Blind Love

By heartlessnostalgia

12M 359K 150K

Sandejas Siblings Second Installment: (2023 Edition) D A S H "Because it's not about the eyes that can see, i... More

Sandejas Siblings #2: Blind Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
BL Special Chapter
Rumor: Uto-uto si Dash-beybe
Blind Love Selfpub Reprint

Kabanata 13

260K 9.3K 6.2K
By heartlessnostalgia

Kabanata 13

I thought looking at them at that state was the worst thing I'll encounter today but I was wrong, mas nanghina pa ako nang makitang palapit sa may pwesto ko sina Dash at Rheallyn, sa pwesto sa may tabi ko. Nakita ko ang paghawak ni Dash nang marahan sa siko ni Rhea at ipinag-angat ito ng upuan.

"Thanks, babe," ani Rheallyn na may malambing ngiti sa labi.

If this is another case, I'll probably root for them. Sa unang tingin pa lang ay bagay na bagay sila. Pareho silang nanggaling sa magandang pamilya at pantay ang estado ng mga buhay nila.

I saw Dash smiling when she sat on the chair at halos tumakbo akong palayo nang iniangat niya ang upuan sa tabi ko kung saan siya mauupo.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakita kong napatingin siya sa akin. Natigil siya at nangunot ang noo sa pagtitig ko at nang matauhan ako ay kaagad akong nag-ayos ng upo at malungkot na nag-iwas ng tingin.

He sat beside me and I couldn't even breathe right! Gusto kong umalis at lumayo rito pero ayoko namang gumawa ng eksena.

"So, thank you for today..." ani Sir Ejercito.

"Thank you for accepting today's invitation for our small dinner dahil sa pagbabalik ng anak ko," ngumiti si Ma'am Lena.

Tumango ng mga tao sa harapan namin at nang bumaling ako kay Dash ay kagat-kagat niya ang mga labi.

"Dash," ani ng Dad niya. Umayos naman ng upo si Dash at pagkatapos ay tumikhim bago ngumiti.

"Uhm, I am not good with words." He smiled. "But I just want to thank you all for making time for this dinner tonight. I wanted to thank my family for being supportive. They never left my side since the tragedy happened. Thank you, Mom, Dad, and to my brothers and Thallia." Bati niya. Zeijan cheered habang nakangiti lang ang mag-asawa sa tabi ko.

"It's our pleasure, anak," ani Ma'am Lena. Dash nodded and stared at the family in front of us.

"And Tito Lucio and Tita Cindy and to your family, thank you for making it here tonight to give us a blessing." Ngumiti ito bago sumulyap kay Rheallyn na nakangiti lang habang nakamasid kay Dash.

"And most especially," his voice softened at halatang napakasaya niya. "I wanted to thank my beautiful fiancée for taking care of me..."

I can feel my heart breaking and shattering inside of me as I listened to him.

Mali talagang sumama ako rito. maling sumabay pa ako sa pagkain. I should've just stayed in the kitchen to help.

"I thought no one will love me despite of what happened to me but she..." he chuckled softly. "She loved me while I was in that state, she took care of me kahit pakiramdam ko pabigat ako."

"I told you, hindi ka pabigat..." Rheallyn stopped him. Dash smiled sweetly.

That was my line! Gusto kong isigaw at hilahin si Dash palayo rito pero hindi ko naman magawa.

That's the worst—'yong napakalapit na niya sa akin at pwede ko siyang mahawakan pero hindi ko siya makayang abutin kasi pakiramdam ko lumalayo siya sa akin.

Maybe he was learning to love her in the short period of time they're together? Siguro, siguro wala naman siyang naramdaman sa akin noon.

Maybe I was just the one who assumed he'll remember me but looking at this one now, I don't think he can. He could.

But it wasn't his fault, really. It never was. He shouldn't be the one to blame.

On his eyes, I saw passion while looking at her, like he was totally in love with her at hindi ko maiwasang mapaiyak sa harapan niya kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at pasimpleng nagpunas ng luha nang maramdaman ko ang pag-ipon no'n sa gilid ng mga mata.

"Thank you, Rheallyn," he said softly and lifted her hands to kiss the back of it.

I heard their cheer, tinutukso nila si Dash at si Rheallyn na namumula na nakasandal kay Dash. Habang ako nama'y tahimik lang at nang sumulyap ako kina Zeijan at Kuya ay wala rin silang imik.

"We should really plan the wedding real soon!" Rheallyn's mother cheered.

"We should!" Sir Ejercito smiled but I noticed the lack of enthusiasm in his tone. Natatawang napailing na lang si Dash at may ibinulong kay Rheallyn.

The whole dinner was a torture. Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap ang dalawa sa tabi ko.

"Hey, Reah." Napabaling ako kay Thallia nang magsalita siya.

"Po?"

"Tawag ka ni Zeij," mula naman sa pwesto ko ay lumingon ako kay Zeijan na nasa tabi ni Kuya Iñigo at nang makita ako ay ngumisi siya.

"Are you alright?" he mouthed.

"Pwede na..." I mouthed back. He grinned at tumango.

"Fighting!" he mouthed at kinumpas pa ang kamay kaya napatawa ako ng mahina at umiling.

Gumaan naman ang loob ko sa ginawa niya at umayos ng upo pero halos mapatalon naman ako sa gulat nang makitang nakatingin sa akin si Dash na nasa tabi ko.

Hindi siya nagsalita at nakita kong sumulyap siya kay Zeijan pabalik sa akin at nang makitang nakatingin ako ay tumikhim siya bago bumaling ang tingin sa pagkain.

May sumipa sa paa ko sa ilalim kaya napatingin ako kay Thallia na nangingiti at lumapit para bumulong.

"I saw that. That look on Dash's face, nahuli ko..." natatawa niyang bulong.

"Wala 'yon, maybe he was just curious why we're this close," sagot ko naman. Thallia grinned bago umiling sa akin.

"Ang manhid!" bulong pa niya at hindi pa man ako nakakapagsalita ay narinig ko ang usapan nila Dash sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanila nang bahagya.

"Hey, Dash, kain ka ng gulay," ani Rheallyn na akmang kukuha ng gulay at ilalagay sa plato ni Dash.

"I don't eat veggies," ani Dash.

"What? Gusto mo nito, 'di ba?" nakangiting sabi pa ni Rheallyn sa kanya. I saw Dash forehead creasing bago umiling.

"I hate it, you know that, right?" aniya at nakita kong natigil si Rheallyn. Bigla niyang binitawan ang serving spoon ng gulay na ibibigay niya sana kay Dash bago ngumiti.

"Y-yeah, of course, I know that." She laughed awkwardly. "I was just kidding..."

Nakita ko ang titig sa kanya ni Dash bago tumango-tango at bumalik ang tingin sa plato niya. I saw him shake his head at hindi ko napansing nakatitig pala ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin at mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at mahinang nagmura.

They served the desserts after the meal, fruit salad ito at ako ang gumawa katulong 'yong ka-edaran kong maid. Isa-isa nilang nilagay ang dessert sa harapan namin at nang ilagay ang sa tapat ko ay nilingon ko si Aling Wanda bago ako ngumiti.

"Salamat po," sabi ko.

"Walang anuman, Reah, salamat sa pagtulong kanina," ani Aling Wanda kaya tumango ako pero kaagad ding natigil nang marinig ang pagkakalaglag ng kung anong bagay.

Mabilis akong napabaling sa tabi ko at nakitang nakatingin sa akin si Dash. Nagbaba ako ng tingin at nakita kong nalaglag ang tinidor niya kaya tumungo ako para abutin 'yon at laking gulat ko nang biglang may dumampot kasabay ko dahilan para magkapatong ang kamay namin.

My heart thumped and I can't explain what I am feeling right now. Basta biglang nagkagulo ang sikmura ko dahil sa hawak niya, I felt like a large bolt of electricity travelled from his hand to mine.

I remembered this scene. It's deja vu!

Our eyes met and I felt something burning inside me. His deep unique eyes stared at me like it was seeing right through me.

"Dash? Ayos ka lang d'yan?" Rheallyn's voice stopped me. Mabilis kong nabitiwan ang tinidor at nagsalita.

"S-sorry," I murmured at umayos ng upo at nag-iwas ng tingin.

"Y-yeah, I'm fine." Dash answered her.

"Then why are you flustered? May iniisip ka ba?" tanong ni Rheallyn.

"N-nothing, it's just..." tumikhim ito bago umayos ng upo.

Natapos na ang lahat-lahat ay hindi na ako lumingon pang muli sa kanila. They left the dining area at kaagad naman akong tumulong magligpit.

They also prepared a celebration because it's mother's day for Ma'am Lena and Thallia.

Lumabas ako saglit at kinausap ko si Nanay sa telepono at napaiyak ako habang kausap sila ni Allia. I missed them so much, gusto ko na umuwi!

"Anak! Reah!" She cheered.

"Magandang gabi, Nay."

"Kumusta ka r'yan? Tinatrato ka ba ng maayos d'yan? Kumakain ka ba sa tamang oras?" Natawa ako sa sinabi ni Nanay pero mas nangingibabaw ang pagka-miss ko sa kanya.

"Nay, Happy Mothers Day." Mahinang sabi ko.

"Salamat, anak." Her voice softened more.

Mas nalungkot lang ako. Ganito pala kapag naho-homesick ka. Ang lungkot-lungkot na malayo sa pamilya.

"Pasensya na Nay, huh? Wala ako d'yan, gagawa sana kami ni bunso nung cupcake na may choco-choco." Nakangiting sabi ko. "Ayos lang naman po ako rito, kumakain naman po at nakakatulog ng maayos."

"Ayos lang 'yon, 'nak, malaman ko lang na maayos ka masaya na ako." May humaplos sa puso ko bago tumango at hinawi ang mga luha ko.

"Alam mo, 'nay, 'yong kwarto ko rito ang laki-laki, katumbas na ng laki sa bahay natin." Pagkekwento ko sa kanya.

"Grabeng laki naman pala r'yan, Reah!" Natatawang sabi ni Nanay.

"Opo nga, e," napangiti ako at napahugot ng hininga. Sumulyap ako sa kalangitan at nakita ang mga bituin roon.

"Mabuti naman at maayos ka, kami ng kapatid mo ayos naman. Simula na ng pasok niya no'ng Lunes pa. H'wag mo kaming isipin dito dahil kaya naman namin. Isipin mo ang sarili mo dahil ikaw lang mag-isa dyan."

"Opo, 'nay," sagot ko. "Aalagaan ko po ang sarili ko rito at kayo rin, mag-aaral po akong mabuti para makabalik ako kaagad d'yan sa atin."

"Miss ko na kayo, 'nay." Humugot ako ng hininga.

"Miss ka na rin namin, 'nak. Salamat at tumawag ka, huh?"

"Walang anuman po. 'nay, ingat po kayo d'yan, ah? Happy Mother's Day, 'nay. I love you." I told her at bumuntonghininga si Nanay bago ako sinagot.

"Salamat, 'nak. Mahal ka rin namin."

Natapos na ang usapan namin ni Nanay ay narito pa rin ako. Nakatitig sa kalangitan habang hinahaplos ang kwintas ko.

Kailangan kaya babalik sa dati ang lahat? Miss ko na sila Nanay atsaka si Dash.

Sila Nanay pwede kong mabalikan ano mang oras ang gusto ko pero si Dash, imposible.

I heaved a deep sigh for the nth time and shook my head.

"Here," napatalon ako sa gulat nang may magsalita kaya napalingon ako at nanlaki ang mata ko sa nakita.

"Rheallyn..." I murmured.

"You must be Fleureah, right?" she smiled at me.

"O-oo."

"Here," iniabot niya sa akin ang isang baso ng juice na kaagad kong inabot.

"Salamat," sagot ko, biglang ginapangan ng hiya.

"Would you mind if I sit here?" she asked me while pointing at the bench where I am sitting.

What is she doing here? Uminom ako mula sa juice na ibinigay niya bago nanahimik lang at umiling.

"Ang ganda ng langit, 'no?" she asked me.

"Yes," I answered her. Kinagat ko ang labi ko at pumirmi.

"Siguro naman kilala mo ako?" Nilingon ko siya at tumango. Her aura screams elegance and confidence, bakas na bakas iyon unang kita ko pa lang sa kanya.

She was pretty, petite and has fair skin. Bagay na bagay talaga sila ni Dash kahit masakit aminin. Nakaramdam ako ng panliliit.

"I know what happened while he's still in the province, you probably pretended to be me, right?"

"Oo," tumango ako.

"Thanks, Reah..." aniya kaya napatingin ako sa kanya. "You did a job well done, you took care of him for me, salamat." Nabasa ko ang sinseridad sa mata niya.

"W-wala 'yon..." sagot ko naman, pakiramdam ko ay kumikirot ang puso ko sa sakit.

"Alam mo, unang kita ko pa lang sa picture ni Dash, gustong-gusto ko na siya..." pagkukwento niya sa akin.

Nanatili lang akong tahimik at nakikinig.

"The first time I saw him in person, mas nagustuhan ko siya. We met in a party pero hindi niya ako napapansin at nababalingan, kahit anong gawin ko ay wala..." sabi niya.

"The moment my Mom told me about marrying, I was really mad pero ano nga bang magagawa ko? Hindi ko sana tatanggapin but when I found out that it was him I am marrying, pumayag ako kaagad," aniya.

"So, you like him? Matagal na?" I asked her curiously.

"Yes, sobrang saya talaga sa pakiramdam no'n pero may nangyari, nabulag siya dahil sa nalamang ikakasal siya at gusto ko man siyang alagaan ay hindi pwede dahil nag-aaral ako," she sighed.

"Salamat, Reah, because of you, tanggap na niya ako at payag siyang ikasal kami..." she took my other hand at nakatingin lang ako roon.

Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman. Namamanhid ako at walang masabi.

Right, they're getting married. That's right.

"T-that's my job kaya ginawa ko na lang..." wala na akong ibang masabi dahil doon. Nang bitiwan niya ang kamay ko ay mahigpit akong napahawak sa baso na ibinigay niya kanina.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari 'to..." masayang sabi niya. "And it's more amusing kasi magkaparehas pa tayo ng nickname. Reah ka, 'di ba?"

I nodded to answer her.

"And I'm Rhea..." she chuckled. "And come to think of it, hindi lang 'yon. I noticed that we almost have the same voice!"

"Oo nga, e..." I smiled a little. I know I was not sincere right now but I just can't help it!

Nagseselos ako! Pero ano bang karapatan mo, Reah? Wala!

"Siguro, nangyari 'to dahil destined talaga kami ni Dash!" Sa tuwa niya ay nasabi niya iyon. "Wala ako but you're here to pretend to be me and now! I still can't." Naiiling pa siya at napansing tahimik ako at nilingon niya ako.

"Reah," nilingon ko siya nang tawagin niya ako. "I have a favor to ask," she said.

Sumimsim naman ako mula sa baso bago tumango sa kanya.

For Dash, I'll do this...

"Sige..." mahinang sabi.

"You know kararating ko lang no'ng nakaraan dito sa Pilipinas. I know Dash, the basics, his infos, background and all pero..." she sighed. "I never talked to him in person, ngayon-ngayon lang simula noong dumating ako. Buti nga at wala siyang personal na tinatanong dahil baka may masabi akong iba..."

Nakamasid lang ako sa kanya habang nagsasalita niya.

"You were with him for months and I know you know something that I don't so please, can you tell me?" I wanna be selfish at sarilihin na lahat ng tungkol kay Dash na alam ko pero hindi naman ako gano'n kasama.

Oo, masakit, sobra na gusto ko ng umalis dito para makalayo sa kanila pero naisip ko si Dash. Paano kapag hindi ko sinabi at maghinala siya?

Paano kung masira sila dahil sa akin? I can't bear that. My conscience can't.

"Uh..." tumikhim ako. "Dash don't like eating veggies..." panimula ko.

"Kaya pala ayaw niya," bulong niya.

"He likes milk at night so, if he asks for one then give him." She nodded again and I saw her listening intently.

"He's uhm, kinda clingy. Gusto niya nilalambing siya," kumirot ang puso ko habang inaalala iyon at humugot ng hininga.

"Kapag tinanong ka niya kung saan ka nag-masterals, tell him that it's in Sta. Monica. Nag-aaral kasi ako no'n tapos sinabi ko na lang na nagma-masters ako roon."

"Sure, 'yon 'yong university do'n?" Tumango ako.

"We talked about our secret dreams and mine was to be a teacher," sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko.

"Teacher? You like kids?" Tumango na lang ako. She nodded pero kita ko ang disgusto sa mukha niya kaya hindi na ako nagkomento pa.

"Literature. I told him I want to teach literature so if you have time read myths or what kasi nagpapakwento siya kapag matutulog na siya," sabi ko pa.

"I never know he was this childish," she chuckled. "Sa ngayon hindi naman siya nagpapakwento sa akin o ano, so sa susunod na siguro..."

"And his secret dream was to become a doctor..." paliwanag ko. Mukhang mas nagulat siya sa sinabi ko.

"What? Doctor?"

I nodded. "You know what happened to their family, right? Kung bakit gano'n si Ma'am Lena at nawala si Zidney..."

"Oo, I read some articles about that..."

"That's the reason why he wants to become one, he wants to heal his Mom and if ever, save Zidney..." Tumango naman siya sa sinabi ko at mukhang napaisip siya.

"He has a kind heart." Tumango ako.

She's right and that's one of the million reasons why I fell for Dash.

"But come to think of it, ayos na rin na naging piloto siya..." aniya kaya tiningnan ko siya.

"You see, he has an airline company and our family owns an oil company. If ever na magiging doktor siya, we won't have any chance for our paths to be crossed," she said.

"And you know, doctors are always busy, they don't have enough time to be with their family. Kaya siguro, ayos na rin na piloto siya dahil mas may oras siya sa akin kung sakali." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at sumimsim na lang sa juice.

"It's his dream at maganda siguro kung matupad niya 'yon," komento ko.

"Yeah, maganda but Tita Lena is safe now and Zidney..." she shrugged. "Wala na siya..."

Tumahimik na lang ako at nag-iwas ng tingin dahil hindi ko gusto ang sinabi niya.

That's his sister! And we still believe that she's still alive.

"Ano pa, Reah?" aniya sa akin bago ngumiti.

"He has a dog," sabi ko naman sa kanya. "Siberian husky, his name is Skye..."

"Skye? Ang cute naman..." she giggled.

"Dash treats him like his son, siya 'yong Dad tapos ikaw 'yong sasabihin niyang Mommy ni Skye..."

"Ang cute! May anak na pala kaagad kami!" tuwang-tuwa niyang sabi.

"Three years na niyang alaga si Skye. Amuhin mo na lang siya, medyo aloof kasi sa tao..." sabi ko.

"Sige, madali lang naman 'yon!" Ngiti niya. "'Yon lang ba?"

"And if possible, cook for Dash and 'wag mo hayaang magpalipas ng gutom." She nodded right away and smiled at me softly.

"Noted! Thanks, Reah. Though, hindi ako marunong magluto, I'll try. Salamat!" Tumayo siya kaya tumayo rin ako bago ilapag ang baso at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Thank you so much, Reah! I owe you this, you became our bridge for our paths to be crossed! Thank you!" Ngumiti ako nang malungkot bago tumango at yumakap nang kaunti sa kanya.

"S-sige, take care of him, I..." I sighed. "I hope you'll be both happy..."

"We will!" Lumayo siya at malaking ngumiti. "Invited ka sa kasal namin, huh!" she giggled and waved before leaving.

I stared at her back at nanghihinang napaupo. Hawak-hawak ko ang dibdib dahil sa malakas at masakit na pagkabog nito bago napabuntonghininga.

Everything is perfect, kasal na lang ang kulang sa kanila.

Maybe, this is where our story ends...

I just hope that they'll be happy together... It's just saddening to think that the story started with Dash and me, but he'll finish it with someone else.

Maybe this is the reason why I am fascinated with tragics, maybe my mind knew I'd end up having like one.

Naglakad ako papasok sa loob ng bahay at nakitang wala na sila sa sala. Inilibot ko pa ang tingin ko at napagdesisyonang matulog na lang. I was walking on the hallway and I was about to go to my room when someone called me.

Nangunot ang noo ko at iniikot ang tingin ko pero wala naman akong nakita.

I shrugged and continued walking.

"Reah!" I stopped in my tracks and looked around me.

Napanguso ako at napailing.

Wala namang tao.

Kinagat ko ang labi ko at nang marinig na naman ang pangalan ko ay hindi ako lumingon sa takot na baka multo nga talaga iyon at tinatakot ako dahil bago lang ako sa bahay na 'to.

"Hey!" Mas binilisan ko ang lakad ko sa kabila ng baritonong boses na narinig ko.

I heard footsteps behind me and when I was about to run, a grip on my arm stopped me.

Nahatak ang braso ko kaya napasinghap ako at pagkalingon ay halos mabuwal ako nang makita si Dash sa harapan ko. He was gripping my arm at nanlalaki ang mata ko.

My heart began racing like crazy habang nakatingin sa kanya na seryosong hawak ang braso ko.

"D-Dash..." I uttered his name. He's towering over me. Nakahawak pa rin siya sa braso ko at nakatitig sa mukha ko. His mouth parted before closing it again as he scanned my face.

"Reah..." he murmured and I saw the spark in his eyes.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 115K 37
Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for you." Leona Harriet Abelló and Ejercito...
8.5M 279K 37
Watty's 2018: The Contemporaries Winner! Sandejas Siblings Fourth Installment: Z I D N E Y "Those who won't dare to touch the thorns should never...
361K 14.6K 16
Raindrop's Tears (Companion Book): The Storm's Shadow The Storm's Shadows is a Sandejas Legacy #4: Companion Book. YOU SHOULD READ Raindrop's Tears f...
562K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...