2.

2.7K 51 1
                                    

"Bakit kaya wala pa siya?"

sa taas ng burol ang usapan nilang tatlo na magkikita kita, kapag nandun na si Sef iiwan na nya ang mga ito habang siya, nakatingin lang sa mga ito sa malayuan

"Baka naman hindi pa makaalis sa trabaho"

pampalubag loob ni Elmo kay Julie, tiningnan nya ang relong pambisig, alas otso na ng gabi, kanina pang alas sais silang nandoon

"Pero gabi na masydo, alas singko ang labas nya sa trabaho, dapat kanina pa siya dito, hindi kaya napaano na yon?" buong pag-alalang sambit ni Julie

lihim na nainggit si Elmo ng mga oras na yon para sa kaibigan

"Hindi naman siguro..maya-maya andyan na yon"

"Kanina ko pa siya tinatawagan, pero cannot be reached pa rin"

"baka na lowbat na, on the way na yon dito,wag ka na masyado mag-alala, si sef pa, hindi yon marunong mang-indian noh!" pamapalakas loob nya kay Julie

"Okay lang ba sayo kung maghintay pa tayo? tutulungan mo naman ako kay mama't papa di ba?"

bigla siyang natigilan, malamang na masesermunan siya ng mga ito

"Hoy..Elmo..tutulungan mo naman ako di ba?"

napabaling ang tingin niya sa mukha ni Julie, eto na naman siya, hindi makahindi sa bawat sasabihin nito

"Oo naman..syempre naman" at bigla na lang siyang nagulat sa sumunod na ginawa nito, niyakap siya nito ng buong higpit! biglang bumalot ang kasiyahan ng  pakiramdam niya, napapikit na ninamnan nya ang mga yakap nito

"Thank you Moe! da best ka talagang kaibigan!"

parang may kung anong bombang sumabog sa utak nya sa huling sinabi nito, dahan dahan syang kumalas sa pagkakayakap ni Julie

"Alam ko, kasi..Nag-iisa lang ang tulad ko" pilit siyang ngumiti dito habang natatawa siyang hinampas nito

"Sige na nga! nag-iisa ka lang na kaibigan namin ni Sef ! you da best!" ngiting ngiting tugon pa ni Julie, samantalang sa kaibuturan niya, ramdam nya ang sakit ng dulot nang katotohanan..

.

.

"Pre! bakit di ka sumipot kagabi!! buong gabi ka hinintay ni Julie! ano bang nangyari??"

sinadya nya ito sa factory kung saan ito nagtratrabaho, binilin ni Julie sa kanya na alamin kung anong nangyari sa nobyo pagtapos nya itong ihatid sa bahay at sermunan ng magulang nito kagabi

hindi mapakaling napatingin sa kanya si Sef

"May problema ba?" dagdag nya

"Pre, kaibigan kita di ba? kung tutuusin matalik na magakaibigan tayo di ba?"

napakunoot noo si Elmo

"Oo naman pre, may nangyari ba pre?"

umupo si sef sa case ng beer at tensyonadong pinatunog nito ang mga daliri

"Pare, nakabuntis ako"

"Ano???"

"Pare, ikaw na lang ang kaibigan na mapagkakatiwalaan ko, alam mo yan, sana pre matulungan mo ako"

nanlaki ang mata ni Elmo sa pagkagulat

"Paanong??" halos di na malaman ni Elmo ang itatanong dahil sa rebelasyon na isiniwalat ni Sef

"Hindi pa kasi handa si Julie, kaya pre, laking pagkakamali ko nung minsang pagkauwi  ko nadaanan ko si minette, pare tinukso nya ako, hindi ko mapigilan na hindi madala sa sitwasyon"

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon