Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Kabanata 5

136K 4.4K 1.5K
                                    

Kabanata 5


Days passed at hindi na muling tumahimik ang buhay ko. Pumapasok ako sa La Riva na parang isang celebrity, iyon nga lang marami talagang haters. Not that I wanted them to like me or to be friends with me.

Pero parang lahat ng tao ay ayaw na sa akin, mas marami ang may ayaw sa akin kaysa sa mayroong gusto.

Gusto kong matawa. Ella and her friends kept bugging me like I'm some beautiful flower. Paano ba naman kasi, kapag kasama ko si Spiral ay mabait siya. Pero kapag wala na ito ay bigla siyang babalik sa kagaspangan.

Isa pa kasi itong si Spiral, hindi ako tinitigilan. Pero hindi din ako magpapaloko sa kanya. Hindi na nga siya kapani-paniwala ang landi pa niya.

Noong isang araw nakita ko siyang kasama si Alzhera Felipe at ang sweet-sweet nila! Then another day he'd bug me, at Ano iyon? Nilalandi niya ako habang nilalandi niya rin si Alzhera. I didn't know what to think but I was really assuming things these days.

Ang sarap sa pakiramdam ng mga ginagawa ni Spiral, malambing din kasi siya. Hindi man halata iyon ay ramdam ko. Iyon naman ang importante, ang nararamdaman.

Kaya ngayon ay wala na akong pakealam sa kanya, kahit nakasunod pa siya o sumunod sa akin ay hindi ko siya papansinin.

Makulimlim ang langit pagkalabas ko ng buiding, naglalabasan na rin ang iba pang estudyante dahil lunch break. Ilang saglit pa ay umambon na, badtrip. Wala pa naman akong payong. Akmang tatakbo na ako nang biglang may magtabon sa ulo ko ng jacket.

Napatingin agad ako sa kanya.

"Reit, okay lang ako. Malapit lang ang cafeteria."

He shrugged, inayos niya ang pagkakalagay noon sa aking ulo saka siya lumakad. Nangunot ang noo ko at mabilis na sumunod sa kanya. Hinila ko ang braso niya para tumakbo na kaming dalawa papuntang cafeteria.

Hindi naman ako nabigo dahil sumunod siya sa akin. Nang makarating kami sa cafeteria ay inalis ko ang jacket at binalik sa kanya.

"Salamat!" sambit ko. "Nakita mo ba si Hanna sa itaas?" sabay tanong ko habang naghahanap ng table.

Umiling siya, hinila niya ang isang upuan at pinaupo ako roon. Napangiti lamang ako, nakahanap kaagad siya ng table. Naghahagikgikan naman ang mga babaeng napapadaan sa kanya.

Minsan talaga nakakasabay ko siyang mag-lunch sa lumipas na linggo, hindi siya palasalita masyado pero nakakausap naman.

Huminga ako nang malalim at tumayo. Napatingin siya sa 'kin.

"Ako na ang oorder, dito ka na lang," I insisted.

Kumunot ang noo niya at tumayo rin. He towered over me, lumapit siya sa gilid ko at saka umiling. Nanindig ang balahibo ko.

"Ako na," aniya. "Just sit here, what do you want?"

Huminga ako nang malalim at parang tuta na naupo na lamang at tiningala siya.

"Ham sandwich lang at tubig..."

He pouted a bit and nodded, nilapag niya ang cellphone sa table namin at tumungo na sa counter.

Napanguso ako at nagbuntonghininga. Nilabas ko ang cellphone ko at naroon na naman ang sabog na notification ng Instagram ko.

For sure, it was Spiral again. What did he post this time? Pakiramdam ko stalker itong si Spiral, nagugulat na lang ako sa mga pino-post niyang stolen pictures ko sa Instagram.

Tiningnan ko ang picture na kaka-post lang niya. Kanina itong umaga, noong nasa field ako at mag-isang naglalaro ng bola! Hinihintay ko si Hanna para sabay kaming pumasok pero hindi siya dumating.

Isla Verde #1: One Sweet DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon