Dating My Sister's Idol (The...

By jglaiza

1.9M 46.6K 3K

The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siy... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Nine
Fifty
Epilogue
Special Chapter

Forty-Eight

34.3K 804 26
By jglaiza

Chapter 48
Issue

**

A few days after we visited Zyrine at their pastry shop, I called my parents using my number to tell them everything that happened to me these past few days. Sinabi ko sa kanila ang naging pagkikita naming muli ni Hero pati na rin ang pag-aayos naming dalawa.

They were both happy when I told them that we'll be going home with Hero soon. They were excited to finally see the twins in person. Kadalasan kasi ay sa video call lang nila sila nakikita.

After talking to them, ang mga kaibigan ko naman ang tinawagan ko using Skype. Isinama ko na rin si Aries para hindi ko na kailangang magpaliwanag ng ilang beses.

Speaking of Aries, naalala kong nagkatampuhan kami noong umalis ako dahil sa kanya lang ako hindi nakapagpaalam sa personal. Dalawang buwan niya rin akong hindi pinansin noon at dalawang buwan ko ring sinubukang humingi ng tawad sa kanya. Mabuti na lang at naging okay rin naman kami.

"Oh my gosh! Really? So, okay na talaga kayo ngayon?" tanong ni Saff matapos kong ikwento sa kanila ang mga nangyari sa amin ni Hero nitong mga huling araw.

Tumango ako. "Yes."

"And all this time, you were in Cebu? Mabuti pala at nagkaroon ng mall shows si Hero riyan," sabi ni Aries.

"So, what are your plans now? Nag-usap na ba kayo ni Hero tungkol sa mga plano niyo?" tanong ni Eunice.

Tumango ako. "Yep. We're planning to go back to Manila after his appearance in Famoso's concert. Sabi ni Hero, baka raw Sunday or Monday. I need to ask him again later."

"Finally! Makikita na rin namin ang kambal sa personal. And we really miss you, Sis. Pag-uwi mo rito, dapat mag-bonding tayo without our children and husband," excited na sabi ni Saff.

"Oo nga. You can come with us, Aries. Hindi ka naman na iba sa amin," yaya ni Eunice.

"Oh, sure! Wala naman akong ibang poproblemahin dahil single ako and obviously, I don't have kids. I'll certainly go. Hmm... bar tayo?"

"Ay sige, go! Gusto ko iyan," excited na sabi ni Saff.

Agad akong umalma. "No. I'm still breastfeeding. Bawal ako roon."

"Bawal din ako. It's bad for my health. Saka hindi ako pwedeng magpuyat," sagot ni Eunice. Maya-maya ay napangisi siya. "Girls, I'm two weeks pregnant."

Napasinghap ako nang marinig ang sinabi niya. Parehas namang napanganga sina Aries at Saff.

"Oh my! Congratulations, Eunice! Sa wakas, masusundan na si Natalie. Ang tagal din bago niyo siya sinundan, huh? Natalie's already four, right?" I asked.

Tumango siya. "Yes. Actually, five years old pa dapat namin siya susundan kaso hindi na yata nakapaghintay si Niel."

"Jusko! Isang taon na lang ang hihintayin, hindi pa nakapaghintay. Anyway, congratulations! Malaki na rin naman si Natalie kaya okay lang iyan," sabi ni Saff.

"Of course! It's still a blessing. Masaya nga ako dahil madadagdagan na naman ang pamilya namin," nakangiting sagot ni Eunice.

"Congratulations!" bati ni Aries sa kanya.

Nagkwentuhan pa muna kami ng kung ano-ano bago ako nagpaalam sa kanila. Kanina ko pa kasi napapansing tahimik na ang tatlo sa sala. Iniwan ko kasi sila roon kanina dahil kinailangan ko ngang kausapin ang parents ko at ang mga kaibigan ko.

Paglabas ko sa kwarto ay nakita kong tulog na si Hero at ang kambal sa kutson na inilatag ko roon kanina. Napangiti ako sa nakita kong ayos nila. Nakadapa sa ibabaw ni Hero si Jace habang natutulog samantalang si Jude naman ay nasa tabi niya.

Inilabas ko ang cellphone ko para kuhanan sila ng picture. I took a lot of pictures of them. I even use one picture as my phone wallpaper.

Pagkatapos ko silang kuhanan ng picture ay nagpasya muna akong lumabas para magdilig ng halaman. Paglabas ko ay sakto namang mukhang paalis si Zeus. Napangiti siya nang makita ako.

"Hi," bati niya saka kumaway. Ngumiti rin ako saka lumapit sa kanya.

"Hello. Saan ang punta mo?"

"Sa pastry shop," sagot niya. "You look happy. Ngayon lang kita nakitang ganyan. Napapasaya ka talaga niya, 'no?"

Nawala ang ngiti sa mukha ko nang sabihin niya iyon. Now that he mentioned it, I think I need to talk to Zeus about his feelings for me. Alam kong ilang beses ko nang sinabi na hinding-hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya para sa akin pero sa tingin ko ay kailangan ko pa rin siyang kausapin. We need to have closure. Para rin hindi na talaga siya umasa sa akin.

"I'm sorry, Zeus. Mahal ko talaga siya, eh."

Tumango siya. "I know. Ako lang naman itong mapilit kahit na ilang beses mo nang sinabi na wala akong pag-asa sa'yo. Umaasa kasi ako na makakalimutan mo siya. But I was wrong. You still love him. And now, you're happy with him."

"I'm really sorry, Zeus. I'm sorry for hurting you. Hindi ko gustong saktan ka."

He smiled. "I know. You don't have to apologize, Bree. Ako ang nagdesisyong mahalin ka at wala kang kasalanan doon. Don't worry about me. I'm okay. As long as you're happy, I'll be okay."

Napangiti na rin ako. "I am very happy, Zeus."

"Sabihin mo lang sa akin kapag sinaktan ka niya. Aagawin talaga kita sa kanya," natatawa niyang sabi.

"I'm sure Hero won't do that. But thanks anyway," I said. "And by the way, baka matagal pa ulit bago tayo magkita. Nagbabalak na kasi kaming umuwi sa Manila pagkatapos ng schedules niya rito sa Cebu."

Nawala ang ngiti sa mukha niya nang sabihin ko iyon. Alam kong hindi niya nagustuhan ang narinig niya. Kahit papaano naman, nalulungkot din ako dahil hindi ko na sila makikita ni Zyrine. Pero ano nga bang magagawa ko? Hindi naman kami pwedeng manatili rito dahil nasa Manila ang pamilya ko at doon din ang trabaho ni Hero.

"Thank you for everything, Zeus. Salamat sa inyong dalawa ni Zyrine. Dahil sa inyo kaya maayos kami ng kambal ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong kabutihan niyo sa amin," sabi ko.

Ngumiti siya nang tipid. "Mukhang matagal ko na nga ulit kayong makikita. We'll still remain as friends, right?"

"Oo naman. Kahit na magkakalayo tayo, kaibigan pa rin ang turing ko sa inyo ni Zyrine."

Tumango siya. "So... can I at least hug you one last time?"

Napangiti ako sa tanong niyang iyon. Ako na mismo ang lumapit sa kanya para yakapin siya. Kahit papaano, mami-miss ko rin siya pati na rin si Zyrine.

"Be happy, Zeus. I'm sure you'll find someone who can love you the way you love me. Ipagdadasal ko na mahanap mo na 'yong babaeng para sa'yo," sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"I'm sure I'll find her soon," he replied.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na rin siya para umalis. Sinabi ko sa kanya na balak ko ring kausapin si Zyrine siguro mamaya o bukas tungkol sa plano namin ni Hero. Pagkaalis niya ay itinuloy ko na ang balak kong magdilig ng mga halaman.

Pagkatapos ko namang magdilig ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Tulog pa rin ang tatlo. Humiga ako sa tabi ni Hero saka ko siya niyakap. Nang gawin ko iyon ay bigla naman siyang gumalaw. Mukhang nagising ko yata siya.

Nilingon niya ako. Ngumiti siya habang namumungay ang mga mata. Bumaling siya kay Jace na nasa ibabaw niya. Nagulat ako nang dahan-dahan siyang bumangon saka pinahiga si Jace sa kabilang gilid ni Jude. Pagkatapos no'n ay humiga ulit siya saka humarap sa akin.

He pulled me closer to him and kissed me. I kissed him back while caressing his hair. Nang maramdaman kong mas pinapalalim pa niya ang halik ay agad na akong tumigil.

"Hero," I warned him.

Napangisi siya. "We're not going to do anything, baby. Nasa likod ko lang ang kambal. Gusto ko lang maglambing sa'yo."

Pagkasabi niya no'n ay mas lalo niya akong niyakap at hinila palapit sa kanya. Dikit na dikit na kami ngayon sa isa't isa at ramdam na ramdam ko na ang init ng katawan niya. Naaamoy ko na rin ang bango niya. Niyakap ko siya sa leeg nang isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

"You smell so damn good," he said.

"Ikaw rin. Ganito na lang tayo forever," natatawa kong sabi.

Tiningala niya ako saka siya umangat ng kaunti para pantayan ang mukha ko. Hinalikan na naman niya ako ng isang beses. Hanggang sa sinundan niya pa ng isa... ng isa pa... ng isa pa. Natawa na lang ako sa ginagawa niya.

"I just want to kiss you forever," he said before kissing me. This time, mas matagal. Pagkatapos ng halik ay tinitigan ko siya.

"I love you, Hero."

He smiled. "I love you more, baby. I am so in love with you."

Kinabukasan, bandang alas diyes ng umaga nang umalis si Hero. It's the weekend. Mamayang gabi na ang concert ng Famoso kung saan special guest siya. Kaya siya umalis ng maaga ay dahil may last rehearsal daw mamaya.

Dahil nag-aalala siyang wala akong kasama sa pag-aalaga sa kambal, pinakiusapan niya si Ate Leona para samahan ako. Okay lang naman daw kahit hindi na siya sumama dahil may iba pang stylists doon. Sa huli, si Kuya Kevin lang ang kasama niyang umalis.

"Ang sarap panggigilan ng kambal niyo, Bree. Ang cute-cute!" sabi ni Ate Leona habang nilalaro ang kambal sa kama. Kasalukuyan ko namang itinutupi ang mga damit nila para maihanda sa pag-uwi namin sa Manila.

Ngumiti lang ako nang makita kong pinanggigilan niya sila ng halik. Tawa naman nang tawa ang dalawa. Maya-maya ay napabuntong-hininga si Ate Leona.

"Parang gusto ko na rin tuloy magkaanak," aniya. Bigla tuloy akong na-curious tungkol sa lovelife niya.

"Ate, may boyfriend ka na ba?" tanong ko.

"Meron naman pero nasa Manila siya ngayon. He's a restaurant owner."

Napatango-tango ako. "Wala pa ba kayong balak na mag-settle down?"

"Kahit naman gusto ko o gusto niya, hindi pa naman pwede. Ayaw pa kasi ni Kuya. Gusto niya, saka lang ako mag-asawa kapag nakapag-asawa na siya. Eh, kailan naman kaya iyon? Ni wala nga siyang girlfriend ngayon," naiinis niyang sabi.

Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa sinabi niya. Mukhang matatagalan pa nga bago mag-asawa si Ate Leona. But I think she should talk to Kuya Kevin. Hindi naman siguro seryoso si Kuya Kevin sa sinabi niyang dapat mauna siyang mag-asawa, 'di ba?

Malapit nang mag-alas diyes ng gabi nang makauwi si Hero. Tulog na ang kambal at ako na lang ang gising sa mga oras na ito. Hinintay ko talaga siyang dumating para sabay na kaming matulog.

Nag-shower lang siya at nagpalit ng damit bago kami matulog. Mula nang magkaayos kami ay naglatag na lang kami ng kutson sa sahig ng kwarto para magkatabi kaming matulog. Sa kama naman natutulog ang kambal.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone. Na-realize kong hindi sa akin iyon dahil iba ang ringtone ko. Gumalaw si Hero para sagutin iyon.

"Hello?" dinig kong sabi niya gamit ang inaantok na boses. Nanatili naman akong nakapikit.

Nagulat ako nang bigla siyang bumangon. Napadilat ako at nakita ko agad ang pagkabalisa niya. Dahil doon ay napabangon na rin ako. Agad niyang ibinaba ang tawag saka may kung anong tiningnan sa cellphone niya.

"Hero, what is it? May problema ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. May kung anong binabasa siya sa cellphone niya na hindi ko alam kung ano. Maya-maya ay napamura siya nang mahina.

"Shit."

Napakunot-noo ako. Binitiwan niya ang cellphone niya saka siya napapikit. He looks frustrated. Kinuha ko ang cellphone niya para tingnan kung ano bang mayroon.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mabasa ang article na naroon at nang makita ang picture na kasama nito. It was a picture of us... with the twins. Pilit kong inaalala kung saan pwedeng nakuha ng kung sino ang picture na iyon. Saka ko na-realize na ang lugar na nasa picture ay ang pastry shop ni Zyrine.

Shit! May nakakita siguro sa amin noong nagpunta kami roon! Pero sa pagkakaalam ko, three days ago pa mula nang huli kaming pumunta roon. Himala na ngayon lang lumabas ang picture na iyon.

But that's not the issue here. Nakasulat kasi sa article na naghihinala ang lahat kung may anak na ba si Hero na itinatago. Nang mabasa ko ang mga comments ay napansin kong mayroon ding curious tungkol sa relasyon naming dalawa. Of course, ang alam nila noon ay hiwalay na kami. Some of them are wondering if we're back together.

Napatigil ako sa pagbabasa ng comments nang biglang kunin ni Hero ang cellphone sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Don't worry. I'll fix this, okay? I'll protect the three of you. Walang pwedeng manakit sa inyo," aniya bago ako hinila at niyakap.

Tumango ako at ngumiti. May tiwala ako kay Hero. Alam kong hinding-hindi niya kami pababayaan. Matatapos din ito. Everything will be alright.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.8M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
2M 58.4K 45
(Finished) How can an accidental pregnancy change the lives of two teenage parents, Connor and Maddison?
443K 21.9K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022