Lover's Revenge (on hold)

By simplegorgss

4.6K 139 52

This is a story of two people who fell in love with each other. But something's going wrong to their relatio... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 (SPG!)
AUTHOR'S NOTE
Chapter 9 continuation
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 18

118 3 6
By simplegorgss

"Iha, Are you okay?" tanong ko sa pamangkin kong kanina pang tulala. Andito nga pala kami sa starbucks, nagpupumilit kasi si Ennis kanina na pumuntang starbucks. Pagkagising ko pa lang, hinila na agad ako neto, wala pa nga akong ligo e.

Napalingon si Ennis sakin na blanko ang itsura. Ano kaya nangyari dito? Naku pag my ginawa ang Raffy na yun sa pamangkin ko, mapapatay ko yon.

"Yes Tita Eloise. Im okay." she said then smiled to me. Umiwas siya ng tingin at nagzip ng Java chip na inorder niya.

"Are you sure? It seems not. Sabihin mo kung my problema ka." bahagyang lumingon siya sakin na parang nag aalinlangan sabihin ang problema niya. Alam ko na may problema siya dahil halata sa kilos niya, lalo na sa mata niyang malungkot. 

"Dont worry tita. Im okay. Medyo nahilo lang ata ako." sagot niya, hindi ko na siyang pinilit pang sabihin ang problema niya. Malalaman ko din naman iyan soon. Walang sikreto ang di nabubunyag sa mundong ito. 

Suportado ko lahat ng bisyo nitong pamangkin ko. Parehas lang naman kami. Di ko iyan sinusumbong dahil pinagdaanan ko din ang mga kalokohan na ganun. Mas matindi nga lang sakin. Pero ngayon parang my nagbago, every time na mag i-starbucks kami neto, my dalang yosi to. Ngayon wala.

But good na rin yon. Atleast napipigilan na niya. 

"Tita tell me everything." biglang tanong niya sakin. 

"Tell what?" pag mamaang maangan ko sa tanong niya kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya. 

"Tell me why our famiy had an arguement." seryoso niyang tanong sakin, Wala na akong magagawa kundi sabihin na sakanya ang ilang mga detalye o dahilan ng away ng pamilya. Huminga ako ng malalim saka nagsalita. Ayoko na rin ilihim sakanya ito.

"Ang pamilyang Dela Vega ay matalik na kaibigan ng Lolo mo, Si Papa. Tinuring na nga ni Papa na tunay na kapatid si Mr. Henry Dela Vega e. Mag business partner din silang dalawa. Si Papa, ang daddy mo, si Sir Henry and Raffy, ang boyfriend mo." 

"Si Raffy?!" gulat na tanong ni Ennis sakin. Umupo siya ng maayos na parang sobrang interesado sa sinasabi ko.

"Oo. Bata pa lang siya non. Siguro 16 yrs old. Di mo siya kilala kasi sa ibang bansa ka nag aral. Sikat ang kumpanya na pinamumunuan ng dalawang pamilyang ito" sabi ko sakanya, ingat kong binibigkas ang bawat salita dahil baka masabi ko ang trabaho namin na illegal. 

"Bakit hindi man lang nabanggit ni Raffy sakin niyan, Ang sabi niya lang magkakilala ang pamilya namin." tanong niya sakin, gusto ko sana siyang diretsuhin kaso di niya maiintindihan at alam kong maguguluhan lang siya lalo.

"Di ko alam" kibit balikat kong sabi sakanya. "At dahil sa pagiging insecure ni Sir Henry, tinraydor niya ang kumpanya. Totoo naman talagang naging selfish si Papa nung mga panahon iyon dahil sa di pag control ni Sir Henry sa paglabas ng pera. Kaya nagawa niyang magdamot."

"At dahil dun, nag traydor si Sir Henry, kinuha niya ang mga pera samin." sagot ko, pero hindi alam ni Sir Henry na may tinatago pa kaming kayamanan na hindi niya alam noong mag ka business partner pa sila ni Papa. Hindi ganoon kabobo si Papa para ipagsama lahat ng pera. 

"Tama lang naman pala ginawa ni Papa." sagot niya sakin. Lumingon ulit siya sakin, "Yun lang ba?" tanong niya pa.

"Oo." tipid kong sagot sakanya. Hindi ko pa pwede sabihin sakanya ang lahat, ayaw kong maguluhan siya sa edad niyang iyan. Oo medyo nakakaintindi na rin siya, pero ayaw ko talaga siyang madamay!

Ennis POV

Nagulat ako dahil sa sinabi ni  Tita Eloise sakin kanina sa starbucks, nakauwi na rin pala kami. Wala akong pasok ngayon, wala daw mga prof namin dahil sa faculty meeting kaya umuwi muna ako sa bahay. Di pa rin ako maka recover kahapon sa resulta ng pregnancy test ko. Buntis ako. Paano ko sasabihin sakanila na buntis ako.

Inihiga ko ang sarili ko sa kama at nagmumuni muni habang nakatingin sa kisame nang biglang nagring ang phone ko. Sumagi sa isip ko na si Raffy ang tumatawag kaya agad kong kinuha ang phone ko.

Pagkatingin ko sa phone ko, si mommy pala ang tumatawag. 

"Im going home na baby." bungad niya sakin, ang sweet ng boses niya. I miss her! Kahit minsan may pagkabrutal ang mommy ko, minsan nga naisip ko na gangster siya e.

"When?" tipid at cold kong tanong sakanya.

"surprise!" masigla niyang sagot sakin. Natawa naman ako sakanya.

"Just be careful mom." I said.

"Yes, I love you, my gagawin pa ako. Tumawag lang ako para sabihin sayo iyon. Take care my princess." 

"I love you too, Bye" I said then binaba ko na. Naalala ko nanaman ang "My princess", ang ayaw kong tawagin sakin ni Raffy pero bakit parang ngayon gusto kong marinig na sabihin niya sakin iyon. Hay. Gusto ko na siyang kausapin, pero parang ayoko.

Bakit pa ako matatakot na iwanan niya kung ngayon hindi niya na ako binibigyan ng halaga? Dapat maging matapang ako! Lalo na ngayon na magkakababy na ako at wala siya sa tabi ko.

"Aahhh" napasapo ang kamay ko sa ulo ko dahil sa sakit ng ulo, ganito ba talaga pag buntis? Hinimas himas ko ang tyan ko, ang tigas na pala agad, akala ko hindi pa. Ilang days na kaya siya? Kung magpacheck na kaya ako? Hay. Sana kasama ko si Raffy mag pacheck up, yung tipong masaya kaming dalawa kasi my blessing na binigay si God samin. 

Pero lahat ng iniisip ko alam kong hindi mangyayari. Nakakadisappoint. :(

 Kinuha ko ang phone ko para itext si Alina na magpacheck up kami. Nagreply naman agad siya ng sige at mag doble ingat daw ako dahil nga sa kalagayan ko. Ang sweet. Pero, kailan ko kaya sasabihin kay Raffy? Parang di ko kayang sabihin. Natatakot ako sa magiging sagot niya.

* knock *knock

Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto, tumambad sa mukha ko ang katulong namin.

"Ma'am, may bisita po kayo, nasa sala po siya naghihintay." sabay ngumiti na parang kinikilig, agad kong sinara ang pinto para mag ayos ng sarili. Feeling ko si Raffy ang nasa baba. :>

Mabilis akong bumaba sa hagdan na parang di ko inisip ang kalagayan ko, habang pababa ako, narerealize ko na hindi pala makakapasok sa bahay namin si Raffy, kaya sino ang bumisita sakin? Hayy. Nalungkot nanaman ako.

Pagkababa ko sa hagdan agad akong naglakad papuntang sala, at ayun nga! isang napaka gwapong nilalang ang nakita ko.

"Jam?" tawag ko sakanya habang my binabasang magazine.

"Oh Ennis, andyan ka na pala. Kamusta?" sabi niya habang papalapit sakin. Nagulat pa ako dahil hinalikan niya ako sa noo. Ngumiti naman agad siya pagktapos niya gawin yun kaya napangiti nalang ako. 

Tumalikod siya at my kinuha sa sofa.

"Para sayo." sabay abot sakin ng blue roses, ano kayang trip niya bakit niya ako binibigyan ng ganito, nanliligaw ba siya? e my boyfriend pa ako db, pero kahit manligaw siya, si Raffy pa rin ang mahal ko. 

"Bakit mo ko binibigyan neto?" di ko na napigilan pang magtanong sakanya.

"Wala lang." tipid niyang sagot sakin. Ayos din pala e. 

"Bakit ka nga pala napapunta dito?" tanong ko sakanya at inaya siyang mag upo, nagpakuha rin ako ng juice sa katulong namin para sakanya. Napansin ko naman ang alala sa mga mata niya pero iniwas niya agad ito.

"Gusto lang kita makita at kamustahin." then he smirked. Buti pa siya my time sakin pero si Raffy wala. 

"Ahh. Hehe" ngumiti ako ng fake.

JAM POV

Pumunta ako sa bahay nila Ennis para kamustahin siya, Alam ko ang nangyari sakanya at ang kalagayan niya dahil nasa kwarto ako sa dorm ni Ennis nung araw na nag pt siya. Rinig na rinig ko lahat ng sinabi ni Ennis kay Alina. Buti nga di siya pumasok sa kwarto e.

Di ko din alam kung bakit gusto kong pasayahin si Ennis. Siguro dahil sa kalagayan niya. Napapansin ko din siyang laging malungkot and i hate the fact that she's always like that because of that bastard. Kahit parang aso't pusa kami dati, my concern pa rin ako sa babae na ito. Kaya lang naman ako naiinis sakanya dahil nga my similarities sila ni Eunice. 

"Tara, mall tayo!" aya ko sakanya. 

"Ngayon na?" she asked then i nodded. Mabilis naman siyang umakyat sa hagdan kaya napasunod ako sakanya, baka kung anong mangyari sa batang dinadala niya e! Nako ennis!

"Dahan dahan lang" sabi ko sakanya, mukha namang nagulat siya sa ginawa ko dahil hinawakan ko ang kamay niya at ang waist niya. Dahil sa pag aalala ko, mukhang ako pa ang tatay. Hays.

Dumiretso na siya sa kwarto niya at ako naman bumaba na para hintayin siya. After a minutes na pag hihintay, inantok ako. Ang tagal naman kasi kumilos ng babaeng iyon. Pinikit ko nalang ang mata ko saglit. Pero wala pang 5mins, my naramdaman akong biglang tumabi sakin.

"Lets go?" Si Ennis habang nakangiti. Ang ganda niya talaga pag ngumingiti siya. Sana lagi nalang siyang ganyan. Mas masaya ako dahil feeling ko ako ang dahilan ng pag ngiti niya. Teka nga, ano ba tong pinagsasabi ko, may gusto na ata ako kay Ennis e. 

"Sige." matipid kong sagot. Inalalayan ko naman siya papuntang kotse ko. Kailangan maingat baka mamaya may mangyari sa baby nila ni Raffy. Ay Mali, sa baby niya, tinulungan lang siya ni Raffy. Walang kwentang lalaki iyon. 

Sumakay na kami at pinaandar ang kotse ko.

Raffy's POV

Nasa labas ako ng bahay nila Ennis, Ganito lang ako lagi. Hindi ako nagpapakita sakanya. Kahit gustong gusto ko na siyang halikan at yakapin at mag explain sakanya lahat ng nangyari at nangyayari hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Ayokong sumama ang tingin niya sakin pero sa mga nagawa ko sakanya this past weeks, mukhang nag iba na ang tingin niya sakin.

Mahal na mahal ko si Ennis kaya ako umiiwas. Bigla naman ako napatigil sa pag iisip ng makita ko si Jam, hawak hawak ang bewang ni Ennis. Damn! Ako lang my karapatan humawak sakanya ng ganyan. Ako lang my karapatan sa katawan niya. AKO LANG! Pero bakit inaalalayan niya eto na parang my sakit, my problema ba kay Ennis? :( Ako dapat ang nasa pwesto ni Jam, ako dapat ang gumagawa niyan!!

Nagkukuyom ang dalawang kamay ko sa galit at inis sa nakikita ko. Bakit din pumapayag si Ennis na gawin sakanya iyon? Gusto ko sanang lumabas at suntukin ulit ang lalaking iyon pero naisip ko na baka maging masama na talaga ako sa paningin ni Ennis. 

Nagawa ko lang naman suntukin at sabihan ng masama si Ennis nung araw na nagkasuntukan kami ni Jam dahil may nagtext sakin na my kasama siyang ibang lalaki, na nagholding hands silang dalawa. Hindi ko na nakontrol ang mga salitang lumabas sa bibig ko, napaka stupid ko talaga. 

Sumisikip ang dibdib ko sa mga nakikita ko. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa manobela at pumikit. Hindi ko alam kung paano ko pa aayusin ito. Tuloy tuloy naman tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan dahil miss na miss ko na ang babaeng mahal ko. pero anong magagawa ko, hindi ko pwedeng isantabi ang perang iyon at ang lupa iyon, at ayokong siyang mapahamak. Damn!

"Mahal na mahal kita Ennis, magiging maayos din ang lahat.

----

A/N: Lame Update. Ang lungkot ko :( Hay. Sige po, ito muna ngayon. Sorry ang pangit ng update ko. :( Keep voting and reading. COMMENT NA DIN PO. Salamt.

Continue Reading

You'll Also Like

262K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...