Dating My Sister's Idol (The...

Por jglaiza

1.9M 46.2K 3K

The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siy... Mais

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Epilogue
Special Chapter

Thirty-One

29.6K 672 16
Por jglaiza

Chapter 31
Drunk

**

Maganda ang naging gising ko isang umaga. Hindi ko alam kung anong dahilan no'n pero siguro ay dahil excited ako sa araw na ito.

Well, wala naman talagang something na mangyayari. Importante lang kasi sa akin ang araw na ito. Isang buwan na kasi ang nakalipas mula nang maging kami ni Hero. Yeah, today's our first monthsary. Akalain mo iyon? Hindi ko nga namamalayan na naka-isang buwan na pala kami.

Hindi ko alam kung may balak ba siyang i-celebrate ang monthsary namin o wala. Pero kung sakaling wala, okay lang naman. Ni hindi ko nga alam kung naaalala pa ba niya ang date kung kailan naging kami.

But then, siguro kung sakaling hindi niya maalala na monthsary namin ngayon, hindi ako magagalit. Ipapaalala ko na lang sa kanya. Kahit ipaalala ko pa iyon sa kanya every monthsary namin, okay lang. Hindi rin naman ako nag-e-expect na magce-celebrate kami. Gusto ko lang maalala namin iyon pareho dahil isa iyon sa magagandang gabi sa buhay ko.

May trabaho ako ngayong araw na ito at alam kong ganoon din si Hero. Ayon sa kanya, pupunta raw siya sa GAE ngayon para mag-practice ng mga kanta para sa next album niya kasama ang kanyang producer. Medyo matagal pa naman siyang magre-release ng album pero kailangan daw talaga iyon. Dapat nga ay sa susunod na buwan pa raw dapat sila magpa-practice ng kanta pero inagahan daw ngayon. After that, hindi ko alam kung anong gagawin niya.

Naisip kong batiin na lang siya ngayong araw bago ako pumasok sa trabaho. Kaya naman pagkatapos kong mag-breakfast ay agad ko siyang tinawagan. Mga ilang sandali lang ay sinagot na niya iyon. Ang masayang boses niya ang unang bumungad sa akin na siyang ikinangiti ko.

"Good morning, baby."

"Good morning. Kumain ka na?" tanong ko.

"Yep. Ikaw?"

Tumango ako. "Oo naman. Actually, paalis na ako ng bahay ngayon para pumasok sa trabaho. Naisipan ko lang na tawagan ka para kumustahin ka at siguraduhing kumain ka nga."

I heard him chuckle from the other line. "Really? Bakit feeling ko may isa pang dahilan kung bakit ka tumawag?"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Bakit niya alam? Hindi kaya naalala niya rin na monthsary namin ngayon?

"Hmm... What do you think?" I asked.

"I know, baby. Happy monthsary."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero agad din akong napangiti. "You remember?"

"Of course. I will never forget that night, baby. It was one of the happiest nights of my life," sagot niya. Narinig ko pa ang pagtikhim niya mula sa kabilang linya. "So, do you want to have dinner later?"

"Later? Sure. Pero hindi ka ba busy mamaya?"

"Maaga naman siguro kaming matatapos. Hmm... Ganito na lang. I'll call you kapag natapos kami agad. Kapag hindi, bukas na lang?"

Well, not bad. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Okay."

Nag-usap lang kami ng kaunti bago ako nagpaalam sa kanya dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho. Siya naman ay maya-maya pa raw aalis kaya sinabihan ko siyang magpahinga muna.

Mga ilang sandali lang ay nasa trabaho na ako. Hinayaan ko muna ang sarili kong maging busy kahit na gustong-gusto ko nang matapos ang araw na ito. Ewan ko ba pero sa tuwing may usapan kami ni Hero na magkikita, lagi akong nae-excite. And right now, I'm really excited to see him. Excited akong makita siya kahit na hindi pa naman sigurado kung magkikita nga kami mamaya.

"Ate girl, magkwento ka naman. Kanina ko pa napapansing parang kakaiba ang aura mo today," sabi ni Aries nang dumating ang lunch time. Kasalukuyan kaming nasa likod ng coffee shop at kumakain.

"Kung ano-ano talagang napapansin mo. Hindi ba pwedeng masaya lang ako today?"

"Sus! Parang araw-araw ka naman yatang masaya, eh. Palibhasa may nagpapasaya sa'yo," aniya saka umirap. Napailing na lang ako samantalang pumangalumbaba naman siya sa harap ko. "Pero seryoso, anong meron?"

Umiling ako. "Wala naman. Masaya lang talaga ako ngayon. Monthsary kasi namin ni Hero."

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ko. Napangisi ako habang kumakain.

"Oh my! Naka-isang buwan na pala kayo? Happy Monthsary sa inyo," bati niya na ikinangiti ko. "Buti hindi kayo nag-break noong 23?"

Napakunot-noo ako. "Huh? Anong meron sa 23? Saka bakit naman kami magbe-break?"

"Hindi ko rin alam kung anong meron diyan sa 23 na iyan. Nabasa ko lang naman iyan sa mga university files sa Facebook," nakasimangot niyang sabi. "Anyway, ano namang balak niyo ngayon? Magce-celebrate kayo?"

"Niyaya niya akong mag-dinner mamayang gabi."

"Malamang. May dinner bang tanghali?" sarkastiko niyang sabi. Inirapan ko lang siya saka ko itinuon ang atensyon ko sa pagkain. "Kaya ka ba mukhang excited? Excited kang makita siya?"

Ngumiti ako. "You could say that. But seriously, I always feel excited whenever I'm going to see him. Bakit kaya?"

"Siyempre mahal mo. Kapag mahal mo ang isang tao, gugustuhin mong makita siya araw-araw. Kung pwede nga lang, huwag na kayong maghiwalay, eh. Sa case niyo, dahil madalas parehas kayong busy, nae-excite kayong makita ang isa't isa," aniya.

"Ganoon ba iyon?"

"Tingin ko lang naman. Malay ko ba sa nararamdaman mo."

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Minsan talaga hindi ko rin siya makausap nang matino. Hindi ko nga alam kung paano ko siya naging kaibigan, eh. But I'm thankful that he's my friend.

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kami saglit saka kami bumalik sa trabaho. Dahil sa sobrang busy namin, hindi ko na halos namalayan ang oras. Nagulat na lang ako nang yayain na ako ni Aries na mag-out. Pagtingin ko sa orasan, oras na nga para mag-out kami.

Nang matapos akong mag-ayos, sinilip ko ang cellphone ko para tingnan kung nag-text na ba si Hero. Wala pa siyang text kaya naisip kong baka hindi pa tapos ang practice nila. Sa pagkakaalam ko rin kasi, after lunch daw sila magsisimula. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa sila tapos.

Lumabas na ako ng locker room para hintayin si Aries. Pero mukhang hindi ko na kailangang maghintay dahil paglabas ko ay nakita ko siyang nakasandal sa pader. Sinabayan na niya ako sa paglalakad.

"So ano, Ate girl? Susunduin ka ba ni Hero ngayon? Matutuloy ba kayong mag-dinner?" tanong niya habang palabas kami. Nabanggit ko rin kasi sa kanya kanina na hindi naman sigurado kung matutuloy kaming mag-dinner.

"Wala pa nga siyang text, eh. Baka busy pa rin siya hanggang ngayon. Uuwi na lang muna ako. Anyway, sinabi naman niyang kung sakaling hindi sila maagang matapos ngayon, bukas na lang daw kami magdi-dinner."

Napatango-tango siya. Nasa parking lot na kami ngayon at magkatabi lang ang sasakyan namin. Pinatunog niya ang sasakyan niya bago bumaling sa akin.

"I'll go ahead. Kwentuhan mo na lang ako bukas tungkol sa dinner niyo," aniya.

Napairap ako. "Hindi ko pa nga alam kung matutuloy o hindi, eh."

"Iyon na nga. I-kwento mo kung natuloy ba kayo o hindi. Kung natuloy, eh 'di maganda. I-kwento mo sa akin kung anong nangyari. Kung hindi naman, okay lang iyan, Ate girl. Sabi mo nga, may next time pa naman."

Tumawa na lang ako at kumaway sa kanya. Sumakay na siya sa kotse niya saka kumaway rin sa akin. Pumasok na rin ako sa kotse ko saka sumunod na sa kanyang umalis.

Pagdating ko sa bahay, sinilip ko ulit ang cellphone ko para malaman kung nag-text na ba si Hero. Pero nadismaya lang ako dahil wala pa rin akong nare-receive na tawag o text mula sa kanya. Parang bigla tuloy nawala ang excitement ko sa dinner dapat namin mamaya. Feeling ko kasi hindi sila matatapos ng maaga ngayon.

Sinubukan ko na lang na i-comfort ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-iisip na pwede pa naman kaming matuloy bukas. Inabala ko na lang din muna ang sarili ko sa panonood ng K-drama habang naghihintay ng text ni Hero sa sala.

Pero nakaka-tatlong episodes na ako ay hindi pa rin siya nagte-text. Gabi na at tingin ko naman ay tapos na sila ngayon. Pero bakit wala pa rin siyang text o tawag? Nakalimutan ba niyang may usapan kami ngayon? At kung sakaling hindi pa nga sila tapos sa practice, sana man lang mag-text siya na hindi na kami matutuloy para hindi ako umaasa ngayon.

Natigilan ako sa pag-iisip kung bakit wala pa ring text o tawag si Hero hanggang ngayon nang bigla akong tawagin ni Mommy para kumain. Nilingon ko siya.

"Mom, pwede po bang mamaya na lang ako kumain?" tanong ko.

Napakunot-noo siya. "Bakit?"

"Monthsary po kasi namin ni Hero ngayon. Niyaya niya po ako kaninang umaga na mag-dinner ngayon kaya hinihintay ko pa po siya. May trabaho po kasi siya ngayon. Hindi ko po alam kung tuloy pa po kami o hindi kasi hindi pa naman po siya nagte-text o tumatawag. Pero nagbabakasakali pa rin po kasi ako na matutuloy kami, eh."

"Ganoon ba? Oh, sige. Pero kapag alas otso na at wala pa rin siyang text o tawag, kumain ka na. Huwag kang nagpapalipas ng gutom."

Tumango ako at ngumiti. "Okay, Mom. Thanks."

Pagkatapos no'n ay iniwan na niya ako roon. Napabuntong-hininga na lang ako. Sana naman hindi ako ma-disappoint ni Hero ngayon. Kung hindi kami matutuloy, sana sabihin na niya sa akin para hindi na ako maghintay. Ewan ko ba pero the more na pinaghihintay niya ako, the more na nakakaramdam ako ng inis.

This is the first time I felt something like this. Ito rin ang unang beses na pinaghintay ako ni Hero. Sana lang talaga, acceptable ang reason niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatawagan. But seriously, he really needs to call or text me right now.

Natigilan ako nang may biglang sumagi sa isip ko. Bakit hindi ko siya tawagan? Right. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip iyon?

Kinuha ko ang cellphone ko saka ko siya tinawagan. Pero napakunot-noo ako nang walang sumasagot. Inulit ko pa iyon ng ilang beses pero talagang hindi niya iyon sinasagot. Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang maghintay na lang.

Nang bandang alas otso na ay tuluyan na akong nainis. Naiinis ako kay Hero dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya tumatawag o nagte-text man lang. But at the same time, I'm also worried. Paano kung may nangyari palang masama sa kanya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatawag? Pero imposible naman iyon. Kung sakali mang may mangyaring masama sa kanya, sigurado namang sasabihin iyon sa akin ni Kuya Kevin.

Ugh! Siguraduhin lang talaga niya na may maganda siyang rason kung bakit hindi siya tumatawag dahil kung hindi ay hindi ko talaga siya papansinin!

Tumayo na ako para pumunta sa dining room. Kahit na wala akong ganang kumain ay pinilit ko pa ring kumain dahil iyon ang gusto ni Mommy. Tinanong naman ako ni Mommy kung bakit wala pa si Hero. Sinabi ko na lang na busy pa si Hero kaya bukas na lang kami magdi-dinner.

Pagkatapos kong kumain, nanatili na muna ako sa sala para manood ng TV. Ayokong manatili sa kwarto dahil siguradong iisipin ko lang nang iisipin kung bakit hindi pa rin tumatawag si Hero hanggang ngayon. Sa totoo lang, mas lamang ang pag-aalala ko sa kanya kaysa sa pagkainis. Wala naman sanang nangyaring hindi maganda.

Busy kami nina Mommy at Andrea na nanonood ng TV nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakalang si Hero na iyon, agad ko iyong tiningnan. Biglang nangibabaw ang inis sa akin nang makita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot.

"Mabuti naman at naisipan mo pang tumawag," inis na pambungad ko. Nakita kong mukhang nagulat sina Mommy sa narinig sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila.

"Bree, this is Kevin."

Napakunot-noo ako at agad ding nawala ang inis na nararamdaman ko.

"Kuya Kevin? Bakit ikaw ang may hawak sa cellphone ni Hero? Where is he? May nangyari po ba sa kanya?"

"Wala naman. It's just— Hero, tumigil ka nga muna!"

Sa isang iglap ay bigla ko namang narinig ang boses ni Hero sa background. "Who are you calling? Is that my girl? Baby, is that you?!"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko habang pinapakinggan ko si Kuya Kevin mula sa kabilang linya na kinakalma si Hero. I don't know what's happening but Hero's kinda different. Para siyang lasing. Nakainom ba siya? Pero bakit naman siya iinom?

"Kuya Kevin, what happened to Hero? Is he drunk?" I asked.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "I'm sorry. Oo, lasing siya."

Nanlaki ang mata ko. "What? Bakit po? May nangyari po ba? Bakit siya uminom?"

"Wala naman. Everything's fine. Kaya ako tumawag kasi kanina ka pa gustong tawagan ni Hero. Hindi lang siya makatawag dahil naiwan niya itong cellphone niya rito sa condo niya. I don't have your number at hindi rin naman niya kabisado ang number mo kaya hindi rin niya magawang makitawag sa akin. Kanina pa niya sinasabi sa akin na gusto ka niyang tawagan dahil monthsary niyo raw at magdi-dinner daw kayo."

Natigilan ako. So, that's why I haven't received any text or call from him. He left his phone. Pero bakit siya naglasing ngayon?

"Opo. May usapan nga po kami. Akala ko nga nakalimutan na niya kasi hindi siya tumatawag o nagte-text," sagot ko saka huminga nang malalim. "Pero bakit po siya naglasing? Saka anong oras ba sila natapos sa pagpa-practice ng kanta?"

"Alas singko pa ng hapon sila natapos sa pagpa-practice. Dapat nga aalis na siya para dumiretso papunta sa inyo kaso naharang naman siya ng President. Niyaya siya ni Sir Lucas na uminom kasama ang ilang artists ng GAE. Hindi siya nakatanggi dahil minsan lang magyaya si Sir Lucas na lumabas at uminom. Hindi dapat siya iinom ng marami dahil balak niyang umalis din ng maaga para masundo ka kaso pinainom naman siya nang pinainom ni Sir Lucas. Nahirapan din siyang umalis dahil ayaw siyang paalisin. Pinagtulungan pa siya ng ibang co-artists niya kaya hindi talaga siya nakaalis."

Napasimangot ako nang marinig ko ang paliwanag ni Kuya Kevin. Medyo nabawasan ang inis ko kay Hero tungkol sa hindi niya pag-text at pagtawag sa akin matapos niyang magpaliwanag. Medyo inis pa rin naman ako sa kanya pero kaunti na lang. Naiinis ako kasi uminom siya. Alam kong dapat hindi ako mainis dahil mukhang napasubo lang siya roon pero ewan ko ba. Basta naiinis ako!

"Ganoon po ba?" tanging nasabi ko. "Kumusta na po siya ngayon?"

"He's fine. Papalitan ko lang siya ng damit tapos aalis na rin ako," sagot niya. "Iyon pa nga pala ang isang itinawag ko sa'yo. Pwede ka bang pumunta rito? Kanina ka pa kasi niya hinahanap, eh."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pupuntahan ko si Hero ngayon? Pero gabi na. Baka hindi na ako payagang lumabas nina Mommy.

"Um... Sorry, Kuya Kevin. Hindi na kasi ako pwedeng lumabas ngayon, eh. Hindi na ako papayagan," sagot ko. Napatingin ako kay Mommy. Napansin kong nakatingin din siya sa akin habang nakataas ang kilay na para bang nagtatanong siya kung anong pinag-uusapan namin.

"Is that so? Sige, okay lang. Nagbakasakali lang naman ako," sagot ni Kuya Kevin saka bumuntong-hininga. "So, I'll go ahead. Sasabihin ko na lang bukas kay Hero na tinawagan kita. Nakatulog na siya rito, eh. Lasing na lasing. Wala naman siyang schedule bukas kaya kung gusto mo siyang puntahan bukas, okay lang."

"Sige po, Kuya Kevin. Salamat sa pagtawag."

Pagkatapos ng tawag na iyon ay agad akong tinanong ni Mommy kung anong meron. Sinabi ko naman sa kanya ang napag-usapan namin ni Kuya Kevin tungkol sa nangyari kay Hero. Pagkatapos kong magkwento ay napabuntong-hininga ako at napapikit.

Gusto ko siyang puntahan. Kahit medyo inis pa rin ako sa kanya, mas lamang naman ang pag-aalala ko. Siguradong hangover ang aabutin niya bukas. Wala pa naman siyang kasama sa condo niya kaya hindi ko alam kung paano niya aasikasuhin ang sarili niya bukas ng umaga.

Should I go to his condo early in the morning tomorrow? Wala naman akong trabaho bukas dahil day-off ko kaya pwede ko siyang puntahan.

"Puntahan mo na."

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Mommy. Nang lingunin ko siya ay nakangiti siya sa akin. Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko na-gets ang sinabi niya.

"Po?"

"Si Hero. Puntahan mo na si Hero. Kitang-kita kong nag-aalala ka para sa kanya. Kaysa nag-aalala ka riyan at hindi mapakali, puntahan mo na siya ngayon at asikasuhin. Ako na ang bahala sa Daddy mo. Doon ka na rin matulog para hindi ka na bumiyahe pa mamaya," aniya.

"Are you sure, Mom? Okay lang po ba talaga sa inyo?"

"Anak, I know you're worried about Hero kaya normal lang na gusto mo siyang puntahan. Saka bakit naman hindi kita papayagan? Nasa tamang edad ka na. Alam ko namang alam mo na ang ginagawa mo. Lagi mo lang iisipin na may tiwala kami sa'yo. At kung sakali mang may mangyaring hindi natin inaasahan, tandaan mo na nandito pa rin kami para sa'yo. I just hope you know what you're doing. Naiintindihan mo ba ang gusto kong sabihin?"

Hindi ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Mommy pero itatatak ko na lang sa isip ko ang sinabi niya. Alam ko namang para rin iyon sa ikabubuti ko.

"Yes, Mommy. Naiintindihan ko po," sagot ko.

Ngumiti siya. "Sige na. Puntahan mo na si Hero bago pa lumalim ang gabi."

Bigla namang umaliwalas ang mukha ko nang marinig ko ang sinabi niya. Agad akong tumayo para pumunta sa kwarto ko at magpalit ng damit. Magdadala rin ako ng extrang damit para may pamalit ako bukas.

Pagkatapos kong magpalit ng damit at mag-ayos ng gamit ay nagpaalam na ako kay Mommy. Hindi na ako nakapagpaalam kay Daddy dahil nasa library siya at mukhang busy. Anyway, sabi naman ni Mommy, siya na raw ang bahala.

Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan, pinaandar ko na ang sasakyan ko saka umalis.

Continuar a ler

Também vai Gostar

442K 10K 41
For the first time in her life, Daphne is in love. Kaya ginawa niya ang lahat para ma-recopricate rin ng kanyang sinisinta ang feelings niya. Sukdula...
782K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
64.4K 2.4K 59
Summer Nadine went to Japan to forget the pain of a heartbreak. Until he bumps to someone who will help her forget the pain in a short period of time...
229K 809 5
The marriage of Timothy and Scarlett made them stonger. Or at least, that's what they thought. Sa kanilang pagsasama ay may mga bago pa silang madidi...