BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

Oleh mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... Lebih Banyak

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[13] The Lost Gangster
[14] The Popular Jasmine
[15] A Good Friend
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[19] Avellino High
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[31] Betrayal
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[35] Hear His Heart
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)
[46] Stupid Bravery
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[23] Jasmine The Second

281K 8.4K 1.6K
Oleh mimhytot

"Ano ba talagang kailangan mo, Thunder?" tanong ni Storm.

Ngumiti ng malawak ang lalaking nasa harapan ko at saka seryosong inilipat ang tingin kay Storm.

"It's been three years. Hindi mo ba ako kukumustahin manlang muna?" nakangiting tanong niya.

Hindi ko magawang hindi matakot sa kanya. Ang presensya pa lamang niya ay nakakapagbigay na kaagad ng kakaibang takot sa akin. Paano pa ang titigan niya ako? Wala akong ibang magawa kundi ang manginig na lang sa harapan niya.

"Hindi na kita kailangang kumustahin. Alam ko namang whatever you are three years ago, ganun ka pa rin."

Ngumiti si Thunder na tila nainsulto siya sa naging sagot ni Storm.

"I hope hindi ka nandito para manggulo, Thunder." Dagdag pa ni Storm.

Inis siyang napakagat sa labi niya at saka natawa ng pilit. "Sinabi ko na, hindi ba? Binibisita ko lang ang binibining ito." Sagot niya at saka inilipat ang tingin sa akin.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot sa kanya. Nagulat na lang ako nang tumabi sa akin ang cursing machine na kanina lang ay nakatayo sa likod ko.

"You don't seem fine, Jack." Nakangiting puna ni Thunder sa kanya.

Dahil sa narinig mula kay Thunder ay tiningala ko ang mukha ng gangster na nasa tabi ko at bigla na lang akong nakaramdam ng pag-aalala nang makitang kakaiba nga ang kulay niya. Mukhang namumutla siya.

"J-Jack." Nag-aalalang tawag ko sa kanya. Posible bang kaya siya namumutla ay dahil sa saksak na natamo niya kahapon?

Tinignan niya ako sandali at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at mahigpit na hinawakan ito bago ibinalik ang tingin kay Thunder.

"Stop visiting her from now on. I don't like it." Seryosong saad niya.

"What?" natatawang tanong ni Thunder.

"I don't like it. The idea of you, visiting her...I don't like it. As her boyfriend, it's kind of disrespect to me."

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa mga narinig ko. Anong sinabi niya?!

"That's cheesy." Wika ni Thunder at saka natawa ng malakas.

Napangiti ng sarkastik ang cursing machine sa naging reaksyon niya.

"Remember when you didn't take my words seriously?" tanong niya rito na unti-unting nagpatigil sa pagtawa niya.

Bigla na lang naging seryoso ang mukha niya at tila nainsulto sa tanong ng gangster na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"So now you're opening it, huh?" Seryoso at tila nainsultong tanong niya.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at saka seryosong tinignan si Thunder.

"This will be the last time I'll be seeing you here, Thunder. If you ever dare consider using her again against me...I suppose you already knew that I, Jack Frost, will never ever have a second thought of wasting my valuable time in killing a rogue, useless and pathetic schoolboy like you."

Tila nalimutan ko na ang huminga dahil sa tension na namamagitan sa kanilang dalawa. Magkatitigan lang naman silang dalawa pero hindi ko maunawaan kung bakit maihahalintulad ko na ito sa mga eksenang makapigil hininga.

Kaagad akong nakaramdam muli ng takot nang ilipat ni Thunder ang tingin niya sa akin.

"I'm impressed. Yet, it's not convincing." Wika niya.

Nagulat na lamang ako nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa amin. Nang makalapit na siya ng tuluyan ay huminto siya sa harapan ko at binigyan ako ng malawak na ngiti. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot sa kanya.

Tinitigan niya kong maigi na tila pinag-aaralan niyang maigi ang itsura ko bago niya ibinalik kay Jack ang tingin.

"The first time I saw her I already knew she was the girl you were looking inside Avellino. Alam mo kung paano ko nalaman iyon, snowman?"

"I don't know. Tell me." Walang emosyon at tila hindi interesadong tanong ni Jack sa kanya.

"Because looking at her reminds me of Jasmine. And I know...She reminds you of Jasmine too, am I right?"

Kaagad na naging tahimik ang paligid. Iniwas ni Jack ang mukha niya at hindi sumagot. Natawa si Thunder sa naging reaksyon niya...na tila kinumpirma na rin ni Jack na tama nga ang nasa isip niya. Hindi ko alam kung bakit pero kaagad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.

Inilipat ni Thunder ang tingin niya sa akin at saka binigyan ako ng malawak na ngiti.

"I guess I'd be leaving for now. It's nice to meet you again, Jasmine the second." Saad niya at pinagdiinan ang itinawag niya sa akin. Jasmine the second.

Pinanuod ko ang likuran niya habang naglalakad paalis. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay napatingin ako kay Jack nang magsimula na rin siyang humakbang palayo. Napakagat ako sa labi ko nang tuloy-tuloy lang siya sa pag-alis na hindi manlang siya lumingon kahit na alam niyang nakatingin ako.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay naramdaman kong lumapit sa akin si Storm. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti at saka dahan-dahang napayuko.

"Ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

Umiling ako sa kanya dahilan para hilain niya ako at yakapin ng mahigpit. Napapikit ako at isinubsob ang mukha ko sa may balikat niya. Hinaplos niya ang likuran ko na animo ay pinapatahan niya akong umiyak kahit na hindi naman ako umiiyak.

Napahawak ako sa dibdib ko nang hindi pa rin nawawala rito ang kirot na naramdaman ko mula sa narinig mula kay Thunder. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito..ng sakit. Samantalang wala namang dahilan para masaktan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako dahil lang sa umalis siya na wala manlang ni isang salita na binitiwan. Na hindi manlang siya nagpaliwanag. Na hindi manlang niya sinabi na mali ang mga narinig ko. Na hindi ako isang Jasmine the second lang... Na kaya siya naging malapit sa akin ay hindi dahil sa nakikita lang niya sa akin si Jasmine.

Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa dibdib ko na kailangan kong ilabas. Pero kahit na anong pilit kong subukan na ilabas ito ay wala akong ibang magawa kundi ang matahimik. Siguro ay dahil namuhay na akong kapag nasasaktan ay isinasarili ko na lang ang sakit dahil wala rin naman ang handang makinig...wala rin naman ang handang mamalasakit.

Nang makarating na kami ni Storm sa tapat ng bahay ay hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko dahilan para hindi pa ako makapasok sa loob. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin at sinuklian niya iyon ng isang malungkot na ngiti.

"Nasaktan ka ba dahil sa narinig mo?" tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Hindi naman ako dapat masaktan, hindi ba? Dahil umpisa pa lang, iyon na ang sinasabi niyo...na I remind everyone of Jasmine."

Napabuntong hininga siya at malungkot akong tinignan. "Summer..." tawag niya sa akin.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at binigyan siya ng malungkot na ngiti.

"Hindi ba't ganun ka rin? Kaya mo lang naman ako nagustuhan ay dahil parehas kami?"

Iniwas niya ang mukha niya at napayuko. Napabuntong hininga ako at napayuko din.

"And maybe that is what hurts me. That you never see me as I am. That you only liked me because I remind you all of Jasmine. That I am Jasmine the second. Not Summer Pascua. At ngayon ko lang narealize iyon... Dahil kay Thunder."

Natawa ako ng mapakla habang inaalala kung paano ako tinawag ng lalaki na iyon na Jasmine the second kanina.

"Siguro iyon ang dahilan kung kaya't nagpakita sa akin si Thunder. Para isampal sa akin na isa lang akong double. Isang alternative. Isang second option. Isang substitute."

"Summer..."

Napabuntong hininga ako at itinaas ang kamay ko upang pigilan siya sa pagsasalita.

"Storm, you're the only friend I have. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko na munang mapag-isa."

Tumango siya at malungkot na ngumiti. "Pero hindi mo naman tinatapos ang pagkakaibigan natin hindi ba?"

Sinuklian ko siya ng ngiti at saka tumango. "Paano ko naman gagawin iyon eh diba nga sabi ko, you're the only friend I have?"

Kaagad na nabuhayan ang itsura niya kaya tuluyan na akong nagpaalam sa kanya para pumasok sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay sumalubong kaagad sa akin ang ingay na nagmumula sa television.

"Oh, late ka na ata dumating." Bungad ni Papa sa akin na nakaupo sa sofa at nanunuod.

"Madami lang po akong pinagkaabalahan sa school." Sagot ko.

"Oh sige, magpalit kana at bumaba na para kumain."

Tumango ako at kaagad na umakyat ng kwarto para magpalit. Nang matapos na akong makapagpalit ay bababa na sana ako pero natigilan ako nang mapansin ang isang papel na nakapatong sa may kama ko. Nang malapitan ko ito ay kaagad akong nanginig nang mabasa ang nakalagay na pangalan kung kanino ito nanggaling.

Inikot ko ang tingin sa kwarto ko upang tignan kung narito pa siya o kung paano nakapasok ang papel na ito rito. Lumapit ako sa may bintana ko at nakitang hindi ito nakalock. Napakagat ako sa labi ko at muling ibinalik ang tingin sa papel na hawak-hawak ko. Binasa kong muli ang pangalan na nakalagay rito at katulad kanina ay ganoon pa rin ang epekto nito sa akin kahit na pangalawang beses ko na itong babasahin.

Thunder.

Galing ang papel kay Thunder. Kung galing ito sa kanya ay ibigsabihin ay nakaakyat siya dito sa kwarto ko at inilagay niya ito sa kama ko. Hindi ako makapaniwala. Ang hirap paniwalaan na alam niya kung saan ako nakatira at kung saan pa mismo ang kwarto ko.

Nanginginig kong binuklat ang nakatuping papel na may nakalagay na pangalan niya at nang sandaling mabasa ko ang mensaheng nakapaloob roon ay kaagad akong napatakbo pababa ng sala.

"P-Pa! Nasaan si Sam?!" Nagpapanic na tanong ko.

"Ay oo nga pala! Nagpaalam ang batang iyon na maglalaro sa Plaza. Sunduin mo na nga iyon at maghapun—"

Hindi ko na pinatapos pa si Papa at kaagad na tumakbo palabas. Pagkalabas ko ay nagulat ako nang maabutan si Storm.

"Oh, Summer. Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya at kaagad na lumapit sa akin.

"Ano pang ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko.

"Nagmamatyag ako at binabantayan ka." Mabilis na sagot niya.

Napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Well, hindi kasi ugali ni Thunder ang umalis ng walang pinsalang nagagawa. Sinisigurado ko lang na hindi ka niya guguluhin."

Napasabunot ako sa sarili ko nang marinig ang sagot niya.

"Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

Napakapit ako sa kanya nang maramdamang matutumba na ako dahil sa panginginig ng tuhod ko.

"Storm, samahan mo ko, please... Sa Plaza. Samahan mo ko sa Plaza. Please... Please.."

Natulala siya sa mukha ko nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"Oo, Summer. Sasamahan kita kahit saan pa. Tara na." Saad niya at inalalayan akong tumakbo papunta sa Plaza.

Habang tumatakbo kami ay wala akong ibang maramdaman kundi takot para sa kapatid ko habang inaalala kung ano ang nakasulat sa papel.

'Your brother is cute and annoying. Rest assured that he's safe.'

God, he's just twelve!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

697K 22.4K 49
Even the scariest girl in the world has her own love story.
352K 16.1K 68
"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na an...
627K 9.3K 52
FYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before...
1.8M 23.4K 50
Abangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...