The Bestman's Girlfriend

By xianrandal

5.1M 54.1K 1.7K

What if.... Somebody will be claiming in front of your family that she is your girlfriend? You never met her... More

The Bestman's Girlfriend (Book 1 & 2)
Explanation
1 The Dare
2 Sign-up
3 Job Interview
4 First Day
5 Games
6 Yemma Dominez
7 Ruel
8 Tita Lourdes
9 Ruel's Charm
10 Girls
11 Irog & Boyfriend
12 Ruel and Candice
13 Mga Hirit
14 Pasabay
15 Bistado
16 The Dance
17 Ligaw
18 Ligaw Pa Rin
19 Compostela Valley
20 Dyanne
21 Wrong Timing
22 Ruel's Plan
23 Outing
24 Official
26 Spongebob
27 Conference
28 Hotel
29 Lock the Room
30 Thalia
31 Second or Third Chance
32 Dinner
33 Tom
34 The Decision
BOOK 1 - End
BOOK II-1
Book II-2 The Meeting
Book II-3
Book II-4
Book II - 5
Book II-6
BOOK II-7
Book II-8
Book II-9
Book II-10
Book II-11
BOOK II-12
Book II - END
When A Beki Falls In-Love
RUEL'S CHARM
MarXie
Facebook Accounts

25

84.4K 896 14
By xianrandal

25

Siyempre dahil beach eh ligo hangang magsawa ang peg! Pero si Boyfriend  eh parang sundalo na bantay ng bantay, nakaswimsuit ang Irog niya pero  naman laging may dalang pang cover ng katawan kuno. Nagrereklamo pa dahil sa tattoo niya on her upper behind. Masyado yatang conservative, hindi raw bagay sabi ni Ruel. Ito naman halos lumuwa ang mata sa katabing si Dyanne, nagpapakipot na masyado na raw nitong inabuso ang kanyang precious body. Nakakatuwa talaga.

Ang Mama at Papa naman ni Aron ay sweet pa ring tignan kahit may edad na,sana ay ganon rin sila ni Aron, o di ba, ngarap lang?

Masaya ang lahat nang pauwi na sila galing ng Samal Island, that place is really memorable, babalik sila dun for sure, siyempre.

Siyempre, sa kotse siya ni Aron Miguel sumakay, nakisakay lang naman siya kina Marcus at Alexie nung papunta, wala kasi siya sa mood na dalhin ang sasakyan niya.

Simula pa kahapon ay napaka sweet na ito. Lalanggamin na raw sila sabi ni Marcus.  Sabagay, tama naman talaga, mas sweet ito nung naging sila kesa nung nanliligaw pa ito. Parang nagyon lang nagka girlfriend, kantiyaw pa ni Ruel.

Wala namang pakialam ang Irog niya, basta puro lang ito hawak ng kamay, yakap, pag nakakuha ng timing nanghahalik. Aba, parang adik lang.

Adik sayo, sabay sabi. Siguro nga, ganito pag in love, wala kang pakialam sa sasabihin ng iba, sa mga tao sa paligid, basta masaya kayong dalawa.

“Irog?”

“Hmmmm.” Nakapikit si Candice, napagod kasi siya sa biyahe.

“Balik ka na sa office.”

“Ayaw ko.” Parang bata niyang sagot.

Di niya makita ang expression ng mukha niya kasi naman ayaw niyang tignan kasi baka magbago ang isip niya. Nakapag –usap na kasi sila ng Papa, nangako siya na tutulungan niya  si Kuya Carlos sa kanilang family business. Panahon na siguro na sundin niya ang kagustuhan ng dalawa.

Napatingin ito sa kanya, tamang-tama naman na napadilat si Candice.

“Why?”

“Aron Miguel, kinausap na ako ng Papa, ang sabi niya kung pwede na tulungan ko si Kuya Carlos sa negosyo ng pamilya, nakapag oo na ako.”

“Pero, di na kita makakasama ng madalas niyan.” Pagmamaktol nito na parang bata.

“Ano ka ba naman Boyfriend, eh Kidapawan to Davao City? Dalawang oras lang kaya yun.” Natatawa siya, masyado na itong over acting.

“Weekends na lang tayo magkakasama?”

Mukha ngang mas madalas na weekends na lang sila magkakasama dahil nga may kanya-kanya silang negosyo na aasikasuhin.  Nakakamiss nga yun.

“Lagi kitang mamimiss niyan Irog.” Lambing nito. Bakit ba tumatayo pa rin ang mga balahibo niya sa endearment nito, hanggang ngayon di pa rin siya sana. (at ako na sumusulat di rin sanay) wahahahaha. Ayaw naman kasing palitan ni Aron Miguel.

“Mamimiss din kita Boyfriend, kaso ganito talaga, eto yung reality, di ba?”

“Sabagay, kailangan kong magtrabaho para sa mga anak natin.”

“Anak?! Anak agad?”

Ngumisi ito. Ang gwapo talaga.

“Pwde na nating simulan gumawa ng anak Irog.”

Kinurot niya ito sa tagiliran!

“Aray! Si Mama at Papa kaya may suggestion niyan.” Palusot nito.

“Di ka pa approve kay Papa ha, kailangan mo pa siyang talunin sa chess.” Asar niya.

“I’m working on it na. Pag siya natalo ko, start na tayo gumawa, Irog.”

Binatukan niya ito! Minamanyak na yata siya. Nahawa na kay Ruel.

“Aray! Ikaw, napakabayolente mong girlfriend.”

“Asa ka pa na matatalo mo si Papa.” Pero napapangiti siya, ang sweet talaga nito.

Bigla nitong binagalan ang pagpapatakbo, then he kissed her, parang smack lang na hindi. “Matatalo ko siya, may kinontact na akong trainer.” Then he winked.

Abnormal talaga!

****

Inihatid siya nito hanggang sa mansion. Tuwang-tuwa ang Papa niya ng makita ang binata. Minalas na nandun pa si Kuya Carlos niya.

“Iho, matagal kang di nadalaw ah, iyak tuloy ng iyak itong dalaga namin.”

Namula si Candice, ang Papa talaga!

“Muntik na kitang ipakidnap Aron.” Dagdag pa ng Kuya niya.

“Pag kayong dalawa di tumigil jan, di ko kayo papansinin ng buong taon.” Nakakapikon na ang mga ito.

“Irog naman, nagsasabi lang sila ng totoo. Papa, totoo ba yan? Bayaw, talaga bang namiss ako nitong Irog ko?”

“Teka, bakit ka nakiki Papa sa Papa ko ha, saka bakit bayaw?”

“Asus, ok lang yun kapatid.”

“Oo naman iha, ok lang yun sa akin.”

Nagpapadyak na umakyat siya sa kuwarto. Nakakapikon!

“Oi biro lang! Napipikon ka naman” Si Kuya Carlos niya.

“Irog naman.”

“Magsama kayong tatlo!”

“Sundan mo na iho, ok lang sa amin.”

“Eh sa kwarto ho yata papunta.”

“Ok lang yan kay Papa, ok lang din sa akin.” Ngisi ni Carlos.

Narinig yun ni Candice! “I hate you all!”

Halakhak lang ng tatlong mahahalagang lalaki sa buhay niya ang narinig niya. Siyempre naman, nahiya lang talaga siya sa Boyfriend niya, wagas naman kung makaasar ang Papa at Kuya Carlos niya, at biruin mo, pumayag ang dalawa na sumunod si Aron Miguel sa kuwarto niya! Nakakainis talaga! Nasaan ang hustisya dito…..

*****

-Xian-

Continue Reading

You'll Also Like

128K 193 1
Kade Von Aragon, CEO of Aragon Airline, hates to be on limelight. Aside from the fact that he doesn't want any public attention, he hates the media b...
1.4M 15.4K 54
Minsan kailangan nating palayain ang nag iisang bagay na nagpapasaya sa atin para mawala ang nag iisang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
Finding You By Jessy

Teen Fiction

61.5K 1.7K 54
Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasabay ng pagkakataong mabuhay ay ang pagkaka...
2.7M 20.6K 57
A handsome and most sought bachelor, Ivo, turned away from love and become cynical against it. To drive away his swarming fans, he thought of a plot...