Strange Magic

Bởi lesliexxq

49 9 0

Warning: I'm a beginner so don't expect much, I'll just give it a try thou ;) Xem Thêm

Strange Magic
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6

Kabanata 3

4 1 0
Bởi lesliexxq

Maria

Magkaroon man tayo ng kamalasan sa buhay hindi ka parin papabayaan ni Lord kung may pananampalataya ka lang sa Kanya, hayss pang star cinema na talagang drama ng buhay ko!

Magdadalawang taon na rin akong nagtatrabaho sa kompanya nila Tita Ysa, oo tita na talaga ang tawag ko sa kanya at tito na rin sa boss ko! Grabi noong una nahihiya pa talaga ako kasi everytime na tinatawag ko silang tita't tito pinagtitinginan talaga ako ng mga katrabaho ko ang awkward nga e -,-! Pero wala naman akong choice dahil yun ang gusto ni tita kayo go lang ng goo!

Ang laki talaga ng pasasalamat ko sa Diyos na kahit ano ng nangyari sakin di parin niya ko pinabayaan! Ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ko simula ng trahedyang yun', charot ang trahedya talaga haha! Pero seryoso, dahil sa ganda ng sinasahod ng kompanya sakin nakakabili na ako ng mga pangangailangan ko mapa bigas, mapa tubig, mapa damit, mapa alahas, mapa napkin, mapa panty at bra at iba pa. At akalain niyo may sariling condo nako ngayon as in C O N D O! Grabe talaga at sa kompanya rin yun binigay sa kin. Hindi ko na kailangang magtiis doon sa masikip na apartment ng matandang balyenang yun' xD Ayaw pa nga sanang umalis ako kasi palagi nakong nakakabayad nun'. Pero sa kabutihang palad, nakalabas narin ako doon sa wakas!

Ang buti buti talaga nila Tita't tito sakin, dahil daw sa loyal at trustworthy daw ako sa kompanya! Hanggang ngayon di ko parin akalain na mangyayari sakin ang lahat ng to di ko nga maisip na makakatira ako sa isang exklusibong condominium at makakain ng higit pa sa pwede kung makain noon haysss.

Tinuring ko na ngang angel si Seb e kahit muntik nakong mamatay nun', dahil kundi dahil sa kanya baka ang hirap hirap parin ng buhay ko ngayon.

Speaking of the angel devil, once in a blue moon ko lang yung nakikita, mga tatlong beses lang yata pagkatapos ng unang pagkikita namin. Una yung birthday party ni Tito Andre, yung sunod naman yung kay Tita, at yung pang huli e dumalaw lang. Kadalasan din kasi sila Tita't Tito ang pupunta doon. Sa apat na beses na pagkikita naming yun e parang hangin lang ako sa paningin niya -,-! Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo sakin nung damuhong yon! Bahala siya sa buhay niya! Tseee

Nabanggit ni Tita na ito raw ang namamahala ng hacienda nila sa Sipalay Occidental. Doon din kasi nanggagaling ang mga raw materials nila na ini export sa ibang bansa. Ang yaman yaman talaga ng mga Falcon! Sa tagal kung nagtatrabaho sa kanila hindi lang ang Falcon Inc. ang business nila, may restaurants, hotels at malls pa! Grabi lang tama na baka malula pa kayo haha!

Pumupunta rin naman sila ni Tita't tito doon, madalas. May pagkakataon pa ngang sinubukan ni Tita na isama ako para daw makapasyal ako dun' pero nasasabay naman sa pagigi kong busy ang pagpunta nila. Pero nag promise naman si Tita Ysa na dadalhin niya talaga ako dun'. Sana nga, gusto ko naman din marami dawng magagandang beach resorts kaya tiyak na ma-eenjoy ako dun! Woooh!

Pagpasok nako ngayon sa Falcon Inc. at as usual ito na naman si manong guard na palaging naka katol!

"Hi miss angel! Good morning!"

Simula ng magtrabaho ako dito bininyagan na talaga ako ulit ni manong guard!

"Ikaw talaga manong! Wala pa raba akong piso, sige ka! Dika paba nasanay sa kagandahan ko manong? At sa ika one milyon plus five hundred na zero, Mari pong pangalan ko, M-A-R-I!" Sagot ko.

"Ay mas bagay sayong angel e kaya pagbigyan mo nako ma'am, pasok ka napo hihi, good morning ulit maam angel!"

Ay si manong talaga iniwan ko na lan nga, iba talaga maging diyosa hihi.

Binati naman ako ng mga nakatagpo kong mga trabahante rin. Oo marami nakong mga kaibigan dito, may iba pa ng pasipsip sakin dahil close daw ako sa mga boss. Lol di naman ako yung anak, mga baliw.

Pumasok nako sa elevator at pipindutin ko na sana pero naunahan ako ng isang kamay. Kaya nakapatong yung kamay ko sa kanya. Pagtingin ko sa may-ari, si Charles pala.

Ang gwapo.

Buo nang araw ko yieeee. Oo crush ko si Charles ito yung nakasabay ko din sa elevator nung unang nakapasok ako dito. Na-alala niyo? Basta yun. At naging kaibigan ko na din siya. Yes. Kaibigan as in friend -,-! Bakit ba hindi nalang naging 'kaibigan' na lover, putik!

Noong bago palang ako, si Charles talaga ang una kong naging kaibigan. Ang friendly. Yung may aura talaga na 'Come on, you can talk to me' haha! Palabiro pa, mabait, friendly at higit sa lahat gwapo pa. Complete package na. Bumabanat pa nga minsan, pero kadalasan waley naman haha! Para sakin waley pero yung iba halos patalon na sa tuktok ng building pag narinig e!

Ewan ko ba, maraming nagsasabi na may gusto raw to sa kagandahan ko pero hindi naman nangliligaw.

Kung mangliligaw sasagutin mo ba?

Naisip ko rin niyan noon. Oo crush ko siya pero if ini-isip ko na magiging boyfriend ko si Charles parang may hindi tama e. Alam niyo yung feeling na yun? Parang pangka-ibigan lang ba. Pareha ngayon wala man lang spark ng nahawakan ko siya.

At isa pa sa 22 years ko dito sa mundo, hindi pa ako nag kakaroon ng boyfriend haha! Ewan ko ba marami namang nagkakan-darapa sa kagandahan ko mapa gwapo't hindi pero wala talaga yung tinatawag nilang spark at saka busy din ako kaya deadma. Kung sagutin ko kaya si Charles kung mangligaw to? Haha!

Pero ang assuming ko na kahit 'di pa nanliligaw, sagot ng ini-isip ko xD kaya hindi ko pa natatanggal yung kamay ko sa kamay niya haha! Siya ang maswerte no, nakahawak siya sa kamay ng isang diyosa bwahaha! Tinanggal ko naman agad at napatawa lang naman siya.

"Salamat hihi!" Awkward ko lang sagot.

"My pleasure!" Kumindat pang sabi nito kasama pa ang ngiti nitong parang model ng colgate!

Kita mo? Pa fall lang tong gagong to kaya maraming nagkakagusto dito e.

"Ano nabighani ka naba sa ganda ko?" Biro ko nalang.

"Matagal na nga e, pano ba yan?" Sakay nito.

Nyeta! Haha sabayan nga. Narinig ko na to sa teleserye e.

"Naku, naku! Mahirap yan, pag nabihag kana, mahihirapan ka nang makatakas sige ka. Tsk, tsk kawawa ka naman kung ganun'."

"Wala naman akong planong lumabas, okay lang ba?"

Ano nga ba yung sinagot nung bida noong sinabihan siya ng leading man niya nito? Isip, isip mariaa!

"Teka lang Charles ha? Mag iisip mo nako ng sagot."

Ano nga ba yun? Tumingin tingin naman ako sa bubong ng elevator baka mahanap ko yung sagot. Hmmm....

Napahalakhak naman yung kausap ko. May nakakatawa ba? Baliw nato.

"Ano na?" Natatawang sabi nito.

"Wag na lang nakalimutan ko e, sa totoo lang narinig ko lang din yung mga linyang yun hihi!"

Nagpatuloy lang naman ito sa pagtawa't piniga pang ilong ko! Walang ya talaga to!

"Sagutin mo na kasi Mari!" May bigla namang nagsalita sa likod namin. Nakalimutan ko may mga kasama pala kami. Ang tanga mo talaga Maria.

"Sinong sasagutin? E wala naman pong nangliligaw sakin. Hihi." Sagot ko ng napansing si Mrs. Reyes yung nagsalita. Isa sa staff sa accounting namin.

"Naku! Ang manhid mo talaga Mari, at ikaw naman Sir Charles, magtapat ka na kasi." Dagdag pa nito.

Eto na naman sila. Hindi naman yata ako gusto ng Charles na to. Ganito lang to umasta sa karamihan. Nga pala, Sir Charles ang tawag ng mga trabahante dito kay Charles kasi anak siya ng isa sa investors ng Falcon Inc. at dito narin siya nagtrabaho. At ako bakit Charles lang? Sabi niya e haha!

"Sa tamang panahon po!" Ngiting sabi ng Charles nato. Aysuss tsk nagbiro na naman!

Teeenggg!

Nandito na pala kami sa Accounting Department. Tatlo nalang kami dito sa loob at pareha ng floor na babaan sina Charles at Mrs. Reyes kaya ako nalang mag-isa nito. Nasa pinalast floor kasing opisina ko kasi nandoon ang opisina ni Tito Seb.

"Bye M! Sabay tayong mag lunch mamaya, ano?" Charles.

"Ah titingnan ko kung makakababa ako mamaya baka kasi marami akong gagawin."

"Ok. Bye, ingat!" Pahabol nito. Baliw talaga san naman ako mag-iingat sa pagsakay sa elevator? Tsk

"Bye, ikaw din!" Tugon ko nalang.

Ako nalang mag-isa, palagi nalang. Char! Drama ka Maria! xD

Pero mukhang imposibling makakababa pa ko mamaya kasi busy ngayon. Ngayon iideliver ang mga raw materyals ng sugarcanes na kailangan pang iproseso't gawing asukal bago ma export sa ibang bansa. Hays busy na namang ateng niyo! Pero ok lang nasanay narin hihi.

Teeeeennggg!

Meaning nasa floor ko na ako. Nakita ko yung table ni Ann, ang PA ni Tito. At kung natanong niyo kung bakit kailangan pang merong PA si Tito e may sekretarya naman siya? Yun ay pinag-kakatiwalaan na ako ng kompanyang to lalong lalo na si Tita't tito na mag handle ng mga paper works like finances, etc. At si Anna naman tig arrange ng mga files at tig tawag at iba pa, so parang sekretarya nadin siya. Nasa ibang level lang ako char!

Pero seryoso ang laki ng tiwala nila Tito sakin kaya diko sasayangin at aabusuhin ang kanilang kabutihan sakin. At kahit pang anong pabor ang hihingin nila sakin ay gagawin ko. Ganyan ako ka loyal sa kanila.

"Hi Anna! Nandiyan naba si Tito?" Bungad ko.

"Ay Mari, ikaw pala. Oo nandiyan na kararating din lang."

"Hala, sige thank you!"

Wow ang galing mo Maria, mas una pang dumating ang boss mo kaysa sayo! Agad naman akong pumasok at nandoon na nga si Tito -.-! Putik

"Good Morning po to, sorry po talaga na late ako, naabutan po kasi ako ng traffic dahil tinapos ko pa po yung pinagawa niyo po sakin." Hiyang sabi ko. Madalang lang naman itong nangyari, sadyang kailangan lang talaga ngayon.

"Ano ka ba naman Mari, ok lang. Kahit araw-araw ka pang ma late!" Birong tugon ni tito.

"Tito naman eeeee!"

Para talaga akong hindi trabahante dito.

"Nga pala ija, I have a great news!"

"Talaga? Ano po?" Excited kong sagot.

"Your tita wants you to come with her to Sipalay for Seb's 28th birthday! Doon gusto mag celebrate ni Ysa ng birthday ng anak niya at para na rin daw maka-punta ka na doon. Sabay na kayong pupunta ng Tita mo next week at susunod lang din ako. Next month pa naman yung birthday ni Sebastian. At vacation mo na lang din to ija!" Lintaya ni tito.

"Talaga poooo 'to? Pero Tito diba busy pa tayo ngayon? Nakakahiya naman kung ako magbabakasyon at nandito ka lang po."

"No worries ija, nandiyan naman si Ann at tiyaka halos ikaw na nga ang gumagawa ng lahat ng trabaho ko! Kulang nalang ikaw nang mamahala dito! Ito kasing si Sebastian ayaw ewan ajg hacienda, parang allergic dito sa siyudad! Ewan ko sa anak kong yun! Kaya it's time for you to take a break naman." Assurance nito.

"Tito naman, kahit na po." Pag-aalanganin ko pa din.

"Naku, naku, naku! Alam mo naman na hindi tumatanggap ng hindi yung tita mong yun' pag gusto niya talaga kaya wala ka pa ding choice."

Sabagay tama si Tito kaya mukang wala talaga akong pag-pipilian. Baka magtampo pa naman yun. Matampuhin pa raba yun'.

"Sige po Tito."

"It's settled then, next week na kayo pupunta ija. And also better start packing now because you will be staying there for a month or so."

"Okay po 'to."

Mukang makakapasyal na talaga ako nito. Woooh! Okay na rin to para naman ma enjoy at ma relax ang utak at katawan ko. These past few days kasi ang busy.

Pero teka? 28th birthday ni Sebastian? Mag twe-twenty eight na pala siya? Ba't kaya wala pa siyang asawa? O baka naman may girlfriend? Isa sa pinag-kaka abalahan niya dun' sa hacienda besides sa trabaho kaya hindi niya gusto dito sa siyudad?

Pero ano bang pake-alam mo?

Hindi concerned lang ako kina tito, tumatanda narin sila kaya kilangang may mamahala nang iba na papalit sa kanila. At syempre si Sebastian dapat. Oo, ayon yun'.

At isa pa makikita ko na ulit si angel devil ko.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...