The Promise (JuliElmo FF) fr...

By GlitterishGirl

38.7K 634 20

JASJ Glitterishgirl - This story isn't mine. I just copied this from TUMBLR.COM for you to read it. Agai... More

The Promise | Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
8.
9.
10.1
10.2
The Promise | Epilogue

7.

2.1K 40 1
By GlitterishGirl

"Julie..gising..." mahinang yugyog ni Sef ang nagpagising sa kamalayan nya

"Hmmm...Sef? nasan na tayo?" sabay tingin nya sa paligid, dikit dikit na bahay ang nasilayan nya

"Nandito tayo sa tapat ng bahay namin, dito muna tayo.. Hindi ko pa kasi nakukuha ang sweldo ko..pagpasensyahan mo muna to julie ha?"

tumango lang siya dito, pagtapos magbayad sa taxi, umibis ito para pagbuksan siya ng pinto, kinuha nito ang maleta sa compartment at tumungo na sila sa bahay ng mga ito

Pagbukas ng pinto ng bahay nila sef, bumungad sa kanya ang maraming tao sa loob na kasalukuyang nanood ng Tv

"Nay, Tay, Si Julie po, Girlfriend ko" pakilala ni Sef sa kanya

sa Kanya napatutok ng tingin ang mga taong naroroon

"Magandang Gabi po" pagbibigay galang nya sa mga magulang ni Sef

tumango tango lang ang magulang ni Sef sa kanya

"Bakit ka may dala kang maleta? nagtanan ba kayo?" tanong ng ina ni Sef

si Sef ang sumalo ng tanong ng iyon

"Parang ganon na po 'nay..dito muna kami pansamantala"

kunot noong tinitigan siya ng mga magulang ni Sef

"Pansamantala? san kayo titira pagkatapos?"

"Balak po namin umupa pagka sweldo ko po"

"Naku naman Sef! alam mong maraming gastusin sa bahay, inuna mo pa yang pag-aasawa na yan, abah eh katatapos mo lang sa isa-

"Inay! pagod na ho kami, magpapahinga po kami ni Julie, marami pong nangyari sa amin ngayon araw, sige po"

nagtatanong ang mga mata na tumignin siya kay Sef, hindi nya naintindihan ang huling sinabi ng ina nito, anong pagkatapos ng isa...?

pero iniwas ni Sef ang tingin sa kanya at inakbayan siya

"Sige po.." paalam nya sa magulang ni Sef at sa mga taong nakatunghay sa kanya, pansin nya ito ay mga kapatid ni sef, labing dalawang kapatid kasi ang meron si Sef

pagtapos ay ginaya siya nito sa makipot na hagdan patungo sa silid nito

.

.

.

Nakatalikod si Julie na nakahiga mula kay Sef, ipikit na sana nya ang kanyang mga mata ng maramdaman nya ang mga kamay nito sa beywang nya

"Sef! ano ba?" piglas nya dito

pero di pa rin ito tumigil, hinalikan nito ang batok, kinalibutan siya sa ginawa nito, bigla siyang humarap dito at tinulak niya ito palayo

"Pwede ba Sef?!" mahinang bulyaw nya rito

asar na tumingin ito sa kanya

"Ano ba naman Julie! tayo na ngang dalawa dito oh! gumaganyan ka pa!"

napatayo si Julie sa sinabi nito

"Pwede ba?? galangin mo naman ako! di porke't sumama ako sayo, papayag na ako sa gusto mo!"

yamot na tumayo rin ito

"Bakit Julie? may nangyari na ba sa inyo ni Elmo kaya ka ganyan ha??"

"Pak!" isang malakas na sampal ang sinagot nya dito

"Hindi ako mababang uri ng babae! at alam mo yan!!! at kahit kailan, hindi ako binastos ni Elmo! ginalang nya ako sa buong pagsasama namin!!"

sinapo ni sef ang nasampal na pisngi pagtapos ay humugot ng malalim na hininga bago tumingin sa kanya

"Okay..okay..I'm sorry Julie.. nasabik kasi ako sayo e... ag tagal kasi natin hindi nagkasama, sorry na mahal ko.."

tikom lang ang bibig nya rito, tiningnan nya ito ng masama, nagsusumamong tumingin ito

"Sige na Julie.. Promise..Hindi ko na gagawin yon, Hihintayin ko kung kailan ka handa, pangako Julie.. tara na matulog, pinapangako ko, hindi na ito mauulit"

padabog na humiga siya, di nya ito pinansin, pagod na siya mag-isip, gusto na nya i refresh ang utak nya sa mga nangyayari mula kanina, naramdam nya ang paglundo ng kama

"Goodnight na mahal ko..payakap ako ha? sorry ulit ha? tulog na tayo.." hinalikan siya nito sa buhok at dinantay ang kamay sa bewang nya

Bakit ganon? walang buhay ang mga yakap nito sa kanya? walang dating ang mga halik nito...

nanatili siyang nakatingin sa kisame, pinakiramdaman nya kung tulog na ito, hanggang sa wala na siyang maramdamang reaksyon mula dito, kanina lang inaantok siya, pero nung niyakap siya ni Sef, hindi na siya makatulog.. bakit iba kapag yakap siya ni Elmo?

sa mga sandaling yon, buong gabi siya hindi pinatulog sa kakaisip kay Sef at lalong higit kay Elmo..

.

.

.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang umalis si Julie sa bahay nila, mula noon araw-araw na siyang umiinom, hindi na rin siya nakakapasok sa trabaho, bigla siya nawalan ng gana mabuhay.. wala ng dahilan para mabuhay...

umiiyak habang umiinom sa isang sulok si Elmo habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto

"Parang kailan lang.. Puno ng saya ang bahay na to.. kung noon iniisip ko mapapatawad mo ako sa nagawa ko..pero habang tumatagal umasa din ako na mamahalin mo na rin ako.." napatungo si Elmo at napahagulgol ng iyak

"Elmo???"

napaangat ng ulo si Elmo sa pagbukas ng pinto ng kwarto, kasabay non ay ang pagluwa ng magulang nya mula don

"Dios Mio Elmo! anong ginagawa mo?? bakit ka umiinom?? anong nangyari dito??"

tumingin sa paligid ang Mommy nya, nakita roon ang nagkalat ng bote ng alak na nainom niya

Wala sa sarili na ngumiti siya sa ina

"Anak! ano bang nangyari? Nasan si Julie??"

pagkarinig sa pangalan ng asawa agad na namuo ang luha sa kanyang mga mata

umiling siya sa mga magulang niya, "wala na siya.."

natuptop ng mommy nya ang bibig nito

"Anong ibig mong sabihin? anong wala?"

hindi siya sumagot sa tanong ng Mommy nya,

hinawakan nito ang mukha nya, at tinitigan siya sa mata

"Anak..Nag away ba kayo mag-asawa? wag ka mag-alala, pupuntahan natin siya sa kanila, suyuin mo siya.. mareresolba nyo rin ang problema nyo"

kagat labing tumitig sa mata ng ina

"Imposible na po yon.."

"Bakit naman anak? walang hindi nakukuha sa magandang pag-uusap"

unti unting tumulo ang luha kanina pa pinipigilan

"Hindi na po mangyayari yon..dahil.. dahi Sumama na siya... sa taong mahal nya"

kitang kita nya ang sakit na nararamdaman ng anak, agad niyang niyakap ang anak ng mahigpit

"Oh Son!" pagdadalamhati nya sa nakitang kalagayan ng anak

malungkot na hinawakan ng Daddy ni Elmo ang balikat ng anak

.

.

.

"Kamusta na ang inaanak ko? huling pagkikita natin ay nung kasal mo ah!"

ngumiti ng pilit si Elmo sa kaharap

"umupo ka muna ninong" at tinuro nya ang kalapit na silya dito

"Oh? ano ba tong gusto mong pag-usapan at kailangan pa talaga personal mo akong makita? ang dami kong knancel na client para sayo! lakas mo talaga sa akin inanak"

"Alam ko kasi matutulungan nyo ako ninong e.."

"Aba'y abogado ako, pero wala ako alam sa pang chi chiks!" pagbibiro pa nito

pero seryoso na napatingin lang si Elmo

"Tungkol po sa amin mag-asawa yung sinasabi ko sa inyo"

napakunot noo ang abogado sa pag-iiba ng aura ng kaharap

"Anong tungkol sa asawa mo?"

humugot muna siya ng malalim na hininga at tikom ang kamaong binigkas nya ang sadya dito

"I want to file an annulment"

Continue Reading

You'll Also Like

26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
13.6K 786 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
135K 3.2K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...