Steal thy heart (PUBLISHED BY...

By AnnSyvil

1.1M 24.1K 1.9K

**TEASER ONLY*TEASER ONLY*TEASER ONLY** Iniwan si Natalie ng Boyfriend nya at sumama sa ibang babae, not just... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 -SPG-
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 -SPG-
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 FINALE

Chapter 10

37.3K 813 92
By AnnSyvil

Natalie

Nakapangalumbaba ako habang mataman kong pinagmamasdan sina Heather at Caleb, ilang mesa ang layo saakin. I took out the phone Caleb let me use and snapped pictures of them while Heather's laughing incessantly at whatever joke he'd said, while the brute was grinning at her from ear to ear.

I couldn't help but snort. So, capable naman pala s'yang maging nice? Bakit saakin hindi niya magawa 'yun? Bakit pagdating saakin, napaka bipolar niya?

I snapped another picture as Caleb's hand rested behind Heather's seat. Pinagmasdan ko sila habang naghaharutan sila sa kabilang mesa. Again, I snorted.

Paano ba naman kasing hindi ako magrereact ng ganito? Parang kahapon lang, ako ang nilalambing ni Caleb. He hugged me.. Heck! He almost kissed me, for God's sake!

Alam ko namang walang ibig sabihin 'yun eh.. I sighed. Nakakainis lang dahil kanina nung magkita kame, buong akala ko magiging warm siya ulit sakin katulad kahapon. Pero hindi eh! Isang matinding pagsusungit nanaman ang inabot ko matapos kong ituro sa kanya kung anong dapat niyang gawin ngayon!

Gusto ko lang naman na kunwaring makipaglapit sya kay Heather—nalaman ko kase na pupunta nga sa restaurant na 'to si Heather, kung paano ay 'wag na kayong magtanong. Kunwari ay by chance meeting lang ang mangyayari. Caleb will act friendly, tapos kukuhanan ko sila ng pics then I will send it to Axel—anonymously—planting seeds of doubt in the poor guy's mind.

Caleb just said that it was a good idea then he ignored me the rest of the way towards here.

Uhg! He's so freakin' bipolar!

At ako naman 'tong si tanga na umasa!

Napayuko ako at dinutdot ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Pinilit ko pa syang iorder 'to para sakin kanina. Pero ngayon parang wala nang appeal sakin yung pagkain. Ngayon pang nakikita ko silang maglandian sa harap ko?

I tortured the beef on my plate. I hate Caleb. Ang landi niya! Ang landi landi niya!

I stared at the poor meat as it grew brown hairs and chinito eyes popped on it. Mas lalo akong nanggigil. Tinusok tusok ko iyon hanggang sa malasog. 'Yan ang dapat sa'yo Caleb Damien Yung. Durugin. Tusukin. Gutayin!

Ibinaba ko ang kubyertos at sumimsim ng apple shake. Bakit ba kase ako affected? I shouldn't be feeling this way! I shouldn't be bitter! Gusto kong mapaantanda. Jusko! Mukhang nagkakacrush pa ata ako sa bipolar na si Caleb. Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit sa kanya pa 'ko humanga?

Hindi naman siya gwapo. Hindi siya macho. Hindi siya matalino. Hindi siya malambing. Hindi siya mabuting nilalang!

Yeah right. Amalayer.

The thing is, Caleb's gorgeous. He is dangerously gorgeous. And what the hell do I mean by that? If your heart's not guarded enough, you might fall in love with him. And that is just wrong in so many levels! Una, may jowa ako; Although hindi sya aware na jowa ko parin sya. Pangalawa, hindi kami magkalevel. Kulang pa kung sasabihin kong langit at lupa ang pagitan namin. We're like light years apart! Sobrang yaman ng mga Yung. Nakakalula, ever! Samantalang ako, eto, mas mahirap pa sa daga.

Hindi ko narin kailangan aminin pa na macho si Caleb diba? Shucks! Those biceps are to die for! Nun niyakap niya 'ko sa waiting shed.. Heaven forbid. Talagang I feel safe inside his arms. Hindi ko narin kailangan pang uliting sabihin na mali 'yun, hindi ba?

Caleb's smart. Hindi lamanng sa paraang aral, kundi street smart din siya. At kataka taka iyon considering na he grew up sheltered. Laking aircon, kumbaga.

I sighed. At kung gugustuhin niya, he could be very nice. Minsan parang sinasadya lang niyang magsungit sa'kin pero deep inside, mabait talaga siya. Nagsusurface 'yun sa mga panahon na unguarded siya. He would do nice things such as offering you his jacket, ihatid ka sa bahay, yakapin ka pa nilalamig ka, iorder ka ng pagkain pag nagugutom ka.. I sighed again.

After mentioning those things, masisisi mo ba 'ko kung magkacrush ako kay Caleb?

Hanggang crush lang naman eh. Syempre si Axel parin ang mahal ko.

Kaya hindi dapat akong mabitter kung sakaling pinapairalan ako ng sala sa init sala sa lamig attitude ni Caleb, dapat cool lang. Naaawang napatingin akong muli sa kinakain ko. Sorry, meat, hindi dapat ikaw ang pinagbubuntunan ko ng inis sa taong 'yun.

Nang sumunod na mag-angat ako ng paningin at tingnan kung anong ginagawa nila Caleb ay patayo na sila. Hala? Saan balak pumunta ng mga 'to?

Caleb's hand rested on the small of Heather's back as they paved their way towards the exit. 'Ni hindi ko napansin na nakapagbayad na sila ng bill nila. At saka wala sa usapan na sasama si Caleb kay Heather! Ano 'yun? Iiwan nya 'ko dito?

Mukhang ganun na nga, Natalie!

I watched as the two of them disappeared outside the door. Napanganga na lang ako. What the—? Are they planning on.. You know?

Uhg! Gusto kong banlawan ng zonrox ang utak ko sa mga naiisip ko! Caleb and Heather, in the bed, doing the deed!

Galit na hinablot ko ang inumin ko at tinungga iyon hanggang sa maubos. I hate Caleb! I hate him! I hate him! Wala naman sa usapan 'yun eh! Wala akong sinabi sa kanya na dapat may mangyare sa kanila ni Heather! I don't want them to actually cheat on Axel. Oh my God, my poor baby! But in a way, pabor nga sakin 'yun. Why didn't I think of that? Sana nga magkabalikan na lang silang dalawa!

Kaya lang nagpoprotesta parin ang kalooban ko.

Hinablot ko ang bag ko na nasa kabilang upuan at naiinis na tumayo. Ano ngayon kung balak nilang magchuk chakan? Bayad naman na 'yung inorder ko. Isa pa, may pamasahe naman ako pauwi, hello? To hell with them.

I was ready to leave but as I turned my back, saka naman ako bumangga sa isang matigas na bagay.

"Whoa! Careful!" pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko upang di ako matumba.

Agad akong napatingala nang marinig ko ang pamilyar na tinig na 'yun. "A-Axel?" what is he doing here? Awtomatikong napalingon ako sa main door ng restaurant. Nakita kaya niya yung dalawa?

"Huy, Nana, okay ka lang ba?" binitawan nya ang bewang ko nang sa tingin niya ay hindi na ko matutumba pero hinawakan parin niya 'ko sa siko para alalayan.

"Ka-kanina ka pa ba?" hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba nangangamba ako? Diba yun naman ang dapat mangyare? Ang makita ni Axel yung dalawa para magselos sya at marealize na ako lang ang para sa kanya? Natatakot lang siguro ako na masaktan siya. "San ka galing? San ka dumaan?"

He looked at me, confused. "Uhh.. Sa main door?"

"Oh, yeah, right." Nais kong batukan ang sarili ko. Stupid, Natalie! Malamang sa main door! Wala namang ibang daanan papasok dito eh.

"What are you doing here? May kasama ka ba?" nakangiting tanong niya sakin.

I fought the urge to sigh. Ang gwapo parin talaga niya. Gwapong saktong sakto lang, nasa tamang timpla. At ang bango pa! I don't want to swoon pero parang 'yun na ang ginagawa ko. Oh God! I miss my Axel! Gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Yun tipong hindi ko na siya pakakawalan pa!

"Nana?" untag niya.

Oh shit! Kausap nga pala nya 'ko. Natalie, will you please get a grip? Stop acting like a moron! You need to impress him! Mateturn off sya sa ginagawa mong paanga anga riyan eh!

"Uhh, wala eh. Care to join me?" i even batted my eyelashes. 'Yan, tama yan! Magpacute ka Natalie, seduce him!

Napakamot ng ulo at napangiwi si Axel. "You know, Nana, that I would love to, right?" napatango tango ako. "Kaya lang Heather's waiting for me outside." napalingon siya sa main door.

Kung hindi lang ako naka-lean sa table na binakante ko kanina ay malamang na natumba na 'ko. What the hell did he just say? Hinihintay siya ni Heather sa labas? Paano nangyare 'yun? Ibig ba niyang sabihin nakita niya itong kasama si Caleb?

At mukhang okay lang sa kanya?!

"At saka ang akala ko paalis ka na?" he eyed my food suspiciously. Sana hindi niya mapansin na lasog lasog na ang ulam ko. Napapikit ako ng mariin.

"Yeah, oo nga pala." naikuyom ko ang palad ko. Oh I got an idea! "So, nagkita kayo ni Heather? P-parang nakita ko nga siya kanina na may ka-kasamang kumain?"

Naging blangko bigla ang mukha ni Axel.

Gotcha!

"Y-Yeah.. She said she bumped into her.. Uhm.. Ex-fiance' at kumain sila, nagkakwentuhan.." bakas ang lungkot sa mukha at boses ni Axel.

"May problem aba? Do.. Uhm.. Do you wanna talk about it?" napakagat labi ako. Please say yes! Please say yes! I crossed my fingers behind my back.

He looked hesitant. Tumingin siya sakin na parang gusto niya talagang magconfide sa'kin. Syempre, ako ang best friend niya, ako lang ang maaasahan niya in times like this! "Sorry, Nana, hinihintay na kasi talaga ako ni Heather eh."

Nanlumo ako. Wala ba talaga 'kong kalaban laban sa Heather na 'yun? For a moment right there, I wanted to cry. Wala na ba talagang pag asa na mabawi kita, Axel? Gusto ko yung itanong sa kanya. I just couldn't find my tongue!

"Next time, Nana, I promise!" hinawakan nya ang magkabila kong balikat, sensing my despair. I'm pathetic, I know. "Magkita tayo sa friday, I'll make it up to you. We'll catch up." nag angat ako ng paningin and I saw him smiling at me. Parang bula na naglaho lahat ng pagaalala ko.

I smiled brightly at him. "Sure! Friday!"

Lumuwag ang ngiti niya at tila nakahinga siya nang maluwag nang makitang ngumiti na ako. That's my Axel! Oh my God! Gusto kong mapatili! Ganito si Axel eh. Ayaw nya 'kong malulungkot! Jusko! May pag asa pa!

"I'll just text you the details, alright?" he smiled sweetly at me, mirroring me. "May maghahatid ba sa'yo? Gusto mo bang sumabay na lang samin?"

Gustuhin ko man, Axel, kasama mo naman si Heather! Di bale, masosolo ko naman siya this coming friday, I'm so excited!! Kulang na lang magkorteng puso o stars ang mga mata ko. Halos amoy ko na ang tagumpay! "Hindi na siguro, magkita na lang tayo sa friday?"

"Okay.." nagulat ako nang biglang tumaas ang kamay nIya patungo sa mukha ko at hawiin ang buhok ko. "Nana—" he hesitated.

Matagal kaming nagtitigan doon habang nakatayo sa gitna ng restaurant. Umaasa akong sasabihin nya na sana ako na lang, sana ako na lang ulit. Katulad sa eksena ni Popoy at Basha pero hindi dumating 'yun. Instead, he said, "Magiingat ka lagi ha?"

Dismayado man akong nakatanaw sa kanya habang papalabas siya ng pinto ay may nakapa naman akong pagasa sa dibdib ko. Mababawi ko pa siya. Maitutuloy pa namin ang naudlot naming love story dahil sa biglang pag dating ni Heather sa buhay namin. There's still hope. Alam kong may nararamdaman pa siya para sakin. Naguguluhan lang si Axel. Pero konting push pa, marerealize din niya na kami ang para sa isa't isa.

"Ano't nakatanga ka dyan?"

I snapped out of my fantasy when I heard Caleb's voice. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala sya. Agad ko syang inirapan. "Anong ginagawa mo dito? Bakit bumalik ka pa? Akala ko ba makikipagchukchak chenes ka kay Heather?"

"Chuk-Chak-What?" he asked as he took a seat on our table.

Humalukipkip ako. "Bakit ba bumalik balik ka pa?" bwisit na 'to. Istorbo sa daydreaming ko.

"Axel saw us."

"Nakita niya tayo?!"

"No! Us! Heather and me." naiinis na wika nya. "He doesn't seem to mind though. Nu'ng sinabi ni Heather na ex fiance niya 'ko, parang tuwang tuwa na nakilala ako ng loko." he waved at the waitress and ordered some unfamiliar sounding drink.

I rolled my eyes at him. "S'yempre, kunware lang 'yun, para mukhang cool."

"I know," he said simply. "What are you standing there for? Sit down."

Kapal talaga nitong lalaking 'to! Kala mo palamunin nya 'ko kung makapag utos! Well, technically, Natalie, parang palamon ka nga nya dahil sya ang nagbabayad ng kinain mo kanina.

Hindi ko pinansin ang utos niya at patuloy lang na tumayo du'n nang nakahalukipkip. "Sana pinakitaan mo na kaya mong agawin si Heather sa kanya, tell him she was yours first!"

"And what? Hurt your ex-boyfriend's pride? No thank you. Baka saktan mo nanaman ako gamit yang kamao mo." inabala ni Caleb ang sarili cellphone n'ya. "Where's the phone by the way? Let me see the pictures."

Inabot ko ang cellphone sa kanya. "Bakit naman kita sasaktan, aber?"

"Kasi nga po, masasaktan ko ang pride ng minamahal mong ex. I know how overprotective you are of him." binalik niya ang phone sa'kin sabay sabing, "ampapanget."

Iningusan ko sya, pinili kong ignorahin na lamang ang huling komento n'ya. "Sus! Eh kung sa ikakaganda ba ng takbo ng plano natin, bakit hindi? Jusko ang hina mo Caleb!"

Sinamaan niya 'ko ng tingin. Ooopsie. I didn't mean to get in his bad side nanaman, and what? Bawiin niya ang tulong na binibigay nya sa'kin? No way. Ang laki naman kase masyado ng bunganga ko eh!

"Diba sinabi kong maupo ka?" kunot na kunot ang noo niya. Para 'yon lang nagagalit na siya? Napaka bossy talaga ng lalaking 'to! I reluctantly took a seat and glared at him.

"At saan ka nga pala pupunta? Akala ko isesend pa natin 'yung pics kay Axel? I have a spare sim right here." bumaling siya sa wallet nyang hindi ko napansing nilabas niya.

"Para saan? Para sa pambababae mo?" naiinis na bulong ko.

"I heard you." he pointed out while looking for his stupid sim.

"Good for you."

Impatient na hinarap niya 'ko. "Hindi naman porket may spare sim gagamitin na sa pambababae. Besides, I don't have a girlfriend, which means I can contact any girl I want, at hindi pambababae ang tawag dun."

"Mamatay na nagtatanong." nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Kung makapagexplain naman kala mo hiningi ko ang paliwanag niya. Tch. Eh sa totoo namang sa pambababae niya gagamitin yun. Why else would he need an extra sim for, diba?

I heard him smirk kaya napalingon ako sa kanya and I sent him a questioning look.

"Why does my fidelity issues concern you anyway?" he said with a teasing smile.

"It doesn't. Sinasabi ko lang naman!"

"Well, I did not ask for your opinion either." tinitigan niya 'kong maigi. Hindi siya nakangiti pero alam kong nakangiti siya! Kita ko 'yun sa mga mata niya. "Mamatay na rin ang nagtatanong."

Napanganga ako sabay naningkit ang mata. Nakakabwisit talaga 'tong lalaking 'to! Itinaas ko ang kamay ko at kunwaring dudurugin siya nang bigla siyang tumawa ng malakas.

"You look so cute when you're pissed." he said.

Naspeechless ako. Badtrip naman oh! Guguluhin nanaman ng lalaking 'to ang sistema ko! Okay na sana eh. Naestablish ko na sa sarili ko kanina na si Axel lang ang gusto ko. Pero pag ganitong pinapaandaran ako ni Caleb. Di ko maiwasan na kiligin. Kahit hindi naman dapat.

Tumingin ako kay Caleb habang sumandal naman siya at inenjoy ang kulay dilaw na inumin. Kung di lang sumpungin 'tong bugok na 'to.. Perfect na sana siya.. Kung posible lang sana na magkagusto ang isang prince charming na katulad niya sa gaya kong commoner lang. Kaya lang.. I sighed.

"You haven't answered my question yet. Where are you going? Before you bumped into your ex?" matamang nakatitig siya sakin.

"Uuwi na. Saan pa?"

Kumunot ang noo niya. "Lalayasan mo 'ko? Hindi mo na ko aantayin, ganon?"

"Aba malay ko bang babalik ka? Ang akala ko may balak kayong magchukchak chenes ni Heather." I looked at him intently. "Malamang 'yun talaga ang balak niyo kung hindi kayo nakita ni Axel no?"

Mas lalong nangunot ang noo niya. "Don't tell me, you think..?" tinitigan niya ko maigi hanggang sa matawa na lang siya. Halos manakit ang tiyan ng loko kakatawa. Na kahit pa pangingkitan ko siya ng mata ay di parin siya tumigil. Konti na lang bubuhusan ko na ng juice 'tong siraulong 'to!

"You can't honestly think I will have sex with Heather!"

"Hoy?!" I reached out and covered his mouth, pagkatapos ay hinampas ko siya sa dibdib. "'Wag ka ngang maingay, grabe nakakahiya ka!" I looked over to other patrons inside the restaurant, may ilang napapatingin sa'min. "Hindi po ako ang may sabi nu'n!" depensa ko. Mas lalong natawa ang hudas.

"Hindi nga ikaw ang nagsabi pero inisip mo naman!" he said in between laughs.

Badtrip! Naupo akong muli sa upuan ko at tinakpan ang mukha ko. This is seriously embarrassing! Nakakahiya 'tong si Caleb! Ang lakas lakas pa man din ng boses nya. I felt blood creeping up my face. Ano na lang ang iisipin ng mga taong 'to sakin?

"Why are you covering your face? Are you crying?" nanunudyo pang sabi nito.

"Shut up!"

"So, that's what chuk chak chenes means?" he mused.

Natigilan ako. Did he just..? Ibinaba ko ang mga kamay ko mula sa pagkakatakip sa mukha ko. I stared at him in disbelief while he grinned widely at me. "Chuk chak chenes means sex?" Nalaglag ang panga ko. Hearing him say those words. Parang gusto kong mamangha. Nagbago bigla ang pakiramdam ko. Kung kanina ay gusto kong magwala, ngayon naman parang gusto kong ngumiti. At unti unti na nga akong napapangiti. Damn it! He's so cute!

"I'm not surprised you think that highly of me but seriously? I can't even talk to her in one solid hour, she's so self absorbed and she laughs at her own jokes." napailing si Caleb, hindi yata napansin ang pag-iiba ng mood ko. "Much more, sleep with her.. I can only imagine what its like. Teka, nawawalan na 'ko ng gana. Hey! Why are you smiling like an idiot?"

Uminiling na lang ako. Pilit kong pinapalis ang ngiti sa mga labi ko. He could really be mesmerizing at times.

"Anyway, hindi kita ipagpapalit kay Heather.."

Muntik na kong mabilaukan sa sarili kong laway. Naman naman! Please stop Caleb! Please lang! Yung puso ko nagririgudon!

"Ano nga palang napagusapan nyo ng ex mo?" pagiiba niya agad ng usapan. Mukhang napansin nya ang uneasiness ko sa sinabi niya. Paano naman kaseing hindi?

Tumikhim ako. "Magkita daw kame sa friday.." mahinang sagot ko.

That's when his face turned sour.

Continue Reading

You'll Also Like

287K 6K 43
Book 2 of Please Love me. "That is what love means.. sacrifice.." Enzo and Patricia were planning for their supposedly wedding until Sydney Villafuer...
327K 6.9K 26
I hated that he'd blame himself, eventhough I'd been the one who had cause the accident. If only there was some way to undo what I'd been done.. A wa...
3.6M 49.5K 72
Bryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**
2.4M 50.6K 60
Three years ago Tiffany Charmaine Pineda ran away from home. when she came back after three months. she never talked about what happened. she buried...