Stella Royal Games

By StarryKyamii

62.7K 2.5K 538

Which kingdom will shine the brightest? More

Stella Royal Games
Royal 1
Royal 2
Royal 3
Royal 4
Royal 5
Royal 6
Royal 7
Royal 8
Royal 9
Royal 10
Royal 11
Royal 12
Royal 13
Royal 15
Royal 16
Royal 17
Royal 18
Royal 19
Royal 20
Royal 21
Royal 22
Royal 23
Royal 24
Royal 25
Royal 26

Royal 14

1.9K 80 3
By StarryKyamii

Royal 14

Meteor’s POV

“Hindi ko alam kung ano ba talagang kailangan mo. Tsaka teka nga, sinusundan mo ba ako?” I crossed my arms, waiting for an answer. Umupo ako sa isang upuan doon at binigyan siya ng death glare. Binalewala niya lang ito.

Nasa garden kami ngayon at dalawa lang kami ni Blizzard sa loob. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nandito at kung ano ang kailangan niya sakin. Imposible namang maging coincidence lang na siya pa ang magiging personal guard ko.

Nagulat ako nang biglang mawala siya sa harapan ko. I was dumbfounded when I felt someone breathing behind my ear. Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Sinusundan?," he whispered. Tumawa siya ng mahina at muling bumulong, "What if I said, yes?"

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Kumurap ako at pagdilat ko, nasa harapan ko na ulit siya.

Sumandal siya sa punong malapit sa kinauupuan ko at nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa. Hindi niya pa din tinatanggal ang cloak at maskarang itim kahit ang init init na.

"You should've seen your face. Priceless," mapang-asar pero walang kaemo-emosyon pang sabi nito.

"Shut--,"

“I don’t have any choice since the Shadow Superior requested this one. Hindi naman ako makakatanggi, isa pa, malaki ang offer niyo. The mission is just simple, protect someone like you," pagputol niya sa sinasabi ko. Yun naman pala ang dahilan. It is a pure coincidence, isn’t it?

Honestly, I was a bit surprised when he answered me in that way. “Nagtatagalog ka pala.”

“Bihira.”

Inayos ko ang sarili ko at tumayo, “Just don’t interfere with my activities. Hindi kita kailangan and I can protect myself. Hangga’t maaari, stay away from me.”

I will never ever forget that night when he stole my first kiss. Ilang gabi rin akong hindi pinatulog non. At hanggang ngayon, bumabagabag pa rin siya sakin. Gusto ko nang kalimutan iyon at burahin sa memory card ng utak ko. But thanks to my brain, pinapaulit-ulit niya pang i-replay iyon. Nakakainis lang.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya napaupo ulit ako. Pinatong niya ang magkabilang kamay sa arm rest ng upuan. He even leaned closer, halos magkadikit na ang ilong namin.

“I’m afraid I cannot do that, Princess. You see, as the top notcher of the Shadow Society, every royalty is asking for my service. But you are the lucky one to have it. So, the King ordered me to do eveything I wish, since I am not only a part of your Royal Unit, but also a part of Ten Sirius Crown.”

Awtomatikong naningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nakain ni Dad at nilagay niya ang lalaking ito sa grupong iyon. Does he trust this man so much? I mean, maraming sundalo sa Royal Unit ang nagtratrabaho na for years pero hindi pa rin ito nagiging parte ng Ten Sirius Crown. They almost lost their lives protecting this land. Pero sadyang pili lang talaga ang nagiging parte nito. At hindi ko talaga aakalain na ang isang baguhan lang katulad ni Blizzard ang makakakuha ng spot nito.

Ang Ten Sirius Crown ay binubuo ng mga makapangyarihan at mahahalagang tao. Malaya silang nakakagalaw sa loob ng palasyo at ang tanging susundin lamang nila ay ang Hari at Reyna. Sila rin ay mga candidates para sa trono ng hari kung saka-sakaling mamatay ang mga anak nito.

Masyadong delikado ang ganitong bagay lalo na pagdating sa pag-aagawan ng trono. Kaya naman pinipili lang ni Dad kung sino ang napupunta rito. Mga mapagkakatiwalaan at hindi gahaman sa kapangyarihan.

“Princess Meteor,” kahit na hindi ko makita ang buong mukha niya, nararamdaman kong nakangisi siya sa loob. “Whether you like it or not, I’ll be your knight in shining armor..”

"..Or more like an assassin hidden in icy shadows."

~

Ilang araw na ang lumipas simula nang bigyan kami ni Dad ng personal na tagabantay. At ilang araw na ring akong binibwisit nitong si Blizzard. Hindi ko talaga alam kung bakit ako naiinis sakanya.

Probably I hate the fact that there's one arrogant, shithead, sadist freak existing to guard me.

And I seriously hate how this egghead makes my heart go wild with no particular action. Just his awful presence.

Ain't that great?

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin. May kung anong kakaiba akong nararamdaman sa sistema ko. Yung puso ko, ang bilis bilis ng tibok. Tapos I always have butterflies inside my stomach which in the first place, dapat bihira ko lang maramdaman iyon. Pero simula nang dumating siya, nagulo na buhay ko.

Damn! I don't understand myself. What the hell is wrong with me?

My thought bubble suddenly popped when my history teacher snapped in front of my face. "You're spacing out, Princess."

"Sorry." Nasapo ko na lang ang ulo ko. Ano ba kasing pinag-iisip ko? Bakit ba kasi siya na lang ng siya? Nakakasawa na.

Natapos na ang History class kaya dumiretso na ako sa kwarto para palitan ang dress ko. Susunod na kasi ang ballet class and Ms. Minchin, my ballet instructor, has an important announcement.

Naglalakad ako sa loob ng bathroom para hanapin ang white ballet top ko nang may matapakan akong madulas na bagay.

"Kyaa!" My vision suddenly swirled and finally felt the hard bump of the floor on my back.

"Aray kooo~," hinimas-himas ko ang likod na tumama sa sahig. Kung kelan nagmamadali dun nadudulas eh.

I was about to stand up nang may marinig akong boses sa may pintuan.

"Stupid."

Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang tumingin sa pintuan ng bathroom, only to find out na may isang lalaking walang pakialam na nakasandal sa gilid ng pader habang naka-cross arms.

"Pervert!" Bigla kong nadampot ang sabon na natapakan ko at binato ito sakanya, pero madali niya lang itong nasalo. Hindi ko pa nahahanap ang ballet top ko so basically, I'm only wearing a ballet skirt and a bra.

"I heard you scream, and you left the bathroom door open," kalmado niyang sabi. At ang loko, ayaw pa talagang umalis sa kinatatayuan niya. Agad kong tinakpan ang sarili ko at tumalikod sakanya. "Dumbass. Get the hell out of my room!"

"Tinakpan-takpan pa, wala namang makikita dyan."

Nakita ko sa salamin na nagkibit-balikat lang siya at balewalang umalis ng bathroom. Mabilis kong sinarado ang pinto at napasandal dito.

Nakakainis talaga yung egghead na yon! Kala mo kung sinong.. Argh! May laman naman tong hinaharap ko kahit papano ah!

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Ang bilis nanaman ng tibok niya.

~

"I'm sorry Princess. He is not in the condition to be your partner anymore. I suggest you do it on your own or you find another partner," hinawakan ni Ms. Minchin ang mga kamay ko. Kakapasok ko lang ng ballet room at ito agad ang sumalubong na balita sakin. Kaya pala kanina, parang kinakabahan ako sa magiging announcement niya.

"I..I'll try to resolve this," nginitian ko na lang siya at nagpaalam. Wala kaming lesson ngayon dahil pupunta siya sa meeting para sa Royal Swan Lake Tournament. Every year, ito ang highlight para sa mga princesses na may edad mula 12 hanggang 21. They are competing for the silver crown and the title of Swan Lake Princess.

Ito rin ang pinaghahandaan ko for who knows how many months? Hindi kasi ako nakasali last year dahil napilayan ako. That is why naagaw sakin ang korona ng mahigpit kong kalaban mula sa Vega Empire.

Princess Aurora Devon Vega. The bitch from hell.

Nah. Just joking. But seriously, hindi ko alam kung anong meron sakin na kinaiinggitan ng babaeng yan. Halos kasuklaman na nga ako niyan eh. Galit na galit siya sakin. Gusto niya, lahat ng meron ako, meron din siya.

Kaya ayun, sa sobrang pagka-insecure niya, umabot pa sa puntong gusto niya na akong burahin sa mundong ito. The reason why I did not have the chance to join the last year's competition was that she performed an evil plan against me kaya ayun, napilay ako. And poof! Naagaw niya ang korona.

Kaya naman it is time for my grand royal revenge.

But how am I supposed to do that if I don't have my partner?

Napaupo na lang ako sa wooden floor ng ballet room. Ang laking problema nito. My partner and I have performed a series of stunts and it was perfect enough. Everything is ready. Ilang buwan naming pinaghirapan yon, pero mukhang mapupunta sa wala.

I heavily sighed. Hindi ko na alam gagawin ko. It is too late to change our dance routine, kulang na sa oras. I don't know how many days are left pero anytime pwedeng mangyari na ang contest. It's the month of the Swan Lake anyway.

Kung kukuha naman ako ng partner, saan naman ako maghahanap? Hindi ko rin alam kung kaya niya ba yung ginagawa namin ng dati kong dance partner. Isa pa, he needs to be very skilled in order to master our dance routine in just few days.

Great. I'm dead.

Napasandal na lang ako at napapikit. I need to think of a plan. I need to decide.

"What to do, Meteor?" I muttered under my breath. "What will you do?"

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Ilang saglit pa, gumulong ang isang pulang mansanas sa harap ko.

"Alam mo bang bawal kumain dito?" I gave Blizzard a killer look habang naglalakad siya papunta sa pwesto ko at kumakain ng mansanas. Kahit na kumakain siya, hindi niya tinanggal ang maskara but instead he only took off the lower half of it from his face.

Bahagya akong napaatras at halos ipagsiksikan ko na ang sarili ko sa dingding nang yumuko siya at tinapat ang kanyang mukha sa mukha ko. Pinulot niya ang mansanas na tumama sakin kanina at ipinakita ito sakin.

"Kakainin mo o hindi?" may halong pagbabanta ang tono niya. Kumagat ulit siya sa isa pang mansanas na hawak hawak niya sa kabilang kamay.

Wala akong nagawa kundi hablutin yung mansanas sa kanang kamay niya at kinagatan ito. Kanina pa ako nagugutom. I skipped breakfast and lunch dahil ang oras dito ay ginagamit ko para sa extra pratice ko sa ballet. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Hapon na kaya nakakaramdam na ako ng gutom.

Sawakas ay nilayo niya na rin ang mukha niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Tahimik lang kaming dalawa sa ballet room habang kumakain ng mansanas.

"What's your decision?" bigla niyang tanong.

"Ha?"

"Your decision," ulit niya. "About the tournament."

Kung ganon, narinig niya pala yung balita ni Miss Minchin. "Hindi ko pa alam. I might do a solo performance."

Sa totoo lang, maliit ang tsansa kong manalo gamit ang solo performance. May plus points kasi kapag may partner. Isa pa, mas maraming routine ang magagawa kapag meron nito. Mas malakas ang impact at mas magandang performance.

Tumayo ako at pumunta sa sulok para itapon yung buto ng mansanas. Nagulat ako nang biglang sumulpot si Blizzard pagharap ko. Mabilis niyang kinuha ang kanyang panyo at pinunasan ang kamay ko.

"Ayokong hawakan ang malalagkit na kamay."

"Ha? Ano bang ginagawa--"

I suddenly refrained from speaking and listened carefully. There’s this strange sound that keeps echoing in the whole ballet room. It beats one at a time, parang tunog ng isang.. cello?

Say something I’m giving up on you

Bigla na lang hinila ni Blizzard yung kamay ko. I suddenly lost my balance kaya dire-diretso akong napasubsob sa dibdib niya.

“What the hell is your prob—“

I was even more surprised nang maramdaman ko ang hininga niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

I’ll be the one if you want me to

“Dance,” he whispered.

Naramdaman ko ang maiinit niyang mga kamay sa bewang ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at kusa na lang gumagalaw ang katawan ko.

Anywhere, I would've followed you

The next thing I knew, I let myself dance through the soothing, gentle sound.

Say something, I'm giving up on you

He spun me around as his arms surround my body. Nanatili ang kanang kamay niya na nakapatong rin sa kanang kamay ko habang malaya niyang pinagalaw ang kaliwa kong kamay kasabay ng kanya.

And I am feeling so small

It was like unfolding one of my wings along with him, spreading, aiming high, having the freedom to do everything.

It was over my head

He spun me again and pulled me towards him. Nagkasalubong ang mga tingin namin. Para akong hinihigop ng mga mata niya. I almost lost myself just by looking in his eyes.

I know nothing at all

Halos magkadikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit. I was hypnotized by his eyes, the way he moved, the way he handled me with gentleness. Hindi ko na nga alam kung ano na itong sinasayaw ko, hinahayaan ko na lang siyang magdesisyon sa bawat galaw namin. I already lost control of my body, kusa na itong sumasayaw sa ritmong parehas naming sinasabayan.

And I will stumble and fall

I'm still learning to love

Naramdaman ko ang paghaplos ng isa niyang kamay sa likod ko habang nanatili namang nakahawak sa bewang ko ang isa. He slowly bent forward a little as I curved backward and sway myself in mid-air with his hand supporting my back.

Just starting to crawl

Say something, I'm giving up on you

He got ahold both of my hands which serves as an assist on my balance. Dahan-dahan kong itinaas ang isa kong paa, hanggang sa naka-align ito ng diretso.

I'm sorry that I couldn't get to you

Tumalon ako papunta sakanya. He caught me with ease and lifted me up in the air.

Anywhere, I would've followed you

Say something, I'm giving up on you

Dahan-dahan niya akong ibinaba. Muli kong naramdaman ulit ang isang kamay niya sa likod ko. I slowly bent with him habang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin.

Saysomething.

We're only inches apart. I could hear his breathing, I could feel its warmth. I was into his eyes that I cannot do anything to look away. We stayed in that position for a few moments. No one dared to move.

"Whoa! Oy!" bigla na lang akong bumagsak. Mabuti na lang at medyo mababa yun, kundi susunugin ko talaga tong lalaking to nang buhay.

"What the hell! Bakit mo ko binitawan?!" hinilot-hilot ko yung likod ko. Kanina pa ako bumabagsak ha!

"You're too heavy for a ballerina," balewala niyang sabi habang inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa. Tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad papalabas. Dumbass, hindi talaga ako tinulungan tumayo!

"Ang kapal mo! Hindi na nga ako kumakain eh. Why can't you just say na masyado kang mahina para bumuhat ng isang tao, you pervert sadistic egghead!"

"Nah. Bakit hindi mo na lang aminin na mataba ka talaga?" Aba't loko to ah!

"I'll burn you alive. Toast you and make a human sunny side-up!" binato ko sakanya ang ballet shoes ko ngunit madali niya lang itong nasalo. Bakit ba ayaw tumatama lahat ng binabato ko sakanya?!

"I'll be your partner." biglaang sabi niya na kinagulat ko. Seryoso siya? Hindi niya ba alam na ilang linggo na lang at magperperform na kami? Makakaya niya ba yung dance routines ng dati kong partner?

"Kaya bawasan mo na yang mga taba mo para hindi ka mahirap buhatin."

I seriously hate your awful existence from the depths of hell, Blizzard!

~

"Did you learn something new?" umupo ako sa tapat ni Astro at itinaas ang dalawang paa ko sa glass table. Nasa main library kami ngayon ng palasyo, the third floor which held important things or data na kaming royal family lang ang may access.

"Basically, yes. And please Meteor, do not leave your manners inside your bedroom," sabi niya habang hindi inaangat ang tingin mula sa binabasang libro. Tinutukoy niya ang paa ko na nakapatong sa glass table.

"C'mon kuya, let me breathe. I'm sick acting so prim and proper. Anyway, anong nangyari sa meeting?" I asked. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang ipinakilala ko siya kay Old Man. Since then, lagi na siyang humahanap ng extrang oras para makapunta dito at magtraining. No wonder na gumagaling na siya sa pakikipaglaban kahit papaano. I can see his improvements through his training here in the palace.

Sinarado niya na ang libro at napapikit na lang siya habang nakasandal sa upuan. "Malapit na ang opening. Two days from now and the Stella Royal Games will start."

"Napaaga ata. It should be next week, kapag natapos na ang solar eclipse."

"The Constellation Council decided it. Katwiran nila, para daw ang main and grand battle ay mangyayari sa mismong eclipse."

Natahimik kami saglit. Ano nanaman bang pakulo ng Constellation Council at talagang tatapusin ang mismong Stella Royal Games sa araw ng eclipse? Alam naman nilang araw iyon ng kadiliman. Where every power is nullified for a day. Sa araw ng eclipse, mawawalan ng kapangyarihan ang lahat, kahit ang mga royals sa loob ng isang araw. Everyone is powerless.

"I'm nervous," basag ni Astro sa katahimikan.

I chuckled a bit and tried to cheer him up, "Malaki ang inimprove mo, kuya. Believe me, you could beat them. Isa pa, kasama mo ako sa team. I'm one hell of a princess, remember? Don't worry, we can conquer them."

"I already met the team captains for each empire." Natahimik ulit ako. I've never seen him like this before. Hindi pa nga nagsisimula ang labanan, sumusuko na siya.

"The Astro I know doesn't include the word 'give up' in his vocabulary," tinignan ko siya ng seryoso. "Kaya nga nagtre-training ka eh. To prove to everyone you can compete with them."

"The word, give up. I'm starting to understand its meaning, Meteor. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilagpasan siya. Bago ako tuluyang makalayo, saglit ko siyang nilingon.

"Malapit na ang Stella Royal Games. Umaasa silang mababalik mo ang empire natin sa tuktok. Kaya ayusin mo yang sarili mo, Astro. Kung ganyan lang din naman ang pag-iisip mo..

..Wala nang saysay pang magpatuloy sa isang labanang sinukuan mo na noong una pa lang."

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...