Chasing Hurricane

By Serialsleeper

11.3M 481K 322K

Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game! More

Prologue
Chapter 1 : PsyChord vs. Hurricane
Chapter 2 : Deadly Mission
Chapter 3 : The Chosen One
Chapter 4 : I loathe you
Chapter 5 : Trouble is a friend
Chapter 6 : The Skeptic and Believer
Chapter 7 : Shut Up Paniki
Chapter 8 : That One-Sided Love
Chapter 9 : Never Grow Up
Chapter 10 : His Girl
Chapter 11 : The Unexpected Help
Chapter 12 : The Sudden Boyfriend
Chapter 13 : Platonic
Chapter 14 : Can you keep a secret?
Chapter 15 : The Reason
Chapter 17 : The Inspiration
Chapter 18 : Moment of Truth
Chapter 19 : What love does
Chapter 20 : When it rains, It Pours.
Chapter 21 : The Statistics of Highschool Relationships
Chapter 22 : Before its too late
Chapter 23 : Platonically Not
Chapter 24 : Falling awkwardly inlove
Chapter 25 : When the past reaches the present
Chapter 26 : Overdosed
Chapter 27 : Tying the loose ends
Chapter 28 : Kicking the Bucket
Chapter 29 : The Snitch
Chapter 30 : Closure
Epilogue

Chapter 16 : Catching Feelings

279K 13.5K 9.8K
By Serialsleeper

Puma's Point of View

Its been a month. Yes one month. 30 days of weirdness. 

Isang buwang wala akong ibang naririnig kay Chord kundi "Babawi ako next time sasamahan ko muna si Hurri" o di kaya "Kay Dilly ka na muna sumabay". Sila nalang parati ang magkasama. Parang balewala na kami ni Dilly sa kanya. Nakakainis! Ni hindi man lang niya nagawang mag-sorry sa pang-iinjan sa akin. Puro si Hurri ganito! Si Hurri ganyan! Holy mamaw! Kakairita! Hindi naman baldado si Hurri, may cast lang siya sa paa!

Cleaners ako sa araw nato kaya nang matapos dali-dali na akong lumabas ng classroom sa pag-aakalang nandun si Chord sa labas at hinihintay ako kaso wala. Si Dilly lamang ang naroon.

"Tara uwi na tayo" aya sa akin ni Dilly.

"Sasabay ba sa atin si Chord o si Hurri na naman ang kasama niya?" Pilitin ko mang ngumiti di ko magawa. Naiinis na ako sa kanila. Maging si Hurri di din sumasabay sa amin.

"Kahit wala si Chord makakauwi parin naman tayo. Hayaan mo na. Malay mo kapag natanggal yung cast sa paa ni Shane, babalik din si Chord sa dati. Baka tinutulungan lang niya si Shane kasi nakokonsensya siya. Kilala ko si Chord" Pahayag ni Dilly kaya nagsimula na lamang kaming maglakad papunta sa cafeteria. Come to think of it, Nakokonsensya lang ba si Chord dahil siya ang dahilan ng injury ni Shane o may feelings nadin siya kay Hurri? Kasi si Hurri may feelings na sa kanya. Holy mamaw! Nakakalito na ang nangyayari!

"Ba't pakiramdam ko di ka masaya" biglang sambit ni Dilly kayat napabuntong-hininga na lamang ako. Gusto ko mang magmaang-maangan di ko magawa kasi hindi ako marunong magtago ng kahit na anong sikreto sa kanya.

"Minsan nalang nating makita o makasama man lang si Chord. Its like we dont even exist anymore. Si Hurri nalang parati ang kasama at priority niya," Mahina kong sinisipa ang bawat batong madaanan namin. "Sa akin lang dapat siya ganyan eh"

"Diba ito naman ang gusto mo? Maging sila ni Shane?"

Napaisip ako sa sinabi ni Dilly. Tama siya. Ito yung ginusto ko. Ang magkaroon ng girlfriend si Chord para wag akong makasal sa kanya. Pero hindi ko naman inakalang balewala na ako sa kanya oras na nagka-girlfriend siya.

"Puma, hindi habang buhay ikaw ang priority ni Chord. May buhay si Chord." Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko nang marinig ko yun mula kay Dilly. Masyado ba akong nasanay kay Chord?

Bigla kong naalala ang sabi noon sa akin ni Chord. Walang forever. Madaming nagbabago habang tumatanda kami. Ito na ba ang pagbabagong sinabi niya? Kung ito nga yon sana wag nalang kaming tumanda.

"Kung hindi dumating si Hurri, close parin kaya natin si Chord?" Hindi ko mapigilang mapatanong. Hindi naman sa ayaw ko kay Hurri, mabait na nga siya ngayon kumpara noon. Ang sa akin lang kasi, magmula nang aminin niyang gusto niya si Chord ay parati na lamang niyang inilalayo si Chord sa amin. Gusto niya parati na silang dalawa lang ang magkasama. Nahahalata ko sa bawat kilos niya. Pati nga sa cafeteria gusto niya parati na dun sila umupo ni Chord sa pangdalawahan lang na table. Si Chord naman hindi umaangal. 

"Puma wag mong sabihing nagseselos ka?"

Natigil ako sa paglalakad. Kung ide-deny ko may magbabago ba sa nararamdaman ko ngayon?

"Kasi ako aaminin ko, Nagseselos ako"

Gulat na gulat ako sa sinabi ni Dilly. Nakangiti siya pero nakikita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya.

"Nagseselos ako dahil unang beses ko palang na makilala si Shane, minahal ko na siya." 

Napaupo na lamang kami nang makarating kami sa waiting shed. Hindi ko alam anong sasabihin para gumaan man lang ang pakiramdam niya kayat isinandal ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya.

"Dont fall inlove Puma. You'll only get hurt." Hindi ako makapaniwalang nanggaling ito mismo kay Dilly. Sanay akong naririnig ang mga ganitong bagay kay Chord.

"Im sorry. This is all my fault" Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko inakalang all this time nasasaktan na pala ang kaibigan ko at kasalanan ko yung lahat. Ako yung nagtutulak kay Chord papunta kay Hurri, di ko inakalang may nararamdaman pala si Dilly para kay Hurri.

"Ano ka ba, wala kang kasalanan. Tadhana ang dapat sisihin dito at ang hinayupak na si Kupido. Kasalanan din to ng Chewing gum ni Cooper " Muling ngumiti si Dilly habang nakaharap sa kawalan.

"Dilly...." Napatingin na lamang ako sa kanya. 

"Wag mo akong kaawaan." Bahagya siyang tumawa. "Alam mo bang kaya nahulog ang loob ko kay Shane dahil buong buhay ko siya lamang ang hindi naawa sa akin. Wala siyang pakialam kahit bulag ako. Dahil sa kanya, kahit papaano naramdaman kong normal ako kahit ilang minuto man lang"

Tuluyan nang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bulag si Dilly mula pagka-bata. Kahit kailan wala akong narinig sa kanyang reklamo o kahit anong galit sa mundo kasi bulag siya. Kinikimkim niya lang pala ang lahat.

"Ikaw Puma, Kung nagseselos ka bakit? Nagseselos ka bilang kaibigan? o bilang babae?"

- - - - - - - -

Hindi maalis sa isip ko ang tanong ni Dilly kahit ilang araw na ang lumipas. Ilaw araw na akong nahihirapang matulog. Nagseselos ako bilang kaibigan pero may ibang pumapasok sa isip ko at hindi ko ito maintindihan.

Nakayuko akong naglalakad papunta sa locker ko nang may muntik akong mabangga kaya humakbang ako patagilid kaso humakbang din siya ng patagilid na para ba akong hinaharangan sa dadaanan. Itinaas ko ang ulo ko at nakita kong si Chord pala. Gaya ng dati andun parin ang ngiting aso niya.

"Out of my way panget" Pabiro kong sambit.

"Awww. Minsan na nga lang tayong nagkakasama nilalait mo na ako" Biro rin niya sa akin kayat tumuloy na ako papunta sa locker ko. Sumunod siya at sumandal sa katabi kong locker. "Di mo ba ako nami-miss?"

Hayop. Gusto ko siyang sapakin at sabihin sa kanyang walang hiya siya at miss na miss ko na siya kaso parang may nag-uudyok sa isip kong wag ko itong gawin.

"Na-mi miss ka na ni Hurri dun ka sa kanya" Padabog kong sinara ang locker ko at nagulat ako nang makitang mas lumapad na ngayon ang ngiti sa mukha ni Chord.

"Nagseselos ka no?" Tanong niya na tila ba nanunukso.

"Manigas ka." I stuck my tongue out.

"Wag kang mag-alala ikaw lang naman ang bestfriend ko eh"

Natigil ako sa paglalakad. Shit, bakit para akong nasaktan sa salitang yun? Sanay naman ako noon na bestfriend ang tawag niya sa akin ah. Hindi! Hindi Puma! Wala kang gusto sa kanya! Masyado ka lang nadadala sa panunukso ng iba. Bestfriend kayo. Wag kang magpapadala sa kanila.

Huminga ako ng malalim at muling lumingon kay Chord.

"Sinabi mo yan ah!" Pinilit kong ngumiti. "Bye bestfriend kong panget!" Pagkatalikod ko mula sa kanya ay saglit akong napapikit at dali-dali na akong naglakad palayo habang mahigpit na niyayakap ang mga libro ko.

- - - - - - -

Hindi ako maka-concentrate sa classroom. Gusto kong makinig sa teacher pero andaming ibang pumapasok sa isip ko.

These thoughts are killing me. Make it stop.

"Puma okay ka lang?" Tanong sa akin ni Hurri.

One of the reasons why I shouldnt feel like this is because of Hurri. Were friends. I cant have feelings for his boyfriend. I cant. I never cant.

Hindi ako ugaling mag-cutting classes kayat mas minabuti ko na lamang na magpunta sa clinic. Baka sakaling masama lang ang pakiramdam ko kaya ako nagkakaganito. Buti nalang talaga't may clean record ako kay ma'am at naniwala siya sa akin.

Tahimik lamang sa loob ng campus clinic. Ako lang ata ang tao dito dahil lumabas muna saglit ang nurse. 

Gustohin ko mang matulog dito ay di ko magawa kasi andaming pumapasok sa isipan ko. Hindi ko na alam anong nangyayari sa akin. Umupo na lamang ako sa kama at paulit-ulit na iniuntog ang ulo ko sa pader.

"Utak tumigil ka na please! Nalilito na ako! Ayoko na!" Paulit-ulit kong sambit.

"HOY ANG INGAY MO MANAHIMIK KA NGA!" Nagulat ako nang bigla na lamang may sumigaw. Kilalang-kilala ko yung boses na 'yon kahit na para itong nanghihina.

"Cooper?" tanong ko.

"Pogi!" Sigaw niya pabalik. Si Cooper nga -_-

"Anong ginagawa mo dito?" Di ko siya nakikita pero alam kong nandito lamang siya sa loob ng clinic. Malaki ang clinic nato pero nahahati ng iilang maliit na dingding para magmukhang mga kwarto.

"Kung nasaan ang kama nandun ako. Ang ingay mo di ako makatulog!" Sigaw niya kayat humiga na lamang ulit ako sa kama.

"Sorry" Tipid kong sambit at tinitigan na lamang ang kisame.

"Ano problema mo?" Sigaw niya at narinig kong para siyang umupo sa kama niya.

"Ba't ko sasabihin?" Sigaw ko pabalik.

"Kasi nagtatanong ako?"

Oo nga naman. Pero hindi ako tanga para sabihin ang problema ko sa baliw na gaya niya. Baka ipagsabi pa niya sa iba.

"Lovelife ba 'yan? Kung lovelife yan wag mo yang problemahin. Ang buhay maiksi lang yan, kung ano ang nararamdaman mo wag mo ng kontrahin." Hindi ako makapaniwalang si Cooper ang nagsasalita. Kelan pa siya nagkaroon ng isip?

"Cooper ikaw ba talaga yan?" tanong ko.

"Minsan lang ako magsalita ng matino Puma. I-appreaciate mo" Muli akong napaupo at hinilamos na lamang ang palad ko.

"Naguguluhan ako sa nararamdaman ko." Napasandal na lamang ulit ako sa pader.

"Kung feelings ang pag-uusapan magulo talaga yan, pahihirapan mo lang ang sarili mo kung kakalabanin mo yan o aalamin. May rason ang lahat ng mga bagay. Kung tutuusin nakatadhana na talaga ang lahat. Kahit na anong pigil, mararamdaman mo ang nararapat mong maramdaman at mangyayari ang mga bagay na ayaw mong mangyari. We have no complete control so just enjoy the crazy ride of life."  Saglit siyang natahimik. Kayat nagtaka ako.

"Cooper anyare na?" Tanong ko ngunit matagal bago siya sumagot.

"Wala, dumugo lang ang ilong ko" Tipid niyang sagot.

END OF CHAPTER 16

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
69.3K 6.2K 32
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.1M 51.2K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
5.6M 182K 22
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran n...