Loving The Broken Bastard (Sa...

By LjKizakiri

86.2K 1.2K 8

"Loving him feels like heaven." Henricka Jennylyn Xerxes is an unwanted child of her family. Even though she'... More

Disclaimer.
Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2).
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Epilogue.
Note.

Chapter 20.

1.9K 38 1
By LjKizakiri

Date Published: June 12, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

"Kilala mo ba ang mga Elishda?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napayuko. Hindi siya sumagot kaya hinintay ko siyang magsalita.

"Let's... Let's talk about them tonight, okay?" Tumango ako sa kaniya. Wala naman akong magagawa kung gusto niyang pag-usapan namin ang tungkol diyan mamaya eh.

"Let's talk about that later and I want you to focus more to your work for now," sabi niya pa. Tumango ako at pinagpatuloy na ang trabaho.

•*•*•*•*•*

Break time na at tumayo na ako para makakain sa labas. Wala si Herald ngayon dahil sa pupuntahan niya daw si Sir Alexandrei ngayon dahil sa wasted daw siya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero, nang nakita ko siya kanina ay talagang wasted siya. Parang nakipag-break nga sa kaniya ang girlfriend niya eh.

Naglakad na lang ako palabas ng opisina at pumunta na sa elevator at pumasok doon. Pinindot ko na ang ground floor.

Habang naghihintay makapunta sa floor na pupuntahan ko ay agad kong napatingin sa pintuan ng elevator at nakita ko sila Moni at Kyle na pumasok.

"Henricka, break time din?" Tumango ako kay Kyle.

"Oo... Nagutom na kasi ako kaya bumaba na ako para makakain. Hindi pa nga ako nakapag-paalam kay Herald dahil sa wala siya eh," sagot ko naman.

"Hula ko ay maiintindihan niya naman kaya 'wag kang mag-alala," sagot naman ni Kyle at tumango ako. Tumingin ako kay Moni at ngumiti.

"Hello," bati ko. Nginitian niya lang ako at tumahimik na kami ulit.

"Kumusta ang baking business mo? Nasarapan si mama nang nakain niya 'yong ginawa mong cake," komento ni Kyle.

"Ayos lang naman at nakapag-patayo na din ako ng sarili kong store para p'wede na silang pumunta doon at kumain pero, open pa din kami for online delivery," sagot ko naman.

"Wow! Ang galing ah! Gusto kasi ni mama ulit na magpa-order. Mayro'n naman kayong social media, 'di ba?" Tumango ako.

"Mayro'n kami at ang pangalan ay Henricka's Café. Nasa page na din namin ang mga contact numbers, email, at ang address kung nasaan ang mga café namin," sagot ko.

"Sabihan ko si mama mamaya at ili-libre ko siya," pag-deklara niya. Natuwa ako sa kaniya dahil sa ramdam kong gustong-gusto ng mommy niya ang nakain niyang cake.

"Sama ka sa 'ming kumain?" pag-aya ni Moni sa 'kin. Napa-isip ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko 'yon.

From: Nebby
Miss, nandito po ako sa isang kainan na nasa tapat ng kompanya ng mga San Marquez. May gusto lang po akong sabihin sa inyo.

'Yan ang nakalagay sa text ni Nebby kaya naman nag-reply ako sa kaniya na papunta na ako.

"Pasensya na pero, hindi ako p'wede. May kikitain ako eh. Pero salamat sa pag-invite," sagot ko naman.

"Kumusta pala 'yong handwriting?" tanong ni Kyle.

"Ayos lang naman at pina-imbestiga na namin ni Herald. Hihintayin na lang 'yong resulta ng imbestigasyon," sagot ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Sana naman kung sino man 'yan ay mahuli na siya para hindi ka na masiraan pa," saad niya.

"Sana nga lang, Kyle. Pati din kasi ako ay medyo naiinip na din pero, wala namang magagawa kundi ang maghintay," saad ko naman.

Tumunog na ang elevator at bumukas ang pintuan kaya naman naglakad na kami palabas at naglakad palapit sa lobby.

"Ingat kayong dalawa sa date niyo," sabi ko. Natuwa na lang si Kyle at napa-iling.

"Friendly date 'to, Henricka. 'Wag mo ngang bigyan ng malisya, sira-ulo ka talaga," komento ni Kyle kaya natawa na lang din ako.

Humiwalay na ako sa kanila para puntahan na si Nebby mula sa isang kainan na malapit dito sa kompanya.

•*•*•*•*•*

Nahanap na ko sa Nebby at nandito siya sa restaurant na namana ko mula kay tito. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa bakanteng upuan.

"Anong nangyari? May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Dumating ding ang waiter at hinain ang mga in-order ni Nebby saka, umalis na.

"Miss, tignan niyo po 'to." Kinuha ko 'yong binigyan niya at tinignan 'yon. Litrato 'yon ni Thea at may hawak siyang suit case.

Mayro'n ding limang tao na nasa harap niya - tatlong babae at dalawang lalaki. Hindi ko kilala kung sino sila pero, base sa nakikita ko ay parang mga hindi sila masarap kasama.

"Sino ang kausap ni Thea?" tanong ko.

"Isang sindikato po 'yan, miss. Sindikato na nangingidnap ng mga bata at ibe-benta ang mga laman loob nito." Agad akong nabilaukan sa tubig na iniinom ko nang narinig ko ang sinagot niya.

"Ano? Bakit naman makikipag-usap si Thea sa mga taong 'yan?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Malaki ang bentahan ng mga laman loob sa underground, miss. Bawat laman loob ay p'wedeng maibenta ng mga isang milyon pataas depende sa laki at dami nito," sagot niya.

"P'wede din kasi nila ipambili ng drugs at i-benta din 'yon. Base sa impormasyon na nakuha namin mula sa imbestigasyon ay nagbe-benta na ng mga drugs ang magulang mo para mas kumita pa."

"Saka, dahil din doon ay nakakakuha din sila ng mga proteksyon mula sa mga mayayaman at maimpluwensyang tao," pag-kuwento niya.

"May panlaban ka din sa kanila, miss. Marami ka ding kakamping mayayaman at maimpluwensyang tao pero, nasa sa 'yo na kung hihingi ka ng tulong sa kanila o hindi," paalala niya.

"Kasama ba sila Tito Vaughn diyan?" Tumango siya sa 'kin. Huminga ako ng malalim at napa-isip ako sinabi niya.

Ang gusto ko lang naman ay protektahan ang mga gusto kong protektahan. As in, lahat - mas lalo na ang mga negosyong namana ko mula kay tito.

"Po-protektahan lang naman, 'di ba?" Tumango siya sa 'kin ulit at napatango na lang ako.

"Sige. Hihingi tayo ng tulong para ma-protektahan ang lahat ng kailangan nating protektahan. Basta siguraduhin lang na walang masasaktan mula sa 'tin," saad ko.

"Opo, miss. Naiintindihan ko," sagot niya.

"Wala naman tayong ginagawa sa undergroud, 'di ba? O mayro'n din nang hindi ko alam?" tanong ko sa kaniya.

"Sa totoo lang ay mayro'n, miss. 'Yon ay ang bantayan ang kilos ng lahat mas lalo na ang mga kalaban," sagot niya.

"Sige, basta siguraduhin lang ligtas ang lahat ng nandoon. Ayokong may masasaktan o mamamatay sa inyo kahit isa lang 'yan," paalala ko.

"Naiintindihan ko, miss," sagot niya. Ngumiti siya sa 'kin at huminga ako ng malalim.

"Ito lang ba ang pag-uusapan natin ngayon?" tanong ko.

"Hindi po, miss. Gusto ko ding sabihin sa inyo ang tungkol sa mga negosyo niyo," sagot niya.

"Ang negosyo niyo po, miss ay talagang kumita na ng madaming pera mas lalo na po ang café niyo. Madaming nagpapa-order through online at pinupuntahan din ang mismong gusali," paninimula niya.

"Ang sabi nga po ng ibang empleyado ay mas maganda kung mag-expand na daw po kayo sa ibang lugar dahil sa madami nang dumadayo doon nula sa mga malalayong lugar."

"Pati din po ang ga deliveryman ay sinasabi na din na pati din sila ay dumadayo na din sa ibang lugar at may ibang lugar na hindi nila alam kung saan banda," pag-balita niya.

"Sige. Naiintindihan ko. Magpapatayo tayo sa mga mall na pinagmamay-ari natin para mas dagsain pa siya ng mga tao at para hindi na din sila dayuhin ng mga malalayong customer," sagot ko.

"Paano po ang delivery? Kasi 'di ba, may ibang delivery companies ang kumukuha ng delivery pero, hindi naman po sa 'tin?" tanong niya.

"Hindi tayo mago-open para sa mga delivery companies na 'yan para hindi lugi ang sarili nating deliverymen. At saka, gagawa din tayo ng sarili nating app para mas madali sa delivery," saad ko.

"Sige po, miss. Sasabihan ko ang ibang mga nasa IT natin para makagawa sila ng mga app para sa café," sagot niya.

"Tungkol naman po sa ibang negosyo, dinadayo din sila ng mga customers at maganda ang mga reviews nito sa lahat. Wala pa naman akong natatanggap na bad reviews o problema mula sa lahat," pag-balita niya.

"Okay po. Masaya akong malaman 'yan at siguraduhin po na walang maninira sa mga negosyo at walang makakalapit doon mas lalo na sila daddy," sabi ko.

"Masusunod po, miss. Sisiguraduhin kong walang makakalusot mula sa bantay natin," sabi niya. Tumango ako at kumain na kami ulit.

••••• END OF CHAPTER 20. •••••

Continue Reading

You'll Also Like

352K 7.3K 57
Sofia Angeline Tan is a girl who would do everything just to please her loved ones. She's even willing to hurt the one who makes her happy for the s...
60.7K 2.4K 32
Ace Verdect Ventura | Kyline Mendoza Ace Verdect Ventura is a rich, handsome and charismatic guy, that any woman would fall for him, but he's a playb...
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
511K 11.1K 38
Elysian Corrins (1) In an ocean crowd where everyone waiting for the King to choose them as his Queen, there this woman who stand out and for the ver...