My two-faced boyfriend

By sweetandspicymsbaozi

80.7K 905 515

Ako nga pala si Louise Mendoza, 3rd year highschool. Nag-aaral sa South Mary Highschool. Tawag sa'kin ng mga... More

Chapter 1 and 2
Chapter 3 and 4
Chapter 5 and 6
Chapter 7 and 8
Chapter 9 and 10
Chapter 11 and 12
Chapter 13 and 14
Chapter 15 and 16
Chapter 17 and 18
Chapter 19 and 20
Chapter 21: Her side
Chapter 22: His side
Chapter 23: Alice's side
Chapter 24: Renz' side
Chapter 25: Her side
Chapter 26: His side
Chapter 27: Her side
Chapter 28: His side
Chapter 29: Her side
Chapter 30: His side
Chapter 31: Her side
Chapter 32: His side

Chapter 33: Her side

1.2K 41 48
By sweetandspicymsbaozi

Chapter 33: Her side

“Gusto mo ba kumain sa labas after ng klase?” Tanong ko kay Kyle.

Tumingin lang siya sa’kin tapos nilagay niya yung libro ng Chemistry sa loob ng bag niya. “May practice ngayon sa basketball.” Sinabi niya tapos umalis na siya.

Nakatingin lang ako sa pinto. Bakit ganun? Dalawang araw na siyang ganito sa’kin. Kung hindi niya ako pinapansin,  iniiwan na lang niya ako bigla-bigla o kaya pag iniimbita ko siya lumabas, hindi siya napayag. Lagi niyang dinadahilan na marami daw siyang ginagawa.

Ayaw ba niya ako makasama?

Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Alice sa’kin. “Hindi ba sasama sa’tin si Kyle?” Tinanong ni Alice sa’kin.

Umiling ako habang inaayos ko yung gamit ko. “Hindi daw eh, may gagawin pa daw siya.”

“Ano ba yan, lagi na lang nag-dadahilan si Kyle ah.”

Lumapit si Renz sa’min. Dala na niya yung bag niya. “Parang hindi ‘ata kayo masyadong naguusap ni Kyle.”

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kaniya kasi alam ko rin yun. “Baka wala lang sa mood. Sige, uwi na ako.” Kinuha ko yung bag ko tapos nag-lakad na ako paalis.

Habang nasa corridor ako, iniisip ko kung may nagawa ba akong ikinagalit ni Kyle sa’kin. Pero kahit anong gawin ko, wala talaga akong maisip.

“Hay.” Napakamot ako sa ulo ko. Di ko namalayan na nasa harap ko na pala si Paolo.

“Hi Louise.” Napatingin ako kay Paolo tapos agad akong napangiti.

“Hello Pao. Musta na?”

“Eto, pauwi na. Walang practice ngayon eh.”

Biglang sumikip yung dibdib ko sa sinabi ni Paolo. Sabi sa’kin ni Kyle, meron daw siyang practice ngayon sa basketball. Bakit kailangan niyang mag-sinungaling?

“Bakit? Anong problema?” Tanong ni Paolo.

“Ah wala naman. Haha, sige uwi na ako.”

“Nasaan si Kyle? Hindi ba kayo sabay ngayon?”

Umiling ako tapos nag-lakad ako paalis. “May practice daw siya ngayon eh.”

“Huh?”

--

Kinuha ko yung cup noodles sa cabinet tapos binuksan ko. Ano ba yan, wala akong kasabay kumain ng hapunan ngayon.

Inintay ko kumulo yung thermos. Nakatingin lang ako sa kawalan.

Na kay Kyle pa rin ang isip ko.

Nagulat ako ng biglang may kumatok. Agad akong tumakbo papunta sa pinto at pag-bukas ko, nasa harap ko si Kyle. Naka-suot lang siya ng sky-blue na shirt and white shorts tapos hawak niya yung black niyang cardigan. Napansin ko rin na may hawak siyang malaking bag.

“K-kyle? Bakit? Anong problema?”

Hinawi niya ako sa gilid para makapasok siya. “Dito ako tutulog.”

Namula ako sa sinabi niya. “H-huh?”

Binato niya sa floor yung bag niya tapos umupo siya sa sofa. “Na-miss kita eh. Bakit ba?”

Lalo kong naramdaman na uminit yung mukha ko sa sinabi niya. “Ganun ba. Kumain ka na?”

“Hindi pa.”

“Sige, magiinit lang ako ng noodles.” Agad kong kinuha yung cup noodles sa kabinet tapos nagpakulo ulit ako ng tubig.

Umupo ako sa upuan tapos inintay kong kumulo yung tubig. Tahimik kaming dalawa at medyo naiilang na ako sa kinikilos ni Kyle. Gusto ko mag-tanong sa kaniya pero feeling ko tatarayan lang niya ako.

“Aalis ako bukas.” Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

“Huh? Saan ka pupunta?” Tanong ko tapos nag-kibitbalikat lang siya.

“Sa Tagaytay. Dun gaganapin yung quiz bee eh. Tapos bukas na yun.”

“Eh kung bukas, bakit dito ka pa tutulog?” Tinanong ko tapos natigilan ako nung tumingin siya ng masama sa’kin.

“Siya gusto mo umalis na ako?”

Bigla akong tumayo. “Hindi naman sa ganun!” Tumungo ako para matakluban ko yung namumula kong mukha. “Gusto ko rin na mag-stay ka dito.”

Narinig kong ngumiti siya.

“Bakit nga ba nagsinungaling ka sa’kin kanina na may practice ka?” Tanong ko habang tinitimpla ko yung noodles.

Sumandal siya sa sofa pero hindi siya tumitingin sa’kin. “Wala.”

“Kyle.”

Tumayo siya tapos lumapit sa’kin. “Gutom na ako. Akin na yan.”

Nag-pout na lang ako. Kahit kelan talaga, ang random ng lalakeng ‘to. Binigay ko sa kaniya yung noodles tapos pinanood ko siyang kainin yun. Ilang segundo lang, tapos niya nakainin.

“Hinalikan ka ba ni Daniel?”

Bigla akong nasamid sa sarili kong laway sa sinabi niya. “HUH?! HINALIKAN?!”

Binalin ni Kyle sa iba yung tingin niya. “Nakita ko kayo dun sa labas ng classroom…”

Nanlamig buong katawan ko sa sinabi niya. Parang di ko ‘ata maalala na hinalikan ako ni Daniel. Oo, inaamin ko na lagi na niya akong kinakausap pero hindi pa niya ako hinahalikan.

Si Kyle pa lang ang lalakeng nakakahalik sa’kin.

Namula ako sa naisip ko.

“Hindi ko alam pero…nagalit akong sobrang nung nakita ko kayong dalawa nung oras na yon. Pero gusto ko malaman mula sayo.” Sabi niya. “Hinalikan ka ba niya, Louise?”

Agad kong winagayway yung kamay ko para sabihin sa kaniya na walang katotohanan yung sinasabi niya. “Kyle! Promise hindi ko siya hinalikan, hindi niya ako hinalikan. Walang nangyaring halikan! Promise talaga!”

Tumingin ng deretso sa’kin si Kyle at yun din ang ginawa ko. Nagtitigan kami hangga’t siya yung unang nag-react.

“Buti naman. Naniniwala ako. May tiwala ako sayo.” Kinuha niya yung kamay ko. “Mamimiss kita, Louise.”

Biglang uminit yung buong katawan ko sa sinabi niya. Aaaagh, bakit ba ang sweet ng lalakeng ‘to sa’kin ngayon?!

“Mamimiss din kita. Ilang araw ka ba dun?”

“Three days lang naman.” Hinaplos niya yung kamay ko. “After three days, date tayo.”

Umu-o ako. “O-okay.” Lumapit ako sa kaniya tapos niyakap ko siya. “I love you.”

“Mhm.”

--

“Woah, ang galing ni Kyle! Siya pala ang napili ng school na isali sa quiz bee ano?!” Tuwang-tuwang sabi ni Alice habang kinakain yung pandan cake niya.

Kinuha ni Renz yung juice tapos uminom siya. “Oo nga.”

Nakatingin lang ako sa cellphone ko. Ano na kayang ginagawa ni Kyle doon? Nakarating na ba sila sa Tagaytay? Nagpapahinga na ba siya ngayon?

“Sayang. Dapat si sir Keanne ang kasama ni Kyle ngayon kaso naka-leave siya sa trabaho.”

“Eh anong inaasahan mo, buntis yung asawa niya.”

“Hay, gusto ko na rin magka-anak.” Nagulat kaming dalawa ni Renz sa sinabi ni Alicia.

“H-hoy, ano ba mga pinagsasabi mo diyan?! Napaka-manyak mo talaga!” Namumula yung buong mukha ni Renz tapos nakatingin lang si Alicia sa kaniya.

“Anong manyak sa sinabi ko eh sinabi ko lang naman na gusto ko magka-anak!”

Pinanood ko silang mag-away. Nung nag-vibrate yung phone ko, agad kong binasa yung nag-text.

From babyKyle

Kakarating lang namin ng tagaytag. Kakapagod. Anong gawa mo?

Mabilis akong nag-reply.

To babyKyle

Nakain kami ngayon ni Alice at Renz. Nag-aaway nanaman sila as usual. Haha. Ingat ka diyan.

Nag-intay ako ng reply niya pero hindi na siya sumagot. Nilapag ko sa table ko yung phone ko tapos nagkalumbaba ako.

Hay, oo nga, mamimiss ko nga talaga si Kyle.

“Ui okay ka lang Louise?” Tanong ni Alice sa’kin.

Umu-o ako. “Mhm, okay lang ako.”

--

Hapon na at uwian na. After ng meeting sa student council, dederetso ako ng supermarket kasi naubusan ako ng pagkain. Habang naglalakad ako palabas ng school, nakita ko yung barkada nila Daniel sa may tabi ng gate.

Lalampasan ko na sana sila ng bigla niya akong tinawag.

“Wait lang Louise!” Tumigil ako sa paglalakad tapos tumingin ako kay Daniel.

“Bakit?”

“Uuwi ka na ba?

“Ah hindi pa. Mag-go-grocery pa ako eh.”

Nakatingin lahat nung mga lalake niyang kaibigan sa’kin kaya nailang ako. Tumungo ako para hindi ko sila makita. “Ahhh, sige una na ako.”

“Wait! Samahan na kita!”

Nagulat ako. “Huh? Bakit naman?”

“Wala lang. Mahirap mag-buhat pag mag-isa diba? Tutulungan na kita.”

“Eh?” Lumayo ako ng konti. “Wag na! Kaya ko nanaman eh!”

“Sus, wag ka na mahiya. Hindi ko pa nga nababayaran yung utang ko na pagbangga sayo eh.” Tumawa siya. “Sige na please.”

Napakamot ako sa braso ko. “Uhm…ah…”

“Pumayag ka na Louise! Crush na crush ka ng katropa namin eh! Pagbigyan mo na!” Namula buong mukha ko sa tukso nung kaibigan niya.

Hinampas ni Daniel ng bag niya yung nanukso sa’min. “Gago ka pare! Wag kang ganiyan!” Nag-tawanan silang lahat pero hindi na sila pinansin ni Daniel.

“Ano tara?” Nag-lakad siya palapit sa’kin.

“Okay sige…ikaw bahala.”

--

Natapos na ako mamili ng grocery. Tumingin ako kay Daniel at madali niyang kinakarga yung mga pinamili ko. Nung nakita niya akong nakatingin sa kaniya, ningitian niya ako tapos nailang ako.

Patuloy kaming nag-lakad papunta sa village namin. Medyo madilim na rin sa paligid kaya tahimik akong nagpasalamat at sinamahan ako ni Daniel mag-grocery. Ayoko kasi talaga mag-lakad mag-isa sa dilim eh.

“Sorry ah.”

“Huh? Sorry saan?”

“Iniisip mo ‘ata na kaya lang ako naging mabait sayo kasi gumanda ka.”

Nagulat ako. “Ah, hindi ah!”

“Kasi sa totoo lang…ang weird mo talaga dati. Hindi sa masamang weird ah, weird na mahirap lapitan. May aura ka kasi na parang gusto mong lumayo lahat ng tao sayo.”

“Eh?” Ganun ba tingin ng mga tao sa’kin? Sabagay, totoo naman kasi nasanay ako na mag-isa.

“Pero nung nag-bago ka ng image, grabe, parang…iba eh. Iba yung dating mo Louise. As in. Parang diamond in the rough.” Biro niya at namula naman ako sa sinasabi niya.

“Ah…s-salamat.” Hindi ako sanay na pinupuri ako ng ibang tao.

“Sana wag mo masamain kung nalapit ako sayo. Alam ko naman na boyfriend mo si Meneses. Gusto ko lang makipag-kaibigan sayo. Ang interesting mo kasi eh.”

Parang lumuwag yung pakiramdam ko kay Daniel dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang ulit narinig yung salitang ‘gusto kong maging kaibigan ka’. Ilang years ba naman kasi ako nag-tago sa mga tao.

Ngumiti ako sa kaniya. “Sige. Walang problema. Thanks ah.”

Tumigil siya sa paglalakad at nakatitig lang siya sa’kin. Bigla siyang tumawa tapos tumungo siya. “Aaagh, kung hindi ka lang taken, tagal na kitang niligawan eh!”

Natigilan ako sa sinabi niya. “Huh?!”

“Hi Louise!” Lumingon ako at nakita kong naglalakad palapit sa’min si Paolo. Dala niya yung varsity bag niya at may dala din siyang plastic bag ng mga burgers. Nung nakita niya si Daniel, tumigil siya sa paglalakad.

“Oh Dan, andito ka pala.”

“Yo.”

Nung nakalapit si Paolo sa’kin, nagtinginan sila ni Daniel. “Bakit kayo mag-kasama?”

“Sinamahan kasi ako ni Daniel na bumili ng grocery ko kaya…”

Nakita kong medyo nanlisik yung mata ni Paolo pero bago pa ako makapag-comment dun, lumapit na siya kay Daniel.

“Thanks sa pag-sama kay Louise ah. Kung alam ko lang, sana ako na ang sumama sa kaniya.” Unang tumawa si Paolo at sumunod sa kaniya si Daniel.

“Nagkataon lang na nakita ko palabas ng school si Louise.” Sinabi ni Daniel.

Kinuha ni Paolo yung pinamili ko. “Siya sige thanks pare, ako ng bahala kay Louise.”

Bakit ba parang sumisiklab yung mga tingin sa mata nila.

“Ah…ihahatid ko pa sana siya sa bahay nila. Yun ang plano namin.”

“Di na kelangan ‘tol. Ako na maghahatid kay Louise. Malayo pa ang bahay niyo dito diba? Malapit lang sa’min yung kay Louise eh.”

Natahimik silang dalawa. “Sige.” Lumapit sa’kin si Daniel tapos ngumiti siya. “Una na ako Louise ah. Ingat kayo sa pag-uwi.”

Ngumiti ako sa kaniya. “Salamat sa pag-sama sa’kin, Daniel. Ingat ka rin pauwi ha.”

Kumaway sa’kin si Daniel at nag-lakad na siya sa kabilang direksyon ng bahay ko.

“Louise, mag-ingat ka sa susunod.” Nagulat ako sa banta ni Paolo.

“Huh? Bakit?”

“Wala, basta mag-ingat ka lang.”

--

Maaga akong pumasok ng school ngayon. Pag-pasok ko ng classroom, nakita ko na konti pa lang na mga bags ang nasa loob. Walang taong nakatambay so ibig sabihin, lahat sila, nasa baba na at nag-iintay na lang ng assembly.

Hay, nakakabagot kapag wala si Kyle dito. Tumingin ako sa desk niya. Konting araw na lang at babalik na rin siya. Tinatawagan ko siya at tini-text pero laging out of coverage at hindi siya nag-rereply.

Hindi ko na siya nakakausap.

Agad akong napatingin sa pinto ng narinig kong nag-bukas ‘to. Nakita ko si Daniel kasama yung iba niyang mga kaibigan na tiga-ibang section. Nung nakita ako ng mga kaibigan niya, nag-ngitian sila.

“Oh, andyan na pala ang prinsesa mo Daniel!” Tinapik nung isang lalake si Daniel tapos tumawa sila.

Ngumiti ako ng konti sa kanila. Binalik sa’kin ni Daniel yung ngiti at tinulak niya palabas yung mga kaibigan niya.

“Umalis na nga kayo mga kumag kayo!!” Tumawa nanaman silang lahat pero nag-lakad na silang paalis. Nag-sara ang pinto at tumingin sa’kin si Daniel.

“Good morning Louise. Sensya na sa mga katropa ko ah. Mga gago kasi eh.” Sabi niya habang naglalakad siya papunta sa desk niya.

Tumawa lang ako ng konti. “Hindi okay lang.”

“Ang aga mo ‘ata ngayon.” Sabi niya pagkatapos niya mailapag yung bag niya sa table.

“Ah oo nga eh. Napa-aga ako ng gising.”

Tumitig lang siya sakin tapos ngumiti ulit siya. “Nagawa mo ba assignment natin sa math?”

“Huh? Ah oo eh…”

“Puede patingin? Di ko kasi sure yung mga sagot ko eh.” Lumapit siya sa’kin na dala yung math notebook niya. Agad kong kinuha yung notebook ko tapos binuksan ko.

“Ah oo naman, walang problema…” Nung pagtingin ko sa kaniya, nagulat ako kasi nasa harapan ko na siya. Hinila niya yung upuan ni Kyle tapos nilapit niya sa’kin.

“Thanks ah.” Umupo siya sa tabi ko tapos ngumiti ako ng pilit.

“Okay lang yun noh…”

Tiningnan namin dalawa yung assignment niya at lahat naman ng sagot namin ay magkaparehas. “Ayan, tama naman pala yung sagot mo.”

“Mhmm, salamat.” Tumingin siya sa’kin tapos agad kong iniwas yung mukha ko sa kaniya kasi naiilang na ako.

“Ah…tara, baba na tayo.” Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

“Teka lang, minsan lang kita masolo eh.”

Biglang nanlamig yung katawan ko sa sinabi niya. “H-huh?”

“Louise…”

“GOOD MORNING PEOPLE!!!” Nagulat kaming dalawa ng biglang binuksan ni Alicia yung pintuan. Nakita kong tinulak siya ni Renz papasok sa room at nung nakita nila kaming dalawa, agad tumakbo si Alice sa’kin.

“Hi Louise! Naandito ka na pala!” Tumingin siya kay Daniel. “Bakit magkatabi kayo?”

Tumawa si Daniel tapos binalik niya yung upuan ni Kyle sa dating lugar. “Nagpaturo kasi ako kay Louise eh. Salamat ulit Louise ah.”

Nakita kong tumingin ng masama si Renz kay Daniel. Nang binati ko siya, nag-iba yung expression ng mukha niya.

“Close na kayo ni Daniel ah.” Sinabi niya at napangiti na lang ako.

“Aaaah, haha, hindi, lagi lang talagang nagkakataon na nagkikita kami.” Sabi ko tapos tumingin lang sa’kin si Renz.

“Basta mag-ingat ka ah. Hindi maganda vibes ko sa lalakeng yan eh.”

Nagulat ako sa sinabi ni Renz. Bakit pareho sila ng sinabi ni Paolo? May masamang nagawa na ba si Daniel at parang ayaw nila sa kaniya. Mabait naman siya ah, palakaibigan at laging nakangiti.

“Bakit mo naman nasabi yan?” Tanong ko kay Renz tapos nag-shrug lang siya ng shoulders niya.

“Wala lang…ramdam ko lang.”

--

Lunch na at nag-decide sila Alicia at Renz na kumain sa cafeteria. Sumama naman ako sa kanila kasi wala rin naman akong kasama sa classroom. Tsaka gusto ko rin makipag-kwentuhan kila ate Tricia.

Dumating kami sa cafeteria and as usual, ang dami nanaman tao. Buti na lang at nakahanap na ng table sila ate Tricia at Michael. Kasama nila si Paolo at nakain na sila. Lumapit kami sa kanila at agad akong binati ni ate Tricia.

“Hi Louise! Gumaganda ka lalo ah! Kaka-inlove eh!” Tukso niya sa’kin tapos namula ako sinabi niya. Ano ka ba ate Tricia, ang laking ganda mo kaya sa’kin…wala pa ako sa kalingkingan ng ngiti niya eh.

After kong bumili ng lunch ko, umupo ako sa gitna ni Alice at Paolo. Pinagkekwentuhan nila ate Tricia at Michael yung kamag-anak ni Michael na na-stroke. Tapos sila Alice at Renz naman, nag-uusap tungkol sa next date nila.

“Oh, wala ka nanaman gana kumain Louise? Porket wala si Kyle?” Natawa ako sa biro ni Paolo tapos ngumiti rin siya sa’kin.

“Hindi naman, malalim lang iniisip ko.” Sagot ko sa kaniya tapos naging seryoso yung itsura ni Paolo.

“Bakit? Anong problema?”

“Ah…hindi. Nag-tataka lang kasi ako kung bakit parang may…mali kay Daniel sa paningin niyo.” Sabi ko tapos nagulat siya.

“Huh? Bakit? May nag-sabi ba sayo tungkol kay Daniel?” Tinanong niya tapos umu-o ako.

“Si Renz din kasi. Sabi niya mag-ingat daw ako sa kaniya. Nag-tataka lang ako kung meron bang masamang nakaraan si Daniel…” Agad akong tumingin sa kaniya. “Pero ayoko naman makielam kung talagang meron nga…curious lang talaga ako…sorry.”

Tumingin ng deretso sa’kin si Paolo. “Hindi naman sa ganun. Mabait naman si Daniel. Pero…pagdating sa babae. Medyo may problema sa ugali niya.”

Tinaasan ko ng kilay si Paolo. “Huh? Problema sa ugali? Katulad ng…?”

Lumapit sa’kin si Daniel para bumulong. “Ahhh, ayoko maging tsismoso pero siguro may karapatan ka rin malaman ‘to kasi panay ang lapit sayo ni Daniel. Dati kasi, nagkaroon ng issue si Daniel sa isa sa mga kaibigan kong babae.”

“Oi, anong pinaguusapan niyo diyan?!” Biglang tinapik ni ate Tricia si Paolo tapos tumawa siya.

“Ah wala naman.” Sabi ni Paolo tapos pinagpatuloy niya yung pag-kain niya ng burger niya.

Ako naman, napaisip sa mga sinabi niya. May naging issue si Daniel sa isa sa mga kaibigan ni Daniel? Ano kayang ibig sabihin nun?

--

Natapos na ang klase at nag-aayos na ako ng gamit para makauwi na.

“Louise!” Tumingin ako sa tumawag sa’kin. Si Leah yung tumawag, nasa may pinto siya at kinakawayan ako. “Pinapatawag ka ni sir Landicho sa faculty.” Sabi niya sabay lakad paalis. Nag-taka naman ako. Bakit naman kaya ako pinapatawag ng History teacher namin?

Iniwan ko yung bag ko sa desk ko at tumingin ako kay Alice. “Alice, una na kayo umuwi, kakausapin pa daw ako ni sir Landicho.”

Nag-salute sa’kin si Alicia. “No problem! May date din kami ni Renz eh! Ingat ka, girl!”

Umalis na ako sa classroom at naglakad papunta sa may faculty. Nakita kong naglalakad si Daniel palapit sa’kin at nung natingnan niya ako, bigla siyang tumakbo papunta sa’kin.

“Hi Louise, san ang punta mo? Uwi ka na ba?” Tanong niya tapos agad akong umiling.

“Ah hindi pa, pinapatawag ako ni sir Landicho sa faculty eh. Kakausapin ‘ata ako.” Sabi ko tapos umu-o siya.

“Sige, intayin na kita.”

Nagulat ako. “Huh? Wag na!”

“Hala naman, sige na. Wala rin naman ako kasabay pauwi kasi nauna ng umalis mga ka-tropa ko.” Sabi niya.

Bilis Louise, mag-isip ka ng rason para hindi ka na niya intayin. “Ahh kasi…baka…”

“Please Louise…” Tumingin siya ng deretso sa mata ko.

Hay.

After namin mag-usap ni Daniel, dumeretso na ako sa faculty. Pag-pasok ko, hinanap ko si sir Landicho. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa isa sa mga teachers. Nung nakita niya ako, pinalapit niya ako at naglakad naman ako papunta sa kaniya.

“Good afternoon po sir, gusto niyo daw po ako maka-usap.” Sabi ko tapos ngumiti siya.

“Ms. Mendoza, you know there’s an up-coming school Interhigh Congregation diba?” Tinanong niya ako.

“Po?” Ah, yung Interhigh Congregation kung saan pupunta ang mga tiga-ibang bansa dito sa school namin. Magkakaroon ng three days and two nights activity dito sa school at mga napiling students lang ang puedeng sumama since sila ang magiging representative ng school. 

“Ikaw ang napili ng mga teachers at official staffs na magiging leader ng mga napiling students na magiging representative ng South Mary.” Napa-urong ako sa sinabi niya.

“Huh?! Sino? Ako po?! Leader?! Para sa Interhigh?!” Halos lumabas yung puso ko sa sinabi ni sir Landicho. Nag-bibiro ba siya? Gusto ba niya akong mamatay dito sa harap niya.

“Yes, ikaw ang naboto out of the five officials of the student council.” Sabi niya tapos napailing ako.

“S-sir, sorry po pero tinatanggihan ko yung offer niyo. Sa tingin ko po, mas magiging fit pong maging leader sila ate Tricia at Paolo po kesa sa’kin.” Sabi ko tapos umiling siya.

“Abad and Hernandez already became the leaders last year, Rios is the current captain of the basketball varsity already. You are the only option left.”

Halos naiiyak na ako. “Sir…si Kyle po? Di po ba siya puede?”

Tiningnan lang ako ng deretso ni sir. “Siya na ang president ng student council, Ms. Mendoza. And he’s already competing in one of the quiz bee in Tagaytay.”

“S-sir…”

“We’re trusting you on this one, Ms. Mendoza. You can go now.”

Gusto ko ng mahimatay.

--

“Oh, nakabalik ka na pala. Eto bag mo, inayos ko na gamit mo.” Sinabi ni Daniel bago pa lang ako makapasok ng classroom. Wala ng tao sa loob at ang linis na ng room. Tiningnan ko lang si Daniel tapos kinuha ko yung bag sa kaniya bago ko siya ningitian.

“Thanks.” Sabi ko tapos nag-lakad na ako paalis. Tumabi siya sa’kin at sabay kami nag-lakad sa corridor.

“Ah, so anong sabi ni sir?” Tinanong niya tapos naramdaman ko nanaman yung pamilyar na kaba sa puso ko.

“Uhm, sabi niya…ako daw ang napiling maging leader para sa Interhigh Congregation.” Sabi ko tapos napa-wow siya.

“Astig mo Louise! Halos pinakamagagaling na students lang ang nagiging leader ng Congregation!”

Lalo ako nanlumo. “Oo nga eh, kaya hindi ko alam kung bakit ako ang napili. Hindi naman ako magaling eh.” Sabi ko tapos tumigil ako ng tumigil si Daniel sa paglalakad. “Bakit?”

“Hindi ka magaling? Bulag ka ba?” Tinanong niya tapos nanlaki yung mata ko sa kaniya.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

Nilapitan niya ako tapos napansin ko kung gaano kakinis yung mukha niya. Lalong lumitaw yung pagiging kulay brown ng buhok niya dahil tumapat siya sa sinag ng araw at nakita ko rin na ang ganda ng mga mata niya.

Tumingin ako sa iba para hindi ako mailang sa kaniya.

“Louise, isa ka sa mga babaeng pinakagusto ko maging girlfriend. Hindi mo ba nakikita kung gaano ka ka-talented? Lagi kang nasa top-5 buong highschool year natin, tahimik ka nga pero alam kong marami kang ibubugang talento. Sobrang bait at sobrang ganda mo. Hindi mo ba yon nakikita?”

Bakit ganun? Biglang lumakas yung tibok ng puso ko sa mga sinabi niya. Uminit yung mukha ko at tinawanan ko na lang siya. “E-eh? Haha! Bolero ka talaga Daniel! Tara…umuwi na tayo.”

“Louise, puede ba kitang ligawan?” Tinanong niya tapos napatingin ako sa kaniya at gulat na gulat ako.

“A-ano?”

“Gustong-gusto talaga kitang ligawan, Louise.” Lumapit pa siya sa’kin tapos napalayo ako.

“Teka…alam mo ba mga sinasabi mo, Daniel?” Tanong ko sa kaniya.

“Oo naman. Walang araw na hindi ikaw ang iniisip ko, Louise.” Lalong nanlamig ang katawan ko sa sinasabi ni Daniel

Kelangan ko ng makaalis dito bago pa lumala ang sitwasyon.

“Uhm, ah…anong oras na ba? Baka malate ako…” Halos suntikin ko na yung sarili ko ng na-realize ko na wala nga pala akong suot na relo.

“Louise…” Nilapit niya yung mukha niya sa’kin.

--

Bigla kong sinara yung pinto ng kwarto ko tapos tumakbo kaagad ako sa kama ko. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Bakit ganito ang nangyayari? Bakit kung kelan wala si Kyle, bakit ganito?

Narinig kong natunog yung phone ko pero wala akong lakas sagutin ‘to. Paano pag si Kyle yung natawag, hindi ko ‘ata kayang makausap siya ngayon…lalo na ng…

Lalong bumuhos yung luha ko ng naisip ko kung anong nangyari sa’min kanina ni Daniel. Gusto kong burahin yung nangyari kanina pero alam kong imposible.

Alam kong imposible.

--

“Good morning Louise!” Tumingin ako kay Alice tapos ang laki ng ngiti sa’kin. Ngumiti lang ako ng bahagya.

“Hi Alice.”

“Oh…” Umupo siya sa table ko. “Bakit ang lamya mo ‘ata ngayon, girl? Anong nangyari? Masama ba pakiramdam mo? Masyado mo na bang namimiss si Kyle?”

Lumakas yung tibok ng puso ko nung narinig ko yung name ni Kyle. Napatungo na lang ako. “Uhm…ano, hindi kasi…medyo masakit ulo ko. Hindi kasi ako nakatulog ng ayos…”

“Oh. Gusto mo ikuha kita ng gamot sa clinic?” Sabi ni Alice pero pinigilan ko siya.

“Nako wag na, di na kailangan.”

“Sure ka?”

“Oo, sure ako.”

“Okaaay. Balita ko babalik na daw si Kyle mamayang hapon.” Sabi niya tapos napatingin ako.

“Mamayang hapon pa balik niya?” Tanong ko tapos umu-o siya.

“Yah, nag-text daw siya kay Paolo eh. Hindi niya ba sinabi sayo?”

Umiling ako. “H-hindi niya sinabi.” Actually, hindi pa siya nag-tetext sa’kin simula kagabi. Kahapon pa ako nag-mimiss call sa kaniya pero hindi niya sinasagot. Pero si Paolo nagawa niyang i-text.

--

Lunch na at napagdesisyunan ko na wag muna kumain sa canteen dahil gusto ko muna mapag-isa dito sa classroom. Wala din kasi ako sa mood eh.

Buti na lang at walang nag-stay dito na iba kundi, baka pumunta ako sa likod ng school para dun kumain.

Binuksan ko yung tupperware at tiningnan ko lang yung hotdog at sinangag na niluto ko kaninang umaga. Actually, yun yung natira kong pagkain kaninang umaga. Wait, kaninang umaga nga ba? ‘Di ko na maalala.

“Eto oh.” Nagulat ako at nakita ko si Daniel na nasa tabi ko at nakatayo doon habang may hawak na Zesto.

“Huh?” Tinuro niya gamit ang mata niya yung Zesto na nasa lamesa ko. Nilapag niya yung straw tapos umupo siya sa tabi ko.

“Okay ka lang ba? Ang putla mo kasi eh. Gusto mo pumunta sa clinic?”

“Ah, hindi. Ayos lang ako. Thank you pero…” Kinuha ko yung bote ng tubig sa bag ko. “…Meron akong dala.”

Ngumiti si Daniel. “Oh, eh ano naman? Hindi puedeng uminom ng iba?”

Nanlamig ako sa sinabi niya. Napatingin na lang ako sa iba para lang maiwasan yung mga mata niya. “B-bakit…bakit mo ako hinalikan…”

“Hmmm?” Nagkalumbaba lang siya. Hindi pa rin niya inaalis yung tingin niya sa’kin. At nakangiti pa siya na para bang natutuwa siya sa tinanong ko.

“Tinatanong kita…kung bakit mo ako hinalikan.” Hinawakan ko yung labi ko. Kung puede ko lang burahin yung nangyari kahapon, matagal ko ng ginawa.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganun lang niya naagaw ang halik ko.

Samantalang, si Kyle lang ang gusto kong…

“Alam mo Louise, sa sobrang kagustuhan ko sayo, gusto kitang angkinin.”

“Huh…?”

Natigilan ako ng biglang kinuha ni Daniel yung kamay ko at inilapit sa mukha niya.

“Nakapagdesisyon na ako. Simula sa araw na ‘to. Akin ka na.”

“Ano?”

--

Continue Reading