I Found a Man

By Gelailah

926K 32.8K 1.1K

It was supposed to be an ordinary day for Krisandra as she tries to achieve her ultimate goal in life; to be... More

I found a Man
Simula
Kabanata 1
Kananata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Katapusan

Kabanata 7

22.6K 870 44
By Gelailah

Napatulala ako kay Zec na naka ngiti lamang sa harapan ko. Nakasuot siya ng black suit at may maskara din siyang itim. Sa kanya ay natatakpan talaga ang kalahati ng mukha, pero kilalang kilala ko na ang boses at ngiti niya kaya hindi ako maaaring magkamali na si Zec to. Ang gwapo parin niya kahit may maskara siya dahil kita naman ang mapupula niyang mga labi. Saan galing ang damit at maskara nito?

"U-uhm hi!" Natatarantang bati ko at saka ako ngumiti sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag. Aaminin ko, masaya ako at dumating siya. Niligtas niya ako sa isang malaking kahihiyan.

"Sorry I'm late. I just ran a few errands." Nakangiting sabi sa akin ni Zec. Parang sanay na sanay siya magsinungaling. Criminal nga talaga yata to.

"It's okay. Hindi pa naman masiyadong matagal nung nagsimula ang party." Ngumiti din ako kay Zec. Kahit na nagsisinungaling kami pareho, ramdam ko na totoo ang ngitian naming dalawa. Di bale nang asarin niya ako bukas. Tatanggapin ko na lang. Iniligtas niya lang naman ako sa kahihiyan.

"W-waits." Napatingin kami parehas kay Rhoda at sa ang mga ali-pores niya na naka nganga parin sa aming dalawa. Tumingin si Rhoda kay Zec. "You look real familiarly."

Ang trying hard talaga mag english ng mga taong to. Napahawak ako sa noo ko, narinig ko namang tumawa ng mahina si Zec kaya siniko ko siya sa tagiliran dahil baka mahawa ako sa tawa niya at parehas kaming humalakhak ng malakas.

"Markus Wright" Pabulong na sabi ni Wendy, isa sa pores. Nakatulala siya kay Zec na parang isang artista ang nasa harap niya. "Hindi ako pwedeng magkamali. Araw-araw kong tinititigan ang mukha niya sa magazine. Memorize ko na ang bawat part ng mukha niya."

Nagkatinginan kami ni Zec na parang pareho kami ng iniisip. Markus Wright?

"Si Markus ang date mo?! Pero paano nangyari yun?" Gulat na sabi ni Rhoda. Edi natuwid ang pagsasalita nila. Halata namang hirap na hirap sila sa chosen language nila.

"Hi Markus! Tara sayaw tayo?" Yaya ni Hana. Isa din sa pores. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Hana. Wow ha, ang bilis nun ah.

"Excuse me. Pero ako ang date niya." Iniharang ko ang sarili ko sa kanila. Tumingin ako kay Zec. "Let's go?"

Umalis naman kami ni Zec at iniwan si Rhoda at ang mga alipores niyang nakanganga parin. Tawa kami ng tawa ni Zec ng makalayo kami sa kanila. Pero teka, may naalala ako. Ano daw tinawag nila kay Zec? Markus?

"Bakit ka nila tinawag na Markus Wright?" Nagtatakang tanong ko kay Zec. Napakunot ang noo ni Zec na parang malalim ang iniisip.

"I don't kow. Hindi kaya artista ako at insecure sa kagwapuhan ko ang mga bumaril sa akin?" Napataas naman ang isang kilay ko. Ang yabang talaga ng taong to.

"Kilala ko si Markus Fidel Wright, kung yun man ang tinutukoy nila. Isa siyang kilalang doctor sa Pilipinas, pero ang alam ko 50s na ang edad niya Hindi ka naman mukhang 50s!" Napatingin naman sa akin si Zec.

"Sabagay. Masiyado akong fresh. At saka ang sabi mo Zec ang tinawag ng mga taong bumaril sakin." Tumango tango nalang ako. Napa-isip kasi ako ng pwedeng pagkuhaan ng 'Zec' sa pangalang yun at oo nga naman ang layo ng Zec sa Markus Fidel.

"Hindi ka pa ba nababaliw dahil wala kang alam sa sarili mo?" Tanong ko kay Zec. Tumawa naman siya ng mahina.

"Hindi pa naman. Pero feeling ko malapit na." Pagbibiro niya sakin. Tumingin siya sa fountain na nasa tabi namin. "Nalulungkot ako pero okay lang. At least I know that my name's Zec and the most important is I'm alive. Thank you."

Tumingin ulit siya sa akin, pero ngayon seryoso na siya.

"Thank you sa pagligtas mo sa akin, even if you know that those killers might come back. I'm really glad that you're the one who saved me. Dahil kung si Rhoda yun? Malamang na rape na ko." Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Ang gago talaga!

"Teka, kanino galing yang suot mong damit at maskara?" Nagtatakang tanong ko. "Wala namang dalang ganyan si lola kanina."

"Oh this?" Hinawakan niya yung damit niya. "Naghukay kami sa sementeryo kanina at kinuha ko to sa patay." Lumayo naman ako agad sa kanya. Ayoko kayang madamay kapag minulto siya ng may ari.

"Seryoso ka?" Tumawa namn siya ng malakas at iniling ang ulo.

"Lola Puring went to one of her amiga and his son lent me this. Halos hindi na nga magkasya ang mga damit sakin dahil mas macho ako and I'm taller." Napataas ang kilay ko. Nagyabang pa talaga. "Sabi nila samahan daw kita kasi kawawa ka naman baka ikaw lang ang walang partner. And because I owe you my life at naawa ako, pumayag na ko."

"Sus, nagandahan ka lang sakin." Pabiro kong sabi. Tumawa naman siya ng mahina.

"Yeah. Siguro nga." Nagulat naman ako sa sinabi niya akala ko mang iinis siya gaya ng lagi niyang ginagawa. "Seriously Krisandra, you look beautiful."

Nginitian ko nalang siya dahil arang hindi bagay sa aura na mag asaran kami. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba? Tachycardiac na ba ako?

Natahimik kami sandali. Parehas lang kaming nakatingin sa fountain. Hindi ko masasabing awkward dahil hindi naman ganun ang nararamdaman ko. Di nag tagal ay nalipat na ang tingin ko sa mga taong masaya na sumasayaw sa gitna.

Binibini sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko

"Hey you wanna dance?" Maya maya ay narinig kong yaya niya sa akin pero nakatingin lang ako sa kanya. Tumayo naman siya at inilahad ang kamay niya sa akin. "May I have this dance?"

Ngumiti naman ako sa kanya at tinanggap ang kamay niya. Tumayo na ako at naglakad na kami papunta sa gitna at sumayaw. Hawak niya ang kanang kamay ko habang ang kabilang kamay naman niya ay nakahawak sa bewang ko. Ang kaliwang kamay ko naman ay nasa balikat niya.

Ang katulad mo raw ay birhen
Sa aba ng altar ng punong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa 'yo
Alaala, pag isip at pagod
Sa yo'y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi't dasal
Dininig mo raw
Wika mo raw iingatan ko
Magpakailanman ang purong pag-ibig
O kay ganda
O kay ganda mag-alay sa 'yo
Hooh...

Sa 'king tanong magkatotoo
Kaya sagot mo para nang sinadya

"Hoy tumigil ka nga diyan. pinagtitinginan ka na ng mga tao." Sabi ko habang tumatawa. Nagsimula kasi siyang gumiling at kumanta habang sinasabayan ang tugtog. Ako naman nakatayo nalang sa harap niya at nagpipigil ng tawa. "Tigil na nga, mukha kang gigolo."

Pero imbes na tumigil mas ginanahan pa yata ang loko na sumayaw dahil lumapit pa siya sakin. Ako naman umaatras habang tawa ng tawa.  Feel na feel ng walang hiya.

Pagsapit ng magandang umaga
Ako'y bumalikwas din
Panaginip naglaho't natunaw
Nguni't nar'yan ka pa rin
Paraluman, ikaw ay akin
Sa bisa ng lakas ng purong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa 'yo
O kay ganda
O kay gandang mag-aly sa 'yo


"Hindi ko alam na may talent ka sa pag macho dancing. Magtatayo ako ng bar dito at ikaw ang kukunin ko. Siguradong patok yun. Yayaman pa ko!" Pagbibiro ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin.

"Bakit gusto mong yumaman?" Nawala ang ngiti ko. Naalala ko nanaman. "You don't have to te—"

"Iniwan kami ng tatay dahil gusto niyang magtrabaho sa manila para may pangtustos." Pagsisimula ko. "Pero may nakilala siya doon. At dahil hindi naman talaga sila kasal ni mama nagpakasal siya sa isang mayamang babae. Isang araw nagkasakit si mama at dahil wala kaming pera pampagamot, namatay si mama." Pagkuwento ko. Nakatingin lang sakin si Zec.

Hindi ko alam kung bakit ko sa kanya kinukwento ang mga masalimoot na nangyari sa buhay ko gayong hindi naman ako mahilig mag kwento ng mga malukungkot na bagay sa ibang tao. Ang alam ko lang magaan ang pakiramdam ko na kasama siya.

"You know what? Hindi ko na dapat tinanong yan. iba talaga dapat ang tanong ko eh." Masiglang sabi ni Zec. Halata na pinapagaan niya ang mood naming dalawa. "Ibig sabihin pasa na ako bilang isang macho dancer sayo?"

Napairap ako. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Kahit kailan talaga hindi niya mapipigilan ang pagiging mayabang niya.

"Uhm pwede na?" Tumingin naman siya sakin na parang hindi makapaniwala.

"Sa gwapo at macho kong to? 'Pwede na' lang?" Ngumisi naman ako. Sira ulo talaga to. Ibig sabihin ba niyan gusto niya talaga magtrabaho bilang macho dancer?

"Hoy announcement na ng Queen of the night!" Rinig kong sigaw ng isa naming schoolmate. Nanlaki ang mga mata ko. Syeteee! Nakalimutan ko na meron nga pala nun! Gusto kong manalo dun dahil ang mananalo may grocery na premyo!


Humarap ako sa stage at halos mapa ungol ako sa sobrang sama ng loob ko dahil sa taong nasa stage.

"Ehem, ehem." Pagsisimula ni Rhoda. Heto nanaman ang madugong english niya. "We make a small change about... uhm, tungkol sa premyo. May ginawa kaming ibang criteria para may thrill ang makakakuha ng napakaraming grocery na ito."


Ayan na! Halos kuminang ang mga mata ko nang makita ang grocery na nasa lamesa.

"All interested participation will go there sa activity area at magpapakita ng galing sa archery." Para akong nanlumo dahil sa mga pinagsasabi nung bakulaw.

Kung pagandahan lang naman malamang panalo na ako, pero archery? Archery?! Pano ako mananalo sa laro na yan eh never pa ako nakahawak ng pana! Ugh!


"I'll go." Agad akong lumingon sa katabi ko. Seryoso ba siya?

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
651K 10.2K 42
Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending?
203K 3.9K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
154K 4.1K 29
Book One Trixie Alexandra Tan is the daughter of a Filipino Chinese businessman and was considered a spoiled rich brat. Bored with her rich and famou...