IRA'S POV:
Salamat naman at hindi na ako kinulit nung dalawa pagkatapos ng dinner. Pero I guess, bukas na naman yung magiging problema ko kasi katabi ko pa sila ng upuan sa classroom! Aish. Bakit ba kasi ang dali nilang natapos yung mission ng squad no. 2?
Nakaupo ako ngayon sa kama ko at ready na sanang matulog nang may biglang kumatok ng pintuan.
"Shit! Please tell me na hindi sila yan!", sigaw ko naman na nag-papanic na sa loob.
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig ng biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si...
Yunni....
"Oh? What's wrong Ira? Bakit parang natataranta ka? Maam Fiacre just sent me here to tell you something!", saad niya nang nakangiti.
Nung nilingon ko naman sina Azula at Violet ay pareho silang nakatingin sakin.
"Assuming!!!", sigaw nila sakin sabay tawa.
"Okay okay! Ako na ang assuming! Naninigurado lang naman!", sigaw ko naman pabalik sa kanila habang tumatawa parin sila.
"Ano yun Ira?", nagtataka namang tanong ni Yunni na nakatingin pala samin.
"Ahh... Wala yun! Hehehe. As you were saying? Ano nga ulit yung pinapasabi ni Maam Fiacre sakin?", tanong ko naman para change topic.
"Oh... Sabi niya na don't tell the princes about your power. At wag ka na daw mag-alala, sinabihan niya na kaming lahat sa klase na wag magsasalita tungkol diyan sa power mo. They don't have to know daw? Bakit naman hindi pwede Ira?", tanong naman ni Yunni sakin na nagtataka kaya nagkibit-balikat nalang ako at umiling.
"Hindi ko rin alam eh? By the way... Salamat pala Yunni ah?", sagot ko naman sa kanya sabay ngiti.
"Sure! Sige. See you tomorrow guys!", paalam niya naman samin sabay labas ng kwarto.
Nang binalingan ko naman ng atensyon sina Azula ay nakatingin din silang dalawa sakin.
"Well, looks like pinaninindigan na nila talaga na wag ipaalam sa tatlo yung tungkol sa power mo? Ano namang masama dun? Mas mabuti pa nga yung aware sila diba?", komento naman ni Violet sabay taas ng kilay.
"Hayys. Oo nga. Pero di bale! Salamat naman at naiwasan na yung pag-aalala ko bukas.", sagot ko naman sabay higa sa kama at idlip...
----------------------
"Rise and Shine Ira!", sigaw naman ni Azula kaya napabalikwas ako ng bangon.
Nang tinignan ko sila, nakabihis na sila at ako, kakagising palang.
"Kanina ka pa namin ginigising kaya lang mukhang ang sarap yata ng tulog mo! Dream of 'someone'?", tukso naman ni Violet sakin kaya napakunot yung noo ko.
"Okay! Joke! Maligo kana nga at magbihis para makapag-breakfast na tayo. Hahaha...", dipensa naman niya kaya sinunod ko nalang.
Nang matapos naman akong magbihis ay infareness! Nagustuhan ko yung combination nung leather gloves at ng uniform namin! Black din kasi yung necktie at designs ng uniform namin diba? Kaya bumagay naman...
Nang matapos na ako ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa hall para mag-breakfast.
So far, hindi naman ako kinulit nung dalawa pero pansin ko lang ah? Bakit wala si Titan?
Nang matapos na yung breakfast ay pinapasok na kami sa mga classroom namin, nung nakarating naman kami ay imbes na yung adviser namin ang nandun ay si Maam Fiacre ang nakaupo dun sa harap at hinhintay na kaming makapag-settle sa mga upuan namin.
Sina Craig at Crest naman ay nandun na sa likod at nakapwesto na. Nakangiti pa sakin ah? Pupunta na sana ako dun sa katabi ng upuan ni Titan nang biglang magsalita si Maam Fiacre.
"Ira, dear... I want you to sit here infront beside Xyrah starting today.", nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Maam Fiacre at pumunta nalang dun sa tabi ni Xyrah na nakangiti pa sakin pagkaupo ko.
Pero bago paman ako naglakad kay Xyrah ay nakita kong kumunot yung noo ng dalawa dun sa likod. Hahaha! Ang epic ng mga mukha nila!
"Teka maam! Bakit diyan niyo na pinapaupo si Ira?", narinig ko namang salita ni Crest sa likod na ikinatigil ko.
"Bakit do you have a problem with that Prince Crest?", tanong naman pabalik ni Maam Fiacre at tinaasan ng kilay si Crest.
"Uhm... N-No... No maam.", nag-aalangan namang sagot ni Crest at napaupo nalang ulit sa upuan niya.
"Okay... Now class, I want you all to pick a partner.", sabi naman ni Maam Fiacre.
"Ira partner tayo ah?", sabi naman ni Xyrah na katabi ko.
"Sige!", sagot ko naman sa kanya.
"So, nakapili na ba kayo ng mga partners niyo?", tumango naman agad kami sa tinanong ni maam Fiacre.
"Very good... Now, I want you to perform an activity at kailangan niyong bumunot ng piraso ng papel dito sa loob ng bowl para malaman niyo ang activity na gagawin ninyo. Ok? If I call your names, one representative will step forward and pick a paper.", sabi naman ni Maam Fiacre sabay lagay ng bowl dun sa table.
"This will be exciting...", saad naman ni Xyrah na mukhang excited na sa activity namin. Pati nga yung iba naming classmates ay halatang excited na eh.
"Azula and Violet?", agad namang tumayo si Azula at bumunot ng papel dun sa bowl sabay pakita kay Violet.
"Prince Craig and Prince Crest", tumayo naman si Crest at bumunot ng papel sabay balik a upuan.
"Ira and Xyrah", sunod na sambit niya.
"Ikaw na bumunot Ira!", saad naman ni Xyrah sakin kaya ako nalang yung bumunot dun sa bowl. Agad ko naman yung binasa sa isipan ko yung nakasulat...
"Document the behavior and characteristics of a wood sprite..."
____________________________
TITAN'S POV:
Umuwi muna ako sa Flamarium para kamustahin sina mommy at dad at para narin iuwi si Flare.
Nang makapasok na ako sa palasyo, naabutan ko silang tatlo ng kapatid kong si Xenos sa dining table namin na nag-uusap.
Nang makita naman ako ni mommy ay agad siyang lumapit at yumakap sakin.
"Welcome back son! Oh! And who's this?", bati naman ni mommy sakin sabay turo kay Flare.
"She's Flare. My new pet.", saad ko naman. Agad namang kinuha ni mommy si Flare sakin at binuhat.
"Ohh. She's a cutie!", bumaling naman ako kay dad na nakangiti din sakin.
"It's good na napadalaw ka dito anak. We missed you.", bati naman ni dad sakin.
"Ehem... Correction dad... It's just 'the two of you' who missed him...", singit naman nung hinayupak kong kapatid na si Xenos sabay turo kina dad at mom.
"Hey little bro! Why did you come here?", saad niya naman sakin habang umiinom ng wine.
"This is also his home Xenos.", singit naman ni dad sa kanya.
"I just came here to bring Flare. She needs to stay here, she's not allowed at the Academy.", sagot ko naman sa kanya habang nagpipigil ng sarili para hindi ko siya mapatulan.
"Oh... If I'm correct, that's a Mythical Western Flamarian Black Ridgeback Dragon right little bro?", tanong niya naman sakin.
"Yeah. Why?", I asked coldly.
"Where did you find her?", tanpng niya.
"Enchanted Forest...", walang pakialam kong sagot.
"What were you doing there?", aniya.
"Mission", sagot ko naman sabay inom ng wine.
"They send you in missions now?", tanong na naman niya sakin.
"Yeah", I answered.
"Aish! Ang bitin mo talaga magsalita little bro! Wala nabang mas mahaba diyan?", asar naman niya sakin.
"Tss.", sagot ko naman sa kanya sabay inom ng wine.
"By the way son. How's Craig and Crest?", tanong naman sakin ni mommy.
"Still idiots", I boredly said.
"Pfft. Speak for yourself little bro! hahaha!", asar naman ni Xenos sakin kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Chill! KJ mo!", sigaw naman niya sabay tawa.
"Xenos, stop teasing your brother!", saway naman ni dad habang hawak-hawak ngayon si Flare.
"By the way son, kailan ka babalik ng Academy?", pahabol na tanong sakin ni dad.
"Now", I said.
"What? Bonding muna tayo little bro!", sigaw naman ni Xenos sabay akbay sakin.
"I'd rather go back to the Academy...", Aish. Naiirita na ako ah?
"Ouch! You don't want to bond with me little bro?", tanong naman niya habang tinanggal yung akbay niya sakin.
"No", this talk is total bullshit...
"Aray naman! Double kill!", saad niya sabay hawak sa dibdib niya na para bang nasasaktan sa sinabi ko.
Tss. Asshole...
"Ang aga naman yata ng balik mo anak. Kakarating mo palang ah?", tanong naman ni mommy sakin.
"I just need to guard some.....thing.", kibit-balikat ko namang sagot na nagpangisi kay Xenos.
"Some-thing? O some-one?", saad niya naman sabay taas ng kilay na tila ba nang-aasar.
"Shut up!", sigaw ko naman sa kanya.
"Stop it you two! Wala na kayong ibang nagawa kung nagkikita kayo kundi mag-away! Aren't you tired? Aish... By the way son, we heard a news na may transferee daw sa Academy niyo na naging bagong keeper nung Elemental Spirit Blade? Who is it?", tanong naman ni dad sakin.
"She's no one...", sambit ko naman sabay inom ng wine na ikinangisi ni Xenos.
"She? Oohh... Interesting! I want to meet her.", hindi ko alam pero bigla kong nabasag yung wineglass na hawak ko kaya napatawa si Xenos.
"No one pala ah?... Did you know that you're a bad liar little bro?! Hahaha!", asar na naman sakin ni Xenos kaya bigla ko siyang tinapunan ng fireball na nailagan lang niya.
"Stop it you two! So son, tell me, who is she?", ulit naman ni dad ng tanong niya kanina.
"I told you dad, she's no one...", palusot ko sabay inom ng wine.
"Oh. No one pala bakit hindi mo sabihin samin yung pangalan?", aniya.
"Fine. She's Ira...", sambit ko sabay buntong-hininga.
"Ira... So, yun pala ang pangalan ng magiging future queen ko. Hmm.
I Like it! Queen Ira of Flamarium...", saad naman nung gago kong kapatid na si Xenos.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin at nag-init yung dugo ko sa sinabi niya at bigla ko nalang siyang kinwelyuhan.
"Don't you Dare...", may diin na sambit ko sa kanya na nakangisi pa habang hinahawakan ko yung kwelyo ng damit niya.
"Ohh... I dare... little bro...", Fuck him! I'm gonna kill him!
"Boys... Boys... Calm down! Wag naman kayong magpatayan sa harap ng pagkain!", saway naman ni mommy kaya binitawan ko nalang siya.
"Good... Now I want to meet this Ira. I'm sure that she's really something dahil ganyan siya kaimportante para sayo.", napatigil naman ako sa sinabi ni mommy.
"E-Excuse me? She's nothing to me.", sambit ko naman kay mommy.
"Oh... Kung ganon pala ah... you wouldn't mind kung gawin namin siyang fiance ni Xenos? I'm sure that she'll be a fine queen of---", I cut her off.
"No fucking way!", nabigla ako sa pagsigaw ko. Shit! Ano ba tong nangyayari sakin? Am I going crazy?
"I'd like that mom! That'd be great! I would like her to be my fiance!", singit naman nung gagong Xenos na yun na nakangisi pa.
"Fuck! You haven't even seen her yet!", sigaw ko naman sa kanya.
"Oh... No need! I'm sure that I'll like her. Eh kung ikaw nga eh...", saad niya naman sabay ngisi.
"Shit! Fuck you! I'm outta here!", sigaw ko naman sabay padabog na tumayo at naglakad palayo dun sa dining table namin para makabalik na ng Academy.
Pero bago paman ako makaalis ay narinig ko silang humagalpak ng tawa dun sa hapag.
Dammit! Why did I have such a crazy family?!....