Isla Verde #1: One Sweet Day

By cinnderella

5.5M 161K 69.4K

Born and raised in the small province of Isla Verde, Asthreya dreams of becoming a famous volleyball player... More

Announcement
Disclaimer
One Sweet Day
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 6

138K 4.9K 840
By cinnderella

Kabanata6


Huminga ako nang malalim at tinanaw sa malayo si Spiral. Nakita ko siyang nakaupo sa isang monoblock, nakabaliktad iyon at nakatukod ang kanyang siko sa sandalan habang abala sa panunuod sa mga players na nagt-training.

Si Clay ay nakaupo naman sa lapag at natatawa dahil sa mga errors na ginagawa ng iba. Napalingon sa akin ang coach ng Lion Biz. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at lumapit sa 'kin.

"Pwede mo bang i-train ang team ko?" aniya.

Kumunot ang noo ko. "Po?"

Dahil ba roon kaya ako pinapunta ni coach dito? Bakit ako? Wala na bang ibang coach para mag-train sa players niya? I was just also a player. Wala pa akong alam sa pagte-train nang tama sa ibang players.

Ngumiti siya. Hinawakan niya ako sa siko at iginiya patungo sa bench kasama siya. Napatingin din sa akin ang ibang players na kasalukuyang nagt-training.

"I'm going to Manila kasi, walang magt-train sa team ko. So I asked coach Allan to train them but he refused. He said to talk to you and ask you a favor to train them for a while."

I gasped in awe. "Coach, player lang din po ako. I don't think I can train them that well."

Umiling siya. "Hindi, hija. Kailangan ko lang ng magba-bantay sa kanila at magtuturo ng tama kung may mga mali sila." He looked at the players. "Besides, you're a good player! I think you can train them, it's just a week or two."

Unti-unting umingay ang bulungan ng mga basketball players sa kabilang bleachers. Lahat sila ay napatingin sa gawi namin. Mangha ang mga reaksyon at natutuwa.

I saw Spiral looking at me intently, kagat niya ang pang-ibabang labi niya. Nang makitang tumingin ako sa kanya at kunwa'y humikab siya at nag-unat ng braso.

My lips curved. I wanted to smile after seeing him like that. I missed him, really. Hindi ko na kasi siya madalas makita, parang bumalik iyong dati. Iyong hindi talaga siya naliligaw kahit sa cafeteria.

After one week, ngayon ko lang siya ulit nakita.

I looked at Coach Philip again, he seemed hopeful.

Ngumiti ako. "Sige po, Coach."

Namilog ang mga mata niya at wala sa sariling pumalakpak sa tuwa. The players stopped playing and glanced at Coach Philip who was happily clapping like he won an award.

"Yes! Ang bait mo talaga, Fortin!" maligayang aniya, humawak sa balikat ko. "Thank you! Basta one to two weeks lang, hija...please, train them."

Nahihiyang ngumiti ako at tumango, tumayo na ako. Muli siyang ngumiti sa akin at parang biglang may naalala.

"Hindi ba't gusto mong mag-aral sa Maynila?"

Napaawang ang labi ko and my heart jumped at the sudden question. I nodded slowly and looked at him.

"Wow! I have friends, coaches sila sa Harvis University at Elite University Manila."

Nanlaki ang mga mata ko. Nakuha noon ang buong atensyon ko, mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa halo-halong kaba at excitement.

"Talaga po, Coach?"

Tumango siya at malawak na ngumiti sa akin.

"I can refer you to them. Kailangan din kasi nila ng players na mataas ang potential, that's if you are willing to live and study in Manila."

Lumunok ako sa panunuyo ng lalamunan. Wala akong kahit na anong problema doon, alam nina mama at papa na pangarap ko ang makapag-aral doon.

I was so sure that they'd allow me to live and study there. Ang problema ko lang talaga ay ang scholarship dahil higit na mas mahal ang matrikula roon kaysa rito sa La Riva Colleges.

Maligaya akong lumabas ng gym. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pangiti, sobrang saya sa pakiramdam at nakaka-excite.

Sana matupad ko na ang pangarap kong iyon. Magiging maayos ang kaalaman ko lalo kapag nakapag-aral ako roon at matutupad ko rin ang kagustuhan kong makilala sa larangan ng volleyball.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makita si Spiral na naglalakad patungo sa parking area ng La Riva. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay sa jeans niya.

Mabilis na tumakbo ako para maabutan siya. Humupa na rin naman ang mga dagger looks sa akin sa araw-araw na ginawa, e. I guess it wasn't hard to talk to him right now.

"Spiral!" I called him.

Walang masyadong tao sa parking area dahil wala naman gaanong estudyanteng de-kotse rito, bilang na bilang lang ang mga mayroong kotse sa kanila.

Of course, this was a province. Puro isla at beaches ang pasyalan. Hindi na rin kailangan ng kotse dahil malalapit lang ang mga pasyalan at masarap iyon kung lalakarin lang. Payapa talaga ang kabuhayan sa Isla Verde, masaya kahit hindi karangyaan ang mga tao. Dito mararamdaman na pantay-pantay lang ang mga tao. Mayaman man o mahirap ka, ganoon ang samahan.

Pero siyempre mayroon ding mga tao na ida-down ka pero hindi sila ganoon karami, iyong makikitid ang utak lang talaga.

Bahagyang napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang pagtawag ko. Hindi siya lumilingon pero nakahinto siya ngayon na parang naghihintay sa aking paglapit. Ngumiti ako at agad lumapit na sa kanya. Malamig ang kanyang ekspresyon at parang tinatamad sa oras na ito.

Parang napilitan lang siyang huminto dahil baka mayroon akong importanteng itatanong o sasabihin sa kanya. I couldn't understand why he changed all of a sudden. Did I do something wrong?

Hindi niya ba alam na...na nami-miss ko ang dati niyang mga ginagawang pangungulit?

"H-how are you?" I stuttered.

I wanted to slap myself because of the awkwardness!

His forehead creased and glanced at me as if I'm some kind of alien in front of him. He looked puzzled.

"Fine, you?"

My heart was thumping madly. Na-miss kong makalapit siya nang ganito, hindi ko alam kung bakit siya umiiwas sa akin pero talagang nababagabag ako roon.

Para akong binagsakan ng isang malaking bato sa puso dahil sa kalamigan niya. Nasasaktan ako, iyon ang katotohanang hindi ko matanggap kung bakit.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinigilan ang nag-iinit kong mga mata.

"Ayos lang din..."

Bakit ganito kadaling masaktan pagdating sa kanya? Bakit sa pananakit ng iba, sa salita man o sa gawa ay hindi naman ako naglalabas ng emosyong ganito?

Masyado ba akong umasa? Umasa na seryoso siya noon? I should've known that he was just a good player and pretending to be serious about me.

"Good to hear that." He walked past me.

I immediately gripped his wrist. He stopped walking, humarap ako sa kanya gamit ang mapait na ekspresyon ko.

"Galit ka ba sa akin?"

"Does it matter?" he asked coldly.

Nangunot ang noo ko nang ibalik niya ang pagtatanong sa akin. Tinitigan ko siya na parang ayaw kong maalis siya sa paningin ko.

"Just answer me, Theius," kaswal na untag ko.

He looked at me with nothing but coldness. "Answer me, first, Asthreya. Does it matter if I'm mad or not?"

Nanlabo ang mga mata ko, hindi ko alam kung bakit napupuno ako ng kakaibang kalungkutan at emosyon ngayon.

Ganito ba talaga ang kapalit ng kasiyahan? Masaya ako kanina dahil maaari ko nang matupad ang mga gusto ko pero nalulungkot ako ngayon dahil sa taong nasa harapan ko.

Mariin iyong titig niya sa akin. Walang bago sa ekspresyon kahit na nagpapakita na ako ng emosyon.

Bakit biglang ganyan, Spiral?

Dalawang beses akong tumango at nagyuko ng ulo.

"Why?" he asked.

Gusto kong malaglagan ng panga dahil doon. I thought he would answer my question already!

And what, why? Why does it matter to me?

"Galit ka ba sa akin?" muli kong tanong at nag-angat ng tingin sa kanya. "May nagawa ba akong kasalanan? O mali?"

His forehead knotted.

"Why is it important to you?" he asked again.

Ipinikit ko ang aking mga mata sa frustration.

"Of course, I care-" Mabilis na napahinto ako nang mapagtanto ang nasabi ko. "I-I don't know the reason, of course."

Tumaas ang isa niyang kilay, parang hindi pinaniwalaan ang huli kong rason. "Why do you care?"

Kumalabog ang puso ko at mabilis na umangat ang tingin sa kanyang mukha. I saw the amusement in his eyes but his face remained cold and stern.

"Pwede bang sagutin mo muna ako? Galit ka ba sa akin? Ang simple ng tanong ko pero hindi mo masagot!" inis na sinabi ko.

"You care because?" His brow arched. "Because Santisteban is not around? You don't have anyone to talk to?"

Tanga! Bwisit!

Bakit nasali iyon? Anong kinalaman noon sa pagtatanong ko kung galit siya? Napakasimple ng tanong ko at isang tanong lang, hindi pa masagot? And he was talking too much!

Lumunok ako at padabog na binitiwan ang palapulsuhan niya.

"So galit ka nga sa akin?" paulit kong tanong.

He looked away and inhaled sharply. "I need to..."

Nangunot ang noo ko.

"What? You need to? Bakit? Kasi mayroon ka nang ibang nilalandi kaya bawal ka nang makipag-usap sa ibang babae? Ganoon ba, Spiral?" sunod-sunod at pagalit na tanong ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsasalita dahil sa sobrang inis ko sa sagot niya. He needed to avoid me? Siyempre, ano pa nga bang dahilan kung ganoon, 'di ba, kundi mayroon na siyang ibang nilalandi o may nobya na siya?

I knew that na sila ni Alzhera Felipe! Wala na akong say roon, pero hindi ba niya pwedeng harapang sabihin sa akin iyon para matanggap ko naman nang buong loob?

Nakita ko ang labis na pagkunot ng kanyang noo. Nakatitig siya sa akin na parang hindi pa naniniwala na sumabog ako sa sobrang inis.

Lalo akong naiinis dahil parang wala lang sa kanya ang inis ko, wala siyang pakealam kung maghimagsik man ako sa harapan niya.

"What are you talking about?" He had a ghost of smirk on the lips but the question sounded innocent.

"I'm saying na malandi ka!" singhal ko. "Why don't you just say it to my face? Na iyon talaga ang rason mo kung bakit kailangan mo akong iwasan?"

He chuckled mockingly. Tumingin siya sa akin gamit ang isang hindi makapaniwalang tingin. "Are you admitting that you're jealous? Is that it?"

Nanlaki ang mga mata ko at suminghap.

"Ang kapal mo naman!" I sneered. "Why would I be?"

Humakbang siya papalapit.

"Why would you be nga naman?" He smirked. "Huh, Asthreya?"

Napahakbang ako paatras para lumayo sa kanya. Hindi ko kinakaya ang oxygen na nawawala sa akin kapag nalalapit siya. Nakakainis!

"Ano? Wala! Bakit naman ako magseselos? Miski ikaw ay kayang sagutin 'yan, 'wag kang magyabang nga!" inis na sinabi ko.

Bahagyang natawa siya at nailing.

"I had to be mad at you," he said. "But you don't have to be jealous of anyone, wala naman akong girlfriend at ibang pinopormahan."

"Hindi nga sinabi ako nagseselos! Nakakainis ka na, ha!" sigaw ko. "Sige, binabawi ko na. Bahala ka na kung gusto mong magalit sa akin tutal wala ka rin namang pake! Kailangan magalit, tsk. Ang dami mong alam."

Tumalikod na ako para umalis pero agad niyang hinila ang palapulsuhan ko. Sinandal niya ako sa kanyang kotse, tinukod niya ang magkabilang kamay sa kotse at kinulong ako sa pagitan noon.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang mabibigat kong paghinga. Para akong aatakihin sa puso dahil sa biglaang kilos niya.

"You're so jealous," he mumbled. "Galit ako sa patuloy mong pagdikit sa Santisteban na iyon, kailangan kong umarteng galit ako sa 'yo dahil kailangan. You wouldn't understand it right now."

Kumurap-kurap ako. Marahang tinulak ko ang kanyang dibdib. "Kung ganoon, oo na. Umalis ka na riyan."

Hindi ako maka-focus sa kahit ano, para akong mawawalan ng malay sa kahit anong oras ngayon dahil sa posisyon namin.

Bakit niya kailangan magalit sa akin? Gusto kong magtanong at malinawan pa sana sa mga sinabi niya pero hindi ko kayang makipag-usap sa kanya sa ganitong sitwayson.

"Tell me first that you won't be close to that Santisteban again," he demanded.

Para bang wala kang pwedeng i-angal pa dahil hindi niya talaga ako pakakawalan hangga't hindi ko sinusunod ang kagustuhan niya.

"Bakit ba? Apektado ka masyado! Hindi ka naman inaano noong tao!" inis na untag ko.

"Inaagaw ka naman niya sa akin," bulong niya.

Tumaas ang kilay ko. "You don't own me, Spiral."

He smirked. "I've owned you since the day I kissed you and you kissed me back, Chian..."

My heart pounded faster.

"Hindi, Spiral. Hindi ganoon-"

He cupped my cheeks and pecked me lips that shocked me to hell. I gasped sharply, my eyes widened in surprise.

"Let me prove to you that I own you, then..." he whispered as he leaned down to kiss me again. I felt him smile against my lips before they moved against my mouth gently.

Bawat galaw ng kanyang labi ay napapasinghap ako. Iyon ang oras na naramdaman ko ang kusang pagganti ko sa kanyang malambot na labi. Bumaba ang isa niyang kamay sa aking panga at nalipat iyon sa aking bewang.

"This is the sweetest day of my life, Chian. Every time you kiss me back..."

We were both panting and I couldn't breathe properly. Hindi ako makapasalita dahil wala akong alam na salita sa oras na ito. Para akong naging bago ulit sa mundo.

Lumunok ako nang muling dampian niya ng halik ang labi ko. He bit my lower lip and sucked it a bit. Dampi-damping halik ang iginawad niya pababa sa aking panga. He kissed the sensitive spot on my neck and then he sucked on it, again!

He chuckled. Nanggigil na muling hinalikan ako pero kumalas din agad.

"I'll drive you home now. Baka hindi na kita matigilan."

Continue Reading

You'll Also Like

1K 85 8
Kailan mo ba malalaman kung kailan ka dapat sumugal sa pag-ibig? Kapag tapos na ang pagkakataon mo? Matuto tayong sumugal kahit ilang beses, para kah...
70.7K 3.1K 26
He is off-limits. He has always been off-limits to her. Too bad, she's never been good at following the rules. After her failed attempt at happiness...
852K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
26.5K 978 107
When Callie returned from States, she didn't expect that her baggage will be found with her heart locally tagged and belonging to the same place wher...