Dating My Sister's Idol (The...

By jglaiza

1.9M 46.6K 3K

The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siy... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Epilogue
Special Chapter

Twenty-Nine

31.5K 790 31
By jglaiza

Chapter 29
Come Back

**

Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang sagutin ko si Hero. So far, maayos pa rin naman ang lahat. Mukhang ayos lang naman sa mga fans ni Hero na may girlfriend siya. Anyway, wala naman silang magagawa, eh. It's Hero's choice and they can't do anything about it.

Day-off ko ngayong araw na ito at kasalukuyan kong hinihintay ngayon si Hero sa garden ng bahay namin. Ngayon kasi namin naisipang pumunta sa amusement park. It's going to be our first date as a couple. Buti na lang at nataong weekday ang day-off ko ngayon kaya siguradong hindi ganoon karami ang tao sa pupuntahan namin.

Dapat ay noong nakaraang day-off ko kami pupunta kaso siya naman ang may trabaho. Ngayon lang nagkatugma ang oras namin kaya ngayon kami pupunta. And I'm really excited to be with him.

Mga ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan sa labas. Nagbabakasakali akong si Hero na iyon kaya bago pa man siya makapag-doorbell ay binuksan ko na ang gate. At hindi nga ako nagkamali. Saktong pagbukas ko ng gate ay nakita kong kabababa lang niya mula sa kotse niya.

He smiled when he saw me. Ngumiti rin ako at agad siyang sinalubong. Hinalikan niya ako sa pisngi nang makalapit ako.

"I'm sorry. Did I keep you waiting?" he asked.

Umiling ako. "I'm just excited to see you and be with you."

Nahalata ko agad ang pagpipigil niya ng ngiti. Napangisi ako. Alam ko na 'yong ganyan. Kapag nagpipigil siya ng ngiti, ibig sabihin, kinikilig siya. Hindi niya alam, gawain ko rin iyan kapag kinikilig ako.

Tumikhim siya. "I think I need to greet your parents first before we go."

"Okay. Magpapaalam na rin ako," sagot ko. Pagkatapos no'n ay magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay para magpaalam kina Mommy at Daddy.

Pagkatapos naming magpaalam kina Mommy ay umalis na rin kami. Mga ilang sandali lang ay nasa biyahe na kami papunta sa Enchanted Kingdom. Mainit pa ang sikat ng araw ngayon dahil katatapos lang ng tanghalian.

Speaking of tanghalian, nilingon ko si Hero para tanungin siya kung kumain na ba siya. Baka kasi mamaya, himatayin siya dahil sa gutom at pagod. Nakakapagod pa naman ang gagawin namin mamaya dahil sigurado akong marami kaming rides na sasakyan.

"Kumain ka na ba?" tanong ko. Sinulyapan niya ako saglit bago siya bumaling sa harap.

"Yes, baby. Alam ko namang magagalit ka kapag hindi ako kumain."

"Good," sagot ko.

Lagi ko kasing pinapaalala sa kanya na kumain dahil nalaman ko noong nakaraang linggo kay Kuya Kevin na minsan daw ay hindi kumakain si Hero kapag nasa trabaho. Nang kausapin ko si Hero tungkol doon ay sinabi niyang nakakalimutan daw niya. Kaya ayun, madalas ko nang ipaalala sa kanya na kumain lalo na kapag alam kong may trabaho siya.

He suddenly took my hand and kissed it. Pagkatapos no'n ay hindi na niya iyon binitiwan. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakangiti siya. I suddenly wondered what he's thinking.

"Why are you smiling?" I asked.

"Nothing. I'm just happy. Ang tagal na rin kasi mula nang maramdaman kong may nag-aalaga at nag-aalala sa akin. Ngayon na lang ulit may nagpapaalala sa akin na kumain sa tamang oras," aniya. Sakto namang huminto kami dahil sa traffic light kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para tingnan ako. "I'm really glad I fell in love with you."

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Ngumiti na lang ako. Pero sa totoo lang, masarap din kasi sa pakiramdam 'yong may inaalagaan. Lalo na kung mahal na mahal mo ang taong inaalagaan mo. At hinding-hindi ako magsasawang alagaan siya.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Bago kami bumaba ng sasakyan ay binigyan ako ni Hero ng black cap. May naka-embroidered doon na kalahating heart. Isinuot niya iyon sa akin at isinuot niya rin ang sa kanya.

"Couple cap," sabi niya na siyang ikinangiti ko. Hindi ko alam na okay pala siya sa mga ganitong bagay. Sa susunod, bibili ako ng couple shirt namin para maisuot namin sa susunod naming date.

Bumaba na kami ng sasakyan pagkatapos no'n. Magkahawak-kamay kaming pumunta sa entrance para bumili ng tickets. Habang papunta kami roon ay napansin kong may mga napapatingin sa amin. Malamang ay nakikilala nila si Hero. Wala namang lumalapit kaya hindi ko na lang sila pinansin. Mas gusto kong mag-focus sa date namin ni Hero.

Pagpasok namin ay nilingon niya ako.

"So, what do you want to ride first?" he asked.

Saglit akong nag-isip. "Hmm... Carousel?"

Tiningnan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala na iyon ang gusto kong sakyan. Tumawa siya namg mahina.

"Seriously? Carousel talaga? Ayaw mo ba sa ibang rides?"

Napanguso ako. "Carousel muna. Alam kong masyadong pambata pero gusto ko roon. Matagal na rin kasi akong hindi nakakasakay roon, eh. Bata pa ako noong huling sumakay ako roon. Mamaya na tayo sa mga nakakatakot na rides."

Tinitigan niya muna ako pero maya-maya ay napabuntong-hininga siya.

"You know I can't say no to you, right?" tanong niya na ikinalawak ng ngiti ko. Alam ko namang hindi niya ako matitiis, eh. "Okay. Carousel it is."

Iyon nga ang unang ride na sinakyan namin. Alam kong nahihiya siya habang nakasakay kami pero pinipilit niya iyong huwag ipahalata. He just took a lot of pictures of us. Hindi ko na nga alam kung anong itsura ko sa mga pictures na iyon.

Pagkatapos namin sa carousel ay niyaya ko naman siya sa Space Shuttle. Ang totoo niyan, hindi ko pa nasusubukang sumakay roon kahit na ilang beses na akong nakapunta rito. Wala kasi akong tapang na sumakay roon nang mag-isa. Ayaw naman kasi ni Andrea noon dahil natatakot daw siya. Pati sina Eunice at Sapphire, ayaw rin nilang sumakay.

Mabuti na lang at pumayag si Hero. Akala ko ay magiging matapang na akong sumakay dahil may kasama na ako pero nang magsimula nang umandar iyon ay parang lalabas na ang puso ko sa katawan ko dahil sa sobrang kaba. Sobrang higpit na nga ng kapit ko sa braso ni Hero dahil sa takot. Gusto ko na nga siyang sapakin dahil imbes na pakalmahin ako ay tinatawanan niya lang ako.

Nang matapos kami sa ride na iyon ay nagpahinga muna kami saglit sa isang bench. Ibinili niya ako ng tubig na agad ko namang ininom. Jeske! Nakaka-dalawang rides pa lang kami pero pakiramdam ko, nawalan na ako ng energy dahil sa Space Shuttle. Paano pa kaya mamaya sa Extreme Tower? Isa rin iyon sa kinatatakutan ko pero gusto ko pa ring subukan.

"Are you okay?" Hero asked.

"Do I look okay to you?" I asked. Inirapan ko siya nang tawanan na naman niya ako. "Nakakainis ka. Imbes na pakalmahin mo ako, tinatawanan mo pa ako. Nakakatakot kaya iyon."

Hinalikan niya ako sa sentido. "I'm sorry, baby. I just can't help it. Akala ko kasi hindi ka takot dahil ikaw pa ang nagyaya sa akin doon. Nagulat lang ako kasi takot ka pala. I'm sorry."

Napasimangot ako. "Hayaan mo na nga. Sumakay na lang tayo sa ibang rides."

"Okay ka na ba? Kaya mo na?"

"Yeah. Doon na lang muna tayo sa hindi masyadong nakakatakot," sabi ko bago tumayo. Tumayo na rin siya at sumunod sa akin.

Dinala ko siya sa Flying Fiesta. At least, hindi nakakatakot doon. Pagkatapos no'n ay niyaya ko naman siya sa Anchor's Away at Jungle Log. Dahil medyo nabasa na rin kami roon ay sumakay na rin kami sa Rio Grande. We actually tried it three times. Hindi kasi talaga nakakasawa roon.

Pagkatapos no'n ay sumakay naman kami sa Extreme Tower. At tulad sa Space Shuttle, habang paakyat kami ay sigaw na ako nang sigaw habang si Hero naman ay tinatawanan ako. I'm just thankful that he's not letting go of my hand. Kahit na sobrang higpit na ng kapit ko sa kamay niya ay hindi niya iyon binitiwan. Kaya nga kahit papaano ay nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

Nagpahinga ulit kami saglit pagkatapos naming sumakay roon. Grabe kasi talaga! Nakakaubos ng energy! Nakakanginig ng tuhod!

"Ano? Kaya mo pa ba?" natatawa niyang tanong habang umiinom ako ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin pagkainom ko.

"Tumigil ka na nga sa pagtawa," nakasimangot kong sabi.

Hinila naman niya ako palapit sa kanya at saka niyakap. Hinalikan niya ako sa noo habang tumatawa pa rin. Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib dahil sa inis. Hinawakan niya ang isang kamay ko saka niya ako hinila patayo.

"Come on. Let's eat first. Gumagabi na rin pero hindi pa tayo kumakain kahit merienda lang. Let's have an early dinner," he said. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya tutal nagugutom na rin naman talaga ako.

Siya na ang um-order ng pagkain namin habang ako naman ay naghintay sa mesa namin. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin ng pictures namin sa cellphone niya. Mga ilang sandali lang ay bumalik na rin siya dala ang mga pagkaing in-order niya.

Agad kong kinuha ang sa akin saka ko iyon nilantakan. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Tingnan mo nga. Nagugutom ka na pala, hindi mo sinasabi," aniya.

"Ngayon ko lang naramdaman ang gutom, eh," sagot ko bago kumain ulit. Napailing na lang siya bago nagsimulang kumain.

Habang kumakain kami ay pinag-usapan namin kung ano pang mga rides ang sasakyan namin. We'll try the horror house first then the Disk O Magic and the Ferris Wheel. Ayaw nga sana niyang sumakay kami sa Disk O Magic dahil baka mahilo lang daw ako at masuka pero pinilit ko siya. Sa huli ay pumayag na rin siya dahil hindi naman niya ako matitiis lalo na nang magpa-cute pa ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain at magpahinga saglit ay naglakad-lakad muna kami para magpababa ng kinain. Dahil gabi na ay wala nang masyadong nakakapansin kay Hero. Naka-cap din kasi siya kaya medyo natatakpan ang mukha niya. Makikilala lang siya kung tititigan talaga siyang mabuti. Anyway, kahit naman may makakilala sa kanya, mukhang mahihiya rin talagang lapitan siya dahil sabi nga niya, kasama niya ako.

Habang naglalakad-lakad kami ay napapahinto rin kami dahil maya't maya siyang nagyayayang mag-selfie. Ngayon ko na-realize na mahilig pala siyang kumuha ng picture. Hindi siya mahilig mag-selfie ng siya lang mag-isa. Gusto niya, kaming dalawa. Halos mapuno na nga ang memory card ng cellphone niya dahil sa dami ng pictures namin mula nang ligawan niya ako hanggang ngayong kami na.

Mga ilang sandali lang ay nagpasya kaming pumasok na sa horror house. Actually, takot ako sa multo pero hindi sa horror house. Alam ko naman kasing hindi totoo ang mga nasa loob.

Noong nagpupunta kami rito kasama ang mga kaibigan ko, lagi ko silang tinatakot kapag nasa loob na kami ng horror house at natatakot naman sila. Ngayon, gusto kong subukang takutin si Hero. I don't know if he's going to be scared but I think I should try. Ganti ko na rin kasi ilang beses niya akong tinawanan kanina.

Pagpasok namin sa loob ng horror house ay nagpanggap akong natatakot. Nakakapit ako sa braso ni Hero habang siya ay diretso lang na naglalakad. Kapag may nagpapakita ay kunwari akong tumitili habang siya ay nagugulat lang. Mukhang hindi naman siya natatakot sa mga nakikita niya. Dahil doon ay naisip kong gawin na ang plano kong takutin siya.

Nang may lumabas ulit na nananakot ay nagkunwari akong takot na takot at agad na tumakbo paalis. Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko at naramdaman ko ring tumakbo siya para sundan ako. Nang makita kong medyo nakalayo na ako sa kanya ay nagtago ako sa isang gilid. Maya-maya lang ay narinig ko siyang tinatawag ako habang palingon-lingon sa paligid.

"Brianna? Baby, where are you?" I heard him say. Palingon-lingon siya sa paligid na para bang hinahanap ako. "Shit!"

Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya. Halatang natatakot na siya. Mukhang takot nga siya sa horror house. Siguro sinusubukan niya lang na maging matapang kasi kasama niya ako at akala niya takot talaga ako.

Nang makita kong natatakot na talaga siya ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko saka ko siya ginulat.

"Boo!" sigaw ko sabay tawa. "Sabi ko na nga ba takot ka, eh! Nagtatapang-tapangan—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin. Nagulat pa ako dahil sobrang higpit ng yakap niya sa akin at napansin ko ring nanginginig siya. Is he really that scared?

"Hero?"

"Mabuti naman ayos ka lang. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo," sabi niya habang yakap-yakap pa rin ako. Bakas sa boses niya ang takot at pag-aalala. "I was so scared, baby. I thought I'd lost you."

Napakunot-noo ako. Akala ba niya natakot talaga ako kaya ako tumakbo paalis? Akala ba niya may nangyari na sa akin kaya hindi niya ako nahanap?

"Wait, Hero. Hindi naman talaga ako takot, eh. Ikaw nga itong tinatakot ko. Huwag kang mag-alala, okay? Maayos ako. Walang nangyari sa akin," sagot ko. Bigla siyang humiwalay sa akin sa pagkakayakap saka ako tiningnan.

"What? You were trying to scare me? You're not really scared?"

Tumango ako. "Sorry. Sinubukan ko lang kung matatakot ka kapag iniwan kitang mag-isa rito. Gusto ko lang malaman kung takot ka ba sa multo o hindi."

"Well, for your information, I was really scared. But not because of ghosts. I was scared you'll leave me alone," he said. Nahalata ko agad ang inis sa tono ng boses niya.

Natigilan ako. "H-Huh?"

"Noong nakita kong tumakbo ka palayo, natakot ako. Natakot akong baka iwan mo ako. Ang sakit makita kang tumatakbo palayo para iwan ako. I was really scared you'll leave me alone, Brianna. Pero biro mo lang pala iyon?"

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha. Kitang-kita ko ang inis sa mga mata niya na para bang nainis talaga siya sa ginawa ko.

Bakit ganoon? Bakit parang may iba pang meaning ang sinabi niya? Para bang ayaw na talaga niya akong mawala. Para bang ayaw na niyang magkahiwalay kami. Para bang natatakot siyang iwan ko siyang mag-isa.

Lumapit siya sa akin at saka niya hinapit ang bewang ko. Hinang-hinang isinandal niya ang noo niya sa balikat ko. Napabuntong-hininga siya.

"Don't do that again, baby. Even if it's just a joke, don't do it again. I don't want to see you running away from me. I don't want you to leave me alone without saying goodbye, without saying where you're going, without saying you'll come back. No matter where you go, please tell me you'll come back. Tell me you'll always come back."

Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko saka ko siya niyakap. Hinaplos ko ang buhok niya.

Napapikit ako. Bakit ko ba ginawa ito? Para gumanti sa kanya kasi tinawanan niya ako kanina? Kung alam ko lang na magiging ganito ang impact ng ginawa ko sa kanya, hindi ko na sana ginawa. Tinakot ko pa siya.

"I'm sorry, Hero. But don't worry. I won't do that again. I'm not going to leave you again. And if I'll leave, I'll always come back. I'll always come back for you, Hero. I promise."

Continue Reading

You'll Also Like

410K 6.1K 24
Dice and Madisson
994K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
5.1M 100K 42
Magkasama lang ang Book 1 and 2. Daphne Araneta left Chance Samaniego not because she wants to, but because she has to. Kaya ngayong bumalik na siy...
93.4K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...