BITTERSWEET (boyxboy) (Comple...

By malebolge

233K 4.9K 614

Nasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang... More

BITTERSWEET (boyxboy)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Last Chapter
SERENDIPITY (COMING SOON)

Chapter 10

4.9K 137 13
By malebolge

"Kailangan muna nating umuwi kasi wala pala akong suot na underwear." Nag-aalangang sabi ko kay James.

Kung bakit ba naman kasi huli na ng malaman kong wala akong underwear. Sanay kasi ako na pag nasa bahay lang ay hindi ako nagsusuot ng underwear. Gagamit lang ako pag lalabas ako ng bahay o kaya ay pag may bisita. Mas kumportable kasi ako pag wala nito. Malayang malaya lang sa pakiramdam, subalit ang pagnanais kong maging malaya ay makakapag-dulot pala ng matinding kapahamakan at kahihiyan.

Tinignan lang ako ni James na parang nagtataka sa sinabi ko sa kanya kaya naman inulit ko ito sa kanya na may pagdiin sa bawat salitang lumabas sa aking bibig.

"James, wala akong underwear. Please umuwi muna tayo at saka na tayo bumalik pag may suot na ako." Sabi ko sa kanya na may pagmamakaawa, subalit sa pagsabi kong iyon ay hindi ko inasahan na sasapian siya ng kumag niyang pagkatao.

"HAHAHAHAHA!" Pag-tawa ng malakas ni James na nakapukaw sa ibang mamimili at mga salesperson. "WALA KANG BRIP?! HAHAHA!" Dugtong pa nito habang nakaturo sa akin.

Sa mga oras na iyon ay gusto ko na lang mawala ng parang bula. Sa lakas ng pagsigaw ni James ay talaga namang napatingin sa amin ang lahat ng nandoon sa lugar namin sa mga oras na iyon. Alam kong nagtatawanan ang karamihan dahil narinig ko ang paghagikgik ng ilan at yung iba naman ay tila ba napataas ng kilay sa kanilang nalaman.

"JAMES!!!" Pagpigil ko dito, pero parang wala itong narinig at patuloy pa din sa pagtawa. Kulang na lang ay maglupasay ito sa sahig ng mall sa sobrang kaligayahan.

"WALA SIYANG BRIP!" Pag-ulit pa nito habang tinuturo ako at di mapigilan ang pagtawa. "BAKIT WALA KANG BRIP?" Malakas na pagtatanong nito habang tumatawa.

Sa totoo lang ay naiiyak na ako sa mga pangyayari. Hindi kasi siya nakakatuwa. Okay lang naman kung bata pa ako kaso 29 na ako tapos pahihiyain pa ako ng ganun. Napansin ko pa ang iba na napahinto at talagang namang tumingin pa kung saan ako nakatayo.

"Halika! Ibibili kita ng...BRIP! HAHAHA!" Sabi muli ni James at talagang nilakasan niya at mukhang tuwang tuwa pa siya sa pagpapahiya sa akin.

Napayuko na lang ako at gustohin ko mang igalaw ang mga paa ko para maglakad papalayo sa lugar na iyon ay tila ba sinimento ang mga paa ko sa sahig ng mall. Ilang minuto ko din narinig ang pagtawa ni James. Maging ang ilang salesperson ay narinig ko pang nakipagbiruan sa kanya, hanggang sa tumahimik na ang mga ito at naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni James.

"Halika na. Bumili na lang tayo sa baba para di na tayo umuwi. Isuot mo na lang sa CR para di ka na mailang." Sabi ni James sa akin na malumanay na pero rinig ko pa din ang mahinang paghagikgik nito.

Hindi ko pinansin si James at nanatili lang akong nakayuko. Mukhang nahalata na din sa wakas si James ang pananahimik ko.

"Huy taba! Halika na." Pag-aya nito sa akin at nakita ko pa ang paglayo ng mga paa nito mula sa harapan ko.

Imbis na sundan ko siya ay sa ibang direksyon ako nagpunta. Nakayuko akong naglakad dahil alam kong nakatingin pa din sa akin ang mga salesperson na nakarinig at nakasaksi sa kahihiyan ko. Naramdaman ko na lang na may humawak sa akin at saka ito nagsalita.

"Hindi diyan ang daan papunta sa bilihan ng mga BRIP." Sabi nito at natawang muli.

Dun ko na di napagilan ang pagkainis ko kay James kaya naman...

"PWEDE BA! UUWI NA AKO!" Pagsigaw ko sa kanya.

Wala na akong pakialam sa kung para akong nag-eeskandalo dahil wala na din naman akong mukhang maihaharap sa mga tao dun dahil sa kagagawan ni James. Napabitaw ito sa akin marahil sa gulat at nang maramdaman ko ang pagbitaw niya ay nagsimula na muli akong lumakad papalayo sa kanya.

Habang naglalakad ako ay pinapahid ko ang luha ko. Hindi ko na kasi napigilan sa sobrang pagkapahiya at pagkainis sa ginawa ni James. Pababa na ako sa escalator ng may humatak ng garter ng shorts ko dahilan para mapaatras ako at mapasandal sa kung sino man.

"Sorry na. Halika na." Sabi nito sa akin at hinatak ako palayo sa escalator.

NIlingon ko ito at tama nga ang hinala ko na si James ito. Marahas kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa garter ng shorts ko at saka ako nagsalita.

"Sorry na naman. Puro na lang sorry. Sawa na ako diyan, James. Sawang sawa na ako diyan." Sabi ko sa kanya.

"Tsk! Ito na naman si drama queen." Ang sabi niya. "Parang binibiro ka lang kanina." Dugtong pa nito.

"Biro? Pinahiya mo ako James! Hindi na ako bata para gawin mo yun sa akin. Oo at wala akong underwear, pero dapat bang ipangalandakan mo sa lahat na wala akong suot na underwear?!" Galit na sabi ko sa kanya.

Akala ko pa naman ay mahahabag ito sa akin at makukunsenya sa kanyang ginawa, pero likas na ata talaga ang kasamaan ng loob nito dahil natawa siyang muli. Nang tignan ko siya ng masama ay agad niya itong pinigilan, pero hindi pa din maalis sa mukha niya ang nakakaloko niyang pag-ngiti.

"James, sanay akong pinagtatawanan ng mga tao dahil sa itsura ko. Pero sana naman binigyan mo naman sana ako ng konting kahihiyan. May damdamin din ako James at masakit sa akin na pauli ulit akong pinagtatawanan ng mga tao lalo na ng mga hindi ko kilala." Sabi ko dito at hindi ko napigilan muling maiyak.

Aalis na sana ako ng hawakan ako ni James sa kamay, pero nagawa kong makawala dito gamit ang lakas ko at saka tuluyang bumaba sa escalator. Nang humakbang ako mula sa escalator ay naramdaman ko na naman ang kamay ni James na humawak sa akin. Medyo madiin ito at nagulat na lang ako ng kaladkarin niya ako papunta sa men's wear department.

"Aray James! Hindi ka pa ba nagsasawa na saktan ako?" Sabi ko dito pero di niya ako inimik at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad habang hatak hatak ako.

Pagdating namin sa underwear section ay agad na nagpakuha si James ng isang brief sa saleslady.

"Ms., bigyan mo nga ako nito ng size 38. Make it fast!" Seryosong sabi ni James.

Nagulat ako sa laki ng size na pinakuha niya kaya hindi ko napigilan na hindi magreact.

"Hoy! 34 ako! Hindi ako 38!" Pag-kontra ko sa kanya pero parang wala lang siyang narinig.

Pagkabigay nung saleslady sa kanya nung brief ay agad na nagtungo kami sa cashier habang hatak hatak pa din ako. Pagkabayad ni James sa brief at kinaladkad naman ako nito sa CR at nagulat na lang ako ng buksan niya ang isang cubicle at tinulak ako dun.

"O suotin mo na." Seryoso niyang sabi sabay bato ng binili niyang brief.

Magsasalita pa sana ako pero sinarado niya agad ang pinto ng cubicle. Napatigil ako at napatingin ako sa underwear na binili ni James. Hindi nagtagal ay binuksan ko na ito at isinuot. Hindi man ako kumportable dahil maluwag yung brief ay tiniis ko na lang. Nang masuot ko na ay binuksan ko na ang pinto ng cubicle at nang makita ako ni James ay agad na naman niya akong hinawakan at kinaladkad. Hindi nagtagal ay narating namin ang Starbucks at dun ay inutusan niya akong umupo na ginawa ko naman. Hindi man lang niya tinanong ang gusto ko at basta basta na lang umorder. Maya maya pa ay bumalik na ito dala dala ang kanyang inorder.

"Kumain ka na." Malamig niyang sabi sa akin.

Medyo nainis pa ako sa kanya dahil siya pa itong may ganang mag-aasta ng ganyan samantalang ako ang napahiya.

"Salamat." May inis kong sabi sa kanya. 

Hindi ko man gusto yung inorder niya dahil hindi ako mahilig sa cinnamon swirl at sa dark mocha frapp ay kinain ko na lang ito dahil sayang naman kung itatapon lang.

Nabalot kami ng katahimikan sa mga oras na iyon at natapos kaming kumain na hindi man lamang nag-uusap. Pagkatapos namin ay umalis na kami sa Starbucks at agad na tinungo ang carpark kung saan nandun ang sasakyan ni James. Pagkasakay namin ay pareho pa din kaming tahimik at walang imik. Sa totoo lang ay gusto ko ng magsalita dahil pakiramdam ko ay matutuyuan na ako ng laway at hindi ako sanay sa pagiging tahimik ko. Magkaganunman ay tiniis ko na lamang ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay.

Hindi muna ako bumaba at nanatili muna ako sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi ko kasi alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. Kahit pa nainis ako't pinaiyak niya kanina ay may kung ano akong nararamdaman na mas nasasaktan ako sa hindi niya pagsasalita.

"Ah...James---" Ang hindi ko na naituloy ng magsalita ito.

"Bumaba ka na." Malamig niyang sabi dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Hindi naman siya tumingin sa akin bagkus ay kinuha pa niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. Maya maya pa ay mukang sumagot na ang kung sino man ang tinawagan niya.

"Babe, I'll pick you up in 15 minutes." Sabi nito at pagkatapos nun ay in-end na niya yung call.

Nanatili akong nakatingin sa kanya at pakiramdam ko ay may balang tumagos sa puso ko sa mga oras na iyon na dahilan din ng pagkalito ko sa nararamdaman ko.

"What?" Walang buhay niyang tanong na ikinabalik ko ng aking wisyo.

"Ah...wa--wala. Sige baba na ako. Sa-salamat." Ang nauutal kong sagot at binigyan siya ng pilit na ngiti.

Sa mga sandaling iyon ay nakakaramdam na ako ng pagkasakit ng aking ulo dahil sa kalituhan at dahil na din sa pagpigil ko sa mga luha kong gusto ng pumatak. Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito pagdating kay James. Ang alam ko ay kay Neil ko lang ito nararamdaman, pero bakit pati kay James.

Pagkasara ko ng pinto ay biglang umalis ang sasakyan ni James. Naiwan naman akong nakatayo habang tinatanaw ang sasakyan niya hanggang sa lumiko na ito sa kanto. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang katapusan ng aming pagtatagpo. Akala ko pa naman ay ako ang gagawa sa kanya nun at ipaparamdam ko sa kanya na naiinis ako sa ginawa niya kanina, pero bakit ngayon ay tila ba sa akin niya pinaramdam na galit siya sa hindi ko malamang kadahilanan.

Napabuntong hininga na lang ako at saka tinungo ang gate ng aming bahay. Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa aking kwarto upang tignan ang aking phone kung may tumawag or nagtext, subalit wala akong natanggap na kahit na ano sa mga kaibigan ko. Maging kay Neil ay wala din akong natanggap ni isang text man lang...

"Okay lang yan Chino..." 

Ang sabi ko sa sarili ko at napangiti na lang ako.

"..."

"..."

"..."

"Sanay ka na naman eh."  

Continue Reading

You'll Also Like

211K 6.2K 60
Planado na ni Paul ang lahat; mag-aral ng mabuti, makapagtapos, at magkaroon ng trabahong magpapaginhawa ng buhay nya. Ang hindi nya napaghandaan ay...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
316K 5.5K 63
Created, October 2012-February 2013. [COMPLETED] VOTE. COMMENT. SUGGEST. SUPPORT. This story is surrealistic but realistic at the same time. How true...
73.4K 2.6K 37
:First HunHan fanfic dahil HunHan Shipper ako wwiieeppiiew!! Wala atang yadong to? pero tatry ko, papaturo ako huehue!! book cover by: MaknaeIsReal