Dating My Sister's Idol (The...

By jglaiza

1.9M 46.6K 3K

The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siy... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Epilogue
Special Chapter

Thirty-Two

28.6K 709 27
By jglaiza

Featured Song: All Mine – One Ok Rock

"Just wanna be with you, only you, always you... You're so beautiful to me, it's true, amazed by you..."

**

Chapter 32
Swimsuit

**

Nasabi na ni Hero sa akin dati ang password ng unit niya kaya pagdating ko roon ay diretso na akong pumasok sa loob. Pagpasok ko ay ang madilim na sala ang agad na bumungad sa akin. Tanging ang ilaw lang sa lampshade ang bukas.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Hero nang makarinig ng tunog mula roon. Parang may nagsusuka sa loob. Sa pag-aalala kong baka nagkakalat na siya sa kwarto niya ay mabilis akong pumasok doon.

Pagpasok ko ay napakunot-noo ako nang hindi ko nakita si Hero roon. Bigla naman akong nakarinig ng tunog mula sa banyo kaya roon ako nagpunta. At doon ko nakita si Hero na halos nakayakap na sa toilet seat habang sumusuka.

Lumapit ako sa kanya saka ko hinaplos ang likod niya. Habang ginagawa ko iyon ay inabot ko naman ang tissue na nasa likod ko. Kumuha ako ng marami saka ko siya hinintay na matapos sa pagsuka. Nang matapos ay iniabot ko iyon sa kanya.

Nilingon niya ako habang pinupunasan niya ang bibig niya. Mapungay ang mga mata niya dahil sa kalasingan at magulo rin ang buhok niya. Bigla siyang napangisi habang nakatingin sa akin.

"Am I dreaming? Am I really seeing my baby now?" he asked. Bigla naman siyang napakunot-noo at napapikit. Siguro nahihilo siya.

"Anong nararamdaman mo? Nahihilo ka ba?"

Dumilat siya saka ako tiningnan. Bigla niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay saka hinawakan ang pisngi ko. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin saka ngumisi.

"Nagsasalita ka. Ang galing," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. Anong akala niya sa akin? Hindi nagsasalita? Lasing na nga talaga ito.

Hinawi ko ang kamay niyang nasa pisngi ko saka ko siya tinulungang tumayo. Medyo nahirapan ako dahil nagpapabigat siya pero sa huli ay naitayo ko rin naman siya. Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko saka ko siya kinapitan sa bewang. Itinapat ko siya sa sink saka ko nilagyan ng tubig ang basong nandoon.

"Oh," sabi ko saka iyon iniabot sa kanya para makapagmumog siya. Napangisi na naman siya.

"Maalaga talaga ang baby ko.Tamang-tama. Nauuhaw na ako," aniya sabay kuha sa baso. Nanlaki ang mata ko kaya dali-dali ko iyong inilayo sa kanya.

"Huwag mong inumin! Magmumog ka."

He chuckled. "Ah."

Ako na ang humawak sa baso dahil baka mabitiwan lang niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang magmumog na siya. Grabe! Ang hirap palang mag-alaga ng lasing. Ang bigat-bigat pa naman niya dahil nakasandal siya sa akin. Tapos, amoy na amoy ko pa 'yong alak sa bibig niya.

Pagkatapos niyang magmumog ay pinunasan ko na ng tissue ang bibig niya. Tinulungan ko na rin siyang lumabas ng banyo para ihiga sa kama niya. Mabuti na lang at mukhang napalitan naman na siya ni Kuya Kevin ng damit dahil nakapantulog na siya.

Ihihiga ko na sana siya sa kama niya pero bago ko pa man iyon magawa ay bigla niya akong niyakap.

"Hero? Are you okay?" I asked. Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay iba ang sinabi niya. At nagulat ako dahil naging seryoso ang boses niya hindi tulad kanina.

"Are you really my baby? Are you really here? Hindi naman ako nananaginip lang, 'di ba? O baka lasing lang ako kaya kita nakikita?"

Napakunot-noo ako. Iniisip pa rin ba niyang hindi ako totoo? Hindi ba talaga siya makapaniwala na nandito nga ako at inaalagaan siya?

I sighed and hugged him back. Isinubsob naman niya ang mukha niya sa leeg ko at mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Ako talaga ito. Nandito talaga ako. Tinawagan ako kanina ni Kuya Kevin at ang sabi niya, kanina mo pa raw ako hinahanap kaya nagpunta na ako rito. Buti na lang pinayagan ako ni Mommy," sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakayakap sa akin. Naisip ko pa ngang baka tulog na siya pero mukhang hindi naman dahil mukhang hindi na siya ganoon kabigat. Nararamdaman ko lang ang paghinga niya sa leeg ko.

"Hero? Hindi ka pa ba matutulog? Magpahinga ka na para mawala na iyang pagkalasing mo."

"Happy monthsary, baby," dinig kong sabi niya saka siya napabuntong-hininga. "I'm sorry. Hindi natuloy ang dinner natin ngayon. Siguradong galit ka dahil hindi rin kita natawagan na hindi tayo matutuloy ngayon. I'm sorry. I forgot my—"

Ngumiti ako saka ko pinutol ang sinasabi niya.

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag dahil sinabi na sa akin ni Kuya Kevin 'yong nangyari. Okay na. Saka hindi ako galit sa'yo. Kung galit ako, wala sana ako ngayon dito," sabi ko. "Pero aaminin kong medyo nainis ako kasi hindi mo ako tinawagan o tinext man lang. Nakakainis pa kasi uminom ka ng walang pasabi at nalasing ka. But I understand. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo nasabi sa akin na iinom ka. Pero hindi ko pa rin gusto na uminom ka ng marami."

"I'm really sorry, baby. I swear, hindi na talaga ako iinom sa susunod without your permission. At hindi na rin ako iinom ng marami."

Napabuntong-hininga ako. Hinaplos ko ang likod niya saka ko tinapik ang balikat niya. Bahagya ko siyang inilayo sa akin. Namumungay pa rin ang mga mata niya at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa antok o kalasingan.

"Sige na. Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap. Magpahinga ka na, okay?"

He brought my hands on his lips and kissed them. Tumingin siya sa akin at saka niya idinikit ang noo niya sa noo ko.

"Can you please sleep here with me?" he asked. Ngumiti ako at tumango.

"Dito naman talaga ako matutulog. Pinayagan ako ni Mommy dahil ayaw na niyang bumiyahe pa ako ng madaling-araw. Kaya matulog ka na para makatulog na rin ako, okay?"

He smiled and kissed my forehead. Hinila niya ako papunta sa kama saka niya ako pinahiga roon. Sumunod naman siya sa akin saka siya humiga sa tabi ko. Bahagya siyang bumaba para yakapin ang bewang ko saka niya ipinatong ang ulo niya sa tiyan ko. Napangisi ako.

"Gusto mo riyan?" tanong ko.

Tumango siya at hindi na sumagot. Tingin ko, inaantok na talaga siya. Hinaplos ko ang buhok niya para mas mabilis siyang makatulog. Balak kong hintayin siyang makatulog muna bago ako matulog.

Maya-maya lang ay naramdaman kong bumigat na siya sa tiyan ko at mabigat na rin ang paghinga niya. Tulog na siguro siya kaya nagpasya na rin akong matulog. Kailangan ko pang gumising ng maaga bukas para ipagluto siya ng breakfast. Siguradong may hangover siya bukas pagkagising niya.

Kinabukasan, mas nauna akong nagising kay Hero. Paggising ko ay napansin kong nakahiga na nang maayos si Hero sa tabi ko habang nakapulupot ang braso niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang gwapo niyang mukha habang natutulog.

This is the first time I woke up beside him and it actually made my day. Pakiramdam ko kumpleto na ang araw ko dahil siya agad ang bumungad sa akin pagkagising ko. Parang gusto ko tuloy na maging ganito na lang kami lagi.

Sinilip ko ang orasang nasa bedside table para tingnan kung anong oras na. Alas siyete na ng umaga kaya naisipan ko nang bumangon. Ipaghahanda ko si Hero ng pagkain para may makain siya pagkagising niya. Kailangan din niyang uminom ng gamot na makakatulong para maalis ang hangover niya.

Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakapulupot sa akin. Bahagya siyang gumalaw pero hindi naman siya nagising. Bago ako lumabas ng kwarto niya ay nagpunta muna ako sa banyo niya saka naghilamos. Pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina.

Naghanap ako ng pwedeng iluto roon. Mabuti na lang at mukhang marami naman siyang stock na pagkain. Naisip kong magprito na lang ng hotdog at ham. Nag-toast din ako ng tinapay. Hindi na ako nagluto ng kanin dahil hindi naman siya mahilig sa heavy breakfast.

Nang matapos akong magluto ay inilagay ko na lahat iyon sa isang bed tray. Dinagdagan ko na rin iyon para sabay na kaming kumain. Kumuha rin ako ng gamot sa medicine kit niya. Nang maiayos ko na lahat ay nagpunta na ako sa kwarto niya para doon na kami kumain.

Tulog pa rin siya pagpasok ko. Inilapag ko na muna ang bed tray sa baba saka ako umupo sa kama. Bahagya ko siyang niyugyog para gisingin.

"Hero, wake up," tawag ko sa kanya habang tinatapik-tapik ko rin ang pisngi niya. Napansin kong napakunot-noo siya. Bahagya siyang gumalaw kaya ipinagpatuloy ko lang ang paggising sa kanya.

"Hmm..."

Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya saka siya tumingin nang diretso sa akin. Napakurap-kurap siya na para bang ina-adjust pa niya ang paningin niya.

"Tumayo ka na riyan. Kumain ka na para makainom ka ng gamot," sabi ko. Napakunot-noo naman siya saka napahawak sa sentido niya.

"Fuck. My head hurts."

I sighed. "Ang dami mo kasi yatang ininom, eh. Nakailang bote ba kayo?"

"I don't know. Sila lang naman ang painom nang painom sa akin," aniya bago dahan-dahang bumangon. "I swear I'm not taking any alcohol again."

Inalalayan ko siya dahil parang hirap na hirap talaga siya. Nang tuluyan na siyang makabangon ay napabaling ang tingin niya sa pagkaing nasa baba lang ng kama. Kinuha ko naman iyon saka ko ipinatong sa gitna namin. Napangiti siya bago tumingin sa akin.

"Ikaw ang nagluto?" tanong niya.

Tumango ako. "Kain na tayo?"

Tumango siya kaya sinimulan na naming kumain. Habang kumakain naman kami ay nabanggit na naman niya ang nangyari kahapon.

"I'm really sorry about what happened yesterday, Bree. Alam kong naghintay ka sa akin kahapon. I promise, babawi ako. Let's have dinner later?" he said.

I smiled to assure him that it's okay. "Huwag mo na ngang isipin iyon. Okay na nga sa akin. Pero sige. Dinner tayo mamaya pero rito na lang. Magluluto ako."

"You'll cook? Paano ako makakabawi sa'yo niyan kung ikaw ang magluluto?"

"Okay lang iyon. Saka gusto ko rin talagang magluto kaya hayaan mo na ako. Iyon na 'yong pambawi mo."

He sighed. "But I'm still not satisfied. Maybe I'll think of something to do for you."

Napangisi na lang ako. Ang kulit talaga. Sinabi na ngang hindi na kailangan, eh. Hahayaan ko na nga lang kung saan siya masaya. Baka hindi siya makatulog kapag pinilit ko pang huwag na siyang mag-abala.

Nang matapos kaming kumain ay pinainom ko na siya ng gamot. Pinilit naman niya akong mamaya na hugasan ang pinagkainan namin. Pumayag naman ako kaya nanatili na muna kami sa kwarto niya. Nakahiga siya sa kama habang nakatingin sa kisame at mukhang may malalim na iniisip. Nakaupo naman ako sa kama sa tabi niya. Hawak niya ang isang kamay ko at pinaglalaruan niya iyon habang nakatingin sa kisame.

"What are you thinking?" I asked.

"Iniisip ko kung anong pwede kong gawin para makabawi sa'yo."

I chuckled. "Okay na nga 'yong dinner. Huwag ka na ngang mag-isip diyan."

Napanguso lang siya saka tumingin sa akin. I lowered my head and gave him a quick kiss. Napangiti siya sa ginawa ko.

"Gustong-gusto ko talaga kapag bigla mo na lang akong hinahalikan," aniya na ikinainit ng pisngi ko. Tumikhim ako saka napaiwas ng tingin. Sakto namang napatingin ako sa piano at gitara niyang nandoon.

"Do you also play the piano?" I asked. Bumangon siya saka napatingin din sa tinitingnan ko.

"Yeah. Do you want me to play it for you?" he asked. Ngumiti ako at tumango. Tumayo naman siya saka ako hinila palapit sa piano.

Umupo siya sa harap ng piano habang ako ay nakatayo naman sa gilid nito. He turned the piano on then looked at me.

"What song do you want me to play?"

I shrugged. "Kahit ano. Ikaw na ang bahala."

Saglit siyang nag-isip. Mga ilang sandali lang ay tumikhim siya saka sinimulang tugtugin ang piano. Hindi pamilyar sa akin ang kanta kaya hinintay ko siyang kantahin ang lyrics.

"All my problems, they will run away from you. And I see all the angels sit and stare at you. You are everything but not today..."

Napapangiti siya habang tumutugtog. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. Hindi talaga nakakasawang marinig ang boses niya habang kumakanta.

"I'm so down and out 'cause something is wrong without you. When you're not around, just shadows and rainfall, wait till tomorrow. I'll wait..."

Pagdating ng chorus ay hindi na niya inalis ang tingin niya sa akin at hindi na rin naalis ang ngiti sa labi niya.

"Just wanna be with you, only you, always you... You're so beautiful to me, it's true, amazed by you. I think I'm falling... Falling with you, only you, always you... You're so beautiful to me, it's true, amazed by you. I know I'm falling."

Nang matapos siyang tumugtog at kumanta ay pumalakpak ako. Bigla naman siyang humarap sa akin saka niya ako hinila palapit sa kanya. Niyakap niya ang bewang ko saka siya tumingala sa akin.

"Let's get married," he suddenly said. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat pero panandalian lang. Tumawa ako dahil alam kong nagbibiro lang naman siya.

"Lasing ka pa rin ba hanggang ngayon?" natatawa kong tanong. Ngumiti lang siya.

"Alam ko na kung paano ako makakabawi sa'yo," biglang iba niya sa usapan.

Napakunot-noo ako. "Paano?"

He took my hand and kissed it. "Let's go on a trip. Iyong tayong dalawa lang. Cebu, perhaps? Sa dagat tayo. What do you think?"

Umaliwalas ang mukha ko dahil sa idea niya. Gusto ko no'n!

"Sige! Sige! Kailan ba? Sabihin mo na para makapagpaalam na ako kila Mommy," excited kong sabi. Natawa naman siya sa reaksyon ko.

"Hindi ka naman masyadong excited, 'no?" nakangisi niyang sabi. Napanguso lang ako. "Anyway, I'll check my schedule first. Sasabihan na lang kita kapag okay na. I'll be the one to buy our tickets, okay? Ako na rin ang bahala sa lahat at hindi ka pwedeng umangal. Pambawi ko na rin iyon sa'yo. Ang gagawin mo lang ngayon, magpaalam sa parents mo. Or if you want, I can talk to them for you."

Umiling ako. "Ako na ang bahala. Papayag naman sila Mommy basta maayos akong makapagpaalam. Basta sabihan mo ako agad kapag okay na, ha?"

"Sure," he said. "Kapag natuloy tayo, huwag kang magdadala ng swimsuit, ha?"

Napakunot-noo ako. "Huh? Bakit?"

He suddenly kissed my tummy. "Baby, I still remember how you looked when we had our outing with your friends. You're too sexy. I don't want other guys to see your skin. Ako lang ang dapat makakita no'n."

Natawa ako sa sinabi niya. Iyon lang naman pala, eh. Okay lang naman sa akin. Kung tutuusin, mas gusto kong mag-rash guard na lang kapag nag-swimming. Hindi rin naman talaga ako sanay na may ibang taong nakakakita na naka-swimsuit ako.

Tumango ako. "Okay po. Hindi po ako magsu-swimsuit."

"Good," he said. Sinuklay ko naman ang buhok niya gamit ang kamay ko.

I'm so excited! Hindi na ako makapaghintay! Sana talaga matuloy na itong balak niya.

Continue Reading

You'll Also Like

16.3M 249K 55
COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Please, Wright. H-Hindi ko to k-kayang mag...
202K 4.5K 65
My name is Kara Celine Guevarra or Kace as my family and friends call me. Everyone has their own dreamboy which means their made up fantasy guy pero...
92.4K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...