Prologue

24K 428 24
                                    

Andito ako ngayon sa CBTL at hinihintay ko ang taong aking kakausapin. Alam ko na masama ang loob nito sa akin, subalit kailangan ko siyang harapin upang paliwanagan. 

Wala akong pakialam sa lahat ng mga customers na nandito ngayon. Nalilito ako dahil hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Alam kong magdudulot lang ito ng sakit sa akin, pero kailangan ko itong tiisin para sa isang taong hindi naman mapapasa-akin.

Hindi nagtagal ay dumating na ang aking hinihintay. Sa pagkakita pa lang niya sa akin ay nag-iba agad ang kanyang mukha. Alam ko na kinamumuhian ako nito, pero hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya dahil pareho lang naman kaming nagmamahal.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" Malamig niyang tanong sa akin.

"Uhm...pwede bang maupo ka muna? Anong gusto mo at ibibili kita?" Tanong ko.

Inirapan lang ako nito kaya naman muli akong nagsalita.

"Adriel---" Ang hindi ko na naituloy ng magtaas ito ng boses.

"Hiwalay na kami! Ano pa ba ang gusto mo?! Hindi ka pa ba kuntento?!" Galit nitong sabi.

Nakaramdam ako ng pagkahiya sa mga oras na iyon dahil nakita ko kung paano napatingin sa amin ang mga customers sa loob ng coffee shop. Nahiya din ako dahil nagawa akong sigawan ng isang tao na limang taon na mas bata sa akin.

"Adriel please? We need to talk. I want to put everything in it's right place." Malumanay na sabi ko.

"Talaga? Should I still believe in you? The person that I thought eh kaibigan ko?" Sarkastiko niyang tanong sa akin.

"Yes. And I'm doing this para sa'yo...para sa inyo ni Neil." Sabi ko.

Napabuntong hininga na lang siya at ilang saglit pa ay naupo na din ito sa upuan sa aking harapan.

"I'm giving you 15 minutes." Walang emotion na sabi nito.

Sa mga sandaling iyon ay alam ko na ang aking gagawin. Kailangan ko silang matulungan. Kailangan kong ayusin ang hindi nila pagkakasunduan. Alang-alang sa kanilang samahan. Alang-alang sa aming pagkakaibigan at alang-alang kay Neil.

"Adriel, nakipag-kita ako sa'yo dahil gusto ko kayong tulungan ni Neil. Sana naman ay bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag sa'yo. Mahal ka ni Neil, Adriel kaya alam kong nasasaktan siya sa paghihiwalay niyo. Balikan mo siya. Nagmamakaawa ako." Paliwanag ko sa kanya.

Sa mga oras na iyon ay hindi ko mapigilan ang pag-ngilid ng mga luha sa aking mga mata. Masakit para sa akin ang aking ginagawa, pero nagpapakatatag ako para sa ikakabuti nilang dalawa.

Napatingin naman sa akin si Adriel na wari ay nagtataka at hindi nagtagal...

"Bakit mo to ginagawa, Chino? Bakit mo ipinagtutulakan sa akin si Neil gayong mahal mo din siya?" Pagtatanong nito na may halong pagka-inis.

"Dahil ganun ko siya kamahal." Tugon ko.

Muli ay napatitig sa akin si Adriel na tila ba naghihintay pa ng mga kasagutan.

"Adriel, ikaw ang mahal ni Neil at alam ko kung gaano mo din siya kamahal. Sana Adriel ay magawa mo pang bigyan ng isa pan pagkakataon si Neil." Pagsusumamo ko dito.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Chino! Niloko ako ni Neil! Niloko niyo akong dalawa!" Sabi nito na medyo nagpataas ng kanyang boses at kasunod nun ay ang mga luha niya na alam kong kanina pa niya pinipigilan. 

"Masakit para sa akin dahil mahal ko siya at itinuring na kitang kaibigan, pero anong ginawa niyo? Niloko niyo ako!" At tuluyan na siyang naging emosyonal.

Nakaramdam ako ng guilt sa kanyang mga sinabi. Guilt hindi dahil sa panloloko kundi dahil sa nakikita kon nasasaktan siya nang dahil sa akin. Sa maling pag-ibig ko para kay Neil.

"Hindi ka namin niloko, Adriel. Alam ng Diyos na hindi ka niloko ni Neil. Inaamin ko na mahal ko siya, pero kahit anong gawin ko ay hindi siya mapapasa-akin dahil ikaw lang ang kanyang mahal." Pagpapaliwanag ko dito.

Napatigil siya sa kanyang pag-iyak at napatingin sa akin na nagtataka.

"Pero mahal ka niya, Chino! Mahal ka ni Neil." Sabi niya na medyo malumanay na.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Adriel at sa pag-aakala nito patungkol sa aming dalawa ni Neil. Ilang saglit pa ay huminga ako ng malalim tanda na dapat ko ng tapusin ang kaguluhan sa kanilang dalawa.

"Oo, mahal ako ni Neil..."

"..."

"..."

"..."

"Pero bilang isang kaibigan lang."

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon