Mnemosyne's Tale

By AnakniRizal

5.4M 165K 33K

Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's... More

Foreword
The Prophecy
/1/ Warning
/2/ Curiosity
/3/ Invitation
/4/ Too Late
/5/ Consequences
/6/ Pitfall
/7/ Voices
/8/ Sanity
/9/ Offer
/10/ Changes
/11/ Lessons
/12/ Fiasco
/13/ Goodbye
/14/ He Can See the Future
/15/ Friday Night
/16/ Peculiars
/17/ Three Men
/18/ The Zealot's Lure
/19/ Sweet Dreams
/20/ Despite Uncertainty
/21/ Searching For Answers
/22/ Lurking Evil
/23/ Looking Within
/24/ Escape and Arrival
/25/ Facing Death
/26/ The Secret History
/27/ Order of the Black Sun
/28/ The Woman Who Led Victory
/29/ Her Unexpected Return
/31/ Surrender
/32/ The Future Arrives
/33/ It's All Determined
/34/ End
Epilogue
Thank You!
Mnemosyne's Tale TO BE PUBLISHED

/30/ Severe Decisions

87.9K 3.3K 1.4K
By AnakniRizal



"BAKIT hindi ka lumaban?" iyon ang tanong ni Ruri matapos naming bumitiw sa isa't isa. Umupo kami sa malamig na sahig at sinikap na inaninag ang isa't isa dahil sa kakarampot na liwanag sa seldang ito.

Hindi katulad ko'y nakagapos ang mga paa ni Ruri sa mga kadena at kahit na hindi ko malinaw na makita ang kanyang itsura'y alam kong bakas ang kanyang paghihirap.

"Bakit hindi ka lumaban kay Memo, Sigrid?" tanong niya ulit sa'kin habang hawak niya ng mahigpit ang aking kamay.

"Kilala ko si Memo, Ruri. Hinayaan ko lang siya na dalhin niya ako rito dahil alam kong maaaring may gawin siyang masama kila Annie at sa mga bata." Sagot ko sa kanya.

"Kung gano'n ay nakita mo na pala sila Annie, Kero, Isagani, at Zia," may bakas ng kalungkutan sa kanyang boses. "Patawarin mo ako kung wala akong nagawa para pigilan si Memo."

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa'kin, Ruri."

Narinig ko ang mahina niyang paghikbi at inalo ko lamang siya.

"Why are you here?" tanong ko sa kanya. "They said you vanished three years ago."

"Three years ago... Nang sinubukan kong tumakas sa Memoire, nanlaban ako sa kanila kaya dinala nila ako rito," sagot niya sa'kin sa pagitan ng paghikbi. "Nagpanggap ako ng nasisiraan ng bait ng sa gayon ay hindi mabasa ni Memo ang aking isip."

"Ruri... I'm sorry." Hindi ko mapigilang maramdaman din ang sakit na kanyang pinagdaanan. Tatlong taon na siyang nagdurusa sa seldang ito at ngayong narito na ako ay sisiguraduhin kong makagagawa ako ng paraan.

"Anong... anong nangyari sa'yo, Sigrid? Ang buong akala namin noon ay patay ka na." tanong ni Ruri sa akin. Nag-angat ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Nakaligtas ako sa aksidente. Napadpad ako sa isang lugar kung saan naghihintay sa akin ang mga taong..." napaisip ako saglit kung maiintindihan ba ni Ruri kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, tungkol sa aking tunay na katauhan at tungkol sa Order of the Black Sun.

"Nagtagal ako sa lugar na 'yon dahil sa isang misyon, at ngayon nagbalik ako rito para wakasan ang kasamaan ni Memo."

"Sigrid, hindi mo na kailangang itago sa akin," napakunot ako sa kanyang sinabi. "Simula nang akalain naming patay ka ay may kutob ako na may mali sa mga nangyayari. May mga alaala akong hindi ko matandaan kaya inispiyahan ko si Memo. Gamit ang invisibility powers ko ay sinusundan ko siya sa Diamond Tower at narinig ko ang pagpupulong nila ng kanyang kulto. Narinig ko ang tungkol sa inyo na hindi kayo basta mga tao, na isa kayong mga diyos noong sinaunang panahon."

Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Ruri. Alam na niya pala ang lahat matagal na at iyon ang naging hudyat ng kanyang pagrereblede kaya siya ikinulong dito.

"Sinubukan kong sabihin kila Annie pero hindi sila naniwala sa'kin," narinig ko na naman ang pag-iyak niya. "Iniisip nila na nababaliw lang ako. Pero ngayon, hindi mo alam kung gaano ako natutuwa na makumpirma mula sa'yo ang mga bagay na nalaman ko noon."

"Ruri..."

"We can't waste any more time, Sigrid. Kailangan na nating kumilos! Alam kong gusto na ring kumawala nila Annie rito pero natatakot lang sila dahil walang gagabay sa kanila sa tamang direksyon. They fear Memo all this time! At ngayong nandito ka na, alam kong mabibigyan mo sila ng pag-asa!"

Hindi ko maiwasang maalala ang mga sinabi ni Isagani kanina.

"You're too late, Sigrid. We can't stop Memo anymore."

Aaminin ko na nawalan ako ng loob hindi dahil sa sinabi niyang 'yon, kundi dahil sa nalaman ko ang masakit na katotohanan na mayroon na siyang iba. Ang buong akala ko'y magiging madali lang ang lahat kapag bumalik ako rito pero isa 'yong malaking pagkakamali. Ang akala ko'y sapat na ang lakas na nalikom ko sa loob ng anim na taon pero bakit pinaghihinaan ako ng loob na 'yon?

Nang dahil lang ba sa pag-ibig ay hahayaan kong magwagi si Memo? Nakasalalay sa akin ang kinabukasan ng sangkatauhan.

"Sigrid?" tawag sa'kin ni Ruri.

"Ruri..." hindi ko alam kung bakit sunud-sunod na pumatak 'yung luha sa aking mga mata. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko pero ngayon hinayaan ko 'yung sarili ko na ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"U-umiiyak ka ba?" tanong ni Ruri at kaagad niya ulit akong niyakap. "A-alam ko kung bakit kahit hindi mo sabihin. Pero sana hindi 'yon maging dahilan para panghinaan ka ng loob."

Bumitaw ako sa kanya at pinahid ang luha ko. Sunud-sunod akong umiling.

"I know. I made a decision that I will stop Memo at any cost."

"He's planning something, hindi 'yon basta-basta. These past six years he's been preparing this institution. What should we do?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya, "Sa ngayon kailangan nating mag-isip at maghintay. Kikilos lang tayo kapag umalis si Memo sa lugar na 'to."

*****

LUMIPAS ang tatlong araw ang pagkakakulong ko rito sa tinatawag nilang Bastille, isang underground prison cell na sinadyang nilikha ni Memo para sa katulad namin ni Ruri na nagbabalak ng rebolusyon. I can still sense Memo's presence in the institution kaya hindi ako gumagawa ng kahit anong hakbang at hinihintay ang tamang pagkakataon ng pagkilos.

Nakapikit ako habang nakaupo sa malamig na sahig, nakikita ko gamit ang remote viewing mula sa perspective ng ibang mga tao sa institution ang mga pangyayari sa itaas. Nakita ko si Memo, nasa kanan niya si Rare at ang kanyang board members na naglalakad papuntang labas kung saan naka-abang ang mga sasakyan.

Nang makasakay at makaalis sila'y napadilat ako.

"Ruri!" tawag ko sa kanya at narinig ko ang kanyang kadena palapit sa'kin. "Memo's gone, it's time."

"P-paano tayo makakatakas dito?" tanong niya.

"I'll control someone." Pumikit ako at naghanap ng taong pwedeng makontrol mula sa itaas, at nakita ko ang isang Memoire staff na naglalakad malapit sa elevator. Nagawa ko siyang makontrol at kaagad na inatasan na pakawalan kami mula rito ng walang inaalertong ibang mga tao.

Naghintay kami ng halos isang oras bago bumukas ang pintuan ng aming selda, nahati 'yon sa gitna at tumabad sa'min ang nakasisilaw na liwanag mula sa labas. Kontrolado ko pa rin ang staff at kaagad niya kaming pinakawalan ni Ruri.

Halos mangiyak-ngiyak si Ruri nang matanggal sa kanyang mga paa ang kadena. Ako naman ay tinanggalan ng posas.

"What now?" tanong ni Ruri at ngayon ko lang nakita ng mas maliwanag ang kanyang itsura, lagpas bewang na ang kanyang buhok at sobrang laki ng kanyang ipinayat.

Subalit pag-apak namin sa labas ng aming selda'y biglang tumunog ang alarm. Naging mapula ang paligid at tumunog ang sirena.

"Let's run for now!" sigaw ko.

Tumakbo kaming dalawa ni Ruri habang naalarma ang buong institution. Sumakay kami ng elevator at kusa 'yong huminto sa isang palapag na may letrang 'B'.

"Oh no, not the Beehive!" bulalas ni Ruri at napatingin ako sa kanya. "It's a secret research facility of Memoire!"

Huli na nang bumukas ang pinto ng elevator at tumambad sa'min ang sangkatutak na Sentinels sa floor na tinatawag ni Ruri na Beehive.

"Freeze!" utos ng isa sa mga 'to habang nakatutok sa'min ang mga baril nila.

Tama nga si Ruri na isang research facility ang Beehive dahil sa moderno nitong disenyo, nakita ko rin na may mga nagmamasid sa'ming mga scientist na naka-uniporme ng puti, huminto sa kanilang mga ginagawa dahil sa nilikha naming komosyon.

"I said Freeze!" muling sigaw ng Sentinel subalit hindi ako nagpakita ng kahit na anong takot.

Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang beses akong humarap sa kamatayan, I've been at war and war made me who I am today, a fearless woman who will do anything to protect what's important.

Kinasa nila ang kanilang baril nang humakbang ako ng isang beses, narinig ko ang mahinang pagtawag ni Ruri subalit hindi ko siya pinansin. Dahan-dahan akong lumabas ng elevator habang nakatutok silang lahat sa'kin.

"Put your guns down." Malumanay kong utos sa kanila at walang hirap na sinunod nila ako kahit na kita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha, they're wondering why they followed my command.

Lumingon ako kay Ruri at sinenyasan siyang sumunod sa'kin.

"Padaanin niyo kami." Utos ko sa kanila at isa-isa silang nagsihawian para bigyan kaming daan. Naglakad ako at muli kong nilingon si Ruri na nag-aalinlangan na sumunod sa'kin.

Habang naglalakad ay nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga staff, hindi ko sila pinansin dahil alam kong wala naman silang magagawa laban sa akin. Bago kami tuluyang makalayo sa mga Sentinels na narito sa Beehive ay muli ko silang nilingon.

"Freeze." There's magic in my words and they all did what I said. Hindi sila gumalaw, hindi na nila kami sinundan.

"K-kaya mo ring kumontrol ng tao?" narinig kong tanong ni Ruri sa'kin habang nasa likuran ko siya't hinanap ko ang hagdanan papuntang ground floor.

"Oo, kaya kong kumontrol ng maraming tao katulad ni Memo."

"Then I understand why he fears you." Sabi ni Ruri at hindi ko na lang muna 'yon binigyan ng pansin.

Natagpuan namin ang hagdanan at dinig pa rin sa buong institution ang red alert at warning na may dalawang prisoners ang nakatakas. Nang makaakyat kami'y tumambad sa'min ang parking area na sa palagay koy' para sa mga staff ng Memoire.

"Wait!" may sumigaw sa aming likuran.

Parehas kaming tumigil ni Ruri sa aming paglalakad upang lumingon. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Richard?" tawag ko sa kanyang pangalan.

"I-it's true that you're still alive," hindi nakatakas sa aking paningin ang pangingilid ng mata ni Richard. Hindi niya malaman ang gagawin, hindi rin niya alam kung anong sasabihin sa sobrang pagkabigla. Hindi ako nag-aksaya ng oras at humakbang ako palapit sa kanya.

"We need your help, Richard," direkta kong sabi sa kanya. "We need to escape."

"I-I... I d-don't know." Nangangatal na sabi ni Richard at akma niyang hahawakan ang aking pisngi nang makarinig kami ng mga yabag papunta sa'min.

"Sigrid, anong ginagawa mo?" it's Annie and beside her is Kero, maaaring narinig din nila ang pag-alarma kaya sila narito ngayon. "At... Ruri?!"

"Annie, wala na tayong dapat oras na aksayahin, kailangan na nating tumakas ngayon na!" giit ko sa kanilang dalawa ni Kero subalit kita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata.

"Sorry, Sigrid ha," itinaas pa ni Annie ang isang kamay. "Pero anim na taon kang nawala, at ngayon bumalik ka para gawin ang isang bagay na maaaring ikapahamak ng buhay namin! We can't escape Memo and this damn place!"

"Annie, kahit hindi mo sabihin sa'kin ay alam kong mas nag-aalala ka sa buhay ng anak ninyo ni Kero, pero hindi ka ba dapat mas mabahala sa kung anong pwedeng mangyari sa oras na magtagumpay si Memo sa mga masamang binabalak niya? Memo will dominate the world using Peculiars, and your daughter is not an exemption." Sabi ko sa kanya.

Hindi nakasagot si Annie at nagkatinginan lamang sila ni Kero. Halatang naguguluhan sila at tinitimbang ang desisyon na ginagawa sa kanilang mga isip.

"There's no time to think about that, we need to go," pare-parehas kaming nagulat sa mga bagong dating.

"Isagani! Zia!" bulalas ni Ruri nang makita sila na kararating lang, karga ni Isagani ang anak nila at karga naman ni Zia ang anak nila Annie.

"Isagani, anong binabalak ninyo?!" nag-panic si Kero at kaagad na lumapit kay Zia para kuhanin ang anak niyang si Jinnie mula rito. "Nahihibang ka na ba?!"

Inabot muna ni Isagani kay Zia ang anak nila bago sagutin si Kero, "We fear Memo for the past six years and this is our only chance to get away. This is not only for our sake and but also for our children."

Nagtagpo ang tingin namin ni Isagani at hindi ko pa rin maiwasang masaktan na makita siya na kasama ang kanyang sariling pamilya, sumisikip pa rin ang dibdib ko pero pinilit ko 'yung indahin dahil mas mahalaga ang misyon ko. Humakbang siya palapit sa'kin.

"We will follow Sigrid." Sabi niya habang direktang nakatingin sa'kin kahit na hindi ko alam kung bakit niya 'yon sinabi. Parang noong isang araw lang ay sinabihan niya 'ko na wala ng pag-asa para mabago ang mga pangyayari at heto nasa harapan ko siya ngayon.

Sigrid, don't let your feelings get in your way.

"I know a place where you can go," biglang nagsalita si Richard at tumingin kami sa kanya. "May rest house kami sa Sta. Helena, pwede kayong magtago roon pansamantala. Here's the key of my car. Pumunta kayo sa Daambakal station, iwan niyo ang sasakyan at sumakay kayo ng tren papuntang Sta. Helena. Ito ang address," may sinulat si Richard sa isang maliit na papel, iinabot niya sa'kin 'yon pati ang susi ng sasakyan ng bahay. Tinanggap ko 'yon.

"You're not going with us?" tanong ko at umiling siya.

"I can't leave my dad here," sagot ni Richard. "Now, go!"

Kumilos kami at kaagad na sumakay sa sasakyan na itinuro ni Richard. Ibinigay ko kay Isagani ang susi at siya ang nagmaneho. Nang makasakay kami ay kaagad na humarurot ang sasakyan palabas ng institution.

"Malalaman 'to ni Memo kaagad, maya-maya lang ay sigurado akong hinahabol na nila tayo ulit!" bulalas ni Ruri sa loob ng sasakyan.

"Don't worry too much, Ruri," sabi ko. "Memo still doesn't know what happened. We still have a time to hide."

I can assure because I'm watching him from afar. Masyadong busy si Memo sa business niya sa Sentral City, may importante siyang meeting sa isang politician at kung tungkol man saan 'yon ay tiyak kong may kinalaman 'yon sa engrandeng plano niya.

Tumahimik ang lahat habang bumabyahe. Nasa passenger seat si Kero, nasa likuran ng sasakyan si Ruri, Annie at anak niyang si Jinnie. Kami ni Zia ang nasa gitna habang kalong niya ang kanyang anak.

"What's her name?" tanong ko kay Zia at nakita kong medo nagulat siya.

"Beatrice."

"That's a beautiful name," sabi ko habang pinagmamasdan ang nahihimbing niyang anak. "She'll grow up beautifully as you."

"T-thank you."

Hindi na ako nagsalita pang muli. Sa loob ng anim na taon, inakala nila na patay na ako at hindi ko masisisi si Isagani kung matututo siyang umibig sa iba. Kung ito talaga ang nakatadhanang mangyari katulad ng sinabi niya noon, malugod ko itong tatanggapin—kahit na masakit.

*****

LUMIPAS ang halos apat na oras na byahe at narating namin ang istasyon ng Daambakal papuntang Sta.Helena, bitbit lamang ang aming mga sarili. Ang plano ko'y kapag nakarating kami sa rest house nila Richard ay tsaka ko sasabihin sa kanila ang mga totoong nangyari sa'kin at uumpisahan namin ang pagpaplano kung paano mapipigilan si Memo.

Nakasakay na kami sa loob ng tren at naghihintay 'yon na umandar nang magsilabasan ang mga pasahero sa hindi malaman na dahilan, tahimik sila at kapansin-pansin ang mala-robot nilang galaw. Naalarma kaming lahat dahil may hindi nangyayaring tama.

Para akong tinamaan ng kidlat. Napatayo ako bigla at nagulat sila.

"Sigrid?" tawag ni Ruri sa'kin.

"H-he's here!" bulalas ko.

Memo tricked me! He sent a false image of himself meeting a politician; instead he's been waiting here all along! He knew we'll escape!

"Umalis na tayo rito!" sigaw ko sa kanila at kaagad silang kumilos.

Bumaba kami ng tren subalit huli na ang lahat. Napapaligiran na kami ng mga Sentinels, wala ng mga sibilyan ang narito dahil kinontrol silang paalisin sa lugar na 'to. Nakita ko si Memo nagkukubli sa kanilang likuran na tila isang 'puppet master' na kumukontrol sa kanila.

"I told you before that you cannot escape me." Narinig namin ang nakahihindik na boses ni Memo. "Nice try, Sigrid. But this time, you failed again."

Nagkuyom ang dalawa kong palad nang marinig siyang humalakhak na parang demonyo.

"Kung talagang gusto niyo ng kalayaan, isang klase ng kalayaan lang ang maibibigay ko sa inyo—isang kamatayan!"

Nagpaulan ng bala ang mga Sentinel pero kaagad 'yong sinalag ni Kero gamit ang kanyang Telekinetic powers. He holds the bullets in the air and he turned it back to the Sentinels, some of them were shot down dead.

"Ha! Anong akala niyo, malakas yata ako—" biglang may tumamang bolang apoy kay Kero kaya napasigaw kaming lahat.

Nanggaling 'yon kay Rare! Naroon siya sa tabi ni Memo at biglang umabante para umatake.

"Kero!" sigaw ni Annie at tila naging halimaw siya at hinablot niya ang bench sa gilid at hinagis 'yon kay Rare subalit pinasabog lamang 'yon ni Rare sa ere gamit ang kanyang apoy. Dinaluhan ni Annie si Kero pagkatapos.

'Ruri!' tinawag ko si Ruri sa'king isip. 'Use your invisibility powers to keep the children safe!'

'P-pero paano kayo?' narinig ko ang pagsagot ni Ruri sa kanyang isip.

'We'll face Memo here and now.'

Narinig ko bigla ang malakas na pag-iyak ni Annie, at nakitang inaalo niya si Kero na may matinding tama sa sikmura.

"Hayop ka, Rare!" sigaw ni Annie. "Hayop ka!"

Hindi na gumagalaw si Kero at bigla akong nanghina. Nagkukumuyos ang kalooban ko't akma kong lalapitan si Rare subalit para siyang duwag na tumakbo pabalik sa likuran ni Memo, ang kanyang amo, kontrolado siya nito na parang puppet.

"Kero!" kahit anong pagtawag ni Annie rito'y hindi na 'to gumagalaw. Nangilid ang luha ko sa nasasaksihan.

"Do you ever wonder why Rare is following me like a dog?" sabi ni Memo. "Because he's too smart and like Ruri he will betray me too. To prevent that, I shut down his mind in order to be mine. Do you want a demonstration? Lick my shoes, Rare."

Rare, being mindless, followed his command. Damang dama ko ang galit sa aking puso, ngayon ko lang 'to naramdaman dahil sa kasamaang ginagawa niya sa mga kaibigan ko.

"Kaya maswerte kayo, Annie, Kero, Isagani, at Zia, hindi ko na kinailangang patayin ang mga isip ninyo at maging aso ko dahil alam kong takot kayo sa akin, alam kong susunod kayo sa mga gusto ko." Sa sinabi ni Memo ay parang lalo akong sasabog sa galit.

"Memo—"

Hahakbang pa lang ako palapit sa kanya subalit hinarangan ako ni Isagani.

"We were your dogs too," walang takot na sabi ni Isagani. "You're right about that, we're scared of you because you're too powerful. But now Sigrid came back, alam kong mapipigilan ka niya dahil iyon ang mga nakatakdang nangyari sa hinaharap."

Kitang kita ko na hindi nagustuhan ni Memo ang sinabi ni Isagani at naglaho ang mala-demonyo nitong ngiti.

"I guess you're not that powerful because you haven't noticed that I've been fooling you all this time, brother," patuloy na sabi ni Isagani at walang pakialam sa kung ano mang maaaring gawin ni Memo sa kanya. "Ginagamit mo ako at ang kapangyarihan ko para makita ang hinaharap pero hindi mo alam na natutunan kong itago ang mga totoong mangyayari sa hinaharap. My dear brother, the truth is, what I saw in the future is Sigrid will stop you."

"Kung gano'n ay hayaan mong isunod kita sa kapalaran ni Rare—"

"No need to do that, Memo."

"I-Isagani!" hindi ko mapigilang mapasigaw nang makitang naglabas siya ng baril at itinutok 'yon sa kanyang sentido.

Bigla siyang humarap sa akin, "Sigrid, gusto kong malaman mo na hindi ka nawala sa puso ko kailanman, kahit na kinumbinsi kami ni Memo na patay ka na, nanatili kang buhay dito." Itinuro niya 'yung puso niya at biglang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Parehas kami ni Memo na hindi napaghandaan ang mga pangyayari sa sobrang bilis. Pumutok ng malakas ang baril, nagkalat ang dugo, at bumagsak siya sa sahig.

Memo and I are both astounded on what we saw. Sumunod ulit ang isang malakas na tunog mula sa baril at nakita kong natamaan si Memo sa balikat. Rare quickly rescued him and threw a ball of fire behind my back. Sunod na bumagsak sa sahig ay si Zia, siya ang bumaril kay Memo at natamaan siya ng bolang apoy ni Rare sa kanyang dibdib.

Para kong nanigas na yelo sa aking kinatatayuan, si Memo'y mabilis na nilikas ng kanyang mga tauhan dahil sa tamang nakuha niya. Habang ako'y nakatulala at nakatingin sa kanilang mga katawan na wala ng buhay.            

Continue Reading

You'll Also Like

75.9K 7.7K 29
Despite fame and success, Louella Starling is in deep melancholy for she believes that she's an impostor. One day she discovered that there's a mysti...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
171K 10.3K 33
Bloodline Series, Book #2 || She fought and traveled for weeks to find the truth, but she didn't know that her return to her real home meant one thi...
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...