Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheol

By leewoozied

4.7K 287 195

❝ᴋᴜɴɢ ᴍᴀʜᴀʟ ᴍᴏ, ꜱᴀʙɪʜɪɴ ᴍᴏ. ɪᴘᴀɢʟᴀʙᴀɴ ᴍᴏ. ❞ ► jihoon keep hiding his feelings not knowing seungcheol was doin... More

mahal mo siya, diba?
mmsd | 01
mmsd | 02
mmsd | 03
mmsd | 04
mmsd | 06
mmsd | 07
mmsd | 08
mmsd | 09
mmsd | 10
mmsd | 11
mmsd | 12
epilogue
note + some facts
announcement !¡
new cover + new story

mmsd | 05 [ special chapter ]

309 15 22
By leewoozied

Chapter 5 | Signs that you're inlove

[ 5 - in which both of them received some help from a friend: signs to know that you are inlove, which broke them both. ]

~♥

"Tangina, pwede bang tulungan niyo nalang ako?!" / "Paki-tulungan naman ako guys oh!"

Napabuntong-hininga nalang ang dalawang grupo sa pakiusap ng dalawang tao na 'to na nasa magkabilang mundo. Hindi sila magkasama, dahil kasalukuyan silang nasa mga kaibigan para humingi ng payo.


Kasama ni Jihoon si Mingyu, Seokmin, Jeonghan, Seungkwan at Minghao. Habang sina Wonwoo, Soonyoung, Jisoo, Hansol, Jun at Chan naman ang kasama ni Seungcheol.



"Hayst, sige na nga hyung."



Eto na ang: 13 SIGNS THAT YOU'RE INLOVE ♥


1) The thought of being with them forever (or atleast, for a very long, time) doesn't freak you out—

"Ano daw?! WALA AKONG MAINTINDIHAN!"

"ANONG KLASE BA YAN?! Eh kahit tayo, hindi maintindihan yan eh!"


"Jusq. DI KO GETS."


"AISH! IBAHIN NGA NATIN!"


13 SIGNS THAT YOU ARE INLOVE [ SEVENTEEN VERSION ]


1) Gusto mo siyang makasama porneber— o kahit sa mahabang panahon man lang.

"Hyung!" Napatingin naman si Seungcheol nang tawagin siya ng nakababata.

"Bakit, Ji?" tanong nito.

"Aalis ka na?" nagulat naman si Seungcheol nang makitang medyo naka-pout si Jihoon.

"O-oo eh. Bakit?" Nakita niya kung paano biglang lumungkot ang mukha nito.

"Ah okay."

"Pero pwede pa akong mag-stay." Nakangiting sabi ni Seungcheol.

"Talaga hyung?" Masayang tanong naman ni Jihoon. "Pramis yan ah?"

"Oo naman. Pramis. Bakit nga pala?"

"Wala lang. Gusto lang kita makasama ng matagal-tagal hyung."

"Forever?"

"Lols. Walang forever."

2) Gusto mong malaman lahat ng tungkol sa kaniya— kahit maliliit na bagay. [ katulad ng height niya, lol. ]

"Jihoonie~" mapaglarong sabi ni Seungcheol habang nakangiti kay Jihoon.


"Bakit Cheol hyung?" Tanong ng nakababata.

"Mag-laro tayo." Excited na sagot nito.

"Anong laro?"

"Getting to know each other, hihi." Parang batang sabi niya sabay hagikhik.

"Bakit?"

"Wala lang. Gusto lang kitang mas makilala." Nakangiti naman nitong sagot.


"Kahit na mga walang kwentang bagay lang?"


"Kahit yun lang."

3) Naaalala mo siya kahit sa mga maliliit, walang kwenta at iba-ibang bagay.


"Wah. Ang kapal nung libro oh. Kasing kapal ng mukha ni Seungcheol hyung." Natatawang sabi ni Jihoon habang tinitingnan ang libro.

"Baliw ka talaga, Ji." Natatawa ding sagot sa kanya ni Soonyoung at naglibot na silang muli.

"Soonyoung! Gummy bear oh! Diba parang si hyung yan? Gummy?" Pansin ulit ni Jihoon habang nakaturo sa isang sweets store.

"Hay. Oo, oo." Sagot nalang ng kasama bago bumalik sa pagtingin-tingin.

'Hayst. Ang kintab ng sahig. Parang yung gilagid ni Cheol hyung. Hahahhaha.' Sabi ni Jihoon sa sarili at napangiti nalang. Hay, Seungcheol.



4) Kaya mong gamitin ang buong araw mo habang nasa lugar niya.

"Jihoon~" napatingin ang nakababata sa kanyang hyung na nasa likod na niya ngayon.

"Bakit hyung?"

"Punta tayo sa kwarto mo." Nakangiting sagot nito sa kanya na ipinagtaka ni Jihoon.

"Bakit hyung?"

"Wala lang. Namiss ko lang yung kwarto mo." Muling sagot nito sa tanong niya.


"Bakit hyung?"


"Siyempre, kasi matagal na akong hindi nakakapunta dun, ayun." Sagot ulit ni Seungcheol.

"Bakit hyung?"


"Eh kasi diba naging bu— teka nga! Bakit 'bakit hyung' ka ng 'bakit hyung' dyan?!"

Napatawa nalang ng malakas si Jihoon, "Hahahaa sige hyung. Pero isang matibay na dahilan nga."

"Gusto ko lang." Nakangiting sagot ni Seungcheol.


5) Nararamdaman mong mas ligtas ka kapag nandyan siya.

"Cheol hyung?"

"Bakit Jihoon?"

"Natatakot ako. Bakit kasi nagbrown out pa." Mahinang sabi ni Jihoon bago magsalita muli, "Pwede bang dito ka lang?"

"Hmm? Oo naman. Pero bakit?" Tanong ni Seungcheol pero lumapit pa rin siya sa nakababata at niyakap ito.

"Natatakot kasi ako hyung."

"Bakit hindi yung iba yung tinawag mo?"

"Ayaw mo ba, Cheol?"

"Hindi ah! Pero bakit nga?" Mapilit na tanong nito.

"Basta." Nakangiting sagot naman ni Jihoon. Pakiramdam ko kasi mas ligtas ako kapag nandyan ka.

6) Hindi mo maiwasang ulit-ulitin ang pakikinig sa favorite theme song niyo. [ O sa kanta niya ]

'haengbogeun geunyang malman inneun geogo
moduga wonhaneun dreamilppunirago
maldo an doeneun yaegingeol yeah
mitgo sipjido anhaseo yeah
Yeah I just want it SIMPLE SIMPLE oh~' Kanina pa halos pinapakinggan at pinapaulit ni Seungcheol ang kanta ni Jihoon.

"nareul sumswige haneun modeun geosi
geujeo gandanhaesseumyeon hae
naegeseo meolli deo meolli
deo boiji anheul ttaekkaji
I call you baby yeah
baby’t called my happiness yeah
Yeah I just want it SIMPLE SIMPLE
I want it SIMPLE~" nagulat nalang siya nang may kumanta sa likod niya. Pagkaharap niya ay isang Lee Jihoon na nakangiti sa kanya.

"Yan na naman? Bakit yan lagi ang pinapakinggan mo?"

"A-ah ano kasi..ang ganda nung lyrics..." Tumango-tango lang si Jihoon sa sinabi ng nakatatanda, "Tas ano...ano...uhm... Ang ganda ng boses mo."

7) Halos lahat ng bagay, para sa'yo, simbolo na para kayo sa isa't isa.

"Wahh. Jihoonie oh! Parehas tayo ng suot. Destined talaga tayo." Natutuwa na para bang nanalo sa lotto na sabi ni Seungcheol.

"Wow ah. Di naman namin alam na ganyan pala ang dress code. Nagusap kayo noh?" Pang-aasar sa kanila ng iba pang members.

"Sira." Yan lang ang tanging nasagot ni Jihoon at namula. Nagulat naman siya nang biglang hawakan ni Seungcheol ng mga kamay niya,


"Tapos yung mga kamay natin, saktong-sakto sa isa't-isa." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga kamay nila. Nakatingin naman si Jihoon sa kanya.

Mas nagulat pa siya lalo nang yakapin siya ng nakatatanda.

"Tapos kapag magkayakap tayo, saktong-sakto yung mga katawan natin sa isa't-isa. Hayst, tayo talaga." Nakangiting sabi ni Seungcheol bago bumitaw at tingnan si Jihoon sa mga mata.

"Sige na nga." Nakangiting sagot ng nakababata habang nakatingin din diretso sa kanya.

8) Sobra mo siyang nami-miss o kaya hinahanap kapag wala siya o hindi mo siya nakakausap.

"Soonyoung? Bakit hindi ko pa nakikita si Seungcheol hyung simula nung isang linggo?" Takang tanong ni Jihoon sa kaibigan.

"Ah Jihoon. May inaasikaso daw si hyung eh." Sagot naman nito sa kanya kaya tumango lang si Jihoon.

"Nasan na kaya si hyung. Namimiss ko na talaga siya." Mahinang sabi nito sa sarili, "Aish! Wag ka ngang ganyan Jihoon! Parang isang linggo palang kayong hindi nagkikita nagkakaganyan ka na."

Pero wala siyang magagawa, namimiss niya na talaga ang presensya ng magilagid na yun. Yung mga ngiti niya with shining gums, yung nakakairitang tawa at pangungulit niya. Kahit isang linggo pa lang wala, namimiss na niya.

"Talaga, Ji? Namimiss mo ako?" nagulat namani nang marinig ang isang boses sa likuran niya na yinayakap siya ngayon. Ah, eto na siya.

9) Gusto mong magustuhan at mahalin niya rin ang mga bagay na gusto at mahal mo.

"Jihoonie! Sige na! Pramis, masarap 'to!" Sabi ni Seungcheol habang pilit pinapatikim si Jihoon ng paborito nitong pagkain.

Patuloy naman sa pag-iwas at pag-iling ang nakababata, "Hyung naman eh. Ayaw ko."

"Bakit naman? Masarap naman 'to ah? Paborito ko nga 'to eh." Malungkot na pahayag ni Seungcheol na para bang batang nagpapacute para mapilit ang magulang nila.

"Aish, aish! Sige na nga!" Suko ni Jihoon at tinikman na ito. Agad naman siyang nasarapan. "Wow. Ang sarap pala nito."

"Sabi sa'yo eh." Proud na sabi ng nakatatanda at nginitian siya.

"Pero bakit gusto mong ipatikim sakin to hyung?"

"Wala naman....para lang magustuhan mo yung mga bagay na gusto ko." Makahulugang sabi ni Seungcheol.


10) Gustong-gusto mo yung mga gamit niya.

"Cheol hyung."

"Bakit Jihoonie?"

"Naiwan mo dito yung jacket mo."

"Ah sige. Dadaan nalang ako bukas para kunin yan, Hoonie."

"Sige hyung. Bye." At pinatay na ni Jihoon ang tawag.

Kasalukuyan niyang hawak-hawak ang jacket ni Seungcheol ngayon at napapangiti nalang siya. Humiga siya sa kama niya habang yakap-yakap pa rin ito at inaamoy-amoy.

'Amoy Seungcheol na Seungcheol haha.' Sabi niya sa sarili bago ipinikit ang mga mata habang nanatiling yakap ang jacket, 'Wag ko na kayang ibalik 'to?'

11) Lagi mong binabantayan bawat galaw niya. Tinititigan mo siya, overprotected ka. At nagseselos ka kapag may iba siyang kasama.

Nakatingin lang si Seungcheol mula sa dulo ng klasrum sa dalawnag taong masayang naguusap ngayon.

"Hyung." Tawag sa kanya ni Hansol pero sinamaan niya lang ito ng tingin at binalik ang tingin kanila Jihoon at Wonwoo ( i ship them everybodeh. do you? )

Badtrip siya okay?!

Para bang gustong sipain ni Seungcheol ang table at ibato ang mga libro sa kanila. Pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.

Okay, hindi na niya napigilan. Lalo na nung niyakap ni Wonwoo si Jihoon. Hindi naman niya nabato yung libro, o nasipa yung table. Nasapak niya lang yung mukha ni Wonwoo. Dejk, kumabas lang siya ng nagdadabog at halos lahat ng dinadaanan ay nilalabasan niya ng galit.

Napansin naman yun ni Jihoon kaya agad siya nitong sinundan. "Hyung? Ayos ka lang?"

"Oo." Cold na sabe nito. Badtrip lang siya, hindi siya nagseselos okay?!

"A-ah. Parang hindi eh." Sabi naman ni Jihoon.

"Okay nga lang." Oo na! Nagseselos na siya, okay na?! Hayst.

"May nagawa ba ako hyung?" Halata mo na ang kahinaan sa boses ni Jihoon kaya naman napatingin na si Seungcheol dito.

"Shh. Wala. Wag ka ng mag-alala. Wag kang iiyak." Wala ng nagawa si Seungcheol kundi yakapin ang nakababata. Hindi kasi siya makatiis at nakokonsensya din siya.

"Mm."

"Bwisit kasi yung Wonwoo na 'yun." Napakahinang bulong niya pero nakaabot pa rin iyon sa mga tenga ni Jihoon.

"Si Wonwoo, hyung?" Halos natatawang sabi ni Jihoon. "Nagseselos ka hyung?"

Napaiwas nalang ng tingin si Seungcheol, "Hyung, nagpapatulong lang si Wonwoo na ligawan si Mingyu. At pumayag ako kaya napayakap siya, kaya okay na ha?"

Para bang nabuhayan ng dugo si Seungcheol at napangiti nalang.

12) Naiisip mo siya sa halos lahat ng oras. Kahit gaano ka pa kasaya, kalungkot, siya pa rin.

Kasalukuyang magkakasama si Jihoon at ang mga kaibigan nito habang nagmo-movie marathon at kumakain. Masaya silang lahat at nagtatawanan pa.

Tumatawa naman si Jihoon pero halatang may ibang iniisip ito. At hindi na kailangan pang magtanong ng mga kaibigan niya para malaman 'yun.

"Hyung. Si Seungcheol hyung na naman noh?" Tanong ni Seungkwan sa kanya habang kumakain ng cookies na may nips.

"Hayst. Ano kayang ginagawa nun? Kumain na kaya yun? Nanonood ba siya? Nakahiga? Natutulog? Okay lang kaya siya? Baka nagpapractice na naman magisa." Tuloy tuloy na sabi ni Jihoon.

"Hyung. Bat di mo nalang kaya puntahan? Tutal, nandito lang naman yun sa loob ng bahay na 'to. Haynako." Natawa naman sila sa sinabi ni Seokmin.

Tumayo na si Jihoon, "Bahala nga kayo diyan. Sa kusina muna ako." At umalis na siya. Pag dating sa kusina ay naabutan niya si Seungcheol na umiinom ng tubig.

"Ah, Jihoon." Nakangiting bati nito sa kanya. Gumanti lang naman ng ngiti si Jihoon.

"Andito ka lang pala hyung." Wala sa sariling sabi ni Jihoon at tumingin diretso kay Seungcheol.

Napangiti naman ang nakatatanda at tumitig din dito, "Bakit? Hinahanap ko ba ako? Iniisip mo ko?"

Matagal na katahimikan ang nangyari bago napagdesisyunan ni Jihoon na basagin ang katahimikan, "Baliw." Sabi nito at tumalikod na para umalis, "Oo hyung, oo."

13) Nagiging mas 'better' ka dahil sa kanya. At nagiging inspirasyon siya oara sa'yo.

"Jihoon?"

"Yes hyung?"

"Alam mo ba na bukod sa napapasaya mo ako, napapangiti, napapatawa, at iba pa. May isang pinakamalakas kang epekto sa akin."

"Talaga Cheol hyung? Ano naman yun?"

"Nagiging inspirasyon kita para mas maging better pa ako Jihoon. Sa lahat ng bagay. Salamat."

"...."

"...."

"Hyung."

"Oh?"

"Kahit na lagi kong sinasabi na naiinis ako sa'yo...na naiirita ako....masaya pa rin ako kasi nandyan ka..."

"Talaga?"

"Oo. Napapasaya mo ako, napapangiti, napapatawa, napapagaan mo yung mood ko, at nagiging inspirasyon din kita."

"...."

"....."

"Gaya-gaya ah?"

"Uyy, di naman."

"....."

"....."

"Walang magbabago Jihoon ah?"

"Oo, Seungcheol."

"Laging ganito Ji?"

"Oo Cheol. Manatili tayong ganito....lagi."

Hindi alam ni Jihoon kung saan nanggaling ang mga luhang iyon, pero alam niya na may nakatakas ng isa. Kaya naman agad siyang umalis sa lugar na 'yun at pumunta sa rooftop, kung saan nangyari ang huling senaryo habang tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha.

Nasaan na Seungcheol?....nasan na ang mga pangakong iyon?


Pagkadating na pagkadating ni Seungcheol sa garden ay agad niyang nilabas ang lahat ng nararamdaman niya. Ang sakit palang alalahanin ang lahat. At parang ang sakit sakit tanggapin ng katotohanan.

Sorry Jihoon....sana....sana maibalik pa ang mga panahon....

~♥

2039 words. Medyo mahaba 'to.

Credits to the 13 signs you're inlove na tumulong sakin. Pero yung seventeen version ay sa akin talaga at nakasulat mismo sa book of thoughts ko.

dedicated to: notsparky at sa story niyang "blackmail" na siyang nagdala sa akin sa masaya at ♡♡ na mundong ito.
iyanaise thanks for suppot— este supporting. divabooisharthart yow yow. thankyou. jicheolation isa ka sa mga naging inspiration at lalo pang nagtulak sa akin bilang jicheol hahaha. thanks Mingyudified thanks for the stories that inspires me. wongyurt thank to you also. cherubggu_ thankyouuuuuuu ♡♡

Lahat na kayo pasasalamatan ko. Magpapaalam na ako hahaha.

So that's pretty long. Special chapter ito. Parang halfway to the story. Di ko na alam ang pinaggagawa-gawa ko. Haha. Support nalang sa mga nakakapagtiis pa sa pangit na storyang 'to hahahha. Dejk.

So, hope you like it! ♡

Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 914 59
Unknown: Hello~! Jihoon: Who u? WHO U?|| JICHEOL
183K 10.2K 136
Being intelligent and talented, he got an opportunity to transfer into an elite University. And upon encountering the hot-headed eyesless in the very...
173K 9.8K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
48.6K 199 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...