ryu, Allen, Jenina at Sharmie...

“sino ba talaga si Ms.Gomez??” naguguluhan ng tanong ni Karina...

“oo nga, bakit ganyan mga reaction niyo? Killer ba si Ms.Gomez??” kunot noong tanong ni Faye.

Napatahimik silang lahat, “ah... No, OA lang talaga magreact yang mga yan, ano ba kayo? I’ll be fne, don’t worry...” with a smile, I started to go... kinakabahan ako, bakit siya nandito? Ano na namang kailangan niya sa akin?? Bakit na naman kaya?? At saka.... kasama niya kaya si Andrei?? Asan si Andrei??

 

Nakita ko siya, nasa may kotse siya, nakatalikod siya sa may gate namin, yakap niya ang sarili niya... nagpatuloy ako sa paglakad hanggang makarating ako sa tabi niya, tumingin siya sa akin, then she flashed a smile...

“ba...bakit??may problema ba.. kayo??” kinakabahan talaga ako, may nangyari na naman ba?? Bakit hindi niya yata kasama si Andrei, at bakit nandito siya sa Pilipinas?

Hinawakan niya yung kamay ko tapos pinaharap ako sa kanya...

“Euphy, maraming maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin, pasensya ka na kung naging selfish ako, alam kong mali yung ginawa ko sayo dati, alam kong naging brat ako ng mga panahong iyon... sorry Euphy, I know, nasaktan kita, higit sa lahat, nasaktan ko din siya...  nagsisisi ako sa ginawa ko sa inyo noon, sana mapatawad mo ako... at sana, hindi pa huli ang lahat, sana hindi pa huli ang lahat para mapatawad mo ako Euphy...” this time, umiiyak na siya... ewan ko, pero, wala akong nakakapang galit sa puso ko para sa kanya, sa katunayan, hindi naman ako nagalit sa kanya simula pa lang, dahil naiintindihan ko siya, naiintindihan ko kung anong pinagdadaanan niya, nagmahal lang din naman siya, kagaya ko din siyang mahal na mahal si Drei...

 

Niyakap ko siya, gumanti naman siya ng yakap sa akin... “Ssssh... Ok lang ako ano ka ba?? Dahil nga sa nangyari, mas lalo kong napatunayan sa sarili ko kung gaano ko siya kamahal, ngayon ko napatunayan kung gaano ko siya kailangan... sa mga panahong wala siya, mas tumibay ako, mas minahal ko siya, at nasabi ko sa sarili ko na siya na talaga, siya na ang lalaking gusto kong makasama... maraming salamat din Lucille, naging bahagi ka ng napakalaking pagsubok na ito sa aming dalawa, just look in the brighter side Lucille, atleast you’re sorry to what you did to us, that’s the most important thing... I’m so happy for you Lucille, sana nakamove on ka na din...” pang-aalo ko sa kanya, napapangiti na lang ako, pero, hindi ko maiwasang maiyak... ibig bang sabihin nito... Malaya na kaming dalawa ni Andrei?? Na magiging ok na ang lahat para sa aming dalawa??

Kumalas siya sa pagkakayakap ko, hawak padin ang dalawang kamay ko, pinakatitigan niya ako sa mga mata ko... “I’ve moved on, I let him go... and I found the meaning of true love and true happiness because of what i did... that’s why I admire you, and because I know how much you love him, I said to myself, I can’t win this battle, You love him so much and he Loves you more than you do, I can’t force him to love me again and I have no rights to make you stop from loving him... salamat sa nabasa kong libro, natauhan ako... salamat din sayo, nagawa ko ang bagay na dapat noon ko pa ginawa, ang pakawalan siya at hayaan siyang sumaya... ikaw ang naging inspirasyon ko sa pagpapakatatag, sa ginawa mong pagsasakripisyo para sa akin, naisip ko na ganoon pala magmahal, ganoon pala dapat, naisip ko din na kung kaya mo, kaya ko din... kung nagawa mong  mag’let go, kaya ko din... isa pa, para naman ito sa kaligayahan niya... sabi nga nila, ang tunay na pagmamahal daw ay yung Makita mo lang siyang Masaya... Masaya ka na din para sa kanya kahit pa hindi ikaw ang dahilan ng pagngiti niya... maging Masaya lang si Andrei, handa na akong masaktan ulit.... Euphy, alagaan mo siyang mabuti, he’s a great man, at hindi ka na makakatagpo ng lalaking kagaya niya... naka-move on na ako at naka-let go, pero once na pabayaan mo siya, handa padin akong tanggapin siya...” tapos ngumiti siya sa akin kahit pa may nagpapatakang luha mula sa mga mata niya...

Pinunasan ko ang mga luha niya... “wag kang mag-alalala, mamahalin ko pa siya, mas mamahalin ko siya, ipapakita ko sayo na tama ang naging desisyon mo, hindi ko siya papabayaan, at mamahalin ko siya habambuhay... sa mga sinabi mo Lucille, pakiramdam ko, ito na ang pinakamasayang birthday ko, ito na ang pinakamagandang regaling natanggap ko, maraming salamat... can we still be friends right??”

“oo naman.... at sinasabi ko sayo, ngayon palang, hindi ito ang pinakamagandang regaling matatanggap mo... pero, ito ang tiyak na pinakamasayang birthday mo.... congrats Euphy, I wish you all the best, be happy...” then niyakap niya ulit ako, pagkatapos noon, sumakay na sya sa kotse niya...

Tinanaw ko nlang ang kotseng sinasakyan ni Lucille... hindi padin ako makapaniwala sa lahat ng naganap, bukod sa Ok na kami ni Lucille, magiging Ok na din kami ni Drei...

Pero, bakit ganun?? Alam naman ni Drei na birthday ko, bakit ni Anino niya, hindi ko Makita sa birthday party ko??

Hindi kaya.... hindi na niya ako mahal?? May iba na siyang nakilala??

 

May mahal na siyang iba??

 

Isipin ko pa lang, pakiramdam ko hindi ko na kaya, naiiyak na agad ako...

*

“hoy Euphemia, aminin mo nga! Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo nung Ms.Gomez na iyon at nagkakaganyan ka?? Tantanan mo na nga iyang paglalasing mo, sakit lang yan sa ulo ee...” tapos biglang inagaw sa akin ni Karina yung basong hawak ko...

Nandito kasi ako sa may bar stool, ewan ko ba, knowing na hanggang ngayon, wala padin si Drei dito, pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay sa sakit, pinalaya na siya ni Lucille, ok na ang lahat para sa amin ngayon, pero bakit ganun, bakit wala padin siya? Ayaw niya na ba sa akin?? Naisip niya bang hindi na niya ako mahal?? Hindi na ako yung babaeng gusto nyang makasama?? GHAD, ansakit lang bakit ganito?? Akala ko naman sasaya na ako, akala ko naman ok na ako... pero HINDI PALA... akala ko hindi na ako iiyak ng ganito, akala ko magiging Masaya na ako sa espesyal na araw na ito, pero... LAHAT PALA, PURO MALING AKALA, wala padin si Drei, wala na ata talaga siyang balak bumalik...

“hayaan niyo na lang ako dito Karina, Faye at Jenina, dalhin niyo na nga itong magaling kong pinsan sa kanyang prince charming, enjoy the party guys, I’m fine being here all alone, don’t worry, everything’s going to be fine... I guess..” *fake smile* tapos tinungga ko ulit yung alak na nakalagay sa baso ko, nag-alpasan na ang mga luha ko, nag-alpasan na sila, pasaway talaga kahit kailan, lagi na lang akong tnatraydor ng mga luha kong ito...

“pero Euphy hin--” -- Faye

 

“hayaan na muna natin siya Karina, Faye... Euphy, doon lang kami sa table natin kanina hah, if you want or need something, don’t hesitate to ask... just call us ok??” sabi ni Jenina tapos hinila na si Karina at Faye...

Praning na kung praning, masisisi niyo ba ako?? Sabi niya.. kapag ok na daw sila ni Lucille, kapag ok na daw yung tungkol sa issue ni Lucille, babalikan niya agad ako, pupuntahan nya agad ako... nasaan siya?? Nasaan siya ngayon... balita ko, matagal na sa Pilipinas si Lucille, almost two weeks?? Pero, si Andrei, dapat nandito na din siya, dapat nandito na sya, dapat kasama ko na siya... kung totoo ngang babalikan niya ako... kung mahal pa talaga niya ako... babalik siya.... kung ako padin talaga ang tanong MAHAL NIYA...

 

Pinunasan ko ulit ang mga pasaway kong luha... argh ! bakit ba napaka kulit ng mga luha kong to? Sinabi na ngang ayokong umiyak ngayong birthday ko ee, tapos, ganito pa, ganito pa, bubuhos na naman sila ng walang humpay?? Tulad na lang nung birthday ko last year... GHAD, pagod na ako >.<

Tumigil bigla yung music, tapos namatay ang mga ilaw, ang tanging natira lamang ay ang mga ‘Christmas lights’ na nakalagay sa mga halaman, ang bar stool ay katapat ng stage, sa harap naman ng stage ang dance floor, then sa gilid yung mga tables, meron din dito malapit sa pool, malaki kasi ang garden namin kaya naisip kong dito nlang ganapin yung birthday ko...

Lumabas bigla ang HANDHEARTS... na naging dahilan ng pagtitilian ng crowd... grabe, ang lakas talaga ng impact ng HANDHEARTS sa mga schoolmate ko >______< para silang si Karina, well, sino ba naman kasi akong makakaresist sa charm nila db?? Ako lang ata?? Kasi... may gusto akong iba... haaaay... eto na naman ako, nakakaasar lang, hindi mawala wala tong lungkot na nararamdaman ko... I wonder when am I gonna be happy?? TT3TT

Haaaaaaaaay... tumayo na ako sa kinauupuan ko, nangbiglang magsalita si Calvin, yung lead vocalist ng HANDHEARTS...

“Good Evening guys, Happy Birthday Euphy..” tapos, tinaas niya yung kamay niya at ikinaway sa akin, nakatingin siya sa akin ngayon, ngumiti na lamang ako sa kanya at dun sa ibang members ng HANDHEARTS, nakakainggit mga yan, para silang mga kaibigan ko, masasaya ang lovelife, kasama nila yung mga mahal nila... samantalang ako, haaaay... heto, hinihintay ang taong ewan ko kung may balak pang bumalik...

 

“so, this song is dedicated to our birthday celebrant, Eunice Penelophy Maniego... once again, happy birthday...” tapos nagsimula na silang tumugtog... tumalikod na ako para pumunta sa may veranda, doon ko na lamang sila papanuorin, gusto ko din kasi makalasap ng hangin, at gusto ko munang lumayo sa crowd...

Hahakbang n asana ako, nang marinig ko ang kanta... MARRY ME NG TRAIN...

Hindi iyong kanta ang nakapagpatigil sa akin... kundi... iyong boses ng kumakanta...

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko... ang bilis bilis ng tibok ng puso ko...

Hindi ko alam kung ano bang word ang dapat kong sabihin para maexplain tong nararamdaman ko ngayon...

Pero... isa lang ang alam ko...

Mahal ko tong taong to...

 

lalong nagtilian ang mga tao, nakikita ko ang mga reaction nung ibang tao na nasa malapit ko lang, they look happy, yung iba, halatang kinikilig... nagtitilian sila...

*

Forever can never be long enough for me 
Feel like I've had long enough with you 
Forget the world now we won't let them see 
But there's one thing left to do 

*

unti-unti kong pinikit ang mata ko, tumungo ako... nagsunod-sunod sa pagpatak ang mga luha ko... ang tanga ko para isiping hindi na niya ako mahal... parang hindi ko sya kilala, alam ko naman kung paano siya magmahal ee, alam ko naman kung gaano niya ako kamahal... maybe, I’m just too scared... takot akong malaman na magmamahal siya ng iba bukod sa akin...

*

Now that the weight has lifted 
Love has surely shifted my way 
Marry Me 
Today and every day 

*

Nararamdaman ko ang unti-unting paglapit niya, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kinakabahan ako... ewan ko ba, ang tanga ko lang... ano ba itong nangyayari sa akin?? Kanina lang todo iyak ako dahil baka hindi na niya ako balikan, ngayon naman, kinakabahan ako, nanghihina ang tuhod ko dahil andyan lang siya malapit sa akin ngayon...

*

Marry Me 
If I ever get the nerve to say 
Hello in this cafe 
Say you will 
Mm-hmm 
Say you will 
Mm-hmm 

*

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaharap sa kanya.... suddenly, nang makumpirma ko na siya talaga ang lalaking mahal ko, parang sumabog sa buong katawan ko yung sayang nararamdaman ko... napapayaiyak ako sa sobrang saya... finally... andito na siya...

 

*

Together can never be close enough for me 
Feel like I am close enough to you 
You wear white and I'll wear out the words I love 
And you're beautiful 
Now that the wait is over 
And love and has finally shown her my way 

*

Hindi ko napigilan ang sarili ko... niyakap ko na siya, sobrang hikpit, yung tipong ayaw ko na talaga siyang pakawalan... sobrang namiss ko siya... sobra-sobra...

*

Marry me 
Today and every day 
Marry me 
If I ever get the nerve to say hello in this cafe 
Say you will 
Mm-hmm 
Say you will 
Mm-hmm 

*

 

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, tapos tinitigan niya ako sa mata habang kumakanta padin... pinunasan niya ang mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa mga mata ko...

*

Promise me 
You'll always be 
Happy by my side 
I promise to 
Sing to you 
When all the music dies 

*

Then bigla siyang lumuhod sa harap ko... lalong nag-ingay ang mga tao sa paligid ko... tumitig ako sa kanya, then ipinagpatuloy niya ang kinakanta niya...

*

And marry me 
Today and everyday 
Marry me 
If I ever get the nerve to say hello in this cafe 
Say you will 
Mm-hmm 
Say you will 
Marry me...

*

 

Tapos bigla niyang inilabas yung maliit na box mula sa bulsa nya... napatakip ako ng bibig ko... totoo ba ito?? Ghad! Don’t wake me up if this is just a dream...

“EUNICE PENELOPHY MANIEGO, alam kong marami akong naging kasalanan sayo... sorry... sorry dahil pinaghintay kita ng matagal, sorry dahil hindi agad ako nagpakita sayo... sorry Euphy... sorry Mahal kong Eunice Penelophy... pwede na bang ipang bayad ang pangalan ko sa lahat ng kasalanan ko?? Pwede bang puso at buong buhay ko na lang ang maging kapalit ng kapatawaran mo?? Pwede bang itong katawan at maganda kong mukha na lang ang ialay ko sayo??” napapatawa nlang ako sa mga pinagsasabi niya, mahangin padin siya hanggang ngayon, siya ang hari ng kayabangan... pero kahit ganun, mahal na mahal ko padin tong taong to... mahal na mahal ko siya higit pa sa kahit anong bagay dito sa mundo... “EUPHY, will you be my life time partner??? Will you be my other half?? Will you be my one and only?? Please... MARRY ME...” pagpatuloy niya, agad akong lumevel sa kanya at niyakap siya... “please, SAY YOU WILL...” napakasaya ko.. ito na ata yung sinasabi sa akin kanina ni Lucille... ito daw ang magiging pinakamagandang regalo na matatanggap ko... tama siya, ito nga ang pinakamaganda, to ang pinakamasaya... at ito... ito ang pinakapinapangarap ko...

“YES! I WILL MARRY YOU ANDREI LOUIE TOLEDO!” nakangiting sagot ko sa kanya.. nagpalakpakan ang lahat ng tao sa venue...

“KAPITAN WE MISSED YOU!” narinig kong sigaw ni Marcos, napatingin ako sa gawi nila... nakaakbay si Marcos kay Jenina habang nakangiti sa amin, si Karina at Miko naman, magkahawak ang mga kamay, tapos nag-thumbs up sakin, si Sharmie naman at Ryu, nakangiti lang, halata sa kanila na Masaya at panatag na sila para sa amin... si Bhestie naman at Allen, itinaas pa ang kanilang kamay para ipakita yung engagement ring... “parehas na tayo Bhestie..” sigaw ni Faye...

Humarap sa akin si Drei, dahan-dahan niyang isinuot sa akin yung singsing...

“I LOVE YOU EUPHY...” nakangiting sabi niya ng maisuot na ang singsing sa daliri ko...

“I LOVE YOU MORE DREI...” nakangiti ring tugon ko sa kanya...

“I LOVE YOU MOST...” tapos unti-unting bumaba ang mukha niya, napapikit na lang ako... hanggang sa naglapat ang labi naming dalawa...

Ito ang pinakamasayang birthday ko... sa wakas, natuloy din yung dapat na nangyari sa amin ni Andrei noong isang taon.. noong kaarawan ko din...

Hindi din ako pinapabayaan... ayaw nila akong mainggit sa mga friends ko... nahuli lang pala talaga yung PRINCE CHARMING ko, kaya ayan... NAHULI DIN ANG LOVE STORY ko...

Hindi naman ako nagrereklamo, ahehehehe... ang saya-saya ko nga ee, dahil kahit papaano... LOVE DIN PALA AKO NI TADHANA... may iba pala siyang nakaplano para sa akin... may iba palang nakaplano para sa aming dalawa ni ANDREI...

Naghiwalay ang aming mga labi, pareho naming habol ang aming mga hininga...

“thank you for making my day wonderful... thank you for making me happy... thank you Andrei... thank you so much... I love you Drei...”

 

“you’re welcome, you’re welcome, you’re welcome and you’re welcome... para sayo, kahit ano gagawin ko, para sa taong pinakamahal ko, lahat kakayanin kong gawin, sumaya ka lang... I love you so so much...” tapos hinalikan niya ang noo ko...

“GOOD EVENING PEOPLE, ayan, kamusta naman ating nasaksihang eksena?? Hahahaha... Euphemia cousin, I told you, darating din ang inaasam mong masayang love story... hahahaha, congratulation Drei, Congratulation Euphy... let’s give them a toast people.... CHEERS!” tapos, sabay-sabay silang nagtoast...

Humarap kaming dalawa sa mga kaibigan namin...

At buong pagmamalaki kong ipinakita sa kanila ang engagement ring ko...

Inakbayan ako ni Andrei... “Mrs.Toledo... unahin na kaya natin ang honeymoon?? Ano sa tingin mo??” may pilyong ngiti ang nakapaskil sa mga labi niya...

“honeymoon’nin mo mukha mo...” tapos tinampal ko ang noo niya.. eto talagang si Andrei... kahit kailan, maloko =________=

“hindi pa mandin tayo mag-asawa, ginaganyan mo na ako... tss, nakakatampo ka...” *pout* natatawa na lang ako sa itsura niya, mukha siyang batang hindi binigyan ng candy... hahahahah

Pinisil ko ang tungki ng ilong niya... “ang cute mo talaga...” tapos niKiss ko siya, pero saglit lang... XDD

“gwapo ako, hindi ako cute... hahahaha” sabi niya pa habang ginugulo buhok ko...

“oo na, hindi naman ako napatol sa pangit ee...” natatawang sagot ko...

“MRS.TOLEDO, iwan na natin sila... inaantok na talaga ako ee... dali na...” tapos, tinutusok tusok niya tagiliran ko, para siyang bata...

“HOY! MR.TOLEDO, yang kaberdehan mo, itigil tigil mo yan,..”

 

“hoy, grabe ka Mrs.Toledo, ikaw ata berde dyan ee, para matutulog lang, may kaberdehan na kaagad??”

 

“whatever you say Mr.Toledo...”

 

“tara na nga... palusot ka pa, ee namumula ka  na nga dyan... hahaha” tapos, pumasok na kami sa bahay...

Hindi ko ineexpect na mangyayari ang ganitong bagay ngayong araw na ito...

Ang maengaged sa lalaking mahal na mahal ko...

Ang marinig mula sa kanya kung gaano niya ako kamahal...

At ngayon... ang matulog kasama niya...

Para akong nanalo sa lotto...

Ngayon alam ko na, totoo nga yung sinasabi nila...

“Every people have their on happy ending... if it’s not happy, then, it’s not yet the ending...”

Sa lahat ng naging karanasan ko, andami kong natutunan tungkol sa pagmamahal...

Kaakibat ng “SAYA” ang salitang “LUNGKOT”, “TUWA” at “SAKIT”, “TAWA” at “IYAK”...

Kung may positive, laging my negative... sa pagmamahal, balance ang lahat, nasa inyo na lang iyon kung paano niyo ihahandle ang bawat sitwasyon...

Para sa aming dalawa ni Andrei...

 

Mas pinili naming magpakatatag at mas mahalin ang bawat isa sa kabila ng mga pagsubok na patuloy na humahadlang sa aming dalawa...

 

Sabi nga nila... “when two people are really inlove with each other, they won’t ever let go even if it hurts a thousand times or more...”

 

Nagbunga ang lahat ng paghihirap naming dalawa, lahat ng sakit na naranasan namin, at lahat ng luhang iniiyak namin... nagbunga silang lahat...

 

Dahil ngayon...

 

AKO... at si ANDREI LOUIE TOLEDO.... ay nangangakong MAMAHALIN at HINDI IIWAN ANG BAWAT ISA HABANG KAMI AY NABUBUHAY...

 

Away bati man minsan....

.

.

.

.

.

.

.

.

FOREVER DREINICE PADIN ANG KAHAHANTUNGAN ^_____________________^

 

*****************************************************************************************

 

AUTHOR’S NOTE...

 

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAH !! TEKA NAMAN, NATUTUWA AKO ^o^

 

ETO NA YUNG LAST CHAPTER OH! AYIIE... NYAHAHAHAHA

 

TANAW NA TANAW KO NA TALAGA ANG EPILOGUE... WOOOSHOO~

 

 

AHIHIHIHI...

 

SA LAHAT PO NG SUMUPORTA SA AKING MAN, WHO I HAVE TO MARRY... MARAMING MARAMING SALAMAT PO TALAGA...

 

NAGING INSPIRASYON KO PO KAYO PARA SUMULAT NG GANITONG ISTORYA, KAYA KUNG PANGET, ABA KASALANAN NIYO! HAHAHA—DE JOKE LANG ^o^

 

MARAMING MARAMING SALAMAT TALAGA, ANSAYA SA PAKIRAMDAM NUNG TIPONG MAY MATATAPOS KA NG STORY.. NYAHAHAHA

 

AYIIIE... SANA, SUPPORT NIYO PADIN IBA KONG STORY HAH ^o^

 

WOOOH ! GRABEEE ! SAYA TALAGA, HEAVEN !! (naka-drugs ako. Nyahahaha)

 

SO, AYUN, KAWAY SA DREINICE ^_______________^ AYAN, NAPAGBIGYAN KO NA KAYO... NYAHAHAHA, DE JOKE LANG, GANITO NAMAN TALAGA ANG NAKAPLANO DITO... WOHOHOHO... KAYA SA LAHAT NG NAG-ISIP NA TRAGIC TO, WELL, MALI PO KAYO.. HIHIHI,

 

BASTA GUYS, SALAMAT TALAGA.. ^_____________^

 

VOTE.LIKE.POST COMMENT.BECOME A FAN PADIN AT ADD TO LIST PADIN PO ^o^

 

LET’S SPREAD THE DREINICE VIRUS... NYAHAHAHAHA

 

LOVELOTS DEAR READERS, SUPPORTERS, FRIENDS AND FAMILY ^^,

 

 

AYIIIE...

 

EPILOGUE WILL BE POSTED THIS COMING APRIL 19, 2012 (6TH MONTHSARY OF MWIHTM)

 

SALAMAT ULIT.. :*

 

--sassyabhie05

Continue Reading

You'll Also Like

50.8K 2.6K 32
Nang lumabas sa bookstore ang bagong libro ni JB Tomlinson, Sasha, as an aspiring writer, was pretty much devastated upon realizing that the famous w...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
14.8K 176 9
Sa bayan ng laguna ay may isang pinakasikat at pinakamayaman na unibersidad, ang Saint. Velligasly University. Kilala itong paaralan na ito dahil sa...
7.4K 84 5
this is a short story of a two ex lovers who happen to stay in the same roof. ano kayang mangyayari sa tatlong araw na pananatili nila sa iisang bubo...