Dating My Sister's Idol (The...

By jglaiza

1.9M 46.7K 3K

The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siy... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Epilogue
Special Chapter

Forty

31.9K 767 76
By jglaiza

Chapter 40
Leave

**

"Are you really sure about this, anak?" tanong sa akin ni Mommy matapos kong ipaliwanag sa kanila ang gusto kong gawin.

Two days after the party, ngayon ko lang naisipang pumunta sa bahay ng mga magulang ko para humingi ng tulong sa kanila. Maaaring hindi nila maintindihan ang desisyon ko pero alam kong magagawa rin nila akong maintindihan sa ibang araw.

"I'm sure about this, Mom. And I really need your help," I replied.

"Ate, you're going to leave Kuya Hero?" malungkot na tanong ni Andrea. "Mahal mo naman siya, 'di ba? Bakit mo siya iiwan?"

Tumingin ako sa kapatid ko. Halata ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya si Hero. Itinuring na rin niya itong kapatid kaya alam kong nalulungkot siya dahil sa desisyon kong iwanan siya. I know she won't understand it right now but I know she will eventually.

"Of course, I love him. Ayoko rin talagang gawin ito pero kailangan. Pansamantala lang naman ito, eh. Babalik din ako kapag okay na lahat, kapag okay na siya," sagot ko.

"Ate, hindi ko maintindihan," aniya. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya pagkasabi niya no'n. Parang gusto ko na rin tuloy umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Hindi mo pa maiintindihan ngayon pero alam kong darating ang panahon at maiintindihan mo rin lahat. Kailangan ko itong gawin hindi para sa sarili ko, Andrea. I need to do this for Hero."

"What about Kuya Hero? Maiintindihan ka ba niya?"

Hindi agad ako nakasagot. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung maiintindihan ba niya ang desisyon ko o hindi. Hindi lang naman dahil sa desisyon niya na mag-quit sa pagkanta kaya ko siya iiwan. I want him to think, too. Gusto kong pag-isipan niya lahat ng bagay. Ayokong magpadalos-dalos siya ng desisyon. Gusto kong pag-isipan niya ring mabuti kung ano ba talaga ang gusto niya. At alam kong hindi niya magagawa iyon kapag nandiyan ako. Kapag nandiyan ako, siguradong mas iisipin niya ako kaysa sa sarili niya.

I don't want that. I don't want him to neglect himself because of me. Ayokong mag-focus siya sa akin at sa bubuuin naming pamilya. Gusto kong mag-focus din siya sa pangarap niya at sa kung anong gusto niya.

Dahil alam ko... alam na alam ko kung gaano niya kagustong ipagpatuloy ang pagkanta. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.

Tipid akong ngumiti. "He will, eventually. May tiwala ako kay Hero. Alam kong maiintindihan niya rin ako pagdating ng tamang panahon."

Napabuntong-hininga si Daddy. Napatingin ako sa kanya.

"Very well. Kung iyan ang gusto mo, pinapayagan kita. Ako na ang bahala sa lahat. Sabihin mo lang sa amin kung kailan mo balak umalis," aniya.

"Bukas na po sana, Dad. Alam ko pong masyadong mabilis pero mas okay na po iyon. Natatakot po kasi akong baka bigla na lang magbago ang isip ko kapag pinatagal ko pa," sagot ko. "Bago po ako umuwi sa condo ni Hero, pupuntahan ko po muna ang mga kaibigan ko para ipaalam sa kanila ang plano ko."

"Kung ganoon, ibibigay ko na sa'yo ang kailangan mo bago ka umalis para maasikaso mo na ang lahat ng dapat mong asikasuhin."

"Anak, hindi mo ba talaga sasabihin sa amin kung saan ka pupunta?" tanong ni Mommy.

Umiling ako. "Sorry po pero hindi ko po pwedeng sabihin. Nag-iingat lang po ako. Ayoko pong malaman ni Hero kung nasaan ako dahil alam kong pupuntahan niya ako agad."

"Hindi naman namin ipapaalam sa kanya, eh."

Ngumiti lang ako ng tipid. I know my Mom. Madaldal siya kaya alam kong hindi imposibleng masabi niya kay Hero kung nasaan ako. Hindi man niya sabihin, maaaring madulas naman siya sa pagsabi sa kanya.

"Ate, mami-miss kita," sabi ni Andrea bago yumakap sa akin. Napangiti ako. Kahit naman paminsan-minsan ay hindi kami magkasundo ni Andrea, alam ko kung gaano kahalaga sa amin ang isa't isa. Mahal na mahal ko ang kapatid ko.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. "I'll miss you, too. Promise me you'll take care of Hero while I'm away."

"I promise, Ate. Hindi ko pababayaan si Kuya Hero. I'll always check on him."

Nagyakapan kaming lahat doon dahil matagal pa bago kami muling magkita. Plano ko kasing lumayo hindi lang kay Hero kundi pati sa pamilya ko. Kaya ako nandito ay para humingi ng tulong sa kanila at para makapagpaalam na rin.

May kaunti akong naipong pera dahil sa pagtatrabaho ko pero alam kong kulang iyon kaya humingi ako ng tulong kay Daddy. Ayokong malayo sa pamilya ko pero kailangan. Hindi ko na ipinaalam sa kanila kung saan ako pupunta pero nangako naman akong tatawag sa kanila sa oras na naka-settle na ako. Alam ko kasing hahanapin ako ni Hero sa kanila. Ayoko namang magsinungaling sila kaya nagpasya akong huwag na lang ipaalam sa kanila kung saan ako pupunta. Ganoon din ang balak ko sa mga kaibigan ko.

Pagkatapos kong makapagpaalam sa kanila ay pumunta naman ako sa bahay nina Sapphire. Tinawagan ko rin si Eunice at sinabihang pumunta kina Saff. Sinabi kong may emergency akong sasabihin kaya pumayag naman siya.

Pagdating ko kina Saff ay nakita kong naroon na ang kotse nina Eunice. Marahil ay kasama niya si Niel. Linggo ngayon kaya malamang ay wala itong trabaho. Nag-doorbell na ako at maya-maya lang ay pinapasok naman ako ni Nana Sonia.

Nasa sala silang lahat nang pumasok ako. Naglalaro ang mga bata sa sala at masaya naman silang pinapanood ang mga ito. Nang pumasok ako ay nag-angat sila ng tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila.

"Kids, nandito na si Ninang Bree," sabi ni Eunice sa mga bata habang papalapit sa akin. Nag-beso kami at ganoon din naman ang ginawa namin ni Saff.

Sinalubong naman ako ng mga bata. Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi at ganoon din naman ang ginawa nila sa akin. Pagkatapos no'n ay bumaling ako kina Joseff at Niel. Tinanguan ko lang sila at nginitian.

"So, ano bang emergency ang sasabihin mo?" tanong ni Saff. "Wait. Are you hungry? Gusto mo ng pagkain?"

"No. Hindi na. Busog pa naman ako. Kakagaling ko lang kina Mommy at kumain na ako roon," sagot ko. "Um... can we talk in private?"

Hindi pa man nakakapagsalita sina Saff ay tumayo na sina Joseff at Niel. Mukhang alam na nila ang gagawin nila. Dinala nila ang mga bata sa playroom sa taas kaya naiwan na lang kaming tatlo ngayon sa sala.

"So, what is it? May problema ba?" tanong agad ni Eunice.

This is it. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinimulang sabihin sa kanila ang balak ko. Tahimik naman silang nakinig sa akin pero habang nagpapaliwanag ako ay nakita kong parang gustong-gusto nang magsalita ni Saff. Kaya naman nang matapos ako ay hindi na ako nagulat nang siya ang unang nagsalita.

"What the fuck, Bree? Bakit mo gagawin iyon? Bakit mo iiwan si Hero? Both of you obviously love each other so why would you leave him?" sunod-sunod niyang tanong.

I sighed. "I need to, Saff. Alam kong hindi niyo pa ako naiintindihan ngayon pero alam kong magagawa niyo rin akong intindihin in the future. I need to do this for Hero. Ayokong sirain niya lahat ng mayroon siya nang dahil sa akin."

"Alam namin iyon, Bree, pero iyan lang ba ang naisip mong paraan? Bakit hindi mo siya subukang kausapin? Bakit hindi kayo mag-usap nang mabuti? Try to persuade him."

"I already did that, Saff. Pero hindi siya nakinig. Kahit nga Daddy niya at ang President ng GAE, hindi siya nakumbinsi. Ito lang ang naiisip kong paraan para huwag na siyang tumigil sa pagkanta. I want him to think about his decisions more."

"Bakit? Hindi ba siya pwedeng mag-isip nang kasama ka niya?" naiinis na sabi niya.

"Okay, wait. Saff, I understand what you're trying to say but I also understand Bree. Ayaw niya nga namang masira si Hero nang dahil sa kanya. Besides, sa tingin ko iniisip din ni Bree ang mga fans ni Hero. Iniisip niya kung anong mararamdaman nila kung sakaling bigla na lang sabihin ni Hero na magqu-quit siya sa pagkanta," sabi ni Eunice.

"Who cares about his fans? Tingin ko naman hindi agad sasabihin ni Hero sa kanila 'yong balak niyang pagtigil sa pagkanta. I'm sure he's going to take it slow. Saka kung talagang fan sila, susuportahan nila si Hero sa desisyon niya," inis na sabi ni Saff bago bumaling sa akin. "And if you really love Hero, you'll support him with his decisions."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi niya ako naiintindihan. I smiled bitterly. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. Bigla naman siyang natigilan nang makita ang reaksyon ko.

"I'm doing this because I love Hero so much, Saff."

Hindi sila sumagot. Napalunok ako at napayuko.

"Sa tuwing nakikita ko siya, kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kagustong kumanta sa harap ng maraming tao. Nang sinabi niya sa aking magqu-quit siya sa pagkanta, nakikita ko sa mga mata niya na nahihirapan siya. Doon pa lang, alam kong ako ang pumipigil sa kanya para ituloy ang pagkanta. Kahit na sinasabi niyang okay lang na tumigil siya, nakikita kong hindi okay iyon. Kahit na sinasabi kong ituloy niya pa rin ang pagkanta at susuportahan ko siya, ayaw niya dahil pakiramdam niya, dapat nasa tabi ko siya para alagaan ako."

Nanatili pa ring tahimik ang dalawa. Napasinghot ako at patuloy pa rin ako sa pagpunas sa luha ko.

"Mahal na mahal ko si Hero. Wala akong ibang gusto kundi ang makita siyang masaya. At alam kong sumasaya siya sa pagkanta sa harap ng maraming tao. Nakikita ko iyon araw-araw. And I don't want to take away that happiness," I said.

"But you are also his happiness, Bree. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag umalis ka?" tanong ni Eunice.

"I know he'll get hurt. Alam kong iiyak siya pero sa una lang iyon. Alam kong makaka-move on din siya. Alam kong darating ang araw at maiintindihan niya ang desisyon kong umalis," sagot ko. "Pansamantala lang naman ito, eh. Kapag nasiguro kong natupad na niya ang pangarap niya at nakapag-isip na siya, babalik din ako."

"Paano kung sa pagbalik mo, may iba na siya?" tanong ni Saff.

Hindi ako agad nakasagot. Tumulo na naman ang panibagong luha sa mga mata ko nang maisip ko si Hero na may iba ng mahal. Masakit. Sobrang sakit.

I smiled bitterly. "So be it. Kung may ibang taong nagpapasaya na sa kanya, okay lang. Tatanggapin ko kahit na masakit."

Napabuntong-hininga silang dalawa. Tumango-tango si Sapphire.

"Okay. Kung iyan na talaga ang desisyon mo, hindi na ako makikialam kahit na gustong-gusto kong makialam. Kung nagdesisyon ka na talagang umalis, wala na akong magagawa. Pero saan ka nga ba pupunta?"

"I can't tell you. Ayoko lang na sabihin niyo kay Hero kung nasaan ako. Besides, naalala ko pa ang ginawa mo noon, Saff. Naalala mo noong buntis si Eunice at ayaw niyang sabihin kay Niel na buntis siya? In the end, ikaw ang nagsabi sa kanya. I know you mean well but I think I need to handle this myself," I replied.

Napasimangot siya. "Hmp! Ang tagal na no'n, eh. Pero sige. Hindi ko na aalamin kung saan ka pupunta. Ligtas naman siguro roon, 'no?"

Ngumiti ako at tumango. "Oo naman."

Lumapit sa akin si Eunice saka ako niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik.

"We'll miss you, Bree. Tatawag ka lagi, ha? Kapag may problema, sabihin mo agad sa amin. Kapag babalik ka na, kami ang una mong sasabihan, okay?"

"I promise. Kayo na muna ang bahala kina Mommy at Daddy, ha?" bilin ko sa kanila.

Lumapit na rin si Saff at nakiyakap na rin sa amin. Nagkaiyakan pa kami sa huli dahil sobra ko silang mami-miss. They've been my friends since high school kaya sobrang hirap talagang iwan sila.

Bago ako umalis ay ibinilin ko sa kanila na sila na ang kumausap kay Aries tungkol sa pag-alis ko. Malapit na kasing gumabi kaya kailangan ko nang umuwi. Balak kong magluto ng dinner para pagdating ni Hero galing sa trabaho ay makakain na siya agad. Pero bago iyon ay kailangan ko munang asikasuhin ang plane ticket ko para bukas.

Alam kong may possibility na magalit sa akin si Aries dahil hindi na ako nakapagpaalam sa kanya kaya humingi ako ng tulong kina Saff at Eunice. Sila na ang bahalang magpaliwanag sa kanya ng mga bagay-bagay kung bakit kailangan kong umalis.

Nang matapos kong asikasuhin ang lahat ng dapat kong asikasuhin ay umuwi na ako. Nagluto agad ako ng dinner para sa amin ni Hero. Nang matapos akong magluto ay nag-empake naman ako ng mga gamit. Hindi na ako masyadong nagdala ng marami dahil ayokong mahalata ni Hero na aalis ako. Mga ilang pirasong damit lang ang dinala ko at iniwan ko ang iba. Itinago ko sa isang pwestong hindi makikita ni Hero ang maleta ko saka ako nagpasyang maligo.

Bandang alas otso na nang makauwi si Hero. Sinalubong niya agad ako ng yakap at halik pagkapasok pa lang niya ng unit. Pagkatapos no'n ay sinabihan ko na siyang magpalit ng damit para makakain na kami. Mga ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng mesa at kumakain.

"So, how was Tita and Tito?" tanong niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. Alam niyang pumunta ako sa bahay nina Mommy at Daddy pero hindi niya alam kung bakit. Ang sabi ko lang ay nami-miss ko na sila.

"They're fine. Nami-miss ka na rin daw nila. Minsan daw dapat bumisita ka rin. Sinabi ko na lang na busy ka kaya hindi ka makadalaw. Naintindihan naman nila."

"I'll probably visit them next week. Let's go together?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pilit na ngumiti kahit na alam kong wala na ako sa tabi niya next week. He'll probably hate me by that time.

"Yeah, sure."

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan. Nag-shower naman siya habang naghuhugas ako. Pagkatapos ko sa lahat ng gawain ay pumasok na ako sa kwarto. Sakto namang kalalabas lang niya ng banyo nang pumasok ako.

Tumabi agad siya sa akin sa kama pagkahiga ko. Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at mas hinapit ako palapit sa kanya.

"Shall we sleep now?" he asked after kissing my forehead.

Umiling ako. "Let's cuddle and talk first. Maaga pa naman."

"Okay. What should we talk about?"

Ngumiti ako. "I love you."

Napakunot-noo siya. "That's so random, baby. I love you, too. But why did you suddenly say that? Is there a problem?"

"Wala naman. I just want to say I love you. Kailangan ba laging may rason bago ko sabihin na mahal kita?" tanong ko. Ngumiti siya saka ako kinintalan ng halik sa labi.

"Hindi naman. Mahal na mahal din kita. I can't wait to finally marry you. I can't wait to finally make you my legal wife."

Nangilid ang luha sa mga mata ko pero hindi ko iyon ipinahalata. Sumubsob ako sa dibdib niya para hindi niya makita ang mga mata kong naluluha.

"M-Me, too. I can't wait to finally be your wife," I replied. "Hero, I know this is random but I want you to know that whatever I do, I do it for you. Lagi mong tatandaan iyan, ha?"

Bigla niya akong inilayo ng bahagya sa kanya at kunot-noong tinitigan ako.

"Seriously, baby. Is there any problem?" he asked. Tumawa ako nang mahina saka siya hinalikan sa ilong.

"Wala nga. Masama bang paalalahanan ka? Naisip ko lang kasi na baka may magawa ako na hindi mo gusto tapos magalit ka sa akin. Lagi mong iisipin na lahat ng ginagawa ko, para sa'yo."

"Ako rin. Everything I do, I do it for you. So please, don't hate me, baby. Whatever I do, please don't hate me."

"I will never hate you, Hero. Mahal na mahal nga kita, eh."

"I know. And I love you, too," he said. "Iyong desisyon kong mag-quit sa pagkanta, para sa'yo iyon. I want to be there to take care of you and our future children."

"I know..." and I'm also doing this for you, Hero.

Niyakap niya ako nang mahigpit saka niya ako hinalikan sa noo. Niyakap ko rin siya nang mahigpit na mahigpit na para bang iyon na ang huling beses na mayayakap ko siya. Well, it's possible.

Tumawa siya nang mahina. "I really love it when you hug me like this. Pakiramdam ko ayaw mong mawala ako sa'yo."

"Ayoko naman talagang mawala ka sa akin, eh," sagot ko. Tiningala ko siya nang bigla akong may maisip. Nahihiya man akong sabihin kung ano ang nasa isip ko ay nilakasan ko ang loob ko. "Hero, I want to make love with you."

Natigilan siya sa sinabi ko. Nagtaas siya ng kilay at bigla siyang napangisi.

"Really?"

Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya habang siya ay tumatawa na. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko saka niya ako iniharap sa kanya. Hinalikan niya ako sa labi.

"I want to make love with you, too, baby," he said before claiming my lips again.

And we did. We made love through the night. Ipinaramdam sa akin ni Hero ang pagmamahal niya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Ilang beses ko ring inulit-ulit sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Siniguro kong mararamdaman niya na mahal na mahal na mahal ko siya.

Hindi ako natulog buong gabi. Nang makatulog siya ay pinagmasdan ko lang siya buong magdamag. Gusto kong i-memorize ang buong mukha niya. Pakiramdam ko kasi, ito na ang huling beses na matititigan ko siya ng matagal. Pwede ko siyang titigan ng matagal sa picture pero ibang-iba pa rin kapag sa personal. I was silently crying as I watch him sleep.

Nang sumapit ang alas tres ng madaling-araw ay dahan-dahan akong bumangon. I tried my best not to make any noise as I put my clothes on. Kinuha ko ang maleta ko at saka siya tiningnan. Kinuha ko ang sticky note na nasa bedside table at nagsulat doon.

I'll be back. I'll always come back. I love you, baby.
- Bree

Ipinatong ko rin iyon sa bedside table para madali niya iyong makita. Bumaling ako sa kanya saka siya hinalikan sa noo. Pagkatapos ay tumalikod na ako at dahan-dahang lumabas.

Hindi ko na dinala ang sasakyan ko. Paglabas ko ng condominium ay agad akong tumawag ng taxi. Bago ako sumakay ay sumulyap pa muna ako sa unit ni Hero mula rito sa baba. Napahawak ako sa tiyan ko.

Without any hesitation, I left. But I know I'm not alone. I have our baby with me.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.8K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
98.7K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
5.1M 100K 42
Magkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siy...
16.3M 249K 55
COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag...