Athena's POV.
"Ano? Anong ako?" Tanong ko sakanila. Bakit ako? Bakit ako ang problema nila? Wala naman akong ginagawa ah.
Napansin ko naman na huminahon na silang dalawa. Tinignan ko silang parehas. Naghihintay ako kung sino ang unang magsasalita. "Ano na? Bakit ako?" Sabi ko na may halong inis sa pananalita ko.
Napabuntong hininga na lang si Rain. "Ganito kasi yan Athena. Parehas kasi kami ng gusto ni Chriss," panimula niya.
"Eh yun naman pala eh. Parehas pala kayo ng gusto eh bakit parang hindi kayo magkasundo?" Sabi ko. Parehas pala ang gusto nila pero hindi magkasundo. Seriously?
"Tch." Yan ang sagot ni Chriss. Tch, tch siya riyan.
"Ano na?" Sabi ko.
"Athena kasi parehas lang kami nagkakagusto sa iisang babae," sagot ni Rain. Ay problema nga yan. Pero ano naman kinalaman ko sa babaeng nagugustuhan nila?
"Ano naman kinalaman ko? Paano ako ang naging problema niyo?" Masungit na tanong ko.
"Tch. Slow. Sino ba sa tingin mo ang babaeng nagugustuhan namin?" Chriss ask.
"Aba, malay ko sainyo."
"Nag confessed na ako noon about sa babaeng nagugustuhan ko. Right?" Tanong ni Chriss.Tumango na lang ako bilang sagot ko.
"Then who's the girl that I was referring?"
Napaisip ako. Ako yung babaeng gusto niya kaya nga nililigawan niya ako. Pero hindi ko pa rin gets eh.
"Ako?" Sagot ko. Eh nag confessed na kasi siya dati sakin. "Then you is the problem. We both like you," Chriss said.
We both like you...
We both like you...
We both like you...
Eh? Weh? Hindi ako naniniwala. Alam kong nagloloko lang silang dalawa. Alam kong may girlfriend yan si Rain. Baka masampal pa ako nun. Ayoko nga. No way.
Binalingan ko silang dalawa,"Sigurado kayo?" Nagtatakang tanong ko.
"We are d*mn serious," Chriss said.
"Yes Athena. I liked you too. Kaya whether you like it or not, I will court you," Rain said with this serious tone.
"Tch. Me too. I will continue courting you," Chriss said. Hindi ako makapag-salita mga bes. So it means...
"I guess you have two suitors Athena. May the best man wins," Rain said. He tap the shoulder of Chriss and leave both of us.
Earth what is happening to you?!
-----
Jade's POV.
At Athena's Condo...
We are here at our bestfriends new home. Kasama ko si Eloisa. Syempre welcome party ng besty namin. Athena chose to be with us lang. Me, Eloisa, Francis Nicole and Athena of course. Good thing wala si Justine rito. Hindi siya pwedeng pumunta rito while I'm here. Maiinis lang ako.
Nandito kami sa sala. Nanunuod kami ng movie. Oh yes, movie marathon kami. Nakakatawa siya panuorin pero ang isa sa mga kaibigan namin, ayun tulala. Hindi namin maintindihan kung bakit siya tulala.
Since magkatabi kami ni Eloisa, siniko ko siya. Napatingin naman siya sakin. She give me a confused look. Binigyan ko lang siya ng 'Tignan mo si Athena' look.
Nakuha naman niya ang ibig sabihin ko. Tinignan niya ito. Bumaling ulit sakin si Eloisa at may sinabi sakin na pabulong lang. "Ask her," sabi niya.
"Ayoko nga. Kanina pa yan tulala eh. Ikaw na kaya?" Sabi ko.
"Fine," sagot niya. Yes. Napapayag ko rin siya. Kanina pa kasi siya tulala. Nakakapag-alala lang.
"Ah best," panimula ni Eloisa. Lumipat siya sa kabilang side ni Athena. Bale gitna na namin siya. Mula sa likuran ni Eloisa, nakatingin din si Francis Nicole saamin.
"Kanina ka pa tulala. Okay ka lang?" Tanong ni Eloisa. Lahat kami hinihintay ang sagot niya. Napabuntong hininga na lang siya.
"To be honest, No," sagot ni Athena.
"Why?" Tanong ko. We are worried about her.
"Kasi kaninang lunch, gumawa ng eksena sina Rain and Chriss," sagot niya.
"Ate kasama mo ang dalawang kuyas na naglunch?" Tanong ni Francis Nicole. Nagulat kami sa nalaman namin.
"Yes. Nagyaya sila. Ay no. Si Chriss pala ang unang nagyaya and then bigla na lang sumulpot si Rain. Ayun nagkabanggaan silang dalawa," paliwanag niya.
"Wait? What? Nagkabanggaan? What do you mean?" Tanung ko.
"I mean, parehas nila pinagtatalunan kung kanino ako sasama mag lunch. Nainis ako sakanila kasi lahat ba naman ng empleyado nakatingin na saamin. So what I did, nagwalk out ako," she explained.
"Oh no. It means dalawang prinsipe ang nagyaya sayo? Inggit ako bes ha. Nako kung ako siguro, ganun din ang gagawin ko. I will make them chase me. And then pupunta ako sa isang restaurant and magpapalibre ako sakanila ng food," amazed na amazed na sabi ni Eloisa. Kahit kailan talaga pagkain ang inaatupag.
Bigla naman natahimik si Athena. Napansin ko na bigla rin siyang namula. Aish. Kainis talaga si Eloisa. Ayan. Natahimik tuloy. "Eloisa kasi. Kung ano ano sinasabi," sabi ko.
"Sorry. Pero ano nangyari pagkatapos mong mag walk-out?" Eloisa said.
"W-Well, kung ano ang inisip ni Eloisa kanina, ganon ang nangyari. Ang pinagkaiba lang, I ordered my own food para hindi na sila mag-away," sagot ni Athena.
"Tapos...," pabitin na dagdag niya. Nakatingin kaming lahat sakanya. Hinihintay namin ang susunod niyang sasabihin. On the nth times napabuntong hininga nanaman siya. She looks so stress about it.
"They both admitted that they want to court me. They both liked me," she said at tumungo ito. Nagulantang kami sa sinabi niya.Halos lahat kami nagulat at kinilig.
"Wahhhhh!!!! Kinikilig ako. Enebe! Ang swerte mo bes. Inggit ako. Rapunzel lang ang dating mo. OMG! Basta si Chriss ang sasagutin mo huh?," kinikilig na sabi ni Eloisa.
"No way! Si Rain. Siya lang ang para sa'yo," singit ko.
"Ate tama si Ate Jade. Si Rain ang piliin mo," sagot naman ni Francis Nicole. See, that's my girl.
"Aba! Nagkakapihan kayo ha. Basta Team Chriss ako!" Sabat ni Eloisa.
"#lTeamvRain ang mananalo!" Sabay naming sigaw ni Francis Nicole. Pero napahinto na kami ng biglang sumigaw si Athena.
"AHH!! EWAN KO!" sigaw niya at pumanhik na sa kwarto niya.
Iba talaga kapag dalawa ang manliligaw, ano? Pero ang mas maganda rito, may the best man wins na lang talaga. Basta #TeamRain ako!
----
#TeamChriss
OR
#TeamRain