Conflagration: War of the Dea...

By Nim_Tash_Nim

25 0 0

"The loneliest people are the kindest. The saddest people smile the brightest. The most damaged people are th... More

Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII

Kabanata VIII

1 0 0
By Nim_Tash_Nim

A/N: Sa wakas! Natapos na rin ang first day nila sa Ganymede's Villa. Haha. Please vote and be a fan!!! ^_^v



***



Kinabukasan ay nagtipon-tipon kami sa tapat ng Head Office. 5 am pa ngayon at sobrang aga pa. Well, mas mabuti na yung maaga.



"Ready na ba ang lahat?" Tanong ni Sir Kiel. Tumango naman kaming lahat. Lahat rin kami ay may dalang maleta.



"Hindi ako pwedeng sumama sa inyo dahil walang mamamahala ng Mishanbe Office. Tutal galing naman sa mundo ng mga ordinaryong tao sina Z at Field ay sila na ang bahala sa inyo. Good luck guys." Sabi pa ni Sir Kiel. Patay kami nito.



"Tandaan ninyo na bawal may makakita na ginagamit ninyo ang Power Abilities ninyo maliwanag?" Tumango na lang ulit kami.



"Gosh! Parang ayaw ko kayong isabak sa misyon na yun!" Sabi ni Sir habang nakayuko.



"Okay lang 'yan Sir Kiel! Besides, kasama naman namin sina Z at Field diba? We trust them." Sabi naman ni Aya. Ugh! Sana maglaho ako mamaya.



"Oh siya. Wag kayong masyadong maging ignorante hah?" Paalala ulit ni Sir Kiel. Tumango ulit kami.



"Don't worry Sir. Hindi naman siguro kami ma-iignorante sa mga things, gadgets, and stuffs nila doon. Mas advance pa nga ata yung mga  gadgets natin eh! Siguro, maninibago lang kami sa place tsaka sa mga pagkain dun." Sabi naman ni Gidget.



"Oh sige na. Ayoko namang mag-teleport kayo papunta dun dahil hindi naman alam ni Herix kung saan yung exact place na pupuntahan ninyo. Ipapagamit sa inyo ni Sir Lothar yung personal car niya na ginagamit niya kapag lumalabas siya ng villa. Field, marunong ka bang mag-drive?" Napatingin naman kami kay Fierce.



"Ako?" Tanong ni Fierce sabay turo sa sarili niya.



"May iba pa bang Field dito?" Pangbabara ni Aya.



"Opo. Marunong po ako." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso? Marunong siyang mag-drive?



"Sige. Eto ang susi." Sabay hagis niya kay Fierce nung susi.



"Tutal alam mo na naman ang pasikot-sikot sa mundo ng mga ordinaryong tao ay ikaw na ang bahala okay?" Patay si Fierce nito!



"Saan po pala kami pupunta na exact place?" Tanong ni Fierce.



"Sa Manila. Alam mo na siguro yun." Nag-nod naman si Fierce.



'Nababaliw ka na ba? Hoy! Ano ba ang iniisip mo hah! Tsaka alam mo ba talaga kung nasaan yung lugar na Manila?'

Tanong ko kay Fierce. Paano naman niya malalaman kung nasaan yung lugar na yun?



'Remember, 26 years old na 'ko sa panahon na pinanggalingan ko. Hindi ko pa pala nasasabi sayo na nakapunta na 'ko sa iba't ibang lugar.'

Sabi naman ni Fierce. Seryoso? Ba't hindi niya sinabi sa akin na nakarating na pala siya sa mundo ng mga ordinaryong tao? Halos mamatay tuloy ako kanina kakaisip sa kung ano ang mga pwedeng mangyari!



'Sorry.'

Nag-smile na lang ako.



"Lumabas na kayo ng compound. Nasa labas yung personal car ni Sir Lothar." Pumunta naman kami sa compound at sinabi na  nila yung magic word. Pagkalabas namin ay may van na nakaparada sa labas. Seryoso sila? Van yung personal car ni Mr. President?


'Hindi 'yan van. Maximo Grandella 'yan. Sikat 'yang kotse na 'yan. May kotse rin yung papa mo na ganito pero hindi mo pa nakikita.'

Ganun? Mas alam niya talaga yung mga stuffs tungkol kay papa noh?



"Guys, ilagay niyo na yung mga gamit ninyo sa likod." Sabi ni Fierce. Nilagay naman namin yung mga gamit namin sa likod. Ugh! I wish to drive this car! Marunong naman ako mag-drive kahit sa village lang ako lumaki noh! Tinuruan nga ako ni Luigi eh.

Speaking of Luigi... Miss ko na yung mokong na yun kahit wala siyang respeto sa akin.



'You miss Luigi?'

Tanong ni Fierce.



'Tinatanong mo pa e nababasa mo naman yung iniisip ko'

Oo! Namimiss ko talaga siya. Siya lang naman palagi ang kausap ko dun eh!



"Sino ang gustong umupo sa passenger's seat?" Tanong ni Fierce. Nagtaas naman ng kamay si Aya.



"Ako! Ang tagal ko na ring hindi nakakaupo sa passenger's seat!" Sabi ni Aya. Hindi naman umangal si Fierce at dumiretso na si Aya sa passenger's seat.



"So, ako, si Jiro, at si Hendrix ang sa second seat." Sabi ni Gidget at sumakay na silang tatlo.



"Tara na. Sa back seat tayo." At sumakay na rin kami ni Dyllan. Pinaandar na ni Fierce yung kotse at nagmaneho na siya hanggang sa makalabas na kami mula sa grassland (dumaan kasi kami sa may grassland) at napunta kami sa parang hallway na semento na super duper haba.



'Kalsada ang tawag dyan. Road sa English.'

Sabi ni Fierce. Magtatanong sana ako kay Fierce kung ano ang use nitong kalsada nang may nakita akong---


"Ano yun Z?" Tanong ni Gidget sabay turo sa nadaanan naming... Canteen? Canteen ata yun na super sosyal.



"Cante---"



"Restaurant." Sabi ni Fierce. Ow... Restaurant pala yun? Akala ko canteen.


"Eh yun?" Tanong naman ni Gidget at tinuro niya yung malaking color red na bubuyog na nakikipag-picture kasama yung mga tao. Weird. May bubuyog ba na kasing laki ng tao? At nagpapapicture pa hah!



"Jollibee. Sikat 'yan bilang isang fast food chain." Fast food chain?



"Fast food chain?" Tanong ni Herix.



"Kainan." Sagot naman ni Fierce.



"Guys! Wag kayo masyadong pahalata na first time niyo dito." Paalala ni Aya.



"Saan nga pala tayo tutuloy? May village din ba rito para sa atin?" Tanong ni Dyllan. Oo nga noh? Saan kaya kami tutuloy?



"Sa bahay na lang namin." Sabi ni Fierce. Kumunot yung noo ko pero nagliwanag naman yung mga mukha nila... except Jiro's face of course.



"As in? Makikita namin kung saan ka nakatira?" Sabi ni Aya with excitement. Teka nga! Paano naman nagkaroon si Fierce ng bahay dito sa lugar ng mga ordinaryong tao?



'Your father gave a task for me to leave here on the ordinary people's world for 10 months. At dahil dun ay may bahay ako dito.'

Taray ni Fierce!



'I'll take that as a complement.'

Tse!



"Nga pala! Gusto ko din makita yung bahay nina Z!!!" Sabi naman ni Gidget. Uh... Anong isasagot ko?



"Next time ang isagot mo!'



"Sige. Next time pupunta tayo dun." Bigla na lang akong napatalon nung nag 'Tsk' si Jiro. Ugh! Naguguluhan na talaga 'ko sa lalaking 'to.



After 43 minutes...



Nag-stop kami sa isang one storey house. Malaki naman siya sa labas. Pumasok naman kami at malaki nga yung bahay. Yun nga lang ay may tatlong kwarto lang yun. Malinis din tsaka ang peaceful tingnan.



"Ang cute! Sino ang kasama mong nanirahan dito?" Tanong ni Aya na binawi naman niya kaagad.



"Wag mo na sagutin." Sabi naman ni Aya. Nag-smile lang si Fierce.



"Okay lang. Sasagutin ko na yung tanong ninyo. May dalawa akong kaibigan at sila ang kasama ko dito." Kaibigan? Sino naman kaya yun.



"Nasaan sila ngayon? Baka mamaya paalisin nila tayo dito." Sabi naman ni Herix.



"Wag kayong mag-alala. Wala na sila dito. Nag-aaral na sila sa ibang lugar." Sagot naman ni Fierce. Sino kaya yung mga kasama niyang nanirahan dito nung bigyan siya ng task ni papa?



'Si Terrice, yung Butler ng papa mo tsaka.... Si Luigi.'

Bigla naman akong nalungkot nung sinabi niya yung pangalan ni Luigi. Haay buhay!


"Nga pala. Tutal tatlo yung girls at apat yung boys, ano ang magiging arrangement natin sa bedrooms?" Tanong ni Aya.



"May isang bedroom dito na apat yung kama. Yung isa naman is dalawa yung kama while yung isang kwarto is may isang kama lang." Sabi ni Fierce. Astig nitong bahay ni Fierce hah!



"So, ano na?" Tanong ni Dyllan.



"Lahat nung boys ay doon sa kwarto na apat yung kama." Sabi ni Jiro na ikinagulat ko na naman.


"Okay." Sabay sabay na sabi nung tatlong lalaki.



"Sina Gidget at Aya naman yung sa bedroom na may dalawang kama." Sabi pa ni Jiro at tumango naman yung dalawa. Tinignan naman ako ni Jiro bigla.



"Doon ka sa room na may isang kama. Go. Ayusin niyo na yung mga gamit ninyo." Sabi ni Jiro.  Nagsipuntahan naman kami sa mga rooms namin at nag-ayos na ng mga gamit. Malaki 'tong room na 'to. May banyo din sa loob. Sino kaya ang may-ari ng kwartong ito?



'Ako. Alam mo naman kung gaano ako ka-special para sa papa mo.'

Tse! Sige Fierce! Ipamukha mo pa sa 'kin na ayaw sa akin ni papa.



'Sorry.'

Hindi ko na lang siya pinansin. Inayos ko na lang yung mga gamit ko pagkatapos ay humiga ako sa kama.



Ugh! Now that I think of it, alam ko na may rason kung bakit sinabi ni Jiro na dito ako sa separate bedroom malalagay. May alam ba siya o paranoid lang ako?


'Don't think of it. Matulog ka na muna. Lalabas tayo mamayang bandang 12 noon.'

Sabi sa akin ni Fierce at ilang sandali pa ay nakatulog na 'ko.


***



Pagkagising ko ay lumabas na 'ko. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakaupo si Jiro at Fierce sa sala. Nag-uusap sila at napakaseryoso nila. Lumapit ako sa kanila at napatingin sa akin si Jiro. Si Fierce naman ay nakatingin lang kay Jiro.



"Hey guys! Nasaan na yung iba? Tulog parin ba sila?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot. Ugh! Nakakatakot yung aura nila.



"Good afternoon guys! Nagugutom na 'ko!" Sabi ni Aya pagkalabas niya ng kwarto nila. Lumabas nadin sina Gidget, Herix, at Dyllan.



"Ako rin nagugutom na! Saan ba tayo kakain Field?" Tanong ni Herix.



"Name it." Sabi naman ni Fierce. Name it? Eh lahat nga kami bago dito sa lugar na 'to eh!



"Z, saan tayo kakain?" Tanong ni Gidget. Bigla na lang akong may naisip. Tama!



"Sa Jollibee na lang." Sabi ko. Napangiti si Fierce. Duh! Natatandaan ko naman yun noh!



"Pero I heard na we need money kung kakain tayo sa labas. Hindi libre yung pagkain dito di tulad sa villa." Sabi naman ni Aya. Tama siya. Ganyan din kasi sa villa eh. Kung wala kang pera, hindi ka makakakain.



"Don't worry. Binigyan ako ni Sir Kiel ng pera." Sabi naman ni Jiro sabay pakita sa wallet niya na naglalaman ng puro isang libo. Buti na lang at magkatulad lang yung ginagamit na pera dito at sa villa naming mga Titinians. Therefore, alam ko yung itsura ng mga pera.



"Good thing that we're thought of the ordinary people's money." Sabi naman ni Gidget. Mabuti naman. Baka kasi mamaya mag-tanong pa sila sa akin.


"Oh siya. Let's go to Jollibee!" Sabi ni Herix sabay takbo sa labas. Natawa na lang ako. Kami lang nina Fierce at Jiro ang naiwan sa loob. Inanyahan ko na silang lumabas at lumabas na rin kami at sumakay na nung kotse..



"We're on our way to Jollibee!!!" Sabi ni Aya at halatang excited siya. Si Aya talaga!



"Basta hah! Wag na wag ninyong ipapahalata na bago lang kayo dito." Sabi naman ni Fierce at nag-drive na siya papunta sa Jollibee.


***



"Ang sarap!!! Guys! Hindi 'to ordinaryong fried chicken!" Sabi ni Aya. Sa lakas ng pagkakasabi niya nun ay napatingin yung mga tao sa 'min. Di rin nagtagal ay pinagpatuloy na nila yung mga kanya-kanyang ginagawa nila.



"Nakakahiya ka." Sabi ni Fierce. Sumimangot naman si Aya.



"Tse! Palibhasa nakakain ka na nito!" Sabi naman ni Aya. Natatawa ako sa kanilang dalawa.


"Bilisan niyo na! Ipapasyal ko pa kayo." Bigla na lang nagliwanag yung mga mukha nina Aya at Gidget. Ignorante much?



"Tapos na kami!" Sabi ni Gidget after 3 minutes. Ang bilis nila! Hindi pa nga ako nangangalahati eh!


"Eh paano 'yan? Hindi pa tapos kumain sina Z at Jiro?" Tanong ni Dyllan. Oo nga. Kami lang ni Jiro ang hindi natatapos.



"Iwan niyo na kami. Besides, taga rito naman si Z." Sabi naman ni Jiro. Sabay kaming umiling ni Fierce. Duh! It's a big no no. First time ko lang dito!



"Oo nga naman Fierce! Ipasyal mo na kami! Kaya na ni Z si Jiro, diba Z? Bye!" Sabi ni Aya at kinaladkad na si Fierce papalabas. Ugh! Ni hindi na siya nakapagsalita ng dahil sa pagkaladkad sa kanya ni Aya.



"Tapos ka na ba?" Tanong ni Jiro.



"Oo. Ikaw? Tapos ka na ba? Kung oo, mas mabuting habulin na natin sila." Tatayo na sana ako nang pigilan niya 'ko.



"Hindi mo 'ko kayang ipasyal? Pwes, ako ang papasyal sayo."

Continue Reading

You'll Also Like

Kairos By leigh heasley

Science Fiction

846K 23.1K 28
Time travel is legal and Ada Blum is looking for love. But what happens when one of her charming bachelors from the past makes his way to the present...