Hold Me More (More Trilogy #2)

By FGirlWriter

3.2M 117K 22.9K

More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czar... More

Content Warning and Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Eight

88.3K 3.4K 564
By FGirlWriter

CHAPTER EIGHT

NAPAKUNOT-NOO si Czarina nang wala siyang makitang results tungkol sa Tierra Fe. She knew that it's an islet in Mindanao. Doon ang "premyo" niyang bakasyon mula kay Bari dahil napagtagumapayan nga nila ang unang "misyon" nila kanina Dylan at Lana. Gusto niya na sanang gamitin iyon dahil nawawalan na naman siyang ng mga ideyas para sa mga sinusulat niya.

She missed her manuscript deadline. Buti na lang hindi nagagalit ang pinsan at boss niyang si Kyle. Dahil wala siyang bagong naipasa, hindi na lang siya pupunta sa booksigning event ng Paper Roses. Paper Roses—is a Tagalog romance publishing company. Parte iyon ng Uno Publishing kung saan ang pamilya ng namayapa niyang ina ang may ari. Ngayon, si Kyle na ang namamahala sa Uno dahil namatay na rin ang ama nito.

Baka magtampo sa kanya ang mga readers niya kaya magtatago muna siya. Hitting two birds with one stone ang pagpunta niya sa Tierra Fe—kung saan man ang lugar na iyon.

"Aha!" aniya nang makakita ng kaisa-isang mapa na may Tierra Fe. Nanlaki ang mga mata niya. Napakalayo pala! It was like an islet in the middle of nowhere! May nakatira pa ba doon?

"Anyway, baka may private resort doon si Bari. Ayos na din," bulong niya sa sarili at saka pinatay ang laptop. Pinikit-bukas niya ang mga mata. Buong araw lang siyang nakipagtitigan sa laptop niya.

Akala niya may masusulat siya. Pero wala. Walang nadagdag na word count sa nobelang sinusulat. Jeez! Saan na napunta ang passion niya for writing? Noong bata pa siya, tuloy-tuloy ang daloy ng mga ideya. Pero kung kailan tumanda at saka siya walang maisulat.

She cringed. Is she too old to write romance stories? Iyong nagtatagal ang commitment? How can she write something that lasts when she can't make it happen in real life?

Napabuntong hininga siya at napabaling sa teddy bear. "Maybe your Lola Bella's right. I'm screwed." Kinuha niya ang stuffed toy at pinanggigilan ang ilong. "See? I'm even talking to you!"

Binuksan niya ang zipper niyon sa likod at inilabas ang mga alahas na regalo sa kanya ni Bari.

From the necklace on her sixteenth birthday, the bracelet during her eighteenth, her engagement ring... then her wedding ring.

Siguro ay may isang oras niyang tinitigan ang mga iyon. Kakaibang pisil ang nararamdaman niya sa puso. Tiniis niya ang sakit. She's been doing this for years already.

"Clara?"

Mabilis niyang tinago ang mga alahas sa likod ng teddy bear. Kumatok ulit ang ama sa pinto ng kuwarto niya.

"Come in!" aniya nang mabalik na sa dating puwesto ang teddy bear.

"Yes, Daddy?" she sweetly asked her father.

Tuluyan itong pumasok sa kuwarto niya. "Naninibago pa rin ako sa pagtawag mo sa akin ng 'Daddy'."

"Kapag nagsawa naman po ako ulit, ibabalik ko sa 'Papa'."

Umupo ito sa gilid ng kama niya. "Hija, your lawyer called earlier. Matatagalan pa ang pagbaba ng annulment. I guess, you should really tell Johann about the truth. Nakita ko kanina nang kasama natin siya sa tanghalian na umaasa na siyang magiging kayo."

She sighed. "Daddy... gusto ko rin naman si Johann."

"Pero nandyan pa si Bari. Na pinsan niya." Napailing ito. "Clara, kung sasabihin mo ang totoo at kaya ni Johann na maghintay hanggang sa mapawalang bisa ang kasal mo sa pinsan niya ay doon mo lang ituloy ito. Pero hanggang sa naglilihim ka ay mas magkakagulo."

"Sasabihin ko naman po."

"Laging iyan ang sinasabi mo, hija. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring alam si Johann. Para ko na rin siyang anak at nasasaktan din ako para sa kanya. We are keeping him in the dark." Sumeryoso na ang anyo ng ama. "If you can't tell him, I will."

"Daddy, please, let me—"

"No, Maria Clara. Not this time." Tumalim na ang mga tingin nito. "Napakabata mo pa nang iwan tayo ni Pia. I spoiled you too much. You are so precious to me that I just can't say 'no' to you!"

"Daddy..."

Tumayo na ito. "I'm giving you until tomorrow to tell Johann about everything. If you can't, then you don't really love him at all."

"Dad—"

"Tomorrow, Clara," matigas nitong sabi at saka lumabas na ng kuwarto niya.

"Daddy," habol niya sa ama. "Daddy, hindi ko pa kayang sabihin..."

Humarap ito sa kanya. "Clara, anak kita pero magmula nang nakipaghiwalay ka kay Bari, parang hindi na kita kilala. Hindi ko alam kung paano mo ito nakakayanan."

Napakurap siya upang hindi maluha. "Daddy..."

"Tama si Ysabella, mabuti nang magpatingin ka sa doktor. Because..." Hinaplos nito ang pisngi niya at naaawang tumingin sa kanya. "You became a different person since you lost the baby. Doon pinakanag-umpisa. Na hinayaan ko lang," sising-sising wika nito. "I lost my daughter, too."

Umiling siya. "Daddy, ako pa rin naman 'to."

"No, Clara. You're better than this. Please. See a psychiatrist."

"Plano ko po talaga iyan. Hayaan niyo po muna ako at si Johann. Itatama ko 'to, Daddy. I promise."

Tinitigan siya nito. Tila hindi alam kung maniniwala pa sa kanya. "Kung gusto mong itama ang lahat, babalik ka kay Ibarra."

Napabuga siya ng hangin. She felt her chest tightening. "Why are you pushing me to him? Daddy, alam mong masasaktan ko lang si Bari!"

"Hindi mo ba siya sinasaktan ngayon? Mahal niyo ang isa't isa! Anong kinakatakot mo?"

Napipilan si Czarina. Hindi na makasagot sa ama.

"You like Johann because you liked him first before Bari came. You want Johann because he reflects the time when everything was just simple in your life. You don't love him as much as you have loved Ibarra." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Anak, maniwala ka. Hindi si Johann ang sagot para makawala ka sa kung ano man ang tinatakasan mo."

"Anong tinatakasan? W-Wala akong tinatakasan, Daddy. Johann was very sincere. I like him for he's likeable and a very good man."

"And what about your husband? Lahat ng tao ay nakikita pa kung gaano mo siya kamahal! Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Bakit mo sinasaktan ang asawa mo?"

Hindi niya alam! Hindi niya alam kung bakit ganito! Kung bakit siya takot na takot. Kung bakit... kung bakit... You know it, Czarina. But you're running away from it.

Bagsak ang mga balikat na bumalik siya ng kuwarto.

"Clara. Please, see a doctor immediately. If you don't want me to bring you there, at least, let Ysabella take you."

Nanghihinang nilingon niya ang ama. "D-Do you think there's really a p-problem with me, D-Daddy?"

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang sakit at awa sa mga mata nito bago iniwas iyon.

Tuluyan na siyang napaiyak. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ama. Lumapit ito at niyakap siya. "My baby..."

"Sorry, Daddy..."

Nito lang napagtanto ni Czarina na baka totoo nga. May problema siya sa isipan. Dahil kung hindi, bakit ganito kagulo ang buhay niya?

This is not just immaturity and stupidity.

♥ ♥ ♥

"CZARINA!"

Napatayo si Czarina. "Mama Bella..." bati niya sa biyenan at napangiti.

Para itong maiiyak na sinugod siya ng yakap. Hinalikan pa siya sa noo. "I missed you, hija! Sa wakas ay nagkita na rin tayo." Sinalubong nito ang mga mata niya. "Hinayaan mo na 'kong makita ka."

Nahihiyang napayuko siya. "M-Mali ako noon, Mama Bella. I'm really sorry."

"No. I must have offended you. Don't think about that." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Mas lalo kang gumaganda habang tumatanda ka."

Napangiti siya. "Pero ang utak ko po, na-stuck yata sa pagiging fifteen."

Napakasuyo ng ngiti nito. "No, hija. I have seen how far you have grown. I know your achievements. You make us all proud. Alam mo kung saan kang lalagong career. Masaya ako na hindi mo sinukuan ang pangarap mong maging manunulat."

"Mama... about the psychological test and interview that you wanted me to take..." pagbubukas niya agad ng sadya. "Y-You said... may kaibigan kang..."

Agad itong tumango kahit hindi niya mabuo ang mga salita. "Yes, hija. Hinding hinding malalaman ng kahit sino maging si Ibarra ang mga resultang lalabas kung sakaling pumunta tayo doon."

Malakas ang pagkabog sa dibdib niya. "S-Sinabihan na rin po kasi ako ni Daddy..." Nahihiyang napayuko siya. "You must have known about me and Johann."

"Yes." Nakakaintinding tumango ito. "Hindi naman ako magtataka kung magugustuhan mo ang pamangkin ko. Hindi man siya mismong lumaki sa poder ni Kuya Philip, napunta naman siya sa poder niyo. Hay..." Napailing-iling ito at napangiti. "Napakaliit ngang tunay ng mundong ito."

"H-Hindi ko naman po gustong magkaroon ng gulo sa pamilya niyo, Mama... in case that I'll tell Johann about my marriage with Bari."

"Why do you agree to see a psychiatrist now?"

Humugot siya nang malalim na hininga. "S-Siguro po kasi handa at gusto ko na rin pong malaman kung... kung bakit ako nagkaganito."

Niyakap siya nito. "Don't worry, you can trust me. I'll pray for you, okay?"

Napakurap siya. "B-Bakit ganoon, Mama Bella? Sobra pa rin po ang pag-aalala niyo sa'kin kahit sinaktan ko ng sobra ang anak niyo?" takang-takang tanong niya. People should hate her, right? Lalo na ang mga nasaktan niya.

But they never did. Mas lalo pa nga yata siyang minahal ng mga ito. Unbelievable. Hindi siya makapaniwala sa pagmamahal na kayang ibigay ng mag-inang Delos Santos.

"I have loved the worst, Czarina. And I still survived. Bari told me that I shouldn't hate you when I wanted to. My son forgave you. Who am I to hate you still? Isa pa..." Nginitian siya nito. "Parang anak na rin kita. Mas uunahin kong isipin ang ikabubuti mo kaysa sa galit ko nang nasaktan ang anak ko."

"Mama..."

"We are humans. We all get hurt. And to continue being a human, we have to choose to let go, forgive, and heal. Hindi madali pero kinakaya. Hindi mabilis, pero siguradong maghihilom sa paglipas ng panahon." Pinisil nito ang kamay niya. "And I want you to heal, hija."

Napapikit siya. "Mama, s-sana po huwag muna 'tong malaman ni Bari. Sina Daddy at Mommy at kayo po muna..."

Hinaplos nito ang braso niya. "Yes, hija. Mapagkakatiwalaan mo ako."

Napalunok siya. Paulit-ulit. Napakatagal niyang iniwasan ito. Pero heto na...

"So, let's go? I know where my friend is right now."

"O-Okay po..."

Hinila siya ni Mama Bella sa kotse nito. And they went off to see the shrink.

♥ ♥ ♥

HAPONG-HAPO si Czarina pagkatapos ng buong araw na ginawa sa kanya. She took some written tests, answered life questions, did a very emotional interview...para lang malaman ng doktor kung saan nanggagaling ang problema. She was also introduced into a neurologist. Nagpa-CT scan siya. Para malaman kung may parte sa utak niya ang puwedeng maging sign ng mental disorder...

They'll know the evaluation and results next week. Pero kanina ay nagbigay na si Dra. Alicante—her psychiatrist, ng isang posibleng problema niya.

"Hija," masuyong sambit ni Mama Bella. "Doon ka muna sa bahay maghapunan at magpahinga. Napakalakas masyado ng ulan at malayo pa ang sa inyo."

Napatango na lang siya. Kumakalam na rin ang sikmura niya at lalong mas nagpapagod sa kanya ay ang trapiko. Napakalakas ng ulan at kanina pa sila na-stuck sa traffic. Kung pipilitin nilang makauwi hanggang sa kanila ay baka bukas pa sila makarating. Habang mas malapit na ang bahay nina Mama Bella...

"H-Hindi po ba magtataka si Bari kapag nakita ako doon?" nanghihinang sabi niya.

Umiling ito at nginitian siya. "Alam niyang lalabas tayo ngayon para makapag-bonding. Sabihin na lang natin na doon ka muna magpapahinga hanggang sa tumila ang ulan dahil imposible kang makauwi sa oras na 'to."

Tumango na lang siya. "Tatawagan ko na lang po si Daddy..."

"Don't bother, hija. Ako nang bahala. Just take a rest."

Sinandal niya ang ulo sa headrest at pinikit ang mga mata. Pero naaalala niya lang lahat ng nangyari kanina. Kanina na lang niya ulit binalikan ang lahat-lahat sa nakaraan. Kailangan niya pang kausapin ang ama.

Hindi niya alam kung nakaidlip ba siya o ano dahil pagkadilat niya ay nagpa-park na si Mama Bella ng kotse sa garahe ng mga ito. Mula sa labas ng bintana ng kotse ay nakita niya na tumabi ang kotse sa Hummer ni Bari.

Pagkababa niya ng kotse ay inalalayan pa siya ng biyenan. "Mama, okay lang po ako..."

"No, you're not. Halika na. Nakahanda na ang mga pagkain para sa'yo..."

Pagkapasok nila sa mansyon ng mga ito ay sinalubong sila ng dalawang maid. Kinuha ng mga ito ang bag ni Mama Bella at tinulungan itong alalayan siya. Nakarating sila sa dining room at nakaupo siya ng maayos sa harap ng hapag.

Kahit parang mas gusto niyang matulog na, kumalam ng matindi ang sikmura nang makita ang mga nakahanda.

"Where's Bari?" narinig niyang tanong ni Mama Bella sa isang kasambahay.

"Ma'am, dumating po dito kanina sina Sir Charlie. Sinundo po nila si Sir Bari. Sa pagkakarinig po naming ay sa labas silang kakain na magpipinsan."

"I see. Thank you. " Tumabi na sa kanya si Mama Bella. "Wala pala si Bari. Let's start eating. Para makapagpahinga ka kaagad pagkatapos.

Asikasong-asikaso sa kanya ang biyenan at nahihiya na si Czarina. Pero hindi niya talaga magawang maikilos ng sobra ang katawan. She was tested mentally and emotionally. Pero sobra pa lang nakakapagod iyon. If it was a physical test, baka mas may lakas pa siya ngayon. But she cried almost the whole day. Grabe naman kasing paghahalungkat ang ginawa ni Dra. Alicante kanina. Ngayon pati ang biological parents niya ay damay.

Nang matapos silang makapag-hapunan ay hinatid siya ni Mama Bella sa guestroom at pinahiram muna siya ng mas komportableng damit.

"Kasya pa ba 'to sa'yo?" Tinaas nito ang puting pares ng pajamas

Napakurap-kurap siya nang makita ang pajamas na binili niya noong nagsasama sila ni Bari. "N-Nandito po pala sa inyo 'yan?" Kaya pala hindi niya mahanap! It's a couple pajama. May ganoon din si Bari.

"Ito lang ang naiwan mong gamit kay Bari, hija. He kept it in his closet."

Wala na siyang nasabi. Binigay na sa kanya ni Mama Bella ang pajama at nang masigurong kaya niya na kumilos mag-isa ay iniwan na siya nito sa guest room. She took a quick warm bath. Pagkatapos ay sinuot ang pajamas na kasyang-kasya pa rin sa kanya.

Habang nagsusuklay ng buhok ay napatingin siya sa labas ng bintana. Napakalakas pa rin ng ulan. Sana makauwi ng maayos si Bari kung uuwi man ito.

Maya-maya ay natulala na lang si Czarina nang maalala ang sinabi ng doktor sa kanya. Hindi pa sigurado. But that can clearly explain why she is like this. She smiled bitterly. So, she has a mental problem afterall. Pinilit niyang takasan iyon sa mga nakalipas na taon. Her pride can't take it that after the baby, she lost even herself literally. How sad is that.

Humiga na siya ng kama at paglapat pa lang ng ulo niya sa unan ay agad na siyang nakatulog. Pagod na pagod nga siyang talaga. She even forgot to text Johann. Kailangan din nilang mag-usap nito. Nadagdagan pa ang kailangan nitong malaman.

Then, her father... may dapat linawin sa kanya ang ama.

Siguro kahit pagod ay marami pa ring iniisip si Czarina. Dahil nagising na lang siya bigla sa gitna ng magdamag. Four AM, the clock says. Sinubukan niyang matulog ulit pero hindi na siya makatulog muli. Kaya naman bumangon na lang siya at maingat na lumabas ng kuwarto.

Tahimik ang buong mansyon ng mga Delos Santos. Mukha namang walang multo. Unless Papa Santino's soul was roaming around, dahil hindi nakapasok ng heaven.

Sorry, Papa Santi. Huwag niyo po akong mumultuhin. Bati na tayo, right? Tahimik siyang nakababa ng kusina at nakainom ng fresh milk. Umakyat ulit siya pagkatapos. But she stopped when she got infront of Bari's room.

Nandoon na kaya ito?

Pinihit niya ang doorknob. Nabuksan niya ang pinto! And so, she gently opened the door wider. Madilim ang buong kuwarto. But the airconditioner was obviously open. At tumagos ang liwanag ng buwan sa kama ni Bari.

Nandoon na ito! Mahimbing nang natutulog.

Dapat na siyang lumabas, hindi ba? Pero unti-unti pa siyang lumapit hanggang sa gilid ng kama.

Bari is a deep sleeper. Hindi ito basta-basta nagigising. He has his own body clock. At kung kailan ito gigising, doon lang ito gigising. Kahit magkaroon pa ng lindol at giyera sa labas ng kuwarto nito o sa mismong kuwarto nito ay hindi ito magigising. He can be raped and he wouldn't know.

Bahagya siyang napangiti nang maalalang may technique pa siya noon para lang magising ito noong magkasama pa sila.

"Hay..." buntong-hininga niya at saka umupo sa gilid ng kama nito. She stared at his handsome face. Mas nakadagdag ang sinag ng buwan na tumatama sa mukha nito para mas mabigyang depenisyon ang kagandahang lalaki nito.

Maingat niyang hinaplos ang buhok nito.

"Commitment phobia and relationship anxiety, Czarina. Puwedeng nagkaroon ka niyon," sabi ni Dra. Alicante pagkatapos ng initial evaluation nito. "Hindi pa sigurado pero ayon sa mga kuwento mo at sa mga tests na kinuha mo, iyon ang lumalabas. You already have a fear in committing yourself to the person you love."

"H-Hindi ko po maintindihan."

"Mabilis ka magsawa. Mainipin. It's an attitude that can make you to be unstable in one relationship. But when you married your husband, you tried to fight it. However many circumstances lead you to think that you always fail your partner in many aspects. You disappoint him a lot. Nakadagdag pa ang mga maling desisyon mo noon at ang pagkalaglag ng baby niyo. That made you fear more, Czarina. Mas natakot ka nang masaktan si Bari ulit. So it was better if you're not commited, your brain says. So that less disappointments from Bari's part."

Tinignan pa nito ang mga papel niya. "You see, ang mga nagkakaroon ng commitment phobia ay ang mga taong nakaranas ng abusive relationship. But you came from a different perspective. Relationship anxieties can also caused by a lot of failures and fears."

Her brain can't take too much. Ngunit nagpatuloy sa maingat na pagpapaliwanag ang doktor.

"Commitment phobia means, ayaw mong magpakulong sa isang relasyon. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi mo mahal ang partner mo. It's very hard to understand but it is what it is. But if my assumption is right, you can be cured, Czarina. However..."

"D-Doc?"

Dra. Alicante sighed. "You have a different pleasure in hurting yourself and someone emotionally. You could have a mild sadism and masochism, Czarina. Mild Sadomasichism. Mild because this is supposed to be seen during sexual activities. This is a sexual disorder. Familiar with BSDM?"

"Y-Yes."

"You're not on that point. Malayo ka sa puntong iyon. Pero lumalabas sa initial test mo na... mas gusto mong nasasaktan kapag may nasasaktan ka rin. Alam mong nasasaktan mo ang asawa mo pero tinatatanggihan mo pa rin siya nang paulit-ulit. Pinapanood mo ang wedding video niyo. Tinititigan mo gabi-gabi ang mga gamit na sumisimbolo ng pag-ibig niyo katulad ng wedding ring kahit nasasaktan ka na. I need further tests on this. We have to schedule another session."

"D-Doktora, a-ano pong ibig sabihin niyon?" natatakot niyang tanong.

"Normal minsan sa tao na gustong makaramdam ng sakit. But you, you wanted it over and over again, emotionally. You wanted it very painful." Sympathy was all over the psychiatrist's face. "It's normal to you to hurt the one you love. And get hurt, also. You enjoy the emotional pain. Unconciously, Czarina. You love it. Gusto mong may nasasaktan at gusto mong nasasaktan ka rin."

Napabuntong-hininga si Czarina at napailing. "Sorry, dear..." bulong niya kay Bari. "Alam mo ba nang lumuhod ka noon at nagmakaawa, natakot ako? Na kaya ko pa lang saktan ka kahit pinangako kong hinding-hindi ko gagawin iyon? Nangako akong hindi ka na magsa-suffer na magmahal dahil mamahalin kita nang sobra..." Napalabi siya. "I'm sorry, Ibarra." Napahikbi siya. "Nang nakita kong nasaktan ka noon at nasaktan ako sa nakita ko... gusto ko... g-gusto kong masaktan ka ng ganoon para masasaktan din ako. B-Because I'm literally screwed, Bari. I loved the pain."

Naiyak na siya nang tuluyan at napasubsob sa dibdib nito. Ni hindi ito gumalaw. Pantay na pantay pa rin ang paghinga. She cried harder. "I love you so much. I love you, Crisostomo Ibarra... I love you..."

And she loves to hurt him, too.

Maingat niyang hinalikan si Bari sa mga labi. Bahagya itong gumalaw. Agad siyang lumayo at tinignan ito. He's still asleep.

Mabilis na siyang lumabas ang kuwarto at bumalik sa guest room. She silently cried.

Czarina can only inflict pain. Bari doesn't deserve a girl like her. Tama nga siya. It's not just immaturity. Hindi rin makapaniwala si Czarina. Ito ang tinatakasan niya.

Dahil noon pa man nararamdaman niya na at pilit niya lang tinatanggi. Dahil hindi normal. Ayaw niyang gawin pero lagi niya pa ring ginagawa.

Because she enjoys it.

Gusto niyang may sinasaktan. Gusto niyang nasasaktan.

            And she won't let Bari suffer from her mental disability. No one should suffer from her. Even herself.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.9M 77K 28
With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa'...
504K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
2.3M 76.9K 28
A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️ 2018 (Published 2019 by PHR)