Boy Meets Boy(BoyXBoy)

By eekahn

297K 4.8K 390

Is it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk. More

Boy Meets Boy(BoyXBoy)
Chapter 1~
Chapter 2~
Chapter 3~
Chapter 4~
Chapter 5~
Chapter 6~
Chapter 7~
Chapter 8~
Chapter 10~
Chapter 11~
Chapter 12~
Chapter 13~
Chapter 14~
Chapter 15~
Chapter 16~
Chapter 17~
Chapter 18~
Chapter 19~
Chapter 20~
Chapter 21~
Chapter 22~
Chapter 23~
Chapter 24~
Chapter 25~
Chapter 26~
Chapter 27~
Chapter 28~
Chapter 29~
Chapter 30~
Chapter 31~
Chapter 32~
Chapter 33~ <3
Chapter 34~
Chapter 35~ <3
Chapter 36~
Chapter 37~
Chapter 38~
Chapter 39~
Chapter 40~
Chapter 41~ <3
Chapter 42~
Chapter 43~
Chapter 44~
Chapter 45~
Chapter 45.1(EXTRA)~
Chapter 46
Chapter 47~
Chapter 48~
UPDATE

Chapter 9~

7.4K 108 4
By eekahn

Isang linggo na ang makalipas sa so-called lunod incident ko. Mabuti nalang at walang kumalat na chismis at kung ano sa campus. Dahil kung meron man, una makakarating ito sa school administrator at pangalawa ipapatawag si mama at lastly pangatlo, isang buong gabi na naman na sermon ang papakinggan ko. Kaya medyo happy na rin ako na walang kumalat na chismis.

     Nasa balcony kami, as usual kasama ko si Chase. Huwebes ngayon kaya mukhang bukas na kami talaga tutuloy sa photoshoot namin. Siyempre, binalaan niya muna ako na huwag na huwag na raw akong pupunta sa tabi ng falls. Which I find very cute kasi mukhang concerned din siya sa akin. Napasarap na sana ako sa kuwentuhan namin ng biglang dumating si Will. 

"Mag-usap nga tayo." Seryoso ang boses niya.

"Ummm... Ano k-kasi... Pwede ba mamaya nalang yan Will? May—"

He grabbed my wrist at pinilit akong tumayo, "Will!" I hissed at binitiwan naman niya ang pulso ko. Sinimangutan ko siya ngunit umiwas naman siya ng tingin.

     Narinig kong tumayo si Chase kaya napatingin ako sa kanya. "Dyl, mauna na ako. Tawagan mo na lang ako bukas," aniya. Kinuha niya yung backpack niya at umalis. Napatingin ako kay Will, "Ano bang problema mo?" Tanong ko. Nakita kong nakatingin na ang iba kong kaklase sa amin kaya yumuko ako. Hinawakan ako ni Will sa braso at kiladkad palabas ng balcony. Tumigil kami sa harapan ng isang bakanteng klasrum.

"Nalunod ka raw noong nakaraang linggo and you didn't even bother to tell me." Hindi ako nakatingin sa kanya.

     Sa totoo lang, natatakot ako kapag bumaba ng tono ang boses ni Will. Ibig lang sabihin nun ay galit siya. "Hindi naman big deal yun eh," mahinang sagot ko. "P*ta!" Nagulat ako ng sumigaw siya. "Hindi big deal!? Jusko, naririnig mo ba ang sarili mo? Muntik ka ng malunod Dylan. Muntik ka ng mamatay! Alam mo ba yun ha!?" Naiintindihan ko naman siya eh. Kaya lang ayaw ko lang talaga siyang nagagalit o di kaya nag-aalala ng dahil sa akin. "Ang importante naman eh buhay ako! Ito ako o. Alive and kicking! Niligtas naman ako ni Chase—"

"Si Chase? Yung gagong yun ang sumagip sa'yo?"

"Pwede ba, Will! Masyado ka ng nag-iinarte eh!"

"Wala ka palang balak na sabihin sa akin huh? Kung hindi man lang ako sinabihan ni Riley wala talaga akong alam."

     Hindi na ako nagulat ng e-mention niya ang pangalan ni Riley. Hindi ko naman siya masisisi eh, magkaibigan kaming tatlo kaya dapat walang sikre-sikreto. Ako lang ito ang lumalabag sa tuntunin namin. Tinignan ko siya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at ang galit. Hindi ko namalayan napaiyak na pala ako, "S-Sorry *ik* na o..." I hiccup ng sabihin ko iyon. "Ayaw ko naman *ik* kasing mag-alala *ik* ka eh." Pinahiran ko ang mga luha ko gamit ang likuran ng kamay ko. "At alam ko naman na *ik* na magagalit ka sa akin sasabihin mo *ik* na naman na hindi ako *ik* nag-iingat."

Tumingala ako sa kanya. "Hindi ko na uulitin *ik*, Will. Kaya *ik*sorry na..." Napasinghap ako kasi parang tutulo na yung sipon ko.

     Nakangiti na ngayon si Will at bigla nalang ako niyakap. "Shhh... Oo na. Pinapatawad na kita kaya tahan na..." Niyakap ko rin siya at tumango. "Basta bukas sasama ako sa photoshoot niyo." Bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko at tinulak siya. "H-Hindi *ik* pupwede!" Sabi ko. "Ito lang naman ang kabayaran ng hindi mo pagsabi sa akin ng totoo kaya sasama ako whether you like it or not." He pointed his finger at me. "Will! Ano ka ba? Tapos na ba *ik* yung photoshoot mo?" Nagtataka kong tanong. "Last week pa kami." Aniya.

"Hindi ka *ik* sasama!" Sigaw ko.

"Sasama ako!" Sabi niya.

Sumimangot ako and I stormed off away from him. 

"Maghihintay ako bukas sa labas ng gate niyo, Dyl! Mga alas siete ng umaga!" He called.

"Bwisit *ik* ka, Will..." I grumbled.

—-

Friday...

     I groan as I put off my alarm clock at tinaas ang sheets sa ulo ko. Wala akong choice, kelangan ko talaga bumangon para sa photoshoot ngayon. Kahit na pakiramdam ko parang may banda sa loob ng utak ko pinilit kong bumangon. I feel sick just knowing na kasama namin si Will ngayon. Naghubad ako at naligo na, in-on ko yung gripo at kumuha ng isang tabo ng tubig at binuhos ito sa katawan ko. Hindi ko talaga ma gets kung bakit badtrip siya kay Chase, hindi naman masama si Chase ah niligtas niya nga ako. Okay lang sana kung babae siya at paiba-iba ang mood, spell PMS. 

     Pagkatapos kong maligo nagbihis ako at bumaba na. Si mama may katext ata, si papa naman nagbabasa ng diyaryo at si ate kumakain habang nakaheadphones. Umupo na ako sa pwesto ko at kumuha ng dalawang piraso ng pandesal. Tinapik ko si ate, "Peanut butter," I mouthed sabay turo sa garapon. Alam kong hinding-hindi niya talaga ako maririnig kapag sabihin ko sa kanya. Iniabot niya sa akin ang peanut butter. "Ang aga mo ata, Dyl ah?" Tanong ni mama. "Ummm... Magphophotoshoot po kasi kami ma ulet," sagot ko habang nagpapalaman ng peanut butter. Napatigil si mama sa pagtetext niya at tinignan ako.

"Diba nagphotoshoot na kayo last week? Bago na naman ba yan?" Nagtataka niyang tanong.

Umiling ako at nilunok ang pandesal na nginunguya ko, "Nagkaproblema po kasi kami noong isang linggo kaya... Hindi natuloy," sagot ko.

"Problema? Gaya ng?" Ito yung ayaw na ayaw ko kay mama eh, masyadong mahigpit magtanong. Lahat nalang ng kaya niyang isipin itatanong.

"Ummm... Umulan po kasi," ininom ko naman yung kape ko.

"Ulan? Sa bundok kayo magshoshoot noh?"

"Opo." Buti nalang mukhang kumbensido naman siya sa pagsisinungaling ko, bumalik na siya sa pagtetext.

Tinapos ko na ang almusal ko at nagpaalam sa kanila.

     Lumabas ako ng bahay at nakasandal na si Will sa sasakyan niya. Si Riley't Rimi naman nakaupo sa isang bench sa labas ng bahay namin. "Good morning, Dyl." Ngumiti sa akin si Will at umirap naman ako. "Pwede bang magpaiwan ka na lang? Wala ka bang klase ngayon?" Umupo ako sa tabi ni Riley at tinignan siya. "Hmmm... Meron, kaso wala naman ang professor dun eh. At tsaka dalawa lang naman ang klase ko ngayong araw. So I'm cool with this." Aniya.

"Pinasama mo ba siya, Dyl?" Nagtatakang tanong ni Riley. "Sabi niya kasi gusto mo daw siyang makasama sa photoshoot."

     Umirap ako. "Siya yung nagpumilit, Ley. At wala akong sinabing ganun. Gumawa pa ng kwento." Pagdedepensa ko sa sarili. Mukhang wala pa si Chase ah? "Wala pa ata yung magaling mong modelo, Dyl?" Tumingin-tingin si Will sa kalye. "Paparating na yun. Huwag ka na nga lang sumama kung naiinip ka," sabi ko. Makalipas ang sampung minuto, dumating din si Chase. Lumabas siya ng kotse niya, "Pasensya na kayo ah. Medyo na traffic kasi ako—" 

"Tara na nga. Ang dami mo pang satsat eh," sabi ni Chase.

Tinignan ko siya and he gave me mocking grin na kinaiinisan ko talaga.

     Kinarga namin ang mga gamit namin sa sasakyan ni Chase. Binuksan ko na ang pinto sa front seat ngunit hinawakan ako ni Will sa braso. "Ops! Sa akin ka sasakay," I snatch my arm away. "Pwede ba? Walang basagan ng trip," sabi ko. Papasok na sana ako ngunit hinila niya ako paalis ng sasakyan. Yumuko siya at tinignan si Chase sa loob. "Sa akin daw siya sasakay brad ah. Ok lang yun sa'yo diba?" Nakangiting tanong ni Will. Ngumiti naman si Chase at ni-start na ang engine niya, "Walang problema," aniya. Isinara ni Will yung pinto ng sasakyan, kinladkad ako sa pinagyayabang niyang Porsche, binuksan ang pinto nito at tinapon ako sa loob. Para lang akong rag doll, ba't ba kasi ang lakas niya tas' ako naman para lang papel?

     "Mag seat belt ka na kung ayaw mong magka head injury," aniya. Nag seat belt naman ako at tinignan siya, "Sumusobra ka na ah! Nahahalata na kita, Will!" Duro ko sa kanya. He started the engine at sinundan na ang sasakyan ni Chase. "Wala naman akong ginagawang masama ah?" Pa inosente effect pa ang isang 'to. "Ayaw mo akong sumama o tumabi man lang kay Chase eh!"

"Bakit? Gusto mong tumatabi sa kanya?"

     Nanlaki ang mga mata ko and I shrink in my seat. Tumahimik ako at tinignan na lang ang mga nilalampasan naming mga bahay. "Kilalang-kilala na kita, Dyl. Alam ko naman na gusto mo yang Chase na yan eh." Aniya. "Hindi ko siya gusto... Namamangha lang ako sa kanya." I said quietly. "Namamangha? Ha! Dun na rin papunta yun. Tas' sa huli iiwanan ka rin niya at hindi na siya sasama sa'yo. Face it, that's reality." Medyo nanlumo ako sa sinabi ni Will. Ba't ba napaka-KJ ng isang 'to? "Hindi ganun si Chase, Will!" Depensa ko sa kanya. "M-Mabait siya at concern din siya sa amin."

"Yan nga ang problema. Mabait siya sa lahat at concern siya sa lahat. So get over it. Hindi siya umaakto ng ganun para lang sa'yo. He's doing it for everyone."

     Ngayon na sinabi yun ni Will, nainis na talaga ako sa kanya. "Ba't ba ayaw mo sa kanya!? He's not doing anything to you! Ni hindi nga kayo magkaibigan sa school eh! Hindi mo siya kilala!" I furrow my brows at tinignan siya. "Yan nga yung point!" Lumiko kami sa isang kanto. "We don't know him. Neither me or you. He's a total stranger. Kaya hindi mo siya dapat pagkatiwalaan."

I crossed my arms across my chest. "Napaka-arrogante mo talaga kahit kelan."

"Look. Kung sakaling mahulog ka sa kanya. Ayaw kong makitang nasasaktan ka dahil concern ako sa'yo. Naiintindihan mo? Yung tanging utang na loob mo lang sa kanya eh dahil sinagip ka niya sa pagkakalunod." Paliwanag niya.

"Utang ko sa kanya ang buhay ko! Naku naman, Will! Nagiging friendly lang yung tao! Konti na nga lang yung kaibigan ko ayaw mo pang dagdagan. How inconsiderate you are!"

"Ikaw mismo ang kumukuha ng advantage ng pagiging friendly niya! You let yourself assume na magugustuhan ka niya! You let those things run to your mind na iba ang trato niya sa'yo." Aniya. "At hindi pa ba kami sapat ni Riley na maging kaibigan mo? Kelangan mo pang maghanap ng bago?"

Meanwhile sa sasakyan ni Chase...

     "Nakuuu... Mukhang nagtatalo na naman silang dalawa." Nakatingin si Riley sa sasakyan ni Will na nakasunod sa sa kanila. "Palagi ba silang nagtatalo?" Tanong naman ni Chase. Umupo ng maayos si Riley, "Hmmm... Oo nagtatalo sila kahit na simpleng bagay lang. Yan kasing si Will masyadong ma-pride eh." Sagot niya. Tinignan niya ulit ang dalawang kaibigan niya na patuloy pa rin ang bangayan. Nag-aalala siya dahil baka kung ano'ng mangyari sa dalawang yun. "Pero sa magkakataong ito... Mukhang seryoso ata." Aniya.

"Mabait namang tao yang si Dylan eh. Sobrang bait nga." Sabi ni Chase.

"Parang anghel sa lupa yan eh." Pagsasangayon ni Riley.

     "Gusto mo bang lumipat sa sasakyan nila?" Alok ni Chase. "Nag-aalala ka ata eh." Umiling naman si Riley at nagbuntong-hininga na lang. "Huwag na... Maayos din nila yun. Hindi na sila bata noh." Sagot niya. Tinignan ni Chase sa rear view mirror niya ang dalawa nag-uusap pa rin ito.

...

     Hindi ko nalang pinansin si Will. Dahil baka mabangga kami kung papatulan ko na naman ang pagiging childish minded niya. Tinaas ko yung dalawa kong tuhod and I hugged them as I looked out the window. Mga 15 minutes na lang ay makakarating na kami dun sa may falls. Napansin siguro ni Will ang pagbibigay ko ng silent treatment sa kanya.

"Uy, Dyl..." 

"Dyl,"

"Dylan, naririnig mo ba ko?"

Tinapik niya ang braso ko, "Pwede ba!? Huwag mo akong hawakan!?" I hissed.

     Nagulat siya sa reaksyon ko and I saw his eyebrows meet. "Sinasabi ko lang kung ano sa tingin ko ang tama." Aniya. Umirap ako at tinanggal ang seat belt ko, "Tama mo, mukha mo" I mumble as I walk towards Chase's car. Binababa na nila ang mga gamit namin, kinuha ko yung tripod ko at yung isang bag. Mabuti nalang walang nagbalak na magtanong sa akin, nababasa naman nila siguro yung mood ko. Nauna na akong bumaba at sinet up na yung bitbit kong tripod. "Ako na ang magbibitbit niyan, Rim." Narinig ko ang boses ni Will. "Talaga, Kuya Will? Ok ikaw bahala," sagot naman ng bata.

Tahimik kami habang nag-aayos para masimulan ang photoshoot.

     Umupo muna ako at binuksan ang laptop ko, napatingin ako dun sa may falls habang inaantay ito mag-start. Doon. Doon sa may falls ako muntikan ng mamatay at doon... Doon din ako hinalikan ni Chase. Well, not necessarily na hinalikan. Binigyan ng CPR as a matter of fact. Pero kahit na medyo indirect yung kiss at iba ang purpose, halik pa rin yun. It will never change the fact na my lips touched Chase's lips. Dahan-dahan kong inilagay ang mga daliri ko sa labi ko at napangiti naman ako. Sana man lang may malay ako ng hinalikan niya ako, pffft. 

"Dyl! Chase will be ready in 2 minutes!" Sigaw ni Riley.

     Mabilis akong bumalik sa realidad. Agad kong kinuha ang camera ko at nilagyan na ito ng lens. Mabilis akong pumwesto sa tripod at nilagay na dun ang camera. Makalipas ang ilang minuto, naayusan na rin ni Riley si Chase. He look sooooo beautiful. Naka sleeveless white shirt siya at yung ginawa naming malaking wings bagay na bagay sa kanya. Sa baba naman, parang naka white pajama pants siya at slippers.

"Handa ka na?" Pinilit kong tignan siya sa mga mata.

Nag-salute pa ito sa akin, "Yes, sir!" I snickered at sinabihan siya na pumwesto na sa may malaking puno.

"We'll take five shots rito ah. Para makahanap tayo ng iba pang magandang lokasyon. So do your best," I gave him a thumbs up.

"Teka, teka!" Aniya. "I-I don't really know how this works." He said dumbfounded.

Ngumiti ako, "Maging natural ka lang. Diba anghel ka ngayon? What would you think an angel will do in this place? At diba nagsuggest ka rin na ang lugar kung saan lumilipad ang anghel ay yung lugar kung saan siya masaya at kung saan siya nakakaranas ng kasiyahan?"

Nag-isip muna si Chase tas' tumango siya. I give my signal na magsisimula na kami. Yung first two photos niya medyo awkward dahil hindi niya siguro talaga alam kung ano ang gagawin.

"Pffft... Loser." Narinig kong tumawa ng mahina si Will na nasa likod ko. Nakaupo sa isang foldable chair at nagmamasid sa ginagawa namin.

     "Chase, act natural. Parang nawawala ka eh, kung ikaw ay isang anghel ano'ng gagawin mo?" Sabi ko sa kanya. Mukhang kelangan niya ng motivational words ko ngayon. Natural lang naman sa isang modelo na maging awkward muna, but he needs to learn quickly. I gave him a few seconds para mahanap ang pose na gusto niya then, *snap*! Tinignan ko ang nakunan ko and it was really great. Nakatingin siya sa camera na para bang may kuwentong ang kanyang mga mata. After two more shots naghanap ulit kami ng location.

This time doon na sa may waterfalls.

     I was adjusting my lens ng may naramdaman akong kung ano na nasa bewang ko. Pagtingin ko ay isang lubid na ang nakatali at nakakonekta ito sa kamay ni Will. "Ano na naman ba 'to, Will?" Tanong ko. "Naninigurado lang ako na hindi ka na mahuhulog jan sa falls." Sagot niya. Umirap ako, "Nagiingat na nga ako eh. Kunin mo na nga 'to!" I tug the rope. "Ayaw. Hindi ko yan e u-untie hanggang matapos ang shoot mo sa may falls." Umiling siya at nagbuntong-hininga nalang ako. Wala naman akong magagawa eh, pag nagreklamo pa ako I'm sure sandamakmak na namang bangayan ang aabutin namin. Naubos na nga ang energy ko kanina sa sasakyan eh, ayaw ko ng ubusin ang natitira ko pang lakas.

     We shoot on five locations. At bilang isang photographer, napakagaling ni Chase. He's really focusing on what he was doing at maganda ang mga litrato na nakunan ko. "Uy," Sabi ko habang nagsusuot siya ng shirt. "Pasensya ka na kung hindi maganda ang performance ko. First time ko lang talaga kasi eh." Sabi niya. He looked at me with those sorry eyes. Uminit na naman ang mukha ko at pinilit kong tumawa, "Ano'ng hindi maganda? It was the best! I swear Chase, kapag nakapili na ako ng tatlong best photo mo masosorpresa ka talaga," Sabi ko.

"Talaga? Salamat ah," ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. 

"Bilisan niyo ng dalawa jan! Aalis na tayo o!" Sumimangot ako ng marinig ko ang boses ni Will.

     Kung may pinanganak mang kontrabida sa nobelang ito, yun ay walang iba kundi ang nag-iisang si Will Ignacio. Kontrabida na nga, epalero pa. Ang sarap niyang putulan ng dila. Wala siyang ginawa buong araw kundi mag-reklamo, mag-komento at magbigay puna sa mga pose ni Chase. Hindi ko na nga lang siya pinapansin, he's getting on my nerves. 

"Hey, tumigil tayo dun sa may fast food chain na nadaanan natin kanina. Nagugutom ako eh," sabi ni Riley bago kami pumasok sa kotse.

     Siyempre, dun pa rin ako sa kotse ng epal. Hindi kami nag-usap dahil alam niya na gigil na gigil na ako sa kanya. Nag-earphones na lamang ako at hinintay na makarating kami sa fast food chain na sinasabi ni Riley.

Continue Reading

You'll Also Like

966K 33.3K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
184K 7K 52
"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRE...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
154K 8.7K 53
Caleb Isocrates Lopez - A working student who was slowly revealing his gender indentity. Siya ang minsan nang nagmahal kay Titan Montenegro na kanyan...