Loving The Broken Bastard (Sa...

By LjKizakiri

85.5K 1.2K 8

"Loving him feels like heaven." Henricka Jennylyn Xerxes is an unwanted child of her family. Even though she'... More

Disclaimer.
Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2).
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Epilogue.
Note.

Chapter 10.

2.3K 33 0
By LjKizakiri

Date Published: June 3, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

HENRICKA

'Paano ko kaya sasabihin 'to kay Sir Herald?' tanong ko sa isip ko.

"Kilala mo ba ang mga San Marquez?" tanong ko.

"Opo, miss. Kaibigan sila ng mga kamag-anak mo pero, hindi ang mga magulang mo," sagot niya. Napatango na lang ako.

"Nagta-trabaho kasi ako sa isa sa kanila kaso, hindi ko naman kayang iwan ang pagiging sekretarya ko dahil sa napamahal na ako sa trabaho ko mismo," komento ko.

"Ayos lang naman po 'yon, miss. Kami na po ang bahala sa lahat ng business. Sabihan ka na lang po namin - mga lima naman po kaming mga sekretarya mo." Nanlaki ang mga mata ko.

"Po? Bakit gano'n? Ang dami?" gulat kong tanong.

"Madami kasing business na dapat i-handle kaya madaming sekretarya din. Lahat kami ay may kaniya-kaniyang handle kaya 'wag ka na pong mag-alala pa," sagot niya.

"Ibibigay niyo na lang po sa 'kin ang report?" Tumango siya.

"Paano po 'yong mga meeting?" tanong ko naman.

"Sasabihan ka na lang po namin kapag kailangan ka na talaga pero, hangga't hindi pa ay kami na muna ang a-attend para sa 'yo," sagot niya.

Napatango na lang ako at naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin. Payag ako sa plano niya hangga't hindi pa ako gano'n kaalam tungkol dito.

"Bukas po pala ay aalis ako. Nay trabaho po ako kaya maaga akong aalis," paalam ko.

"Sige po, miss. Ako na ang bahala sa lahat. Sa kabilang unit lang ako nakatira para lang makasiguro na ligtas ka," sagot niya.

"Salamat po," sagot ko. Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa para mas matuto pa ako tungkol sa lahst ng mga hina-handle ni tito na business na pinamana niya sa 'kin.

~ NEXT DAY ~

Nandito na ako sa opisina ni Sir Herald at nasa harap ko na siya mismo. Hindi ko alam kung ano mayro'n pero, ang seryoso niya ngayon.

"Henricka, there's something that you need to know," paninimula niya. Agad bumilis ang tibok ng puso ko dahil feeling ko ay tanggal na ako sa trabaho.

"I have no idea if you knew but, alam mo naman na magka-away ang pamilya natin, 'di ba?" Tumango ako.

"May kamag-anak ka na kaibigan ng pamilya ko..." Wait... 'Wag mong sabihin na alam niya ang tungkol sa pinama sa 'kin?

"Alam niyo po 'yong tungkol sa pinamana sa 'kin ni tito?" tanong ko. Agad kumunot ang noo niya at tumango.

"So, Mr. Garcia already told you the truth?" Tumango ako.

"Nakilala ko po siya kahapon. Medyo natakot pa nga po ako dahil sa baka tauhan siya ni daddy eh," pag-kuwento ko.

"So, if that's the case then, you already know that I'll be training you para ma-handle mo ng tama ang mga business ng tito mo." Agad kumunot ang noo ko.

"Po? Training? Wala siyang sinabi tungkol diyan sa 'kin kahapon," sabi ko naman. Natawa siya ng onti at napa-iling na lang.

"Don't worry, marami kang matutunan pagdating sa 'kin, Henricka. Kaya kung may tanong ka ay tanungin mo lang ako at ako na ang bahala sa 'yo," paniniguro niya.

"O-Okay po, sir. Naiintindihan ko," nakangiting sagot ko. Inumpisahan na namin agad ang trabaho para sa araw na 'yon at tinuruan niya na din ako.

•*•*•*•*•*

Alas-dos na ng tanghali at naka-upo ako ngayon sa pwesto ko. Kinuha ko na ang baunan ko at nilapag 'yon sa lamesa.

Nakapag-luto kasi ako kanina bago umalis at tinulungan ako ni Nebby kaya nakagawa ako. Ang niluto ko ay adobo at kain saka, Orange Shortbread Cookies.

Marami akong nagawang Orange Shortbread Cookies dahil gusto kong bigyan si Kyle kasi naging mabait siyang kaibigan sa 'kin at lagi niya din akong nili-libre sa tuwing nakain kami sa labas

"Hmm... Mukhang masarap 'yan ah?" komento ni sir.

"Gusto niyo po ba ng cookies, sir? Mayro'n po skong sobra dito," sabi ko. Natuwa siya at tumango.

"Sure. Please, give me some para matikman ko naman. Tulad ng sinabi ko noon, gusto kitang tulungan," sagot niya.

Binigay ko sa kaniya ang ziplock na may laman na sibrang cookies at tinanggap naman niya 'yon.

"Thank you. See you later, okay?" Tumango ako sa kaniya at naglakad na siya palabas ng opisina. Kumain na din ako para mapuntahan na si Kyle mamaya para maibigay na ang cookies.

•*•*•*•*•*

Pagkatapos kumain ay nandito sko sa department ni Kyle at agad ko siyang nakita na may kausap na ka-trabaho at ayokong maistorbo siya.

'Paano ko kaya maibibigay sa kaniya 'to?' tanong ko sa isip ko.

"Henricka? Anong ginagawa mo dito? May inutos ba si Sir Herald?" tanong ni Kyle nang napansin niya ako. Naglakad siya palapit sa 'kin.

"Ahmm... Hindi. Nandito ako para ibigay 'to sa 'yo bilang 'thank you' kasi lagi mo akong nili-libre sa tuwing sabay tayong nakain," sabi ko.

Inabot ko sa kaniya ang ziplock na may mga cookies at tinanggap niya 'yon. Napangiti siya at natuwa.

"Salamat sa cookies, Henricka. Saka, hindi mo naman kailangang gawin 'to para hindi ka na mapagod," sabi niya.

"Okay lang naman sa 'kin 'yan. Gusto ko lang talagang gawin 'yan para makapag-pasalamat sa 'yo. Kaya una na ako bago pa ako mahuli sa trabaho," paalam ko.

Tumango siya at naglakad na ako paalis nula sa department nila at bumalik na sa opisina ni sir.

THIRD PERSON

Pagka-alis ni Henricka ay agad napangiti si Kyle at bumalik sa pwesto niya. Tumingin sa kaniya ang kausap niya kanina.

"Ano 'yan? Saka, bakit ka niya binigyan?" tanong nito.

"Thank you daw sa pag-libre ko sa kaniya sa tueing sabay kaming nakain. Ginusto ko namang i-libre siya kaya hindi niya naman kailangang gawin 'to," sagot ni Kyle.

"Type mo ba siya?" tanong naman ng kaibigan ni Kyle.

"Nagse-selos ka ba, Moni?" pang-aasar ni Kyle. Agad siyang tinaasan ng kilay ni Moni at agad natawa si Kyle dahil sa reaksyon nito.

"Joke lang naman, Moni. Type ko siya kaso, mas gusto kong maging magkaibigan na lang kami dahil sa mas gusto ko 'yon," sabi ni Kyle.

"Okay..." Umalis na si Moni. Napa-iling na lang si Kyle dahil sa reaksyon ni Moni at kumain na lang si Kyle ng cookies.

•*•*•*•*•*

Dito sa kompanya na pinagmamay-ari ng mga magulang ni Henricka ay nasa loob ng meeting room para pag-usapan ang problema.

"Talagang pinalitan ni Henricka ang number niya para hindi natin siya ma-contact at ma-locate," komento ni Mr. Xerxes.

"Hula ko ay ginawa niya 'yon para hindi natin makuha ang pamana na 'yon. Aangkinin niya 'yon at hindi tayo hahatian," sabi naman ni Mrs. Xerxes.

"Ano na po ang balak niyo, mommy? Dapat niyang pagbayaran ang hindi niya pagtulong sa 'kin," galit na tanong ni Thea.

"Hindi natin siya titigilan hangga't hindi natin nakukuha ang dapat atin," sagot ni Mr. Xerxes. Tumahimik na silang tatlo para makapag-isip ng iba pang plano.

•*•*•*•*•*

Nandito si Nebby sa loob ng opisina sa H.X. Company habang hina-handle ito dahil sa hindi pa handa si Henricka.

Mayro'ng tatlong lalaki sa harap niya at naka-upo ang mga ito sa sofa habang nakatingin sa laptop nila.

"So far, wala pa namang nagma-masid sa condo ni Miss Henricka kaya hula ko ay hindi pa nila alam ang tungkol sa bagong tahanan niya," komento ng isang lalaki.

"Mabuti naman kung gano'n. Ngayon na nasa kaniya na talaga ang lahat, kailangan nating makasiguro na walang mangyayari kay Miss Henricka bilang pangako kay Mr. Hariko," sabi ni Nebby.

"Mamaya ay pupunta ka sa kaniya, Lay. Magpapakilala ka sa kaniya at sabihin mo na pinadala kita para mai-uwi siya ng ligtas," sabi pa ni Nebby,

"Nalaman ko din kasi kahapon na balak siyang i-uwi ng sapilitan ng mga magulang niya at nakatakas lang siya dahil sa masama na ang kutob niya," dugtong niya pa.

"Kung gano'n, parang naka-amoy na ata ang mga magulang niya tungkol dito. Magiging mas masama ata ang lahat para sa kaniya," komento ng isa pang lalaki.

"Sa tingin mo ba ay pagkakatiwalaan niya agad ako 'pag nagpakilala lang ako?" tanong naman ni Lay.

"Sige. I-text ko na lang siya kasi baka hindi ka din pagkatiwalaan tulad ng ginawa niya kahapon sa 'kin," komento ni Nebby.

"Mabuti na lang at mabait ang mga kaibigan niya," dugtong niya pa.

"Nick, sama ka sa 'kin mamaya. Para naman mas makasiguro na ligtas siya. Baka kapag ako lang ay may makalusot eh," komento ni Lay.

"Sure. Tulungan kita na protektahan ang heiress. 'Wag kang mag-alala," pagsang-ayon naman ni Nick.

"Carilo, ikaw na ang bahala sa mga security cameras. Buti na lang at pinayagan tayo ng mga San Marquex na gawin 'to," sabi naman ni Nebby.

"Alam na ba ng Heiress ang tungkol sa 'tin?" tanong naman ni Nick.

"Hindi. Ayokong sabihin sa kaniya kasi baka matakot siya saka, mas magiging ligtas siya kung hindi na niya muna malalaman ang tungkol sa 'tin," sagot ni Nebby.

"Sa bagay. May point ka diyan. Mas maganda nga kung hindi niya malalaman na muna ang tungkol sa 'tin," pagsang-ayon ni Nick.

"Bantayan na lang siya at alamin ang tungkol sa mga plano ng mga magulang niya," sabi naman ni Carilo.

"Mukhang may plano na naman nga sila eh. Kaya kailangang maging handa sa kanila," komento naman ni Lay.

"Mamaya ko na ite-text si Miss Henricka. Baka kasi nasa trabaho o training pa siya at ayoko namang maka-istorbo," sabi ni Nebby.

"Sige. Sa ngayon, ipagpatuloy na muna natin ang mga trabaho," sabi ni Lay. Tumahimik na sila at pinagpatuloy ang trabaho.

HENRICKA

Tapos na ang pagte-training sa 'kin si Sir Herald at madami akong natutunan sa kaniya. Napa-upo ako sa upuan sa sobrang pagod.

"Alam ba nila Sir Alexandrei ang tungkol dito? Ayoko namang isipin nila na ginagamit kita," sabi ko.

"They know about this. Don't worry, they approve this dahil sa kaibigan nila ang tito at tita mo," sagot niya.

"And besides, I'm not going to do this if they didn't know, right?" Napa-isip ako sa sinabi niya at napatango.

May point siya doon at alam kong kahit gusto niya ay hindi niya gagawin 'to kung hindi nga nila alam ang tungkol dito.

"P'wede bang maglagay tayo ng schedule? I mean, ayoko namang i-train mo lang ako lagi kahit na secretary mo pa din ako," sabi ko naman.

"Of course, we can do that. Your work as my secretary will be every Monday to Wednesday. Thursday, Friday, and Sunday will be your training as the heiress of your relatives' businesses," sagot niya.

"Saturday will be your day-off. That will be my day-off also," dugtong niya pa. Napatango ako at ngumiti.

"Thank you talaga sa lahat, sir. Kung may kailangan ka ay magsalita ka lang at tutulungan kita," saad ko naman.

Naglakad siya palapit sa 'kin at agad bumilis ang tibok ng puso ko nang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Really?" bulong niya habang nakangiti. Hinawakan niya ako sa pisnge ko at mas bumilis pa ang tibok ng puso ko.

"I-Iba ata ang nasa isip mo," bulong ko. Kinakabahan na ako ng todo mula sa pwesto ko dahil sa kaniya.

"Really? Then, what do you think that I am thinking right now?" tanong niya. Mas nilapit niya pa ang mukha niya sa 'kin.

"A-Ano ba? 'Wag mo nga akong asarin." Agad kong tinulak ang swivel chair na inuupuan ko at agad siyang natawa ng malakas.

"I'm just teasing you. Just like what I've said before, I can be your friend, remember?" Tumango ako sa kaniya.

"Kalimutan mo na lang 'yong gabing 'yon," bulong ko naman.

"Nope. Hindi ko kakalimutan 'yon. Hindi man natin sinasadiya ang gabing 'yon pero, we did it. I'll take care of you," sagot niya.

Agad akong napatingin sa direksyon niya dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na masasabi niya 'yon.

"Magpahinga ka na muna diyan at mamaya na natin ituloy ang training mo," sabi niya. Tumango na lang ako at tumingin sa cellphone ko.

Nakita kong nag-text si Nebby at sabi niya ay may susundo sa 'kin mamaya para lang makasiguro na ligtas ako.

May binigay din siyang litrato sa 'kin ng dalawang lalaki na sinasabi niyang susundo sa 'kin mamaya pag-uwi.

"Sir, tanong lang. Ano pa po ba ang alam mo tungkol sa pamilya ko nang hindi ko alam?" tanong ko.

Feeling ko talaga ay parang hindi ko na kilala ang sarili ko at ang pamilya ko dahil sa mga nalalaman ko ngayon.

"To be honest? I know a lot about your family other than you know your family though," sagot niya.

"Magka-away ang pamilya mo at pamilya ko pero, magkaibigan naman ng mga kamag-anak mo ang pamilya ko," sabi niya.

"Gano'n ba kasama ang mga magulang ko?" tanong ko. Napatingin ako sa kaniya at tumango siya sa 'kin.

"Masyado kasing sakim sa pera ang magulang mo kaya hindi sila tinulungan ng mga kamag-anak niyo," sagot niya.

"Pero, dahil sa bagong panganak ka pa lang n'on ay naisip nila na baka iba ka kaya sa 'yo nila pinamana ang mga ari-arian nila," dugtong niya.

"Paano naman si Thea?" Napakibit-balikat na lang siya.

"I don't know, to be honest. Nang tinanong ko sila tita tungkol diyan ay sabi lang nila sa 'kin ay 'wag ko nang alamin," sagot niya.

"Okay. Thank you." Ngumiti siya at tumahimik na ulit kaming dalawa para makapag-pahinga na muna bago mag-training ulit.

•••••• END OF CHAPTER 10. •••••

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
206K 2.5K 17
Past Came Back &&& (Edited . 2023)
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
456K 13.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.