How to Break a Heart (To be p...

By kissmyredlips

2.5M 56.7K 8.3K

Allie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawa... More

How to Break a Heart
Introduction
One
Two
Three
Four
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Epilogue

Five

58.4K 1.2K 253
By kissmyredlips

 Allie

Sobrang bored na bored ako sa klase namin. Pakiramdam ko nga ay isang pikit ko lang, makakatulog na agad ako sa sobrang boring ng klase. I raised my arm and my professor stopped from talking.

“Yes, Ms. De Guzman?”

“Pwede pong mag restroom?” nahihiya kong tanong.

“Ms. De Guzman, pang-apat na beses ka ng magpapaalam papuntang restroom. Hindi kaya matuyot na yang urinary bladder mo sa pagpunta mo ng restroom?” may ilang tumawa mula sa mga blockmates ko kaya hindi ko maiwasang mamula sa hiya.

Ipinilipit ko ang binti ko. “Sir–I really, really have to pee.”

“Hindi kaya nakikipagkita ka lang kay Mr. Chua sa labas?” my classmates howled at mas lalo akong namula.

“H-hindi po. May klase po ngayon si Dominic sa kabilang building, room 594.”

“Alam na alam.” may nang-asar pa.

“Natural, boyfriend niya eh.” pagtanggol sa akin ng isa.

“Tiisin mo na lang Ms. De Guzman, thirty minutes na lang naman.” sabi ng professor at napakagat naman ako sa labi ko. Tiisin? Hindi ba niya alam na sasabog na ang pantog ko? Kasalanan ko ba na sobrang active ang bladder ko ngayon?

“Sorry, sir.” tumayo ako, kinuha ang bag at matapos ay nagmamadaling tumakbo papuntang pintuan.

“Ms. De Guzman!” he shouted.

“Sorry po talaga Sir!” then I ran off. Hindi ko isinara ang pinto a tumakbo na sa pinakamalapit na girl’s rest room. May ilang tao pa nga akong nabunggo pero kailangan ko lang talaga mag restroom. Yari ako sa susunod na class namin dun, pero paano ba naman kasi! Ayaw pa ako payagan. Kita naman na madalas constant ako umihi.

I sighed in relief when I sat down at the toilet. Pumikit pa ako para feel ko yung pagrelease. Maginhawa kaya sa feeling yung punong-puno na yung pantog mo tapos ilalabas mo lahat. Eka–why am I even talking about my bladder? This is digusting.

“Oh? Narinig mo rin yun?” kasabay nito ang pagbukas at mabilis na pagsara ng pinto. May mga nagci-click na takong sa tiles ng banyo. Napadilat naman ang mga mata ko at hinintay ang susunod na sasabihin nung nasa labas. I think I’m starting to have a bad habit of eavesdropping too.

“Yup. Sabi ni Jessica, nakita niya daw kaninang umaga. Eh diba, nakita rin sila together twice?”

Jessica?

Yung si hun ba?

“Baka bitter lang si Jessica kasi hindi man lang siya tumagal ng one week kay Arron.” oh, so same Jessica.

“Who’s Arron’s new girl toy anyway?”

“Hindi daw kilala ni Jessica eh. She looked plain naman daw. Nothing special.”

Tumawa yung isang babae. “Bitter nga.”

Are they talking about me? Oh my God. Napagkakamalan akong–what? Ew!! Do I look like papatol ako sa–ew!!!

Biglang nagring ang phone na nakalagay sa bag ko. Sobrang lakas pa naman ng ringtone ni Arron. Napapikit ako at nagmamadaling inayos and underwear ko at nag-apply ng sanitizer sa kamay bago kinuha ang phone mula sa bag.

“Hello?” I whispered.

“Where are you?” masungit na tanong nito.

“H-Ha? Nasa restroom malapit sa room–ba–” biglang bumukas ulit ang pinto ng banyo at bahagyang napatili yung mga babae sa labas. Nandilat ang mga mata ko dahil narinig ko ang pagfeedback ng tili sa kabilang linya.

Isa-isang bumukas yung mga pinto sa stalls na ikinagulat ko naman. Sunod na may sumubok na tumulak sa pinto ng stall ko. May sunod-sunod na kumalampag dito.

“M-may tao!” sigaw ko.

“Lumabas ka diyan.” narinig kong sabi nito pabalik. Pati sa phone ay narinig ko ang pagsabi nito. S-Si Arron? Nasa loob ng banyo ng babae?

Binuksan ko ang pinto ng stall ko. Paniguradong nanlalaki na naman ang mata ko sa sobrang gulat. “Anong ginagawa mo dito?!”

Hindi ako sinagot ni Arron. Inalis niya ang phone mula sa tenga niya at may pinindot dito bago niya hinila ang pulso ko na malapit rin sa tenga ko at matapos ay hinila palabas ng restroom.

Ipinapanalangin ko na lang na hindi ako nakita nung dalawang babae. I don’t want them to confirm any rumors. Lalo na at hindi naman ito totoo. Hindi ko naman inaakala na ganoon pala ang tingin nila sa kahit na sinong kasama ni Arron.

“A-Arron, b-bitawan mo ako!” pabulong na sigaw ko dito habang conscious na tumitingin-tingin sa paligid. Naiilang na ako dahil baka bigyan na naman nila ng malisya ang ginagawa ni Arron.

“Arron, I said let go!” I finally slipped away from his hold. Napaharap siya agad sa akin. “Ano bang problema mo?” naiinis na tanong ko dito.

“Kitten, you’re like a box filled with surprises. You ran out on our professor. Just like that.” he snapped his fingers.

“Oh, so?” umiling-iling si Arron.

“Hindi ko talaga mahulaan ang mga kinikilos mo. People–they, are very predictable. They’ve always been predictable to me. It’s like a simple law of interaction. Pero ikaw? You’re–you’re like this mysterious puzzle that I would love to solve. Pagnahuhulaan ko na kakaliwa ka, bigla kang kumakanan. Pag naman pakiramdam ko na kakanan ka, bigla kang pupunta ng kaliwa. Observing and watching you–it’s very addicting.”

Bigla naman lumakas ang pintig ng puso ko. “W-What are you talking about?” Arron shook his head again and laughed softly.

“Kung hindi pa pumunta yung boyfriend mo sa tapat ng room natin para hanapin ka–iisipin ko na hindi ka nakatiis at binalikan mo nga siya.”

“Nandoon si Dom?” tumango si Arron at huminga ng malalim.

“Don’t go to him, Allie.” biglang binalot ng kilabot ang buong katawan ko sa malalim na boses ni Arron.

“W-what?” lumapit siya sa akin. Itinaas niya ang dalawang kamay niya at inilagay ito sa magkabilang mukha ko. My whole body stiffened and my lung froze for a long while. Nanlambot ako sa titig na ginawa sa akin ni Arron. Sunod na tumingin si Arron sa labi ko at hindi ko mapaiwasan na mapatingin rin sa labi niya.

Damn those red and luscious-looking lips.

“Babe. You don’t know how much I want to kiss you right now, pleasure you and make you scream my name so badly.” biglang namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. Nagising ako mula sa pagtitig sa mga labi niya at itinulak siya palayo.

“Baboy!” Arron heartily chuckled. Humakbang siya palayo sa akin at mapaglarong ngumiti sa akin.

“Remember what I said, kitten. Avoid Dominic.” naramdaman ko na lang na hinawakan ni Arron ang kamay ko pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil nakatitig ako sa mata niya. It was weird because he was smiling but it didn’t reach his eyes. Katulad nung sa mall–no, lagi niya ito ginagawa, every time that he’s shamelessly trying to flirt with me.

Tsaka ko lang napansin na hawak-hawak ko na pala ang sariling phone ko. Siguro ay ipinagpalit ito ni Arron nang hinawan niya ang kamay ko kanina. Hindi ko lang naramdaman.

It beeped a new message.

Sorry na. Bati na tayo? I didn’t know I was holding my breath when I finally released it off my chest. The text came from Frannie and I’ve never been this thankful to see my cousin.

Ice cream please. Your place? I typed.

Deal.

Niyakap ako ni Frannie ng mahigpit nang magkita ulit kami sa car park after days of tampuhan. Nagalit siya dahil sa desisyon kong pakikipaghiwalay kay Dominic. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong boto na siya kay Dom sa simula pa lang.

Ice cream is our very own girl code that means may importante kaming kailangan pag-usapan. Hindi ako agad tinanong ni Frannie nang makita niya ako kung anong problema. Hinintay niya na muna na maka-settle kami sa kwarto niya at makapagsalang ng DVD na kunwari ay papanuorin namin pero gagawin lang naman naming background.

“You really asked him to do that?” kinagat ko ang labi ko at tumango-tango. Tiningnan ako ni Frannie, disappointment is visible in her entire face.

“That’s the most stupid thing I have ever heard. Ever. Pero siyempre, una yung pagdecide mo na pakikipagbreak up kay Dominic. I’m still against that, for your information, but you’re my cousin so I decided to respect your decision. But you asked for Arron Valencia’s help? What the hell is wrong with your brain, Allie?”

“I’m desperate.” sagot ko.

“So, totoo nga na ang pagiging desparada ay nakakatanga.”

“Frannie.” I groaned his name.

“Dapat pala, dati palang, kinalog ko na yang utak mo. Allie naman. Tanga moment mo na nga yung kay Dominic, dadagdagan mo pa ng panibago? You were the one who decided to break up with Dom. Bakit kailangan mo pag manghatak ng iba? Why do you have to make it complicated? Sasabihin mo lang sa kanya na ayaw mo na. Why do you have to ask for someone’s help?”

“You can’t just break up with someone, Fran. Ngayon pa lang–nasasaktan na ako habang iniisip na masasaktan ko si Dominic. Every night–I imagine different scenarios–different approaches on how I’ll break up with him and every night, I’ll end up crying. Hindi ko siya kayang saktan siya ng harap-harapan.”

“That’s why you’re choosing the coward way, ganon? Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang ang dahilan kung bakit ginagawa mo ang lahat ng kagagahan na ito? Para naman hindi ako naguguluhan ngayon. Para kahit papaano, matanggal ang inis ko sa’yo.

“Right now, Allie, naiisip ko na tama nga si Arron. Na you’re just pretending that you’re hurt. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang totoo sa mga sinasabi mo. Tulungan mong intindihin ka. Please. Kasi hindi ko na talaga alam.” Frannie ended.

Tumulo na ang luha mula sa mata ko. Nahihirapan ako. Sobrang nahihirapan ako. “Did you fall out of love? Did you cheat on him? Because you don’t get to break up with someone just because.” I was too busy sobbing to answer Frannie. Narinig ko ulit ang pagbuntong hininga ni Frannie.

Umusog siya papalapit sa akin at matapos ay hinatak ako papalapit sa kanya.

“Please tell me. Tell me, and I’ll help you.” kinagat ko ang labi ko. Inalis ni Frannie ang pagkakayakap niya sa akin at tinitigan ako ng masinsinan sa mata. Nakita ko na nasasaktan si Frannie sa akin. But I know I can’t tell her.

I can’t ruin everything yet.

Tumatawag na naman sa akin Si Dominic. I managed to dodge him for two days. Isang araw pa lang–if we’re going to count how I managed to ignore him without Arron’s help. Hindi nagparamdam sa akin si Arron for a day. Hindi ko alam kung dahil ba hindi kami magkaklase kahapon o dahil sinadya niya lang talagang hindi magparamdam sa akin ng isang araw.

It was quiet without him. I feel alone without him. Dahil pakiramdam ko–siya lang ang nakakaintindi sa akin sa ngayon. He understands even though he doesn’t know a thing. Kahit na alam ko na ginagawa niya lang ito just for the adventure and the thrill–I still miss his presence. Kahit na nakakainis lang siya madalas.

My phone rang again, for the sixth time. Tinitigan ko ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Dominic sa screen. My heart cracked.

Puro lamat na ang puso ko–hindi ko alam kung ilang lamat pa ang kakayanin bago ito mabasag ng tuluyan. I think I’m just waiting for something–waiting for my own heart to give up on me.

“Hindi mo ba sasagutin?” napatalon ako at napatalikod sa sobrang gulat. Merong maliit na parte ng utak ko na umasa na si Arron ulit ang biglang sumulpot but it wasn’t him. And to be honest, I think I’d rather see Arron than see him right now.

“D-Dominic.” halos bumagsak lahat ng dugo mula sa mukha ko nang makita ko siya. It has been days since I last saw him. Halos manghina ang buong katawan ko sa pagkakakita ko ulit sa kanya.

“You’re not answering your phone.” malungkot na sabi nito at parang nabasag ang puso ko.

“I–I’m…”

“You’re ignoring me at every turn.” I choked back a sob.

“You’re slipping away… Why?”

“I’m sorry.” umiling-iling sa akin si Dominic at matapos ay pilit siyang ngumiti.

“Doesn’t matter. You’re here now, baby. That’s all that matters.”

“Dom.” hinapit ni Dominic ang bewang ko at matapos ay hinila ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, hanggang ngayon, ganoon parin ang epekto niya sa akin. He brushed my shoulder and it made me stop from holding back. I closed my eyes and parted my lips. Dominic pulled me closer, tightened his hold on me–like he was afraid that I would go. I snaked my arms around his nape and returned his kisses. He strokes his tongue with mine and it was enough to make me forget that I was even trying to break up with him.

I want this. I want this with him. I don’t care if anyone’s watching. I just want to kiss him and be safe in his arms. I just want to kiss him and forget about everything. It’s an opportunity to escape reality.

And I let myself escape.

With Dominic.

Dominic was breathing hard when he pulled himself away from me. Ipinagdikit niya ang mga noo namin.

“I love you.”

Naramdaman ko na naman ang panibagong batch ng luha ko. It was an escape that I enjoyed–even just for a while.

“I love you too.” I finally replied. Lumawak ang ngiti ni Dominic. Nawala ang pangamba sa mukha niya at matapos ay niyakap ako ng mahigpit.

He took my breath away.

Dominic tiptoed around me. He was careful about everything. I know that he’s scared. He’s scared na baka ma-wrong move siya at maya-maya ay makipaghiwalay ako sa kanya. And it’s because of how much he loves me. And damn me if it doesn’t make me guilty.

He loves me so much and it’s starting to hurt.

“Baby, ano ang gusto mo sa dalawa?” inangat ni Dominic ang isang gallon ng cheese ice cream at double dutch. Bigla tuloy ako naglaway para sa ice cream. I pouted.

“Ang hirap ng choices.” the day after I stopped ignoring Dominic–inaya niya akong maggrocery dahil wala ng laman ang grocery sa pad niya. Sinamahan ko naman siya katulad ng dati kong ginagawa. Bonding time na rin kasi namin ang paggrocery. “Pwede both?” ngumiti ako ng malawak sa boyfriend ko at bahagyang tumawa naman si Dominic.

He leaned down and puckered his lips.

“Kiss muna.” hindi ko naman napigilan ang atomatikong pamumula ng mukha.

“Dominic!” I scolded. He flashed a smile.

“What? Can’t I get a kiss from my girl?” natatawang umiling ako sa kanya. Tumingin ako sa paligid, tinitingnan kung may nakatingin sa amin pero wala naman kaya mabilis akong tumingkayad at hinatak ang mukha ni Dominic papalapit sa akin.

I planted my lips in Dominic’s and left a quick, sloppy and wet kiss. I blushed as soon as I leaned away from him. Tumawa ulit si Dominic at mabilis ko naman pinalo ang dibdib niya sa hiya.

“Both it is.” inilagay niya ang dalawang magkaibang flavor ng ice cream sa push cart at ipinagpatuloy namin ang grocery shopping.He held my hand and intertwined it with his. His hand was bigger than mine but it still feels comfortable, having his big hand wrapped on mine.

Hinihintay namin matapos ang pagcheck out ng items sa counter. Nakatayo lang sa gilid ko si Dominic habang nakatitig naman ako sa mukha niya. I’ve been staring at his face since forever. It felt like forever since I last saw him. Being without him is unbearable.

Napansin ni Dominic na nakatingin ako sa kanya. Binigyan niya ulit ako ng matamis na ngiti niya.

“What?”

“Ang gwapo mo Mr. Chua.” sagot ko dito. Marahan na tumawa naman si Dominic. Inangat niya ang kamay ko at matapos ay hinalikan ang likod ng palad ko. I gave him a smile but as soon as he was preoccupied with the cashier–naglaho agad ang ngiti ko.

One week.

Just give me this one week to spend happily with him.

One week, and then I’ll do whatever it takes to break his heart.

Continue Reading

You'll Also Like

2K 190 34
Coming from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who happened to be her ex-bestfriend's ex-bo...
526K 7.9K 44
It may hurt to let go, but believe me, it hurts more to hold on. Fall in love with Tripp Marco Palma and his ways again. Written by: ireadnotes
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
924 109 16
Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng re...