Remembering Apolinario Gomez...

By reviwrites

10.3K 456 131

A girl torn between moving on because of betrayal of her boyfriend and best friend. But what if someone will... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue

Chapter 2

949 42 15
By reviwrites


Maaga akong nagising ngayon. Mahaba na rin ang naging tulog ko. Sa school ko na lang gagawin yung mga hindi ko pa natapos na assignments.

Mabilis akong naghanda para sa pagpasok. Ayoko naman na ma-late kay Ma'am, tama na yung isang beses niya akong pinahiya. Sabi nga nila, "Once is enough. Twice is too much."

Naglalakad ako sa school ng bigla akong tinabihan ni Pau.

"Good morning Lia." Kapag ganito ang mood niya sigurado akong masaya 'to.

"Good morning din Pau. Ang saya mo ata ngayon?" Minsan kasi nakaka-curious na yung pranka at masungit mong kaibigan ay bigla na lang sasaya.

"Wala lang. Feeling ko magiging masaya ang araw na 'to. Nararamdaman ko talaga." Ang weirdo naman nito. Hindi naman ganito ugali niya.

Ang tagal ng oras. Pagtingin ko sa relo ko ay 9: 30am pa lang. Dalawang teacher na rin ang lumabas sa room na 'to. Pangatlo na yung nagtuturo ngayon. Medyo nakaka-bored lang kasi History ang subject. Puro date, places, names and events. Kailangan mo i-memorize 'to, i-memorize 'yan. Nakakapagod kaya.

"World War II also known as Second World War and WWII, ay isang pang-global war na tumagal ng anim na taon. Nagsimula ito ng 1939 hanggang 1945, pero yung mga problema at conflicts ay nangyari na before the war started. Kasama na sa World War II ang iba't-ibang bansa kasama yung may malalakas na kapangyarihan . No'ng lumaon nagkaroon ng dalawang panig, ito ang Allies at Axis." Nakakaloka. Kaya ayoko sa history. Duduguin ang utak ko mas okay pa ang English and Science.

"Isang daang milyong katao ang nadamay sa digmaan na ito." Bago pa madugtungan ang sasabihin ni Sir para sa topic na 'to ay narinig na namin ang tunog ng bell. Pagkalabas ni Sir ay kanya-kanyang unat ng mga kamay at hikab ang mga classmates ko. Yes, tapos na rin.

"Lia, tara punta na tayong canteen." Aya sa 'kin ni Pau.

"Ano Pau? Nakausap mo na ba siya? Pumayag ba?" Tinatanong ko yung tungkol sa plano namin para makausap ko si Josh.

"Hindi ko na siya tatanungin lero sigurado akong makakapag-usap kayo mamaya. H'wag mo na 'yang problemahin. Tara kain na tayo?" Malamang magagawan niya talaga 'yan ng paraan. Isa kaya si Pau sa mga magagaling na theater actress sa school laging read role ang nakukuha niya.

"Sige, tara na Pau? May tiwala naman ako sa 'yo." Sinimulan na nga naming maglakad papuntang canteen.

"Ang pogi no'ng transferee."

"Sana maging kaklase ko siya."

"Nakita niyo na?"

"Oo, pero mukhang hindi ata 'yon papasok ngayon."

"Dumaan lang daw kanina sa Administration Office. Tapos may iilang nakakita."

"Excited na akong pumasok siya. Kahit half na ng year na lang yung natitira."

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa kung kani-kaninong tao. Masyado talagang big deal at trending sa mga kababaihan yung transferee. Nakakairita kaya.

"Order na tayo Lia." Aya sa 'kin ni Pau.

"Tara. Anong kakain mo?" Tanong ko sa kan'ya.

"Siguro magsandwhich na lang ako ngayon. Ikaw?" Wow! Diet ata ngayon sa pagkain? Baka pinaghahandaan din yung transferee?

"Pizza and spaghetti tapos baka magdagdag ako ng fries." Sabi ko kay Pau.

Pagkabigay sa 'min ng order namin ay umupo na kami sa pandalawahang table. Patapos na akong kumain pero siya ay nakalalahati pa lang.

"Ano ka Pau? Super diet? Baka pinaghahandaan mo rin yung pagdating ng transferee?" Tanong ko sa kan'ya. Nakaka-curious kaya. At imbis na sagutin ako ay tinaasan lang ako ng kilay. Wow.

Nang matapos kami kumain ay agad din kaming bumalik sa klase. Ayaw namin na nale-late, in short, ayaw namin ng atensyon. Gano'n naman 'yon diba? Kapag na late ka nasa 'yo lahat ng atensyon. Gaya ko kahapon.

Ilang oras ang lumipas nang marinig ko yung tunog ng bell. Syempre nag-ayos muna kami ng mga gamit namin at nagpa-late kaming lumabas ni Pau. Nang makalabas na silang lahat ay pinuntuhan ko si Pau sa upuan niya.

"Oh, ano na Pau? Matutuloy pa ba?" Tanong ko.

"Excited? Wait lang ah. Sa rooftop ka na pumunta. Sigurado akong mapapapunta ko siya ro'n." Sana mapapunta mo nga Pua. Sana.

"Oh, sige basta sabi mo 'yan ah? Bye, see you bukas." Tapos hinalikan ko siya sa cheeks.

Sana magwork 'to. Alam kong masasaktan ako pero ginusto ko 'to.

Naglalakad na ako ng hagdan paakyat ng rooftop. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Sana ito na yung makapagpapatahimik sa 'kin. Pagkabukas ko ng pintuan ay wala akong nadatnan na tao. Siguro maaga lang ako sa kan'ya.

Pumwesto na ako sa bench pero bago ako umupo ay sumilip muna ako sa baba. Gaya pala ng mga nagsuicide, na tumalon sa building ay siguro maihahalintulad ko sa sitwasyon ko. Kapag kasi may problema ang isang tao ay mahihikayat itong tumalon sa ibaba. Parang sa love, hihilain ka ng sitwasyon para mahulog ka sa isang tao. Pero ang pinagkapareho lang ng dalawang bagay ay kapag nahulog sila siguradong pareho silang masasaktan. Ang pinagkaiba nga lang nila ay kapag nahulog ka sa building ay mamatay ka hanggang do'n lang ang sakit. Sa mga katulad ko naman na nahulog sa maling tao ay patuloy lang ang sakit hanggang sa hindi ka pa nakakamove on.

Ilang sandali pa bago ko na rinig na may magbukas ng pintuan. Alam kong si Josh iyon dahil alam ko ang pabango niya. Nararamdaman ko.

"Pau? Pau? Saan ka?" Tanong niya. Hindi niya pa ata ako nakikita.

"Josh. Wala si Pau." Sagot ko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Ewan ko kung bakit ganyan yung reaksyon niya. Ayaw niya siguro ako makita.

Tinalikuran niya ako at pumunta sa pinto. Nawawalan na ako ng pag-asa na maka-usap ko siya. Bubuksan na niya sana pero nakailang pihit na siya ay hindi pa rin ito bumubukas. Kinalampag niya na rin.

"Josh. Trap ata tayo?" Gusto ko siya bigyan ng idea.

""Ano pa nga ba?" Walang gana niyang sagot. At umupo sa bench katabi ko pero malaki ang pagitan.

"Josh, gusto sana kita makausap. Siguro para sa 'yo okay na lahat. Pero paea sa 'kin hindi pa. Marami akong tanong at gustong malaman." Gusto kong malaman lahat, pwede ba 'yon?

"Wala na akong magagawa. Sige." Ganyan ba siya makikipag-usap? Nakakainis.

"Sana seryosohin mo 'tong usapan natin Josh. Nagmamakaawa ako." Mababakas sa boses ko ang pagmamakaawa. Lahat gagawin ko.

"Okay. Magseseryoso ako lahat pakikinggang ko. Lahat sasagutin ko." Buti naman Josh.

"Bakit? Josh bakit? Almost two years Josh pero anong ginawa mo? Sinayang mo. Niloko mo ko. Sa harap ko mismo kayo naghalikan. Hindi pa ba sapat yung pagmamahal ko? Saan ako nagkulang Josh? Nakakasawa ba 'ko? Nakakapagod ba akong mahalin? Kasi ang sakit-sakit. Lahat na ng dahilan ay sumagi sa isip ko para lang masagot yung tanong ko pero kahit anong sagot ang ibigay kosa sarili ko hindi sapat. Dahil hindi ako ikaw. Hindi 'yon yung sagot mo. Mahal mo ba ako Josh?" Pagkasabi ko pa lang ng bakit ay nagsuunahan nang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit pa rin pala.

"Minahal kita Lia. Sa 1 year and 11 months ay naging masaya aki sa 'yo Lia. Seryoso. Pero alam mo ba yung pagkagising mo wala ka nang nararamdaman? Yung tipong nafall-out of love ako sa relasyon natin. At hindi ko intensyon 'yon lalong lalo na ang saktan ka." Maniniwala ba ako?

"Lahat ba nang sinabi mo sa 'kin noon at ngayon ay totoo? Yung mga ginawa mo?" Ito yung gusto mo Lia. Masaktan ka kung masasaktan. Ginusto mo 'to.

"Totoo 'yon lahat pero ayoko na. Hindi na kita mahal. Hindi na." Ang sakit Josh. Ang sakit. Bakit gan'yan ka?

"Kanino? Inakit ka ba niya? Paano?" Kapalit-palit ba ako?

"Wala siyang ginawa Lia. Wala. Sadyang bigla siya na lang yung mahal ko. Explaining how you fall in love to someone aren't explainable. Alam mong hindi ko magagawang magsinungaling sa 'yo." Totoo. Siguro totoo nga.

"Yung babae ba na hinalikan mo? Siya ba?" Shit. Hindi nyiya ako girlfriend pero kung makapagsalita ako akala mo girlfriend niya.

"Hindi Lia. Ginamit ko lang siya para magkaroon tayo ng dahilan para makapagbreak." Wow. Hindi ka gan'yan Josh. Hindi ikaw 'yan. Sinampal ko siya.

"Sana sinabi mo na lang. Hindi yung gumamit ka pa ng iba. Grabe, sana ako na lang. Gan'yan mo siguro siya ka mahal." May bahid ng galit at sarkastiko kong sabi sa kan'ya. "Pero gusto kong malaman kung sino? Pagkatapos nito ay wala na. Ayoko na." Dugtong ko ng may halong pagmamakaawa.

"Si Pauline. Oo, si Pau. Bigla na lang akong na inlove sa kan'ya. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko sinasadya." Hindi ko na nakayanan kaya umalis na ako.

Pagkababa ko ng hagdan ay natanaw ko na agad si Pau na naghihintay.

"Lia, ano nangyari? Okay ka na ba, kayo? Nakapag-usap na ba ka-" Hindi ko na siya pinatapos at binigyan ng isang malakas na sampal. Hindi siya makagalaw.

"Lia bakit?" Tanong niya.

"Hindi mo alam? Isang tanong Pau. Alam mo bang mahal ka ni Josh? Alam mo ba?" Sigaw ko sa kan'ya. Galit na galit ako.

"Magpapaliwanag ako Lia." Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya.

"So, alam mo nga? Pasabi-sabi ka pa na Lia magmove on ka na manloloko si Josh. Na Lia magmove on ka na hindi ka na niya mahal dahil alam mong mahal ka niya? Wow. Theater actress ka nga pala kaya hindi ko agad nalaman. Kaya pala napasunod mo si Josh na kausapin ako sa rooftop. Nakakadiri ka. Matalik mong kaibigan pero ginaganito mo. Matalik nga ba? Manloloko ka. Kinasusuklaman kita. Tandaan mo 'yan. H'wag na h'wag mo na kong lalapitan at kakausapin." Tutuldukan ko na ang pagkakaibigan namin. Wala akong kaibigang gaya niya.

"Lia magpapaliwanag sabi ako!" Sigaw niya sa 'kin.

"Sorry pagod ako and I don!t really need your explanation. Tinago mo ng matagal. Niloko mo ako. Kaya anong silbi ng explanation mo?" Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako. Tinatawag niya pero hindi na ako lumingon pa. Pagod na ako.

Sa sobrang pagod at pagmamadali ko ay hindi ko namalayan na may tao pala at nabangga ko 'to.

"Sorry 'di ko sinasadya." Ako na humingi ng tawad para matapos na agad.

"Kailangan mo ata ng panyo? Ito oh." Sabay lahad niya ng kamay na may nakalagay na panyo.

"Thank you pero aalis na ako." Tapos tumakbo na ako palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.8M 75.1K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
39.3K 823 40
Do not judge a bitch by their appearance. Know their story first. Every bitch has their own stories find out why they turned out to be one © teafairy...