Blind Love

By heartlessnostalgia

12M 359K 150K

Sandejas Siblings Second Installment: (2023 Edition) D A S H "Because it's not about the eyes that can see, i... More

Sandejas Siblings #2: Blind Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
BL Special Chapter
Rumor: Uto-uto si Dash-beybe
Blind Love Selfpub Reprint

Kabanata 10

282K 9.8K 2.2K
By heartlessnostalgia

Kabanata 10

"GET off her!" Malamig na sita ni Dash.

"Huh? I'm not doing anything!" Natatawang sabi ni Zeijan. Hinawakan pa nito ang palapulsuhan ko at inaasar si Dash.

Mas nairita lang ang kapatid niya. Hobby ata talaga nitong si Zeijan na asarin ang kapatid.

"Fuck you, Zeij! Once I got my sight back I promise, I will kill you!" He hissed. Natawa pa ako ng abutin ako ni Dash at mabilis akong hinapit palapit sa kanya.

"Hala, wala naman akong ginagawa! Kinakumusta ko lang si Reah-tot!" ani ng tatawa-tawang si Zeijan. Napailing na lang ako sa kalokohan nito at hinawakan ko ang kamay ni Dash.

"You, stop calling her names!" Humigpit ang hawak sa akin ni Dash. Zeijan laughed and shook his head, sumulyap siya sa akin at nag-make face bago nginuso si Dash.

Kinaltukan ko na at napangiwi siya, ngumunguso na nag-iinarte.

"Tama na, Zeij," mahinang saway ko. Halos mamula na si Dash sa inis.

Kagagaling lang namin ng clinic kanina para sa check-up niya at maayos naman ang lahat. Kailangan na lang naming antayin ang araw ng operasyon.

Pagkatapos ay dumiretso kami sa mall para kumain, mabuti na lang ay kasama namin si Zeij pero inaasar naman niya si Dash na galit na.

"Init naman ng ulo nito, high blood?" pang-aalaska pa ng kapatid. "Siguro no'ng pinagbubuntis ka ni mammeh iritado siya kay daddeh?"

Hindi rin sumama sila Kuya at Thallia sa amin dahil pina-check up nila 'yong kambal.

Dash scoffed. Mas natawa si Zeij.

"Ano ngayon, at least 'di naalog sa tiyan ni mommy," sagot ni Dash at nakagat ko ang labi para pigilin ang ngisi nang mapawi ang ngiti ni Zeij.

"Wala naman personalan dito, Dash-beybe!"

Umiling si Dash. Hindi pa rin matigil sa pang-aasar itong isa.

"Bakit, ang cute nga ng Reah-tot!" He retorted.

"Cute? Huh? Do you think that's cute? What about I'll wring your neck and let's see if you'll be cute after I kill you." Sarkastikong sabat naman ni Dash dito.

"Wow...very scary, kunwari naihi ako sa boxers sa takot," he even faked a shiver. Dash attempted to smack him. Medyo malayo si Zeijan sa kapatid at 'di aabutin ng palo pero lumapit si Zeij para mahagip ng kapatid.

It made me smile. It's the small things.

Zeijan groaned.

"You're so harsh, Dash! Zidney-tot din naman tawag ko sa kapatid natin noon, a! Wala namang masama kung kay Reah din." Ngumisi siya sa akin sabay kindat. "'Di ba, Reah-tot?"

Natawa ako bago nailing.

"Kahit na. You stop calling her names or endearments whatsoever..." Ngumiwi ito.

"You can't stop me, I'll call her that! Bahala ka!" Maktol ni Zeijan. Napamura naman si Dash at akmang aabutin muli si Zeijan ay mabilis kong niyakap ang baywang niya para pigilan siya.

"Hayaan mo na lang, wala lang 'yang magawa," bulong ko kay Dash. He groaned and let go at tumawa-tawa naman si Zeijan sa tabi ko.

Pumasok kami sa isang resto habang hawak-hawak ko ang kamay niya at nakaalalay ang cane niya sa paglalakad niya.

"Seriously, Zeijan, sinong mas matanda sa inyo ni Dash?" Nilingon ko siya nang maisip iyon.

"Syempre ako," sagot ni Zeijan. "I am a year and so older than him, you see." He wiggled his brows.

"And yet you're acting like a kid!" Sikmat ni Dash na narinig ang usapan namin.

Hinawakan ko ang braso ni Dash paupo at tumabi ako sa kanya habang si Zeij ay sa harapan namin.

"Cute naman," ngumuso si Zeijan.

"Childish," sumimangot si Dash. "Dapat talaga mas matanda na lang ako sa 'yo..."

"Edi wow, sige. Bless nga ako, Lolo," asar ni Zeijan sabay subok magmano sa kanya. Dash cursed at natawa na lang ako ng makitang nagsisipaan ng paa ang dalawa sa ilalim ng mesa.

"Yari ka talaga sa 'kin,"

"So scary..." Zeijan teased, "katakot naman pala si Lolo Dash. Alam mo, feeling ko ikaw unang magkakaapo sa 'ting magkakapatid."

Dash scoffed, "'di ka sure. Tatawanan kita talaga kapag ikaw."

WE went to their mansion after that, maingay pagkadating namin doon at nakita ko kaagad sina Thallia at Kuya sa sala na nilalaro ang kambal na nasa crib.

I held Dash's hand at kaagad kaming pumasok.

"Reah! Dash!" Bati kaagad ni Thallia pagkapasok namin. Nanlalaki pa ang mata niya at pumalakpak sa tuwa.

"Hello," I greeted with a smile. Tumakbo naman siya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

"OMG! Ang tagal din nating 'di nagkita! Months!" She exclaimed. Humiwalay siya sa akin saglit at mabilis na lumapit kay Dash.

"Dash!" She exclaimed and hugged him.

"Thallia," Tumawa si Dash. Umakbay naman sa kanya si Thallia at inakay siya palapit sa mga anak.

"Babies, Tito Dash is here!" Masayang pakilala niya sa Tito nila.

Inalalayang maupo ni Thallia si Dash sa upuan sa may crib kung nasaan ang dalawa.

"Hi..." Ani Dash at iniabot ang kamay sa crib. The little kids, who were just months older giggled at inabot ang kamay niya.

"Ayan, pwede na kayo mag-asawa..." Nagulat ako ng nasa tabi ko na si Kuya at nakahalukipkip.

"Kuya..." Ngumiti ako.

"Hey, Reah," aniya. He stared at Dash for a while bago ibinaling ang tingin sa akin.

"How are you?" Aniya. Nilingon ko naman kaagad siya at ngumiti.

"Ayos naman po," I answered him.

Tumango siya bago pasadahan ng kamay ang buhok.

"I can see that," aniya. "After Dash lost his sight he never smiled and laugh like that but he changed the moment you came into his life..."

My heart flinched.

Hindi naman ako nakasagot at tinitignan lang si Dash na pinapahawak ang kamay sa kambal at ang nagsasalitang si Thallia roon.

Dash was smiling, narinig ko nga rin ang pangalan ko na sinabi ni Thallia, siguro ay topic nila ako.

"Ngayong linggo na po ba talaga ang operasyon niya?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Luckily, yes," masayang sabi nya. Tumango naman ako at nagpaalam kay Kuya bago lumapit kay Dash.

I am happy that you can finally get your sight back. I am happy you'll finally continue your dreams. Makukuha mo na ulit sila, Dash. Magiging masaya ka na ulit...

Pero hindi rin maiwasang malungkot ako para sa sarili ko. Siguro kaya mahilig ako sa myths ay dahil ganoon din ang istorya naming dalawa.

It was bitter-sweet, yet a tragedy. Hindi talaga kami para sa isa't isa.

But I am happy because at least I got to know him, kung dati ay sulyap lang ang nagawa ko, ma-swerte pa rin akong nakausap ko siya, nahalikan, at pakiramdam ko'y buo na ako kahit sa oras na darating ay mababasag muling ako.

Hindi ko lang ma-imagine kung sakaling mangyayari na nga ang araw na kinatatakutan at pinakahihintay ko. Masaya ako sa araw na darating dahil makakakita na siyang muli pero masakit para sa akin dahil babalik na naman kami sa umpisa.

I need to stay away, I need to drift away because she's coming back.

"You're quiet," napabaling ako kay Dash ng magsalita siya sa tabi ko.

We were seating on their garden, may nakalatag na tela para upuan namin at tahimik lang kaming dalawa.

Kanina pa ako walang imik at si Dash nama'y kakausapin ako at tanging oo at hindi lang ang sagot ko.

"Wala naman," sagot ko sa kanya. He sighed bago pasadahan ang buhok niya.

"I know something is happening," he insisted. "I don't know pero ramdam ko na may iniisip ka."

"Wala naman akong iniisip, Dash. Sorry, napagod lang siguro ako." Marahan kong sabi sa kanya.

"It's fine," he mumbled softly. Lumayo siya ng bahagya at malungkot akong napangiti nang humalik siya sa pisngi ko.

"Rhea..." aniya.

"Hmm?" I hummed.

"Come here..." tinapik niya ang pagitan sa kanyang hita at napatingin ako roon.

"What?" napangiti ako.

"Sit here..."

"Sa lap mo?" natawa ako at nakagat ang labi.

"Come on, babe. I wanna hug you," aniya sa nagta-tantrums na boses. Tumayo naman ako kaagad at lumapit sa kanya.

Like he said, I sat in between his legs. Kaagad namang pumulupot ang kamay niya sa baywang ko at isiniksik ang ulo sa balikat ko.

"Babe..." mahinang tawag niya sa akin. Nilingon ko siya nang bahagya at hinalikan niya ang gilid ng labi ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Thank you..." he whispered.

"For?"

"For taking care of me..." aniya sa mahinang boses. "Even if I was some kind of shit, kahit pabigat ako—"

"Hindi ka pabigat..." I said eagerly, hinaplos ko ang buhok niya nang tumungo siya sa balikat ko.

"Still. Thank you, babe. You took care of me, kahit na ang sama ng ugali ko," he laughed softly. "Sorry for the words I threw you last time..."

"I understand, it's the rage that drives you to act like that. I understand," I caressed his hair even more. "But, Dash, I want you to remember na kahit kailan hindi ka naging pabigat sa akin," paliwanag ko.

Marahang tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko at pumihit ako paharap sa kanya. I gently caught his cheeks at ipinikit naman niya ang mata.

"Hindi kita inalagaan dahil lang sa naaawa ako sa 'yo. I took care of you because I wanted to. I took care of you because that's what my heart desires..." bulong ko habang hinahaplos ko ang mukha niya.

"Nagsisisi talaga ako kung bakit nagalit ako no'ng sinabi nilang ipapakasal ako sa 'yo..." he chuckled softly while saying that. Humawak siya sa pisngi ko at umawang ang labi ko nang mababaw niya akong hinalikan.

"If I just accepted the fact that I am marrying you, sana hindi ako nabulag, sana ay nakikita kita..." ngumiti siya. Nakagat ko naman ang labi ko.

You're wrong, Dash. Kung sakaling tinanggap mo, paniguradong hindi magkakatagpo ang landas natin.

And it wasn't your fault.

"At least we're together now, right?" sabi ko naman.

"Hmm, I'm still happy na nangyari 'to, you see," hinawi niya ang buhok ko. "If this didn't happen at all, I don't think I'll know the real you..." napatikhim siya.

"Do you believe that someone can love without seeing his other half?" tanong niya sa akin.

Hinawakan ko naman ang mga kamay niya at pagkatapos ay tumango ako.

"It's not about what the eyes can see, Dash. It's about the heart that feels and that's what matters," I answered.

Mas kumalabog ang puso ko nang makita ang matamis na ngiting sumugat sa kanyang labi.

"Really, hmm..." tumango siya at dinala ang mga palad ko sa labi niya. He kissed my every fingers softly, napapangiti at tumatalon ang puso ko.

I'll miss this feeling, Dash.

"Then, feel it..." mula sa labi niya ay ibinaba niya ang isa kong kamay at ipinatong niya iyon sa dibdib niya. I felt his raging heartbeat, it was really familiar. It was soothing and calming.

"I guess what you've said was true..." Tumango ako at mas dinama ang tibok ng puso niya. "Remember my heartbeat, babe, for it only beats for you..."

A tear fell from my eyes. Mula sa dibdib niya ay iniangat ko ang kamay ko at niyakap siya. He hugged me back and caressed my hair.

"D-Dash..." I called his name, holding back a sob. "D-Dash, if I told you I'm in love with you, will you believe me?"

I heard his soft chuckle at mas humigpit ang yakap niya sa akin. It was as if he was happy hearing that from me.

"I will..." bulong niya. Napasinghap ako at hindi ko na napigilan ang nga hikbi ko.

I sobbed on his shoulder. Nakakapit ako sa shirt niya habang umiiyak at kinakalma niya ako sa pamamagitan ng paghaplos sa likod ko at paghalik sa buhok ko.

"Hey, stop crying..." Hinaplos niya ang pisngi ko at hinawi ang mga luha ko.

Ang mga kamay naman niya ay humaplos sa pisngi ko, sa panga ko. His finger gently caressed my lips. Paulit-ulit na ipinaraan niya doon ang daliri niya at nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya.

He lifted his hands to my eyes and trace it with his fingers. Napapikit ako at dinama ang haplos niya sa mukha ko.

"W-what are you doing?" tanong ko sa kanya at sinandal ang mukha ko sa palad niya.

"I want to memorize your face," he muttered under his breath. Napamulat naman ako at nakita kong seryoso siya ng sinabi niya iyon.

"W-why?"

"I want to recognize you," gumuhit ang ngiti sa labi niya. "The moment I get my sight back, I wanted to see your face first..."

"Dash..." malungkot kong tawag sa pangalan niya.

"Why?" aniya na nililibang ang sarili sa paghaplos sa mukha ko.

"H'wag mong pababayaan ang sarili mo, huh?" Iniangat ko ang kamay sa buhok niya.

"Kumain ka na ng gulay tapos kapag may trabaho ka na ulit 'wag kang papakapagod. Always eat on time, h'wag kang papalipas ng pagkain tapos kapag galing sa trabaho uwi ka kaagad. Iwasan mo 'yong mga inuman, hmm?" Ngumuso siya.

"Why?"

"You can't drive again when you're drunk!" sita ko.

"I wasn't. It was my first time being that way before. I am driving only if I'm just tipsy. I can manage..."

"Kahit na, basta 'wag kang magda-drive kapag nakainom ka, huh? Drunk driving is wrong. You've learned your lesson the hard way, don't you?" Tumango siya sa akin at dumukwang para humalik sa noo ko.

"Tapos alagaan mo si Skye, huh? 'Yong baby natin..." mahinang sabi ko. Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"We can take care of him, tayong dalawa..." aniya. Umiling naman ako at kumuyom ang mga palad ko.

"O-oo naman, aalagaan natin siya pero s'yempre, 'di ba, nasa inyo siya palagi kaya alagaan mo nang mabuti. Lambingin mo pero h'wag mo masyado, i-spoiled. Atsaka ilabas mo minsan para hindi na takot sa tao..."

"Why are you saying this, anyway?" seryoso niyang sabi. Kunot pa rin ang noo at nakapirmi ang mga labi.

"Wala!" tumawa ako at pabirong pinalo siya. I am stopping myself from hugging him and crying! "Pinapaalalahanan lang kita..."

"Natatakot ako sa 'yo," bigla niyang sabi. Tumawa ulit ako nang mahina at hinawakan ang balikat niya.

"Basta, Dash, mahal na mahal kita," halos mabasag ang boses ko sa sinabi ko.

His jaw clenched.

"You're really weird right now," aniya pero hinalikan ko lang nang mababaw ang labi niya.

"Hindi naman, ang gwapo mo kasi talaga," sinabi ko na lang. "Nakakatakot baka kapag nakakita ka na tapos makita mong pangit ako, maghanap ka nang mas maganda..."

"That's crazy..." ngumiwi siya sa akin at hinapit ang baywang ko. "You know I won't find anyone but you..."

Halos mapasinghap ako nang mabuhat niya ako at pinaupo niya ako sa hita niya.

"Dash!" gulat kong sabi. He laughed and lifted his head. Ibinaba ko naman ang mukha ko at hinalikan siya.

"And you're beautiful," aniya sa akin.

"I'm not..." sabi ko.

He chuckled and held my arm to spin me around. I was straddling him now at umawang ang labi ko nang tumawa siya.

"You are..."

Umiling ako. "Hindi nga!"

"I don't care what you look like," aniya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti. "As long as I know your heart is beautiful and pure..."

"D-Dash..." bulong ko.

"Hmm..." he hummed.

"Mahal na mahal kita..."

He smiled and nodded before giving me a chaste kiss.

"If ever, will you marry me, kapag nakakita ka na?" tanong ko nang wala sa sarili. He smiled and a gentle way before hugging me and giving me a kiss on the cheek.

"I definitely will." Malungkot akong napangiti at mabilis siyang niyakap pabalik.

Days passed by like a blur. Halos hindi ako humiwalay kay Dash noong mga panahong iyon.

Palagi niya akong kasama, halos hindi na kami mapaghiwalay para lang makasama siya. Wala akong pakialam kung anong isipin nila. I wanted to be on his side bago pa man ang lahat.

"Babe!" Napangiti ako habang hawak ang kamay ni Dash.

He was now lying on the stretcher, ready for his operation.

"Yes?" tanong ko. He was smiling brightly.

"I have something for you, nasa drawer ko. Kunin mo, huh?" aniya.

"Sige..." I smiled and tightened my grip on his hands.

"I can't wait to see you!" he exclaimed. He was wearing his hospital gown at tuwang-tuwa siya habang nagsasalita while I was just staring at him.

I am happy and sad at the same time.

"Give me a kiss..." aniya kaya napangiti ako at dumukwang para bigyan siya ng patak ng halik sa labi.

"Ang lalandi!" Napatingin ako nang makita ko sila Kuya at Zeijan na papalapit sa amin. Kasama rin nila si Thallia na katabi ni Kuya.

"There you are..." Dash hissed kaya natawa ako pero mahigpit pa rin ang hawak sa kamay niya.

"Nae-excite ka na ba, Dash?" ani ni Kuya bago lumapit sa amin. Dash smiled and nodded.

"Yes but kinda nervous."

Mula sa pwesto namin ay kaagad kong nakita ang paparating na doktor kasama ang mga nurses. Natigil ako at may pumilantik na takot at kaba sa puso ko.

I held his hand like I'll lose him anytime soon.

"I-re-ready na po namin siya sa operasyon," anang doktor at napangiti iyong magkapatid. I am smiling too pero may halo itong lungkot.

"Rhea..." ani Dash nang marinig ang doktor. Kaagad naman akong dumukwang at lumapit sa kanya.

"Hmm?" I hummed. I felt his hand tightened his grip on my hand too. Para tuloy kaming hindi mapaghiwalay.

"Kinakabahan ako," bulong niya. Humigpit pa ang hawak sa kamay ko.

"I don't know but I'm afraid to let go of your hand..." I saw him biting his lip kaya ngumiti ako. Hinaplos ko ang buhok niya at humalik sa pisngi niya.

"Good luck, Dash. Have faith in Him and I want you to know," marahang bulong ko. "Na mahal na mahal kita..."

I am afraid to let go of yours, too...

"We're bringing him to the O.R.," ani ng doktor kaya tumayo na ako pero nanatili ang hawak niya sa kamay ko.

"Good luck, Dash!" ani nila Kuya pero nanatili ang hawak niya sa kamay ko na tila inaantay akong magsalita and so I leaned in for the last time and whispered.

"Please remember me, babe..." bulong ko.

I saw him smile and nodded.

The stretcher moved, the nurses pushed it towards the room and as they moved, our intertwined hands gently separate.

Pinakiramdaman ko iyon.

I saw how his hand gently slipped from my grasp. It was as if my world was gently going away from me at nang hindi ko na maabot ang kamay niya ay nalaglag lang ito sa tagiliran ko.

I watched as they brought him inside that room. I cherished the moment and stared at him as the door closed right in front of us.

Nakatitig lang ako sa saradong pintuan at napaupo sa lapag habang nakatulala sa hangin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 29.2K 41
"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong ta...
82.7K 2.9K 23
The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, Drugs and Money, He drawn by a Lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kanya ng mga...
117K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
1.7M 74.8K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...