Loving The Broken Bastard (Sa...

LjKizakiri tarafından

85.5K 1.2K 8

"Loving him feels like heaven." Henricka Jennylyn Xerxes is an unwanted child of her family. Even though she'... Daha Fazla

Disclaimer.
Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2).
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Epilogue.
Note.

Chapter 26.

2.1K 28 0
LjKizakiri tarafından

Date Published: June 15, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

Kanina ko pa tinitigan ang sasakyan at tulad ng sinabi ni Nick, sinusundan nga kami ngayon. Kaya naman nag-text ako kay Herald tad dito.

"Sinusundan talaga tayo n'ong sasakyan. Tinext ko na si Herald para lang malaman niya ang tungkol dito," sabi ko.

"Sinabihan ko na din sila Carilo at sabi nila ay may papunta na po dito na kasapi ng org natin," sagot ni Nick.

"Magda-drive na lang ako ng maayos dito at sisiguraduhin na ligtas kayo," sabi naman ni Lay. Pinanood ko lang ang sasakyan para lang makasiguro na ligtas kami.

•*•*•*•*•*

Nasa byahe pa din kami ngayon at may dalawang sasakyan na ang humaharang sa kulay asul na sasakyan.

"Kakampi po natin ang puti at gray na sasakyan na humaharang sa asul na sasakyan, miss. 'Wag po kayong mag-alala sa kanila," sabi ni Nick.

"Naiintindihan ko, Nick. Medyo kunabahan na ako nang may dumagdag pang dalawang sasakyan eh," sabi ko naman.

Natawa silang dalawa sa 'kin at napa-iling na lang ako. Kailangan ko na atang malaman kung ilan pa ang mga sasakyan na mayro'n sa kanila.

Saka, kailangan ko na ding malaman kung ano-ano ang mga sasakyan na pinagmamay-ari ng mga kasapi sa org namin.

"P'wede ko bang malaman kung ilan ang sasakyan na pinagmamay-ari ng mga kasapi sa org? Para sa susunod ay hindi na ako nag-aalala pa," komento ko.

"Opo, miss. Sa susunod ay ibibigay ko po sa inyo," sagot ni Nick. Napasandal na lang ako sa upuan at hinayaan na ang iba na i-handle ang mga sakay ng asul na sasakyan.

•*•*•*•*•*

Nakarating na kami sa kompanya at bumaba na mula sa sasakyan. Dumating na din ang dalawang sasakyan saka ang asul na sasakyan.

Agad kinuyog ng mga bantay sa kompanya ang asul na sasakyan at pinalabas ang mga sakay nito. Napansin ko na may dalawang pulis din kasama ang mga bantay dito sa kompanya.

"Bakit may pulis?" tanong ko.

"Sila po ang tinutukoy na kakilala nila Mr. Aldous po, miss," sagot ni Nick. Tumango ako at tumingin sa isang bagong dating.

"Siguraduhin niyo po na walang magagawang masama ang mga taong 'yan. Alamin niyo po ang lahat ng tungkol sa kanila at kung bakit sinusundan po nila kami," sabi ko.

"Opo, miss. Masusunod po," sagot ng lalaki at lumapit na sa mga nagkukumpulan.

"Tara na?" pag-aya ko kanila Lay. Naglakad na kami papasok ng kompanya at pumunta na sa meeting room para maka-usap na si Tito Vaughn ngayon.

•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa loob ng meeting room at umupo ako sa upuan na nasa tabi ni Tito Vaughn. Mayro'n ding mga pagkain at inumin sa lamesa.

"Tito, ano po ang pag-uusapan natin? May problema po ba sa business?" tanong ko. Masyado kasi siyang seryoso ngayon at hindi ako sanay.

"I have no idea how to tell you about this, iha... But, I think this the right time for you to know the truth," sabi niya.

"Listen to me carefully, okay?" Tumango ako sa kaniya. Hinanda ko 'yong sarili ko para sa sasabihin niya.

"Look at this first." Kinuha ko 'yong inabot niyang folder at binuksan 'yon. Kinuha ko 'yong papel na nandoon at tinignan.

Isa 'yong DNA test at binasa ko lahat ng mga nakalagay doon. Nanlaki ang mga mata ko nang nabasa ko 'yong resulta.

"Wait... Hindi po ako tunay na anak nila daddy?" gulat na tanong ko. Tumango siya sa 'kin.

"Yes, you're not the real child of your so-called parents and also, they're real names are Risna and Ollie Elishda - they're your relatives," sabi niya.

"You're Henricka Jennlyn Xerxes - Hariko and Janina's one and only daughter." May inabot siyang isa pang folder at kinuha ko 'yon.

Tinignan ko din 'yong papel na nandoon at binasa. Isa din 'yong DNA resulta at sabi dito ay ang mga magulang ko ay sila Hariko at Janina Xerxes.

Naramdam kong may tumulo mula sa mga mata ko at agad 'yon pinunasan ni Tito Vaughn. Hinaplos niya ang buhok ko ng marahan.

"I got a sample from you when you were a baby. Nagpapunta kami ng isang tauhan sa bahay ng mga Elishda to get some sample from you and that's the result," pag-kuwento niya.

"I was a best friend of your father - Hariko. No'ng nakilala ko siya ay nagsi-simula pa lang siya sa negosyo niya," pag-kuwento niya ulit.

"I supported him to be successful and he helped his parents to be successful also pero, ang kabayaran n'on ay ang galit at inggit ni Ollie at ng ibang Elishda."

"That's why one by one, they killed all of the Xerxes. From your grandfather to you grandmother until your parents," sabi niya.

"Bakit po hindi nila ako pinatay? Paano po ako napunta sa kanila?" tanong ko.

"They kidnapped you. Umalis kami no'ng oras na 'yon para ayusin ang papeles for adoption because I promised your father that I'll be the one who's going to take care of you pero, nakuha ka na ng mga Elishda mula sa ospital," sagot niya.

"Nagpakilala sila bilang kamag-anak doon sa nurse kaya nag-tiwala siya at binigay ka. Iniisip nila na kung makukuha ka nila ay makukuha din nila ang mga ari-arian ng magulang mo," paliwanag niya pa.

"So, ang sinasabi niyong kamag-anak na kalaban ng magulang ko ay sila daddy?" Tumango siya at napabuntong hininga.

"Ngayon alam ko na po kung bakit sa 'kin binigay ang lahat ng 'to," komento ko at huminga ng malalim.

"Pinalitan nila Ollie ang pangalan nila, mula Elishda ay ginawa nilang Xerxes dahil umaasa sila na may pag-asa silang maagaw ang mga pamana sa 'yo pero hindi nila alam ay bantay-sarado ko 'yon," pag-deklara niya.

"Tungkol po sa pagkamatay nila lolo? May pruweba po ba kayo na sila nga po ang pumatay?" tanong ko sa kaniya.

"Yes... Lahat ng ebidensya ay nasa 'kin na, Henricka. Pero may kulang and this is about you being kidnapped by them," sagot niya.

"Gusto kong isama din 'yon para magkapatong-patong na na ang mga kaso nila hanggang sa wala na silang kawala. Can you still wait for it?" Tumango ako.

"Opo, tito. I can still wait po. Sasabihan ko din po si Nebby na tulungan ka," sagot ko.

"No need, iha. Kaya na namin 'to. For now, prioritze everything that you have to prioritize," sabi niya.

"Alagaan mo na lang ang sarili mo at ang family business niyo. Okay?" Tumango ako. Wala naman akong magagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.

Ayoko namang mapahamak siya kung magiging makulit ako at kung pipilitin ko ang gusto kong gawin.

"Oh, yeah... Before I forgot." May kinuha siya mula sa bulsa at may nakita akong kwintas. Gold ito at may heart bilang design.

"This was given by your father to your mother before after becoming successful with his business. Kinuha ko 'to no'ng natagpuan ng mga pulis ang bangkay ng magulang mo sa isang car accident," pag-kuwento niya.

"I want to give this to you as a remembrance of your parents. Para alam mo na kahit wala na sila dito ay alam mong kasama mo pa din sila." Isinuot niya 'yon sa 'kin.

"Always remember that they love you as their precious daughter, Henricka. They are willing to give you everything that you want and need," sabi niya.

"Hindi ko po kamalimutan 'yan, tito. Salamat po," sagot ko naman. Hinawakan ko 'yong heart sa kwintas ng mahigpit.

"Aalagaan ko po ang kwintas na 'to at ang lahat ng pagmamay-ari po nila daddy. Po-protektahan ko po ito mula sa mga Elishda," pag-deklara ko.

"I know that you can do that, Henricka. I know that you can. I'll always be here to guide you," sagot niya.

"Do you want to visit them?"

"Kapag okay na po ang lahat ay doon lang po ako bibisita sa kanila, tito. Gusto ko pong makulong muna ang mga Elishda bago ko po gawin 'yon," sagot ko.

"Sige. Naiintindihan ko, Henricka. For now, let me do my part. Okay?" Tumango ako. Kinuha ko 'yong isang plato na may sala at kinuha ang tinidor.

"Kapag may problema po ay sabihan niyo lang po ako, tito. Tutulong po ako," sabi ko naman.

"Of course." Kumain na muna kaming dalawa ngayon at inisip ang lahat ng mga nalaman ko ngayon.

•*•*•*•*•*

Umalis na si tito dahil sa itutuloy na niya ang mga trabaho niya ngayon. Nandito ako sa loob ng sarili kong opisina habang binabasa paulit-ulit ang DNA results.

Napayukom ako ng mga kamao dahil sa nalaman ko. Pagbabayaran ng mga Elishda ang ginawa nila sa pamilya ko.

Hindi ko hahayaan na makatakas pa sila ngayon at hindi ako papayag na hindi nila mapag-bayaran ang ginawa nilang kasalanan.

"Miss, p'wede po ba kayong maka-usap?" Napatingin ako kay Nebby at tumango ng onti.

"May problema ba, Nebby?" tanong ko naman.

"Ito po ang background na pinapahanap mo po sa 'kin noon, miss. Pasensya na po kung ngayon lang," sabi niya.

May nilagay siyang folder sa lamesa at kinuha ko 'yon saka binasa ang mga nakasulat sa papel. Tungkol ito sa mga Elishda.

"Karamihan din pala sa kanila ay patay na dahil sa pagiging sakim sa pera at kayamanan," komento ko.

Puro kasi sila na-murder ng iba't ibang tao dahil sa ayaw magbayad ng utang na pinaglaro lang sa sugal at sa pag-inom lang ng mga alak.

"Opo, miss. Madami din pong utang sila Ollie Elishda pero, dahil sa may kapit ito sa mga sindikato ay hindi sila nagagalaw ng mga pinagkaka-utangam nila," sabi niya.

"Naiintindihan ko. Maraming salamat, Nebby. Alam ko na ang lahat dahil kinuwento sa 'kin ni Tito Vaughn kanina," sabi ko.

"Nebby, p'wedeng pabor?"

"Opo, miss. Ano 'yon?"

"Sa susunod na may dapat akong malaman ay sabihin mo agad sa 'kin at 'wag nang patagalin pa. Ayos lang naman sa 'kin malaman ang totoo at least, alam ko na, 'di ba?" Tumango siya.

"Opo, miss. Naiintindihan ko po 'yan. Sa susunod ay hindi na po ako magtatago pa ng sekreto sa inyo," sagot niya. Napangiti ako sa kaniya.

"Saan ba umuuwi dati sila daddy? Doon ba sa mansyon?" tanong ko.

"Hindi po. Sa may villa po sila nauwi dati dahil doon din po nakatira ang lolo at lola mo no'ng nabu-buhay pa sila," sagot niya.

"Naiintindihan ko. Doon po ako uuwi ngayon para makita 'yon saka, gusto ko din po makita ang iba pa nilang litrato," sabi ko.

Nilabas ko 'yong litratong nasa loob ng bag ko na nakuha ko kay Lay noon at napangiti. Alam ko na kung bakit may naramdaman akong kakaiba nang nakita ko ang litrato nila.

"Bibili din muna ako ng picture frame para mailagay ang litrato nila daddy dito sa lamesa para p'wedeng matitigan," sabi ko pa.

"Sige po, miss. Pupunta po ba muna tayo sa mall bago sa villa?" Tumango ako.

"Oo, Nebby. May naiwan pa bang trabaho dito na p'wede kong gawin?" tanong ko.

"Wala na po, miss. Natapos ko na po ang lahat para sa 'yo," sagot niya. Tumango ako at tumayo na saka kinuha ang bag ko.

Tinago ko sa loob ng damit ko ang kwintas na suot ko at naglakad na palapit kay Nebby.

"Tara na mag-mall. Para makabili na ng picture frame," sabi ko. Naglakad na kami palabas ng opisina at umalis na mula sa kompanya.

~ IN THE MALL ~

Nandito na kami sa mall kasama sina Nick at Lay. Nasa department store kami habang namimili ng mga picture frame.

Ang sabi kasi nila Nebby ay madami daw litrato doon na wala sa photo album o picture frame kaya bibili ako ngayon para maayos ang mga litratong 'yon.

Nang nakakuha na ako ng tig-tatlong picture frame at photo album kaya naman lumapit na ako sa cashier para mabayaran na ang mga 'yon.

"Miss, nag-text po si Mr. San Marquez at tinatanong kung nasaan ka daw po ngayon," sabi ni Nebby.

"B-Bakit daw? May problema ba at hinahanap niya ako ngayon?" tanong ko naman.

"Ang totoo po niyan ay gusto niya daw pomg makipag-date sa inyo ngayon," sabi niya.

"Paki-sabi po sa kaniya ang tungkol sa plano ko. Gusto ko po sanang makasama siya kaso, gusto ko pong makita ang villa," sagot ko.

"Sige po, miss. Naiintindihan ko po," sagot niya. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

"Ma'am, 300 pesos po lahat," sabi ng nasa cashier. Inabutan ko siya ng 300 pesos bill at kinuha niya 'yon at binigay sa 'kin ang paperbag.

"Salamat po," sabi ko. Humarap na ako kanila Nebby at tumango. Naglakad na kami paalis mula sa department store.

"Kain na muna tayo?" pag-aya ko sa kanila.

"Sige po, miss," sagot ni Lay. Kaya naman pumunta kami sa pinaka-malapit na kainan at kumain na muna doon.

•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa isang restaurant at isa 'tong mall na 'to sa pinagmamay-ari ko kaya naman dito ako lagi napunta.

"May dapat po bang baguhin o ayusin dito sa mall, miss?" tanong ni Nebby sa 'kin.

"Mukhang wala naman dapat ipa-bago dito kasi maayos naman," komento ni Lay at tumango si Nick.

"Tama si Lay. Wala namang dapat ayusin dito base sa nakikita ko," sagot ko naman.

"At saka, kung may p'wedeng mag-check, baka p'wedeng tignan ang bubong ng mall dahil sa may paparating na bagyo at ayoko namang biglang may tutulong tubig ulan," saad ko.

"Sige po, miss. Masusunod po," sagot ni Nebby. Dumating na ang waiter at hinain na ang mga in-order naming pagkain at kumain na.

••••• END OF CHAPTER 26. •••••

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
206K 2.5K 17
Past Came Back &&& (Edited . 2023)
608K 10.8K 50
Magmahal Ka nang chef dahil wala nang ibang iibigin yan na maliban sayo kundi Pagkain Lang ❤ Highest Rank Achieved #1 Agent
171K 2.5K 14
Jackz Clyde also known as JC got Margaux pregnant at the age of 18. An island girl na nakilala lang niya sa isang pagtitipon. His life was ruined w...