Blind Love

By heartlessnostalgia

12M 359K 150K

Sandejas Siblings Second Installment: (2023 Edition) D A S H "Because it's not about the eyes that can see, i... More

Sandejas Siblings #2: Blind Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
BL Special Chapter
Rumor: Uto-uto si Dash-beybe
Blind Love Selfpub Reprint

Kabanata 18

293K 9.7K 3K
By heartlessnostalgia

Kabanata 18

"P-PLEASE save her, save my sister..." nanginginig ang boses ni Dash habang kausap ang doktor na dumalo sa amin pagkarating pa lang namin sa ospital.

He was crying and shaking. Halos hindi na nga siya makapag-drive ng maayos at kahit anong kalma ko sa kanya ay takot na takot siya na may mangyaring masama sa kapatid.

"We'll do everything we can, Mr. Sandejas," ani ng doktor sa kanya.

"D-do everything, please..." tumungo siya at halos magmakaawa sa doktor kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

"Excuse me, Mr. Sandejas," ani ng doktor at pumasok sa loob ng emergency room. Nakatungo lang siya sa pwesto niya at walang imik. Tulala siya at nakita ko ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya.

My heart ache. Kaagad akong pumunta sa harapan niya at pinunasan ang luha niya gamit ang daliri ko. That made him face me, nakita ko ang lungkot at takot sa mga mata niya.

"R-Reah..." he called me. Natigil ako sa pagtanggal ng luha niya nang hawakan niya ang kamay ko sa pisngi niya.

"Hmm?" I hummed. Umiling siya at tumungong muli. Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang baywang ko at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko.

"I-I'm scared," he whispered. I heard him sobbing. The way his voice broke was heartbreaking. It was filled with deep fear and agony.

Mabilis naman akong yumakap pabalik sa kanya at hinaplos ang likod niya.

"Sshh, Dash... Zidney will be okay..." sabi ko sa kanya. His hug tightened, sumikip naman ang dibdib ko habang pinapakinggan ang iyak niya.

"M-maliligtas siya, 'di ba? M-makakasama pa namin siya, 'di ba?" he asked me in a stuttering voice.

"Of course, makakasama n'yo pa siya," I told him. Tumango pa ako at hinaplos ang buhok niya.

"I-I know it was her, she's my sister," he mumbled with such certainty.

Bahagyang lumayo naman ako sa kanya at humawak sa pisngi niya. Hinawi ko ang luha niya at pinakatitigan ang namumulang mata niya.

"I know it's Zidney," he said. "I-I know her face...I..."

He was trembling, hyperventilating.

"Upo tayo, okay?" sabi ko nang marahan sa kanya. Parang bata naman siyang tumango at hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinaupo siya sa bench doon.

"H-her face, Reah, 'di ba siya 'yon? Si Zidney siya, 'di ba?" I looked at him and saw how hopeful his face is.

Noong una ay hindi ko namukhaan si Zidney. When we found her on the road ay hindi ko talaga akalaing siya 'yon. Dash carried her to the car and drove fast to the hospital. Noong habang nasa byahe lang kami papuntang ospital ay halos maiyak ako habang nakatitig ako sa mukha ng babae.

It was her...

It's angelic and peaceful. Kagaya noong nasa larawan niya sa mansyon ng mga Sandejas and while looking at her, I realized it was really her.

From the shape of her face, everything. I am positive it was her. Her face changed a bit because of the years that had passed but the glint of innocence I saw in that picture was still the same.

"I really think it was her," I said. Mabilis ko namang kinuha ang puting panyo sa bulsa ko na ibinigay niya sa akin kanina at inabot sa kanya.

"Here..." Nakita kong napasulyap siya sa akin sa ginawa ko.

"B-but..." I smiled softly and placed the handkerchief on his hand.

"You need it, Dash," I said softly.

"S-salamat," he whispered. I nodded and smiled at him, pinunasan naman niya ang mukha niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri.

Namumula ang kanyang leeg at tainga dahil sa pag-iyak. His eyes and nose were still puffy from crying.

"R-Reah..." tawag niya pagkaraan

"Bakit?" tanong ko. He sighed again at inabot niya ang kamay ko. I stared at our intertwined hands at nagitla ako nang bigla siyang sumandal sa balikat ko.

"I-I don't know what to do," mahinang sabi niya. "P-please, give me strength." Hinaplos ko ang buhok niya at 'di ko alam kung paano ko nakuha ang lakas at hinalikan ang ulo niya.

"Everything will be fine, Dash," I assured him. "Malalagpasan n'yo 'to, you can do this." I motivated him.

Umalis naman siya mula sa pagkakasandal sa balikat ko bago sumulyap sa akin. He smiled a little when our eyes met, hinawakan niya pang maigi ang kamay ko at marahang tumango.

"O-okay," he gently answered me.

"H'wag ka nang iiyak, huh?" pagkausap ko sa kanya. Marahang hinaplos ko ang pisngi niya. "Hindi ka na gwapo niyan." Pagbibiro ko pa para gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano.

That made him laugh, mahina lang at pagkatapos ay nailing at bahagyang tumungo.

"S-should I call Kuya?" tanong niya.

"You should..."

"P-pero paano kapag hindi si Zid—"

I cut him off. "You should call Kuya. Kahit anong mangyari, you should tell him..."

He sighed and nodded. I saw him fish his phone out of his pocket before looking at me.

"Go," I encouraged him. Mariing napapikit muna siya bago huminga ng malalim at nag-dial ng telepono niya.

He placed his phone on his ear at inantay ang pagsagot sa kabilang linya. It's past eleven in the evening kaya hindi ako sigurado kung sasagutin pa ni Kuya ang tawag.

"K-Kuya?" He started. Umayos siya ng upo at nakinig sa sinasabi ng kapatid sa kabilang linya.

"K-Kuya, call Zeij," aniya.

Lumingon siya sa akin nang tumayo ako at umiling lang ako sa kanya ng akmang tatayo rin siya.

"I'll go get you a coffee." Mahinang sabi ko. Napatango naman siya at napabalik ng upo sa bench.

"K-Kuya si Zid," narinig kong sabi ni Dash sa kapatid. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong mahigpit na ang hawak niya sa kanyang phone.

Saglit akong sumulyap sa kanya bago tumalikod para pumunta ng banyo. I fixed myself first pagkatapos ay nagpahinga muna.

Naka-school uniform pa rin pala ako, mabuti na lang din at linggo bukas kaya wala akong klase at masasamahan ko si Dash dito at kailangang-kailangan niya ng karamay.

I am not sure kung makakapunta sina Kuya dito pero pakiramdam ko naman ay oo.

Hindi muna ako kaagad bumalik kay Dash para makausap niya ng maayos sina Kuya. He needed the space to tell his brother anything.

Halos fifteen minutes akong nanatiling nagpapahinga roon bago ko napagdesisyunang bumalik na kay Dash, I went to the canteen first to buy some coffee for him.

Naglakad ako pabalik sa pwesto namin kanina. Mula sa malayo ay kita kong nakatayo siya at nakasandal sa pader.

Kagaya kanina ay tulala pa rin siya. Napabuntonghininga ako sa itsura niya at naglakad pa palapit sa kanya. I was about to call him when a woman's voice stopped me.

"Babe!" I stopped from my tracks when I saw Rheallyn running towards Dash. Napaayos ng tayo si Dash at nangunot ang noo habang nakatingin dito.

"Rheallyn?" Tanong nito but Rhea didn't even answer, nakita ko ang paglapit nito kay Dash at ang pagyakap niya dito pagkalapit niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan at napatungo. Mabilis akong nagtago sa may gilid para hindi nila ako mapansin.

"Ayos ka lang, Dash? I heard what happened!" She exclaimed. Hinawakan niya ang mukha ni Dash at tinitigan ito.

"I'm fine, Rhea," ani Dash at nakita kong bahagya siyang lumayo sa nag-aalalang si Rheallyn, sinusuklay muli ang magulong buhok at pumikit.

"No, I'm not convinced! Hindi ka ba nasaktan?" Sabi pa nito. He pulled Dash to hug him again at narinig ko ang buntonghininga ni Dash.

"Babe, answer me, nasaktan ka?" Malambing na turan nito habang nakayakap sa leeg ni Dash.

I saw Dash shook his head when she whispered at parang sinuntok ang puso ko ng makitang unti-unting umakyat ang kamay niya para yumakap pabalik kay Rheallyn.

Natahimik ako at napabuntonghininga. Bumaba ang tingin ko sa mainit na kapeng hawak ko bago napailing.

I was about to go when I saw Kuya Iñigo and Zeijan running towards Dash.

"Dash!" Kuya Iñigo called him. Humiwalay si Dash kay Rheallyn at bumaling siya kina Kuya.

"What happened?!" Zeijan exclaimed. Halatang nagmadali sila makapunta lang dito.

"W-where's Zid? W-what happened? Is it really her?!" Hindi na nasagot ni Dash ang tanong ng mga kapatid nang magbukas ang pinto at lumabas mula roon ang doktor.

Nagkagulo ang tatlo at nakita kong halos mag-unahan sila sa paglapit sa doktor.

"Mga kapatid po kayo ng pasyente?" ani ng Doktor.

"Yes," Zeijan answered. "How's our sister? Is she fine?"

"Everything's good," he confirmed.

Nakita ko ang pag-relax ng mukha ng tatlo. Lumapit din si Rheallyn doon sa kanila at humawak sa kamay ni Dash. Nakita kong sumulyap si Dash kay Rheallyn pero hindi siya nagsalita at hinayaan lang ito.

"What happened? Why did she faint?" Dash asked the doctor.

"She fainted due to fatigue and stress, buong araw rin siyang walang kain kaya siya nawalan ng lakas at nahimatay," paliwanag nito.

"A-are you sure she'll be fine?" anang Kuya Iñigo, bakas ang pag-aalala at takot sa boses.

"Yes, she just need to rest and eat well when she woke up. Nakita ko rin ang ilang galos sa katawan niya but beside that, wala namang dapat pang problemahin," aniya. "For now, we'll just transfer her to the private room then you can visit her afterwards."

Humakbang ako para makalapit sa kanila pero natigil ako nang makita ang tingin sa akin ni Rheallyn. Nakakunot ang noo niya at nakita kong humiwalay siya kay Dash at lumapit sa pwesto ko.

"What are you doing here?" matalim na tanong niya sakin.

I stiffened. I feel like I was caught and suddenly felt bad.

Ano ba talagang ginagawa ko sa sarili ko?

"I...I came with Dash," sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagtalas ng tingin niya sa akin at mariin akong tiningnan. Tiningnan pa niya ako simula ulo hanggang paa at tumitig sa dala ko.

"Give me that," tukoy niya sa kape na hawak ko.

"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagulat ako nang biglang kunin niya sa akin ang hawak kong kape para kay Dash, dahilan para mapasinghap ako nang mabuhos sa akin ang mainit na kape.

Napangiwi ako sa sakit pero hindi na ako nakapagsalita pa nang talikuran ako ni Rheallyn dala ang kape at lumapit kina Dash.

"Babe, drink this." Yumakap si Rhea sa braso ni Dash pagkaabot niya dito ng kape. Nakita ko ang pagsulyap sa kanya ni Dash bago tipid na ngumiti at nagpasalamat at nakita kong kinausap niyang muli ang mga kapatid niya at ang doktor.

Napatingin ako sa kamay kong nabuhusan ng kape ay napatungo na lang at dumiretso sa banyo para hugasan ang kamay ko.

Napasinghap ako sa sakit nang tumama sa tubig ang kamay ko at napabuntonghininga at hinayaan ang tubig na umagos dito. Mabuti na lang at hindi na gano'ng kainit ang kape kaya namula lang ang kamay ko. Napatitig ako roon at pagkatapos ay lumabas na.

I need to go home. I don't think I'm needed here.

Mabigat ang katawan ko habang naglalakad ako papunta sa kwarto kung saan inilipat si Zidney para silipin sila.

Mahapdi pa rin ang kamay ko at mabigat ang ulo ko. My heart is aching too pero wala naman akong magawa.

Pagkapasok ko pa lang ng kwarto ay naabutan ko silang naroon kay Zidney.

I was just standing by the door, watching but I saw how they cried at the sight of their long-lost sister.

"Z-Zid..." Zeijan called her. Nakita ko ang panghihina niya at napaupo siya sa upuan na naroon habang si Dash ay tulala lang sa kapatid at walang imik na nakamasid.

I saw Kuya Iñigo wiping his tears. Nakatukod ang kamay niya sa may tabi ng natutulog na si Zidney.

"P-princess?" Narinig kong sabi nito. "Your Kuyas are here, gising ka na, oh, miss ka na namin." Narinig ko ang pagpiyok ng boses ni Kuya Iñigo, sinusubukang kontrolin ang panginginig ng kanyang boses.

Mas napatungo si Zeijan para takpan ang pag-iyak at nakita ko ang pagtulo ng luha ni Dash sa sinabi ni Kuya Iñigo.

Miski ako ay napaluha nang hindi ko napapansin. Naramdaman ko na lang ang pagkakabasa ng pisngi ko habang nakatingin sa kanila.

My heart was thumping hard, happy yet pained, and worried at the sight of these siblings.

They lost their one and only sister but found her years later. Sobrang saya ko para sa kanila.

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at pinagmamasdan lang sila at nang hindi ko na makaya ay lumabas na ako ng walang paalam.

I don't want to spoil their happiness. I hope they'll be happy.

UMUWI ako ng bahay mag-isa. Tahimik ang buong mansyon pagkapasok at paniguradong hindi pa alam nina Tita Lena at Tito Ejercito ang nangyari.

I tried so hard to sleep after that tiring and eventful day.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos at nakita ko kaagad pagkababa ang umiiyak na si Tita Lena.

"A-anak ko..." She was sobbing, shaking. Basag ang kanyang boses at dinig na dinig doon ang kanyang panibugho habang si Tito naman ay inaalo ang asawa at nakaluhod sa tapat ng wheelchair nito.

"L-Lena..." he tried soothing her.

"P-pumunta tayo, Jer! 'Yong anak natin!" She sobbed harder. Tito was hugging her, doing his best to calm her down but she wasn't stopping.

Sumisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan silang dalawa na umiiyak. Who would expect this?

Ako nga ay masaya at nasasaktan sa kalagayan nila, paano pa kaya sila? It must've been so sad and cruel, losing their child for years!

"R-Reah..." Nagulat ako ng tawagin ako ni Tita Lena.

Mabilis akong naglakad sa kanila at nakita kong gumilid si Tito habang nagpupunas sa luha.

I know it was hard for him but he wanted to stay strong for his wife.

"Po?" Nag-aalangang lumapit ako. Nakita ko namang inaabot niya ang kamay ko kaya mabilis akong lumapit sa kanya at iniabot ang kamay ko.

My heart felt warmer when she gripped my palm. Her hands are cold, trembling.

"R-Reah, anak," nanginginig ang boses niya. Lumuhod naman ako sa may harapan niya at sumilip sa kanyang mukha.

"Bakit po?" marahang tanong ko. Nakita ko ang pagkislap ng mga luha sa mata niya.

"H-hija, ikaw ang kasama ni Dash kagabi, 'di ba?" Tanong niya.

"Opo," tumango ako.

Napasinghap siya at sumulyap kay Tito na tumango. Then her beautiful black eyes seeked for mine again, her hold on my hand tightening.

"P-please, Reah, p-paano n'yo nakita si Zidney? Ang b-bunso ko?" She sounded like she's begging me to tell her what I know. I could feel her desperation, her pain. Mas nadurog ako.

Bago ako magsalita ay sumulyap muna ako kay Tito para humingi ng permiso kung sasabihin at nang tumango siya sa akin ay sumulyap ako pabalik kay Tita.

"P-pauwi na po kami no'n," panimula ko. "Tapos po biglang may tumawid na babae sa kalsada, hindi po namin siya napansin kaagad dahil sa bigla siyang sumulpot."

She was listening intently to what I am saying. Tumatango pa siya sa akin at inaantay kung ano ang kasunod. She was holding my hand tight, like she was getting her strength from me.

"We almost hit her," sabi ko. "Mabuti na lang po at nakapagpreno si Dash kaya hindi siya nabangga kaso po biglang natumba na lang siya sa tapat ng kotse." Nakita ko ang pag-agos ng luha sa mga mata niya kaya inabot ko ang pisngi niya para tuyuin iyon.

My heart's breaking. I can't look at her crying like that. Pakiramdam ko ay pinapaiyak ko ang Nanay ko at ayoko no'n.

"We went out of the car to check on her pagkatapos po nagulat na lang ako umiyak si Dash, tapos po ro'n ko nalamang si Zidney talaga ang babae na 'yon."

Tita sobbed.

"A-ang bunso ko," she cried harder this time. Mabilis naman akong dumalo at niyakap siya hanggang sa naramdaman kong ibinalik niya iyon sa 'kin habang umiiyak sa balikat ko.

"H-hija, salamat," she murmured.

Sabay kaming pumunta sa ospital nila Tita, she let me come with her at hindi ako tumanggi.

I want to know Zidney's condition.

Pagkarating pa lang namin sa loob ng kwarto ay humagulgol na si Tita. Lumapit sila ni Tito sa higaan ng anak at nakita kong tumayo ang tatlong magkakapatid para daluhan sila.

"K-kumusta na siya, anak? Ang kapatid n'yo, kumusta?" inaapuhap na ni Tita ang hininga niya habang kausap ang tatlo kaya mabilis akong lumapit para kumuha ng tubig.

I was about to give it to her nang sumagi si Rheallyn sa akin. Nangunot ang noo ko at napatingin sa kanya pero kinuha niya lang mula sa akin ang baso na hawak ko.

Hindi na ako nagsalita at kinagat na lang ang labi ko.

"Tita, inom po kayo," malumanay niyang sabi at iniabot ang tubig kay Tita.

"S-salamat, hija." She smiled softly at her bago tumabi kay Dash na nang nilingon ko ay nakatingin sa akin.

I looked away to avoid his gaze, shocked when I realized Thallia was behind me.

"Thallia," bati ko na may ngiti. Ngumuso naman siya sa akin at pagkatapos ay ngumiti.

"Kain muna tayo?" She offered. Kaagad naman akong tumango at ngumiti at walang ingay na lumabas kaming dalawa.

We ate and talk, sinabi niya sa akin ang nangyari kagabi sa balita. Nagulat na lang daw siya kagabi at nagmamadaling umalis ng bahay ang asawa niya ng walang sinasabi.

Nag-uusap pa nga silang dalawa pero no'ng may tumawag ay bigla na lang itong tumakbo palabas.

"I was really worried last night, mabuti na lang at tumawag sa akin si Iñigo no'ng madaling-araw at sinabi sa 'kin ang nangyari kaya nakahinga ako ng maluwang." Pagki-kwento niya sa akin.

Then, I noticed the shift in her emotions. She smirked.

"E, ikaw, Reah, bakit mo kasama si Dash?" Tanong niyang bigla sa akin. Natigil naman ako at napatingin sa kanya, nanlalaki ang mata.

"N-nothing, may pinuntahan lang–"

But she cut me off with a wicked grin.

"Ako pa ba ang lolokohin mo, Reah?" She raised her brow. Natigil naman ako at tipid na ngumiti na lang, alam na wala na akong takas.

"Wala lang 'yon, Thallia, ano ka ba..."

Pero hindi siya naniwala sa akin kaya wala na akong choice kung hindi i-kwento sa kanya kung saan kami galing kagabi at kung paano namin nakita si Zidney.

Halos trenta minutos kaming nasa labas ni Thallia at pagbalik namin ay nagulat kami nang may nagtatakbuhang nurse at doktor papunta sa loob ng private room.

Nagkatinginan kami ni Thallia at kaagad na inatake ng kaba ang puso ko kaya mabilis kaming tumakbo papasok sa kwarto.

"B-bitiwan n'yo ako!" I heard a scream. "Get off me!"

Pagkapasok namin ay kaagad na umawang ang bibig ko ng makita ang gising na si Zidney habang nagwawala. Hawak ng mga nurse ang braso niya para kumalma pero hindi ito matinag.

"Z-Zidney, this is your Kuya–" Kuya Iñigo said.

"H-hindi ko kayo kilala! S-sino kayo?! P-please! Pakawalan n'yo ako!" Sigaw niya habang nagwawala.

Kita ko ang pag-iyak ni Tita Lena sa isang gilid habang kinakalma siya ni Tito at ang tulalang si Rheallyn doon.

Kaagad namang lumapit si Thallia kay Kuya habang nakatayo lang doon sina Dash at Zeij.

"Calm down, Miss," ani ng Doktor.

"N-no! Ayoko na rito! Ayoko sa kwartong 'to!" She was screaming frantically, wailing, and trying to push away everyone.

"Z-Zidney, please," akmang lalapit si Dash sa kanya pero sinipa lang niya ang kapatid habang humahagulgol.

"'D-di ko kayo kilala! Please, pakawalan n'yo na ako rito! Ayoko rito!" Umiiyak niyang sabi.

"Zid..." Zeijan called her.

"H-hindi ako si Zidney! H-hindi ko kayo kilala!" Iyak niya. Paos na ang boses at halos magmakaawa na. "P-parang-awa n'yo na, h'wag n'yo akong ikulong dito!"

The whole room was in chaos. Sa sigaw ni Zidney, pagpapakalma ng Doktor at ng mga nurses, pati na rin no'ng tatlo kasama pa ang hagulgol sa pag-iyak ni Tita Lena na inilabas ni Tito Jer para hindi ito mahimatay.

Nakita ko ang pag-abot ng nurse sa Doktor ng isang injection at nang makita iyon ni Zidney ay mas nagwala siya.

"N-no! Ayoko niyan! Please!" Pagpupumiglas niya sa hawak ng mga nurse at lumapit sa kanya ang doktor.

I saw how horror and pain reflected in her eyes. She jerked and pushed the nurses away like she wanted to run and hide.

Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya at nagulat ako ng biglang lumapit si Zeijan sa kapatid niya at niyakap ito.

"C-calm down, princess," mahinang sinabi niya sa kapatid na nagpupumiglas.

"A-ayoko!" but Zeijan only hugged her tighter kaya hindi siya makagalaw.

"Calm down, princess. We won't hurt you," bulong nito. TThis is Kuya Zeijan, okay?" Lumapit ang doktor at tinurukan ito ng pampakalma.

"K-Kuya..." ani Zidney. "K-Kuya kita?" nanginig ang boses nito. Nakagat ko naman ang labi ko.

"Yes, princess. I'm your brother, we'll take care of you." Nakita ko ang paglaylay ng kamay ni Zidney dahil sa panghihina.

"That's right, princess, sleep..." ani Zeijan sa malambing na tono at maya-maya pa ay bumagsak si Zidney, tuluyan nang nakatulog.

Inayos naman siya ng mga nurse katulong sina Zeij at Dash. Napabuntonghininga naman si Zeij bago napatungo.

"S-she doesn't remember us..." Mariing sabi nito at kumuyom ang kamay. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Kuya Iñigo at mabilis naman siyang niyakap ni Thallia kaya umiyak ito sa balikat ng asawa.

She was shouting, hindi niya rin makilala ang pamilya niya at sinasabing hindi siya si Zidney kaya pinakalma siya ng doktor.

Katahimikan ang pumalibot sa buong kwarto matapos ang pangyayaring iyon. No one dared to speak, lahat sila'y bakas sa mukha ang magkahalong lungkot at saya sa kaganapan.

Kuya was sighing. Ilang beses itong nagmura at pinaraanan ng daliri ang buhok niya habang si Thallia naman ay nakamasid lang sa asawa at hindi nagsasalita na parang kinakalkula ang pwedeng gawin mapakalma lang ito.

"Mom will be devastated if she'll know about this," basag ni Dash sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanya.

"She will," sagot ni Kuya. Nagmura siya at sumandal sa upuan. "We found her but why..."

Humawak siya sa kamay ni Thallia. "Why does she have to lost her memories? Why does she have to forget us?" puno nang hinanakit at lungkot na tanong ni Kuya.

Nahagip ng mata ko si Rheallyn na nagtitipa sa phone niya at mukhang hindi nakikinig at nang tumingin siya sa akin at taasan ako ng kilay ay nag-iwas na lang ako at tumingin sa kamay ko.

Ilang minuto pa ang lumipas nang balutin ng nakakabinging katahimikan ang lugar. Sumulyap ako sa kanila at nang mapagtantong wala akong maitutulong sa kanila ay tumayo ako para magpaalam.

"K-Kuya," tawag ko kay Kuya kaya napatingin siya sa akin. Bakas ko ang pagkabalisa sa mukha niya.

"Bakit?"

"Uwi po muna ako," sabi ko sa kanya. He nodded and lowered his head again.

"Sige, ingat ka, Fleureah," ani Thallia sa akin at ngumiti.

Tumango ako, sumulyap din sa walang pakialam na si Rheallyn bago bumaling sa dalawa.

"Zeijan, D-Dash..." I called them. Nakita kong nag-angat ng tingin si Zeijan sa akin at tipid na ngumiti pero si Dash ay hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

"Una na ako," paalam ko bago lumabas.

I was walking towards the hospital's exit when I felt someone grabbed my arm. Napatalon ako sa gulat at napalingon at nakita ko si Dash sa likod ko. My heart skipped a beat.

"Dash?" gulat kong sabi sa kanya.

"Wait," aniya.

"Bakit?"

He shook his head and sighed. Nagulat ako dahil mula sa braso ko ay bumaba ang kamay niya sa kamay ko.

Tumitig siya sa akin, nabakas ang pagdadalawang-isip at lito sa kanyang mukha bago nagsalita.

"P-pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?" tanong ko.

"A-anywhere, I just..." bumuntonghininga siya. "I want to clear my mind, I'm tired."

Napatitig ako sa kanya at kita ko ang pagod at pagkabalisa sa mga mata niya. Kumirot ang puso ko at pagkatapos ay tumango.

"Sige, come on," I held his hand and walked.

Dinala kami ng mga paa namin sa isang playground sa may likuran ng ospital. Nagulat ako nang higitin ni Dash ang kamay ko palapit sa isang swing. Napangiti ako nang makitang ngumiti siya at kaagad na umupo roon.

"Dito tayo?" tanong ko. He smiled and nodded. "Alright," I answered him.

Luminga ako sa paligid at nagpaalam na aalis at pagbalik ay may dala na akong dalawang cone ng ice cream.

"Here!" Nagulat na napatingin si Dash sa akin at kaagad na tinanggap ang inabot kong cone. He smiled at me at naupo naman ako sa swing sa katabi niya.

"Thanks."

"How did you know that I want vanilla?" Natigilan ako sa sinabi niya at napalingon ako bigla.

"Wild guess?" hirit ko at nakagat ang labi ko.

Naalala ko kasi noon sa probinsya ay kumain kami ng ice cream at naikwento niya sa akin ang tungkol dito.

"You're always good at guesses," he stared at me. Mabilis niyang naubos ang ice cream at wala kaming imikang dalawa.

"I really don't know what will happen to us," aniya kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatulala sa mga bata na naglalaro roon.

"We're really glad she's back," aniya at lumingon sa akin. "B-but we didn't expect it'll be this worst," he sighed.

Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang magkwento. He needs to let this out so I'll listen.

"G-gusto kong magwala kasi hindi niya kami maalala," he murmured. "Ang sakit kasi, sobra. I-I can't see her like that, crying and asking us to set her free," suminghap siya. "I-I can't even imagine what she'd been through for the last three years."

Nagbaba siya ng ulo at ipinikit ang kanyang mata.

"Just be strong, Dash," I motivated him. "Be strong for your family, for your princess." Lumingon siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"I-I can't," umiling siya. "N-natatakot ako, paano kapag hindi niya kami maalala?" his voice broke.

"God won't give you problems kapag hindi mo kayang lagpasan," sabi ko sa kanya. Sumulyap siya sa akin at pagkatapos ay malungkot siyang ngumiti.

"That's what she told me when I was still blind," aniya.

My eyes widened briefly. Humigpit ang hawak ko sa cone.

This mouth will be the death of me!

"Sino?" tanong ko kahit na alam ko na ang sasabihin niya.

"Rheallyn," he told me.

"Tama naman, 'di ba?" tanong ko. He nodded. "Noong hindi ka pa nakakakita. She...She told you that."

"Yes," tumayo siya sa swing at lumapit sa akin. Dumukwang siya sa may harapan ko kaya sumulyap ako sa kanya.

"'Di ba, nalagpasan mo? That's what she's talking about," paliwanag ko. "And now, God gave your family another challenge to face. Alam kong gasgas na ang linyang 'to but I believe everything has a reason and that we will survive this. Better days are coming."

Dinungaw ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa akin. Kinuha niya ang maliit na apa ng natirang ice cream sa kamay ko at kinain kaya natawa ako.

"Dash, akin 'yon!" sita ko. Tumawa naman siya nang mahina at ngumuso.

"Kulang pa, e," reklamo niya.

Napatawa na lang ako at ngumiti siya sa akin. Dinungaw ko siya na nakadukwang sa harapan ko at nagulat ako nang iangat niya ang kamay at may kung anong pinahid sa bibig ko.

"Kalat mo kumain," tukoy niya. Tumalon ang puso ko at napailing sa kanya.

"You can pass this challenge again, Dash," I said gently. "It'll be hard at first, but it'll be bearable as time goes by."

He nodded and smiled sweetly at me. Nakagat ko naman ang labi ko habang nakatingin sa kanya.

"How can you possibly do that?" I asked him.

"Do what?" tanong niya. Inabot niya ang dalawang kamay ko at hinawakan niya ang palad ko.

"You're sad yet naglalambing ka?" I asked him. That made him smile even more.

"I just want some comfort," he answered me. Nagulat ako nang dalhin niya sa labi niya ang kamay ko at matagal na hinalikan.

"C-comfort?" kumabog ang dibdib ko.

"Hmm, I don't know but being with you feels right," mahinang sabi niya at hinaplos ang daliri ko. Iniangat niya ang tingin sa akin at nakita kong nakatitig siya sa labi ko. Nanuyo ang lalamunan ko at napakurap.

"I want to kiss you, Fleureah," aniya sa akin. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko habang sinasabi niya iyon.

"D-Dash," I stuttered.

"Hmm?" He's still staring at my lips. "J-just a taste, please?"

Hindi ako nakasagot at nahigit ko ang hininga ko nang bitiwan niya ang kamay ko at bahagyang tumayo at humawak sa isang hawakan ng swing.

"I want to kiss you," ulit niya.

Nagulat ako at malalim ang paghinga.

What's happening? Why can't I even move? Why can't I just say no?!

Nakahawak ang isang kamay sa swing at nakadukwang sa akin. Tumitig siya sa mata ko at pababa sa labi ko.

"So bad," he whispered and I didn't have enough time to protest when he lowered his head and claimed my lips.

Umawang ang labi ko sa gulat ng ginawa niya pero parang wala siyang pakialam. He held the swing using his one hand and used the other to tilt my head.

He pressed his lips gently, sending me feathery kisses, it was so slow and soft I don't think I can even feel it.

He kissed me slowly yet passionately and I answered him back. Kumuyom ang kamay ko sa hita ko at iniangat ang ulo ko para maabot siya. He kissed me softly and I felt ecstatic. He was gently nibbling my lower lip and caressing my nape.

All my doubts, my inhibitions vanished with just a simple kiss. Mas nadarang lang ako na miski ang katinuan ay wala na sa 'kin.

"Reah," he whispered against my lips. Nagkasalubong ang mata namin at nakita ko ang pagkislap no'n at halos habulin ko ang labi niya nang humiwalay siya.

"Dash," I uttered his name pero natigil nang dampian niya ng halik ang labi ko nang dalawa pang beses.

"I think I can pass these challenges, then?" he whispered huskily, his breathing uneven.

Sinalubong ko naman ang mata niya at nakita ko ang pagngiti niya sa akin. Sobrang lapit pa rin ng mukha niya at hindi pa rin makalma ang puso ko.

"Even kissing you feels right," he whispered and my eyes shut when he gave me a long kiss on my forehead.

Continue Reading

You'll Also Like

63.2K 4.4K 34
Hey Wattpadders, panahon na naman para sa pinakamasayang party rito sa Wattpad! Maki-celebrate sa buong buwan ng Hulyo at ihanda ang sarili upang bal...
3.6M 23K 6
WARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Highest Rank 1: Adventure Highest Rank 1...
7.5M 223K 37
Published Under Bliss Books The Magnate Series #1: "Broken vows is the same as shattered mirrors, leaving those who touched them hurt and bleeding, s...
5.9K 1.5K 55
COMPLETED Erin Cloris Romero, a simple girl with a simple dream-to be halcyon singer, to have her own band. Rustin Hernan Rigor, a humorous guy who l...