Big Boys Don't Cry (published...

By aLexisse_rOse

2.7M 51.4K 4.4K

Isang babae lang ang bukod tanging nakapagpaiyak kay Vince. But it was a long time ago. And he promised himse... More

Big Boys Don't Cry
Prologue:
Chapter One: It's Her!
Chapter Two: Fell For You
Chapter Three: The Lucky One
Chapter Four: Deceived
Chapter Five: Replaced
Chapter Six: She's Back
Chapter Seven: Reminds Me Of Her
Chapter Eight: First Love
Chapter Nine: The Past (Part One)
Chapter Ten: The Past (Part Two)
Chapter Twelve: Innocent Curiousity
Chapter Thirteen: Bad Temper
Chapter Fourteen: Sleepyheads
Chapter Fifteen: Throw Back
Chapter Sixteen: Let Her Go
Chapter Seventeen: First Move
Chapter Eighteen: Last Day
Chapter Nineteen: She Cares
Chapter Twenty: Wake Up Call
Chapter Twenty One: First Date
Chapter Twenty Two: Unusual Date
Chapter Twenty Three: Consequence
Chapter Twenty Four: Beats For Her
Chapter Twenty Five: Maling Akala
Chapter Twenty Six: Wonderful Night
Chapter Twenty Seven: The Decision
Chapter Twenty Eight: Strange Feeling
Chapter Twenty Nine: Then and Now
Chapter Thirty: Impulsive Decision
Chapter Thirty One: Unsure Of Himself
Chapter Thirty Two: The Finale
EPILOGUE

Chapter Eleven: The Past (Part Three)

75.4K 1.3K 159
By aLexisse_rOse

Chapter Eleven: The Past (Part Three)


"Tutulungan na kita, Valjean."

Bago pa siya makatanggi ay kinuha na ni Noel sa kanya ang mga bitbit na test paper. Napag-utusan kasi siya ng kanilang adviser na dalhin iyon sa faulty.

"Salamat," sabi niya at hinayaan na lamang ang kaklase. Hindi rin naman biro ang bigat ng mga papel na iyon. Hindi pa sila nakakalayo nang bigla na lang huminto si Noel. Nakaharang kasi sa daraanan nito si Vince.

"T-tinulungan ko lang s-si Valjean." Bakas sa mukha nito ang takot at basta na lamang ibinigay sa binata ang mga bitbit na papel. "M-mauna na ako sayo, Valjean." Pagkatapos ay nagmamadali si Noel. Nagtataka na sinundan na lamang niya ng tingin ito.

"Kung kani-kanino ka nagpapatulong, nandito naman ako!" Banayad na asik ni Vince na nagpalingon sa kanya. Ngayon niya lamang ito nakita na wala sa mood.

"Selos ka naman!" Naisip niyang magbiro ngunit sa sinabi niya ay lalo itong sumimangot.

"If this is your way of making me jealous, then you win." Basta na lamang siyang iniwanan ni Vince at hindi maipinta ang mukha.

Seryoso siya?

"Vince!" Tawag niya habang hinahabol ang malalaki nitong mga hakbang. Ngunt hindi man lang siya nilingon ng binata. Tuluy-tuloy ito na naglakad na tila walang naririnig. Hala! Napikon yata sa sinabi niya.

Naalala bigla ni Valjean ang iniingatan niya sa loob ng kanyang bag. Kanina pa niya hinihintay si Vince para lamang maibigay iyon.

"Para sayo, " sabi niya na basta na lamang ipinatong ang sandwich sa ibabaw ng mga bitbit nitong mga papel. Hindi niya magawang tumingin dito. Ang totoo ay nahihiya siya na ibigay ang ginawa niyang sandwich. Hindi iyon kasing sarap na gawa ng mama nito pero pinaghirapan pa rin niyang gawin iyon.

Sa isang iglap ay nagbagong bigla ang mood ni Vince. Tuwang-tuwa ito sa ibinigay niya at hindi inaalis ang tingin sa plastic container. Tuluyan na nitong nakalimutan ang pagta-trantums.

"Vince, anong hinahanap mo dyan?" Nagtataka na tanong ni Valjean habang hinahalungkat nito ang loob ng kanyang bag.

"Baka may natitira pang sandwich," wika nito na hindi tumitingin sa kanya.

Gusto niyang matawa. Hindi naman niya akalain na magugustuhan nito iyon. "Dalawa lang ang ginawa ko. Isa sa iyo at isa sa akin."

"Basta bukas gawan mo ulit ako ng sandwich," parang bata na sabi pa nito habang nakanguso.

Hindi niya napigilang mapangiti. "Sabado bukas. Walang pasok."

Napakamot ng ulo si Vince. Naroon ang iritasyon sa kanyang mukha. "Eh di sa lunes na lang." Nang bigla na lamang itong tumayo sa kanyang pagkamangha.

"Saan tayo pupunta?" Basta na lamang kasi siyang hinila ni Vince sa kamay. "Magka-cutting classes ulit tayo?" Subconciously ay bigla siyang na-excite.

Huminto si Vince at lumingon sa kanya. "I won't do that again. Muntikan ka ng mapahamak kahapon nang dahil sa akin. Okay na ba ang sugat mo?"

Ang tinutukoy nito ay ang mahabang galos sa kanyang binti na natamo niya nang tumalon silang dalawa sa pader.

"Hindi naman masakit," sagot ni Valjean at wala sa loob na iniangat ang palda para ipakita iyon sa binata.

Agad naman iyon ibinababa ni Vince at tinignan siya ng masama. "Halika na nga!" At muli siyang hinila nito.

"Vince, saan ba kasi tayo pupunta?" Subalit wala siyang narinig na sagot mula rito.

Nagbabasa ng libro si Valjean nang marinig ang kakaibang tunog na nanggagaling sa labas. Parang mayroong sumisipol. Bumangon siya at binuksan ang bintana. Napamulagat siya nang makita si Vince sa loob ng kanilang bakuran.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinadya niyang hinaan ang boses. Baka kasi mahuli sila ni Lola Minerva.

"Bumaba ka. May pupuntahan tayo," nakatingalang sabi nito.

"Alam mo ba kung anong oras na?" Nang sulyapan niya ang wallclock ay pasado otso na ng gabi.

"Sandali lang tayo. Promise."

Saglit na nag-isip si Valjean kung paano makakatakas sa abuela na hindi nito malalaman.

"Hintayin mo ako sa likod bahay," aniya at mabilis na sinara ang bintana.

"Falling star!" She exclaimed. Sabay turo sa madilim na kalangitan.

Napangisi si Vince. "Vayie, it's a meteor not a falling star."

"How did you know?" Nakasimangot na tanong niya nang lumingon. Hindi ito ang unang beses na nakakita siya ng falling star at sigurado siya sa kanyang nakita.

Nagkibit balikat lang ito. Pero obvious naman na gusto lang siyang asarin ng binata. Buong akala ni Valjean ay dadalhin siya ni Vince sa isang espesyal na lugar. Iyon naman pala ay doon lamang sa children's playground hindi kalayuan sa bahay nila. Maganda raw kasi view doon ng mga bituin at hindi naman siya nito binigo.

"Niloloko mo lang ako. Falling star talaga iyon." Giit niya. Then she closed her eyes at tumingala sa itaas.

"What are you doing?" Kunot-noong tanong ni Vince.

"Making a wish."

"A wish?"

Tumango lang siya.

"Ano naman ang winish mo?"

Hindi sumagot si Valjean. She keeps staring at him with this smitten smile on her face. Ang totoo ay wala naman siyang hiniling. Dahil wala na siyang mahihiling pa sa pagdating ni Vince sa buhay niya. He changed her life. Nagkaroon ng kulay ang napakaboring niyang buhay. Hindi niya akalain na magiging masaya pa siya sa kabila ng mga pinandadaanan niyang kalungkutan. She is not alone anymore. Dahil sigurado si Valjean na parating nariyan sa kanya ang binata.

Ang totoo ay hindi pa siya sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para rito. Basta ang alam niya na mayroon espesyal na lugar si Vince sa kanyang puso.

"Happy birthday!"

Halos mabitawan ni Valjean ang hawak na libro sa biglang pagsulpot ni Vince mula sa likod ng malaking puno na sinasandalan nito. Sinadya niya talagang isopresa ang dalaga.

"Ginulat mo naman ako, Vince!" Anito at banayad siyang hinampas ng libro sa balikat.

Mayroon siyang dinukot sa bulsa ng suot na pantalon at inabot sa dalaga ang isang maliit na kahon.

"Hmmm.. what is this?" Nangingiti na pinagmasdan ni Valjean ang regalong ibinigay niya.

"See for yourself."

"Oh!" Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang kulay pink na crystal hairpin. "Thank you, Vince. I really love it."

He smiled sheepishly in return. Alam niyang magugustuhan talaga iyon ni Valjean. Iyon kasi ang hairpin na madalas nitong balik-balikan sa isang pambabaeng boutique malapit sa pinapasukan nilang eskuwelahan.

"Let me." Kinuha ni Vince mula sa kahon ang hairpin at inipit iyon sa mahabang buhok ng dalaga. "You didn't realized how lovely you look," aniya habang pinagmamasdan ang kanyang magandang mukha.

"Vince..." Namumula ang mga pisngi na nag-iwas ng tingin si Valjean.

But he couldn't help it anymore. Unti-unti ay inilapit niya ang mukha rito. His lips touched her cheek first. He kissed it lightly, again and again until he couldn't wait any longer and claimed her mouth.

"I love you, Vayie," wika niya sa pagitan ng paghalik. "I love you for every single thing you are."

"I-I love you too, Iñigo."

Maagang nagising si Vince kinabukasan. Excited siyang pumasok sa eskuwela para lang makita si Valjean. Subalit sa kanyang pagkadismaya nang malaman niya na lumiban sa klase ang dalaga. Buong umaga siyang hindi mapalagay kaya nagdesisyon siyang mag-cutting classes at pinuntahan ito sa bahay nito.

Nasa harapan na siya ng bahay ni Valjean ngunit nakakapagtaka na tila walang tao roon. Saradung-sarado ang buong kabahayan. Sinubukan niyang kumatok sa gate subalit walang nagre-response mula sa loob.

Gayunpaman ay nagtiyaga pa rin si Vince na maghintay. Nagbabaka sakali na mayroon taong lumabas mula roon. Hindi mapanatag ang loob niya hangga't hindi niya nakikita si Valjean. Kahit masulyapan man lang niya ito sa malayo ay okay na sa kanya. Ngunit hanggang sa mangawit ang mga binti niya sa paghihintay ay hindi niya nakita ni anino ng dalaga.

Nang sumunod na araw ay muling hindi pumasok si Valjean. Ganon na lamang ang pag-aalala ng binata na baka mayroon nangyaring masama sa nobya. Muli siyang nag-cutting classes at sumugod sa bahay nito subalit katulad ng naabutan niya kahapon ay walang katau-tao roon.

"Vince, may tawag ka sa telepono," sabi ng kanyang ina nang sumilip sa kanyang kuwarto.

Pasado alas nuwebe na ng gabi. Sa mga oras na iyon ay dapat natutulog na siya. Pero hindi niya magawang makatulog dahil sa kakaisip kay Valjean.

"Sino raw, Ma?" Tanong niya na hindi bumabangon sa pagkakadapa sa kama.

"Kaklase mo yata. Valjean ang daw ang pangalan."

Napabangon siyang bigla sa narinig at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

"Hello, Vince..."

Halos lumukso ang puso niya nang marinig ang tinig ng dalaga sa kabilang linya. Ngunit napakunot-noo siya sa tono ng boses nito.

"Valjean, are you alright? May sakit ka ba? Umiiyak ka ba." Sunud-sunod niyang tanong.

"Vince, hindi ako puwedeng magtagal. Baka mahuli ako ni Lola. Tumawag lang ako para sabihin sayo na magkita tayo bukas ng tanghali sa likuran ng school. Doon sa dinaanan natin noong mag-cutting classes tayo. Hihintayin kita roon."

"Oo, darating ako."

"Promise me."

"Yes, I promise. Pero Valjean, ano ba talaga nangyayari?"

Sa halip na sumagot ay iba ang kanyang sinabi.

"See you tommorow."

"I'll be there."

"And Vince..."

"Yes?"

"I love you." Iyon lang nawala na siya sa kabilang linya.

Nagmamadaling lumabas ng bahay si Vince. Alas diyes ang usapan nila ni Valjean at ayaw niyang mahuli. Isa pa ay nasasabik na rin siya na makita ang dalaga. Kinuha niya ang lumang bisikleta sa bodega. Mas madali siyang makakarating sa tagpuan nila kung gagamitin niya iyon. Paliko na sana siya sa kanto nang harangin siya ng kaklase ni Valjean at nagpapakilala ito bilang si Ana.

"Pinabibigay ni Valjean," sabi nito at inaabot sa kanya ang isang nakatuping papel.

Magtatanong pa sana siya ngunit nagmamadaling umalis si Ana. Sulat ni Valjean ang nasa papel. Informing him na binago nito ang oras ng pagkikita nila. Kahit nagtataka sa pagbabago ng isip ng dalaga ay pumihit siya pabalik ng bahay. Wala naman siya ibang magagawa kundi hintayin ang oras na binigay nito.

"Where are you, Vince?" Naiiyak na si Valjean sa paghihintay. Thirty minutes nang late ang binata at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumarating. But he promised her. Alam niya na hindi siya nito bibiguin.

Sinulyapan niya ang suot na relo. Thirty minutes na lang ang natitira niyang oras. Kung hindi magpapakita si Vince ay baka hindi na niya ito ulit makita. She is leaving. Isasama na siya ng kanyang ina papuntang Cebu. Iyon ang dahilan kung bakit dalawang araw siyang hindi nagpakita sa binata.

Noong mismong birthday niya, pag-uwi niya ng bahay ay naroon at naghihintay sa kanya ang mama niya. Noong una tuwang-tuwa siya. Halos dalawang taon din niya hindi ito nakita. Pero hindi niya inaasahan ang dala nitong balita. Kukunin na siya nito at doon na siya maninirahan at mag-aaral sa Cebu.

Si Vince ang unang pumasok sa isip niya. Paano na kung magkakalayo silang dalawa? Hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Sinubukan niyang kausapin ang sariling ina ngunit desidido talaga ito na maisama siya sa Cebu. Matagal na raw nitong pinangarap na mabuo ang kanilang pamilya. Lalo na raw ngayon na pumayag na si Lola Minerva na makasal ang kanyang mga magulang.

Mahal niya si Vince. Ngunit wala siyang ibang choice. Kahit labag sa kanyang kalooban ay hindi naman niya kayang ipagpalit ang sariling pamilya. Ang tagal din niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Sana lang ay maintindihan siya ng binata sa kanyang naging desisyon.

"Valjean, hinahanap ka na ni Tita Gina. Aalis na raw kayo." Paglingon niya ay nakita niya ang pinsang si Bryan. Kung paano nito nalaman ang kinaroroonan niya ay isang palaisipan sa kanya. Muling siyang luminga sa paligid. Nagbabakasali na bigla na lang dumating si Vince. Ngunit hanggang sa sapilitan siyang hilahin pauwi ni Bryan ay hindi pa rin nagpakita.

Goodbye Vince... Please don't forget me! Dahil umaasa siya na balang araw ay magkikita pa rin silang dalawa.

Hindi na makapakali si Vince. Mag-iisang oras na siyang naroon pero hindi pa rin dumadating si Valjean. Hindi niya maipaliwag ang kaba sa kanyang dibdib. Tahimik niyang dalangin na walang nangyaring masama sa nobya.

Five more minutes, bulong niya sa sarili. Kapag hindi pa rin dumating si Valjean ay mapipilitan siya na sumugod sa bahay nito.

"Vince!"

Paglingon niya ay nadismaya siya sa kanyang nakita. Si Melissa.

"Why are you here? May hinihintay ka ba?" She asked in her usual flirty voice.

Hindi niya ito pinansin. Bukod sa hindi niya gusto ang presensya nito ay wala siyang panahon para makipag-usap dito. Sa halip na umalis ay tila nanadya na hindi umalis ang dalaga.

"Hindi na darating si Valjean. Asa ka pa."

He stiffed when he heard her name. "Anong ginagawa mo kay Valjean?"

"Relax!" Agad na umatras si Melissa sa tangka niyang pagsugod. "Wala akong ginawa sa kanya. Actually, siya ang may ginawa sa'yo."

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"She already left you. Baka nga sa mga oras na ito ay nasa Cebu na siya."

"Kung wala kang magandang sasabihin ay makakaalis ka na."

"Poor Vince. Basta ka na lang iniwan ng girlfriend mo nang hindi man lang nagpapaalam sa'yo. At ang mas malala ay pinagmukha ka pa niyang tanga sa paghihintay, eh hindi ka naman pala sisiputin."

Sa isang iglap ay nakalapit si Vince at hinablot sa braso si Melissa.

"Paano mo nalaman na magkikita kami ni Valjean? Anong alam mo?"

"I have my resourses," nakangisi na sagot ni Melissa na lalong nagpakulo ng kanyang dugo. Alam niyang nagsisinungaling lang ito at gumagawa ng kuwento para guluhin silang dalawa ni Valjean.

"Ayaw mo pa rin maniwala? Fine! Bakit mo hindi mo puntahan si Valjean sa bahay nila para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo."

Kahit hindi nito sabihin ay iyon naman talaga ang gagawin niya. Ngunit bago pa siya makahakbang nang biglang may matigas na bagay ang humampas sa kanyang likuran. Napasubsob siya sa semento.

"Vince, binalaan na kita na huwag mong pakikialam ang pinsan ko pero hindi ka nakinig. Hindi ka lang mayabang. Matigas din ang ulo mo."

Nang mag-angat siya nang mukha ay nakita niya si Bryan at sa kamay nito ay naroon ang hawak nitong baseball bat. Ngunit hindi ito nag-iisa. Sa tantiya niya ay nasa limang katao pa ang nakapaligid sa kanya.

"Nasan si Valjean?" Lakas-loob niyang tanong habang nagpipilit na makabangon.

Ngumisi si Bryan. "She's gone. At hindi na siya babalik." Pagkaraan ay mayroon itong hinagis sa harapan niya.

Ang niregalo niyang hairpin sa dalaga! Paano...

"Inutusan ako ni Valjean na ibalik iyan sa'yo at sabihin na break na raw kayong dalawa."

Imposible! Hindi iyon magagawa sa kanya ni Valjean!

Dinampot niya ang hairpin at ikinuyom iyon sa kanyang palad. Ang unang pumasok sa isip niya ay sugurin si Bryan. Ngunit naunahan siya nito. Isang malakas na hampas sa ulo ang nagpadilim ng paningin ni Vince at tuluyan siyang bumagsak sa semento.

Anim na buwan ang mabilis na lumipas. Para kay Valjean kay katumbas iyon ng anim na taon na hindi nila pagkikita ni Vince. Mabuti na lang at nagkaroon siya ng pagkakataon na makabalik. Nang malaman niya na mayroong aasikasuhin na mga papeles ang kanyang ina sa Manila ay nagpumilit talga siya na maisama nito. Gustung-gusto na niya makita ang binata. Kailangan din niyang makausap ito upang makapagpaliwanag sa ginawa niyang pag-alis.

Sinadya niya mismo ang bahay ni Vince. Isang katulong ang humarap sa kanya at sinabing umalis daw ang binata. Hindi naman nito masabi kung saan ito nagpunta.

Dismayado na naglakad siya palayo. Kung hindi niya makikita ngayon si Vince ay baka matagalan pa bago siya makabalik ulit. Kung ilang beses niyang sinubukan na tawagan noon ang binata sa telepono. Pero parati naman sinasabi sa kanya na wala raw ito bahay. Minsan tuloy naisip niya baka ayaw lang siyang makausap ni Vince. At naiintindihan naman niya kung magalit ito sa kanya dahil hindi man lang siya nakapagpaalam dito bago umalis.

Natagpuan na lamang ni Valjean ang sarili na nasa tapat ng isang playground. Hindi niya napigilang mapangiti sa mga magagandang alaala nila ni Vince sa lugar na iyon. Ngunit agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang may mahagip na pamilyar na pigura ang kanyang mga mata. Bigla siyang napatayo at nagmamadaling humakbang patungo sa kinaroroonan nito.

"Vince!" Sigaw niya.

Lumingon ito sa direksyon niya at nang makita siya agad itong ngumiti. Ngunit bago pa makahakbang si Valjean ay naunahan na siya ng isang babae na bigla na lamang yumakap sa binata.

"Sweetie, sorry kung na-late ako," sabi ng babae at saka dinampian ng mabilis na halik sa mga labi si Vince.

Isang matamis na ngiti ang isinukli ng binata rito at saka pinulupot ang braso sa baywang ng kasama.

"Tara lets!" At nagkalakad ang mga ito at nilagpasan lamang siya.

Hindi pa nakakabawi si Valjean sa pagkabigla nang hindi sinasadya na mabunggo siya ni Vince sa balita.

"Sorry, Miss!" Sabi nito nang lumingon sa kanya. He looked at her like he was seeing her for the first time.

How come already forget her?

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 127 12
"This guilty feeling in my heart just won't go away"
38.5K 447 17
It's rare if u see smut. There's no brady hepner one shots on here I'm not very comfortable making them for the actor, sorry!! also in nsfw chapters...
11.9K 186 12
Just a few short oneshots involving the world's favorite lawyer/vigilante! Happy reading!
54.9K 2.7K 29
One second she was smiling at the cold white bliss, the next she were enveloped in ice and a vision that faded to black. What was once a thrilling sn...