Dating My Ex

By makiwander

1.2M 41.7K 5.5K

"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance More

Prologue
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Ex.5
Ex.6
Ex.7
Ex.9
Ex.10
Ex.11
Ex. 12
Ex. 13
Ex 14
Ex 15
Ex 16
Ex 17
Ex 18
Ex 19
Ex 21
Ex 22
Ex 23
Ex 24
Huling Kabanata

Ex.8

42K 1.9K 343
By makiwander


---

Fine.

Paulit ulit kong hindi matuloy ang pag-nguya dahil sa lalaking kaharap ko.

He's so... weird.

Titig na titig siya sa akin at parang gusto na akong kagatin imbes na ang hawak niyang shawarma ang kanyang kainin.

"Takam na takam ka na ba sakin?" Tanong ko kay Rye na ikinagulat naman niya. Pabebe siyang tunay. Yung mga tipo niya yung sunggab lang ng sunggab at walang palalagpasin, pero ngayon ay dinadaan niya lang ako sa ngiti. Napaawang pa ang kanyang mga labi at pagkatapos ay napapailing.

"You are so blunt.."

"Hindi naman, confident lang. Ano? Tama ang hula ko no? Nagagandahan ka sakin."

He shook his head again and took a bite of his food. Ginaya ko siya at kumagat ako nang mas malaki. Nagpabili ako sa kanya ng tatlong Turk's Shawarma dahil alam ko namang isang karangalan para sa kanya ang makasabay ako sa pagkain. He happily obliged. Hingan ko din kaya ng house and lot? Mukha namang ibibigay niya rin.

Wala pang ilang segundo ay muli niya akong nilingon at ngumiti na naman, pinagpaparangalan ang pantay pantay niyang ngipin. Tumikhim ako at uminom ng Buko Juice, kanina pa ako nagdududa sa kanya pero ayokong tanungin ang isang seryosong bagay. But he smiled again like he's pleased to see me, wala naman sigurong masama kung magtatanong ako.

"Ikaw ba ang nakakuha ng virginity ko?" I asked.

Halos maibuga ni Rye ang kanyang kinakain, nasamid pa siya na tila nalunok ang bato ni Darna dahil lang sa katanungan ko.

"No! Why did you ask that?" Tinatapik tapik pa niya ang dibdib niya na parang doon huminto ang ilang pirasong beef at pipino.

"May amnesia ako, Rye. No one knows, baka kasal pala tayo at hindi ko man lang alam." Kalmado kong paliwanag.

"And what makes you think that we are?"

"Kasi yung tingin mo, sobrang lagkit! Hindi naman sa ikaw ang unang tumigin sa akin ng ganon pero nakakaduda ka kasi! Do I know you? Come on, spill it."

He grinned sheepishly, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ngiti niyang yon, hindi ko alam pero matagal na ata akong hindi nababahagian ng ngiti dahil napakadamot ni Mikel. Sumandal si Rye sa kanyang upuan at pinag-ekis ang kanyang mga braso sa kanyang malapad na dibdib.

"And if we are, what will you do?"

"Siyempre hihingi ako ng ebidensya! Bago mo ako itira sa bahay mo at gawan ng kung ano-anong kahalayan, dapat may ebidensya!"

"Kahalayan agad? Umamin ka nga, gusto mo din akong tikman, no?" He said that habang kumi-kindat kindat pa! Napangiwi ako kasi nakakadiri! My ghad! What made him think like that? Napadumi ng isip niya! Nang tingnan ko siyang muli ay tatawa tawa pa siya, siguro ay nahalata ang pamumutla ko! Nataranta ako sa sasabihin.

"Patingin nga ng abs.." Hamon ko kasabay pagtakip ng bibig. "Wag mo nga akong binibigla ng mga tanong! Kung ano ano ang nasasabi ko! Come on. Sino ka ba? Kilala mo ba ako?"

"Ikaw si Gabby, di ba? Kakasabi mo lang kanina." His jaw moved sexily as his arm muscles flexed when he rested it on the table.

"Are you a part of my past?"

He shrugged, "Maybe? Or... Maybe not."

"Ang labo mo naman kausap e! Wag ka na ngang magsasalita, bilhan mo akong fishballs don saka gulaman tapos uuwi na ako pagkatapos."

Tatawa-tawang tumayo si Rye, punong puno pa din ako ng pagdududa sa katauhan niya habang tinitingnan ko siya papalayo. Hindi naman porket ganito katindi ang ganda ko, lalapit siya agad. Nakakaduda talaga. Pagbalik ni Rye, mayroon na siyang hawak na isang plastic cup na merong fishballs at squidballs, sa kabila naman ay plastic cup na merong gulaman.

"Teka, yung sawsawan ba nito—"

"Mixed, spicy and sweet. Just the way you like it."

Kumunot muli ang noo ko, "Paano mo nalaman?"

"Kakasabi mo lang kanina."

"Huh? Hindi ko sinabi." I said. Rye's eyebrows furrowed as he shook his head and turned his back on me.

Naglakad na si Rye papalabas ng foodcourt at nagmamadali akong sinundan siya.

"Teka, hindi ko sinabi! Ano? Kilala talaga kita no? May utang ba ako sayo? Uy, baka iniisip mo tinatakbuhan kita, wala lang talaga akong maalala. Promise, cross my heart. Mamatay man si Scarlette."

Kahit anong sabihin ko hindi ko na mapahinto si Rye. Para siyang walang naririnig kahit na halos maglupasay ako sa pagtawag sa kanya. Sa isang kamay ko ay ang fishballs, sa kabila naman ay gulaman kaya wala akong laya na sumuot suot sa lupon ng mga tao.

"Rye! Pogi!" Tumakbo ako at iniwasan ang maaring makabangga, mayroon akong sinusundan na magjowa at nang umalis sila sa aking harapan, tumakbo akong muli hanggang sa mayroon nangyari ang kinatatakutan ko!

Mayroon akong nabangga!

Nanlagkit ang kamay ko sa tumapong fishballs at gulaman sa kamay ko at sa dibdib ni---

"Scarlette?" Kinakabahang tanong ko. Sa tabi niya ay naroon si Mikel na seryosong nakatingin sa akin.

"WHAT THE----- Did you know how much my shirt costs?!" Pasigaw na tanong niya. Agad iyong kumuha ng atensyon sa mga naglalakad at napahinto na rin.

"S-seven hundred?" Hula ko sa maliit na boses.

"NO!"

"E-eight hundred?" Siguro naman hindi naman kamahalan, puting t-shirt lang iyon na merong D&G sa harapan at may bulaklak sa ilang parte.

"SERIOUSLY?! Minamaliit mo ba ako?" Palakas ng palakas ang boses ni Scarlette.

"Fine. 1,000. 1,000 yang shirt mo kahit mukhang hindi."

Napasinghap si Scarlette at naghanap ng pagbubuhusan niya ng kanyang lagim.

"Mikel! Honey. I think I'm gonna faint." Pinaypayan pa ni Scarlette ang kanyang sarili. Ako naman ay ngumuso at umirap sa hangin. "This is a limited Edition Gabbana! This costs 1,000 bucks!"

"O eh di tama ako!"

"Bucks! I mean USD! Mikel! She's so stupid!" Tili ni Scarlette, napaawang naman ang mga labi ko.

"Y-yan? 1000 dollars?" Hindi ko maproseso ang sinasabi ni Scarlette. I ended up mentally computing how much that costs in Peso. Isang Iphone na ang katumbas!

Iyak ng iyak si Scarlette na namamahinga sa dibdib ni Mikel. May kumudlit na pait sa aking sikmura, my nerves protests. Ayaw nilang pumayag na may ibang humahawak kay Mikel.

"I will just buy you another one." Ani Mikel. "Gabby, clean up and go home. I will handle this."

Nakaramdam ako ng awa kay Scarlette. Alam ko na malaki ang atraso ko. Nag-iisip ako ng maari kong ipampalubag ng loob niya pero mukhang hindi sapat ang mga sasabihin ko. Gayunpaman, sinubok ko na rin.

"P-pwede kong labhan..."

"At paghuhubarin mo ako dito?!"

"Ako na lang ang maghuhubad at ipapasuot ko sayo ang damit ko."

"Gabby!" Tutol agad ni Mikel na hindi ko naman pinansin.

"W-wag ka nang magalit, Scarlette. Sorry na. Ganito na lang.. Magpapagawa na lang ako sa kaibigan kong si Emz ng ganyan. Kayang kaya niyang i-print yan. Maganda ang quality! Promise! Kung gusto mo, ako pa mismo ang bibili sa patahian ng Blue Corner o di kaya Yalex para matiyak ko na magandang klase ng sinulid ang itatahi, yun bang bagong panganak na uuod ang pagkukuhanan----"

"ARRRGHHHH! I hate you!" Tili muli ni Scarlette kaya natameme ako.

Wala na akong maisipi na paraan, tiningnan ako ni Mikel na parang naaawa. Awang awa siguro siya kay Scarlette ngayon. Parehas na kaming amoy fishball at gulaman, inamoy ko ang aking kamay at napapangiwi sa sitwasyon namin ni Scarlette.

"Here." Agad kong nilingon ang nag-salita. Nakalahad ang kamay ni Rye kay Scarlette na merong dalawang pirasong 1,000 euro na papel. Unti unting nag-angat ng tingin si Scarlette kay Rye na halatang nagulat sa inaabot ng isang estranghero.

"Here. Take it." Giit ni Rye.

Tiningnan ako ni Mikel na may matang nagtatanong, nagkibit balikat ako.

"You don't have to. I can buy her another one." Tanggi ni Mikel.

"No, Gabby is at fault because she's chasing me so I step forward. Take it, please."

Kinuha ni Rye ang kamay ni Scarlette at isinuksok ang pera doon. Hindi na nakatanggi pa si Scarlette nang kunin ni Rye ang kamay ko at hilahin ako papalayo sa kahihiyan.

"Rye! Teka!" Pilit akong bumitiw sa pagkakahawak ni Rye nang makalayo na kami at mapunta sa garden ng mall. Tumigil din siya sa paghakbang pagkatapos ay lumapit sa isa sa mga foodstalls na naroon. Inantay ko siyang makabalik. Umupo ako sa isa sa mga plantbox at lumuhod si Rye sa harap ko. Tumaas ang aking kilay.

"Hindi porket iniligtas mo ako, magpapakasal na ako sayo. Masyado kang mabilis---" Kinuha muli ni Rye ang kamay ko at napasinghap ako, "Sinasabi ko sayo! Babangon sa hukay ang mga magulang ko kapag sinamantala mo ako---" May bumuhos sa kamay ko na malamig na tubig, masuyong hinugasan ni Rye ang kamay ko gamit ang laman ng bote ng mineral water. Unti unting bumagal ang pagkabog ng dibdib ko. Napanatag ako mula sa pagkakapahiya kanina.

"You are clumsy. Dapat iniiwasan mo ang pagtakbo."

"Hinahabol kasi kita! Ikaw dapat ang hindi umiwas!"

"Sorry... Akala ko kasi.." He sighed. "Akala ko, ayaw mo na akong makita."

"Sinabi ko ba yun?"

"No. I just know."

Hindi na ako muling nag-tanong. Pagkatapos mahugasan ni Rye ang mga kamay ko, dinala niya ako sa parking lot kung saan nakaparada din ang sasakyan niya. Panay ang tanggi ko na magpahatid dahil may dala rin naman akong sasakyan.

"Okay. Convoy na lang tayo." He announced. Pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Gusto mo lang malaman ang address ko para alam mo kung saan ako sisingilin no? Bakit kasi 2,000 ang binigay mo? Sabi niya naman 1,000 lang. Pasikat ka din eh. Dumami tuloy ang utang ko!"

"Hindi naman ako naninigil ng pera, utang na loob, pwede pa." Rye chuckled.

"Hay grabe ang kapal! Sige, sumunod ka na. May ibibigay din ako sayo."

Nag-kani-kaniya kaming drive. Alam kong sobrang bagal para sa isang Cadillac ang speed niya dahil nakasunod siya sa akin. Sa akin naman kasi, safety first. Pangalawang buhay ko na ito at kailangan kong ingatan.

Huminto kami sa tapat ng apartment namin pagkalipas ng ilang minuto, bumaba din si Rye ng sasakyan niya at sinundan ako na umakyat patungo sa pinto ng apartment namin.

"Wait ka lang diyan, may kukunin lang ako sa loob."

Nagmadali akong nagtungo sa kusina at tinipon ang mga polvoron na nagawa ko na pagkatapos ay lumabas muli para puntahan ko si Rye.

"Jaraannnn!! Here it is!"

Tinanggap ni Rye ang inaabot ko na inilagay ko sa ziplock at tiningnan iyon nang may pagkamangha. "What's this?"

"That is Special Polvoron made from powdered breastmilk of 18 year old mother, packed with Nutrients, gold dust, diamond shavings and happiness!"

"Huh? Meron bang ganon?"

Magana akong tumango, "Oo, ako lang ang gumagawa. Kaunti pa nga lang ang nagagawa ko, yung worth niyan 30,000 pesos. Iawas mo na lang sa utang ko. Okay?"

"I told you, hindi kita sisingilin ng pera."

"Hindi naman ako nagbabayad ng pera ah. Binibigyan kita ng special product ko worth 30,000. Tanggapin mo na para hindi naman masama sa loob ko."

"Sigurado ka bang safe kainin to?"

"Oo naman, breastmilk is best for babies and for pabebes too."

"Hindi ko alam yan ah.." Pinipigilan ni Rye ang kanyang pag-ngiti.

"Now you know. Sige na, umuwi ka na. Sa susunod ay gagawa ako ulit. Carbonara naman from chicken breastmilk mixed with caterpillar cocoon from Himalaya."

"Magkano naman yon?"

"50,000. Ischedule mo na lang kung kailan mo gusto."

Humalakhak si Rye. Naiinis ako kasi mukhang hindi niya binibili ang mga palusot ko.

"Alright! See you soon, Gab." He waved at me and I went in, smiling.

"Chicken breastmilk pala ah!"

"Ay dede ng manok!" Tili ko nang gulatin ako ni Lexy. Nagpapadyak ako habang pumapasok nang bahay.

"Kainis ka naman Lexy eh!"

"Walang dede ang manok. Imbento ka! Sino yon?" Nguso ni Lexy sa labas ng bintana. "Ang pogi ah."

"Si Rye." I started and talked about what happened a while ago. Lexy made conclusions and I countered it with mine.

"Baka nga kasi ex mo din." Duda ni Lexy.

"Tange, kung ex ko yun eh di dapat galit din siya sakin. Eh ang bait pa nga."

"Eh baka kayo pa din?"

"Eh bakit wala siya sa tabi ko nung nagkamalay ako? Pinaalagaan niya ako sayo?" Dumapa ako sa kama at malalim na nag-isip.

"Baka naman kasi wala lang. Baka naman talagang gusto lang makipagkaibigan. Assuming ka din. Sabi mo nga, mayaman at guwapo. Eh naku naman, Bes, sinwerte ka na nga kay Mikel tapos may isa pa? Ganda mo rin no?"

"Talaga!" Yun na ang huli kong maalala bago nahulog sa antok.

---

"Gabby for Miss DVC!" Inisa isa ko ang bawat lamesa at binigyan ko sila ng polvoron.

"Wow! Si Gabby. Mukhang handang handa na sa Miss DVC ah.." Ngiting ngiting wika ni Jax sabay subo ng isang buong polvoron. Napangiti ako dahil mukhang nagustuhan niya.

"Aba, syempre. Napuyat nga ako sa paghulma ng mga polvoron na yan."

"Di naman na kailangan kasi hindi naman yun popularity contest.." Siniko ako ni Kristel sa tagiliran.

"No, no, no.. Diyan ka nagkakamali, Darling.. 10% ang audience impact, ang 10% ay 10% pa din. Hindi mabubuo ang 100% kung walang 10%"

"Tama! Gabby for Miss DVC!!!" Ikinampay ni Jax ang kanyang kamay at nagsigawan ang mga kaopisina ko habang nagpapaulan ng polvoron mula sa kanilang bibig. Kumaway ako na parang isang beauty queen, ang natural na natural na gesture ko tuwing pumapara ng jeep.

Tumahimik lang kami nang nakasimangot na pumasok si Mikel at dumaan sa aming gitna. Sumenyas si Kristel sa akin at dali-dali naman akong pumasok sa loob ng opisina ni Mikel.

"Hello Philippines and Hello----"

Nabitin ang pagbuga ko ng salita nang itaas ni Mikel ang kanyang kamay.

"Di ba sinabi kong hindi ka sasali sa Miss DVC?"

"Grabe naman, hanash agad, umagang umaga!"

"Gabby, I told you—"

"Bakit ba ayaw mo?"

"Because---" Huminto siya at marahas na nagbuga ng hangin.

"Kita mo na, wala ka ding maisip. Ayaw mo lang akong makitang masaya. Umamin ka na."

"What?"

"Galit ka sakin. Kilala kita, Mikel. Maybe you've changed pero kagaya ka pa din ng dati. You don't want people to know your angst, bakit hindi ka pa din nagbabago? Bakit hindi mo sabihin? Hindi ako manghuhula, Mikel. Sabihin mo yang galit mo para alam ko naman ang pinaghuhugutan mo. I just want to be happy. Taga-Mcdo ka ba? Bakit ayaw mong Bee-da ang Saya?"

"I am not mad at you, Gabby. I just don't want you in that freaking swimwear!"

Natigilan ako at naubusan ng salita. Did he just say that? Naiinggit ba siya dahil hindi siya isang babae? Bumigay na ba si Mikel?

"You don't need to do that just to prove a point." Pabagsak siyang umupo sa kanyang swivel chair at yumuko sa mga papeles sa kanyang harapan.

"W-what point?"

"That you are attractive, Gabrielle." Titig na titig sa akin na wika ni Mikel.

Natuyuan ako ng laway sa lalamunan, ilang beses kong sinubukang lumunok pero tinakasan na nga ata ako ng laway.

"U-ulitin mo nga.."

"You are.." Tumikhim si Mikel at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Beautiful."

Parang may dumaang anghel sa aming pagitan. Gustong pumalakpak ng tenga ko pero hindi ako  marunong non kaya nauwi na lang ako sa pagngisi na umabot sa tenga. Halos mapunit ang labi ko sa pagngisi. Tumikhim si Mikel at umiwas ng tingin sa akin.

"What the hell are you doing here?"

Napaatras ako sa matinis na boses ni Scarlette kasabay ng pagbukas ng pinto na pabagsak.

"Sinasabi ko na nga bang may itinatago ka sa opisina mo! That is why you don't want me to be here! Itong babaeng to?" Dinuro ako ni Scarlette na hindi iniaalis ang tingin kay Mikel na halatang nagulat din.

"S-scarlette.." Bulong ko. Mabilis na sinugod ni Scarlette ang kinatatayuan ko at hinila ang buhok ko. Natumba agad ako dahil sa kanyang pagsugod.

"Scar! Stop." Mabilis akong nasaklolohan ni Mikel. Hinila si Scarlette palayo sa akin, but it was too late. The girl on fire wounded me with scratches on my arms.

"Mikel! Five years! Five years and we are getting married. You are keeping secrets with me? At yan pang babaeng yan? She's working for you? Wait til Abuela finds out!"

"You don't have to do that." Malakas din ang pagkakasabi ni Mikel. He don't sound apologetic. He's just the usual Mikel at hindi iyon magandang senyales dahil mas lalong umusok ang ilong ni Scarlette.

"Oh, I will. Palayasin mo yang babaeng yan kung hindi magsusumbong ako!"

"Try it!"

Pinilit kong tumayo. Alam kong may linya akong inapakan. Kinuha ko ang bag ko habang sugatan ang pakiramdam. I need to stay away.

"S-salamat na lang, Mikel. Sorry, Scarlette.."

Matalim na tingin ang isinukli sa akin ni Scarlette. Nang makalabas akong opisina ni Mikel, unti unting nagsi-atrasan ang mga kaopisina ko at lahat sila ay may tingin na nag-aalala.

"I-Im okay.." Pinilit kong ngumiti nang akmang lalapitan ako ni Jax. Nang makalayo ako nang kaunti ay patakbong kong inabot ang hawakan ng glassdoor at lumabas mula roon.

Doon nag-unahan ang luha na kusa na lang lumabas. Naaawa ako sa sarili. Hindi ko kasi makita ang mga hinahakbangan ko, masyadong malabo. Hindi ko alam kung hanggang saan ang sa akin o kung may teritoryo ba ako. Meron ba akong pag-aari o wala talaga. Ang daming kinuha sa akin ng pitong taon. Alaala, it means so much to me. That is a fragment of my life. Kung ang isip ko lang ang nakalimot bakit naman yung puso ko, hindi? And worst, it remember the strong, sweet feeling that I used to have.

Bumaba ako sa gusali ng mga Dela Vega. Nagtungo ako sa likod na bahagi nito kung saan ay tabing dagat na merong boardwalk. Agad akong umupo doon at ipinahinga ang aking baba sa  nakabaluktot kong tuhod na yakap yakap ko din. The waves slams the huge rocks that supports the sea wall. Napakapayapang pagmasdan at pakinggan sa kabila ng mainit na araw.

"Ate, bili ka na pong sampaguita."

"Ayoko."

"Ate, sapin-sapin na lang."

"Ayoko nga sabi." Mariin kong pinunasan ang aking luha at tinapunan ng tingin ang nag-aalok ng paninda. Nakita ko ang batang babae na mukhang maiiyak na dahil sa pagiging marahas ko.

Padabog kong kinuha ang pitaka ko at kumuha ng isang daan doon.

"Sige na, bigyan mo na ako ng sapin sapin at sampaguita."

"Talaga, Ate? Yehey!! Eto po.."

Umirap ako, "Ipasok mo na lang sa bag ko."

"Po? sa loob po ba?"

"Hindi! Sa labas! Ipasok mo sa labas ng bag ko."

"Eto naman si Ate Ganda, ang sungit. Ilalagay ko na rin lang po ang sukli.. Saka wag ka nang umiyak, Ate. Mahal ka non.."

"Hindi halata ha."  Sagot ko naman.

"Ate, mayroong mga bagay na hindi natin kailangang makita, pero dapat paniwalaan.."

"Wag mo nga akong aanuhin, alam ko yan. Linya yan ni Jaclyn Jose sa Pedrong Palad, favorite movie ko din yon. Saka umalis ka na, gusto kong mapag-isa. Minsan na nga lang ako mag-emote binebentahan mo pa ako ng puto. Hindi ka nakakaganda."

"Anong masakit?"

"Tapos tinatanong mo pa ako kung anong masakit. Puso ko ang masakit! Balewala ang kalmot sa---- sa---"

Natigilan ako nang maramdaman ko ang masuyong pagdampi ng kamay sa braso ko, napakasuyo ng haplos at halos mapapikit pa ako.

"Gagamutin ko."

"A-anong ginagawa mo dito?" Pasigaw na tanong ko kay Mikel dahil sa gulat. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong isipin niya na dinadaan ko siya sa luha pero huli na. May pumatak na luha sa kamay ko.

"H-hindi ko iniiyakan si Scarlette. Wala ito. Umalis ka na at balikan mo na siya."

Tumayo ako at dali-daling kinuha ang bag ko pero hindi naman ako makahakbang dahil hinaharangan ni Mikel ang daraanan ko.

"So, anong iniiyakan mo?" Nakapamulsa niyang tanong.

"Y-yung.. Ano.. Y-yung.."

"Bumalik ka na sa opisina. Let's go."

"Ayoko nga!"

"I've spoke with Scarlette and she understands now."

"T-talaga?"

Mikel nodded. Mas lalong nag-init ang sulok ng mga mata ko. Tiyak na naawa din si Scarlette sa akin kaya niya iniintindi. Nakakahiya. Nakakahiya ako. Iniitindi na lang ako  ng lahat. I feel so helpless and stupid.

"Ayokong bumalik.. Hindi ako babalik!"

"Gabby.. Just go back. Please."

Hindi ako sumagot at hindi ko na napigilan na sumugod ng yakap kay Mikel at doon ko ibunuhos ang makukulit na luha na ayaw akong lubayan. Gumaan agad ang pakiramdam ko dahil sa sobrang lapit niya. Inayos niya ang buhok ko at tinipon sa isang bahagi ng aking balikat. Mas lalo akong naluha. I missed this.

"Why are you still crying? Shhh.."

"Kasi.. Gusto ko.." I sniffed.

"What do you want?" He asked gently. Napalabi ako at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang amerikana. Pagkakataon ko na itong sabihin sa kanya..

....

.........

"Gusto kong sumali sa Miss DVC.."

Mikel blunt a soft laugh that surprised me.

"Fine.. Let's go.."

Hindi ako makapaniwala. Pumayag na siya? At natawa siya sa akin?

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...